Maaari ngang hindi pa opisyal ang relasyon nila ni Mimi pero para kay Alfred, sapat na ‘yung nalaman niyang gusto rin siya ni Mimi. Wala siyang pakialam kung may boyfriend pa ito, sa tingin naman niya kasi’y magtatapos na rin ang relasyon ng mga ito. Kaya, hindi masama kung eentra na siya.
Saka sa tingin niya talaga ay kailangan ni Mimi ng karamay, hindi nga nito magawang ipagkaila sa kanya ang takot na nararamdaman nito. Marahas na buntunghininga lang ang kanyang pinawalan nang maisip niyang sa takot na nararamdaman nito ay malaki ang kinalaman ng lalaking iyon.
Unang kita pa lang niya sa boyfriend ni Mimi ay masasabi na niyang hindi ito mapagkakatiwalaan. Sa tingin nga niya ay may diprensiya ito sa pag-iisip. Minsan kasing nakita niya ito sa parking lot sa labas ng kanilang eskwelahan ay para itong nakikipagtalo sa sarili. Tingin niya
"SORRY," wika ni Hannah kay GB ngunit hindi naman niya ito magawang tingnan man lang. Hanggang ngayon kasi'y nahihiya pa rin siya. Nawalan siya ng tiwala kay GB.Hindi ito kumibo pero alam niyang gising ito. Marahan kasi nitong sinusuklay ang kanyang buhok. Dama rin niya ang hininga nito sa kanyang tuktok.Para tuloy gusto niyang umiyak nang mga sandaling iyon. Alam niyang disappointed ito na hindi niya ito pinagkatiwalaan.Ngunit, masisisi ba siya nito?“Wala kang kasalanan para humingi ka sa akin ng tawad.”Matabang na matabang ang salita nito kaya hindi niya lalong mapaniwalaan na okay lang kay GB ang lahat. Bumalikwas tuloy siya nang bangon at hinarap ang kanyang asawa. Wala na si
PAKIRAMDAM ni Hannah ay may gustong ipahiwatig sa kanya ang video na iyon kaya nanginginig pa ang kamay niya nang mabitawan niya ang kanyang cellphone. Mabuti na lang at nasa kama lang siya kaya sa kutson lang din iyon bumagsak.Sabihin man na marami siya perang maipambibili ng cellphone, hindi naman siya ang tipo ng taong walang ginawa kundi ang gumasta. Naranasan din niyang magtrabaho kahit sabihin pang online lang iyon kaya ayaw din niyang pawakan ng basta-basta ang kanyang pinaghirapan. Sabihin man na mayroon siyang paupahan at kung ilang milyon sa banko ay hindi pa rin siya basta-basta gagasta dahil para iyon sa magiging anak niya.Magiging anak? Tanong niya sa sarili.Parang kailan lang ay nararamdaman niyang parang pinipiga ang kanyang puso kapag naiisip niya ang anak niyang nawala, pero ngayon, kataka-takang hindi na niya iyon nararamdaman. Para ngang umaasa siyang masusundan muli anak niyang nawala.Hindi tuloy niya napigi
NAPAHINTO sa paghakbang si Mimi nang maramdaman niyang may sumusunod sa kanya. Nang makita niya si Alfred, hindi niya mapagdesisyunan kung siya ba'y kakabahan o kikiligin. Gayunman, nakahinga siya nang maluwag dahil ito ang kanyang nakita.Talaga kasing grabeng takot ang itinanim ni Red sa kanyang dibdib. Kahit sa harapan niya ay nagpapakita ito ng kabutihan, alam niyang may itinatago itong kasamaan. Kumakawala nga iyon kapag hindi niya nasusunod ang gusto nito. Tapos nagawa pa niyang ma-imagine ang hirap na pinagdaanan ng Ate Nicole niya sa kamay nito.Marahas na buntunghininga ang kanyang pinawalan. Hindi niya talaga napigilan ang labis na magsisi dahil nakilala pa niya ito. Ngunit, may palagay siyang sinadya talaga ni Red na magsalubong ang kanilang landas. Sa pamamagitan nu'n ay madali itong makakapasok sa kanyang buhay.“M-may kailangan ka?”Ngumiti muna ito sa kanya bago sumagot. “Mayroon.”&ldq
