"Love!"Tawag ko kay Zander. Di ko napigilan ang sariling sundan siya palabas.Alam kong may iilang waiters na nakarinig sa sinabi ng matandang asungot na yun pero wala na akong pakialam sa kung anuman ang isipin nila. Ang mas mahalaga ngayon sa akin ay ang saloobin ng asawa ko.Dumiritso si Zander sa sasakyan. Kaya bago pa man siya makapasok sa loob ay napatakbo na ako at agaran siyang hinawakan sa braso."Love, are you mad? Please talk to me." Nagmamakaawa ang tinig ko kaya napatigil siya sa pagbubukas sana ng pintuan. Kita ko ang pagkuyom ng kamao niya kaya ramdam kong galit siya.Bahagya siyang umatras ng kaunti habang napasabunot sa buhok niya na tila ba naguguluhan sa mga nangyayari."Lo----love," Muling sambit ko kaya ngayo'y napatingin na siya sa gawi ko. His eyes are full of questions."Is that old man telling the truth?" Kalauna'y nabigkas din niya. He's mad ngunit ramdam kong kinokontrol niya lang ang sarili.Tuluyan na akong napayuko kasabay ng muling pagpatak ng mga luha
Balisa akong nagmaneho patungo sa apartment ni Lory dahil sa nalaman ko. I was exhausted. Pati ang planong parusahan ang waiter ay nawala na sa isipan ko. Umalis ako ng bar at binilinan nalang ang manager sa nararapat niyang gawin.Gulong- gulo na ang utak ko. Kung nalaman iyon ni Zander noon ano kayang naging reaksyon niya? Nalaman niya ba talaga o napigilan siya ng aksidente?Idagdag pa ang natuklasan niya kanina tungkol sa pangit kong nakaraan kaya ginusto niya na munang mapag- isa at makapag- isip!Goodness! Mababaliw na ako!"Damn Lory! I don't know. Sumasakit na ang ulo ko." Saad ko kay Lory nang makarating ako sa apartment niya at agarang naikwento ang mga pangyayari.Tutop nito ang bibig habang nakikinig."Gosh! I can't breath bff! Ang hirap nga naman isipin dahil wala naman tayo sa pangyayari. Si Zander lang ang nakakaalam ng totoo pero mukhang kailangan pa nating hintayin na bumalik ang ala-ala niya bago natin malaman." Komento niya kaya napakagat labi ako.Hihintayin kong um
"Mag-aapat na taon na pero hindi ka man lang nagbakasyon dito. Wala ka na bang balak magpakita sa amin?" May pagtatampong sambit ni mommy Amanda sa kabilang linya.Yeah. It's been almost four years, mag-aapat na taon na akong masayang nanirahan sa resort kasama ang lalaking mahal na mahal ko."Mom, alam mo namang hindi pa maayos ang asawa ko. He needs me and I need to take good care of him." Paliwanag ko habang nakatanaw sa asawa kong nasa kusina at abala sa paghahanda ng almusal namin. Rinig ko ang malalim na buntong hiningang pinakawalan ni mommy."I understand anak. Pero sana naman magkaroon ka ng panahon na makabisita rito, kahit saglit lang. May pamilya ka pa rito. Wag ka sanang makalimot." Anito na mukhang emosyonal na kaya napangiti ako dahil sa di nawawalang concern nito sa akin.Pero syempre, malabo ko pang tuparin sa ngayon ang kahilingan niya dahil hindi ko naman pwedeng iwan si Zander dito. At lalong hindi ko rin siya pwedeng isama roon dahil makikita niya si Amina. Ayaw ko
( Zander's POV )A rage of storm. Lightning. Thunder. At napakalakas pa ng paghampas ng alon. Ganito ang sumalubong sa amin sakay ng isang private chopper. We were on an island."Lower down Carl! We need to rescue her!" Tarantang napasigaw na ako dahil sa sobrang kaba. Sinisira na ng bagyo at alon ang bahay. Kailangan kong mailigtas si Amina! Ang babaeng mahal ko!"Aminaaaa! Fuck! Where are you?" Napakalakas ng sigaw ko dahil sa pag-aalala. Hindi ko alam kung paano ko nagawang suungin ang galit na galit na panahon.At nang makita ko siyang walang malay at muntikan ng tangayin ang katawan niya ng tubig dagat ay mabilis ko siyang binuhat pasakay ng chopper.Nakahinga ako ng maluwag nang maramdaman na maayos na tumitibok ang puso niya, ganoon din ang pitik ng pulso niya."Amina, wake up! I am here. You're safe now." Turan ko habang marahang hinahaplos ang mukha niya. We're both wet. Inabot ni Carl ang suot niyang jacket at ito ang ibinalot ko basang katawan ni Amina."Drake will get mad f
