NAKATAYO si Ensley sa harap ng dalampasigan habang nakatanaw ito sa pag akyat ng araw sa malawak na kalangitan.
Maganda ang panahon ngayon, kahit may araw na hindi pa rin ganoon kainit sa balat ang sinag ng araw.Kagabi, nakausap niya ang dalawa niyang kuya. Sinabi nang kanyang kuya Logan na mga bandang tanghali pa ito makakauwi ngayong araw at ang kaniyang kuya Levi naman ay susunod pag katapos ng tatlong araw.HABANG nag pupunas ng lamesa si Ensley sa kanilang restaurant nang bandang tanghali, nagulat si Ensley nang may mag lapag ng echeveria plant sa lamesa na pinupunasan niya at napahinto na lang siya sa pag punas at inangat ang kaniyang ulo para alamin kung sino ang nag lapag ng halaman sa lamesa.Nakangiti ng malaki si Logan sa bunso nila habang nakatitig ito kay Ensley, napatawa na lang si Logan dahil sa pag laki ng mata ni Ensley sa gulat nang mapag tanto na ang kaniyang kuya Logan ang nag lapag ng echeveria plant sa lamesa.Nang makabawi sa gulat si Ensley ay agad niya ito h******n ng yakap at ganoon din si Logan habang tumatawa pa ito. "KUYA LOGAAN!" masayang bati ng dalaga."Namiss namin ng mommy nyo na makita kayo nang ganyan ulit" sabi ng tatay nila Ensley at Logan. Nasa gilid nila ang kanilang magulang habang masaya na pinag mamasdan ang mag kapatid.Niyakap ulit ni Logan ang kaniyang mga magulang dahil ang tagal din ng huli sila mag kita. Kung aalalahanin niya, noong Disyembre pa ata ang huli at ngayon ay Abril na.Kaya naiintindihan ni Logan ang bunsong kapatid kung bakit ganoon ito umakto. Tatlong buwan din sila hindi nag kita.Tinigil na nila ang kanilang mini gathering dahil baka nakaka istorbo na sila sa mga kumakain doon sa resto.Sa kabilang banda naman ay may grupo na may dalawang lalaki at isang babae ang kumakain ng tanghalian sa kanilang resto habang tinitigan ang pamilya nila Ensley."Ow, they're siblings pala. Ang sweet ng kuya niya ha!" sabi ng babae habang tinitigan ang dalawang mag kapatid."Xavier? Are you not going to order?" tanong ng kaibigan niya na lalaki. Kanina pa nag aantay ang waiter na si Kennedy sa orders nang mag kakaibigan. Binalik na ni Xavier ang tingin sa kaibigan, "I'll have what you get, Gavin." sagot nito sa kaibigan.Madami ngayon ang kumakain sa Paraiso, ang iba ay puro mag kakapamilya. "Ensley, patulong naman mag serve sa table 5" sabi ni Kennedy."Sige lang, Kuya. Ready na ba yung kanila?" sagot at tanong ni Ensley kay Kennedy."Oo, nasa counter na" sagot ng lalaki.Nauna na si Kennedy sa pag serve nang order ng table 5, tinitigan ni Ensley ito at kinuha na ang kasamang order at sumunod na ito sa table 5.Inilapag na ni Ensley ang kanilang order "Enjoy yo-" mag papaalam na sana siya nang mapatingin siya sa isang customer na lalaki. Nakatitig din ito sa kaniya at parang pamilyar ang mukha nito kaso hindi niya lang matandaan kung saan niya ito nakita."Ehem" pag ubo kunwari ng isang kaibigan na lalaki nito. Hindi napansin ni Ensley napatagal pala ang kanilang titigan, umiwas agad siya ng tingin dito."Enjoy your meals." sabi ni Ensley sa mga ito habang nakangiti at alis sa table na yon.Pag pasok ni Ensley sa kusina napa buntong hininga na lang ito, napansin naman siya ni Lucas. "Bakit? Ano nangyari?" tanong ni Lucas kay Ensley.Tinitigan muna ni Ensley si Lucas bago siya sumagot ng "Wala." habang tumawa ng peke. Tinulak na ni Ensley si Lucas patalikod para makabalik ito sa ginagawa nito.Masyado naging busy ang resto kaya hindi na napansin ni Ensley ang oras, tapos na rin ang kaniyang shift. Lalabas na lang muna siya sa hardin ng kanilang resto sa