Maxine's POV ISANG buwan na ang nakalipas simula noong mapatunayang guilty ang mga Francisco at si Liezel sa salang pagpatay sa aking pamilya. Sobrang saya ng puso ko dahil sa wakas, mapapanatag na ako na mapagbabayaran nila ang mga kahayupang ginawa nila sa pamilya ko. Noong mga naunang linggo halos hindi ako makalabas ng bahay, dahil maraming reporter ang nag aabang sa akin upang mahingian ako ng ilang mga katanungan. Naging dahilan rin iyon upang mas lalong dumugin ang ZnV Jewelry ng mga tao. Kaya naman naging sikat ang pagkakakulong nilang tatlo. "Mama, papa, Lutcho. Okay na po. Nagawa ko po." Emosyonal kong saad habang nakaharap sa kanilang lapida. " May mga araw na halos hindi po ako dinadalaw nang antok. Dahil sa lungkot at panghihinayang." Muli na namang naglandas ang aking mga luha habang si Tyler naman ay mataman lamang na nakikinig sa akin. "Pero kakayanin ko po, kasi.. ipinangako ko sa inyo na pagdating nang tamang panahon, magiging successful rin ako." Da
Maxine's POV NANG makapagbihis na ito ay agad naman s'yang lumabas sa kanyang kuwarto. Parang gusto ko na nga lang lumabas at kumaripas ng takbo ngunit paniguradong magtataka naman s'ya kung bakit umalis ako ng walang paalam, hindi ba? "I'm sorry for waiting." Saad nito at agad na nanuot sa aking ilong ang pabangong gamit nito. "What do you want? Water, coffee juice or beer?" Nakataas pa ang kilay nito ng sipatin ako kaya napaawang naman ang aking labi sa pagkataranta. Isang black t-shirt ang suot nito habang itim na pants naman ang kanyang itinerno. Mas lalo tuloy s'yang pumuti sa suot n'ya at kahit na medyo maluwag ang suot n'yang t-shirt, hindi maipagkakaila ang maganda nitong katawan! Dahil hindi ako agad makasagot bahagya na lang akong napailing at may pagtataka itong nakatingin sa akin. Bakit ba kasi natataranta ako?! Nakakainis! "Uh, h-hindi na. Ayos lang naman ako!" Tugon ko rito at narinig ko pa itong bumuntong hininga bago nito muling damputin ang mga pape
Maxine's POV NANG bumukas ang pinto ay mas lalong tumindi ang aking kaba. Bahagya akong napasigaw ng hatakin ako nito papasok sa loob at marahas na isinandal sa pader kaya naman walang pagsidlan ang labis na kaba sa aking puso! Pakiramdam ko ay nanghihina na ang mga tuhod ko sa mga titig pa lang nito. Halos hindi ako makahinga ng maayos dahil sobrang lapit ng mukha nito sa akin! "You're here.." bulong nito na ikinalunok. Halos hindi ko kayang tingnan ang mapupungay nitong mga mata at naaamoy ko rin ang alak sa hininga nitong tumatama sa aking mukha. L-Lasing ba s'ya?! "M-May nawala ba akong papeles, R-Rusty? H-Hahanapin ko na lang kung g-gusto mo.." balik kong sabi at nakita kong napangisi naman ito. "I-I'm just.., e-exhausted. You know, I'm tired, I'm tired of being like this." Mahina nitong sabi kaya naman napakurap ako ng ilang beses. Hindi pa ito nakontento at nagawang hawakan ang aking kamay at agad na naglakad. Huminto lamang ito nang makapunta kami s
Maxine's POV DAHIL sa problemang kinakaharap ngayon ni Mr. Co at maging ng kompanya kinakailangan nilang magkaroon ng urgent meeting upang mapag-usapan kung paano masusulusyonan ang problemang pag blackout nang kanilang mga models. Magkakaroon raw kasi nang photoshoot para sa mga panibagong jewelry na ibibida as a couple. Wala naman akong alam sa bagay na iyon kaya hindi ko muna sila inuusisa tungkol doon. Siguro, ang kailangan kong pagtuunan ng pansin ang magiging desisyon ko sa pagpili ng unibersidad. Mas mainam kasi kung talagang makakapasok ako roon para naman mas maintindihan ko ang ituturo, hindi ba? Isa pa, paraan ko na rin iyon para maiwasan na muna si Rusty. Sa sobrang daming nangyari, ayoko nang dagdagan pa ang ikakasakit nang ulo ko. Matapos kong maligo, muli ko na namang binuksan ang laptop na ipinahiram sa akin ni Lexi. Isa-isa kong binabasa ang bawat detalye patungkol sa mga unibersidad na sa tingin ko ay papayagan naman ni papa na doon ako mag enroll. Napahin
