Share

Chapter One Hundred Forty-Six 

MAHAL na mahal pa rin niya si Hannah pero hindi na niya magawang maiparamdam dito ang kanyang pagmamahal. Ang tanga kasi niya. Paano ang ibig lang niya'y may magdala sa kanya kay Hannah. Pakiramdam niya kasi'y hindi magiging ganoon kalaki ang kasalanan niya kung may ibang tao na magbibigay kay Hannah sa kanya. 

Iyon ang dahilan kaya si Nicole ang pinili niya. Siyempre, magiging masigasig itong gawin iyon dahil kapag nawala sa landas nito si Hannah ay magkakaroon na ito ng pagkakataon kay Gray. Kaya lang, hindi pala ito tulad ng ibang babae na nangangarap magkaroon ng katuparan ang pag-ibig na minimithi. Para kasing sapat na ritong nabibigyan ito ng panahon ni Gray na makausap. Kaya, kinailangan niyang matagpuan ang kahinaan nito para madali niya itong mapasunod. At ang mga kapatid nito ang naging sagot para makontrol niya si Nicole. 

Ngunit, palpak naman ang buset na babaeng iyon. Kahit tuloy alam niyang nasa impiyerno na si Nicole, hindi pa rin siya tumitigi

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status