Share

SIXTEEN

Author: Shynnbee
last update Last Updated: 2025-04-19 15:58:07
"Miss, Miss... Langit na ba 'to?"

Napalingon ako kay Craig. Akala ko hindi siya magpapakita ngayong araw, dahil nag-out of town si Kuya Ethan. Akala ko kasama din siyang nagpunta ng Laguna.

"Naka-drugs ka ba, huh?"

Natawa siya.

"Akala ko nasa langit na ako. Mukha ka kasing anghel."

Natawa si Ate Rose. "Ang corny mo, Craig. Pero na-miss ko iyang mga pick up lines mo."

Nagtawanan silang dalawa. "Ba't ba ang hilig mo sa pick up lines?"

"Wala lang. Trip ko lang."

Nagsalin ako ng juice sa isang baso at binigay ko ito kay Craig.

Habang nag-uusap silang dalawa ay napatitig naman ako sa lalake. May puwede kaya akong ipainom kay Craig para mapawalang bisa na iyong orasyon ko?

Napatingin siya sa akin at matamis na ngumiti. Napangiwi naman ako sabay iwas ng tingin.

"May lason ba ang mga mata mo?"

Tinirik ko ang aking mga mata. Si Ate Rose naman ay humagalpak ng tawa.

"Nakakamatay kasi ang mga titig mo."

"Alam ko kung ano ang unang pinakain sa'yo nang baby ka pa..." sabi ko sa ka
Shynnbee

hello sensya na kung nawala ng ilang araw. Ayun dami na namang distractions sa buhay. Thanks for reading and waiting for my updates! Mwah!

| 2
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Solly Canoza Paulo
nanay knows best, haha nsa tsmang byenan k Anne......️...️...️
goodnovel comment avatar
Ailasor Varona Semillano
thanks din ms author nakapag update Ka Ng maraming. chapter
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Love and Potion    SEVENTEEN

    Hindi maintindihan ni Craig kung bakit lagi niyang napapanaginipan si Anne. Siguro nasobrahan na siya sa pangungulit sa babae, kaya gumaganti ito sa kaniya sa kaniyang panaginip. Nagpasya siyang siya na lang ang um-attend ng business conference sa ibang bansa, upang makaiwas na din muna sa babae. Ayaw muna niya itong makita. At isa pa, para na din makahinga. Dumoble pa kasi ang ginagawang pangungulit ng kaniyang ina sa kaniya. At maging ang kaniyang ama ay nahawa na din yata dito. Nobya, asawa at ngayon naman ay apo. Hindi na niya alam kung saan siya lulugar. Iyong nobya at pag-aasawa, mahirap iyan para sa kaniya. Iyong pagkakaroon ng anak, madali lang naman iyon, pero kawawa naman ang bata dahil tiyak niyang hindi siya magiging mabuting ama. Naalala na naman niya si Anne. Hindi naman siya seryoso sa babae, e. Nagagandahan lang siya dito. Siguro, gaya ng ibang mga babae ay gusto niya lang itong matikman. Pero pinipigilan niya ang kaniyang sarili. Baka kasi gaya ng ibang mga baba

    Last Updated : 2025-04-19
  • Love and Potion    EIGHTEEN

    Umuwi na muna ako sa amin dahil ang sabi sa tindahan ay may sakit daw ang Inay. Mabuti na lang talaga at mabait ang mga amo ko. Nagbigay pa ng mga pagkain si Ate Rose. Binigay na din niya ang isang buwang sahod ko. Hindi ko inaasahan na ganoon kalaki ang sahod ko bilang katulong nila. Ang sabi niya ay huwag muna akong babalik hangga't hindi gumagaling si Inay. Nadatnan ko si Inay sa puwesto. May lagnat pero nagtitinda pa din. Napagsabihan ko pa nga dahil nagpapahinga siya dapat. "Ayos lang ako, ano ka ba?"Sabagay. Parang hindi din naman siya makakapagpahinga ng maayos sa bahay lalo at mainit. "Kumain na po muna kayo." Nilabas ko iyong mga tirang pagkain na kinuha ko sa ref nina Ate. Ako lang kasi ang kakain ng mga iyon at ayaw ko namang masira lang doon. Malas ang nagsasayang ng pagkain. "Kumusta ka naman doon, Anak? Parang nagkalaman ka ng kaunti, ah.""Ah, opo. Madami po kasing pagkain lagi doon, e.""Mabuti naman.""Nabayaran niyo na ba iyong kuryente?" tanong ko. "Hindi pa

