TUMIKHIM si Aris at tiningnan siya nito ng seryoso sa mukha. Pakiramdam niya biglang nalusaw lahat ng lakas ng loob niya sa paraan ng tingin nito dahil tagos sa kaluluwa niya ang bawat titig nito.
Sinundan ni Aris ng paghugot ng malalim na buntong hininga ang ang kusang pag-alis ng mga mata nito sa mukha niya.
“Reymond, hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip mo at naisipan mo pang bumalik dito sa Beijing. Sumuong ka ulit sa patibong ng pamilyang Santillian,” maya-maya pa’y tugon ni Aris.
Napatungo ng ulo si Reymond, alam niyang nag-aalala si Aris sa kaligtasan niya, “Ninong pagbigyan niyo na po ako, gusto ko lang bumawi sa kanya eh,”
Napalingon muli si Aris sa kanya, bakas sa mukha nito ang lungkot, “Gusto
MADALING araw na hindi pa rin siya nakatulog hanggang sa tuluyan niyang narinig ang mahinang katok sa pinto. Dali-dali siyang bumaba ng kama at pinagbuksan ang nangatok. Bumungad sa kanya ang mukha ng ninong niya. Halatang maayos ang tulog nito dahil maaliwalas ang mukha niyo samantalang siya ay pagod at namumula ang mga mata indikasyon na wala siyang tulog buong magdamag.“Good morning, ninong!” Maagap niyang bati kay Aris at niluwagan niya ang pinto upang makapasok ito.Papasok na si Aris ngunit di nakaligtas sa mapanuri nitong mga mata ang anyo ni Reymond. “Good morning too. You haven’t had a sleep? You feel uncomfortable here?”Binuksan niya ang ilaw at saka sumunod dito, “Okay naman po dito sa loob ng kwarto, pinagdamutan lang ako ng antok kaya inabot na ng madali
HALOS hindi makapaniwala si Aris sa nalaman niyang rebelasyon ni Reymond ngunit base na rin sa ipinakita nitong larawan natitiyak niyang tama marahil ang hinala nitong anak nito ang isa sa mga apo ni Brent.Wala siyang personal na galit sa pamilyang Santillian dahil abala siya sa sarili niyang negosyo. Nagkataon lang din na kaya sila nagtagpo ng landas noon ni Brielle sa ito mismo ang kusang naghanap sa kanya.Ibinalik niya kay Reymond ang cellphone nito at tinapik ang balikat, “Mahaba-habang pagsubok pa ang kakaharapin mo. Sana lang kung hindi man kayo magkaayos ay magawa ka nilang patawarin alang-alang nalang sa anak ninyo ni Denise. Palagay ko naman may pag-asa pa na magkakapatawaran kayo dahil pinayagan nilang ituloy ang batang iyan at kita naman natin lumaking maayos,”Biglang dumaan ang
HE heaved a deep sigh and gently patted his sister’s shoulder. Brielle knew how hard it was for Denise to cope with all the tasks inside their company. He has been there before and formerly replaced their father a couple of years ago.Denise noticed Brielle’s pity expression for her, “Don’t give me that kind of look, c’mon brother, I’m old enough to handle things that will come along the way. I will let my fate decide for my future,”She smiled at him and then stood up quickly.Brielle followed her and slung his arm on her shoulder. They walked side by side, heading to the door, “Well, I believe my little sister has now grown up,”“Humph! Binobola mo na naman ako. Dapat nga may regalo ka
HINDI pa ito ang tamang panahon para ipakita niya ang tunay niyang anyo rito dahil hindi pa niya naisagawa ang mga plano. He needed to get Doctor Zheng’s support to come closer to his son to cure him but he has to hide his real identity too.He hovered over his closet and take out the human skin mask he brought. Matapos kunin ang mascara nagtungo siya sa harapan ng malaking salamin na nasa loob ng banyo. Isinukat niya agad ang mascara at tiningnan kung hindi ba ito halata ng sinumang makakaharap niya.Nang makita ang anyo sa harapan ang salamin matapos isuot ang mascara may ngiti na sumilay sa sulok ng labi niya. Kasyang-kasya sa kanya ito at lalong tumingkad ang itsura niya. Ang sinumang makakakita sa kanya mapapagkamalan siyang isang sikat na superstar.Nang makontento na sa anyo niya agad
