Sa loob ng halos isang buwan ay naging maayos ang pagsasama nina Calex at Krissy. Wala ng mahihiling pa ang babae sa kasiyahan na kanyang nararamdaman. Ganoon rin si Calex na todo asikaso sa kanyang asawa. Lagi na rin siyang kasama sa prenatal check-ups ng babae. Limang buwan na ang tiyan ni Krissy at mahahalata na ang umbok nito.Magkasama na silang kumakain. At kahit magkaiba man ng kwartong hinihigaan ay tumatabi si Calex sa kanya sa pagtulog at halos gabi-gabi silang nagsasalo sa init ng kanilang mga katawan. At kapag hindi busy ang araw ni Calex ay lagi niyang inuubos ang oras na kasama si Krissy. Kaya naman hindi na rin lingid sa kaalaman ng lahat ng staff ng La Paraiso ang totoong estado ng relasyon nilang dalawa. Dismayado pa ang ibang mga babaeng staff na may crush kay Calex dahil may asawa na pala ang lalaki. Gayun rin ang mga lalaking lihim na humahanga sa taglay na ganda ni Krissy. Ngunit magkagayunpaman, supportive ang mga ito sa mag-asawa, lalong lalo na si Manang Rosa
Mabilis na tinakbo ni Calex ang kahabaan ng exit para mahabol lang si Trisha Venice. Sinisigurado niyang hindi mawawala ang babae sa kanyang paningin. Labis ang pagwawala ng kanyang puso habang binibilisan ang kanyang naging kilos.Buti na lamang at nagtungo ito kasama ang isang babae papuntang parking lot.Agad ding sumakay si Calex sa kanyang sasakyan at mabilis na sinundan ang kotseng papaalis na sinasakyan ni Venice. Nawala na ng tuluyan sa isip niya ang naghihintay na si Krissy dahil walang ibang nais gawin ngayon si Calex kundi ang mahabol at makausap si Trisha Venice. Hinding-hindi niya palalampasin ang pagkakataon na muli itong makausap at marinig mismo sa babae ang paliwanag nito. Ilang buwan na ang nakalipas ngunit hanggang ngayon ay blangko pa rin sa isip ni Calex ang lahat. Na wala pa rin siyang ni isang sagot kung bakit siya biglang iniwan na lamang ng babae sa ere.Gusto niyang maliwanagan sa lahat. Minahal niya ang babae at hindi basta laro lang sa kanya ang naging r
"Takot na takot ako Calex kaya hindi mo ako masisisi. Sinira niya tayo. Ang sabi niya sa akin noon ay gusto niyang maghiganti sayo. Na kung hindi siya sasaya ay hindi ka rin niya hahayaang sumaya. Yung babaeng yun ang humadlang sa pagmamahalan natin Calex. Kaya sana may magawa ka para ipaghiganti ang nabigo nating relasyon. Ipaghiganti mo ako at ang pamilya kong tinakot niya! Walang kasing sama ang babaeng yun!" Mahabang salaysay ng lumuluhang si Venice habang nakahaplos sa blangkong ekpresyon ng mukha ni Calex. Ramdam ni Calex kung anong pinagdaanang hirap ni Venice noong mga panahong iyon. Si Venice na kilala niyang napakabuting babae ay nagawang pagbantaan ni Krissy para lang maisakatuparan ang masamang balak nito!Parang tinutusok ng ilang libong karayom ang dibdib ni Calex. Buong buhay niya ngayon lamang siya nasaktan ng ganito. Sakit na hindi niya maipaliwanag. He felt betrayed at sa babae pang sinisimulan niya ng mahalin at pagkatiwalaan. Sa babaebg akala niya ay tuluyan ng na
Ilang oras lang ata ang naitulog ni Krissy dahil sa labis na pag-iisip at pag-aalala kay Calex. Hindi niya mabilang kung nakailang balik siya sa kwarto ng lalaki kagabi, umaasang umuwi na ito. Ngunit inabot nalang siya ng madaling araw sa pag-aabang ay wala pa rin ito.Magang-maga na ang kanyang mga mata. At para siyang may sakit sa nararamdamang panghihina ng kanyang katawan ngunit pinilit niya pa ring makabangon para muling puntahan ang kwarto ni Calex at echeck kung nakabalik na ba ito.Tiningnan niya ang oras at napagtantong mag-aalas otso na pala ng umaga. Matamlay man ang kanyang katawan ay hindi niya ito ininda at tuloy tuloy siyang bumangon. Wala siyang ibang nasa isip ngayon kundi ang kanyang asawa.Pagkatapos niyang magpalit ng suot at magpunas ng mukha ay agad din siyang lumabas ng kwarto. Dumiritso na siya patungo sa kwarto ni Calex.Naglalakad siya at papalapit na sana sa pintuan ng lalaki nang bigla siyang natigilan. Hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman ng sa