    Last Updated : 2025-04-19
  • Love and Potion    NINETEEN

    Gumawa ako ng sarili kong dasal kinagabihan. Hinintay ko ang alas-dose ng hatinggabi upang madasalan si Craig. Bakit hatinggabi? Doon malakas at mabisa ang orasyon at dasal. Kailangang hindi na niya ako maisip. Kailangang hindi na niya ako mapansin at kung puwede ay makalimutan na din niya ako. Mabisa ang dasal na 'to. Ilang orasyon na ang nagtagumpay kaya natitiyak kong magtatagumpay ito. Dinasalan ko na din si Marko. Ako lang ang babaeng tatakbo sa kaniyang isipan. Bukod tanging ako lang ang maganda sa kaniyang mga mata. Maaga akong gumising kinaumagahan. Pinuntahan ko iyong matandang manghuhula dati dito sa Quiapo. Nagkasakit siya kaya hindi na siya nakakapanghula pa. "Hulaan ko kung ano ang pinunta mo dito?" tanong ng matanda sa akin. Mukhang kaya pa din niyang manghula. "Lalake!" sabi niya. Napatango-tango naman ako. "Opo! Puwede mo po ba akong tulungan?""Oo naman." Nilahad niya ang kaniyang kamay. "Pahingi ng pambili ng kape at pandesal." Binigyan ko siya ng singkwento.

    Last Updated : 2025-04-19
  • Love and Potion    TWENTY

    "Hindi iyan tatalab sa taong hindi naniniwala," sabi ko sa kaniya para huwag na niyang ituloy ang pinaplano niya. "Wala bang mas mabisang paraan para mahanap ko iyong brief ko?"Kunot ang kaniyang noo. Kinunot ko din ang aking noo. Dapat kunwari hindi ko alam iyong sinasabi niya. Baka sa mga sandaling ito ay pinag-iisipan na pala niya ako ng hindi maganda. Baka mamaya asarin niya ako lalo. "Brief? Baka ninakaw n'ong babaeng nakabukaka sa kama mo," sagot ko naman. Buti at nakapag-isip ako agad. Tumawa siya. Mukhang naiwala ko na ang isip niya. "Ano ba'ng ginagawa mo dito?" tanong ko. Lumapit siya sa akin at naupo sa kaunting espasyo sa gilid ng bangko. Napangiwi ako nang magkadikit ang aming mga braso, kaya umusod ng bahagya. "May nilakad lang kami," sagot niya. "Kailan ka babalik kina Rose? Hindi ka na ba doon magtatrabaho?" tanong niya. Ngumuso ako. Ba't niya natanong? Ako ba ang dahilan kung bakit siya nagpunta dito? May bibili kaya tumayo na muna ako. Nagtanong ng puweden

    Last Updated : 2025-04-19
  • Love and Potion    TWENTY ONE

    "May pamunas ka?" Kanina pa siya pawisan. Panay din ang dikit ng mga babae sa kaniya pero wala siyang arte. Talagang lahat pinakisamahan niya ng maayos. Kahit mayaman siya hindi siya maarte. Luma na itong bimpo ko kaya nahiya akong ibigay sa kaniya. Bagong laba naman 'to at nilagyan ko pa ng downy na Surf. Dinampot niya ito at agad pinamunas sa mukha hanggang sa kaniyang leeg. Matapos magpunas, sinampay niya ang bimpo sa kaniyang balikat. Nginisihan niya ako. "Ayos ba?" tanong niya. Kumindat pa kaya nag-iwas ako ng tingin. "Kapag ako ang pinili mo, prinsesa ka sa piling ko.""Ayan ka na naman..."Natawa siya at napalingon sa parating na mga tao. "Kuya, mayroon po kayong pamparegla?"Kumunot ang kaniyang noo. "Mayroon ba n'on?" maang na tanong ni Craig. Tumango ako. Tinuro ko iyong bote. Ako na ang nagbenta at naiilang na ang bibili dahil sa reaksyon ni Craig. "What was that for?" tanong niya nang makaalis ang babae. Hindi ako sumagot. Ayaw kong magpaliwanag sa kaniya. Maging a

