Makalipas ang isang araw.[ Brandon's POV ]"Kuya, sigurado ka na ba? Susuko ka nalang ng ganito?" Turan ni Calex ng mapansin ang pagliligpit ko ng aking mga dalang gamit. Flight ko na kasi mamaya pabalik ng Manila.I sighed heavily at mapait na ngumiti. "There's no reason na magstay pa ako rito. Wala na akong dapat na ipaglaban pa dahil may pinili na siya." Sagot ko kahit na napakabigat sa didbdib ng gagawin kong paglayo."I will find a way kuya. Kakausapin ko siya." Pangungumbinsi ni Calex but I nodded while tapping his shoulder."Hindi mo na kailangang gawin yun. I love her with all my heart pero ikaw na yung mahal niya ngayon at wala na akong magagawa dun. Gustuhin ko man silang alagaan ng anak ko pero lubos niya talaga akong kinasusuklaman. Kaya all you can do is to take care of her. Sila ng anak ko. Wag na wag mo siyang sasaktan gaya ng ginawa ko sa kanya. Mangako ka sa akin." Nagsimula na namang magtubig ang aking mga mata. Kinuha ko ang tissue at marahang pinunasan ito.Tuman
Flashback: When in La Vista Resort [ Calex POV]Nang magpaalam si Meghan at Annie na uuwi na ng hacienda ay hindi na ako nagdalawang-isip pa na pilitin na ihatid sila. Making it sure na safe silang makakauwi.At para maayos ang lahat dito pag-alis ko ay pinuntahan ko ang mga staff para ibilin ang kani-kanilang mga tasks. Patungo ako sa reception area nang mapansin ko ang tatlong staff ng resort na nagkumpulan na parang may pinag-uusapan. Palapit ako ng palapit sa kanila nang nahagip ng aking pandinig ang pangalan ni Meghan. Upang makasigurado na tama nga ang narinig ko at out of curiousity na rin ay huminto ako sa may gilid ng area para pakinggan pa ang kanilang pinag-uusapan."Hoy alam niyo ba, si Maam Meghan yung babaeng pinakilala ni sir Calex na special someone niya nung opening ay kasama kagabi si Sir Brandon, yung super gwapo at hot na kuya ni sir Calex!" Umigting sa tainga ko ang naging pahayag ng isang staff. Kumpirmadong si Meghan nga ang kanilang topic at ang malalala pa
[ Meghan's POV ]Lulan ng eroplano ay paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang naging rebelasyon ni Calex."Please, bigyan mo pa ng chance si kuya. One of these days ay baka pumunta na siya ng US at baka doon na siya tumira for good. Wag mo hayaang manaig yung galit at paghihiganti sa puso mo Meg bago pa mahuli ang lahat. I know you still love him and he loves you so much too!" Buong-pusong payo ni Calex habang marahan na hinawakan ang nanginginig kong kamay. Di ako makapagsalita pero walang humpay sa pag-agos ang aking mga luha. Para akong nagising sa isang bangungot na ako lang din ang may kagagawan. Masyado akong nagpabulag sa poot. Hindi ko man lang nagawang e-appreciate lahat ng effort ni Brandon. Naging sarado ang utak kong paniwalaan ang mga paliwanag niya. Hindi ko siya binigyan ng chance kasi akala ko yun yung nararapat kahit na ang totoo'y nasasaktan din ako everytime pinagtatabuyan ko siya.Agad akong tumayo and the next thing I know ay nagpabook ako ng ticket for tomorrow