unahan para mag pakain ng goldfish niya at mag dilig na rin. Habang inaantay si Lucas matapos sa ginagawa nito, tapos na rin ang shift nito kaso may kailangan pa siya asikasuhin.Ang kaniyang kuya ay nasa kwarto nito para mag pahinga. Nalaman niya rin na tutulong ito rito sa kanilang resto lalo na ang kurso ng kaniyang kapatid ay culinary at nasa tatlong taon na ito sa kolehiyo sa pasukan.Lalabas na sana siya sa kusina nang mapansin niya ang kaninang lalaki na pinagtitigan niya ay naroon pa rin sa pwesto nito at nang tiningnan niya ang lamaesa nito ay may milkshake sa gilid nito na wala pang bawas at siya na lang mag isa sa lamesa at wala na ang mga kaibigan nito.Bago siya makalabas ay madadaan niya muna ito, hindi niya alam kung bakit nahihiya siya rito, dahil ba nakipagtitigan siya rito ng matagal kanina o dahil hindi niya mawari ang nararamdaman. Nang makatapat siya sa lamesa nito, tutuloy na sana siya palabas ng bigla ito mag salita "Ah! E-excuse me." tawag nito sa kaniya.Hindi na niya shift kaya dapat hindi na siya makikipag-usap sa isang customer, isip ni Ensley sa sarili kahit kadalasan kinakausap niya pa rin ang mga customers dito kahit hindi na niya shift pero iba ngayon dahil iba ang nararamdaman niya at nahihiya talaga siya at kaylan pa siya nahiya, sigaw niya sa sarili.Lumingon si Ensley kay Xavier, at napahinto na naman siya at napatitig sa mga mata nito. Ang ganda ng mga mata ng lalaki, may kulay brown itong mata at may mahaba itong pilik mata. Meron din itong freckles sa dalawang bahagi ng pisngi."Can I get the reciept of my order?" sabi ng lalaki. Sasabihan niya sana ito na tapos na ang kaniyang shift pero hindi siya pwedeng humindi, sa totoo lang pwede niya iutos sa iba ang pag kuha ng reciept nito kaso hindi na lang niya ginawa at nag decide na siya na lang."Okay, Sir. Please wait here" balik na sabi niya kay Xavier.Pumunta si Ensley sa counter at kinuha ang resibo nang lalaki. Pag katapos niya makuha ay bumalik na ito sa table 5 kung asaan naka-upo ang lalaki."Here's your reciept, Sir." Bigay niya sa lalaki habang naka ngiti ito. Inaantay niya ang lalaki mag bayad pero hindi niya alam kung bakit nakatitig lang ito sa resibo."Sir, may problema po ba?" tanong ni Ensley sa lalaki. "Wala, but- " pabitin na sabi ni Xavier. Inaantay lang ni Ensley ang sasabihin ng lalaki at nakatitig lang siya rito. Susulitin na lang niya titigan ang lalaki, sabi niya sa sarili."I have a question for you" patuloy ng lalaki sa tanong niya. "Po?" gulat na tanong ni Ensley."I've been seeing you twice already sa dalampasigan and I wonder-" napakunot na nang noo si Ensley sa pinag sasabi ng lalaki."What do you mean?" straight forward na sagot ni Ensley dahil medyo naiinis na siya. Kung walang pang bayad ang lalaki dapat sinasabi na lang niya agad, hindi yung ang dami pa sinasabi. Reklamo ni Ensley sa sarili."I wonder what you are thinking? You're smiling but your eyes seemed sad" tuluyan na sabi ng lalaki. Nabigla si Ensley at hindi agad naka-react sa sinabi ng lalaki.Nang makabawi sa gulat si Ensley, tinitigan niya ang lalaki kung pinag titripan lang ba siya nito."You're joking, right?" tanong ni Ensley sa lalaki."Of course not, why would I?" Patanong na sagot ng lalaki."You know what? Whatever! Just.. wag mo na nga bayaran yan. That's on me na." Inis na sabi ni Ensley."Dapat sinabi mo agad na wala kang pang bayad, anu-ano pa sinabi mo." Bulong ni Ensley sa sarili.Ngunit narinig ito ni Xavier, hindi mapigilan tumawa ng lalaki sa naging reaction ni Ensley. Tiningnan naman siya ni Ensley ng