NAHIHILO siya at hindi nakapagsalita kaya’t di niya masagot ang sunud-sunod na tanong ng nurse. Tinulungan siya nitong makaupo ng maayos sa kama. Bigla na lamang ang ganoong pakiramdam dahil ilang araw na siyang hindi nakakatulog ng maayos.
Maging si Brent ramdam din niyang balisa ito sa kama tuwing nakahiga na sila ngunit kapwa walang gustong magsalita o pag-usapan ang anumang kinakaharap nila.
Umalis ang nurse sa tabi niya at ikinuha siya nito ng tubig. Bumalik ito saka inabot sa kanya ang baso, “Ma’am uminom po muna kayo ng tubig. Sobrang putla niyo po kasi. Tatawag lang po ako ng doctor para matingnan kayo,”
Agad na ininom niya ang tubig na binigay nito, kapagkuwan pumihit siya rito, “Nurse, huwag kanang tumawag ng doctor, okay na ako. Pagod lang ako nitong mga nag
NATIGAGAL si Shantal ng marinig ang sinabi ni Brent. Wala siyang maapuhap na tamang salita na isasagot dito. Tama ang sinabi ng asawa niya, masyado dinibdib ni Brielle ang sinapit ng kapatid at batid nilang mag-asawa na labis nito sinisisi ang sarili. Hindi man ito tahasang nagsalita sa kanila ramdam nila niya sa mga ikinikilos nito.Dumagdag pa lalo sa alalahanin nito ang pag-alis ni Ivana tangan ang mga apo nila. Tanging dasal na lamang niya na hindi magkaroon ulit ng breakdown si Brielle at bumalik ang dating sakit nito.Naramdaman na lamang niya ang marahang pagpisil ni Brent sa kamay niya.“Kung gusto mo talagang doon tayo tutuloy sa tahanan ni Brielle, okay lang sa akin pero inaalala ko rin kasi baka lalong dadagdag lamang ito sa anxiety niya. Saka di pa sila nagkaayos ni Ivana at ni wa
SUMUNOD na rin siya kina Brent at mga hospital personnel na naghatid sa kanila sa bahay. Abala ang lahat at nagtataka man ang mga kasambahay kung ano ang sinapit ng bunsong anak ng mag-asawa walang naglakas loob na magtanong sa mga ito.Nasa loob na sila ng sariling silid ni Denise at maayos na rin naikabit dito ang ilang instrumento. Tulad ng dati tila isa lamang itong manika na nakahimlay at maputla ang mukha.“Doctor Zheng, pwede po muna kayong magpahinga, narito naman kaming mag-asawa na magbabantay muna sa anak namin,” hikayat ni Brent dito maging sa mga kasama nito.“Sige, babalik nalang ako dito mamaya para tingnan ulit siya at lapatan ng gamot na naaayon sa kanya at sa sanggol,” nakatayo ito sa gilid ng kama ni Denise at bahagyang lumingon sa gawi ni Brent.
NITONG mga nagdaang araw na naging tahimik siya at walang kinikibo sa lahat ng taong nakatira sa bahay ng Lola Graciela nila, si Caroline ang madalas niyang kausap sa Facetime. Kung dati-rati hindi sila naghihiwalay ng higaan ni Brianna, nitong nakalipas na ilang buwan kusa na itong lumayo sa kanya. Bagay na ikinainis din niya sa kambal. Sanay siyang kahit maldita at makulit ang kambal naroon ang presensya nito sa tabi niya ngunit habang lumalaki sila madalas itong may sumpong at lagi silang nagtatalo hanggang sa nauwi sa paglipat nito ng ibang silid.Kay Caroline niya naikwento ang lahat ng tampo at hinanakit niya sa kapatid at magulang dahil handa itong makinig. Kapag sinasabi niyang sikreto ang bagay na shini-share niya maaasahan niya ito lagi.At nitong huli nilang pag-uusap nabanggit nga nito na na-scam na naman ang daddy nito at naubos na ang
BRENDON was about to leave her room, but suddenly Ivana asked him.“Son, did you often talk to Caroline lately?”Napahinto sa paghakbang si Brendon, pumihit paharap sa ina at tila nag-aalangan pa itong sagutin ang tanong niya. Ngumiti ito ng alanganin at napakamot sa ulo.“Well, yeah. Sort of, since Brianna moved out from our room,” he fidgeted, pouted his lips into a thin curve, “She’s willing to listen, you know,” his last words came faintly.“Palagay ko nga madalas kayong nag-uusap, at tama ang hula ng kambal mo. You like her, won’t you?” nakangiting tugon niya.Namutlang bigla ang mukha nito, at humugot ng malalim na buntong hininga.
