Malaki ang pasasalamat ni Estella na nariyan ang kanyang asawa na handang tumulong sa pagpapagamot ni Roxanne. Pagkatapos ng bagong taon ay bumalik sa probinsiya ang kapatid dahil sa magsisimula na rin ang pasukan. Sa kabila ng pagiging malayo rito ay hindi niya kinalimutan na ipaalala rito ang pangangalaga sa sarili. Sinisiguro niya na naiinom nito sa tamang oras ang mga gamot nito. Kinuha niya ang isa nilang pinsan upang mag-alaga rito. At dahil nahihiya naman siya na iasa lahat sa asawa ang gastusin sa pagpapagamot ng kapatid ay nagdesisyon siyang mag-apply bilang online English teacher. Dahil sa qualified naman siya ay agad siyang natanggap. Mabilis na lumipas ang mga araw. Naging abala sila sa pagsasaayos ng mga kakailanganin para sa unang kaarawan ni Elisha. Mas pinili nilang isagawa ang handaan dito mismo sa mansiyon. Kasalukuyang nag-i-ski
Pagkatapos mananghalian ay nagpahinga muna sila bago umalis upang magpa-ultrasound. Nalibang siya sa katitingin sa mga nagtataasang building, mga taong paroo't parito at maging mga sasakyan na abala sa kalsada kaya hindi niya namalayan na malapit na sila sa clinic."We're here." Wika ng asawa nang maiparada ang sasakyan sa parking lot. Bumaba ito at umikot upang pagbuksan siya ng pinto. Inalalayan siya nito sa pagbaba, "Be careful," anito.Magkahawak kamay silang pumasok ng clinic. Agad naman silang binati ng assistant ng magiging OB niya.
Estella's POV:Maaga pa lang ay gising na gising na ang lahat sa mansiyon. Ngayon ang unang kaarawan ni Elisha at excited ang lahat. Kahit malaki na ang tiyan ay nagboluntaryo siyang paliguan ang pamangkin. Namiss niya rin kasing gawin ito. May yaya naman ang bata na siyang nagpapaligo at nag-aalaga rito, pero sa araw na ito gusto niyang muling gawin ito. Sa aminin niya man o hindi, bigla niyang namiss ang nanay at si Troy maging si Elizabeth. Habang pinapaliguan niya si Elisha ay tumulo ang kanyang luha. Ngunit agad namang nawala ang kanyang lungkot ng marinig ang masayang boses ng bata na tumatawag sa kanya.
Estella's POV:Pagod na pagod ako sa maghapong preparasyon at pagdiriwang ng kaarawan ni Elisha. Salamat at natapos ito nang maayos. Kanina ko pa hinahanap ang asawa ko ngunit hindi siya maapuhap ng mga mata ko. Napansin marahil ako ni Daddy Manolo kaya kinausap niya ako at pinayuhang pumanhik na upang makapagpahinga. Inutusan pa nito si Pauline na samahan ako sa silid naming mag-asawa."Pinsan, okay ka lang ba?" Tanong ni Pauline sa akin."Ha? Ah, oo okay lang ako," pagsisinungaling ko pa."Kanina ka pa kasi hindi mapakali. Kung iniisip mo ang asawa mo, dahil napansin ko rin na kanina pa siya wala, eh baka may importante lang na pinuntahan." Mahabang wika nito. "Huwag kang masyadong mag-iisip, makakasama iyan sa pinagbubuntis mo." Pahabol pang paalala nito.Huminga ako nang malalim bago nagsalita. "Hindi niya ugaling hindi magpaalam sa'kin," wika ko. "Kino-contact ko siya, hindi niya naman sinasagot ang tawag ko." May himig na inis na sa bos
George's POVDali-dali kong tinungo ang aking sasakyan. Alam kong hahanapin ako ng aking asawa kapag napansin nito na wala ako sa pagdiriwang ngunit tsaka na ako iisip ng alibi. Importante ang lakad kong ito.Matagal kong pinag-isapan at pinaghandaan ito kaya nainis ako nang tumawag ang isa sa mga empleyado ko na may palpak raw sa plano.While driving, I dialled the number of the person I entrusted this job with. "Mr. Mendez, I'm going there now. I want you to prepare all the explanations as to why we can not pursue with the original plan. Do present me the second option we have." Mahaba kong lintanya."Yes Mr. Del Castillo. I'm very sorry for the inconveniences this time. Nagkaroon lang ng technical problem but I'll make it sure, this will become perfect." anang kausap ko sa kabilang linya."Then work on that," mariin kong tugon bago pinutol ang tawag."I have to get there fast, I need to go back to the party immediately b