[ Meghan's POV ]Pagkapasok sa loob ay agad din akong nagtanong sa staff kung saan ang venue ng event dito sa hotel. Napakalaki ng hotel at tiyak aabutin ako ng siyam-siyam kung hindi ako magtatanong."Nasa fourth floor po ma'am." Magalang na sagot nito at nagpasalamat ako bago umalis.Habang nasa loob ng elevator ay hindi ko maexplain yung kakaibang kabog sa dibdib ko. Sobrang excited na akong makita at makausap si Brandon. Palakas ng palakas ang tibok ng puso ko hanggang sa dumating na nga ako sa floor kung saan ginaganap ang event.Napakaraming mga bisita at lahat ay pormal at sosyal ang mga suot na parang napakaspecial ng event na ito.Nagdadalawang-isip tuloy ako kung papasok ba ako o hindi lalo na't may mga guard pa na nakaabang sa ginawang entrance.Pilit na hinahanap ng aking mata si Brandon ngunit sa dami ng tao ay bigo akong makita siya.Sa kagustuhang makausap na siya ay naglakas-loob akong pumasok.Hinarang ako ng isang guard at marahang tinanong. "May invitation card po b
"Meghan's POV""So anong balak mo ngayon bakla? Babalik ka pa ba dun? Ako yung nag-aalala sayo eh, baka may gawing masama sayo yung epokritang fiance ni Brandon." Nag-aalalang sambit ni Gail habang kumakain kami ng breakfast. Dahil sa nangyari kagabi ay hindi na niya ako pinauwi sa hotel na tinutuluyan ko. Dumiritso na kami dito sa apartment niya at dito na niya ako pinatulog. Mamaya nalang daw niya pupuntahan yung boyfriend niya dahil mas kailangan ko raw siya ngayon. Nakakataba sa puso na magkaroon ng kaibigang kagaya niya. "Ewan ko Gail, mukhang napakalabo na makausap ko pa si Brandon. Mukhang laging nakabantay yung fiance niyang mukhang tuko kong makakapit. Tapos nagkasagutan pa kami kagabi, mas lalong mapapraning yun." Pahayag ko at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Talagang alam ko na kung gaano kaparanoid si Krissy, naalala ko pa noon ang pagtapon niya ng mainit na sopas sa suot ko dahil lang sa pagseselos niya."Bakit ba kasi kailangan mo pang makausap si Brandon?
[ Meghan's POV ]"Calex!" Nakangiting tawag ko habang nakataas ang isang kamay nang matanaw siya sa arrival area. He's wearing a black hooded jacket and blue fitted pants na bumagay sa astig, rugged pero napakahot niyang looks. Di maikakailang nakaw-atensyon siya ng mga kababaihan na nasa paligid. Kung hindi ko lang mahal si Brandon ay di ako magdadawang-isip na ibigay kay Calex yung buong puso ko.I admired him for being true with his words. Hindi niya ako binigo dahil tinupad nito ang pangakong pupunta siya dito para matulungan ako. "Meg!" Gumanti din siya ng kaway at ngiti habang naglalakad papunta sa direksyon ko. At nang tuluyan na siyang makalapit ay di ko napigilan ang sarili na yakapin siya bilang pasasalamat sa pagpayag niya.Agad din naman akong bumitiw at nagsalita. "So, lunch muna tayo bago dumiritso ng hotel. Anong gusto mong kainin? Treat na kita." Offer ko. Since naman na ako ang nagpapunta sa kanya rito ay sasagutin ko na rin ang gastos niya pati sa tutuluyan niyang
[ Meghan POV ]"If may kailangan ka katokin mo lang ako total magkatabi lang naman yung room natin." Tugon ko kay Calex pagkatapos itong tulungan sa pag-aayos ng mga dala niyang gamit.Tumango ito at ngumiti. "Thank you Meg. Pahinga kana muna. Pag-uusapan nalang natin mamaya ang magiging plano." Saad niya. Tumango ako bago tuluyang lumabas ng kanyang kwarto.Pagkapasok ko naman sa kwarto ko ay nagpahinga ako saglit. Nahiga ako sa kama habang iniisip ang unang hakbang na gagawin namin ni Calex. Actually, marami na akong ideya na naiisip sana lang talaga gumana ito.Nagpakawala ako ng malakas na buntong-hininga. "Bahala na, effective man o hindi basta susubukan namin." Bulong ko sa sarili bago naisipang maligo para marefresh ang utak.Nasa kalagitnaan ako ng paglalagay ng cream sa mukha nang tumunog ang doorbell ng kwarto ko.Agad kong tinungo ang pintuan at binuksan ito. Abot-tainga ang ngiti ko nang tumambad sa akin ang nakangising si Gail."Surprise!" Aniya sabay taas ng kanyang mga d
