Biglaan ang kanyang desisyon. Hindi niya alam kung tama ba na umalis at lumayo. Isa lang ang tiyak niya. Gusto niyang protektahan ang kanyang anak. Lumapag na ang eroplano sa Spain. Halos labing amin na oras sila sa byahe ni Cali. Walang nakakaalam na magkasama sila at nagpunta sila sa Spain. May n
Pagmulat ni Hanna ng mata ay isang nurse at doctor ang bumungad sa kanya. Espanyol ang duktor at Pinay ang nurse. Mabigat ang kanyang pakiramdam. Dumadalas ang pagkahilo at pananakit ng kanyang ulo. Marahil ay dala ito ng maselan niyang pagbubuntis. Sinabi ng mga ito na maaari na siyang umuwi pagkaa
Nagngalit ang bagang ng binata. “Alam kong akin ang batang ‘yan. Hayaan mong alagaan kita at ang anak natin.” “Inutusan ka na naman ba ni Mommy Belinda at Lola Rosa na sundan mo ako?” “Hindi. Wala silang alam sa pagpunta ko sa'yo.” “Bakit ka nagpunta dito?” “Gusto kitang makita. Miss na miss na
Tapos ng maligo at nakabihis na si Hanna ng lumabas ng kwarto. Jogging pants at t-shirt ang suot niya. Hindi niya ipapaalam na babalik siya ng ospital. Ayaw niyang mag-alala pa ang mga kaibigan. Nadatnan niya si Dylan, Cali, at Ethan na kumakain ng agahan. Nagsabi siya na malalakad lang sa labas at
Naglakad siya ng naglakad kahit walang patutunguhan. Dalawamput limang taong gulang pa lamang siya. Wala pa siya sa one third ng kanyang buhay. Naging mabuting tao naman siya. Bakit siya pinaparusahan ng kapalaran? Bakit siya? Paano ang kanyang anak pagsilang? Lalaki itong walang nanay. Kailangan si
Kumabog ang kanyang dibdib. Mahal? Sino ang mahal ni Ethan? Siya o ang kanilang anak? Ayaw niyang alamin. At hindi na importanteng malaman pa niya. Hindi na niya papahirapan ang kanilang mga damdamin ni Ethan. Mas mainam na mamatay siyang hindi nito mahal. Ayaw niyang maging malapit sila ng dahil sa
“Ayoko ng may katabi,” asik niya. Ngunit kumabog ang dibdib niya sa excitement. Matagal na silang hindi nagsisiping. At nami-miss na din niya ito. “Malaki ang kama, hindi ako didikit sa’yo. Hindi ako kasya sa sofa.” “Mayaman ka, hindi ba? Bumili ka ng isang condo unit ng may matirahan ka.” “Walan
Muling isinara ni Hanna ang pinto. Kailan pa nagkalapit sina Ethan at si Lyn? Noong nawala ba siya ay nagkaroon ng relasyon ang dalawa? Aalamin niya pag-uwi niya sa Pilipinas. Hindi maiwasang kumirot ang kanyang puso. Hindi siya makapaniwala na magagawa ni Lyn sa kanya na agawin si Ethan. Ang buong