masama at nang mapansin na umuusok na sa inis ang babae ay tumigil na rin siya. "I'm sorry, I didn't mean that way and may pang bayad ako. Kung gusto mo ako na lang manlilibre sayo" paumanhin at preskong sabi ng lalaki."Argh! Nakakainis ka!" Inis na sabi ni Ensley at balak na sana mag walk out ng dalaga, pero napatigil ito nang lumapit si Lucas sa kanila at nag tanong kung anong problema "Wala, walang problema. I just want to ask her to go out with me" ngiting sabi ni Xavier kay Lucas na ikina-gulat ni Ensley at Lucas.Napalingon agad si Ensley sa lalaki. "Paki-ulit nga yung sinabi mo? Parang nabingi ako" pag sisigurado ni Ensley. Si Lucas naman ay nagtataka sa dalawa, "I'm asking you out" nakatingin ito sa mga mata nag dalaga habang nag sasalita. "No" singit ni Lucas sa dalawa. "Wait? Is he your boyfriend?" Tanong ni Xavier kay Ensley. "No, we're just friends" sagot ng dalaga "pero hindi ayon yung point dito, you don't even know my name and you're asking me out already?" Takang tanong ni Ensley."I'm just asking for friendly date, it seems like you need someone to talk to. So, here I am volunteering myself." Mahabang paliwang ni Xavier kay Ensley. "I'm sorry but I can't accept your offer and don't worry, I'm okay." Maayos na sagot ni Ensley dahil ayaw na rin niya sumagot pa. "And if you excuse us, salamat." Paalam ni Ensley.Hinila na rin ni Ensley si Lucas palabas ng kanilang resto. "What's that?" Usisa ni Lucas. "Nothing, wag mo na isipin yon" sagot ni Ensley. Napahinto ang dalaga at humarap sa binata."Pero wala na akong gana gumala kaso ayoko naman bumalik sa loob, siguradong andon pa rin yung lalaki." Reklamo ni Ensley sa kaibigan. "Gusto mo ng ice cream?" Pag-iiba ni Lucas ng topic at ngumiti ito sa kaibigan. "Ayan yung gusto ko sayo, basta libre mo ha!" Pag lalambing ni Ensley kay Lucas. "Ano pa nga ba" patawang sagot ni Lucas.Hindi na pinasama ni Ensley si Lucas sa dalampasigan para kasi sa kaniya lang ito, kumbaga alone time niya at especial ito sa kaniya. Madilim na ngayon at kanina pa bumaba ang araw ngunit kinakabahan pa rin siya bumalik sa kanila.Paano kung andoon pa rin ang lalaki. Gwapo sana ito kaso parang may saltik naman.Mga ilang minuto ay naisipan na niya bumalik na sa kanilang resto. Pag pasok niya sa loob ng Paraiso, laking gulat niya ng andoon pa rin ang lalaki sa loob at nasa counter ito habang kinakausap ang kaniyang ina. KINAKAUSAP NITO ANG KANIYANG INA. Dali-dali lumapit si Ensley sa mga ito, "ehem" umubo siya nang kunwari. Lumingon naman si Xavier sa kaniya habang may ngiti sa labi."Umalis ka na kanina kaya sa Mommy mo na lang ako nag paalam at pumayag siya." Masayang sabi nito sa kaniya. "WHAT? MA?" Gulat na tanong ni Ensley. "Ayoko and hindi nga natin kilala yan, paano kung murderer pala siya? Paano na ang anak niyo?" Pag mamaktol at pag papaawa ng anak sa kaniyang ina. "Aray naman, andito lang ako Ens" kunwari na saktan ang damdamin ni Xavier sa sinabi ni Ensley."Paano mo nalaman ang pangalan ko? Nevermind, alam ko na kung paano but still no." Sagot niya rito "Anak, gusto niya lang makipag-kaibigan sayo. Madalas ka raw niya makita sa dalampasigan na mag-isa kaya gusto ka niya samahan tuwing napunta ka sa dalampasigan" mahabang paliwanag sa kaniya ng kaniyang nanay. "Ma, alam niyo naman po na ayoko may kasama kapag napunta ako sa dalampasigan" paalala ni Ensley sa ina."Nakalimutan ko yan, anak pero kahit na para hindi ako nag-aalala sayo" sabi ni Mila sa anak. Tinitigan ni Ensley ang kaniyang ina, seryoso nga ito at nag-aalala sa kaniya kaya wala na siya