[ Meghan's POV ]"Meg, do you think okay na tong suot ko?" Nag-aalangang tanong ni Calex dahil hindi ito sanay sa ganito kabonggang outfit. Nasa kwarto niya kami ngayon at abala sa kakahanap sa mga gamit niya ng magandang isusuot na babagay sa kanya.Finally ay napanatag rin ang loob ko ng masukat niya ang bagong binili namin.He's wearing a Navy Blue longsleeves na hanggang siko ang cut paired with fitted Khaki trousers and a Dark Brown Versace leather shoes. Di halatang pinaghandaan ko pati ang isusuot niya. For him to be look expensive and formal pag humarap kay Brandon.Naikuwento ko kasi sa kanya ang nangyari sa akin noon na muntikan na akong ayaw papasukin ng guard dahil lang sa suot kong napakasimple. Isama pa ang mga mapanglait na mga empleyado roon na kikilatisin ka mula ulo hanggang paa.I smiled at nilapitan si Calex para ayusin ang kwelyo nito."Bagay na bagay nga sayo eh. Mas lalo kang pumogi." Puri ko sa kanya and I mean it. Kahit rugged ang looks ni Calex na nakatali pa
Makalipas ang isang buwan.Humahagulhol na nakaharap si Krissy sa isang lapida. Alam niyang huli na para magpatawad ngunit alang alang sa ikapapanatag ng loob niya ay ibibigay niya ito sa babaeng nagdulot ng labis na hinanakit sa kanya."Kung naririnig mo ako ngayon mom. Pinapatawad ko na po kayo. Sana mapatawad niyo rin po ako." Madamdaming usal ni Krissy. Sa loob ng mahabang panahon ay ngayon lamang niya nabisita ang puntod ng kanyang mommy.Lumapit sa kanya si Calex at buong puso siyang niyakap. Tahimik lang ang lalaki bilang respeto sa nagdadalamhating puso ng asawa.At nang matapos si Krissy ay niyakag na rin niya ang babae pauwi."Tara na love, baby CK is waiting for us." Malambing na turan ni Calex."Pwede bang samahan mo ako bukas para dalawin sa kulungan ang kapatid ko love?" Pakiusap ni Krissy sa asawa. Mailap pa si Eliz sa kanya kaya niya sinasanay ang babae sa lagi niyang pagdalaw. Nagbabakasakaling balang araw ay magkaroon din sila ng pagkakaunawaan despite sa mga nangyar
"Sino ka ba at anong naging kasalan ko sayo para gawin mo ang kahayupang ito!?" Sigaw ni Krissy sa nakahalukipkip na babae sa kanyang harapan. Maganda ito at may balingkinitang katawan. She looks harmless ngunit nakatago pala ang sungay nito.Hindi paman nito sinasabi ang pangalan ay malakas ang kutob niyang ito ang babaeng tinutukoy ni Philip na si Eliz.Nang mahuli siya ng babae kanina ay agad siyang dinala sa isang tagong kwarto. Ginapos ang kanyang buong katawan habang nakaupo siya sa isang upuan."Well, hindi mo talaga ako makikilala dahil never mo namang naisipan na kilalanin ako! Ni minsan hindi mo naisip na nag-eexist ang isang tulad ko Krissy Parker!" Bulyaw ng babae. Puno ng hinanakit ang bawat katagang binitawan nito.Talagang kahit anong isipin ni Krissy ay hindi niya maalala na nagkrus ang landas nila ng babae."Oh shit! I don't even know you at wala akong maalala na nasaktan kita. For goddamn sake ngayon pa lamang tayo nagkita kaya hindi ko alam kung anong pinaghuhugutan
