Share

Chapter 2

Author: HEARTMINION
last update Huling Na-update: 2021-08-16 09:46:57

Chapter 2 | Nervous

"Sure ka na ba talagang makikipagkita ka bukas? Bitch, halos isang buwan pa lang kayong nag-uusap," sabi sa akin ni Kurt, ang kaibigan kong bakla at kasama sa pagtitinda sa aming karindirya.

Nagpupunas ako ng mga lamesa nang sumagot, "Oo, bakit hindi? Hindi ba't mas magandang magkita na kami hangga't maaga pa? Saka I can feel that he's a nice guy. Pangalan pa lang, e."

Binigyan ako ng dudang mukha ni Kurt. "Bitch, anong pangalan niya? Jacob? Kadalasan kung sino pa ang galing sa Bible ang pangalan, sila pa mga demonyo," panunukso niya.

Tumawa ako, "Huwag kang mag-alala, mag-iingat ako. Kaloka," sabi ko.

"Bitch, alam kong mayaman iyang Jacob na 'yan at may pangarap sa buhay—"

"Hindi lang naman 'yan ang natipuhan ko sa kanya—"

"Alam ko pero sana alam mo rin ang ginagawa mo. Kagagaling mo lang sa isang malupitang break up kay Arist tapos wala pang isang buwan after ninyong mag-break may ini-entertain ka na agad—"

"Hindi naman to seryosohan tulad ng kay Arist. I'm just comfortable with Jacob. Hindi ko naman 'to minamadali," I assured him.

Dala-dala na ngayon ni Kurt ang dalawang bag of trashes na tila ba gusto niyang ibato sa akin upang matauhan. I smiled at him ngunit inirapan lamang ako. Tinapon niya ang mga ito sa malaking trash bin sa aming harapan upang makuha bukas ng umaga ng truck.

I continued cleaning other tables at nang bumalik siya ay nag-ayos naman ng mga upuan.

"Hindi naman sa pinagdududahan ko 'yang Jacob na 'yan pero sa 'yo ako nagdududa. Kay Arist pa lang, wrong choice ka na, e," iritadong bigkas ni Kurt.

"Lagi pa namang tumatama ang kutob ko. Ang bobo mo kasing kumilala ng tao," pang-iinsulto pa niya.

Tumawa na lamang ako at hindi iyon dinamdam. Nasanay na ako sa walang preno at pasmadong bibig ni Kurt kaya hindi na ako nao-offend tuwing sasabihan niya ako.

He was always honest kaya ganyan magsalita. Hindi mo rin masasabing nang-iinsulto lamang siya dahil gusto niya because his argument was on point and reasonable.

"Kung hindi ko naman magugustuhan ang personality ni Jacob in real life ay titigil na ako sa kanya—"

"And you think it's that easy? Mukha pa namang hayok sa 'yo 'yang Jacob. Katawagan mo everyday, every night, kahit tumatae ka pa! Hindi ako nas-sweet-an, e, naningilabot ako!" Kurt ranted.

Humalakhak na talaga ako dahil sa kanyang mukha. Gigil na gigil, tila ba masisira ang hawak niyang upuan.

"I find him really creepy! Kailangan bang alam niya lahat ng kilos mo? Magc-chef 'yan, 'di ba? Bakit parang magiging kriminal?" he hissed.

"Gaga ka! Gano'n talaga kapag interesado sa 'yo ang tao—"

"Na pati ako im-message niya kung anong ginagawa mo? Hindi ko nga sinagot at hinayaan kong mapraning, bayota siya," he hissed.

Tinawanan ko muli iyon habang sinosoli ang mga cleaning materials sa tamang lalagyan.

"Girl, alam kong babaero si Arist pero huwag ka namang gagaya!" sigaw ni Kurt.

"Paano ako naging tulad niya? I'm just entertaining Jacob because he's nice," sabi ko.

"Wala pang isang buwan, mayroon na agad? Daig mo pa 'yang ex mong hinahabol ka pa rin. Baka naman ginagamit mo lang si Jacob para—"

"Hoy, hindi ako ganyan," seryoso kong sabi.

