KAHIT napapantastikuhan si Silver sa desisyon ni Hannah, ngumiti na lang siya ng matamis na matamis. Ibig kasing sabihin nu'n ay hindi na muna babalik si Hannah kay Gray. Kaya, magkakaroon pa siya ng pagkakataon na makasama ang kanyang mahal.
Matagal na niyang gusto si Hanna pero hindi niya ito mapormahan dahil kay Gray. Mistulan naman kasing basketball player si Gray kung makabantay kay Hannah. Nawalan tuloy siya ng tsansa na masabi kay Hannah ang kanyang nararamdaman.
Malalim na buntunghininga lang ang pinawalan niya pagkaraan ng mahabang sandali. Kahit naman kasi nasabi niya iyon kay Hannah, hindi pa rin siya nakakasiguro kung tatanggapin siya nito. Sa palagay niya'y hindi dahil simula pa lang ay mahal na nito si Gray.
Kahit mag-bestfriends pa lang ang turingan noon nina Gray at Hannah, nakasisiguro na siyang nagmamahalan ang mga ito, kaya hindi na siya gaanong nagulat ng ideklara ni Gray na sila na ni Hannah. Medyo nasaktan nga lang siya da
"HINDI mo ba kakamustahin ang asawa mo?"Sa tanong na iyon ng lalaki, biglang nag-angat ng tingin si Hannah. Hindi rin niya napigilang batuhin ng matalim na tingin si Silver. Alright, wala namang masama sa tanong nito. Talaga ring gustung-gusto na niyang kamustahin si GB. Alam kasi niyang hindi madali rito ang pagkawala niya.Napabuntunghininga siya dahil ang totoo, sobra siyang nag-aalala rito. Iyon ang dahilan kaya ayaw na niyang magtanong. Baka kasi kapag nalaman niyang walang ginawa si GB kundi maglasing, bigla na lang magbago ang isip niya at puntahan si GB."Masaya na siya ngayon," wika ni Silver.Hindi niya inaasahan na iyon ang sasabihin ni Silver kaya naman napabulalas siya ng 'ha'. Dapat nga sana ay matuwa siya sa sinabing iyon ni Silver. At least hindi na siya masyado
MAHAL na mahal pa rin niya si Hannah pero hindi na niya magawang maiparamdam dito ang kanyang pagmamahal. Ang tanga kasi niya. Paano ang ibig lang niya'y may magdala sa kanya kay Hannah. Pakiramdam niya kasi'y hindi magiging ganoon kalaki ang kasalanan niya kung may ibang tao na magbibigay kay Hannah sa kanya.Iyon ang dahilan kaya si Nicole ang pinili niya. Siyempre, magiging masigasig itong gawin iyon dahil kapag nawala sa landas nito si Hannah ay magkakaroon na ito ng pagkakataon kay Gray. Kaya lang, hindi pala ito tulad ng ibang babae na nangangarap magkaroon ng katuparan ang pag-ibig na minimithi. Para kasing sapat na ritong nabibigyan ito ng panahon ni Gray na makausap. Kaya, kinailangan niyang matagpuan ang kahinaan nito para madali niya itong mapasunod. At ang mga kapatid nito ang naging sagot para makontrol niya si Nicole.Ngunit, palpak naman ang buset na babaeng iyon. Kahit tuloy alam niyang nasa impiyerno na si Nicole, hindi pa rin siya tumitigi
BIGLANG napabalikwas nang bangon si Abi."Ate….?" Nag-aalalang tawag sa kanya ni Mimi.Bahagya pang nanlaki ang mga mata ng kapatid nang makita niya ito. Hindi kasi agad rumehistro sa kanyang utak na nakabalik na siya sa kanyang pamilya. May pagkakataon kasing iniisip niyang nasa poder pa rin siya ni Blue.Bigla tuloy siyang humagulgol. Talagang hanggang ngayon ay damang-dama pa niya ang sakit na kanyang pinagdaanan. Pakiwari niya'y dinidikdik ng pinung-pino ang kanyang puso."Shhhh…." wika ni Mimi nang yakapin siya nito.Sa yakap nito ay parang gusto niyang makampante pero hindi niya magawa. Naalala kasi niyang si Jane na labis niyang pinagkatiwalaan ay nagawa siyang yraydurin pero pagkaraan au naisip din niyang s
"HANNAH…" wika ni Gray sabay balikwas nang bangon.Napamura lang siya nang ma-realize niyang wala pa nga pala ang kanyang asawa. Sabihin man ng marami na baliw siya dahil pilit pa rin niyang sinasabi na buhay pa si Hannah gayung may patunay na wala ito.Kilala kasi niya si Hannah, bestfriend niya ito kaya alam niyang hindi ito ang tipo ng tao na madaling sumuko. Saka kung talagang wala na ito, sigurado siyang magpaparamdam ito sa kanya. Hindi siya nito matitiis na nakikita siyang nalulungkot at nahihirapan. Ngunit dahil hindi man lang ito nagpapakita sa kanyang panaginip o kaya naman ay nagpaparamdam, hindi siya bibitaw sa paniniwala niyang buhay pa ito.Kahit na hindi siya ang tipo ang naniniwala sa hula gusto niyang manalig sa sinabi ng Ninang Adelaida nila ni Hannah, buhay si Hannah. Ang tangin
HINDI man siya ang ama ng ipinagbubuntis ni Hannah pero siya ang nasa tabi ng kanyang pinakamamahal parati kaya kahit paano ay masaya na siya.“Anong gusto mong kainin today?” malambing niyang tanong kay Hannah. Binigyan pa niya ito ng matamis na matamis na ngiti dahil gusto niyang maengganyo itong magsabi sa kanya kung anong nagugustuhan.“Buffalo wings?”Lalo siyang napangiti. “Kaya kong lutuin iyon,” mayabang pa niyang sabi.Unti-unti’ý nakita niyang lumiwanag ang mukha ni Hannah, napapalakpak pa na parang siyang- siya. Ang ngiti tuloý sa labi niya ay parang ayaw na mapalis."Talaga?" Naninigurado pang tanong nito.
