Nagising ako sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana. Akmang babangon na sana ako ng ma bigla ako na may mabigat na brasong naka yakap sa akin.Napalunok ako ng makita kong nasa tabi ko si Christian. Gustuhin ko mang kumilos ay ayokong magising siya lalo na ay na ay mahimbing ang tulog nya ngayon. Hindi katulad kagabi na parang ang bigat ng pinagdadaanan nya.Ayoko naman ma istorbo ang tulog nya kaya naman tinitigan ko na lang mukha nya, napaka tangos ng ilong nya at makapal ang mga pilik mata. Napaka amo ng mukha nya ngayon at di nakakasawang tignan ito. Nawili ako sa pagtitig sa kanyang mukha mas maganda pala kong tulog lang siya. Pero syempre mas maganda kong gising siya lalo na gandang ganda ako sa kulay ng mga mata nya.Speaking of that eyes! Bakit nakatitig sa akin yong ash gray na mga mata nya? Ang ganda talaga nitong tignan hindi man lang ako kumukurap habang nakatitig sa mga mata nya.Napabalikwas ako ng bangon ng mapagtanto kong gising na pala siya. Huling-huli nya ang gin
ANYAHinahanap ko ang panyo na pinahiram sa akin ni tan-tan pero kahit anong hanap ko ay di ko ito makita. Sumakit na din ang ulo ko kakaisip kong saan ko ba ito na ilagay.Ito ang unang beses na di ko matandaan kong saan ko ito na ilagay. Paano kong naiwala ko na ang panyong yon? Hindi pwede.Huling natatandaan ko ay noong pumunta ako sa resort ay dala ko pa yon. Hindi kaya naiwan ko yon sa loob ng sasakyan o di kaya nalaglag ko.Napahilamos na lang ako ng mukha dahil sa di ko alam kong saan ko unang hahanapin yon.Nag-ayos ako ng sarili ko para umalis. Kailangan kong pumunta ng Moon Star Resort doon ko huling nakita ang panyo.Paano kong na itapon na yon sa basurahan? Hwag naman sana.Nasa parking area na ako ng maalala kong wala nga pala akong sariling kotse. Plus may sarili nga pala kaming driver dito.Agad ko namang tinawagan si Austine. Mabuti na lang talaga ay nasa contact list ko na siya."Saan po tayo pupunta, Ma'am?" "Sa Moon Star Resort."Tahimik lang ang naging byahe namin
Bumaba na kami ng sasakyan ng nasa harap na kami ng malaking gate. Mukhang ito na ang bahay nila Natasha.Nag door bell ako at isang maid ang sumalubong sa amin."Sino po sila? May kailangan po ba kayo?" tanong sa amin ng babae.Sa tingin ko ay nasa edad 30+ na ang nagtatanong sa amin."Kilala nyo po ba siya?"Ipinakita ko sa kanya ang picture ng babaeng kumuha ng panyo ko."Ah si Roseta po iyan. Tatawagin ko lang po. Ano nya po ba kayo?""Kakilala lang. May kailangan lang akong itanong."Umalis ang babae at na iwan kaming dalawa ni Austine sa labas.Ilang minuto na kaming naghihintay pero ay wala pa din bumabalik si ate kahit man lang si Roseta. Gusto ko na tuloy pumasok sa loob.Natigilan ako ng may sasakyang dumating at huminto ito sa harap din mismo namin. Lumabas ito mula sa sasakyan at si Natasha ang iniluwal.Expected ko naman talaga na magkikita kami ni Natasha. Lalo na ay bahay nila to mismo. Akala ko lang ay walang magiging problema dahil buong akala ko ay nasa loob siya or w