"Or baka na-excite ka lang kay Jacob? I mean, you came out from a really toxic relationship tapos one night, nag-dating app ka at may nahanap na kalandian. Baka na-carried away lang 'yang feelings mo kay Jacob dahil sa way niyang magsalita and everything," dagdag ni Kurt na nagpatahimik sa akin.

"Hindi mo pa siguro ma-gets ang punto ko kasi masaya ka. Masaya ka ngayong naka-encounter ka ng taong nagpaparamdam sa 'yong importante ka. Ang payo ko lang, girl, don't immediately conclude na mabuti talaga 'yang si Jacob dahil hindi mo pa nakikilala. Ganyan rin ang nangyari sa 'yo kay Arist, remember that," payo ni Kurt.

"Si Arist ngang personal mong nakilala, nagkamali ka, e. Paano pa kaya kay Jacob na sa internet mo lang naka-usap? Mag-isip-isip ka rin, girl, huwag puro katangahan, ha. Masyado mo na sigurong napapasaya si Satanas dahil sa mga mali mong pagd-desisyon," dagdag pa ni Kurt.

I nodded at him dahil wala akong masabi. His words caught my mind na tila ba nagpagising sa akin mula sa isang mahimbing at payapang tulog.

***

Nagising ako sa malakas na pag-aalog sa aking katawan. Hinawi ko ang kamay ng kung sinomang gumigising sa akin dulot ng antok. 

"Ate, pupunta na si kuya Jacob rito para sunduin ka!" pangungulit ni Aphro na aking kinabangon.

"Ano? Paano mo nalaman?" I asked.

"Tumawag, ate. On the way na raw siya kaya mag-ayos ka na!" she informed me.

"Ang aga pa, ha? Bakit naman agad 'yon umalis?" wala sa sarili kong tanong.

"Malamang, hahanapin pa niya bahay natin," pamimilosopo ni Aphro na may bahid nga naman ng katotohanan.

Mabilis akong tumakbo patungong banyo at naligo. Mabuti na lamang at nahanda ko na ang susuotin kagabi, rason kung bakit late na akong nakatulog. Inisip ko rin kagabi ang mga salita ni Kurt kaya hindi ako agad nakapili ng damit para ngayong araw.

Hindi ko alam kung ilang minuto ako sa banyo ngunit nasisiguro kong ito na ang pinakamabilis kong ligo sa tala ng aking buhay. I didn't want Jacob to see me unprepared gayong maaga siyang pupunta.

Ang usapan namin ay 11AM ang alis at babalik ng bandang hapon. Ayaw kong magpagabi at hindi rin naman ako papayagan kung gagabihin.

Pupunta kami sa isang mall at doon igagasta ang buong oras. We would watch a movie na inabangan ko talagang ngayong taon.

At first, he wanted to pay for my ticket but I convinced him na kaya ko namang bumili no'n. Natagalan rin bago ko siya napilit roon ngunit sa huli ay pumayag rin. Sagot na lang daw niya ang pagkain.

My parents were aware of my dating life dahil hindi ako nags-sikreto. My mom was open about it but my dad was kind of strict, na-uuto lamang ni mama kaya hindi na rin masyadong nangingi-alam.

I did a light make up para hindi halatang wala akong sapat na tulog. I wore a white off-shoulder crop top, a cute checkered skirt and a pair of white low cut shoes. Siniguro ko talagang magmumukha akong tao sa unang beses naming pagkikita.

Isa't kalahating oras ang lumipas nang may narinig akong tao sa labas ng aming tahanan. Sa boses pa lang ay inisip ko ng siya iyon. Hindi ako nagkamali nang sumilip at nakita si Jacob pumasok dahil sa pagbukas ng gate ni mama.

Binati ni Jacob si mama at ganon rin ang ginawa ni mama. Pina-upo ni mama si Jacob sa terrace. Hindi naman gaanong mainit roon dahil maraming halaman sa aming paligid.

"Ian!" tawag sa akin ni mama mula baba. 

Mabuti na lamang at handa na rin ako sa pag-alis. I double checked my things at siniguradong walang nakalimutan.

"Papunta na ako, ma," sigaw ko pabalik.

Inayos ko ang aking sarili sa huling pagkakataon at ilang sandali lamang ay bumaba na rin.

