Lubos po ang pasasalamat ko sa inyong suporta. Gusto ko pong ipabatid na ako ay may full time job kaya po limitado ang oras ko sa pagsusulat. Gusto kong magsulat kaso ay kulang ang oras. Sana po ay maunawaan ninyo. Malapit na po akong magresign,hahaha! Muli, maraming salamat po !
Nagimbal si Tasya sa nadinig. Namanhid ang kanyang katawan. Hindi aksidente ang mga nangyari kundi planado! Unti-unting lumalapit si Don Alfredo sa kanya. Nilamutak nito ang kanyang mukha.“Bitawan po ninyo ako!” aniyang lumuluha na sa takot.Dumako ang kamay ng matanda sa kanyang leeg at hinigpitan
Inakbayan si Tasya ni Allan. Buhat nito sa isang kamay ang malaking bag. Iniharap siya ng binata.“Tasya, mahal kita. Ikaw ang babaeng nagpapasaya sa akin. Ikaw ang nagbibigay ng kapayapaan sa magulong mundo ko. Huwag mo iisiping iwanan ako. Mahal mo ako, hindi ba?”Gusto niyang ipagsigawan ang pagm
Masakit ang ulo ni Tasya ng magising. Nabungaran niya si Vince na nakaupo sa kanyang harapan. Napabalikwas siya at nanghilakbot ng maisip ang posibleng nangyari. Nakasuot naman siya ng damit.“Anong ginawa mo sa akin?!” aniyang pinakiramdaman ang sarili.“Wala akong ginawa sa’yo Tasya. Sumunod lang
“Si Ma’am Minerva Tan po.”Napansin niyang tila gulat si Tatay Ruben.“Minerva Tan?” ulit nito.“Hindi ko po ba naikwento na siya ang babaeng tumulong na makita namin si Ali? Magbibihis lang po ako at magkikita po kami,” aniya.Napahawak sa dibdib ang ama. “Tay bakit po? May masakit po ba sa inyo?”
May mga bagay na hindi kontrolado ng tao at may mga desisyong dapat gawin dahil iyon ang tama at ikabubuti ng nakakarami. Kung minsan ay hindi umaayon ang kapalaran sa mga gusto nating mangyari. But life must go on. Dapat harapin ang bukas ng buong tapang at puno ng pag-asa na isang araw ay magiging
Napatitig si Tasya kay Allan. Mas lalong naging gwapo ito. Mas lumaki din ang katawan. Talaga bang hindi na siya nito naaalala? Kinalimutan na nito ang lahat ng pinagsamahan nila? Samantalang siya ay nanatiling nakakapit sa alaala nilang dalawa. Hindi niya kinakalimutang mag-asawa sila. Bakit ang sa
Napako ang mga mata ni Tasya kay Allan.“Allan,” halos hindi lumabas sa bibig niya ang pangalan nito. Kusang humakbang ang kanyang mga paa. Gusto niya itong yakapin ng mahigpit. Anumang sandali ay tutulo ang luha niya.“Huwag kang lalapit. I hope not to see you again!” anitong matalas ang dila.Duma
Napuno na ang elevator napunta sa kaliwang dulo si Allan. Buti na lamang at natatakpan silang mag-ina ng malaking lalaki sa harapan. Bumukas ang kabilang elevator at agad niyang binuhat si Ali. Labis ang kabog ng kanyang dibdib. Hindi dapat magkita at magkalapit ang dalawa baka madamay pa si Ali sa