Maxine's POV NAPAHINTO ang mga ito sa paghahalikan nang makarinig kami ng ilang katok sa labas. Ilang segundo pa ng kusang bumukas ang pinto at nakita ko si Mr. Co na mukhang gulat na gulat sa nangyari. "Oh, my goodness! What's happening here?!" Nanlalaki ang mga mata nito habang ang isang kamay ay nakatakip sa kanyang bibig. Agad namang umiyak si Liezel na ikinakunot ko ng noo dahil agad nitong nakuha ang atensyon ni Mr. Co. "She did all this messed! She hurt us!" Turo pa nito sa akin at masama namang tumingin sa direksyon ko si Mr. Co. "What the hell did you do, Mercedes! These people are our clients! What did you do?!" Sigaw nito kaya naman akmang magpapaliwanag ako nang agad na ipakita ni Liezel ang video na kuha nito. Literal na nanlaki ang mga mata ni Mr. Co sa napanuod at hindi makapaniwala nang mapatingin sa akin! "Oh, my gosh! You're a monster! Nakakatakot ka!" Sigaw nito at agad na inilabas ang kanyang cellphone at kung sino man ang balak n'yang tawagan ngayon ay wala
Maxine's POV ILANG segundo kong pinakatitigan ito upang masigurado na si Manang Jocelyn nga ang taong ito. "Manang Jocelyn?!" Pahayag kong at mabilis itong tumango. Agad ko namang binuksan ang pinto at dali-dali itong yumakap sa akin. Hindi ko na napigilan ang aking sarili at mahigpit ko rin itong niyakap. Kasabay no'n ay naramdaman ko ang luha nito kaya mas lalo akong nakaramdam ng pagkahabag. "Sabi ko na nga ba at ikaw ang nakita ko! Mabuti na lang at naisipan kong sundan kita!" Maluha-luha nitong sabi kaya kahit na naglalandas na ang aking mga luha ay nakuha ko pa ring ngumiti. "Ang tagal ho nating hindi nagkita! Ang dami pong nangyari, manang!" Balik kong sabi at para akong isang bata na nagsusumbong sa nanay dahil sobrang bigat ng aking dibdib. "Nalulungkot ako nang malamang wala na ang pamilya mo, hindi ko akalaing mawawala sila ng ganoon na lamang!" Natigilan ako sa narinig dahil sa pagkakaalam ko ay umuwi ito ng probinsya kaya paano n'ya nalaman ang bagay na iyon? "Pa
Maxine's POV NAPANGITI ako nang tuluyang makita ang sarili sa salamin habang suot ang napakagandang gown! Pakiramdam ko ay isa akong prinsesa kaya hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Sino ba kasing hindi sasaya kung ganito kaganda ang susuotin mo sa isang okasyon? Punong-puno nang diamante! Literal na namumuti na ito dahil sa mga diamante nakalagay sa gown na ito. Idagdag pa ang mababang V-neckline na talaga namang mag nagpalitaw ng korte sa aking dibdib. Tama lang rin ang sukat sa aking bewang na hapit na hapit at talagang makikita kung gaano kaganda ang aking hugis! Ang kulay pulang gown na mas nagpalitaw nang aking magandang kutis. Kinulayan rin ang aking buhok ng ash blonde dahil mas bagay raw ito sa akin kaya naman manghang-mangha ako nang makita ang resulta! Ito ang unang beses na pumayag akong magpakulay ng buhok, kaya malaking tulong talaga si Lexi pagdating sa mga ganitong bagay dahil marami s'yang alam. Maging ang kuko ko ay pinalinisan rin nito at ginawa pang nail gel
Maxine's POV NANG mahimasmasan ako sa mga bagay na pinaggagawa ko ay agad ko ng nilisan ang restroom at bumalik na sa event. Sa tuwing magkakatagpo ang aming mga mata ni Rusty, hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng hiya. "Bakit ang tagal mo naman ata?" Nagtatakang tanong sa akin ni Aria dahil mukhang kanina pa ako nito hinihintay. Alanganin akong ngumiti upang hindi maipahalata rito ang kaba na kanina pa nagpapangatog sa aking mga tuhod! Kung alam mo lang, Aria! Baka mawindang ka rin! "W-Wala lang, mukhang wala pa naman dito si president Verano. Saka naisip kong magtagal muna roon kesa naman awayin pa ako rito ni Liezel, 'no!" Pagpapalusot ko dahil wala yata akong lakas ng loob na aminin sa kanya ang ginawa kong paghalik kay Rusty! Mukhang napaniwala ko naman ito at agad s'yang napatango. Nakaramdam ako nang pagkailang at para bang may kung sinong mata ang nakatitig sa akin kaya dahan-dahan kong ipinilig ang aking ulo saka inilibot ang aking mga mata sa paligid.