I was nervous for some reasons. Pakiramdam ko ay maya-maya gagawa ako ng ikapapahiya ko sa sobrang kaba. Hindi ko na binagalan pa ang lakad kahit na kinakabahan dahil ayaw kong paghintayin ng matagal si Jacob.

There, I saw him genuinely smiling at my mother habang nag-uusap.

Jacob was way too far from Arist. Arist was tall, white, sakto lamang ang pangangatawan at may bahid ng misteryo ang mga mata.

Jacob was tall too but chubby, moreno and had a very cute smile. The only similarity of them was that they were both curly haired. I didn't know if that sas a coincidence or not. I didn' usually base at someone's physical appearance.

Nahagilap ako ng kanyang tingin at napatayo nang nakita ako. He was smiling widely na tila ba confident kahit na sa harap ng aking magulang. I sensed a bit of boast from the way he carries himself.

"Hi," bati niya.

"Hello!" Kumaway pa ako.

Hindi ko pa siya nilapitan dahil nga nabagabag ako sa kanyang presensya.

It was a bit off... but I tried to be optimistic. Maybe ngayon lang 'to since unang pagkikita pa lang namin.

Based from his words naman sa aming conversation, he sounded matured and really kind. Ganito lang talaga niya siguro dalhin ang sarili pero deep inside, sana, mabait. 

How I wished that this time I was right. I may not love or seriously like him in the future but at least, for now, let me be right.

"Saan kayong mall ba ulit?" mom asked.

"SM North lang po," si Jacob ang sumagot. 

Even the way he said po seemed sarcastic.

"Ganon ba? Hapon kayo uuwi hindi ba? Ihahatid mo pa ba siya rito o—"

"Ako na ma uuwi mag-isa," ako na ang sumagot.

Tiningnan nila akong dalawa at natahimik. Was my tone a bit whack?

"Ayaw kong gumastos pa siya na doble ang pamasahe," I reasoned kasi parang walang may gustong magsalita sa kanila.

Jacob's smile went back pero hindi ko alam kung tunay ba iyon o ano.

"Aalis na kami, ma," ako na ang nagpaalam.

"Oh, sige. Mag-iingat kayo. I-text mo ako, Mercian, kapag na sa mall na kayo," bilin ni mama na aking tinanguan.

Nauna na akong lumakad palayo sa aming terrace at binuksan ang saradong gate. I heard Jacob bidding my mother a good bye.

Sa pagkalutang ay natapilok ako dahil sa isang semento. Muntik na akong masugatan at tuluyang bumagsak sa lupa nang may humawak sa magkabila kong balikat. Napigilan nito ang aking pagbagsak.

"Oh! Hindi ka nag-iingat," Jacob worriedly said.

His hands felt disturbing and rough, halatang maraming ginagaw. Pinagsisisihan ko tuloy na ganitong damit ang aking sinuot.

I immediately composed myself nang nakatayo. I smiled at him para magpasalamat sa pagsalo.

I looked back at our house to see if my mom is still there. She was there but with my father, who was now looking at us—no, more like judging us.

Kinabahan ako roon sapagkat baka namali siya ng pagka-intindi sa nakita.

"Tara na," yaya ko ng tuluyan kay Jacob.

Kaugnay na kabanata

  • Lover of Mine   Chapter 3

    Chapter 3 | Last Sa aming paglabas ng gate ay nakatingin na sa amin ang halos lahat ng kamag-anak ko. They were busy bago kami lumabas ngunit ngayon ay kami na ang bida sa kanilang mga mata. High school ako noong lumipat kami sa tahanan nina lolo at lola upang alagaan ang dalawang matanda. Hindi ako sang-ayon noong una na kami ay lumipat dahil sa dinami-rami ng mga apo at anak nina lolo at lola, bakit kami pa na naninirahan sa malayo at maayos na lugar ang maga-adjust? I didn't like the idea of living in this place. Oo nga't kasama ko ang aking mga pinsan at ang mga kapatid ni mama but the environment itself was toxic. Their eyes were full of judgements. Halos marinig ko na ang