ILANG minuto ang lumipas bago muling nag-angat ng mukha ang kausap niyang receptionist. Matamis na ngiti ang sumilay sa labi nito bago nagsalita.“Confirmed reservation, sir, under Sir Aris Wang. Room 504. We will send you to the room. Kindly sit down for a while as I will call staff to send you,”Tango lamang ang sinagot niya rito at tumalikod na siya. Tahimik na umupo sa isang couch na nasa main lobby. Wala pang limang minuto lumapit na sa kanya ang isang hotel staff at inaya siya nito sa isang naghihintay na bukas na elevator.Sabay silang lumulan ng tahimik hanggang makarating sa 25th floor kung saan naroon ang nireserve na presidential suite ni Aris. Nang tumapat na sila sa pinto binuksan agad ito ng staff.“Get in, sir!&rdq
NAUNA na itong lumabas sa kanila. Walang imikan silang sabay na bumaba hanggang sa parking area.“So, paano magkita-kita nalang tayo sa Wednesday doon sa Southern Hospital,” anang boses ni Doctor Zheng bago pa man ito pumasok sa loob ng kotse nito.Sabay na tango naman ang isinagot nina Reymond at Aris. Nang makaalis ng ang sasakyan ni Doctor Zheng saka lamang hinarap ni Aris si Reymond.“Akala ko magbubuking na tayo kanina. Bigla kasi nagbago ang tono ng boses mo ng binanggit niya ang tungkol sa nangyari kay Denise Santillian,” bakas sa boses ni Aris ang ginhawa habang nakapamulsa ito sa harapan niya.Mapait na ngiti ang sumilay sa labi ni Reymond, “Nabigla lang po ako sa narinig ko mula sa kanya. Hindi ko inakala na
KAKAMOT-KAMOT ng ulo si Mang Ramon habang nakatingin sa papalayong anyo ng asawa niya.“Bakit masama bang magtanong? Nagtataka lang ako eh,” pahabol niya rito bago ito tuluyang makapasok sa main door.Napahinto pa si Mamang Carol at pumihit paharap sa kanya, pinandilatan siya nito, “Pag hindi pa titigil ang bibig mong iyan, sasamain kana sa akin,”Mabilis na sumenyas si Manong Ramon sa misis niya na ititikom na niya ang bibig ngunit naroon pa rin ang pagdududa sa utak niya.****Brielle Santillian’s Villa- 7 am, MondayTulad ng nakasanayan nila maagang nagising ang lahat dahil pasukan ng mga bata. Abala sina Ivana
REYMOND felt happy when he heard the guard’s answer. He was so excited to come closer to his son.“Sige po babalik nalang ako mamaya rito,” iyon lamang at nagpaalam na siya sa guard. Bumalik siya sa loob ng kotse at hinugot ang cellphone sa kanyang bulsa. Kailangan niyang tawagan si Aris at humingi ng tulong dito para makapasok siya sa loob ng school.Ilang ring lang sumagot naman ito. “Morning, Reymond. Kumusta ang pahinga mo?” bungad nito sa kanya.“Okay naman po Ninong. Kaya po ako tumawag sa inyo dahil may hihingiin akong pabor,” halos hindi siya mapakali sa loob ng sasakyan. Puno ng labis na tuwa at kaba ang dibdib niya.“Pabor? Anong pabor iyan?”
HER hands shivered while tightly gripping the whip and the high-power laser. Her jaw locked and she greeted her teeth. Naglaho lahat ng paghanga niya sa pekeng Drake Yin. Napalitan ng galit ang pagmamahal na sana unti-unti na niyang naramdaman dito.Marahang umangat ang duguang kamay ni Reymond para sana punasan ang mga luha ni Denise ngunit mabilis niya itong tinabig.Mahinang yugyog ng balikat sanhi ng marahang tawa ang naging tugon ni Reymond. Alam niyang ito na ang huling mga sandali niya at gagamitin niya na lang ito para humingi ng kapatawaran dito.“Bakit? Bakit mo nagawa sa akin ito? Anong kasalanan ko sa’yo?” malakas na sigaw ni Denise kay Reymond.Marahang nag-angat ng mukha si Reymond. Puno ng pasa at sugat ang katawan
IN a quick reflexes Reymond tried to escape from their grasp but he was too tired to make it. Pumihit paharap sa kanya si Brent at unti-unting naglakad palapit sa kanya.“Sir, ano po ang ibig sabihin nito?” kalmadong tanong ni Reymond kahit may nakaambang panganib ayon na rin sa hinala niya.Hindi sumagot si Brent at nang huminto ito sa harapan niya bigla itong nagtanong, “Nakalimutan mo na ba na ako si Brent Santillian? At malinaw kong sinabi sa’yo noon na aalagaan mo ang anak ko kapag ipagkakatiwala ko siya sa’yo? Ha ha ha! Ang laki kong hangal dahil naniwala ako sa panlilinlang mo!”Bago pa man nakasagot si Reymond malakas na hinila ni Brent ang suot niya maskara. Sinundan agad nito ng malakas na suntok sa sikmura niya.