magawa dahil ayaw niya na di-disappoint ang kaniyang magulang kaya kahit ayaw niya ay pumayag na siya."Okay po" pag suko ni Ensley sa ina. Tinitigan niya si Xavier. "Ensley Ignacio" pakilala niya sa sarili at inabot ang kamay sa binata "Xavier Anderson" pabalik na pakilala ng binata habang nakangiti ito rito at inabot ang kamay ng dalaga.Biglang may ibang naramdaman ang dalaga nang hawakan ni Xavier ang kamay niya, kaya dali-dali niya ito tinanggal at bumaling sa ina "Ma, uwi na po ako" paalam ni Ensley sa inay. Aalis na sana siya nang maalala niya si Xavier. "Ah! Bukas na lang ng umaga sa dalampasigan, kung gusto mo pa rin. Mauna na ako" pag papaalala niya sa binata at nag paalam na siya "Of course, good night Ens" sagot ng binata sa kaniya habang hindi mawala-wala ang ngiti nito sa kaniya. Tinitigan lang ito ni Ensley at ngumiti ng pilit.PAGBUKAS ni Ensley ng pintuan sa kusina ng resto, nagulat na lang siya nang nakaupo sa counter si Xavier habang kausap ang ate Quinn niya. Nang mapansin ni Xavier si Ensley, na palabas na nang counter dali-dali siya nag paalam kay Quinn at kinuha ang coffee na inorder niya para kay Ensley."Ens, wait!" tawag ni Xavier, at huminto naman si Ensley pero hindi pa rin ito humaharap sa binata. Inaantay niya lang ito makalapit sa kaniya. "Good morning, I bought you coffee" bati at abot ni Xavier ng kape kay Ensley. Tinitigan mo na siya ni Ensley at bumati pabalik ng "Morning" at binaling ang tingin sa kape na bitbit ng binata "I don't drink coffee, sorry" sagot ni Ensley. "Oww, sayang" disappointed na sabi ni Xavier. "Ays, akin na nga" frustrated na pag kuha ni Ensley sa kape dahil ayaw niya may nasasayang na pag-kain or inumin.Nag lalakad na sila palabas ng resto, "I thought sabi mo hindi ka nainom ng kape?" Magulo na tanong ng binata. "Ayoko may nasasayang na pag kain at inumin" fl
DUMIRETSO si Ensley sa labas, bitbit ang isang galon na vanilla ice cream at pumunta siya sa counter, para doon kainin ang ice cream na kinuha niya dahil pinag ti-tripan na naman siya ng mga tao sa loob ng kusina. Nakita niya si Xavier kasama na nito ang mga kaibigan niya, at lima na sila. Hindi na lang niya ito pinansin at umupo na siya sa mataas na umupuan sa counter nila, para simulan na ang pag kain ng vanilla ice cream niya. Lumabas na rin si Lucas sa kusina at tinitigan siya nito at tumawa ng saglit. Tinarayan niya ulit ito, hindi na niya pinansin at kinain na ulit ang ice cream. Nang may mag salita sa likuran niya. "Kakainin mo yan lahat? Tataba ka na naman niyan." Pang-asar ni Lucas sa kaibigan. Hindi pinansin ni Ensley si Lucas. "Aray naman, kanina ako yung nag tatampo ah, ang bilis naman bumaliktad." Pang konsensya na sabi ni Lucas sa kaibigan. Sinundot-sundot naman ni Lucas ang tagiliran ni Ensley na mas lalong kinainisan ang dalaga. "Isang sundot mo pa, mata mo na ang
NAISIP nina Xavier at Ensley na mag lakad-lakad sa tabing dagat habang tinatanaw ang pag akyat ng araw. "Tuwing pinapanuod ko ang araw na umakyat, palagi lang ako nakaharap dito at naka-upo sa buhangin. Hindi ko naisip na maganda rin pala mag lakad-lakad." Kwento ni Ensley kay Xavier. Masaya naman na nakikinig si Xavier sa kwento ng dalaga. Nasabi na rin sa kaniya ng dalaga na mamayang gabi na ang uwi ng isa pa nitong kuya. "Gagawa ako ng oreo macarons para kay kuya Levi mamaya, peace offering kumbaga. Nabasag ko kasi yung frame niya na bigay ni ate Aria, yung girl friend niya—." Kwento pa nito kay Xavier. Matimtim naman nakikinig ang binata. "Pwede rin kita gawan kung gusto mo?" Tanong ni Ensley kay Xavier sabay tingin dito, at mali ang ginawa niya dahil nakatitig na rin ito sa kaniya.Bumilis na naman ang tibok ng puso ni Ensley, napaiwas na lang siya rito. "Pero wag na lang pala, hindi pala ako magaling mag luto." Bawi ni Ensley sa sinabi at nauna mag lakad habang pinag lalarua
