Halos tulog pa ang diwa ni Danielle habang kinakapa ang kinaroronan ng tumutunog na alarm clock. Papatayin niya muna ito upang huminto sa pag-iingay at iituloy pa niya ang pagtulog. Nandiyan naman ang kanyang yaya na gigising sa kanya kapag hindi pa siya bumababa sa alanganing oras. Nakapikit siyang ikinapa kapa ang kamay upang hagilapin ang alarm clock, nasa side table lang niya iyon; ngunit kusa iyong tumigil kung kayat itinuloy niya ang pagtulog. Baka kanina pa iyon nag-aalburuto at kusa na itong nagstop. Bahala na si yaya na gigising sa kanya mamaya, mukhang bagong installed ang air condition sa kanyang kuarto dahil napakaperfect ang pagkalamig parang gusto niya tuloy matulog at huwag na munang pumasok. Mukhang nagpalit din ng beddings si yaya, masyado yatang makapal ang kanyang kumot, pero okey naman dahil ibinagay nito sa lamig ng kanyang kuarto ngayon. Hinila pa niya pataas ang nakabalot sa kanyang comforter pagkatapos ay bumaling sa kabilang side upang hagilapin ang unan na p
Halos tanghali na ng magising si Daniella. Pagmulat ng kanyang mata ay mag-isa na lamang siya sa bed at maging sa loob ng kuarto. Agad pumasok sa kanyang isip ang muntikang may mangyari sa kanila ni Wolverine kagabi at nakaramdam ng labis na pagkapahiya sa sarili. Hinawakan pa niya ang magkabilang pisngi niya at tinapiktapik dahil sa kanyang kapalpakan. Parang wala siyang mukhang ihaharap sa binata, mabuti na lamang at wala na ito sa silid at mas maganda pa kung umalis na ito papuntang upisina at balaha na lang din siyang umeskapo pauwi sa kanilang bahay. Bumangon siya upang pumunta sa banyo ng mapansin ang mga nakahanger na damit pambabae na nakasabit sa rack. Napatingin siya bigla sa suot na damit; napailing siya ng makita ang suot na damit ng binata na sobrang luwang sa kanya ngunit sobra namang komportable siya sa pagsusuot.Pumasok siya sa banyo at itinutok ang katawan sa shower pagkatapos ay lumabas siya at pumili sa mga nakasabit na dress sa rack. Naisip niya para sa kanya sig
After almost two hours’ drive ay narating nila ang Alegre private resort sa Batangas, 5pm ang binyag at nakarating sila sa 10 minutes bago ang seremonya. Pagpark palang ni Danielle sa kanilang sasakyang ay nahook na agad siya sa napakagandang tanawin. Hindi pa siya nakakalabas sa sasakyan ngunit tanaw na tanaw niya ang napakagandang Taal lake, breath taking ang ganda at nakakawala naman ng pagod. Parang nawala ang stress niya sa daan pagkakita sa magandang paligid. Hindi na kasi nakipagtalo pa si Wolverine sa kanya ng sabihin niyang siya ang uupo sa harap ng manibela; alam kasi nitong hindi siya komportable kung iba ang may hawak ng manibela. Nailing ito ng tanggalin niya ang suot na heels at nakapaang nagdrive habang suot ang simpleng white long sleeve below the knee dress na mula sa isang mamahaling brand. Wala siyang inilagay na anumang colorete sa mukha kundi simpleng blush on at liptint sa kanyang mga labi. Inilugay lang din niya ang buhok at nag-spray ng kanyang favorite na scen