HE just realized by now the result of his wrong decision. Unfortunately, it’s too late to correct it, and all he wishes is to die.Bakit nga ba hindi muna niya pinag-isipan ang lahat bago niya ginawa ang pagkakamaling iyon? Isang malaking kasalanan na naging sanhi ng paghihirap nilang lahat.“Uncle, you look pale. Are you okay?” Nate raised his hand and touched Reymond’s forehead.Napaigtad siyang bigla sa ginawa nito at hinilang pabalik sa kasalukuyan ang diwa niya. Napilitan siyang ngumiti upang ipakita kay Nate na ayos lang ang pakiramdam niya.“Oo naman okay lang ako. Kaya ako maputla sa paningin mo dahil ilang buwan na rin akong hindi nakakalakad at hindi naaarawan,”
MAKAILANG beses niyang binasa ng paulit-ulit ang mensahe nito at wala rin siyang naisip na isasagot sa ama o maaaring gawing alibi para pansamantala munang umiwas. Ayaw niyang makita ang kalagayan ng kapatid lalo na’t makita ang tiyan nito na unti-unting lumalaki. Puno ng galit ang dibdib niya laban sa ama ng batang nasa sinapupunan ni Denise, naroon ang kagustuhan niyang pakiusapan ang magulang na alisin na lamang ang sanggol ngunit batid niyang labag sa kalooban ng mga ito na gawin ang bagay na iyon.The least he could do is to avoid seeing his sister to appease his anger. Kung tutuusin walang kasalanan ang munting anghel na dinadala ng kapatid ngunit bunga ito ng kademonyohan ni Reymond Yun ayon sa pamantayan niya.He hated the father of the child. He wanted to get rid of that child as the father of that was the member of their mortal enemy
HAROLD wanted to ask him why he hadn’t visited his family in London but Brielle remained unmoved. Nakapikit pa rin ito at walang balak makipag-usap sa kanya. Itinoon na lamang niya ang atensyon sa kalsada na ngayon ay nag-umpisa ng matraffic.Lihim siyang napamura ng biglang may nag-cut sa lane nila. Sa bilis ng pangyayari mariin niyang inapakan ang silinyador ng sasakyan na naging sanhi upang bigla silang napasadsad dalawa ni Brielle.“What the hell, Harold?!” Brielle’s eyes opened wide and his face was gloomy. Nauntog siya sa harapang upuan at nagising bigla.“Sorry, sir. Someone had cut our lane,” Harold quickly explained, shivering.Brielle clenched his jaw and swore on his mind. Saka lamang niya napuna na n
SHANTAL could feel Brielle’s anger; instead of forcing him, she gave him a gentle hugged.“I hope one day, you could let go of the hatred inside your heart. It will affect your life, son. Please don’t let this anger root inside your heart until you grow old,”Brielle pulled himself from her Mom’s embrace and said, “Only time could tell, Mom. I just can’t accept all these unexpected events that happened to our family. Don’t worry, I will think several times before I do something or make any decision,”“That sounds good! Thank you, son!” Shantal uttered joyfully.Tumayo na siya at hinila si Brielle, “Halika na, bumaba na tayo para makapaghapunan. Tiyak naghihintay na silang laha