HINDI malaman ni Hannah kung ano nga ba ang dapat niyang maramdaman sa pagkakaharap nilang iyon ni Nicole. Ngunit hindi niya maiwasan ang magtaka nang makita siyang may mga kasama si Nicole."Kapatid ko, si Mimi at ang boyfriend niya," wika ni Nicole na sa kanya nakatingin. Bahagya lang nitong sinulyapan si Gray pero nasisiguro niyang kung wala lang siya roon ay tititigan nito ng husto si GB. Kaya, nang umingos siya ay nakita pa niya ang pagngisi ng boyfriend ng kapatid ni Nicole na si Mimi."Alfred," pakilala nito sa sarili."Mas magandang mag-usap kapag nakaupo," wika ni GB.Magtatagal ba kayo? Gusto sana niyang itanong kung hindi lang niya napigilan ang sarili. Hindi rin naman kasi dapat na lumabas ang mga salitang iyon sa kanyang bibig. Alam niyang magiging bastos siya kapag ginawa niya iyon."Pinatay ang girlfriend ng Ate Abi ko," diretsahang sabi ni Mimi habang pinaglilipat-lipat ang tingin sa kanila ni Gray.&nbs
"WHAT?" Hindi makapaniwalang sabi ni Silver. Pagkatapos ay umiling siya. "Baka naman kamukha lang ni Blue iyon. Matagal na tayong walang balita sa kanya. Sa kanilang mag-ina."Dose anyos na siya noon pero malinaw pa rin sa kanyang alaala ang pagtataboy na ginawa ng kanyang mga magulang sa mag-inang Adeling at Blue. Ewan nga lang niya kung alam ng lolo ni Gray ang tungkol dito.Kahit naman kasi nasa iisang bayan lamang sila ay may kanya-kanya rin silang buhay. Saka, sinikap talaga ng ina niya na huwag ipaalam sa lahat ang nangyari dahil magiging katawa-tawa ang kanilang pamilya. Nang una ay inakala niyang pinsan lang niya si Blue pero hindi pala, kapatid niya ito. Nagkataon lang talaga na malaki ang pagkakahawig ni Blue sa kanyang Lolo Luciano kaya inakala nilang anak ito ng kanyang Tito Marco na ilang taon ng pumanaw nu’ng oras na ‘yun.“Nagkataon lang na magkapangalan at magkamukha sila, ganoon ba?” sarkas
HINDI tiyak ni Nicole kung tama ba ang desisyon niya pero minabuti niyang sabihin kina Gray at Hannah ang sinabi ni Blue. Hindi na niya kaya pang traydorin ang mga ito. Isa pa'y hindi rin siya nakasisigurado kung dapat ba niyang pagkatiwalaan ang mga salita ni Blue.Siyempre hindi, mariing sabi ng kanyang utak. Ang masasamang tao ay hindi dapat pagkatiwalaan. Mas malaki pa ang posibilidad na mapahamak ang kanyang kapatid at maging siya. Isa pa'y wala siyang talino at kakayahan na malabanan ang kasamaan ni Blue. Hindi rin niya gugustuhing mapahamak si Hannah kung siya ay magiging pabigla-bigla.Utak kriminal na si Blue kaya't sigurado siyang kapag nakuha na nito si Hannah, hindi niya tiyak kung bubuhayin pa ba silang magkapatid. Kaya, maigi na talagang maghagilap ng tulong sa mga taong mapagkakatiwalaan. At tiyak niyang ang mag-asawang Gray at Hannah ang makakatulong talaga sa kanya. 
