Maxine's POV NILINGON ko ito dahil maging ako ay interesado sa kung ano mang paliwanag ang sasabihin nang lalaking ito. "Bago pa man sila dumating sa private cemetery nandoon na 'ko," seryoso nitong pahayag at nagawa pang sumulyap sa akin. "Doon kasi ang madalas kong puntahan kapag exhausted ako masyado. Literal na katahimikan yung gusto ko." "Sino ang bumugbog sa lalaking ito?" Agad naman akong tinuro ng matabang lalaki at nanginginig pa ang katawan nito. Mukhang sobrang natakot ata dahil sa inabot n'ya mula sa akin. Hindi ko naman kasalanan iyon. Binigyan ko s'ya ng pagpipilian pero masyado n'yang pinairal iyang asal n'yang hindi maganda. "Self-defense lang ang ginawa n'ya. Buti nga at hindi na kita binugbog eh!" Muli pang sabat nito. Matapos ang ilan pang tanong ay nakalabas naman kami agad at tulad ng inaasahan, nakulong nga ang lalaking iyon. Sobrang dami atang nangyari sa buong maghapon na 'to at malamang bukas ay mag uusisa na naman sa akin si Aria kung bakit hindi ako na
Maxine's POVLUMIPAS pa ang ilang araw at mas tumindi pa ang usap-usapan nang lahat matapos na namang gumawa ng ilan pang isyu ni Donya Sylvia at Liezel. Nanatili naman akong tikom sa lahat ng mga nangyayari dahil ang gusto ko lang ay hayaan silang gumawa ng ikakasira nila at ang mahulog sa aking bitag ang unang hakbang. "Maxine? Ang balita naming lahat, darating daw dito ngayon si.. si Mr. Francisco!" Bulong ni Aria habang naglilista kaya natigilan ako sa akin narinig. Si Lawrence? Ano namang gagawin n'ya rito kung ganoon? "Sa tingin mo ba, pupunta s'ya rito para makausap ka? Alam mo na.." balik pang sabi nito na ikinailing ko naman. "Alam mo, malabo pa sa malabo iyang sinasabi mo Aria! Wala ng dahilan para mag-usap pa kaming dalawa."Marahan itong tumango bilang pagsang-ayon. Alam din nito ang nangyayari sa akin kaya medyo naiintindihan n'ya na ang sitwasyon ko. Napahinto kami nang magkaroon nang biglaang announce si Mr. Co. Mukhang masaya pa ito at excited habang hawak nito a
Maxine's POV NAPAHINTO ang mga ito sa paghahalikan nang makarinig kami ng ilang katok sa labas. Ilang segundo pa ng kusang bumukas ang pinto at nakita ko si Mr. Co na mukhang gulat na gulat sa nangyari. "Oh, my goodness! What's happening here?!" Nanlalaki ang mga mata nito habang ang isang kamay ay nakatakip sa kanyang bibig. Agad namang umiyak si Liezel na ikinakunot ko ng noo dahil agad nitong nakuha ang atensyon ni Mr. Co. "She did all this messed! She hurt us!" Turo pa nito sa akin at masama namang tumingin sa direksyon ko si Mr. Co. "What the hell did you do, Mercedes! These people are our clients! What did you do?!" Sigaw nito kaya naman akmang magpapaliwanag ako nang agad na ipakita ni Liezel ang video na kuha nito. Literal na nanlaki ang mga mata ni Mr. Co sa napanuod at hindi makapaniwala nang mapatingin sa akin! "Oh, my gosh! You're a monster! Nakakatakot ka!" Sigaw nito at agad na inilabas ang kanyang cellphone at kung sino man ang balak n'yang tawagan ngayon ay wala
Maxine's POV ILANG segundo kong pinakatitigan ito upang masigurado na si Manang Jocelyn nga ang taong ito. "Manang Jocelyn?!" Pahayag kong at mabilis itong tumango. Agad ko namang binuksan ang pinto at dali-dali itong yumakap sa akin. Hindi ko na napigilan ang aking sarili at mahigpit ko rin itong niyakap. Kasabay no'n ay naramdaman ko ang luha nito kaya mas lalo akong nakaramdam ng pagkahabag. "Sabi ko na nga ba at ikaw ang nakita ko! Mabuti na lang at naisipan kong sundan kita!" Maluha-luha nitong sabi kaya kahit na naglalandas na ang aking mga luha ay nakuha ko pa ring ngumiti. "Ang tagal ho nating hindi nagkita! Ang dami pong nangyari, manang!" Balik kong sabi at para akong isang bata na nagsusumbong sa nanay dahil sobrang bigat ng aking dibdib. "Nalulungkot ako nang malamang wala na ang pamilya mo, hindi ko akalaing mawawala sila ng ganoon na lamang!" Natigilan ako sa narinig dahil sa pagkakaalam ko ay umuwi ito ng probinsya kaya paano n'ya nalaman ang bagay na iyon? "Pa