ANYAUmalis ako ng gabing yon na hindi nag pa-paalam. Bakit pa ba kasi magpapaalalam yong isa nga don umaalis ng walang paalam.Mabuti na lang talaga ay may last trip pa ng byahe papunta dito Estrella Village. Hindi ko alam kong bakit dito ako dinala ng mga paa ko. Siguro kasi napalapit na talaga ako ng sobra kay lolo palagay ko this is my home.Humiga ako sa kama kahit na walang aircon na nandito ay ang lamig ng higaan. Hindi ako makatulog kahit anong gawin ko. Napaupo na lang ako at ginulo ang mga buhok ko.Kanina pa kasi ako palipat-lipat ng position habang nakahiga pero hindi ako makatulog. Nakakainis naman nito!Hindi mawalawala sa isip ko yong kanina. Bakit ba kasi nagalit sa akin yong isang yon? Bakit ba kasi iniisip ko siya ngayon? Wala dapat akong pakialam sa kanya, erase!Napabuga ako ng hininga ko sa sobrang yamot. Hindi din naman ako hahanapin nun kahit wala ako doon. Hindi naman sobra yong mga sinabi ko.******Kinabukasan ay madaling araw pa lang ay gising na ako dahil s
"Ma'am nasa labas po si sir Oliver." ani ng isa sa mga kasambahay ni Natasha."Talaga? Papasukin mo."Agad nag-ayos si Natasha ng damit nya, nag lagay ng napaka pulang lipgloss at inayos ang kanyang buhok. Excited na excited siyang bumaba, mukhang na realized na ni Oliver na mas worth it siya kaysa Anya.Ngumiti siya ng matamis pagkakita kay Oliver na naghihintay sa kanya. Kasama nito ang pinsan nitong si Dylan. "Oliver!" nag panggap siya na medyo nahihirapan sa paglalakad para akalain nito na malala ang lagay nya.Hindi naman siya pinansin ni Oliver sa halip ay si Dylan ang lumapit sa kanya na agad nya namang iniwasan.Pagkalapit nya kay Oliver ay kumapit agad siya sa mga braso nito."Thank you sa pag dalaw sa akin." nakangiting wika ni Natasha.Napawi ang ngiti ni Anya ng tanggalin ni Oliver ang kamay nyang nakakapit sa mga braso nito."Hindi ikaw ang pinunta ko dito.""Kong ganon sino?" malungkot na wika nito."Yong kasambahay mo na si Roseta, where she is?" Napasimangot naman si
"I thought you're not interested to her?" tanong ni Dylan habang nag d-drive."When did I say that?""Tsk, nong gabing nasa club ka. You said it to me that the lady in the club caught your attention. Tapos hindi ka papayag na makasal sa kong sino-sino lang."Matipid namang ngumiti si Oliver dito."Yeah, you're right.""Sa ngiti mo pa lang ngayon at yong mga mata mo nag i-s-sparkle sparkle. Tsk, tsk, tsk saang lugar naman si Anya sa puso mo kong yong babae naman pala sa club yong gusto mo?""What the heck you saying? That girl in the club is Anya." Napa preno naman bigla si Dylan sa pagkagulat."What? Iisa sila? Kaya pala di ka nag reklamo nong sinabing siya yong papakasalan.""Nah, at first I really don't know who she is not until I saw her again in Estrella Village."Ngumisi naman siya Dylan, "kaya pala lagi kang tumatambay don samantalang dati once a month lang. Iba na tama mo, bro.""Mag drive ka na lang at manahimik." bago ay sumandal na ito sa upuan at pumikit."Kong ganon natat
AT MOON STAR RESORT"Wala na bang ibang information about them?" tanong ni Oliver."They are all dead." sagot ni Beatrice.Paano nya hahanapin ang kapatid kong ang mga umampon dito ay patay na din."Relative wala?""Merong relative pero matagal na itong umalis at walang nakakaalam kong na saan ang mga ito." "And by the way ito yong kasama ni Anya."Binigay ni Beatrice kay Oliver ang isang folder. Naglalaman ito ng information ni Keanu."He seems familiar to me." ani ni Oliver pagkakita sa litrato ni Keanu."Lumaki siya sa ibang bansa. Paano kaya sila naging magkakilala ni Anya?" napaisip naman si Oliver sa tanong ni Beatrice.At the Age of 15 ay nasa ibang bansa na si Keanu. Walang gaanong information na nakalagay dito bukod sa anak ito ng isang pinay naka pangasawa ng afam.Ibinalik na ni Oliver kay Beatrice ang folder."Anong gagawin kay Herbert?""Just torture him until he begs to kill him." walang emosyong sagot nito.****************Maaga pa lang ay nag prepare na ng lulutuin s
