AYAW na ni Mimi na maawat pa ng kanyang Ate Nicole ang kanyang pag-alis kaya naman tumalilis na siya nang magpunta ito sa kuwarto ng kanyang Ate Nicole. Mabuti na lang at paglabas niya ng bahay ay may tricycle na dumaan. Noon lang tuloy siya nakahinga nang maluwag.
Hindi rin naman kasi niya maipagkakaila sa kanyang sarili na may takot din siyang nararamdaman kay Red. Kahit sandali lang naman niya ito nakasama ay alam niyang kayang-kaya nitong gumawa ng kasamaan. Hindi nga ba nui’ng minsan na makita nitong may kausap siya ay muntik sagasaan ni Red ang lalaki? Tapos siya, marahas nitong hinalikan sa labi pagkapasok niya sa sasakyan. Nang tantanan siya ni Red ay nanlilisik ang mga mata nito ng titigan siya.
“Makita lang kitang may kasamang lalaki ulit, hindi lang ‘yan ang matitikman mo sa akin,” nanggigigil niton
Maaari ngang hindi pa opisyal ang relasyon nila ni Mimi pero para kay Alfred, sapat na ‘yung nalaman niyang gusto rin siya ni Mimi. Wala siyang pakialam kung may boyfriend pa ito, sa tingin naman niya kasi’y magtatapos na rin ang relasyon ng mga ito. Kaya, hindi masama kung eentra na siya.Saka sa tingin niya talaga ay kailangan ni Mimi ng karamay, hindi nga nito magawang ipagkaila sa kanya ang takot na nararamdaman nito. Marahas na buntunghininga lang ang kanyang pinawalan nang maisip niyang sa takot na nararamdaman nito ay malaki ang kinalaman ng lalaking iyon.Unang kita pa lang niya sa boyfriend ni Mimi ay masasabi na niyang hindi ito mapagkakatiwalaan. Sa tingin nga niya ay may diprensiya ito sa pag-iisip. Minsan kasing nakita niya ito sa parking lot sa labas ng kanilang eskwelahan ay para itong nakikipagtalo sa sarili. Tingin niya
"SORRY," wika ni Hannah kay GB ngunit hindi naman niya ito magawang tingnan man lang. Hanggang ngayon kasi'y nahihiya pa rin siya. Nawalan siya ng tiwala kay GB.Hindi ito kumibo pero alam niyang gising ito. Marahan kasi nitong sinusuklay ang kanyang buhok. Dama rin niya ang hininga nito sa kanyang tuktok.Para tuloy gusto niyang umiyak nang mga sandaling iyon. Alam niyang disappointed ito na hindi niya ito pinagkatiwalaan.Ngunit, masisisi ba siya nito?“Wala kang kasalanan para humingi ka sa akin ng tawad.”Matabang na matabang ang salita nito kaya hindi niya lalong mapaniwalaan na okay lang kay GB ang lahat. Bumalikwas tuloy siya nang bangon at hinarap ang kanyang asawa. Wala na si
PAKIRAMDAM ni Hannah ay may gustong ipahiwatig sa kanya ang video na iyon kaya nanginginig pa ang kamay niya nang mabitawan niya ang kanyang cellphone. Mabuti na lang at nasa kama lang siya kaya sa kutson lang din iyon bumagsak.Sabihin man na marami siya perang maipambibili ng cellphone, hindi naman siya ang tipo ng taong walang ginawa kundi ang gumasta. Naranasan din niyang magtrabaho kahit sabihin pang online lang iyon kaya ayaw din niyang pawakan ng basta-basta ang kanyang pinaghirapan. Sabihin man na mayroon siyang paupahan at kung ilang milyon sa banko ay hindi pa rin siya basta-basta gagasta dahil para iyon sa magiging anak niya.Magiging anak? Tanong niya sa sarili.Parang kailan lang ay nararamdaman niyang parang pinipiga ang kanyang puso kapag naiisip niya ang anak niyang nawala, pero ngayon, kataka-takang hindi na niya iyon nararamdaman. Para ngang umaasa siyang masusundan muli anak niyang nawala.Hindi tuloy niya napigi
NAPAHINTO sa paghakbang si Mimi nang maramdaman niyang may sumusunod sa kanya. Nang makita niya si Alfred, hindi niya mapagdesisyunan kung siya ba'y kakabahan o kikiligin. Gayunman, nakahinga siya nang maluwag dahil ito ang kanyang nakita.Talaga kasing grabeng takot ang itinanim ni Red sa kanyang dibdib. Kahit sa harapan niya ay nagpapakita ito ng kabutihan, alam niyang may itinatago itong kasamaan. Kumakawala nga iyon kapag hindi niya nasusunod ang gusto nito. Tapos nagawa pa niyang ma-imagine ang hirap na pinagdaanan ng Ate Nicole niya sa kamay nito.Marahas na buntunghininga ang kanyang pinawalan. Hindi niya talaga napigilan ang labis na magsisi dahil nakilala pa niya ito. Ngunit, may palagay siyang sinadya talaga ni Red na magsalubong ang kanilang landas. Sa pamamagitan nu'n ay madali itong makakapasok sa kanyang buhay.“M-may kailangan ka?”Ngumiti muna ito sa kanya bago sumagot. “Mayroon.”&ldq