After sometime ay inaya siya ng mag-asawang Tyron at Arabella upang tumuloy sa loob at maupo. Tumango lamang naman siya sa mga ito at sabay tingin sa paligid pagkatapos ay nakangiti siyang sumenyas sa mga ito na ipagpatuloy lamang ang pag-estima ng iba pa nilang bisita. “Just go ahead with your other visitors; I’ll get inside and find myself a seat.", turan niya at tila may pag-alinlangan pa ang mga itong iwanan siya ngunit may mga kararating lang ulit na mga bisita. “See you around.”, saad ng maganda at mabait na si Arabella at nakangiting kumaway siya dito. Sinundan pa niya ng tingin ang mag-asawa habang palayo sa kanyang kinatatayuan bago inilibot ang mga mata sa paligid. Napahalukipkip siya, nagtatalo ang kanyang isip kung tutuloy na siya sa loob o maglalamiyerda sa paligid. Wolverine is nowhere to be found at wala siyang kilala sa mga ibang bisita sa loob. Sabagay may pagkaintrovert naman siya kaya nakakasurvive siya sa ganitong crowd kahit wala siyang kausap. Tumingin siya sa
Halos malunod sa kahihiyan si Wolverine ng malamang pinsan ni Danielle si Dr. Chan. Pinag-isipan pa niyang putulin ang kamay nitong nakahawak sa dalaga at kung hindi lang ngsalita ang kapatid nito baka nagawan pa niya ito ng hindi maganda kung hindi niya bibitiwan ang dalaga.“Oh, really? I apologized for my action. I’m Wolverine De Villa; nice to meet you."mabilis naman niyang nakompos ang sarili at iniabot ang kamay kay Raphael. Ngumiti naman ito na tila bale wala ang naging reaction niya kanina at iniabot ang kamay para makipagshake hands sa kanya. Despite his powerful aura, Raphael displays calmness and humility kung kayat magaan ang loob niyang ngumiti dito. Ngunit ng tumingin siya kay Dr. Chan ay hindi siya naging komportable. Sa kabila ng malacelebrity nitong aura ay masyado itong seryoso at suplado. Sa paraan ng pagkakatingin sa kanya ay tila hindi nito ipagkakatiwala sa Danielle sa kanya.“Are you sure you agree to take this brat to be your fiancée?”, nakataas kilay nitong pa
“Hey!”, pukaw ni Dylan kay Daniella mula sa kanyang pagkakasandal sa railings ng view duct facing Taal Lake na kung saan may mga mumunting kumikislap na mga ilaw dito. Dumirecho kanina ang dalaga dito upang magpahangin at magcool down dahil sa pag-iinit ng kanyang ulo. Tinignan lang niya si Dylan pagkatapos ay walang imik na ibinalik ang mata sa napakagandang view.“Pasensiya ka na kay Lorin, masyadong mataas ang pagtingin niya kay Wolverine kaya nabigla siguro siya ng sagutin mo ng pabalang.”, maya maya ay turan ni Dylan sa kanyang pananahimik. Wala siyang balak sagutin ito ngunit narinig niya tumawa iyon ng mahina.“When I first saw you, you were just simple, kind, and charming. Today, you seem like a jealous wife and ready to bite.’, narinig niyang turan ulit ni Dylan at hindi niya napigilang nginitian ito ng pagkasarkastiko.“Tomorrow, you will hear in the news that I killed somebody.”, saad niya at tumawa iyon.“I understand your feeling.”, nakatawang pahayag nito at hindi niya n
“Bossing, papunta na kami sa SMC; dika pa sasabay?”, si Robin kay Danielle. Nagreport sila sa tower dahil kailangan ang kanilang mga siganatures para sa papers nila papuntang Japan. Patapos na ang lahat para sa Tanaka at kailangan nilang magpunta para sa finalization ng contract at iba pa.“Sunod na lang ako Rob, dalhin ko muna kay Wolverine itong mga documents para mas madali.”, turan niya dito. Baka kasi abutin ng siyam siyam kung sa ibang staff pa niya ipagkatiwala, busy pa naman sa maraming bagay ang binata, idagdag mo pa ang masungit nitong secretary.“Oh, okey. See you in SMC nalang.”, saad ni Robin at tumango siya dito pagkatapos ay ibinalik sa kasama nila ang pinermahang documents for checking ngunit binalik din ito sa kanya para siya na ang magdala sa office ng binata. Sinenyasan pa niya si Robin ng mauna siyang lumabas sa upisinang kinarroonan nila at kumaway lang din sa kanya iyon. Parang may balak pang makipagchismisan sa kanilang mga kasama bago bumalik sa SMC.Mula sa in