Maxine's POV NANG matapos kaming sumayaw, hindi ko na mahanap pa kung nasaan si Rusty. Biglaan na lang kasi itong nawala matapos huminto ang musika. "Ladies and gentlemen, I would like to welcome our beloved president, Mr. Ignacio Verano and our CEO Rusty Miguel Zapanta!" Malakas na palakpakan ang sumalubong sa kanilang dalawa at nakita ko naman ang bahagyang pagngiti ni papa sa gawi ko nang makaakyat na ito sa stage. Habang si Rusty naman ay pinanatili ang walang ekspresyon na sa tingin ko ay dapat ko ng kasanayan dahil kahit anong gawin ng lahat, hindi na ata mababago pa iyon sa kanya. "I guess this fiftieth anniversary of the company would be the most memorable of all the time. As the CEO of ZnV Jewelry Corporation, I am totally grateful for what we have right now. I am rotting for everyone's successful not only to our company. I hope that everyone would enjoy this day as part of our success. Thank you!" Masigabong palakpakan ang sumalubong kay Rusty matapo
Maxine's POV AGAD namang dumating si Attorney Dominguez kasama na roon si Officer Niccolo at ang iba pang kapulisan. Nang lalaki ang mga mata ni Donya Sylvia kung ano nga bang nangyayari. Nakuha pang sumulyap sa akin ni Officer Niccolo kaya tango lamang ang ibinigay ko rito. Habang si Liezel naman ay nag umpisa nang umiyak. Hindi pa ito nakontento at agad na lumuhod sa aking harapan. "Ma-Maxine, p-please.. parang awa mo na, d-don't do this to me!" Nakaluhod nitong pahayag habang naglalandas ang luha sa kanyang pisngi. Malamig ko itong tiningnan dahil sa kanyang sinabi. "Please, ayokong makulong! N-Napilitan lang akong gawin iyon dahil.. dahil-"Kahit ano pang sabihin mo Liezel, hinding-hindi ako magpapadala sa mga kasinungalingan mo! "Nagmakaawa sayo, sa inyo ang pamilya ko bago n'yo sila itinuring na parang isang hayop, hindi ba?! Pero hindi n'yo sila pinakinggan!" Sigaw ko at ang tanging gusto ko na lang ay matapos na ang gulong ito. "Masyado n'yo akong minaliit, m
Maxine's POV ISANG buwan na ang nakalipas simula noong mapatunayang guilty ang mga Francisco at si Liezel sa salang pagpatay sa aking pamilya. Sobrang saya ng puso ko dahil sa wakas, mapapanatag na ako na mapagbabayaran nila ang mga kahayupang ginawa nila sa pamilya ko. Noong mga naunang linggo halos hindi ako makalabas ng bahay, dahil maraming reporter ang nag aabang sa akin upang mahingian ako ng ilang mga katanungan. Naging dahilan rin iyon upang mas lalong dumugin ang ZnV Jewelry ng mga tao. Kaya naman naging sikat ang pagkakakulong nilang tatlo. "Mama, papa, Lutcho. Okay na po. Nagawa ko po." Emosyonal kong saad habang nakaharap sa kanilang lapida. " May mga araw na halos hindi po ako dinadalaw nang antok. Dahil sa lungkot at panghihinayang." Muli na namang naglandas ang aking mga luha habang si Tyler naman ay mataman lamang na nakikinig sa akin. "Pero kakayanin ko po, kasi.. ipinangako ko sa inyo na pagdating nang tamang panahon, magiging successful rin ako." Da