HINDI malaman ni Hannah kung ano nga ba ang dapat niyang maramdaman sa pagkakaharap nilang iyon ni Nicole. Ngunit hindi niya maiwasan ang magtaka nang makita siyang may mga kasama si Nicole."Kapatid ko, si Mimi at ang boyfriend niya," wika ni Nicole na sa kanya nakatingin. Bahagya lang nitong sinulyapan si Gray pero nasisiguro niyang kung wala lang siya roon ay tititigan nito ng husto si GB. Kaya, nang umingos siya ay nakita pa niya ang pagngisi ng boyfriend ng kapatid ni Nicole na si Mimi."Alfred," pakilala nito sa sarili."Mas magandang mag-usap kapag nakaupo," wika ni GB.Magtatagal ba kayo? Gusto sana niyang itanong kung hindi lang niya napigilan ang sarili. Hindi rin naman kasi dapat na lumabas ang mga salitang iyon sa kanyang bibig. Alam niyang magiging bastos siya kapag ginawa niya iyon."Pinatay ang girlfriend ng Ate Abi ko," diretsahang sabi ni Mimi habang pinaglilipat-lipat ang tingin sa kanila ni Gray.&nbs
"WHAT?" Hindi makapaniwalang sabi ni Silver. Pagkatapos ay umiling siya. "Baka naman kamukha lang ni Blue iyon. Matagal na tayong walang balita sa kanya. Sa kanilang mag-ina."Dose anyos na siya noon pero malinaw pa rin sa kanyang alaala ang pagtataboy na ginawa ng kanyang mga magulang sa mag-inang Adeling at Blue. Ewan nga lang niya kung alam ng lolo ni Gray ang tungkol dito.Kahit naman kasi nasa iisang bayan lamang sila ay may kanya-kanya rin silang buhay. Saka, sinikap talaga ng ina niya na huwag ipaalam sa lahat ang nangyari dahil magiging katawa-tawa ang kanilang pamilya. Nang una ay inakala niyang pinsan lang niya si Blue pero hindi pala, kapatid niya ito. Nagkataon lang talaga na malaki ang pagkakahawig ni Blue sa kanyang Lolo Luciano kaya inakala nilang anak ito ng kanyang Tito Marco na ilang taon ng pumanaw nu’ng oras na ‘yun.“Nagkataon lang na magkapangalan at magkamukha sila, ganoon ba?” sarkas
HINDI tiyak ni Nicole kung tama ba ang desisyon niya pero minabuti niyang sabihin kina Gray at Hannah ang sinabi ni Blue. Hindi na niya kaya pang traydorin ang mga ito. Isa pa'y hindi rin siya nakasisigurado kung dapat ba niyang pagkatiwalaan ang mga salita ni Blue.Siyempre hindi, mariing sabi ng kanyang utak. Ang masasamang tao ay hindi dapat pagkatiwalaan. Mas malaki pa ang posibilidad na mapahamak ang kanyang kapatid at maging siya. Isa pa'y wala siyang talino at kakayahan na malabanan ang kasamaan ni Blue. Hindi rin niya gugustuhing mapahamak si Hannah kung siya ay magiging pabigla-bigla.Utak kriminal na si Blue kaya't sigurado siyang kapag nakuha na nito si Hannah, hindi niya tiyak kung bubuhayin pa ba silang magkapatid. Kaya, maigi na talagang maghagilap ng tulong sa mga taong mapagkakatiwalaan. At tiyak niyang ang mag-asawang Gray at Hannah ang makakatulong talaga sa kanya. 
"HANNAH…." Hindi na nagawang ituloy ni GB ang sasabihin nito dahil minabuti niyang patahimikin ito.Alam ni Hannah na tututulan ni GB ang kanyang balak kaya naman inangkin na niya ang labi nito, buong alab.Mahal niya si GB.Kailangan niya si GB.Ngunit, kailangan din niya ng katahimikan. Hindi mangyayari iyon kung mayroong pang stalker na laging nakabuntot sa kanya. Hindi siya naniniwalang mahal siya ng Blue na iyon, mas gusto niyang paniwalaan na ibig lang nitong saktan siya. Kung anong dahilan, ibig niya iyong alamin. At hindi niya malalaman ang sagot kung hindi niya ito haharapin.Malalim na buntunghininga ang pinawalan ni GB nang iwanan niya ang labi nito. Napangiti naman siya dahil muli na naman niyang napatunayan ang pagmamahal sa kanya ni GB. Napakainit ng pagtugon nito sa kanyang halik kaya hanggang sa kasalukuyan ay pinagsisihan niyang pinagdudahan niya ito."Suportahan mo na lang ako sa desisyo