REYMOND choked back the lump at the back of his throat. He tried to control the surging pain rushing to his chest. Samantha and Catherine pulled themselves away from him.
Tumingin muli si Catherine sa mga mata niya, bakas ang labis na lungkot sa mga nito. “Gusto ko sana pigilan ka pero ayoko rin na magtatalo pa tayong dalawa dahil sa loob ng limang taon nakita namin kung paano ka namuhay na puno ng lungkot at konsensya.”
“Ate, salamat sa lahat ng tulong mo sa amin. Tatanawin ko ito ng malaking utang na loob ang lahat ng tulong na ginawa mo sa amin,”
Muling bumuhos ang luha sa mga mata ni Catherine, “Pamilya tayo kaya’t nararapat lang tulungan ko kayo. Basta mag-iingat ka roon. Hindi namin alam kung ano ang dahilan mo kung bakit mas pinili mong bumalik pa doon kahit kap
TUMIKHIM si Aris at tiningnan siya nito ng seryoso sa mukha. Pakiramdam niya biglang nalusaw lahat ng lakas ng loob niya sa paraan ng tingin nito dahil tagos sa kaluluwa niya ang bawat titig nito.Sinundan ni Aris ng paghugot ng malalim na buntong hininga ang ang kusang pag-alis ng mga mata nito sa mukha niya.“Reymond, hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip mo at naisipan mo pang bumalik dito sa Beijing. Sumuong ka ulit sa patibong ng pamilyang Santillian,” maya-maya pa’y tugon ni Aris.Napatungo ng ulo si Reymond, alam niyang nag-aalala si Aris sa kaligtasan niya, “Ninong pagbigyan niyo na po ako, gusto ko lang bumawi sa kanya eh,”Napalingon muli si Aris sa kanya, bakas sa mukha nito ang lungkot, “Gusto
MADALING araw na hindi pa rin siya nakatulog hanggang sa tuluyan niyang narinig ang mahinang katok sa pinto. Dali-dali siyang bumaba ng kama at pinagbuksan ang nangatok. Bumungad sa kanya ang mukha ng ninong niya. Halatang maayos ang tulog nito dahil maaliwalas ang mukha niyo samantalang siya ay pagod at namumula ang mga mata indikasyon na wala siyang tulog buong magdamag.“Good morning, ninong!” Maagap niyang bati kay Aris at niluwagan niya ang pinto upang makapasok ito.Papasok na si Aris ngunit di nakaligtas sa mapanuri nitong mga mata ang anyo ni Reymond. “Good morning too. You haven’t had a sleep? You feel uncomfortable here?”Binuksan niya ang ilaw at saka sumunod dito, “Okay naman po dito sa loob ng kwarto, pinagdamutan lang ako ng antok kaya inabot na ng madali
HALOS hindi makapaniwala si Aris sa nalaman niyang rebelasyon ni Reymond ngunit base na rin sa ipinakita nitong larawan natitiyak niyang tama marahil ang hinala nitong anak nito ang isa sa mga apo ni Brent.Wala siyang personal na galit sa pamilyang Santillian dahil abala siya sa sarili niyang negosyo. Nagkataon lang din na kaya sila nagtagpo ng landas noon ni Brielle sa ito mismo ang kusang naghanap sa kanya.Ibinalik niya kay Reymond ang cellphone nito at tinapik ang balikat, “Mahaba-habang pagsubok pa ang kakaharapin mo. Sana lang kung hindi man kayo magkaayos ay magawa ka nilang patawarin alang-alang nalang sa anak ninyo ni Denise. Palagay ko naman may pag-asa pa na magkakapatawaran kayo dahil pinayagan nilang ituloy ang batang iyan at kita naman natin lumaking maayos,”Biglang dumaan ang