    Last Updated : 2025-04-19
  • Love and Potion    TWENTY TWO

    "Plano mo akong takasan, no?" Nilingon ko si Craig. Nakasunod na pala siya agad sa akin. Hindi ko pa nakikita kung maayos ba ang loob ng aming barong-barong. Napatingin naman sa amin ang dalawang matanda. Namilog ang mga mata nang pekeng manghuhula. Si Inay naman ay namamanghang nakatingin sa lalakeng nakatayo sa likod ko. Mayroon itong hawak na supot ng yelo at sa isang kamay ay isang bote ng coke. "Ah, aalis na ako..." Mabilis na nakaalis ang huwad na manghuhula. Napangiti naman si Inay. Nakabawi na siya sa pagkagulat. "Oh, Anak. May kasama ka palang bisita." Tumikhim si Craig. Nauna na siyang humakbang at pumasok sa loob ng bahay. Hindi man lang hinintay na sabihan siya na puwede siyang pumasok. "Kumusta po, Inay?" Napanganga ako. Ano? Inay? Natuwa naman si Inay sa kaniya. Kung marunong lang siguro magmano ang lalake baka ginawa na din niya. Bahagya siyang yumukod sa harapan ni Inay. Siguro bilang paggalang. Mas lalo pang natuwa si Inay sa kaniya. "Maayos naman,

    Last Updated : 2025-04-22
  • Love and Potion    TWENTY THREE

    Iniba niya iyong palabas, saka dahan-dahan na naupo sa kama, habang hawak ang kaniyang tiyan. Napaungol pa siya nang makaupo siya. "Masakit pa?" tanong ko naman. Hindi ako dapat mabait sa kaniya, pero hindi ko naman maiwasang makaramdam ng awa lalo sa sitwasyon niya. Kung bakit kasi ang kulit niya? Sumama pa kasi siya sa bahay at pinilit kumain sa mga pagkain na hindi naman niya nakasanayan. "Nanghihina ako..."Kita ko na bahagyang nanginginig ang kaniyang mga binti. "Mahiga ka na muna. Magpahinga ka," bilin ko naman. "Mamaya, tatalab na din iyong gamot na ininom mo.""Okay..." Mahina ang kaniyang boses. "Masakit kapag gumalaw ako," nakangiwi niyang sabi. "Eh, di, huwag ka kasing gumalaw," sabi ko naman. "May tubig pa?"Inabot ko sa kaniya iyong isang bote ng mineral. Binilhan ko siya ng tatlong bote na tag-kalahating litro. Ako na ang nagbukas dahil nanginginig din pala ang mga kamay niya. "Kung magpa-ospital ka na lang kaya," sabi ko sa kaniya. "No. I'm fine."Eh, hinang

    Last Updated : 2025-04-22
  • Love and Potion    TWENTY FOUR

    Nakalabas na kami ng ospital. Sa bahay na ako nina Ate Rose dumiretso. Si Craig naman ay sa bahay ng mga magulang inuwi. Ayaw pa sana niyang pumayag pero pinilit siya ng kaniyang Mommy. "Thank you, Ate Rose. Iyong nagastos sa ospital—" Hinawakan niya ang aking kamay. "Huwag mo ng alalahanin pa iyon. Magpahinga ka na muna."Pinasama na din nila dito sina Amang at Inay para alam nila kung saan ako nagtatrabaho. Para alam din nila kung saan ako pupuntahan kung sakali. "Sa labas lang po ako, Amang, Inay. Sumunod na lang po kayo mamaya."Naiwan sina Amang at Inay dito sa kuwarto ko. Naalala ko naman iyong pera na pinagbentahan ko. Hindi ko na ito naiangkat ng panibagong paninda dahil sa nangyari. Ang malas talaga. Nilabas ko iyong pera at inabot kay Inay. "Heto po iyong puhunan. Kayo na lang po ang bahala.""Huwag mo na muna kaming alalahanin. Dito ka na lang muna. Kaya naman na namin ng Amang mo doon.""Isa pa po sa dahilan kung bakit po ako umuwi ay dahil po sa orasyon."Napailing