George's POVNagising siya sa pagtawag ni Adelfa. Bahagya pa nitong niyiyugyog ang kanyang balikat. "Señorito, señorito George. Gumising po kayo.""Uhmmm," Ininat niya ang kanyang mga braso at naghikab."Good morning po sir, hindi po ba kayo pinapasok ni Señorita Estella sa kwarto ninyo?" Pilyang tanong ng kasambahay."What? No." Tanggi niya."Weeh? Bakit dito kayo natulog?" Hindi naniniwalang tanong nito."Anong oras na ba?" Ganti niyang tanong at bumangon sa upuan kung saan siya nakatulog."Actually my señorito, maaga pa naman. Alas dos pa lang ng madaling araw." Sagot nito.Luminga-linga siya. Napansin nga niyang madilim pa. "So, inabot ako ng ganitong oras dito?" Sa isip-isip niya. "Teka, bakit gising ka na?" Takang tanong niya kay Adelfa."Ah, eh kuan po kasi..." nagkakanda-utal na sagot nito."Hmmm, mukhang may ginagawa kang milagro ha?" Tukso niya sa dalagang kasambah
Dumating ang pinakahihintay nilang araw. Ngayon ang araw na bibiyahe sila para sa kanilang bakasyon sa probinsiya."Hon, wala ka na bang nakakalimutan?" tanong ni Estella sa asawa."I guess, wala na." sagot naman nito habang sinusuri ang mga dalahin. "Let's go downstairs now, baka hinihintay na nila tayo." Anito."Sige, tayo na." Sang-ayon niya at binitbit na ang kanyang shoulder bag. Dala naman ng asawa ang mga maleta na kinalalagyan ng kanilang mga damit at ilan pang mga gamit. Medyo marami rin silang dalang gamit dahil napagpasyahan nilang gawing isang linggo ang kanilang bakasyon. Nadatnan nila na masayang nag-uusap usap sila Roxanne, Pauline at ilang kasambahay sa sala."O narito na pala sila Ate Estella," Nakangiting wika ni Roxanne."Mukhang handa na kayo," sabi niya sa kapatid at pinsan."Talagang handa na ate, kanina pa." Nakatawang sagot ni Roxanne."Well then, tayo na nang makapagpahinga muna tayo saglit sa airp
Estella's POV: Gabi na nang matapos ang pag-iinuman ng asawa at mga kamag-anak niya. Natapos na rin sa pagliligpit ng pinagkainan ang kanyang tiyahin. Nagpaalam na rin ang mag-asawang Josh at Odette. Nang magsiuwian na ang mga ito ay pumasok na sila sa kani-kanilang silid. Sa kabilang silid sina Roxanne at Pauline kasama si Elisha at sa dating silid naman niya silang mag-asawa. Hindi siya nahiga agad dahil may ilang gamit sila na nakalimutan niyang iligpit kanina. Inilagay niya muna ito sa lagayan. Pinagmamasdan siya ng asawa sa bawat galaw niya habang nakaupo ito sa gilid ng kama. Nilingon niya ito at tinanong, "Hindi ka pa ba matutulog?" "Paano ako makakatulog kung hindi kita katabi?" Malamlam ang mga matang tanong nito. "Bukas mo na gawin iyan, please come here now and let's get some rest." Anito habang nakalahad sa kanya ang isang kamay habang ang isa ay nakatukod sa higaan. Sa hitsura nito na halatang lasing ay hindi pa rin nawawala ang kagwapuhang
Hindi niya napigilang tumulo ang luha habang nakatayo sa harapan ng puntod ng kanyang mga mahal sa buhay. "Pasensiya na po kayo ngayon lang uli ako nakadalaw. Troy, Elizabeth, katatapos lang ng first birthday ni Elisha niyo. Alam niyo ang saya niya noong i-blow niya 'yong candle. Sayang wala kayo, nakita niyo sana kung gaano kasaya ang anak niyo. Huwag kayong mag-aalala, mahal na mahal siya namin dito. Nay, Tay, heto nga po pala ang pangalawa niyong apo," tukoy niya sa anak na nasa loob pa ng sinapupunan. "Mahal na mahal ko kayo," sambit niya at muling dumaloy ang luha sa kanyang mga mata. Pinunasan niya ito gamit ang kanyang palad. Nakalimutan niya kasing magdala ng panyo. Hindi niya kasi akalain na iiyak pa siya. Buong akala niya ay tanggap na niya ang trahedya na nangyari sa mga ito ilang buwan na ang nakakaraan."I know you would still cry," seryosong wika ng asawa na nasa likuran niya. Umikot ito sa harapan niya at pinunas ang kanyang luha gamit ang mga hinlalaki nito. "
Napabalikwas ako ng bangon pagkatapos ng isang masamang panaginip. Umaga na pala. May mumunting liwanag na pumapasok mula sa mga siwang ng bahay. Hindi ko alam kung paanong nakatulog kami nang mahinbing ni Sam. Halos sabay rin lang kaming nagising."Good morning, George," humihikab na bati ni Sam sa akin."Morning must be very good if we're not in this situation," pagmamaktol ko sabay bangon.Ilang sandali pa ay may narinig kaming paparating lulan ng kabayo. "Ha!""May tao," wika ni Sam."Baka si Russell," sagot ko sabay labas ng bahay. Tama ang hinuha ko. It was Russell at mayroon siyang dalawang kasama na nakasakay rin sa kabayo."I hope you had a good sleep," wika ng lalaki habang pababa sa kanyang kabayo. "I planned of getting back last night para sunduin kayo lamang ay wala ang isa kong tauhan para magdala ng isa pang kabayo. Minabuti kong ngayong umaga nalang kayo puntahan," anito."It's alrig