Maxine's POV NAPANGITI ako nang tuluyang makita ang sarili sa salamin habang suot ang napakagandang gown! Pakiramdam ko ay isa akong prinsesa kaya hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Sino ba kasing hindi sasaya kung ganito kaganda ang susuotin mo sa isang okasyon? Punong-puno nang diamante! Literal na namumuti na ito dahil sa mga diamante nakalagay sa gown na ito. Idagdag pa ang mababang V-neckline na talaga namang mag nagpalitaw ng korte sa aking dibdib. Tama lang rin ang sukat sa aking bewang na hapit na hapit at talagang makikita kung gaano kaganda ang aking hugis! Ang kulay pulang gown na mas nagpalitaw nang aking magandang kutis. Kinulayan rin ang aking buhok ng ash blonde dahil mas bagay raw ito sa akin kaya naman manghang-mangha ako nang makita ang resulta! Ito ang unang beses na pumayag akong magpakulay ng buhok, kaya malaking tulong talaga si Lexi pagdating sa mga ganitong bagay dahil marami s'yang alam. Maging ang kuko ko ay pinalinisan rin nito at ginawa pang nail gel
Maxine's POV NANG mahimasmasan ako sa mga bagay na pinaggagawa ko ay agad ko ng nilisan ang restroom at bumalik na sa event. Sa tuwing magkakatagpo ang aming mga mata ni Rusty, hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng hiya. "Bakit ang tagal mo naman ata?" Nagtatakang tanong sa akin ni Aria dahil mukhang kanina pa ako nito hinihintay. Alanganin akong ngumiti upang hindi maipahalata rito ang kaba na kanina pa nagpapangatog sa aking mga tuhod! Kung alam mo lang, Aria! Baka mawindang ka rin! "W-Wala lang, mukhang wala pa naman dito si president Verano. Saka naisip kong magtagal muna roon kesa naman awayin pa ako rito ni Liezel, 'no!" Pagpapalusot ko dahil wala yata akong lakas ng loob na aminin sa kanya ang ginawa kong paghalik kay Rusty! Mukhang napaniwala ko naman ito at agad s'yang napatango. Nakaramdam ako nang pagkailang at para bang may kung sinong mata ang nakatitig sa akin kaya dahan-dahan kong ipinilig ang aking ulo saka inilibot ang aking mga mata sa paligid.
Maxine's POV NANG matapos kaming sumayaw, hindi ko na mahanap pa kung nasaan si Rusty. Biglaan na lang kasi itong nawala matapos huminto ang musika. "Ladies and gentlemen, I would like to welcome our beloved president, Mr. Ignacio Verano and our CEO Rusty Miguel Zapanta!" Malakas na palakpakan ang sumalubong sa kanilang dalawa at nakita ko naman ang bahagyang pagngiti ni papa sa gawi ko nang makaakyat na ito sa stage. Habang si Rusty naman ay pinanatili ang walang ekspresyon na sa tingin ko ay dapat ko ng kasanayan dahil kahit anong gawin ng lahat, hindi na ata mababago pa iyon sa kanya. "I guess this fiftieth anniversary of the company would be the most memorable of all the time. As the CEO of ZnV Jewelry Corporation, I am totally grateful for what we have right now. I am rotting for everyone's successful not only to our company. I hope that everyone would enjoy this day as part of our success. Thank you!" Masigabong palakpakan ang sumalubong kay Rusty matapo
Maxine's POV AGAD namang dumating si Attorney Dominguez kasama na roon si Officer Niccolo at ang iba pang kapulisan. Nang lalaki ang mga mata ni Donya Sylvia kung ano nga bang nangyayari. Nakuha pang sumulyap sa akin ni Officer Niccolo kaya tango lamang ang ibinigay ko rito. Habang si Liezel naman ay nag umpisa nang umiyak. Hindi pa ito nakontento at agad na lumuhod sa aking harapan. "Ma-Maxine, p-please.. parang awa mo na, d-don't do this to me!" Nakaluhod nitong pahayag habang naglalandas ang luha sa kanyang pisngi. Malamig ko itong tiningnan dahil sa kanyang sinabi. "Please, ayokong makulong! N-Napilitan lang akong gawin iyon dahil.. dahil-"Kahit ano pang sabihin mo Liezel, hinding-hindi ako magpapadala sa mga kasinungalingan mo! "Nagmakaawa sayo, sa inyo ang pamilya ko bago n'yo sila itinuring na parang isang hayop, hindi ba?! Pero hindi n'yo sila pinakinggan!" Sigaw ko at ang tanging gusto ko na lang ay matapos na ang gulong ito. "Masyado n'yo akong minaliit, m