    Huling Na-update : 2021-10-23
  • Lover of Mine   Chapter 4

    Chapter 4 | Visit Kabado ako sa pag-uwi na tila ba ako pa ang may maling ginawa sa araw na ito. Hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin kung magtanong man sina mama at papa tungkol sa aking araw. Hapon nang naka-uwi ako sa aming tahanan. Dire-diretso ang aking lakad patungo sa aking kwarto na kahit si Aphro ay hindi ako napigilan. Tahimik ang bahay, tiyak kong na sa labas si mama at si papa naman ay umalis. Kumuha ako agad ng damit na pangbahay upang makapaglinis na ng sarili. Pumasok si Aphro sa aming kwarto habang nagtatanggal ako ng aking earrings. "Ang aga mo ate?" she started.

    Huling Na-update : 2021-10-23
  • Lover of Mine   Chapter 5

    Chapter 5 | Modern "Huwag ka namang ganyan, Ian," may pagmamaka-awa sa boses ni Arist. I scanned my ex boyfriend's face and tried looking for a reason why I even liked him in the first place. His eyes were full of sincerity but those won't fool me anymore. "Mag-usap tayo," paki-usap niya sa akin. I didn't say anything for seconds. I noticed some of our neighbors, which were my relatives, looking at us. "Sino 'yan, Ian?" one of my cousins asked. "Si Arist lang, mag-uusap daw kami," I answered blankly. "Huwag ka ng gumawa ng

    Huling Na-update : 2021-10-23
  • Lover of Mine   Chapter 6

    Chapter 6 | Watch"Ian, nabayaran ko na pala ng advance ang space mo kina Kurt hanggang January," imporma sa akin ng aking ina nang lumabas ako ng aking kuwarto."Sige, ma, salamat. Ano iyang ginagawa ninyo?" I asked right away as I noticed them doing something."Ito?" tinaas ng aking ina ang hawak niyang stick, "barbeque lang, kakainin mamayang gabihan."Tumango ako at tumungo sa aming banyo upang maglinis ng sarili. Grabe ang init kaninang tanghali, himala pa nga't nakatulog ako. Nagtagal ako sa banyo upang magbabad sa tubig. Hindi naman kalakihan ito ngunit sakto naman para sa dalawang tao. Kompleto rin ang aming mga kagamitan at maayos ang pagkadisenyo like the usual comfort rooms of a house.

    Huling Na-update : 2021-10-23
  • Lover of Mine   Chapter 7

    Chapter 7 | Sleep"Hoy, kanina ka pa lutang!" Puna sa akin ni Kurt na nagpagising sa akin.Tinampal pa ako ng bakla sa magkabilang pisngi. I stopped him when his hit kind of hurt."Gising ako, okay?""Pero iyang utak mo, kanina pa nalipad, hala ka!" he accused me.I painfully shut my eyes closed and tried bringing my senses back. Talaga naman, Mercian. I still hadn't recovered from the scene I watched earlier. Maga-alas otso na ngunit ang isipan ko ay tila naiwan kaninang tanghali."Bakit, anong nangyari?" Kurt asked me."You won't believe it," I said instead.

    Huling Na-update : 2021-10-23
  • Lover of Mine   Chapter 8

    Chapter 8 | Desire Kinain ko ang jolly hotdog habang wala si BJ. Hindi ko na inisip pang tumigil upang uminom o huminga, mabilis ko itong inubos upang maka-alis na rin agad ng fast food. I originally planned to stay and review while eating but since the man I saw half naked sat with me in one table, I decided to sacrifice my plan and leave afterward. Hindi ko sigurado kung babalik pa ang mokong ngunit hiniling kong sana ay huwag na. Wala na akong mukha pang ipakikita, tanging pride ko na lamang ang matayog at hindi nagpapatalo. I secretly looked for BJ among the crowd. Siya na ang um-order, teka? Ngayon pa lang siya o-order? Kung gano'n, anong ginawa niya rito, pinanood akong magmukhang tanga?