Maxine's POV NANG makapagbihis na ito ay agad naman s'yang lumabas sa kanyang kuwarto. Parang gusto ko na nga lang lumabas at kumaripas ng takbo ngunit paniguradong magtataka naman s'ya kung bakit umalis ako ng walang paalam, hindi ba? "I'm sorry for waiting." Saad nito at agad na nanuot sa aking ilong ang pabangong gamit nito. "What do you want? Water, coffee juice or beer?" Nakataas pa ang kilay nito ng sipatin ako kaya napaawang naman ang aking labi sa pagkataranta. Isang black t-shirt ang suot nito habang itim na pants naman ang kanyang itinerno. Mas lalo tuloy s'yang pumuti sa suot n'ya at kahit na medyo maluwag ang suot n'yang t-shirt, hindi maipagkakaila ang maganda nitong katawan! Dahil hindi ako agad makasagot bahagya na lang akong napailing at may pagtataka itong nakatingin sa akin. Bakit ba kasi natataranta ako?! Nakakainis! "Uh, h-hindi na. Ayos lang naman ako!" Tugon ko rito at narinig ko pa itong bumuntong hininga bago nito muling damputin ang mga pape
My heart raced when I saw her rushing came to my car, asking for helped and she looked so helpless. I recognize her when I saw the picture from Don Ignacio which was happened to be his biological father. I immediately opened the door so she can hop in, that was the night where all it started. My feelings towards her were undeniable! I can't help it, I can't help myself to be so in love with that woman who stole my heart and effortlessly change my whole damn life. "You may now kiss the bride!" I smiled at her when Tyler and Aria sealed their promises, today is their wedding. And I am right here beside with the woman I love most. "They look good together!" "Daddy, picturan mo kami ni mommy!" Yes, my daughter knows how speak Filipino language since natuto na ito nang husto. I really love seeing them together, with their beautiful sweetest warming smiles! I promise to my self to be the best dad and husband to my family. I did my best to give the best life
Maxine's POV TODAY is the day I have been waiting for. Ngayon kasi ang kaarawan ni Dianara and she's officially become my daughter! Alam kong napasaya ko s'ya noong nalaman n'yang ako mismo ang magiging mommy n'ya. Naging emosyonal ito at mas lalong naging sweet noong maiuwi na namin s'ya sa bahay.Rusty and I decided na dalhin s'ya rito sa pilipinas. Gusto ko kasing makilala n'ya si daddy pati na rin ang iba pa naming kaibigan na tinanggap naman s'ya ng buo. I become an instant mom when I had Dianara ever since kahit noong nasa bahay ampunan pa lamang s'ya, kaya nga ganito ang closeness naming dalawa at kahit ang iba ay sinasabi nagiging magkamukha na kami! Nakakatuwa lang dahil natupad ko ang pangako ko sa kanya. Gusto kong iparamdam sa kanya kung gaano kasarap magkaroon ng isang pamilya, gusto kong maintindihan n'ya na may pamilyang handang gumabay sa kanya sa lahat ng oras. Si mommy Katy ang mismo nagpaasikaso sa venue, mas excited pa nga silang dalawa ni daddy kaysa sa akin.
