“SILVER…?” hindi makapaniwalang bulalas ni Hannah nang imulat niya ang kanyang mga mata at makita ang pinsan ng kanyang asawa.
Agad namang itinaas ni Silver ang mga kamay na para bang susuko. “Wala akong gagawing masama sa’yo, huwag kang matakot. Ang totoo niyan, iniligtas pa kita sa taong may masamang balak saýo.”
Sukat sa sinabi nito ay para ring naglakbay pabalik ang kanyang isipan at naalala niya ang nangyari. Tinext siya ni Nicole na magkita sila sa cafeteria. Pinagbigyan naman niya ito kahit naguguluhan siya sa layunin nito sa pagkikita nilang iyon gayung nakatira lang naman ito sa kanyang compound kaya kung nais siya nitong kausapin ay maaari naman itong magpunta sa kanila. Gayunman, pinagbigyan pa rin niya ito.
Ewan
KAHIT napapantastikuhan si Silver sa desisyon ni Hannah, ngumiti na lang siya ng matamis na matamis. Ibig kasing sabihin nu'n ay hindi na muna babalik si Hannah kay Gray. Kaya, magkakaroon pa siya ng pagkakataon na makasama ang kanyang mahal.Matagal na niyang gusto si Hanna pero hindi niya ito mapormahan dahil kay Gray. Mistulan naman kasing basketball player si Gray kung makabantay kay Hannah. Nawalan tuloy siya ng tsansa na masabi kay Hannah ang kanyang nararamdaman.Malalim na buntunghininga lang ang pinawalan niya pagkaraan ng mahabang sandali. Kahit naman kasi nasabi niya iyon kay Hannah, hindi pa rin siya nakakasiguro kung tatanggapin siya nito. Sa palagay niya'y hindi dahil simula pa lang ay mahal na nito si Gray.Kahit mag-bestfriends pa lang ang turingan noon nina Gray at Hannah, nakasisiguro na siyang nagmamahalan ang mga ito, kaya hindi na siya gaanong nagulat ng ideklara ni Gray na sila na ni Hannah. Medyo nasaktan nga lang siya da
"HINDI mo ba kakamustahin ang asawa mo?"Sa tanong na iyon ng lalaki, biglang nag-angat ng tingin si Hannah. Hindi rin niya napigilang batuhin ng matalim na tingin si Silver. Alright, wala namang masama sa tanong nito. Talaga ring gustung-gusto na niyang kamustahin si GB. Alam kasi niyang hindi madali rito ang pagkawala niya.Napabuntunghininga siya dahil ang totoo, sobra siyang nag-aalala rito. Iyon ang dahilan kaya ayaw na niyang magtanong. Baka kasi kapag nalaman niyang walang ginawa si GB kundi maglasing, bigla na lang magbago ang isip niya at puntahan si GB."Masaya na siya ngayon," wika ni Silver.Hindi niya inaasahan na iyon ang sasabihin ni Silver kaya naman napabulalas siya ng 'ha'. Dapat nga sana ay matuwa siya sa sinabing iyon ni Silver. At least hindi na siya masyado
MAHAL na mahal pa rin niya si Hannah pero hindi na niya magawang maiparamdam dito ang kanyang pagmamahal. Ang tanga kasi niya. Paano ang ibig lang niya'y may magdala sa kanya kay Hannah. Pakiramdam niya kasi'y hindi magiging ganoon kalaki ang kasalanan niya kung may ibang tao na magbibigay kay Hannah sa kanya.Iyon ang dahilan kaya si Nicole ang pinili niya. Siyempre, magiging masigasig itong gawin iyon dahil kapag nawala sa landas nito si Hannah ay magkakaroon na ito ng pagkakataon kay Gray. Kaya lang, hindi pala ito tulad ng ibang babae na nangangarap magkaroon ng katuparan ang pag-ibig na minimithi. Para kasing sapat na ritong nabibigyan ito ng panahon ni Gray na makausap. Kaya, kinailangan niyang matagpuan ang kahinaan nito para madali niya itong mapasunod. At ang mga kapatid nito ang naging sagot para makontrol niya si Nicole.Ngunit, palpak naman ang buset na babaeng iyon. Kahit tuloy alam niyang nasa impiyerno na si Nicole, hindi pa rin siya tumitigi
BIGLANG napabalikwas nang bangon si Abi."Ate….?" Nag-aalalang tawag sa kanya ni Mimi.Bahagya pang nanlaki ang mga mata ng kapatid nang makita niya ito. Hindi kasi agad rumehistro sa kanyang utak na nakabalik na siya sa kanyang pamilya. May pagkakataon kasing iniisip niyang nasa poder pa rin siya ni Blue.Bigla tuloy siyang humagulgol. Talagang hanggang ngayon ay damang-dama pa niya ang sakit na kanyang pinagdaanan. Pakiwari niya'y dinidikdik ng pinung-pino ang kanyang puso."Shhhh…." wika ni Mimi nang yakapin siya nito.Sa yakap nito ay parang gusto niyang makampante pero hindi niya magawa. Naalala kasi niyang si Jane na labis niyang pinagkatiwalaan ay nagawa siyang yraydurin pero pagkaraan au naisip din niyang s