[FLASHBACK]15 YEARS AGOMasayang nanonood ang batang si Oliver sa kanyang ina habang in-stitch nito ang mga letter sa panyo."Bakit po itong isang panyo ay hindi complete name ko?" Kinuha naman ng kanyang ina ang panyo na ang mga naka stitch na letter ay CH-OL-CA.Inabot ito sa kanya ng ina. "Ang ama mo kasi ang nag stitch nyan. Hindi siya ganon ka galing kaya hindi nya binuo ang buong pangalan mo.""Start po ba sa CA ang last name ng ama ko?"Hindi siya sinagot ng kanyang ina nag focus lang ito sa ginagawa."Is he a good man?" sa pagkakataong yon ay binitiwan ng kanyang ina ang telang hawak nito.Matipid na ngumiti ang kanyang ina at hinaplos ang kanyang pisnge."Ofcourse, you two look a like so much.""If he's a good man why he left us?" saglit na natigilan ang kanyang ina sa naging tanong nya."May dahilan ang lahat kapag lumaki ka na maiintindihan mo din. Sana din ay di ipagkait ng mundo na magkita kayong dalawa.""Hahanapin ko po siya. Ipapakita ko din ito sa kanya para malaman
1 YEAR LATER ANYA POINT OF VIEW Maaga akong gumising para makapagluto ng almusal. Tahimik ang buong paligid at malamig rin ang simoy ng hangin. Ngayon ang ikalimang kaarawan ni Marco at wala pa akong naiisip na regalo sa kanya. Pinag masdan ko muna ang mag-ama ko habang mahimbing silang natutulog. Akala ko ay hindi na darating ang araw na 'to ang magiging kumpleto kami. Hindi ko rin akalain na matutupad talaga ang pangarap ko na ang magkaroon ng simpleng buhay, na malayo sa gulo. Dumiritso na ako sa kusina para makapag handa ng agahan. Habang naka salang ang sinaing ay naisipan ko rin muna na tumambay sa balkonahe ng bahay. Ang ganda ng view na makikita dito kahit na hindi pa ganon kaliwanag ang paligid. Nag timpla rin ako ng kape habang naka tingin sa magandang tanawin. Hindi pa rin ako makapaniwala na naranasan ko na ito. Matapos kasi ng kasal namin ni Oliver ay dito na kami nag pasya na tumira. Alam nya kasing matagal ko na 'tong pangarap, kahit na malayo man kami s
"Alam ko ang gago ko, kasi napagod akong intindihin ka pero hindi ako napagod na mahalin ka. Ang tanga ko lang sa part na nong iniwan mo ako hindi kita hinanap. Akala ko kasi nun wala kang pakialam sa akin, ang labo mo kasi." Napasimangot naman ako sa huli nyang sinabi. Ang ganda na kasi ng speech nya tapos may ganon. Pero tama naman talaga siya hindi ako nag bigay ng assurance sa kanya na gusto ko siya before ako mawala. "I'm sorry, will you still accept me again Anya?" Dapat ako yong nagtatanong nito sa kanya, ako yong may kasalanan tapos siya pa tong nag so-sorry. "Ano bang pinagsasabi mo? Valid naman lahat ng galit mo eh, ako yong may kasalanan. Umalis akong walang paalam sayo, tapos hindi ko man lang sinasabi sayo yong mga nangyayare sa akin kahit na alam kong willing ka gawin ang lahat para sa akin. Ako tong ang tanga-tanga na lagi kang sinasaktan. Iniisip ko nga kong ano bang ginawa ko sa past life ko kong bakit ibinigay ka sa akin. Sobrang swerte ko kasi ikaw yong lala
