Pagkatapos ng trabaho kinahapunan ay dumirecho ang dalawa sa bahay ng binata sa subdivision. Ngayon lang siya ulit makabalik dito at naaamazed pa rin siya sa tanawin habang papunta sa mga kabahayan. Sobrang tahimik ng paligid at nakakawala ng pagod ang mga nakikitang halaman sa paligid. Para kay Danielle ay perfect gate away ang lugar na ito sa stressful na city. Pagdating nila sa harap ng bahay ng binata ay agad bumakas ang gate at automatic ding nagsara pagkapasok ng kanilang sasakyan. Sa kanilang pagbaba ay sinalubong siya ng pamilyar na temperature ng paligid, mahalumigmig at napakafresh ang hanging bumabati sa kanyang pisngi. Ang pinakagusto niya sa bahay ng binata ay para itong botanical garden dahil sa sobrang dami ng halaman, malalaki man o maliliit.“Let’s get inside?”, nakangiting pahayag ng binata, na overwhelm siya sa kagandahan ng paligid at kahit tumira siya dito ng ilan araw before ay makikita pa rin sa kanyang mukha ang pagkaamazed.“Sure!”, maikling saad niya at ngini
Pagbukas ng gate ay agad pinasibad ni Danielle ang sasakyan. Bigla siyang nagising mula sa pangyayari at hindi siya makapaniwala sa sarili. Bakit biglang nawala ang inis niya sa binata kanina at tila nagustuhan niyang makipaghalikan dito? Di kaya ginamitan siya ng hipnotismo o anumang klase ng black magic? Kulang na lang mapunit ang kanyang dibdib sa galit kanina bakit biglang nawala? Hindi pwede, tiyak niyang pinaglalaruan siya ng binata at kailangan niyang gumanti, ano sabi? Bratty at unfashionable siya? Huh! Tsura niya lang, pogi nga; plastic naman! Pinasibad niya ng mabilis ang sasakyan, tinutubuan na siya ulit ng matinding inis dito at baka sirain pa niya ang sasakyan nito. Pagdating niya sa intersection ay may nakita siyang enforcer, inilapit niya ng husto ang sasakyan sa harap nito at binuksan ang bintana. Nakakunot pa iyon na tila nainis sapagkat parang masisideswipe niya ito.“Hi sir!”, nakangiting bati niya dito pagkatapos kinuha ang plastic na inilagay ni Wolverine sa may
Patapos na ang construction ng Tanaka building kayat araw araw ay nasa site si Daniella. Padating na kasi ang mga equipment nilang galing Japan kung kayat sinisigurado niyang everything is in the right places na. Pati ang pag-aayos sa kanilang magiging upisina ay nagbibigay siya ng kanyang mga suggestions kahit may mga professional na gumagawa. Hindi siya expert pero gusto niyang magkaroon ng sariling identity ang kanilang magiging working place. Konting kembot na lang at lilipat na ang kanilang team sa sarili nilang building. Nang masiguradong nasusunod naman ang lahat ay lumipat siya sa training site ng SMC at tinulungan ang mga kasama. Malapit nang magsimula ang kailang project kung kayat double time din ang ginagawa nilang pagtratraining sa kanilang mga magiging kasama. Mabuti na lamang at magagaling ang kanyang mga kasamahan at wala siyang itulak kabigin sa mga skills ng mga ito. Bukod kina Robin, Richard at Ron ay isa din siya sa favorite na trainer ng mga newly hired employee.