HE heaved a deep sigh and gently patted his sister’s shoulder. Brielle knew how hard it was for Denise to cope with all the tasks inside their company. He has been there before and formerly replaced their father a couple of years ago.Denise noticed Brielle’s pity expression for her, “Don’t give me that kind of look, c’mon brother, I’m old enough to handle things that will come along the way. I will let my fate decide for my future,”She smiled at him and then stood up quickly.Brielle followed her and slung his arm on her shoulder. They walked side by side, heading to the door, “Well, I believe my little sister has now grown up,”“Humph! Binobola mo na naman ako. Dapat nga may regalo ka
HINDI pa ito ang tamang panahon para ipakita niya ang tunay niyang anyo rito dahil hindi pa niya naisagawa ang mga plano. He needed to get Doctor Zheng’s support to come closer to his son to cure him but he has to hide his real identity too.He hovered over his closet and take out the human skin mask he brought. Matapos kunin ang mascara nagtungo siya sa harapan ng malaking salamin na nasa loob ng banyo. Isinukat niya agad ang mascara at tiningnan kung hindi ba ito halata ng sinumang makakaharap niya.Nang makita ang anyo sa harapan ang salamin matapos isuot ang mascara may ngiti na sumilay sa sulok ng labi niya. Kasyang-kasya sa kanya ito at lalong tumingkad ang itsura niya. Ang sinumang makakakita sa kanya mapapagkamalan siyang isang sikat na superstar.Nang makontento na sa anyo niya agad
ILANG minuto ang lumipas bago muling nag-angat ng mukha ang kausap niyang receptionist. Matamis na ngiti ang sumilay sa labi nito bago nagsalita.“Confirmed reservation, sir, under Sir Aris Wang. Room 504. We will send you to the room. Kindly sit down for a while as I will call staff to send you,”Tango lamang ang sinagot niya rito at tumalikod na siya. Tahimik na umupo sa isang couch na nasa main lobby. Wala pang limang minuto lumapit na sa kanya ang isang hotel staff at inaya siya nito sa isang naghihintay na bukas na elevator.Sabay silang lumulan ng tahimik hanggang makarating sa 25th floor kung saan naroon ang nireserve na presidential suite ni Aris. Nang tumapat na sila sa pinto binuksan agad ito ng staff.“Get in, sir!&rdq
NAUNA na itong lumabas sa kanila. Walang imikan silang sabay na bumaba hanggang sa parking area.“So, paano magkita-kita nalang tayo sa Wednesday doon sa Southern Hospital,” anang boses ni Doctor Zheng bago pa man ito pumasok sa loob ng kotse nito.Sabay na tango naman ang isinagot nina Reymond at Aris. Nang makaalis ng ang sasakyan ni Doctor Zheng saka lamang hinarap ni Aris si Reymond.“Akala ko magbubuking na tayo kanina. Bigla kasi nagbago ang tono ng boses mo ng binanggit niya ang tungkol sa nangyari kay Denise Santillian,” bakas sa boses ni Aris ang ginhawa habang nakapamulsa ito sa harapan niya.Mapait na ngiti ang sumilay sa labi ni Reymond, “Nabigla lang po ako sa narinig ko mula sa kanya. Hindi ko inakala na
KAKAMOT-KAMOT ng ulo si Mang Ramon habang nakatingin sa papalayong anyo ng asawa niya.“Bakit masama bang magtanong? Nagtataka lang ako eh,” pahabol niya rito bago ito tuluyang makapasok sa main door.Napahinto pa si Mamang Carol at pumihit paharap sa kanya, pinandilatan siya nito, “Pag hindi pa titigil ang bibig mong iyan, sasamain kana sa akin,”Mabilis na sumenyas si Manong Ramon sa misis niya na ititikom na niya ang bibig ngunit naroon pa rin ang pagdududa sa utak niya.****Brielle Santillian’s Villa- 7 am, MondayTulad ng nakasanayan nila maagang nagising ang lahat dahil pasukan ng mga bata. Abala sina Ivana