NASA dining area ang mag anak na Ignacio para mag salu-salo sa kanilang gabihan. Ngayon na lang ulit kumain ng buo ang mga ito, lalo na kakarating lang ni Levi galing Centro. Naka-upo sa mag kabilang dulo ang kanilang ina at ama. Habang pinag gigitnaan naman nila Levi at Logan ang kanilang bunso na si Ensley. Nasa kabilang bahagi naman si Xavier na mag isa lang naka-upo, kaharap ang mag kakapatid. Tahimik lang ang lahat at pinapakiramdaman ang bawat isa, habang nakatingin ang buong pamilyang Ignacio kay Xavier. Para itong ini-imbistegahan sa akto ng mga kuya ni Ensley at ang mga magulang nila ang taga-monitor. Hindi na kinakaya ni Ensley ang tensyon sa buong paligid, hindi na rin niya magawa tumingin ng diretso kay Xavier sa hiya.Ngunit si Xavier ay hindi man lang makitaan na kinakabahan ito, sa tutuusin naka-ngiti pa ito sa mga kapatid niya."Kuya Levi, nasabi ko na ba sayo na ginawan kita ng oreo macarons?" Pag iiba ni Ensley para hindi na kay Xavier naka focus ang mga ito. Ti
SAKSI ang malawak na kalangitan at karagatan sa dalawang tao na magkahawak ang kamay at unti-unti nahuhulog sa isa't isa na hindi nila namamalayan.Napatingin si Ensley sa kamay nila na magkahawak, mabilis din ang tibok nang puso ng dalaga. Kung maririnig lang ni Xavier ang kaniyang puso ay baka isipin nito na may sakit ito. Nagulat ang dalaga ng tumingin sa kaniya si Xavier at mas lalong bumilis ang tibok ng puso ni Ensley. Nangungusap ang mga mata nito. Hawak pa rin nito ang kaniyang kamay, at hindi niya namalayan na papalapit na ang mukha ni Xavier sa kaniya. Kinakabahan siya sa susunod na mangyayari at hindi rin siya makapag-intay sa gagawin nito. Hinawakan ni Xavier ang kaliwang pisngi ni Ensley habang nakatitig pa rin ang dalawa sa isa't isa. Binitawan ni Xavier ang pagkahawak sa kanang kamay ni Ensley at pinalit sa pag hawak sa baywang ng dalaga para mas lalo mapalapit ang dalawa sa bawat isa, nagulat si Ensley sa ginawa ng binata at nginitian lang siya ni Xavier. Aalis n
P R E S E N TMARAMING tao sa loob ng malaking pasilyo na pinag-darausan ng pagtatapos ng mga estudyante sa kanilang huling baitang sa high school. May mga estudyante na naka suot ng puting toga, magulang na naka-suot nang magarbo para sa okasyon nang kanilang mga anak.Sa harap nang kanilang eskwelahan, maraming mga kapamilya ang nag sama-sama para sa iisang kaganapan ngayon. Makikita sa mga ito ang saya dahil naka pag tapos na ang kanilang mga anak at sa susunod ay sasabak na ang mga ito sa bagong yugto nang kanilang buhay, ang kolehiyo. Lumapit si Ensley sa kaniyang mga magulang para yumakap at humalik sa mga pisngi nito. "Congratulations, anak. Proud kami ng papa mo at ng mga kuya mo sayo" sabi ni Mila sa anak habang nakayakap."Thank you, Mom and Pa!" At humalik sa pisngi ng ina at ama."Bunso, congrats!" Parang bata na sabi ni Logan sa kapatid na babae. "Congrats, bunso!" Sabi naman ng kaniyang kuya Levi na naka-ngiti sa kaniya at hinalikan ang pisngi nito.Nasa likod naman