Kung ilang ulit lumunok si Danielle pagkarinig sa sinabi ng staff na nasa kabilang linya. Hangggang leeg niya ang nararamdaman niyang galit habang nakakuyom ang mga palad. Kung pinayagan na lang kasing permahan kanina di sana wala ng problema, nandoon pa naman ang babayaran nilang balance para sa mga equipment. Napapikit siya ng mariin, ano na ngayon ang gagawin niya? Hindi pa naman siya sigurado kung kailan ang balik nito. Shocks! Plan B.“Konnichiwa, Kenjin!”, mensahe niya sa kaibigang Japanese. Tumira din siya sa Japan for certain period of time at kahit paano ay may mga kaibigan din siya doon. Mga nakilala niya during her apprentice, at si Kenjin ang pinaka bestfriend niya sa Japan. Anak si Kenjin ng isang negosyanteng nagmamay-ari ng malaking kompanya sa Japan at natutuwa sa kanya ang tatay nito dahil sa mga ideas niya sa mga ibat ibang makina ng sasakyan.“Kumusta, aking kaibigan?”, maya maya ay napangiti ang dalaga dahil agad ding tumugon sa kanyang mensahe si Kenjin, gumamit
“Danielle, may problema, yung mga model natin sa next edition natin, nakaset na ang date ng shooting at hindi natin iyon pwedeng ipagpaliban pa.”, pagrereport ni Assistant Rey sa kanya at bigla siyang naalarma. “What happened? “, saad niya dito. Hindi pwedeng madelay ang shooting dahil hinahabol din nila ang schedule date ng pagreleased ng kanilang bagong edition. “I don’t know, nagkasakit yata ang isa nating model at too late na kung magscout na naman tayo ng iba.”, tugon ni Assistant Rey at napahawak siya sa kanyang sentido. Biglang sumakit ang kanyang ulo sapagkat hindi nila naanticipate ang ganitong pangyayari. “What if kayo nalang nina Wolverine at Logan ang gagawing model? Bagay na bagay sainyo yun dahil ito ang pinakaspecial nating edition.”, suwestiyon ni Assistant Rey at hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. “What? OMG, no!”, tigas niyang iling dito. Anong alam nila sa mga pag-arte arte sa harap ng camera, saka ang bata pa ng anak niya para maexposed sa madla. “Common!
“Baby, can we attend Dylan’s birthday tomorrow?”, na sa study area siya at kasalukuyang pinag-aaralan ang mga ipinasang document sa upisina. Ito naman ay galing sa kuwarto at nakasuot na ng pajama, mamasa masa pa ang buhok nito at amoy na amoy niya ang ginamit nitong sabong panligo. Si Logan naman ay kaslukuyang nanonood ng TV habang nakahilata sa malaking sofa.“Of course, you can. Nandito na naman ba siya?”, tugon niya habang iniangat ang mukha upang tignan ang asawa.“Yeah, alam mo naman yun kulang na lang dito na tumira. What I mean is, aattend tayong tatlo nina Logan.”, paglilinaw ng asawa at napaisip siya.“Kayo na lamang ng anak mo, I’m so busy in the office hindi ako makakapunta.”, turan niya. Parang hindi niya alam kung paano makiharap sa mga kaibigan nito pagkatapos ng nangyari sa kanila ng asawa. Pumunta sa likod niya si Wolverine at ipinilupot sa leeg niya ang dalawang kamay nito.“Mahal kong asawa, hindi pwedeng hindi ka pumunta dahil ipinagmalaki ko nang bitbit ko ang ak
