Nahihilo na siya sa biyahe. Mula sa airport ay agad siyang pumara ng taxi papunta sa hotel na pagdarausan ng seminar. Kung bakit naman kasi hindi niya naitanong kaagad noon kay Mrs. Castro kung saan ito gaganapin. Kailangan pa pala niyang lumuwas mula sa probinsiya nila hanggang dito sa NCR. “Tsk…it’s okay, anyway nandito naman na ako,” kausap niya sa sarili. Pumara ang sinasakyan niyang taxi sa isang magarang hotel. Sa unang tingin pa lang ay talagang nakakamangha ang ganda nito.
“Del Castillo Hotel and Restaurant,” basa niya sa signage sa entrance nito. Agad siyang lumapit sa front desk.
“Good morning ma’am, welcome to Del Castillo Hotel and Restaurant. How can I help you?” magiliw na bati ng hotel receptionist sa kanya.
“I am here to attend a seminar,” pagsisimula niya. Sinabi niya ang pangalan ng seminar na dadaluhan.
Mabuti na lang at may nakareserve na palang rooms para sa mga participants. Hinanap ng receptionist ang kanyang pangalan sa listahan.
“Your room number is 304 Ms. De Jesus. Please sign this form, ma’am. ” Wika nito at magalang na iniabot sa kanya ang isang papel.
Kinuha niya ito at agad na pinirmahan.
"Here," ibinalik niya ang papel dito.
"Thank you ma'am, you can now proceed to your room." sabi nito sabay abot sa kanya ng key card..
“Thank you,” pagpapasalamat niya.
“You’re welcome ma’am, hope you enjoy your stay here,” magiliw na wika nito na para yatang hindi napapagod sa kakangiti.
Her room is on the third floor. Hilong-hilo na siya sa biyahe ngunit mapapagod naman siya kung aakyat pa ng hagdan, kaya kahit ayaw niyang gumamit ng elevator ay napilitan siya. Takot kasi siyang sumakay nito baka magbrown-out habang di pa siya nakakalabas at mataong may sunog. Madalas siyang tawanan ni Roxanne kapag minsan ay namimili sila sa mall dahil hindi siya nito mapilit-pilit na sumakay ng elevator gayundin ng scalator. Ayon rito ay masyado raw siyang matatakutin at advance mag-isip. Habang nasa elevator ay naisip niya ang inay at mga kapatid niya. Bigla niyang namiss ang mga ito. Awtomatikong gumalaw ang mga paa niya palabas nang bumukas ang elevator. Huli na nang mapansin niyang may makakasalubong pala siya.
“F*ck! Bulag ka ba?” pabulyaw na sabi ng lalaking nakabanggaan niya. Halata ang iritasyon sa boses nito. Sa kabiglaan ay hindi niya kaagad nagawang kumilos paalis. Saglit niyang napagmasdan ito. Bagama't nakasimangot ay hindi maipagkakaila ang kagwapuhan nito. Napakagwapo nito at napakatikas ng tindig. Kung ilalarawan ang hitsura nito ay masasabi na katulad ito ng mga bidang lalaki sa mga nobela na nababasa niya sa pocketbooks o di kaya ay mga bidang lalaki sa pelikula.
"Aren't you gonna say sorry?" Yamot na turan ng lalaki.
Pagkarinig rito ay para siyang nahimasmasan mula sa pag-eeksamin sa pisikal na anyo ng lalaki. "Uhm, sorry sir", at agad na ring umalis. Hindi na niya hinintay ang pagsagot niyo at agad na niyang tinahak ang daan papunta sa kanyang room.
"Just that!? Will you be careful next time?" Narinig niyang pahabol na sigaw ng lalaki.
"Sorry sir but there will be no more next time." Bulong niya sa sarili at binalewala na lang ito.
George's POV:
Hinabol niya ng tanaw ang babaeng nakabangga sa kanya nang papasok siya ng elevator. Sa sobrang inis ay hindi siya nakapagpigil.
"Just that!? Will you be careful next time?" Habol niyang sigaw rito.
Naiinis siya sa pangsesermon ng ama at hito't nabangga pa siya ng babaeng mukhang malayo ang iniisip at wala pa yatang balak magsorry kung hindi niya tinanong.
"Bullshit!" bulyaw niya sa isip. This is the first time that his dad has ever reprimanded him in front of their investors. He knows that his dad doesn't like to be late especially in important meetings like this. But he was just five minutes late. Not worthy enough to be scolded in public.
Estella's POV:
Salamat na lang at agad niyang nakita ang room na paglalagian niya sa loob ng pitong araw na seminar. Alam niyang may makakasama siya sa kwartong ito. Ayon sa receptionist ay tatlo sila rito. Marahan siyang kumatok. Hindi nagtagal at bumukas ang pinto.
"Estella De Jesus? Ella! Naku ikaw ba 'yan? Masiglang bati ng nagbukas nito habang nanlalaki ang mga mata na parang hindi makapaniwala.