"HANNAH…." Hindi na nagawang ituloy ni GB ang sasabihin nito dahil minabuti niyang patahimikin ito.Alam ni Hannah na tututulan ni GB ang kanyang balak kaya naman inangkin na niya ang labi nito, buong alab.Mahal niya si GB.Kailangan niya si GB.Ngunit, kailangan din niya ng katahimikan. Hindi mangyayari iyon kung mayroong pang stalker na laging nakabuntot sa kanya. Hindi siya naniniwalang mahal siya ng Blue na iyon, mas gusto niyang paniwalaan na ibig lang nitong saktan siya. Kung anong dahilan, ibig niya iyong alamin. At hindi niya malalaman ang sagot kung hindi niya ito haharapin.Malalim na buntunghininga ang pinawalan ni GB nang iwanan niya ang labi nito. Napangiti naman siya dahil muli na naman niyang napatunayan ang pagmamahal sa kanya ni GB. Napakainit ng pagtugon nito sa kanyang halik kaya hanggang sa kasalukuyan ay pinagsisihan niyang pinagdudahan niya ito."Suportahan mo na lang ako sa desisyo
KAHIT naman buo na ang kanyang desisyon, hindi pa rin maiwasan ni Hannah na makaramdam ng takot, alam niya kasing hindi rin basta-basta ang Blue na iyon. Gayunman, kailangan niya iyong ipagkaila kay GB. Tiyak kasi niyang magiging desidido lang itong awatin siya sa kanyang gagawin. Siyempre, hindi iyon dapat.“Huwag ka na mag-alala, okay? Kaya ko ang sarili ko,” mayabang niyang sabi saka ngumiti ng sobrang tamis. May pagkakataon talagang kailangan niyang itago kay GB ang tunay na nararamdaman.Marahas na buntunghininga ang pinawalan ni GB bago sinabi ng buong pagkairita ang mga katagang, “Ang tigas talaga ng ulo mo.”“Bakit hindi na lang natin ituloy ang sinimulan ko?” mapanukso niyang tanong.Awtomatikong lumambot ang hitsura ni GB kaya hindi niya napigilan ang mapangiti. Sa tingin niya ay hindi pa nakaka-recover ang pinakamamahal na asawa sa kanyang suhestiyon kaya naman, hindi niya napigilan ang sariling g
NAMILOG ang mga mata ni Hannah nang makita ang asawa. May takot siyang naramdaman dahil sa banta ni Silver pero mas nangibabaw ang pananabik niya rito kaya nang magkalapit sila ay agad silang nagyakap at buong alab nitong hinalikan ang kanyang labi. At dahil sa sobra rin siyang nananabik kay GB, tinugon din niya ang labi halik nito.Ang anumang problema na kanyang nararamdaman ay pansamantala muna niyang kinalimutan. Sa mga oras na iyon walang ibang mahalaga sa kaya kundi si GB at ang kanilang nararamdaman."Sorry," sabi niya rito pagkaraan ng ilang sandali. Marami sana siyang gustong sabihin dito pero sa palagay niya ay iyon ang pinakatamang unahin. Talaga naman kasing matindi ang kasalanan na nagawa niya rito.Naghiwalay man ang kanilang mga labi pero hindi ang kanilang mga mata. Pakiwari niya kasi'y gusto nilan
INIS na inis na Silver. Kung hindi lang siya tinawagan ng kanyang Mama para sabihing nasunod ang kanilang mansyon ay hindi siya uuwi. Kung makangawa naman kasi ito sa telepyini ay parang kinakatay na baka kaya hindi niya naiwasan ang makaramdam ng inis. Kailangan pa tuloy niyang iwanan si Hannah sa kanilang resort. Siyempre, hindi niya ito madadala sa kanyang pamilya dahil siguradong malalaman ni Gray.“Hello,”wika niya nang sagutin na ni Hannah ang telepono. “Bakit ba ang tagal mong sumagot?”Sa halip na magsabi siya rito ng 'I miss you' o 'I love you', mas gusto niyang pagsupladuhan si Hannah'. Sana nga lang sa ginagawa niyang iyon ay mas makikita nito kung ano ang tunay niyang damdamin.“Buntis ako mahirap maglakad. Hindi naman puwedeng tumakbo dahil baka madapa ako at makunan,” katwiran nito. Sa pagsing