“Claire, kindly disseminate this to all.”, saad ni Wolverine sa kanyang secretary bago lumabas sa upisina bago magtanghalian. May plano siyang kunin si Logan sa bahay at dadaanan nila si Daniella sa Vcom upang mananghalian.“Sir?”, namimilog ang mata ni Claire sa ibinigay niyang short notice at hindi ito makapaniwalang tumingin sa kanya.“Uhmmm, is there any problem?”, nakataas ang dalawang kilay niyang turan dito. Tinignan lang siya nito ng direcho ngunit pagkaraan ng ilang sandali ay unti unti itong napangiti. Ngiting may relief at ngayon lang din niya makita sa kanyang secretary pagkatapos ng ilang taon.“This will be disseminated ASAP, sir.”, hindi mapuknat ang pagkakangiti nito sa hawak na notice at nakangiti din siyang tumango tango.“Thank you. After this, you can also go home and spend time for your family.”, saad niya kung kayat mas lalong nagliwanag ang mukha nito.“Thank you very much, sir.”, masayang pasasalamat ni Claire pagkatapos ay nagbow sa kanya. Tinanguan lang nama
“It’s because of my dad, he dislikes my existence, and following his will might give chance to accept me as I am.”, tugon niya sa tanong nito kung bakit hindi siya umayaw sa pagpapakasal sa kanya. She may be hardheaded and unruly but when it comes to her dad, she will follow him heartily.Sa narainig ay napaingiti ng mapakla si Wolverine; akala niya sumang-ayon itong magpakasal sa kanya dahil mahal siya nito ngunit sumunod lang din pala ito sa kagustuhan ng ama. No wonder, napakadaling iniwanan siya nito at hindi manlang siya binigyan ng pagkakataong magpaliwanag noon.“Your dad loves you; I remember when I asked him to marry you? He told me not to hurt you, and if I do; I will be his enemy.”, pahayag niya at napatingin sa kanya ito.“He punches me in the face when you left untraced.”, turan pa niya kung kayat mas lalong hindi makapaniwala ito.“He did that to you?’,“Yeah, pero naintindihan ko naman kung bakit niya nagawa yun.”, pahayag niya at nakagat nito ang pang-ibabang bibig.“I
Paglabas niya sa parking lot ng hotel ay mabilis niyang pinaharurot ang kanyang sasakyan upang sundan si Wolverine. Sa tindi ng pag-apak niya sa accelerator ay tila nakikipagkarera siya sa racetrack. Binubusinahan siya ng mga kasabayan niya sa daan ngunit wala siyang pakialam hanggat hindi niya nakikita ang sasakyan ng binata. He is driving too fast but she’s faster kung kayat nabuntutan din niya ito pagkatapos ng ilang sandaling pakikipagpatintero sa kalsada. Nang makalapit siya sa likod nito ay nagsignal siya dito to slow down and stop, ngunit sa halip na tumigil ay mas lalong pinabilis nito ang pagpatakbo ng minamanehong sasakyan. Sa inis niya ay diniinan niya ang pag-apak sa silinyador at linagpasan niya ito ng walang kahirap hirap. Subalit biglang nagcross ang sasakyang nasa unahan at muntikan niyang mabangga. Mabuti na lamang at malakas ang kanyang presence of mind at nabawi niya ang sasakyan sa pinaka kanang lane. Muntik na naman niyang masagi ang mga barikada sa gilid kung
When Wolverine came back to his senses ay nakalayo na ang sasakyan ni Daniella. He didn’t know why he froze pero paulit ulit na nagflaflash sa kanyang isip ang ginawang paghalik nito sa kanya. Why did she do that? Ngayon lang kasi nangyari na si Daniella ang unang humalik sa kanya. Did she do it just to escape from him? Or does he look too good today, and she can’t resist his charm? Sa huling naisip ay napangiti siya sa sarili habang napahawak sa labing dinampian ng dalaga. Parang nafefeel pa niya ang malambot nitong labi and he wanted to keep that feeling forever. Iba pala yung feeling ng hinalikan at yung humahalik, parang mas nakakakilig yung ikaw yung hinalikan. Gosh! Para siyang teenager na nagkaroon ng first kiss. Nang lumingon siya sa kinaroroonan ni Assistant Rey ay hindi mapuknat ang pagkakangiti nito habang nakatingin sa kanya. Alam niyang natunghayan nito ang mga pangyayari kung kayat ganon na lamang ang pagkakangiti nito sa kanya. Ibinalik niya sa mata ang gamit na sungla