Mabilis na naasikaso ni Calex ang lahat kaya't agad rin silang nakalipad pauwi ng Pilipinas.Si Brenda na ang dumiritso sa mansyon para dalhin ang kanilang mga gamit dahil agad na nakipagkita sina Calex at Krissy kay Philip sa isang exclusive restaurant. Kaligtasan ng kanilang anak ang nakasalalay rito kaya bawat segundo ay mahalaga.Sakto namang pagdating nila ay naghihintay na si Philip sa table number na binanggit nito.Agad na umorder si Krissy ng pagkain para sa kanilang tatlo."Philip, gusto kong malaman kung bakit malakas ang hinala mong si Ms. Eliz Teng ang nagpakidnap sa anak namin." Bukas ni Calex sa paksa.Si Krissy naman ay tahimik lang na nakikinig sa dalawang lalaki."Gusto kong sabihin sa inyo lahat ng nalalaman ko. Sabihin nalang natin na gusto kong bumawi sa kasalanan ko kay Brenda. I love her so much kaya mahalaga na rin sa akin ang mga taong mahalaga sa buhay niya." Salaysay ni Philip."What do you mean?" Naguguluhang tanong ni Krissy."Isa ako sa binayaran ni Eliz
Nagbubunyi ngayon si Eliz habang karga karga ang sanggol ng isa sa kanyang mga katulong."Kuwawang bata, nadamay pa sa kawalangyaan ng mommy niya. Kung sana kinilala ako ng mommy mo, hindi ako maghihiganti ng ganito." Usal ng babae habang nakatitig sa napakagwapong sanggol na mahimbing na natutulog.Sa wakas ay napagtagumpayan din ni Wesley ang kanilang plano.Lumapit si Wesley at niyakap nito si Eliz sa beywang sabay halik sa leeg ng babae."Are you happy now my baby?" Masayang usal ni Wesley. Matupad lang niya ang kagustuhan ng babaeng minamahal ay sobra na siyang kontento.Humarap si Eliz sa lalaki at sinagot ito ng isang mapusok na halik sa mga labi. "Sobra mo akong pinasaya babe! Kaya ngayon may premyo ka sa'kin." Bulalas ng babae matapos maghiwalay ang kanilang mga labi.Inakay niya si Wesley patungo sa kwarto at doon isinagawa niya ang premyong ibinigay para sa lalaki. At yun ay ang muling ipaubaya ang sarili sa lalaki."Sayong- sayo ako ngayon babe!" Mapanuksong usal ni Eliz
Nagdaan ang mga araw na puro saya na lamang ang nararamdam nina Krissy at Calex sa kanilang mga puso. Ang kulang nalang talaga ay si baby CK. At araw nalang din ang kanilang bibilangin para tuluyan nila itong makasama at magiging buo na rin sila.Samantala, sa kabilang dako naman ay abalang abala si Wesley sa kilos na gagawin ng mga utusan niya. Ngayong araw nakatakda nilang gawin ang nakasaad na plano ni Eliz.Nakakabit ang malilit na hearing aid sa kani-kanilang tainga para sa maayos na komunikasyon at monitoring sa kilos ng bawat isa.Kasalukuyang nasa tinutuluyang apartment si Wesley dahil dito nila plinano ang mga hakbang na gagawin nila.At nang matapos ang kanilang pagpupulong ay pinaalis na rin ni Wesley ang kanyang mga utusan. Kailangang makapwesto na ang mga ito para hindi pumapalpak pagdating ng oras.Nakahanda na rin ang private airplane na gagamitin niya sa pagtakas dala ang sanggol.Yun talaga ang pinakaplano ni Eliz, kunin ang anak ni Krissy at ilayo ito! Alam ni Eliz
Nagkakatuwaan sa pag-uusap sina Calex, Krissy at Brenda nang maabutan nina Jaxon at Aries sa loob."Wow ang saya ah! May party ba?" Bungad ni Jaxon habang nakahawak sa braso ni Aries.Nagagalak na binati ang dalawa nina Krissy at Calex. Samantalang si Brenda ay hindi maialis ang mga mata nito sa nakapulot na kamay ni Jaxon.Bakas ang gulat sa echuserang tingin nito. Wala naman kasing itong alam tungkol sa tunay na pagkatao ni Jaxon."Ui teka Jaxon, ano yan?" Di mapigilang puna ni Brenda sabay turo nito sa kamay ni Jaxon na nakapulupot sa braso ni Aries.Napahalakhak naman si Jaxon. Ramdam niya kasing hindi makapaniwala si Brenda sa nakikita nito."Bakit bawal bang maglambing sa BOYFRIEND ko?" Confident na sagot ni Jaxon na talagang diniinan pa ang salitang boyfriend. Ngayong nagkaaminan na sila ni Aries ay wala ng makakapigil pa sa pagmamahalan nila. Malaya na nilang ipangalandakan sa ibang tao at sa buong mundo kung ano talaga sila at never nilang ikakahiya ito."What!?? Boyfriend!?