INAAYOS ni Ensley ang gamit niya at nakapag-ayos na rin ito ng sarili. Tumawag na kanina si Parker, malapit na raw ito sa tinutuluyan niya at tatawag na lang ulit.Nasanay si Ensley na palaging sinusuot ay isang dress or bestida sa Costa, pero ngayon nakasuot siya ng isang high waist na pantalon at maiksing puting blouse na sinuotan nang isang gucci half loafers. "Hello?" Pag kasagot ni Ensley sa kabilang linya. "Nasa baba na ako, ano yung hotel room mo?" Tanong nito sa dalaga. "Ha? Ako na lang baba diyan. Pinababa ko na yung maleta ko diyan, intayin mo na lang ako sa lounge ng hotel." Sagot ni Ensley at hindi na niya inantay sumagot si Parker at pinatay na niya ang telepono.Nasa elevator siya nang maalala na hindi niya pala alam ang itsura nito, kaya tatawagan na lang niya ito mamaya kapag nakababa na siya. Habang nag lalakad si Ensley papunta sa lounge ng hotel ay dina-dial na rin niya ang contact number ni Parker."Alam kong tatawag ka" sagot ng kabilang linya na tumawa pa. "A-a
NAKATAYO lang si Ensley habang nakatitig sa lalaking tinawag ni Parker na Dior. Hindi siya makapaniwala sa nangyayari sa kaniya, malalagot talaga siya kapag nalaman ng mga magulang niya ito at ng mga kuya niya.Alam niyang madami pa siyang oras para mag isip pero hindi niya pwede sabihin sa mga ito na naubusan siya ng slot sa dormitoryo at ngayon ay nasa bahay siya ng isang lalaki na hindi niya kilala.Hindi niya pwede ma-disappoint ang mga kuya niya at lalo na ang mga magulang niya. Nag sisimula pa lang siya maging independent sa sarili. "Hey!" Tawag sa kaniya ni Dior pero hindi niya ito pinapansin dahil marami ang tumatakbo sa isipan niya. "Hindi ko pwede ma-disappoint sila Mama." Wala sa sariling sabi ni Ensley kay Dior. Hindi alam ni Dior ang gagawin kay Ensley lalo na mukhang nag sisimula na ito mag panic dahil sa naging sitwasyon nito. Malilintikan talaga si Parker kapag nakita niya ito, sabi ni Dior sa sarili. "You can stay here." Walang gana na sabi ng binata kay Ensley a
D I O R M O O R ESA APAT na sulok ng silid ay maririnig ang tunog ng isang classical song na "La vie en rose" by Edith Piaf. Tumutugtog ito sa isang retro vinyl record player stereo habang si Dior ay busy sa pag pinta sa gitnang bahagi ng silid. Palagi siya nag papatugtog sa tuwing nag pipinta siya. Maraming nakakalat na kagamitan para sa pag pipinta niya at maraming mga canvas rin ang naka display sa dingding at sa sahig. Sa isang banda naman ay may isang cabinet, kung saan nakalagay ang mga vinyl records ng binata. Sa katunayan ay hindi niya talaga gusto maging sunod na mag papatakbo ng kanilang kompanya. Para sa kaniya ay hindi siya para roon. Ngunit wala siyang magagawa dahil sa kaniya umaasa ang ama niya at isa pa ay masyado pa rin bata si Riley para sa ganoong bagay. Pagkatapos nang kaarawan ng dalaga ay hindi ito umuwi sa bahay ni Dior dahil tuwing weekend ay sa kapatid nito ito natuloy. Araw ng linggo. At kanina pa siya rito nakaupo at nag pipinta. Pumunta kahapon ang
T H R E E Y E A R S A F T E RHABANG hawak ni Ensley sa kamay ang palumpon ng boho flowers ay pinag-masdan niya ang buong paligid. Maraming bisita ang makikita, mga pamilya at mga kaibigan. Kita sa mga mata at ngiti ng mga ito ang saya. Nakasuot ang mga ito ng magagarang kasuotan para sa okasyon ngayon. Kasalukuyan din sila nasa isang kagubatan. Dito naisipan ganapin ang importante na okasyon ngayon.Binaling niya ang tingin sa lalaki nasa unahan. Masaya itong naka tingin at makikita sa mga mata nito kung gaano nito inantay ang araw na ito, kahit siya ay hindi na rin mapigilan na ngumiti at maluha sa nakikita sa unahan. Sa tinagal nang pag iintay nila ay ngayon ay mag iisang loob na ang dalawang matalik nilang kaibigan na sina Xavier at Zoey.Naka-suot siya ngayon ng isang kulay kayumanggi na mahabang velvet gown. May slit din ito sa gilid at short sleeve ang gown na may mahabang v cut sa dibdib. Tumuloy na siya sa pag lakad sa aisle. Kahit hindi siya ang ikakasal ay kinakabahan