“All set, yung model na lang ang hinihintay.”, si Assistant Rey ng madatnan niya ito sa venue ng shooting para sa advertisement ng kanilang brand. Ilalaunch ang bagong edition na gawa ng company kaya kailangan ng promotion.“Uhuh, dumaan lang ako to check how it goes, aalis din ako mamaya. V is coming to the Philippines, so I’m going to fetch him at the airport.”, turan niya at tumango tango ito.“Are you sure you want to hold Vcom?”, wika ni Assistant Rey while walking around to observe the setting.“Magkaiba naman ang concept ng Vcom and SMC; we have been holding Tanaka for how many years now? I guess there’s no big deal about that.”, saad niya at napaisip saglit ang kausap bago tumango.“But have you discussed it with your dad?”, turan nito at napangiti siya. Kahit hindi na pala ang daddy niya ang direktang boss nito ay loyal pa rin ito sa kanyang ama.“Of course, and we have the same thought.”, wika niya at ngumiti din ito.“How about the OIC President?”, turan nitong nananantiya
Kinabukasan ay tinupad ni Wolverine ang pangako nito sa anak na dadalhin niya sa bahay ng kanyang mga magulang. Tuwang tuwa ang mga ito na tumawag siya upang doon sila mananghalian kasama ang kanyang asawa’t anak. Nagulat pa ang mga ito sapagkat for the first time itong tumawag at sabihing uuwi sa kanilang bahay. Pero ang labis nilang ikinatuwa ay masaya ang kanilang anak pagkatapos ng ilang taong pagpaparusa sa sarili.“Hello, grandmom! Hello grandad.”, malambing na bati ni Logan sa mga magulang ng ama pagkatapos ay hinalikan niya ang mga ito at pinagyayakap. Sobra namang natuwa ang dalawang matanda at makikita sa mukha nila ang sobrang excitement na makita at makasama ang kanilang apo.“You are so sweet, apo. Sana palagi kang nandito.”, pahayag ng mommy ni Wolverine na sinang-ayunan naman ng daddy nito.“Kung dito nalang kasi kayo umuwi, iho?”, turan naman ng daddy ni Wolverine at nakangiti lang siya sa sobrang pagkamiss ng mga ito sa kanilang apo. Malambing din kasing bata si Logan
Naalimpungatan si Danielle mula sa pagkaidlip. Gusto lang niyang ipahinga ang katawan mula sa maghapong trabaho kanina ngunit hindi niya namalayang nakatulog siya sa nag-iisang room sa townhouse ni Wolverine. Mukhang pamilyar sa kanyang katawan ang lugar kung kayat napakadali niyang naidlip, sabagay wala naman yatang nabago, lahat ay nasa tamang ayos. Pati ang kanyang mga pabango at iba pang abubot 4 years ago ay nasa ayos pa rin kung paano niya ito iniwan. Nagtaka siya, bakit hindi tinanggal ni Wolverine ang lahat ng kanyang gamit? O ngayon na lamang ito pumunta dito since then? Pero napakalinis naman ang lahat, walang kahit anong bakas ng dumi na makikita sa mga bagay sa loob tanda ng matagal na walang tao sa bahay.Nang makarinig ng tili ng paslit mula sa labas ng room ay napilitan siyang bumangon at pagkatapos ay napasulyap sa may alarm clock sa side table. Napamulagat siya ng malaki dahil limang minuto na lamang at mag-aalas nuebe na ng gabi. Mabilis siyang lumabas sa kuwarto upa