NAG-WALKOUT si Hannah dahil nainis siya kay Silver. Kung hindi nga niya napigilan ang kanyang sarili, nasampal na niya ito. Hindi niya kasi gustong may nagsasalita ng masama kay GB. Kahit pa alam niyang magpinsan ang mga ito at nagbibiro lamang si Silver nang sabihin iyon.Ibig niyang panindigan ang galit na kanyang nararamdaman pero naaalala niya ang buffalo wings. Talagang nangangasim na siya at nagugutom na rin siya.Shucks, bulalas niya.Hindi pa siya nakapagdedesisyon kung anong dapat niyang gawin ng biglang may kumatok. Napa-straight naman siya sa pagkakaupo sa kanyang kama. Hindi pa siya nakakasagot ng 'pasok' biglang bumukas ang pintuan. Tumalim tuloy ang tingin niya kay Silver.Ibig niyang magalit pero parang hindi niya iyon mapanindigan nang malanghap niya ang aroma ng buffalo wings."Kain na," wika nito."Masarap ba 'yan?" Tanong pa niya kahit alam naman niya ang sagot. Magaling magluto si Silve
MARARAHAS na buntunghininga ang pinawalan ni Silver. Sabi niya kasi ay okay lang na hindi niya kasama si Hannah dahil tiyak naman niyang maligaya ito sa piling ni GB ngunit nagkaroon siya ng pagkakataon na makapiling si Hannah.Pawawalan pa ba niya ang pagkakataon na makasama ito habambuhay?No.Ngunit, hindi naman maaaring hindi siya kumilos para alamin kung sino nga ba si Blue. Ibig din naman niyang maging ligtas talaga si Hannah kaya kinailangan niya itong ilayo. Gayunman, hindi ibig sabihin nu'n hahayaan pa niya itong bumalik sa dating buhay."Wala ka bang balak na bumalik ng Manila?" Tanong sa kanya ni Hannah. Ang ibig niya sana ay itrato na isang tunay na reyna si Hannah. Kung maaari lang ay ayaw niyang kumilos ito. Ibig niyang matiyak na okay ito at ang ipinagbubuntis nito.Hindi man niya nagawang madamayan ng una si Hannah sa unang magiging anak sana nito kay GB, alam niya kung gaano kasakit ang pinagdaanan nito kaya
"BAKIT hindi na lang natin totohanin ang pagpapanggap?"Kung may kakayahan lamang siyang makapagbato ng palakol sa pamamagitan ng matalim na tingin, tumimbuwang na sana itong parang lata. Ngiting-ngiting ito sa kanya na parang gusto siyang akitin kaya tumalim ng husto ang tingin niya rito. Parang gusto niya itong sakalin. Ngunit, hindi maaari.May plano siyang gawin kaya kailangan ay manatili ito sa kanyang condo hanggang sa dumating si Gray. Naniniwala talaga ang pinsan niya na in-love na siya kaya kailangan ay may maipakilala siya ritong babae na nagpapatibok sa kanyang puso. Hindi nito dapat na mahalata na ang asawa pa rin nito ang itinitibok ng kanyang puso. Mahirap na siyempreng magkaideya ito na buhay pa si Hannah. Kaya’t kailangan niya itong iligaw ng husto para maging okay ang kanyang pagpapanggap bilang mabuting pinsa