BINALINGAN niya ang paningin ng umusog si Dior sa tabi niya. Nasa dining area sila ngayon nag gagabihan. Kasama rin nila sina Mikee at Kevin sa hapag. Kanina ay nag pababa si Chloe malapit na Mall at may kikitain pa raw ito. Kanina niya pa rin naririnig nag kukwentuhan ang mga ito. Habang siya ay tahimik lang nakikinig sa mga ito at sumasagot kapag tinatanong siya. "Penny for your thoughts?" Tanong ni Dior sa kaniya na kina-ilinganan niya lang.Sa totoo lang ay naiinis siya sa sarili niya dahil nag seselos siya kay Mikee. Kinu-kompare niya ang sarili rito.Mukha na kasi itong may maibubuga sa buhay. Maganda, matalino at may trabaho na. Natatakot siya na baka bumaling ang atensyon ng kasintahan dito lalo na sobrang angat ito sa kaniya. MAY party na ginaganap sa company nila Dior. Andito sila ngayon sa hotel dahil dito gaganapin ang celebration sa pag managed ng binata sa branch sa States dahil naging successful ang naging deal nito sa isang kilalang company. Kasama sina Mikee at
SA DALAWANG buwan ni Dior sa US ay umuwi rin si Ensley sa Costa para bumisita sa mga magulang niya at hindi niya kasama ang mga kapatid. Umupo si Ensley sa lamesa malapit sa bintana ng resto at inilapag din roon ang laptop at kaniyang libro. 11:30 ng umaga sa kaniya habang 10:30 pm naman kala Dior. Pinag patuloy niya muna ang pag babasa habang inaantay ang binata na tumawag sa kaniya. Umaangat ang kaniyang ulo ng mag lapag ng plato na may pag kain si Lucas sa lamesa niya. "Lunch mo, Ens." "Thanks, Lucas." Tinanguhan lang siya nito bago bumalik sa kusina. Pagkaalis ni Lucas ay doon din ang pag tunog ng laptop niya. Nilingon niya ito at nakita na tumatawag na si Dior sa kaniya. May ngiti sa labi na inaccept niya ang tawag nito. "Good evening, Mr. Dior Moore." Bati niya sa binata na kina-ngiti rin nito. Kita sa mukha nito ang pagod pero nagagawa pa rin nito ngumiti sa kaniya. "Good evening, Misis Moore." Balik na bati ng binata sa kaniya na kina-bigla niya. Tumawa ng mahina si D
ILANG araw na umiiwas si Ensley kay Dior. Alam niyang mali ang pinag gagawa niya pero hindi niya talaga kayang harapin si Dior lalo na na-giguilty din siya sa mga naging desisyon niya rito. Baka nga nag tatampo rin ito sa kaniya. University at bahay lang siya nag lalagi. Kapag tinatanong siya ni Chloe ay palagi niya nililihis ang usapan at sa tuwing nakikita niya si Dior ay mabilis siya umaalis para hindi sila mag tagpo. Hindi rin naman siya nito tine-text o tinatawagan. Ganoon din ang ginagawa niya rito. Nag taklob siya agad ng kumot nang marinig ang pag katok ng kapatid niya sa pinto ng kwarto niya. Narinig niya ang unti-onti nitong pag bukas ng pinto at mga yapak nito patungo sa kama niya."I know, you're awake Ensley." Bumuntong hininga muna siya bago niya tinanggal ang kumot sa pag kakataklob sa buong mukha niya. Nakita niya ang kuya Levi niya nakatayo sa gilid ng kama niya. "Kuya, hindi ako gutom." Pag rarason niya sa kapatid."We'll wait you downstairs in 5." Maotoridad na