Maxine's POVHALOS hindi ko na ata mabilang sa aking daliri kung ilang beses na akong bumuntong hininga sa araw na ito. I'm still with Rusty at sa oras na ito ay hindi na ako natutuwa dahil ang dami n'yang gustong gawin. "Can I stay with you? I mean, you know I don't have a house-" hindi ko na pinatapos pa ang balak nitong sabihin dahil mukhang alam ko na ito. Inis ko itong sinipat dahil hindi ko alam kung sinasadya n'ya ba talaga ito o hindi pero naiinis pa rin ako kahit na ano pang gawin n'ya. Alam mo yung pakiramdam na kahit wala din s'yang ginagawa pero mas lalo kang naiinis? Damn, hindi ko alam kong may sayad na ba ako dahil sa ganitong pangyayari! "Ang daming hotels d'yan, Rusty! Puwede kang mag stay buong magdamag." Malamig kong tugon ngunit talagang hindi ito nagpapatinag! "We're going to be a husband and a wife," pilosopo nitong pahayag na ikinailing ko na lamang. "So, I think it's inappropriate if we're separated?"And yes, for the sake of Dianara's
Maxine's POV NAPANGITI ako nang tuluyang makita si Dianara kasama si Jasper. Agad itong tumakbo papalapit sa akin habang suot ang paborito nitong damit at may dalawang ribon pang tali sa kanyang buhok. "I miss you!" Bulong ko rito nang mayakap ko ito ng mahigpit. Ngumiti ito sa akin at agad na humalik sa aking pisngi. "I miss you more, Miss M!"Nakita kong maging si Jasper ay napangiti na lamang sa aming dalawa agad kong hinawakan ang kamay ni Dianara saka hinarap si Jasper. "Any update?" Tanong ko rito at bahagya pang napatango ito sa narinig. "Don't worry, dear!" Nakangisi nitong tugon na ikinairap ko sa kawalan. "May nahanap na ako! And take note, malinis ang record, mabait, mayaman, at guwapo na matipuno pa!" Aniya na ikinailing ko na lang. Hindi ko alam kung may mga katotohanan ba ang mga pinagsasasabi n'ya pero siguraduhin n'ya lang talaga! Iyon na lang ang hinihintay ko para mapasaakin si Dianara bago ito magdiwang ng kaarawan n'ya! I'm planni
Maxine's POV GUSTO ko itong itulak papalayo ngunit agad nitong hinapit ang aking bewang papalapit sa kanya. Unti-unting namuo ang inis sa aking dibdib dahil sa kalapastanganan nitong halikan ako nang basta-basta! "How dare you!" Sa wakas ay matagumpay ko itong naitulak papalayo sa akin at agad na dumapo ang palad ko sa pisngi nito. Malamlam ang mga mata nitong tumingin sa akin habang punong-puno nang galit ang puso ko dahil pakiramdam ko ay pinaglalaruan ako nito. "Kung sa tingin mo, kagaya pa rin ako ng dating Maxine na nakilala mo puwes, nagkakamali ka Rusty!" Madiin kong saad bago ito nilampasan ngunit agad nitong hinigit ang aking kamay na ikinahinto ko. "I-I'm s-sorry-"Inis ko itong pinasadahan nang tingin at hinarap ng maayos. "Sorry? Sorry for what Rusty? I'm supposed to be with Dianara's operation! But look what you did! Kailangan bang hanggang ngayon guluhin mo pa rin ang buhay ko?!" Gusto kong pigilan ang sarili kong h'wag magsalita nang ma
Maxine's POV PAGOD akong naupo sa kama nang makapag-check-in ako rito sa isang hotel. Sobrang daming tumatakbo sa isip ko at hindi ko na alam kung ano pa nga ba ang dapat kong unahin. I get mad, I'm damn really mad because I should be the one taking care of Dianara. I can't imagine the fact na galit ito sa akin dahil hindi ko natupad ang pangako ko. Sana ay pinag-isipan ko muna ang pagpunta rito, kung puwede ko lang ibalik ang oras I would rather spend my time with that kid! She's precious. I love her and I cannot afford losing her! Akala ko, I can able to do everything for her! But I failed her! I failed her so many times! Napahinto ako sa pag-iisip nang tumunog ang buzzer kaya naman inis akong tumayo! Pinaalala ko nang ayokong may nang-iistorbo sa akin ngunit mukhang hindi ata nila maintindihan iyon! "What is it?" Inis kong tanong nang mabuksan ang pinto dahil inakala kong isa ito sa mga staff ng hotel. Ngunit, napaawang na lamang ang aking labi nang makita si Tyler sa labas.