    Last Updated : 2025-04-22

Latest chapter

  • Love and Potion    FORTY

    "Maupo ka muna, Meong..." utos ko sa lalake. Aayusin ko muna ang mga damit nina Inay at Amang na dadalhin ko. Mabait itong si Meong at sa lahat ng mga nanliligaw sa akin, siya din ang pinakaguwapo. Nag-aaral din ito. Teacher siya. Tahimik si Craig habang nakasandal sa dingding. Nakasuksok ang ilang daliri sa bulsa ng maong niyang pantalon. Walang imik, sobrang seryoso at napakaangas. "Nagpunta ako nang isang gabi dito, pero sabi nga ng kapitbahay niyo na nasa hospital daw kayo," sabi ni Meong. "Ah, oo... Nahirapang huminga si Inay, kaya sinugod namin sa hospital.""Okay naman na siya?" "Oo. Awa ng Diyos, ayos naman na siya."Parang kami lang ni Meong ang tao dito sa bahay. "Buti at lumipat na kayo ng inuupahan, Anne. Mas okay dito kaysa doon sa dati.""Oo nga, e. Komportable sina Amang at Inay dito.""Babalik ka pa ba sa trabaho mo?""Oo.""Akala ko hindi na. Kaya ka nagtindahan.""Hindi ako puwedeng umalis doon." Malaki ang utang na kailangan kong bayaran. "Isa din pala sa dah

  • Love and Potion    THIRTY NINE

    Nilipat ni Craig sa ibang kuwarto si Inay, para daw komportable ito habang nagpapagaling dito sa ospital. Nagsabi si Inay na hindi na kailangan, dahil masyadong mahal ang bayad sa kuwarto na pinili nito, pero masyadong makulit si Craig. Iniisip tuloy nila na kami na. Hindi ko naman masabi sa kanila ang katotohanan, dahil ma-i-stress lang sila kapag naisip nila na baon ako ngayon sa utang kay Craig. "Maaga pa po ako bukas sa trabaho, kaya kailangan ko na pong umuwi. Gusto ko pa man din sanang sumama sa pagbabantay sa inyo." Ala-una na ng madaling araw nang magpasya siyang magpaalam. "Maraming salamat, hijo. Pasensya ka na din sa abala, huh.""Hindi po iyon abala sa akin," sagot naman ni Craig. "Magpagaling po kayo. Babalik po ako bukas, pagkatapos ng trabaho ko." Hinatid ko na siya hanggang sa labas ng hospital. Tahimik akong naglalakad kasunod niya. Hinatid ko na din siya hanggang sa kaniyang sasakyan, dahil tingin ko ay iyon ang gusto niya. Hindi pa muna siya agad pumasok sa s

  • Love and Potion    THIRTY EIGHT

    "Five thousand para sa one month deposit at one month advance. At isang libong piso na advance sa kuryente at tubig."Kumuha ako ng maayos na bahay para kina Inay at Amang. Hindi ko maatim na maayos ang tulugan ko kada gabi kina Ate Rose, samantalang ang mga magulang ko ay sa puwesto na lang natutulog. Hindi ko pa nasabi ang bagay na 'to. Tiyak na hindi sila papayag, kaya minarapat ko na lang na huwag sabihin. At saka maganda iyong bagong upahan na nakuha ko. Puwede ding magtindahan, dahil daanan ng mga tao. Kung malakas ang benta, puwede na nilang iwanan iyong puwesto. Hindi na nila kailangang magbenta ng mga kung ano-anong gamot diyan, lalo na iyong pamparegla. Bumili ako ng mga unan at maayos na higaan bago ako nagpunta sa puwesto. "Anne! Kaya nga kami nagpasya ng Amang mo na huwag na munang umupa, para makaipon at makapag-aral ka," giit ni Inay pagkatapos kong sabihin ang totoo sa kanila. "Maganda po doon, Inay. Puwede po kayong magtindahan. Puwede din po kayong magtinda-tind