George's POVMadilim na ang paligid. Nagpatuloy kami ni Samantha sa aming paglalakad sa masukal na kagubatan. Medyo malayo na rin ang aming nalakad at totoong masakit na rin sa paa. May natanawan kami na maliit na dampa sa di kalayuan. May liwanag na nanggagaling dito na sa tingin ko ay galing sa ilaw ng lampara."George may bahay," wika ni Samantha na kinalabit pa ako."May nakatira sa ganito kaliblib na lugar?" May pagdududa kong tanong."Bakit, hindi naman impossible iyon di ba?" Ani Sam na nagpatiuna nang lumakad palapit sa bahay.Wala akong nagawa kundi ang sumunod na lamang."Tao po! Tao po!" Tawag nito.Batid kong may tao sa loob dahil sa may mumunting kaluskos akong naririnig. Pagkaraan ng ilang sandali ay bumukas ang kahoy na pintuan."Sino iyan!?" Pasigaw na tanong ng isang matandang lalaki na may bitbit na sa hula ko ay itak."Magandang gabi ho, Manong. Makikisilong ho sana kami,"
Mabilis ang ginawa kong pagtakbo. Hindi ko na pinapansin ang mga matutulis na mga bagay na naaapakan ko."George!" Patakbong sumalubong si Samantha sa akin."Takbo, Samantha!"Mabilis kong hinawakan ang kanyang kamay at agad na hinila siya palayo habang patuloy naman sa pagpapaputok at paghabol ang mga armadong kalalakihan."Keep going, we can't afford to be caught again. Baka patayin na nila tayo." Paalala ko kay Samantha sa kabila ng aming pagtakbo."I know," Kaagad naman nitong tugon sa kabila ng paghahabol ng hininga.Hinahawi namin ang mga dahon at sanga ng mga halaman na nakaharang sa aming daraanan. Nagpasikot-sikot kami sa ilalim ng naglalakihang mga punongkahoy at mga malalagong palumpong."Huwag niyong hayaang mawala sa paningin niyo kundi lagot tayo kay boss!" Sigaw ng isa sa mga lalaki."Naku, hindi makakalayo iyang mga iyan. Walang alam sa gubat ang mga iyan." Ngisi ng isa.Patuloy la
"May problema ba Roxanne?" Tanong ko sa aking kapatid pagkaalis ni Simon."Hindi ka ba nagtataka ate?" Anito."Ano naman ang dapat kong ipagtaka?" Kunot-noong tanong ko sa kanya."Coincidence lang ba na kung kailan nawala si Kuya George ay tsaka naman dumating ang asungot na Simon na iyan?" Ani Roxanne na bakas ang paghihinala sa boses.Saglit akong natigilan. Maaari nga kaya? Pero bakit naman nito gagawin iyon? Kausap ko sa sarili."Roxanne, mahirap magbintang ng tao. Baka naman talaga nagkataon lang," Saway ni Pauline sa pinsan."Oo nga naman,"Sang-ayon ko."E di mabuti kung ganoon." Lumabi ito at nagyaya nang bumalik sa loob."Pinsan, mabuti pa pumanhik ka na. Kagabi ka pa walang pahinga." Nag-aalalang wika ni Pauline."Oo nga naman ate, si Don Manolo at Kuya Harold na muna ang bahala sa paghahanap kay Kuya." Segunda ni Roxanne.Wala akong nagawa kundi ang sumunod. Nararamdaman ko na rin
Estella's POVKagabi pa ako walang tigil sa pag-iyak. Labis na pag-aalala ang nararamdaman ko ngayon para sa aking asawa. Ano kaya ang kalagayan niya ngayon? Kagabi matapos ang insidente ay hiningan ako ng statement ng mga pulis. Tinanong nila kung sino ang posibleng gumawa nito sa amin. Wala akong ideya maliban kay Samantha na alam kong matindi pa rin ang pagkakagusto kay George. Ngunit wala raw ito sa condo unit nito nang puntahan ng mga alagad ng batas. Mas lalong tumindi ang aming hinala na ito nga ang nagpakidnap kay George. Subalit, nitong umaga lang ay tumawag ang pulis na humahawak sa kaso. Ipinaaalam nito na nakita raw sa CCTV footage na tinangay ng mga armadong kalalakihan si Samantha ilang minuto lang ang nakalipas matapos ang nangyaring pananambang sa amin. Dumulog na rin daw sa kanilang himpilan ang pamilya nito upang ipaalam ang pagkawala nito. Kasalukuyan nilang pinagtutuunan ang dalawang magkaparehong kaso na tingin raw nila ay may koneksiyon sa isa't-isa.