Halos hindi maihakbang ni Calex ang kanyang mga paa habang pinapakinggan ang sinasabing ito ni Krissy. Lalong bumilis ang tibok ng puso niya sa pagtatapat nito. Ngunit paano siya magbubunyi gayung sinira nito ang naunang relasyon niya? Ang relasyon niya sa babaeng kaytagal niyang hinangaan at pinangarap? At kung hindi pa niya aksidenteng nakita si Venice ay mababaon sa limot ang lahat!Si Krissy mismo ang sumira sa tiwalang ibinigay niya rito!"Mahal na mahal kita Calex! Damn! Mahal na mahal kita!" Hagulhol ni Krissy habang sinasabi ang katagang ito ng paulit-ulit.Hindi alam ni Calex kung totoo ba ito o pagpapanggap lamang. At kahit gusto man ng puso niya ang naririnig ay hindi naman mababago ang katotohanan na selfish ito at kayang manira ng tao para sa sariling kapakanan. Gusto niyang ipamukha kay Krissy sa huling pagkakataon na hindi na siya kailanman madadala sa mapanlinlang na kilos at salita nito."You love me? Sorry but I am fucking hate you! At kahit kailan hindi ko magagawa
Buong araw lang nakahilata si Krissy sa kanyang kwarto. Pati sa pagkain ay hirap na hirap siyang makalunok. She's completely stress and depress at ang mas masakit ay walang pakialam sa kanya si Calex knowing na nasa resort lang din ito.Kung tutuusin gusto na sana ng lalaki na noon pa siya umalis sa resort na ito. Kaso sadyang hinihintay lang nila ang abogadong mag-aasikaso ng papeles para sa kanilang magiging anak. May ibang importanteng kliyente pa raw kasi ang nauna kaya kinailangang maghintay ni Calex ng ilang araw.Paulit-ulit siyang nasasaktan sa tuwing naiisip kung gaano na kagusto ni Calex na lisanin niya ang lugar. Na kung umasta ito ay para silang walang pinagsamahan at pinagsaluhan.Kayang kaya naman sana magprovide ni Krissy ng personal na abogadong mag-aasikaso ngunit hinayaan na lamang niya si Calex ,total ito naman ang nagdesisyon so hindi niya ito papakialaman. Pero ang itinatak niya sa kanyang isipan ay hinding hindi niya pipirmahan ang ihahain nitong annulment. Magka
"Bro, what happened? Nabalitaan namin ang nangyari. Akala namin maayos na kayo ni Krissy. Last week lang masaya mong binahagi sa amin ni dad ang tungkol sa proposal mo. Why everything happened so fast?" Sunod-sunod na tanong ni Brandon kay Calex via phonecall. Siya na ang kusang tumawag kay Calex nang mabalitaan nila ang tungkol sa hiwalayan ng dalawa.Ganoon kabilis kumalat ang balita. Na kahit nasa US sila ay agad nilang nalaman ang tungkol sa malaking issue na ito.Hindi man nakikita ni Calex ang reaksyon ng mukha ni Brandon ay ramdam niya ang labis na kalituhan at pagtataka sa hitsura ng kanyang kuya.Huminga siya ng malalim bago nagpaliwanag. Kailangan niyang sabihin dito ang tungkol sa natuklasan niyang kawalangyaan ni Krissy."Kuya, Just last time nung mag-mall kami ni Krissy, aksidente kong nakita si Venice. Sinundan ko siya coz I really wanted to hear her explanations. And then luckily naabutan ko siya. We talked and she told me na tinakot at binayaran siya ni Krissy para lay
"So, you're the husband of the patient?" Bungad na tanong ng doktor kay Calex. Ngunit hindi na hinayaan ni Brenda na magsalita pa ang lalaki. Sa nararamdaman niyang galit rito ay umapela siya agad sa usapan."Ex-husband po siya doc. I'm the patient's cousin so sa akin niyo na po sabihin." Buong loob na saad ni Brenda sabay irap kay Calex. Hindi niya alam kung saan kumuha ng kakapalan ng mukha ang lalaki para pumunta pa rito at umaaktong concern gayung ito ang nagpapahirap sa damdamin ni Krissy. Tumikhim naman ang doktor dahil sa napapansin nitong tensyon na namagitan sa dalawa."Anyway, thanks God coz the patient and her baby inside her are safe now. Ilang minuto din namin siyang nirevived and luckily nagresponse na siya. But she needs to stay here for further observations. Pwede na kayong pumasok sa room to check on her." Paliwanag ng doktor. Parang nabunutan ng malaking tinik sa dibdib si Brenda. Napakuros pa siya sa labis na pasasalamat. Samantala, nakahinga rin ng maluwag si C