MARARAHAS na buntunghininga ang pinawalan ni Adelaida. Pakiramdam niya talaga ay may masamang mangyayari kaya hindi niya magawang mapakali. Kaya, minabuti niyang buksan ang kanyang bolang kristal para magkaroon ng kasagutan ang gumugulo sa kanyang isipan. Bigla tuloy niyang naisip si Hannah.Kahit naman sinasabi ng marami na patay na ito, hindi siya naniniwala. Minsan kasi ay nakita niya ang palad nito at sinabi rin na nakatakdang magbago ang buhay nito. Kaya, tiyak niyang mayroon pa itong hininga.Saka nitong nakalipas na araw ay napapansin niyang masaya si GB. Kakaiba ang kislap na nakikita niya sa mga mata nito. Ngunit, hindi siya naniniwala na ibang babae ang dahilan kaya may kakaiba itong sigla. Alam naman kasi niya kung gaano nito kamahal si Hannah kaya nasisiguro niyang kahit hindi magkita ito ng ilang taon ay hindi pa rin maglalaho ang pag-ibig ng mga ito p
DAHIL sa kailangang umalis ni Silver, pakiramdam ni Hannah ay nakahinga siya nang maluwag. Hindi na rin kasi at ease ang kanyang pakiramdam kapag nasa paligid si Silver. Paano naman kasi niya magagawa iyon kung ipinagtapat nito sa kanya na may matindi itong pagnanasang nararamdaman sa kanya. Sa palagay lang niya ay masuwerte siya dahil buntis siya ngayon.Ngunit, paano na kapag nanganak na siya?Sabi nga nito ay wala na itong balak na ibalik pa siya kay GB kaya siguradong kapag hindi siya nakatakas dito sa lalong madaling ay baka mabilanggo na sila roon ng kanyang anak. Ngunit, anong gagawin niya?Ang pinakamaganda niyang gawin ay tawagan na si GB at humingi rito ng tulong. Tanging ang asawa lang niya ang makakapagligtas sa kanya.Pero…Umiling siya. Bigla niyang naalala ang sinabi sa kanya ng kanyang Ninang Adelaida. Maaaring mapahamak si GB kapag hindi niya ito nilayuan kaya kahit na masakit sa kanya ay naisipan niyang iyon ang
KUNG may sakit lang sa puso ang demonyong babae na ito, malamang, inatake na ito sa puso. Hindi kasi nito napigilan ang mapahagulgol nang sabihin na nasusunog ang mansyon nito.Hindi tuloy niya napigilan ang mapangisi. Ang sarap-sarap naman kasi talagang pagmasdan na para itong kandilang nauupos. Mahal na mahal kasi nito ang bahay na iyon pero ngayon ay malapit ng maging abo."Ang bilis din ng karma, ano?" Hindi niya napigilang itanong dito. Marahas na buntunghininga lang ang kanyang pinawalan. Ibig sana niyang kontrolin ang kanyang emosyon pero hindi niya magawa. Ang sakit kasi na naibaon nito sa kanyang puso ay masyadong malalim. Kaya naman, gusto rin niya itong ibaon ngayon sa hukay.Napangisi siya ng lihim sa kaisipang ililibing niya ito ng buhay pero ayaw naman niyang magpabigla-bigla. Hindi rin naman kasi niya gustong mahuli at ma