Maxine's POV RAMDAM ko ang paninitig nito sa akin habang nakatingin ako sa camera na nasa aking harapan. Agad naming inumpisahan ang photoshoot dahil kailangan itong mailabas para sa panibagong exposure ng mga jewelry design. Matamis akong ngumiti habang hawak ang ang mga sun flowers, suot ko ang isang bracelet na namumuti na sa dami ng diamonds! Kasabay no'n ay ang bahagyang pag-angat nang suot kong puting backless dress. Kahit na naiilang ako sa kanilang lahat, wala na akong magagawa pa dahil ito na lang din ang magiging ambag ko sa kompanya sa ngayon. Isa pa, paraan ko na rin ito upang makabawi man lang kay papa sa lahat nang mga nagawa nito sa akin. "Okay, good job! Ang gaganda nang mga kuha sayo! Aside from that, sobrang ganda mo rin kasi kaya hindi na natin kailangan eedit ito." Komento no'ng camera man. Napansin ko ang bahagyang pagngiti ni Lexi at Mr. Co na hawak ang susunod kong isusuot. Pang apat na photoshoot ko na rin ito at papalit-palit rin ang ginagawa ko ka
Maxine's POV ILANG pagbuntong hininga na ata ang ginawa ko dahil ayaw talaga akong pansinin ni Tyler. Para s'yang bingi at bulag na hindi ako nakikita o naririnig man lang kahit na sinusundan ko ito. "Tyler, sorry na kasi.." malungkot kong saad. Napanguso ako dahil ayaw man lang ako nitong lingunin. Paano naman kasi, mukhang nagalit ata s'ya kasi nagkaroon kami ng usapan hindi ba? Kakain kami nang mga korean food at nakapagtext na s'ya sa akin kung saang eksaktong address kami magkikita. Noong araw na iyon hindi ba't nagkaroon kami nang biglaang photoshoot? Naitext ko naman s'ya na hindi muna kami matutuloy, ang problema nga lang naubusan na pala ako ng load kaya hindi na-send! Kanina ko lang rin nalaman na ganoon nga ang nangyari. Buong maghapon pala s'yang naghintay sa akin hanggang sa gumabi na lang. Kaya naman kanina hindi n'ya talaga sinasagot ang tawag ko kaya naisipan kong ipaliwanag sa kanya ang nangyari kaya heto, para akong buntot na nakasunod sa kanya.
Maxine's POV HALOS mapasigaw ako nang bigla na lang kaming malakas na mapahinto sa gitna ng daan! Mabuti na lamang at nagawan nito ng paraan na hindi sasalpok ang sinasakyan namin sa kabilang kotse. "Damn! That was close!" Pahayag ni Rusty habang nakakunot ang kanyang noo sa inis. Inis itong bumaba ng sasakyan kaya naman ganoon na rin ang ginawa ko. "A-Anong problema?" Nagtataka kong tanong at hindi man lang ito sumagot kaya naman agad kong tiningnan kung ano ba ang tinutukoy nito. Flat pala ang gulong ng kotse. Kapag minamalas nga naman. Agad s'yang pumunta sa likod ng kotse ngunit nang mabuksan n'ya na ang compartment ng sasakyan, napahampas naman ito na ikinagulat ko. "Fuck it!" Inis pa nitong sigaw at napasapo na lamang sa kanyang noo. "How can I goddamn fix this bullshit if I left those tools?!"Hindi na ako nakapagsalita pa dahil wala naman akong alam sa pag aayos nang sasakyan. Bukod pa roon, baka sa akin pa mabaling ang galit nito kaya mas maigi na ma
Maxine's POVNANG mahatiran kami ni Aling Ester ng pagkain, sandali pa itong nagtagal upang makipagkuwentuhan sa amin. Siguro ay palakaibigan lamang ito at maging ang nanay n'yang si Nanay Anita ay hindi rin nakatiis at pinuntahan rin kami ngunit may dala pa itong paper bag. "Ah, matanong ko lang pala ang pangalan n'yo? Alam n'yo naman, ngayon lang tayo nagkakilala." Nakangiti pang saad ni Aling Ester at napahinto naman ako nang subuan ako ni Rusty ng kanin na may sabaw ng tinola at laman ng manok. Hindi nakalampas sa aking mga mata ang hindi maitagong kilig ng mag-ina sa bawat ikinikilos ni Rusty. Talagang paniwalang-paniwala ang mga ito na mag-asawa talaga kami kaya nakakakonsensya rin itong pagpapanggap na aming ginagawa. "Ako po si Maxine." Nakangiti kong sagot matapos kong manguya at malunok ang pagkain sa aking bibig. Bumawi naman ako at ako naman ang nagsubo ng pagkain kay Rusty at mas nilakihan ko pa para naman makabawi ako sa bawat kasungitang ginawa nito sa