NAMULA lalo ang mga mata ni Reymond. Ang salitang binitawan ng anak niya ang tanging natitirang pag-asa niya para maitama lahat ng kasalanan niya pagkatapos niyang isagawa ang heart surgery nito.Marahan siyang tumango, “Oo naman. Hindi ako aalis hanggang sa gumaling ka ng tuluyan.”Nag-angat ng mukha si Andrei at pinahid ang mga luha ni Reymond, “Bakit ka umiiyak?”“Nalungkot lang ako dahil tayo lang dalawa ang narito eh. Wala ang Mommy mo na sana inasahan kong dadatnan siya rito. Marahil nga masaya na siya na bumalik si Carl,” madamdaming tugon niya.Umiling si Andrei, “Tulog pa si Mommy nang umalis kami. Late na rin kasi siyang umuwi kagabi, pero tiyak ako kapag nagising na iyon mamaya susunod siya rito
NAPANSIN ni Brent na tulala ang manugang niya at saglit itong namutla. He snapped his finger in front of Ivana.“Penny, on your thoughts, Ivana?” Brent gazed at her daughter-in-law with a bit of doubt.“Ah-- I was just shocked with the news, dad. Who is the good doctor that will perform the surgery?” She queried calmly, avoiding Brent’s eyes.Brent smiled lightly, “It’s Drake Yin!”Lihim na naikuyom ni Ivana ng mariin ang kamay dahil tulad ng inasahan niya si Reymond nga ang tinutukoy ni Brent. Gustong magalit ni Ivana kay Reymond ng mga sandaling ito dahil pinapairal nito ang katigasan ng ulo.“Wow, I can’t believe Drake will do that!”
SAGLIT na natigilan si Brielle. Hindi niya inasahan ang ganitong sitwasyon na kinalalagyan ng matalik niyang kaibigan. Ngunit hindi niya rin masisisi ito na tumakas sa poder ng magulang dahil niloko rin ito ng sariling ama.Bahagya siyang nakadama ng awa para rito at tulad ng pinangako niya noon kay Carl, mananatili siyang magtuturingang magkapatid.“Don’t worry, I will be at your back. Just make sure to win back my sister’s trust. Lately, I could sense her anxious thoughts about you.” Brielle said, trying to console his best friend.“Yeah. Actually, a minute ago, we had a bit of a hateful confrontation, no… it’s an argument. I think she was typing a message for Reymond, so I came to her angrily, telling her that she was cheating on me.” Carl let out
MAHIGIT dalawang araw na ang nakalipas ngunit hindi na muling nagpakita si Reymond kay Denise. Hindi rin nag-abalang mag-message ang dalaga sa kanya kaya’t nagmumukmok lamang siya loob ng kanyang kwarto.He tried to comfort himself and preparing for Andrei’s surgery but deep inside his heart there was an emptiness he could barely bear. Halos hindi siya makatulog sa loob ng dalawang araw at iba’t-ibang imahe nina Denise at Carl na masayang magkasama ang paulit-ulit na naglalaro sa utak niya.Ilang beses na rin nagdala ng pagkain si Manang Carol sa silid niya ngunit ni hindi niya ito halos galawin. Nawalan siya ng ganang kumain at lalo itong ikinabahala ng mga kasambahay niya.He jolted when his phone suddenly rang.“Reymond,
SA bawat salitang naririnig niya mula sa anak ibayong tuwa ang hatid nito. Mabilis na gumaan ang pakiramdam niya at nanumbalik ang determinasyon niya sa sarili.“Anak, salamat sa mga sinabi mo. Kung alam mo lang gaano mo pinawi ang hinanakit ko.”“It’s okay, dad. Take care of yourself, okay?”“I will. I love you. Bye for now!”He ended the call. Saka lamang niya napansin na madilim na ang paligid. Tinawagan na rin niya ang restaurant kung saan nag-book sana siya ng dinner date nila ni Denise. Bayad na niya ito at hindi rin napakinabangan ngunit nagpasya na lamang siyang palipasin ang nangyari. Bumalik na siya sa sariling bahay at natulog na lamang.Samantala, k
MABILIS na lumuwag ang kamay ni Reymond na nakahawak sa kamay ni Denise bago pa man makapag-react ang dalaga. Binitawan na rin ni Reymond ang bouquet ng bulaklak at nalaglag ito sa harapan nilang magnobyo.Mabibilis na hakbang ang ginawa ni Reymond at agad na pumasok sa loob ng kotse nito. His car galloped away from the parking area, leaving heavy pain in Denise's heart. Gusto niyang magpaliwanag dito ngunit tila nawalan siya ng lakas ng loob na magsalita kanina dala ng matinding pagkabigla.Akma na siyang dudukwang para damputin ang bulaklak mula sa lupa ngunit pinigilan siya ni Carl.“Bakit mo pa dadamputin iyan? Pwede naman kitang bilhan ng mas maganda dyan mamaya kapag may nadaanan tayong flower shop sa highway,” sita ni Carl.Gigi
SHE gently pulled herself away from him. Carl could sense Denise’s bothered reaction but he tried to understand her. Nasabi na ni Brielle sa kanya na madalas nitong kasama si Reymond na akala nito ay ibang tao ngunit sa pagkakataong ito hindi na rin siya makakapayag na aagawin pa ni Reymond ang nobya niya at sisirain ang buhay nilang dalawa.“Kailan ka pa dumating?” seryosong tanong ni Denise kay Carl, matapos nitong bitawan siya.Hinawakan nito ang braso niya at inakay siya patungo sa tabi ni Brielle. Tahimik naman siyang nagpahila rito.“Kaninang madaling araw lang. Umalis ako sa bahay namin kagabi. Marami pa akong sasabihin sa’yo pero sa ngayon hindi na muna natin pag-uusapan dahil ang mahalaga nagkabalikan na tayo ulit at buhay pareho,” nakangiting tugon ni C