"ANO ang gustong kainin ni baby?"Nasa may lanai si Hannah noon at nagpapahangin, tulad ng kanyang nakagawian ay hinihinas-himas na ang kanyang tiyan, nang marinig niya ang boses ni Silver. Napabuntunghininga siya nang malalim. Kung maaari lang ay iwasan niya ito nang iwasan kaso hindi naman maaari dahil nasa iisang lugar lang sila. Saka kailangan din naman niyang lumanghap ng sariwang hangin at kailangan din niyang maarawan. Makatutulong iyon hindi lang sa kanya kundi pati na rin sa kanyang dinadala."Natutulog siya," sabi na lang niya pero hindi niya nililingon si Silver. Nakaupo na kasi siya sa mahabang sofa na naroroon dahil napagod na siya sa kakalakad. Sinamantala niya ang paglalakad-lakad habang abala si Silver sa pagluluto. Hindi niya kasi gusto ang ideya na lagi itong nakaalalay sa kanya na para bang ito ang kanyang asawa.Asaw
SINO ang kasama mong babae nu’ng isang araw? Nalasing ka ba nu’ng isang araw? Huwag na huwag kang magtitiwala sa mga taong nakapaligid saýo, kahit na nasa kadugo mo. Kung minsan ay hindi ka rin nakatitiyak kung ano ba talaga ang tumatakbo sa kanilang isip kaya huwag mong hayaan na maisahan ka nila.”Bigla tuloy kinabahan si Gray sa mga tanong na iyon ni Your Princess na tiyak na tiyak niyang si Hannah. Ngunit dahil alam naman niyang may katigasan ang ulo nito, tiyak nga niyang hindi ito aaminin at gagawin pa rin ang gusto. Kaya, kaysa pilitin niya ito, nag-isip na lamang siya ng paraan para makakuha siya ng impormasyon dito.Gusto kitang makita, wika niya. Kahit alam niyang malabo nitong gawin ang pakikipagkita, minabuti pa rin niyang subukan. Kaya, agad niyang hinagilap ang kanyang cp ng bigla itong
AGAD na itinago ni Hanna sa ilalim ng kanyang kutson ang cellphone niya. Malalim na buntunghininga lamang ang kanyang pinawalan ng maalala niyang ang bago niyang cellphone na binili ay iniwanan niya noong magkita sila ni Nicole pero dinala niya ang cellphone na binigay sa kanya ni GB dahil mas kampante siya kapag dala niya ito. Pakiramdam niya kasi ay mas safe siya. Para kasing kasama na rin niya ang asawa't bestfriend.At dahil si Silver ang kasama niya, pakiwari niya'y hindi rin makabubuting malaman nito na mayroon siyang cellphone. Kaya't kailangan niya iyong itago ng husto. Kunsabagay, imposible rin namang makita ito ng lalaki dahil di niya ito hinahayaang pumasok sa silid na kanyang tinutuluyan.Malalim na buntunghininga muna ang pinawalan niya matapos magsabi ng 'wait' kay Silver. Ilang beses na kasi itong kumatok at ayaw na niya itong paghintayin pa.&n
MATAMIS na matamis ang ngiti ni Hannah habang hinahaplos niya ang kanyang sinapupunan. ka-chat niya kasi si Your Hero, na walang iba kundi ang kanyang mister at matalik na kaibigan, si GB. Kaya naman, ang lapad lapad ng kanyang ngiti nang umagang iyon. Hindi nga niya inintindi kung mag-isa lamang siya doon dahil nagpaalam si Silver sa kanya na pupunta ng Manila. Gayunman nilutuan naman siya nito ng request niyang to ino, tipa at binating itlog with garlic rice. Ang gusto kasi niya ay iyong maraming-maraming bawang.Kung magkasama lamang sila ni GB, sisiguraduhin niyang ito ang magluluto para sa kanya. Hindi siya papayag sa katwiran nitong hindi ako marunong magluto. Aba, naghihirap siyang dalhin ang anak nito kaya kailangan naman ay maghirap din ito.Malalim na buntunghininga lang ang pinawalan niya dahil talagang masakit sa kanyang ang kasama niya ay ang lalaking hindi niya mahal. Gayunman, ipinagpasalamat pa rin niya na may lalaking nagtitiyaga sa kanya.&