  • Love and Potion    THIRTY SEVEN

    "Matamlay ka yata ngayon, Anne?" tanong ni Ate Rose. Mula kahapon ay matamlay na talaga ako. Nagsimula lang 'to dahil sa nangyari sa amin ni Craig. Isang araw ko ng hindi nakikita si Craig. Pangalawang araw na ngayon. Bumaba ako kahapon, pero sa unit lang ni Marko. Hindi ko nga din maintindihan kung bakit habang naglilinis ako sa unit ni Marko, umaasa ako na dadating si Craig. Hindi ko siya pinuntahan sa unit niya. Tingin ko, iyon ang makakabuti. Tingin ko din ayaw niya akong makita. Napuyat ako kagabi sa kaiisip ng dahilan kung bakit ayaw niyang pumayag na itigil namin iyong ginagawa namin. Hindi kaya dahil pa din ito sa orasyon?"Nag-away ba kayo ni Craig?" bigla na lang tanong ni Kuya Ethan na kinapatda ko. Paano niya nasabi ang bagay na iyon? Natawa si Kuya Ethan. "Kahapon, sa meeting, matamlay din siya, e. Parang may sariling mundo. Nasa meeting pero nakatulala na para bang ang lalim ng iniisip."Natawa na din si Ate Rose. "Nag-away kayo?"Ha? Bakit ba naiisip nila na nag

  • Love and Potion    THIRTY SIX

    Tulog na si Craig. Nakanganga pa siya pero guwapo pa din siya. Nakayakap ang kaniyang isang braso sa akin habang ang mukha ay nakasiksik sa aking leeg. Napabuntong hininga ako at napaisip kung bakit ba ako narito ngayon, nakahiga sa kaniyang tabi. Ang sabi niya ay gusto niyang matulog ng mahimbing at gusto niya ng katabi. Kawawa naman siya. Lagi na lang puyat at naaapektuhan na ang kaniyang buhay. Kasalanan ko 'to kaya babantayan ko na lang siya habang tulog. Ang daming mga bagay na naglalaro sa aking isipan sa mga sandaling ito. At nang mapagod ako, hindi ko namamalayan na nakatulog na pala ako. Alas-dose y media na ng tanghali nang magising ako. Wala na si Craig sa tabi ko. Nakaupo siya sa sofa at hawak ang kaniyang cellphone. Mukhang kagigising-gising lang niya. Binaba niya ang cellphone niya nang makita niyang gising na ako. Bumangon na din ako. Inayos ko ang bedsheet at unan bago ko hinanap iyong vacuum. Sumunod naman siya sa akin. Nakasuksok ang kamay sa bulsa ng kaniyang

  • Love and Potion    THIRTY FIVE

    "Ano'ng nangyari kagabi?"Nagulat pa ako kay Ate Rose dahil bigla-bigla na lang siyang nagsalita sa likuran ko. Maaga akong bumangon. Hindi ko nga alam kung nakatulog ba ako. Basta ang alam ko lang ay nakatulala ako sa magdamag. Pakiramdam ko din ay sobrang gaan ko at para akong lumulutang sa alapaap. "Magkuwento ka dali!"Gising na din ang Mama niya. Dumiretso ito sa coffee maker upang magtimpla ng kape. "Ayun, Ate. Tinulungan ko siya sa groceries niya...""Tapos?" "Um-order siya ng pagkain para sa aming dalawa. Tinulungan ko siyang mag-ayos ng mesa, nagkabanggaan kami, hawak niya iyong isang pitsel ng tubig. Tapos nabasa ako. Pinahiram niya ako ng bathrobe niya."Patiling tumawa si Ate Rose. "Nagpunta si Craig doon?" Paano niya nalaman? Marahan akong tumango. "Galing iyon dito kagabi. Nagtanong nang hindi ka makita. Sabi ko, nasa unit ka nga ni Marko."Tawa siya nang tawa. Lakas ng trip ni Ate Rose. Mukhang maganda ang gising niya, dahil kahit hindi naman nakakatawa ay tinataw