Sobrang gulo na ng kwarto ni Knoxx kakahanap lang sa papel na hindi nya naman alam kong ano. "Baka nasa bulsa ng mga luma kong pantalon sana lang ay hindi pa yon gutay-gutay kong sakaling makita ko man. Bakit pa kasi kailangan hanapin kong pwede naman mismo itanong kay Anya kong ano karugtong ng sulat! Ako pa pinapahirapan ng mga to!" Sa kabilang banda ay dumating si Natasha sa bahay ni Oliver. "Oliver, akala ko ay hindi ka na babalik pa dito sa bahay mo. I'm happy kasi nakita mo na ang sister mo. I want to see her kaso lang ay nasa puder siya ni Tito Craige." Humarap naman si Oliver kay Natasha na puno ng galit ang mga mata nito. Napa atras si Natasha ng bigla na lamang siya nitong sinakal. "O-oliver na-a-sa-saktan ako!" Binitiwan naman na ni Oliver si Natasha na naghahabol ng hininga nya. "What are you doing? Ano bang kasalanan ko sayo para ganituhin mo ako?" "Really huh? You don't know?" napa atras ulit si Natasha ng akmang papalapit ulit sa kanya ito. "Hindi ko m
******** ANYA POINT OF VIEW Mahigit dalawang linggo na ang nakakalipas pero mabigat pa rin ang dibdib ko. Gusto kong mag kaayos na kami ni Oliver pero hindi ko magawa. Lalo na ay nagkaka problema ang company ni lolo. Gusto ko sana siyang puntahan kong na saan siya ngayon pero baka makagulo lang ako. Hindi ko rin alam kong paano ko sisimulang ayusin ang papalabog na company namin. Marami nang mga investor na nag back-out dahil sa nangyare kay lolo at bumaba din ang rating ng hotel dahil sa pagiging attitude ni tita Rhea. Plus na ang shares ni Raven at ni Tita Rhea ay na punta na sa iba. Ganun nya na lang binalewala ang pinaghirapan lahat ng papa nya. Kinompronta ko na siya kong bakit nya yon ginawa. Ang tanging sinagot nya lang sa akin ay mas mabuti na daw na mapunta sa iba ang company kaysa sa akin. Ganon ka taas ang pride nya pag dating sa akin. Sa ngayon ay ibang tao na ang magiging CEO ng company. Pero hinding-hindi ako papayag na mapunta sa iba ang company nila lo
****** Walang hupa ang pag-iyak ni Anya hindi nya na nga alintana ang mga dumadaan na sasakyan. Hindi nya na rin maaninag gaano ang paligid dahil sa luha nyang hindi tumitigil. Nasilaw si Anya sa sasakyan na paparating na para bang sasagasaan siya nito. Bago pa man siya tuluyang mabangga nito ay huminto ang sasakyan. Bumaba ang babaeng sakay nito. "Ano papasagasa ka na lang talaga dyan? Hindi ka man lang lumayo!" halata ang inis sa boses nito. Pero agad din nawala ang inis sa mukha nito ng makita nya si Anya na umiiyak. Tumayo si Anya para harapin ang babae. "S-sorry a-aalis na —" natigil sa pagsasalita si Anya ng maaninag nya ang mukha nito. "Sab?" "Bakit ka ba umiiyak? Ang daming pwedeng iyakan na lugar gusto mo pa talaga dito sa kalsada? Gusto mo na bang mamatay? Akala ko ba gusto mo pang maranasan mamuhay sa tahimik na lugar?" Pinunasan ni Anya ang mga luha nya. "Ikaw ba talaga yan? Baka hindi ka totoo?" umirap naman sa kanya si Sabrina. "Syempre ako to, mi
****** Nagtataka si Anya habang nagliligpit sila ng gamit ay tahimik pa rin talaga si Marco. "Nagtatampo ka ba kay mommy?" tanong ni Anya sa anak. Agad naman itong umiling. "Kong hindi bakit ang tahimik mo? Magsabi ka sa akin ng totoo baka naman may nanakit sayo?" "Wala po mmy! Nalulungkot lang ako kasi aalis na tayo rito. Tsaka saan po ba tayo pupunta?" "Kila Adrian muna tayo, okay? Siya lang kasi ang pwede nating lapitan sa ngayon." agad naman nag bago ang mukha ni Marco. "Bakit siya? I don't want mommy!" Nagulat pa si Anya sa biglaang pag tantrums