"Kristela mahal na mahal kita, sana naman wag ka ng gumawa ng dahilan para ipagtabuyan pa ako sa buhay mo." Nagsusumamong pakiusap ni Calex."Sa tingin mo ba ganoon lang kadaling hayaan kang makabalik sa buhay ko? Sa buhay namin ng anak ko? Sobra mo akong sinaktan Calex! At hindi ko alam kung kaya pa kitang pagkatiwalaan ulit." Nasasaktang tugon ni Krissy."Kulang pa ba itong ginagawa ko para mapatawad mo ako? Dahil kung oo, hindi ako magsasawang suyuin ka oras-oras hanggang sa bigyan mo ulit ako ng chance." Emosyonal at buong pusong salaysay ni Calex. Kulang nalang umiyak ang lalaki sa harapan niya.Umiling si Krissy, senyales na labis pang naguguluhan ang kanyang isip."Hindi ko pa alam Calex. Bigyan mo muna ako ng panahong makapag-isip ng maayos. Just leave!" Ma-autoridad na tugon ni Krissy sabay hawak sa sumasakit niyang sintido. Nagtatalo kasi ang isip at puso niya"Aalis ako ngayon at bibigyan kita ng panahong makapag-isip ng maayos. Pero bago ko gagawin yun, gusto ko munang mal
"So what do you want to eat for dinner girls? Sagot ko na. Celebration man lang natin dahil malapit ng makalabas si baby sa NICU." Masayang turan ni Wesley. Abot tainga naman ang ngiti ni Krissy nang kumpirmahin ito ng doktor kanina. Isang linggo nalang ang hihintayin niya at sa wakas ay makakalabas na ng NICU ang kanyang anak. At kapag nangyari yun, makakauwi na rin sila ng Pilipinas matapos ang mahigit dalawang buwan na pamamalagi nila rito."Anything you want. Kayo na ni Brenda ang bahala." Tugon ni Krissy."Naku! Kung wala lang tayo sa ospital hindi lang pagkain ang oorderin ko eh. Tiyak pati inuman din. Magwawalwal ako kasi finally, makakasama ko na rin ang baby Philip ko. Miss na miss ko na kasi talaga siya." Ani Brenda na hindi napigilan ang kilig na nararamdaman, na kinurap-kurap pa nito ang mga mata na parang nagday-dreaming.Napailing na lamang si Krissy. Iba talaga ang tama ng babae sa nobyo nito."Drama mo Bren ha!" Nakangising turan ni Wesley."Bakit? Hindi mo ba narana
"Well, seems like mukhang malabo na magkaayos ang dalawa babe." Balita ng nobyo ni Eliz sa kabilang linya. Na walang ibang tinutukoy kundi ang mag-asawang Calex at Krissy."Magandang balita yan babe. Sana tuluyan ng magkahiwalay ang dalawang iyan." Natutuwang usal ni Eliz. Ikakatuwa niya kasi talagang makita na nahihirapan at nasasaktan si Krissy."Hayaan mo babe, susulsulan ko pa si Krissy para mas lamunin ng galit." Nakabungisngis na pahayag ng lalaki. Mabuti na lang at kasundong kasundo ni Eliz ang kanyang kasintahan, na nasasakyan nito lahat ng masamang plano niya. Actually, nahawa na ang lalaki sa budhing meron siya. Dahil sa nakwento niyang hirap na kanyang pinagdaanan magmula paslit pa lamang siya ay wala na ring ibang hangad ang lalaki kundi ang samahan siyang makamit ang paghihiganting nais ng kanyang puso."Go on babe, that's right! Ikaw nalang talaga ang maasahan ko diyan. Anyway, sa bata anong balita?" Segundang tanong ni Eliz. Hindi na siya makapaghintay, pati araw ay bi