  • Love and Potion    THIRTY FOUR

    "Mag-toothbrush muna ako." Hindi ko na hiningi ang kaniyang permiso. Basta na lang akong pumasok sa kaniyang kuwarto. Dire-diretso akong naglakad hanggang sa banyo. Nandito pa din iyong toothbrush na ginamit ko. Tumabi naman sa akin si Craig. Nag-toothbrush din siya. Pasimple akong nakatingin sa kaniya habang nag-to-toothbrush siya. Napatingin din siya sa akin. Kinindatan niya ako kaya napairap ako. Natatawa naman siyang dumura bago nagmumug. Para hindi kahiya-hiya sa super bango niyang hininga, gumamit ako ng mouth wash niya. "Nalimutan ko pala iyong damit ko sa unit ni Marko," bulong ko. "Tsk! Kung saan-saan mo iniiwan ang damit mo.""Nagmamadali kasi ako, e. Bukas ko na lang kukunin."Naupo ako sa gilid ng kaniyang kama. Nanatili naman siyang nakatayo sa labas ng banyo habang seryosong nakatingin sa akin. "Ano pa'ng ginagawa mo?" masungit kong tanong. Gabi na. Inaantok na ako. "Simulan na natin para matapos na at makauwi na ako!""Nagmamadali? Excited ka ng matikman ulit an

  • Love and Potion    THIRTY THREE

    Ilang beses kong tiningnan ang aking sarili sa salamin. Ang ganda ko pala kapag naayusan. Ngumiti ako. Tipid na ngiti hanggang sa unti-unting lumapad. Nang magbukas ang pintuan ng elevator ay napatda pa ako. Kanina pa ako kinakabahan talaga. Kaya mo 'to, Anne. Bihira lang ang ganitong pagkakataon kaya sulitin mo na. Manginig-nginig pa ang aking mga daliri nang pindutin ko ang doorbell. Nagbilang ako hanggang sampu, bago ko ulit pinindot ang doorbell. Ilang sandali pa ay nagbukas na ito. Nanghihina ang katawan ko sa kaguwapuhan niya. Ano ba iyan? "Hi," bati ni Marko. Laglag na ang puso ko. Tumikhim ako. Manginig-nginig pa ang labi ko nang sumagot ng Hello sa kaniya. Pinapasok na niya ako. Pinagmamasdan ko ang kabuuan ng kaniyang sala. Maaliwalas at halos walang pinagkaiba sa condo ni Craig. Sinundan ko siya hanggang sa kusina. Nakalapag sa sahig ang ilang karton ng groceries. Lumapit ako dito at inumpisahang buksan ang mga karton. Tiningnan ko iyong mga cabinet niya pati na

  • Love and Potion    THIRTY TWO

    "Dito na muna ako," sabi ko kay Marko. Nagtaas siya ng kilay sa akin. Napatingin siya sa labas. "Magsisimba ka?" mapagduda niyang tanong. Sumabay lang ako sa kaniya dito sa Quiapo. Hindi ko kasi nakita ng ilang araw si Anne kaya pakiramdam ko kulang ako. Tsk! Ano ba 'tong pinagsasabi ko? Ayaw ko namang mambabae at baka mabugbog lang ako ng Mommy ko. "Oo. Ipagdadasal ko na mahanap mo na siya," sagot ko naman. Bumaba na ako ng sasakyan. Hinanap ko iyong sinabi ni Rose na tindahan ng mga dahon at mga kandila. Nahanap ko na. Tanaw ko na si Anne pero hindi muna ako lumapit sa kaniya. Namili muna ako ng kung ano-ano sa mga katabi niyang tindahan. Kunwari, nagkataon lang na napadpad ako dito. Aalis din naman ako agad. Gusto ko lang siyang makita. Siguro naman pagkatapos ay payapa na ang magiging tulog ko mamayang gabi. Pero hindi ako agad nakaalis na gaya ng plano. I offered to help her and I enjoyed it. Kahit na mainit at pawisan na ako sa pagtitinda, nag-enjoy ako. Masaya din ako n

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status