ng anak nya. "Marco! Stop it! Wala tayong choice okay?" "Hmp!" hindi na siya pinansin pa ni Marco. Hindi na rin nag abalang aluin ni Anya si Marco. Lalo na't busy siya sa pag ligpit ng gamit nila. Nasa mansion kasi sila ngayon ng mga De Luca at nagliligpit. Susunduin lang sila ni Tonyo para maka punta sa mismong sinabi na address ni Adrian na tutuluyan nila. Matapos niyang maka pag ligpit ay nag pasya siyang ma
Bago natulog si Anya ay nakatanggap siya mula kay Oliver ng message. Mapa ito at pangalan ng lugar, ang tanging sinabi lang nito sa kanya ay magkita sila doon bukas. Kaya naman kinabukasan ay maaga siyang nagising. Gusto nyang makabawi kasi dito. Sinundan nya lang ang mapa na binigay nito, hindi siya pamilyar sa lugar na binigay nito. Hindi kasi siya nagagawi dito. Nang makarating siya sa lugar ay hindi naman ganun ka crowded ang lugar. Naglakad na lamang siya dahil sa makipot na ang lugar sa mismong naka pin sa mapa. Isang Flower Garden and shop ang hinintuan nya. May Entrance ito kaya naman nag bayad pa siya papasok dito. Nagpalinga linga rin siya sa paligid pero hindi nya makita si Oliver. Hindi nya rin na pansin ang kotse nito na naka park kong saan siya nag park. 'Wala pa ba siya dito? Masyado ba akong maaga?' tanong ni Anya. Nag tingin tingin na lang siya ng mga tanim na bulaklak. Ibat-ibang uri ng bulaklak ang nakatanim dito, pwede ka rin bumili ng flower sa mismo
------ Napuno ng kaba ang dibdib ni Anya ng makita ang kanyang anak na karga ni Knoxx. Hindi nya alam kong anong sasabihin nya dito, paano kong alam na ni Oliver ang lahat? "Mmy!" sigaw ni Marco kay Anya, ibinaba naman ni Knoxx si Marco para makalapit ito sa ina. "Akala ko kong ano na ang nangyare sayo!" naiiyak na wika ni Anya habang yakap ang anak. "Ayos lang po ako, mmy." masiglang sagot sa kanya ni Marco. "Wala bang masakit sayo? Hindi ka ba nasaktan?" agad naman umiling si Marco. Hinarap naman ni Anya si Knoxx. "Thank you." "No problem." "Paano mo nga pala—?" naputol ang tanong ni Anya ng dumating ang doctor ng kanyang lolo. "Nagising na po ang pasyente." Nawala na sa isipan ni Anya ang itatanong kay Knoxx at agad silang nagmadali na pumasok sa loob. Pag pasok nila sa loob ay nandon ang dalawang apo ni Mr. De Luca na si Raven and Rizza kaya naman ay nag pigil si Anya. Alam nyang mas may karapatan ang dalawang pinsan nya sa lolo nila. "Anya." ngumiti
Nagising si Marco na may halong takot pero agad itong nawala ng makita nya si Oliver na nasa tabing upuan na natutulog. May sumilid na ngiti sa gilid ng labi ng batang si Marco. Pinagmasdan nya ito at hindi siya nagkakamali na ito ang kanyang ama. Nawala ang takot sa kanya ng makilala nya kong sino ito. Napa isip naman si Marco dahil sa sinabi sa kanya ng ina na hindi siya kilala nito. Gusto nya ng gisingin ito at yakapin ng mahigpit pero nag pigil siya sa kanyang sarili at baka ay ito magalit. Agad siyang bumalik pagkakahiga ng mapansin nyang gumalaw na ito at mukhang nagising na. Hindi siya nag panggap na tulog para ma pansin siya nito at makausap siya ng kanyang ama. Agad na napansin ni Oliver na gising na si Marco kaya naman umupo siya sa gilid ng kama nito. Tumingin sa kanya si Marco at agad nyang na pansin ang kulay ng mga mata nito. Hindi lang nga ito ganon ka tingkad kagaya ng sa kanya. "Na saan ako?" tanong ng batang si Marco. "Home." sagot sa kanya ni Olive