Naglalakad na sila ni Wolverine patungo sa loob ng Resto ngunit tila nasa alapaap pa rin ang diwa ni Danielle. Hawak hawak pa ng binata ang kanyang kamay habang papasok kung kayat halos malaglag ang kanyang puso sa tuwa. He is damn sweet at parang ayaw na niyang matapos ang araw na ito. Sa VIP sila dumirecho, nakangiti pa siya ng todo ng pagbuksan sila ng glass door ng isang crew. Pagkapasok nila sa loob ay may tumawag sa binata mula sa isang table, sinundan niya ang direction kung saan may tumatawag kay Wolverine at nakita niyang si Lorin habang kumakaway sa kanila. Biglang gumuho ang kanyang mundo, parang gusto niyang bumalik sa pinto upang hindi mawala sa kanyang isip ang mga magagandang nangyari sa araw nito. Subalit hinila na siya ng binata upang puntahan ang table na kung saan naroon si Lorin.Paglapit nila sa kinaroroonan nito ay agad yumakap sa binata si Lorin. Tinugon naman ng binata ang yakap nito at binitiwan pa ang pagkakahawak nito sa kanyang kamay. Nakaramdam siya agad
“Sakay!”, makapangyarihang turan ni Wolverine sa dalaga pagkatapos nitong buksan ang passenger seat sa harap ng kanyang sasakyan. Tila nakaramdam ng pagkatakot si Danielle dito kung kayat agad siyang tumalima at lumulan sa sasakyan nito. Hinagilap din niya agad ang seatbelt at isinuot bago pa makaupo ang binata sa harap ng manibela. Pag-upo nito sa driver seat ay agad nitong inapakan ang gas at mablis na umalis sa area. Hindi naman ito kasingbilis ng kanyang pagpapatakbo ngunit tila sobra ang kanyang kaba, yung tipong nagprepreno ang kanyang paa kahit hindi siya ang nakaapak sa break at gas. Napakahigpit pati ang kanyang pagkakakapit. Kung pwede lang niyang pahintuin ito at sabihing siya ang hahawak sa manibela ngunit napakaseryoso ng mukha nito at nakakatakot kausapin. Pagkaraan ng ilang minute sa kalsada ay inihinto ng binata ang sasakyan sa isang moderno at napakagandang town house. Pinatay nito ang sasakyan at pagkatapos ay walang imik na bumaba. Akala ni Danielle ay may dadaanan
Halos tulog pa ang diwa ni Danielle habang kinakapa ang kinaroronan ng tumutunog na alarm clock. Papatayin niya muna ito upang huminto sa pag-iingay at iituloy pa niya ang pagtulog. Nandiyan naman ang kanyang yaya na gigising sa kanya kapag hindi pa siya bumababa sa alanganing oras. Nakapikit siyang ikinapa kapa ang kamay upang hagilapin ang alarm clock, nasa side table lang niya iyon; ngunit kusa iyong tumigil kung kayat itinuloy niya ang pagtulog. Baka kanina pa iyon nag-aalburuto at kusa na itong nagstop. Bahala na si yaya na gigising sa kanya mamaya, mukhang bagong installed ang air condition sa kanyang kuarto dahil napakaperfect ang pagkalamig parang gusto niya tuloy matulog at huwag na munang pumasok. Mukhang nagpalit din ng beddings si yaya, masyado yatang makapal ang kanyang kumot, pero okey naman dahil ibinagay nito sa lamig ng kanyang kuarto ngayon. Hinila pa niya pataas ang nakabalot sa kanyang comforter pagkatapos ay bumaling sa kabilang side upang hagilapin ang unan na p
Halos tanghali na ng magising si Daniella. Pagmulat ng kanyang mata ay mag-isa na lamang siya sa bed at maging sa loob ng kuarto. Agad pumasok sa kanyang isip ang muntikang may mangyari sa kanila ni Wolverine kagabi at nakaramdam ng labis na pagkapahiya sa sarili. Hinawakan pa niya ang magkabilang pisngi niya at tinapiktapik dahil sa kanyang kapalpakan. Parang wala siyang mukhang ihaharap sa binata, mabuti na lamang at wala na ito sa silid at mas maganda pa kung umalis na ito papuntang upisina at balaha na lang din siyang umeskapo pauwi sa kanilang bahay. Bumangon siya upang pumunta sa banyo ng mapansin ang mga nakahanger na damit pambabae na nakasabit sa rack. Napatingin siya bigla sa suot na damit; napailing siya ng makita ang suot na damit ng binata na sobrang luwang sa kanya ngunit sobra namang komportable siya sa pagsusuot.Pumasok siya sa banyo at itinutok ang katawan sa shower pagkatapos ay lumabas siya at pumili sa mga nakasabit na dress sa rack. Naisip niya para sa kanya sig
After almost two hours’ drive ay narating nila ang Alegre private resort sa Batangas, 5pm ang binyag at nakarating sila sa 10 minutes bago ang seremonya. Pagpark palang ni Danielle sa kanilang sasakyang ay nahook na agad siya sa napakagandang tanawin. Hindi pa siya nakakalabas sa sasakyan ngunit tanaw na tanaw niya ang napakagandang Taal lake, breath taking ang ganda at nakakawala naman ng pagod. Parang nawala ang stress niya sa daan pagkakita sa magandang paligid. Hindi na kasi nakipagtalo pa si Wolverine sa kanya ng sabihin niyang siya ang uupo sa harap ng manibela; alam kasi nitong hindi siya komportable kung iba ang may hawak ng manibela. Nailing ito ng tanggalin niya ang suot na heels at nakapaang nagdrive habang suot ang simpleng white long sleeve below the knee dress na mula sa isang mamahaling brand. Wala siyang inilagay na anumang colorete sa mukha kundi simpleng blush on at liptint sa kanyang mga labi. Inilugay lang din niya ang buhok at nag-spray ng kanyang favorite na scen