"HANNAH…" wika ni Gray sabay balikwas nang bangon.Napamura lang siya nang ma-realize niyang wala pa nga pala ang kanyang asawa. Sabihin man ng marami na baliw siya dahil pilit pa rin niyang sinasabi na buhay pa si Hannah gayung may patunay na wala ito.Kilala kasi niya si Hannah, bestfriend niya ito kaya alam niyang hindi ito ang tipo ng tao na madaling sumuko. Saka kung talagang wala na ito, sigurado siyang magpaparamdam ito sa kanya. Hindi siya nito matitiis na nakikita siyang nalulungkot at nahihirapan. Ngunit dahil hindi man lang ito nagpapakita sa kanyang panaginip o kaya naman ay nagpaparamdam, hindi siya bibitaw sa paniniwala niyang buhay pa ito.Kahit na hindi siya ang tipo ang naniniwala sa hula gusto niyang manalig sa sinabi ng Ninang Adelaida nila ni Hannah, buhay si Hannah. Ang tangin
HINDI man siya ang ama ng ipinagbubuntis ni Hannah pero siya ang nasa tabi ng kanyang pinakamamahal parati kaya kahit paano ay masaya na siya.“Anong gusto mong kainin today?” malambing niyang tanong kay Hannah. Binigyan pa niya ito ng matamis na matamis na ngiti dahil gusto niyang maengganyo itong magsabi sa kanya kung anong nagugustuhan.“Buffalo wings?”Lalo siyang napangiti. “Kaya kong lutuin iyon,” mayabang pa niyang sabi.Unti-unti’ý nakita niyang lumiwanag ang mukha ni Hannah, napapalakpak pa na parang siyang- siya. Ang ngiti tuloý sa labi niya ay parang ayaw na mapalis."Talaga?" Naninigurado pang tanong nito.
NAG-WALKOUT si Hannah dahil nainis siya kay Silver. Kung hindi nga niya napigilan ang kanyang sarili, nasampal na niya ito. Hindi niya kasi gustong may nagsasalita ng masama kay GB. Kahit pa alam niyang magpinsan ang mga ito at nagbibiro lamang si Silver nang sabihin iyon.Ibig niyang panindigan ang galit na kanyang nararamdaman pero naaalala niya ang buffalo wings. Talagang nangangasim na siya at nagugutom na rin siya.Shucks, bulalas niya.Hindi pa siya nakapagdedesisyon kung anong dapat niyang gawin ng biglang may kumatok. Napa-straight naman siya sa pagkakaupo sa kanyang kama. Hindi pa siya nakakasagot ng 'pasok' biglang bumukas ang pintuan. Tumalim tuloy ang tingin niya kay Silver.Ibig niyang magalit pero parang hindi niya iyon mapanindigan nang malanghap niya ang aroma ng buffalo wings."Kain na," wika nito."Masarap ba 'yan?" Tanong pa niya kahit alam naman niya ang sagot. Magaling magluto si Silve
MARARAHAS na buntunghininga ang pinawalan ni Silver. Sabi niya kasi ay okay lang na hindi niya kasama si Hannah dahil tiyak naman niyang maligaya ito sa piling ni GB ngunit nagkaroon siya ng pagkakataon na makapiling si Hannah.Pawawalan pa ba niya ang pagkakataon na makasama ito habambuhay?No.Ngunit, hindi naman maaaring hindi siya kumilos para alamin kung sino nga ba si Blue. Ibig din naman niyang maging ligtas talaga si Hannah kaya kinailangan niya itong ilayo. Gayunman, hindi ibig sabihin nu'n hahayaan pa niya itong bumalik sa dating buhay."Wala ka bang balak na bumalik ng Manila?" Tanong sa kanya ni Hannah. Ang ibig niya sana ay itrato na isang tunay na reyna si Hannah. Kung maaari lang ay ayaw niyang kumilos ito. Ibig niyang matiyak na okay ito at ang ipinagbubuntis nito.Hindi man niya nagawang madamayan ng una si Hannah sa unang magiging anak sana nito kay GB, alam niya kung gaano kasakit ang pinagdaanan nito kaya