    Huling Na-update : 2021-10-23
  • Lover of Mine   Chapter 9

    Chapter 9 | Act When you less expected on things, you wouldn't be disappointed when it really didn't happen. Danica, on the other hand, expected her kuya Marcus to show out anytime soon... yet no one distracted my peace. My classes for the week ended and my issue around the campus somehow lessened. One day, the judgemental eyes weren't staring at me anymore... I wasn't sure how it happened, their sudden change of mood quite felt suspicious. I didn't bother on that part anymore, the exam week was about to come and I needed to prepare for the major subjects. "Hindi ka uuwi ngayong weekend?" my mother called me, five in the Saturday morning.

    Huling Na-update : 2021-10-23
  • Lover of Mine   Chapter 10

    Chapter 10 | Smile Honestly, I wasn't sure where our act of being natural would go far. Being in front of BJ was enough to intimidate me, imagine adding four you'd get a total of five... five hot yet calm men. Their manly figures occupied the free table with eight chairs. They were sitting far from each other yet stood up when they saw us nearing. "Dito ka na lang," a guy commanded another. "Sila na riyan, sa gilid ka na lang ni Jaren, Verge," Marcus told in a casual tone. Thankfully, Nemo stopped crying when Kurt lifted him up earlier. Nemo was now looking curiously at the men in front while unconsciously biting his fingertip

    Huling Na-update : 2021-10-23

Pinakabagong kabanata

  • Lover of Mine   Epilogue 3

    Epilogue 3 | #LOMEpilogue3 I went back to our condo the same night with a broken heart and a blank mind. I thought I couldn't feel pain anymore after everything I'd gone through, but the pain caused by Mercian was far more excruciating than any hurt I'd felt. Gaano man ako nasaktan sa mga sinabi ni Ian kanina, hindi ko pa rin magawang magalit at sisihin siya sa biglaang desisyon. Inisip ko na baka pagod lang siya at siguro nga'y may hindi siya naunawaan sa akin na dapat kong linawin sa susunod naming pag-uusap. Kailan naman kaya dadating ang araw na iyon kung sinabi niya nga kaninang huwag ko na siya muling balikan? Hindi ako mapapakaling hindi maayos ang problema naming 'to. Sa dami ng hawak kong responsibilidad, siya lang ang siguradong hindi ko kayang bitawan. Kilala ko si Ian at kung inaamin niya nga ang mga sinabi niya kanina ay

  • Lover of Mine   Epilogue 2

    Epilogue 2 | #LOMEpilogue2 “What?” I unintentionally raised my voice, which made my parents’ eyes widen. My father then continued what he was saying after a minute of silence, “We’re enrolling Minah to a public school in Marikina. It’s not far from here and she has her own driver to take her there every day—” “That’s not the point, Pa. Why do you suddenly decide to enroll her there? Maraming mas magagandang paaralan dito sa Manila. Don’t you think it’s better to enroll her in Syru, too, so that Trojan can also look out for her?” “She doesn’t want to study there,” mom said. I rolled my eyes. “How did you know that? Tinanong niyo ba siya? Or is this because of Abuela’s never-ending hatred towards her? Are you enrolling her in a public school be

  • Lover of Mine   Epilogue 1

    Epilogue 1 | #LOMEpilogue1 “Hoy, si Lucre ba ‘yon?” “Huh, saan?” I lowered my head a bit and walked faster so they wouldn't catch up with me. When I heard their voices becoming louder, I tightened my grip on the book I was holding. “Sige na, tanungin niyo na! Papalayo na siya, oh!” A guy’s voice convinced one of his girl friends he was with. “Bahala na nga!” Someone was brave enough to call my name despite the chance that I wouldn’t look back. “Lucre!” My shoulders fell as I let out a deep sigh. I knew why they called, and if it wasn't my time to read, I might have considered playing with them. I moved my body slightly to the side to acknowledge the

  • Lover of Mine   Chapter 40

    Chapter 40 | Best Years Tinanghali na ako ng gising kinabukasan dahil nilubos talaga namin ni Kurt ang kumustahan kagabi. Sa isang malaki at sikat kaming club nagtungo kasama si Marcus dahil gusto ni Kurt iyong lugar na pwede siyang mag-relax and at the same time magwalwal. We rented a private and VIP area for us so that we could spend more quality time together. We talked more about Kurt's work and life because he had me curious back when he mentioned Janella Tolentino proposed to him. Like for real? Si Janella na dating may gusto kay Marcus? Si Janella na sobrang taas ng confidence at sobrang yaman… magp-propose kay Kurt? Hindi rin maintindihan ni Kurt ang trip ng babaeng iyon kaya hindi niya ako nasagot kung alam ba n