Masakit ang buong katawan niya dahil sa pambubogbog na natamo buhat sa mga kidnappers niya ngunit mas masakit ang isiping malayo sa asawa. Akala niya sa pelikula lang nangyayari ang mga katulad nito. But here he is, tied in a metal chair in the middle of a dark room. He doesn't have enemies. He had not wronged anyone in the business world because he is fair and just. He's sure that this thing has nothing to do with business. Isa lang ang alam niyang nagawan niya ng mali. Si Samantha. That simple girl he has loved and adored years ago. He can still remember her simplicity that charmed him, ngunit lahat iyon ay nagbago. Samantha came to a change, from a simple to a sophisticated yet jealous woman. It wasn't a problem though. He liked her transmission especially her being clingy to him, but not until that incident in Palawan. That mistake he did. But why would Samantha sort to this kind of game? Why should she have him kidnapped? Napakababaw na rason naman iyong may nangyari sa kanila
"Pagod ka na ba?" Tanong sa kanya ng asawa."Medyo, at inaantok na rin ako." sagot ni Estella."We'll go home," anito at tumayo na upang magpaalam sa ama at sa iba pang guests.Nagsimula na ring magsiuwian ang iba. It's already eleven forty-five in the evening. Nauna nang umuwi sina Roxanne at mga kasambahay.Tahimik ang kalsada na binabaybay ng kanilang sasakyan. Bagama't may mga kasabayang sasakyan pakiwari niya ay kay tahimik ng paligid. Kakaiba rin ang hatid na lamig ng air-conditioning ng sasakyan. She can't understand the intense nervousness that she feels. If not for his warm palms against hers, she think she could pass out."Are you okay?" Tanong ng asawa sa kanya.Tumingin siya sa mga mata nito at nakita niya ang pag-aalala nito."I'm okay," aniya. "Thanks George for making this night extraordinary."Hanggang ngayon ay parang nananaginip pa rin siya. She never thought that her husban
He let go of her lips and looked straight into her eyes. His eyes are burning with so much affection.Hindi pa man humuhupa ang hiyawan ng mga naroon ay tsaka naman nila narinig ang malakas na paputok. Nasundan iyon ng ilan pang putok. All eyes were turned to that side where the sound came. As though in a romantic scene in a movie, the wide curtains of the banquet hall flew open giving a perfect view of the Manila Bay and the jaw dropping sight of the fireworks as they exploded in the night sky and filled it with majestic lights. It was quite dazzling as the fireworks shot straight up before exploding while others quickly shattered into thousands of sparks."Wow!" Hindi mapigilang paghanga ng mga naroon.Suddenly, there was a sizzling sound as the rocket shot upwards and burst into flames of vivid red, orange, and gold colors. They created pattern in the air and forming letters. Just like magic, 'Happy birthday!' was written in the lovely night
Nginitian niya ang asawa at tumikhim, "How do you find me in this gown?""You look astonishingly beautiful, my Estella. I knew you would really look great tonight," Malapad ang ngiti nito habang humahakbang papalapit sa kanya."Teka, ano bang meron?" Kunot-noong tanong niya.Nang makalapit ay agad siya nitong hinapit sa baywang at inangkin ang mga labi. His kiss was deep and passionate. She pushed him lightly when she heard giggles from the people around. Doon lang niya napansin na naroon na pala lahat ng kasambahay sa sala. Nasa may gitna na rin ng hagdanan si Don Manolo na ngiting-ngiti habang nakamasid sa kanila. Ang ipinagtataka niya ay tulad nila ng asawa, nakabihis rin ang mga ito. Ngayon lang din niya napansin na pati si Adelfa na sumundo sa kanya sa kanilang silid ay bihis na bihis rin. Nagtatanong ang mga mata niya nang ibaling ang tingin sa asawa."You'll see what is up to, later." Nakangising wika nito."So, are w