( Amari's POV )"Marahil may nangyari na biglang nagpaalala sa mahalagang pangyayari sa nakaraan niya. Yun nga lang, ang naaalala niya lang ngayon ay ang mga pangyayari bago siya maaksidente. Ang nawala na naman sa ala-ala niya ay ang mga pangyayari matapos siyang maaksidente. So basically, he forgot about you and the moments you've shared together for four years. At di rin natin matukoy kung kailan iyon mapoproseso ng utak niya."Klaro at mahabang paliwanag muli sa akin ni Dr. Mendez pero nakatunganga pa rin ako dahil hirap na hirap akong tanggapin ang nangyari kay Zander.Sa isang iglap lang ay naglahong parang bula ang kasiyahan namin. At ang mahirap pa ay hindi ko ito pinaghandaan, ni hindi ko inakala na mangyayari ito ngayon mismo. Masyado akong napanatag. Kaya ngayon halos hindi ako makahinga sa sobrang sikip ng dibdib ko habang walang kapaguran ang aking mga mata sa paglandas ng mala-ulang luha."Doc, ba--ka may paraan pa. Kagaya noon. Nagawan natin ng paraan noon ang muntikang
Sa kabila ng malalang pag-iisip ay natagpuan ko nalang ang sariling bumabiyahe pauwi ng La Union. Sinunod ko ang payo ni Manang Celia na umuwi na muna sa resort. Pero hindi ako uuwi roon para makapagpahinga, uuwi ako para ihanda ang mga gamit ko kung sakali mang palalayasin ako ni Zander.Well, hindi na pala dapat ako magbakasakali pa dahil natitiyak kong ganoon nga ang mangyayari. All I need is to prepare myself too.I even booked a cab dahil nasa isipan kona na bawal ng pakialaman pa ang sasakyan ni Zander. Kung magbu-bus naman ako ay tiyak aabutin ako ng siyam-siyam. Kaya kahit nagtitipid ay ginastusan ko nalang ang pamasahe.Laglag ang balikat at pagod na pagod ang puso at katawan ko nang makarating. Sumalubong agad sa akin ang amoy lavender na air freshener na si Zander mismo ang pumili noong minsang namili kami ng mga gamit para sa bahay.Mas lalo akong nilukob ng matinding lungkot at sakit habang inililibot ang mga mata sa bawat sulok. Sa bawat sulok na nagpaalala na sa loob ng
( Amari's POV )Inabot ng halos isang linggo ang pananatili ko sa rest house dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpapakita si Zander. I don't know kung may alam na ba siya patungkol dito o baka alam niya na talaga pero sinadya niyang huwag na munang magpakita.Pero alin man sa dalawa ang dahilan, kailangan kong paghandaan. Kaya naman matagal kong pinag- isipan ng maayos ang suhestiyon ni Lory and I decided to give it a try nang sa gayun ay mairaos ko rin ang sariling pangangailangan.Isa pa, ayaw ko namang mabulok sa kalungkutan rito dahil sa sobrang pagkamiss sa asawa ko.Masyadong nakakapanibago ang di siya makasama matapos ang apat na taon na nakasentro lang ang buhay namin sa isa't isa. Kinailangan kong magpatuloy sa araw- araw sa kabila ng labis labis na kalungkutan dahil sa pag-iisa. Dahil may experienced na ako noon sa pagmomodelo ay iyon agad ang pumasok sa isipan ko. Naghanap ako ng hiring models online hanggang sa nakita ko ang isang modeling agency. They're looking for
Halos ayaw ko ng kumurap nang makita ang gwapong mukha ng lalaking mahal na mahal ko. Tila ba parang nagslow- mo ang oras habang mahigpit nitong hinahawakan ang kamay ko.Parang nawala lahat ng ispiritu ng alak sa katawan ko at yung puso ko naman ang parang sasabog dahil sa pagwawala!Am I dreaming? Zander is holding my hand. Pakiramdam ko para akong nasa isang pelikula. My knight in shining armour saved me from that jerk! Talagang totoong nangyari ang ninanais kong mapansin niya and it's more than that."Get in!"Ramdam ko ang galit sa tono ng pananalita nito kaya para akong nanumbalik sa realidad nang makitang binuksan nito ang pintuan sa frontseat.Wala sa sariling natigilan ako at napalingon sa kanya dahil sa pagkagulat.Is he offering me to ride with him? Alam kong nakainom ako at nahihilo na pero hindi pa naman ganoon kalala ang pagkawala ng isip ko para di maunawaan ang nais niya."Ano? Tutunganga ka lang ba diyan? O baka gusto mong bumalik sa loob para magpabastos sa maraming l