PAREHAS na hindi makabasag pinggan habang nanunuod ang mag kasintahan sa loob ng sinehan. Si Ensley ay may hawak na popcorn at kina-kain ito habang tahimik nanunuod at patuloy na umaandar ang palabas sa unahan na pinamagatan na "Harley Quinn: Birds of Prey." Si Dior naman ay tahimik lang din nakatutok sa pinapanuod. "You want popcorn?" Alanganin na tanong ng dalaga rito ngunit tumanggi na kumuha si Dior sa popcorn na kina-kain niya. Binalik na lang ulit niya ang tingin sa unahan at inubos ang kina-kain. Nang matapos ang palabas ay lumabas na sila ng sinehan, kumapit siya sa braso ng binata at tinitigan ito. "Gutom na ako, sa Jollibee na lang tayo kumain, ha?" "Okay." Simpleng saad ni Dior sa dalaga na hindi niya mawari kung bakit kanina pa ito walang gana. Ito naman ang nag yaya na lumabas sila pero kanina pa itong walang imik sa kaniya. Tumango siya at ngumiti rito. Nag patuloy na sila papunta sa Jollibee para roon kumain. "Gusto ko ng fried chicken, spaghetti at burger. Gusto
KAHAPON ng tanghali bumalik sina Dior sa Centro. Nangako kasi ito na babalik sa pasko para sa kapatid na si Riley. Nilagay niya rin sa list na bisitahin ang kapatid nito pag bumalik na siya sa Centro. Napa-ngiti siya nang binalik niya ang atensyon sa mga gold fish niya na maligalig na lumalangoy sa pond nila sa resto. Katapos niya lang bigyan ng pagkain ang mga ito.May isang linggo na lang sila at pagkatapos ng new year ay babalik na ulit sila sa Centro. Pagkatapos mag pakain at mag dilig din ng mga halaman ay bumalik na siya sa loob ng resto. "Ens! Naninibago pa rin ako nandito ka." Saad ni Quinn, tumawa naman siya rito at pagkatapos ay pumasok na sa loob ng kusina. Gusto niya kasi matuto mag luto, sabi ng kuya Logan niya at ni Lucas ay tuturuan siya ng mga ito. Nang makita si Nora ay binati niya ito nasa gilid, gumagawa ito ng beverage pagkatapos ay nag tungo na siya kala Lucas at Logan. May ine-experiment ang mga ito na pwedeng maging bagong recipe ng resto. Sa mga sumunod
SA ILANG araw na pamamalagi nila rito sa Costa ay madalas na pumupuslit si Dior sa kwarto niya pero katulad nung nakaraang gabi ay hindi na niya ito hinayaan. Hanggang yakap lang ang nagagawa nito at matulog sa tabi niya.Nailang kasi siya nang pag kagising niya kinabukasan dahil hindi mapigilan ni Parker na ngumiti sa kaniya nang nakakaloko. Ginising niya rin ito nang maaga para bumalik ito sa guest room, dahil hindi niya alam ang sasabihin sa magulang niya kapag nalaman ng mga ito, sa kwarto niya natutulog si Dior.Dalawang araw na lang at pasko na. Nalaman niya rin na bukas ay kaarawan ni Dior. Nagulat talaga siya nang malaman iyon dahil wala siyang katiting na idea na kaarawan nito bukas.Kahapon pa rin siya nag iisip kung ano ba ang pwedeng iregalo rito pero wala siyang maisip dahil lahat naman na ata ay meron na ito. "Alam ko na, sarili mo na lang." Suggestion ni Chloe sa kaniya. Andito sila ngayon sa loob ng kusina, tinutulungan nila si Nora at kasama rin nila si Zoey. "Bibi
NAGISING siya sa tunog ng kaniyang alarm clock. Katulad ng nakasanayan sa tuwing andito siya sa Costa. Nag set siya ng alarm clock kagabi bago matulog. Minulat niya ang mata at tinurn-off ang alarm clock niya. Maganda ang gising niya kaya nag tatalon muna siya saglit para mas lalo siya magising bago tumuloy na sa sarili niyang palikuran. Nang matapos siya ay dumiretso siya agad sa closet niya para kumuha ng damit dito. Nag suot siya ng isang one-piece bathing suit na may spaghetti strap na kulay sky blue at pinatungan niya ng high-waisted linen shorts na kulay itim. Para naman sa mukha niya ay nag sunscreen siya at liptint lang habang hinayaan niya lang nakalugay ang kaniyang buhok. Balak niya pumunta sa dalampasigan para abangan ang pag sikat ng araw. Nang makababa na siya ay naabutan niya ang pamilya niya, maliban kay Levi. "Good morning." Bati niya sa mga ito at lumapit para humalik sa pisngi ng mga ito. "I missed this." Saad ng ina niya habang may ngiti sa labi naka tingin sa