NAMILOG ang mga mata ni Hannah nang makita ang asawa. May takot siyang naramdaman dahil sa banta ni Silver pero mas nangibabaw ang pananabik niya rito kaya nang magkalapit sila ay agad silang nagyakap at buong alab nitong hinalikan ang kanyang labi. At dahil sa sobra rin siyang nananabik kay GB, tinugon din niya ang labi halik nito.Ang anumang problema na kanyang nararamdaman ay pansamantala muna niyang kinalimutan. Sa mga oras na iyon walang ibang mahalaga sa kaya kundi si GB at ang kanilang nararamdaman."Sorry," sabi niya rito pagkaraan ng ilang sandali. Marami sana siyang gustong sabihin dito pero sa palagay niya ay iyon ang pinakatamang unahin. Talaga naman kasing matindi ang kasalanan na nagawa niya rito.Naghiwalay man ang kanilang mga labi pero hindi ang kanilang mga mata. Pakiwari niya kasi'y gusto nilan
INIS na inis na Silver. Kung hindi lang siya tinawagan ng kanyang Mama para sabihing nasunod ang kanilang mansyon ay hindi siya uuwi. Kung makangawa naman kasi ito sa telepyini ay parang kinakatay na baka kaya hindi niya naiwasan ang makaramdam ng inis. Kailangan pa tuloy niyang iwanan si Hannah sa kanilang resort. Siyempre, hindi niya ito madadala sa kanyang pamilya dahil siguradong malalaman ni Gray.“Hello,”wika niya nang sagutin na ni Hannah ang telepono. “Bakit ba ang tagal mong sumagot?”Sa halip na magsabi siya rito ng 'I miss you' o 'I love you', mas gusto niyang pagsupladuhan si Hannah'. Sana nga lang sa ginagawa niyang iyon ay mas makikita nito kung ano ang tunay niyang damdamin.“Buntis ako mahirap maglakad. Hindi naman puwedeng tumakbo dahil baka madapa ako at makunan,” katwiran nito. Sa pagsing
MARARAHAS na buntunghininga ang pinawalan ni Adelaida. Pakiramdam niya talaga ay may masamang mangyayari kaya hindi niya magawang mapakali. Kaya, minabuti niyang buksan ang kanyang bolang kristal para magkaroon ng kasagutan ang gumugulo sa kanyang isipan. Bigla tuloy niyang naisip si Hannah.Kahit naman sinasabi ng marami na patay na ito, hindi siya naniniwala. Minsan kasi ay nakita niya ang palad nito at sinabi rin na nakatakdang magbago ang buhay nito. Kaya, tiyak niyang mayroon pa itong hininga.Saka nitong nakalipas na araw ay napapansin niyang masaya si GB. Kakaiba ang kislap na nakikita niya sa mga mata nito. Ngunit, hindi siya naniniwala na ibang babae ang dahilan kaya may kakaiba itong sigla. Alam naman kasi niya kung gaano nito kamahal si Hannah kaya nasisiguro niyang kahit hindi magkita ito ng ilang taon ay hindi pa rin maglalaho ang pag-ibig ng mga ito p
DAHIL sa kailangang umalis ni Silver, pakiramdam ni Hannah ay nakahinga siya nang maluwag. Hindi na rin kasi at ease ang kanyang pakiramdam kapag nasa paligid si Silver. Paano naman kasi niya magagawa iyon kung ipinagtapat nito sa kanya na may matindi itong pagnanasang nararamdaman sa kanya. Sa palagay lang niya ay masuwerte siya dahil buntis siya ngayon.Ngunit, paano na kapag nanganak na siya?Sabi nga nito ay wala na itong balak na ibalik pa siya kay GB kaya siguradong kapag hindi siya nakatakas dito sa lalong madaling ay baka mabilanggo na sila roon ng kanyang anak. Ngunit, anong gagawin niya?Ang pinakamaganda niyang gawin ay tawagan na si GB at humingi rito ng tulong. Tanging ang asawa lang niya ang makakapagligtas sa kanya.Pero…Umiling siya. Bigla niyang naalala ang sinabi sa kanya ng kanyang Ninang Adelaida. Maaaring mapahamak si GB kapag hindi niya ito nilayuan kaya kahit na masakit sa kanya ay naisipan niyang iyon ang
KUNG may sakit lang sa puso ang demonyong babae na ito, malamang, inatake na ito sa puso. Hindi kasi nito napigilan ang mapahagulgol nang sabihin na nasusunog ang mansyon nito.Hindi tuloy niya napigilan ang mapangisi. Ang sarap-sarap naman kasi talagang pagmasdan na para itong kandilang nauupos. Mahal na mahal kasi nito ang bahay na iyon pero ngayon ay malapit ng maging abo."Ang bilis din ng karma, ano?" Hindi niya napigilang itanong dito. Marahas na buntunghininga lang ang kanyang pinawalan. Ibig sana niyang kontrolin ang kanyang emosyon pero hindi niya magawa. Ang sakit kasi na naibaon nito sa kanyang puso ay masyadong malalim. Kaya naman, gusto rin niya itong ibaon ngayon sa hukay.Napangisi siya ng lihim sa kaisipang ililibing niya ito ng buhay pero ayaw naman niyang magpabigla-bigla. Hindi rin naman kasi niya gustong mahuli at ma