Maxine's POV NAPABUNTONG hininga na lamang ako nang mabalitaang nasa ospital ngayon si Tyler at ang sabi pa sa akin ay nag-aagaw buhay! Hindi ako magkandaugaga sa kakalagay nang aking mga gamit sa maleta upang agad na makauwi pabalik sa pilipinas upang makita at madalaw man lang ito. Iyon kasi ang naging bungad sa akin ni Aria noong tawagan ako nito sa kalagitnaan nang aking meeting. Agad kong inutusan ang aking secretary na ipagbooked ako nang flight pauwi sa pilipinas para lamang agad na makaalis. Nagsisisi tuloy ako kung bakit hindi ko pa naisipang sumabay kay daddy noong umuwi ito pabalik roon! Edi sana hindi ganito kagahol ang oras! Napakabalashubas naman kasing magmaneho nitong si Tyler! Ano bang akala n'ya? Malapusa s'ya na may siyam na buhay? Tsk. Ang sabi pa ni Lexi, sumalpok raw sa isang truck yung kotse nito at hindi lang iyon! Talagang nagsend sila nang mga larawan ni Tyler sa akin at kung ano-anung nakakabit sa katawan nito. Habang nandito ako sa airport, hinihintay
Maxine's POV Four years had passed and now I have my own business clothing line, I become a model, and now everybody knows me because of my named I created in this industry. "Good morning, Miss Verano." My secretary hand me this contract from another company which I'm not interested. "Would you like to be part of this-"Hindi pa man ito natatapos sabihin ang mga bagay-bagay nang agad kong punitin ang kontrata na nasa aking harapan saka ito pinasadahan ng tingin. "No." Matigas kong saad bago ito napalabi saka marahang tumango. "Why would I spend my money with them? They're just wasting my time." Kaswal kong saad saka nito itinapon ang papel sa basurahan. Don't get me wrong, people. I don't trust anybody. Trusting them is like giving them a chance to completely ruin me and my life. Ito lang naman ang mga kompanyang gustong dumikit sa akin para gamitin ang pangalan ko upang tumaas sila at pagkatapos no'n? Sila rin mismo ang sisira sa akin sa bandang huli. Hindi na bag
Maxine's POV ITINAAS ko ang bote ng alak habang matamang nakapikit. "Wohooooo! Umorder pa tayo, Tyler!" Sigaw ko kahit na magkalapit lamang kaming dalawa. Napadilat ako nang mawala na sa aking kamay ang bote ng alak na hawak-hawak ko lamang! "No! You're drunk, Maxine! Baka mapagalitan pa ako ng daddy mo kapag nalaman n'yang hinayaan kitang uminom!" Inis nitong pahayag kaya napasimangot na lamang ako. Bakit ba napakakontrabida nitong kaibigan ko? Tsk! "C'mon! H'wag ka namang killjoy! Minsan lang naman ito kaya susulitin ko na 'no!" Muli ko na namang inagaw ang bote ng alak mula sa kamay nito saka tinungga! Muli na naman itong napailing saka inilabas ang kanyang cellphone mula sa kanyang bulsa. Mukhang plano nitong tawagan si papa kaya agad kong inagaw ang cellphone nito. "Give me back my phone, Maxine! I'm going to call your father-" Tinakpan ko ang bibig nito gamit ang aking daliri saka mahinang natawa dahil literal na namilog ang mga mata nito sa g