  • Lover of Mine   Chapter 39

    Chapter 39 | FlightKailanman ay hindi ko kinonsidera ang sarili ko bilang mapangarap na tao. Naalala ko noong grade ten kami at paparating na ang katapusan ng taon na iyon, inutusan kami ng aming adviser na magsulat sa one fourth piece of paper ng first choice of senior high school strand na gusto namin kasunod ng second at third choice kung mayroon.Sinabi niya namang para lang iyon sa personal niyang survey dahil gusto niya raw malaman ang bawat choices namin. It was a harmless task, but I had a difficult time writing my choices on the paper. Wala pa naman talaga kasi akong concrete plan para sa sarili ko. Marami na akong na-research at narinig na career suggestions mula kay mama pero hindi ako nagka-interes sa kahit ano roon.Noong mga panahong iyon ay napasabi na lang ako ng, “Gusto ko na lang maging tamb

  • Lover of Mine   Chapter 38

    Chapter 38 | BeginningMarcus and I made the decision to leave their mansion after several days of contemplation and double-checking. Marcus had a separate condo in Manila different from before, where we chose to stay for the next succeeding days. I easily agreed on his suggestions because I also believed those were the best to follow this time.We bought a lot of food supplies and other necessities needed at home. The condo he got was larger than the one we'd stayed in before, and it was closer to the establishments. For the past few days, we had been preoccupied with arranging our belongings. Today's agenda was different. We finished organizing and cleaning the entire condo to our liking. We had planned to go somewhere today... and have a picnic there.“Nandiyan na rin ba sa bag ‘yong blanket?&rd

  • Lover of Mine   Chapter 37

    Chapter 37 | BedI'd been enduring the same pain, violence and regrets for the past two years. I was trapped inside a four-walled room that almost made me forget about the outside world and the beauties of life. I had been alone with my own shadow since the tragedy ended.No one could deny that I had a tough time, and I had the worst of it. There were no days, just lonely and terrifying nights. I spent the past years blaming everything to myself and embracing the coldness of my own heart. The emptiness inside me felt impossible to be filled again.I never expected that the day I would see the sunlight and feel the warm breeze of a peaceful morning would eventually come. The storm was too long for me, and I'd been floating alone on my small boat with insufficient equipment to help me sail properly. The storm had been

  • Lover of Mine   Chapter 36

    Chapter 36 | Home“Ano?” naguguluhan kong tanong kay Marcus.Noong una ay nagduda na rin ako kung totoo ba talagang sila ang tunay na pamilya ni Arist dahil bukod sa malayo ang pisikal na katangian ni Arist sa kanilang ama ay hindi ko rin madama ang dugong Zorron sa kanya. Wala akong sapat na ebidensya upang patunayang hindi siya Zorron ngunit malakas ang kutob ko noong parang may mali.At hindi nga ako nagkamali!Kalaunan ay tinanggap ko na lang ang mga nangyari dahil napansin kong seryoso talaga silang lahat tungkol sa pagiging half-brother ni Arist ngunit… ang marinig ang katotohanang ito galing kay Marcus mismo ay nagpatunay na tama ang hinala ko noong una.Bakit nila nilinlang si Arist?

  • Lover of Mine   Chapter 35

    Chapter 35 | Confess If offered the opportunity to not wake up again, I would gladly accept it. I had already given up everything as my eyes began losing their vision as the wildfire around me burned furiously. I was ready to leave everything behind once and for all, including the memories I held dearest. That night, I realized that this was the end of my life. I was so disheartened to see another day after all those sacrifices. Para akong harap-harapang niloko ng kapalaran. Parang tanga, handa na nga akong mawala ng tuluyan sa mundo tapos matatagpuan ko ang aking sarili na nasagip mula sa apoy na gano’n kalakas? Ni wala man lang akong nakuhang galos, sugat o pinsala sa katawan na akala mo ay wala ako noong nangyari ang

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status