"ANO ang gustong kainin ni baby?"Nasa may lanai si Hannah noon at nagpapahangin, tulad ng kanyang nakagawian ay hinihinas-himas na ang kanyang tiyan, nang marinig niya ang boses ni Silver. Napabuntunghininga siya nang malalim. Kung maaari lang ay iwasan niya ito nang iwasan kaso hindi naman maaari dahil nasa iisang lugar lang sila. Saka kailangan din naman niyang lumanghap ng sariwang hangin at kailangan din niyang maarawan. Makatutulong iyon hindi lang sa kanya kundi pati na rin sa kanyang dinadala."Natutulog siya," sabi na lang niya pero hindi niya nililingon si Silver. Nakaupo na kasi siya sa mahabang sofa na naroroon dahil napagod na siya sa kakalakad. Sinamantala niya ang paglalakad-lakad habang abala si Silver sa pagluluto. Hindi niya kasi gusto ang ideya na lagi itong nakaalalay sa kanya na para bang ito ang kanyang asawa.Asaw
SINO ang kasama mong babae nu’ng isang araw? Nalasing ka ba nu’ng isang araw? Huwag na huwag kang magtitiwala sa mga taong nakapaligid saýo, kahit na nasa kadugo mo. Kung minsan ay hindi ka rin nakatitiyak kung ano ba talaga ang tumatakbo sa kanilang isip kaya huwag mong hayaan na maisahan ka nila.”Bigla tuloy kinabahan si Gray sa mga tanong na iyon ni Your Princess na tiyak na tiyak niyang si Hannah. Ngunit dahil alam naman niyang may katigasan ang ulo nito, tiyak nga niyang hindi ito aaminin at gagawin pa rin ang gusto. Kaya, kaysa pilitin niya ito, nag-isip na lamang siya ng paraan para makakuha siya ng impormasyon dito.Gusto kitang makita, wika niya. Kahit alam niyang malabo nitong gawin ang pakikipagkita, minabuti pa rin niyang subukan. Kaya, agad niyang hinagilap ang kanyang cp ng bigla itong
AGAD na itinago ni Hanna sa ilalim ng kanyang kutson ang cellphone niya. Malalim na buntunghininga lamang ang kanyang pinawalan ng maalala niyang ang bago niyang cellphone na binili ay iniwanan niya noong magkita sila ni Nicole pero dinala niya ang cellphone na binigay sa kanya ni GB dahil mas kampante siya kapag dala niya ito. Pakiramdam niya kasi ay mas safe siya. Para kasing kasama na rin niya ang asawa't bestfriend.At dahil si Silver ang kasama niya, pakiwari niya'y hindi rin makabubuting malaman nito na mayroon siyang cellphone. Kaya't kailangan niya iyong itago ng husto. Kunsabagay, imposible rin namang makita ito ng lalaki dahil di niya ito hinahayaang pumasok sa silid na kanyang tinutuluyan.Malalim na buntunghininga muna ang pinawalan niya matapos magsabi ng 'wait' kay Silver. Ilang beses na kasi itong kumatok at ayaw na niya itong paghintayin pa.&n
MATAMIS na matamis ang ngiti ni Hannah habang hinahaplos niya ang kanyang sinapupunan. ka-chat niya kasi si Your Hero, na walang iba kundi ang kanyang mister at matalik na kaibigan, si GB. Kaya naman, ang lapad lapad ng kanyang ngiti nang umagang iyon. Hindi nga niya inintindi kung mag-isa lamang siya doon dahil nagpaalam si Silver sa kanya na pupunta ng Manila. Gayunman nilutuan naman siya nito ng request niyang to ino, tipa at binating itlog with garlic rice. Ang gusto kasi niya ay iyong maraming-maraming bawang.Kung magkasama lamang sila ni GB, sisiguraduhin niyang ito ang magluluto para sa kanya. Hindi siya papayag sa katwiran nitong hindi ako marunong magluto. Aba, naghihirap siyang dalhin ang anak nito kaya kailangan naman ay maghirap din ito.Malalim na buntunghininga lang ang pinawalan niya dahil talagang masakit sa kanyang ang kasama niya ay ang lalaking hindi niya mahal. Gayunman, ipinagpasalamat pa rin niya na may lalaking nagtitiyaga sa kanya.&