"Christine! Masaya niyang tawag sa pangalan ng makilala ito. Isa ito sa mga kaibigan niya noong nasa kolehiyo pa siya. Matagal na rin silang walang komunikasyon dala na rin marahil sa pareho silang busy sa kani-kanilang mga buhay at trabaho, lalo na at magkaiba rin naman sila ng distrito. Nagyakapan sila at agad nagkumustahan. Mabuti na lang at isa ito sa makakasama rito at kahit papano ay napanatag ang loob niya. Masaya silang nagkwentuhan ni Christine. Ipinakilala nito sa kanya ang pangatlo nilang kasama sa room na iyon. Nakilala niya ito sa pangalang Roselyn na halatang mas bata sa kanila ng ilang taon. Nakisali na rin ito sa kanilang usapan. Nang dumating ang oras ng tanghalian ay sabay-sabay na silang bumaba sa venue. Malawak ito at maganda ang ambiance. May iilan nang naroon. May nagkwekwentuhan, may kumakain na, may nakapila sa buffet table para kumuha ng pagkain, may iilan din namang nakaupo at tahimik lang. Agad silang humanap ng pwesto para upuan at inilagay ang kanilang mga gamit bago kumuha ng pagkain.
.
.
Estella's POV:
Pakiramdam niya ay napakahaba ng araw ngayon. Sobrang nakakapagod bagama't hapon na nagsimula ang seminar ay di pa yata siya nakakabawi sa ilang oras ding biyahe papunta rito. Ganoon din siguro ang nararamdaman nina Christine at Roselyn dahil pagkatapos maligo ng mga ito ay agad nang nahiga at natulog.
Gusto na rin sana niyang matulog, lamang ay di siya dalawin ng antok. Sinubukan niyang balikan ang mga nangyari sa kanya ngayong araw. At bumalik sa alaala niya ang lalaking nabangga kanina sa may elevator. Hindi niya maintindihan ang sarili. Bakit ba ayaw nitong mawaglit sa isipan niya? Napakasungit nito. Gwapo sana kaya lang halatang masama ang ugali. "Hmmmp, ba't ko ba siya pinag-aaksayahan ng panahon sa kaiisip." Saway niya sa sarili. Pinilit niyang matulog lalo na at maaga pa siyang babangon bukas.
Last day na ng seminar nila ngayon. At long last, makakauwi na rin siya sa pamilya na sobra-sobra na niyang nami-miss. Napagpasyahan nila Christine at Roselyn na mamasyal muna at mamili na rin ng mga pasalubong pagkatapos ng seminar at bukas na lang ng umaga umuwi. At siyempre, hindi pumayag ang mga ito na hindi siya sumama."Sige na Ella sumama ka na, minsan lang naman ito", pamimilit pa ni Christine. Ella ang tawag sa kanya ng mga kaibigan at dati niyang kaklase."Oo nga Ate Ella, 'wag masyadong kuripot. Bawasan din minsan ang pera mo sa bangko," natatawang biro naman ni Roselyn.Wala na nga siyang nagawa at sumama na rin. Tama rin naman ito, minsan lang talaga ito. Bihira na siyang nakakapamasyal simula ng mamatay ang tatay niya at maipasa sa kanya ang pagtataguyod sa kanilang pamilya. Mahal niya ang nanay at mga kapatid niya kaya hindi mabigat sa loob niya kung siya man ang naging bread winner nila. Kung nabubuhay lamang ang tatay niya, hinding hindi sila ni
Madaling araw pa lang ay gising na sila. Dala marahil ng stress sa nangyari nang nagdaang gabi ay hindi siya gaanong nakatulog. Idagdag pa ang sakit ng tagiliran na nararamdaman niya. Kahit puyat ay nagawa niyang bumangon at maghanda para sa mahaba-haba ring biyahe."May malapit na fast-food dito, dumaan muna tayo nang malamnan ang mga tiyan natin bago tayo magbiyahe. Mahirap magbiyahe na walang laman ang tiyan," anyaya ni Christine. Sa loob ng isang linggo nilang pagsasama-sama nila sa isang hotel room ay ito ang laging nangunguna sa pagpapl
George's POV:"Nacontact niyo na ba?" Tanong ng ama sa kanya."Not yet Dad." Medyo nabubwisit na siya sa kapatid. Magtatatlong araw na itong wala and none of her friends could tell where she is. Wala rin ang bestfriend nitong si Marie. Ayon sa parents nito ay nasa probinsiya raw. "If she's there with her, then why not bother to answer the phone!" Maktol niya."Try to call her again son. I'm so worried for your sister." Utos ng ama. "If you won't find her today, I'll get a private detective to go search for her."Mahal na mahal nito ang kapatid niya. Namatay kasi ang mommy nila sa panganganak dito kaya mula noon ay siniguro ng daddy nila na kahit wala ang mommy ay hindi mararamdaman ng kapatid na kulang sila. Ibinuhos nito ang pagmamahal sa bunso. Siya ng mga panahong iyon ay fifteen years old na kaya nauunawaan na niya ang lahat. Katulad ng ama ay labis rin ang lungkot niya sa pagkawala ng ina. Mahirap lumaki na walang inang gumagabay. Sabihin mang
Estella's POV: Bago pa man makalabas ng pintuan ay natanaw niya ang pagbaba ng isang lalaki mula sa driver's seat ng sasakyan. He's a beautiful man in his middle thirty wearing a blue denim jeans, white t-shirt and a pair of cool white sneakers. He looks so fresh in his faded undercut hair style. His aura seems so powerful. Naramdaman niya ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Nakita na niya ang lalaking ito. Tama! Siya 'yung nabangga niya sa may elevator at sa Pasalubong Center three months ago. Pero ano ang ginagawa niya rito? Kinakabahan man ay naglakas loob siyang lumabas upang masagot ang mga tanong niya. George's POV: Sinuyod ng kanyang paningin ang bahay na kinaroroonan umano ng kapatid. Isa itong bungalow type of house. Shade ng blue ang pintura ng wall nito at at mas dark na blue naman ang bubong. Napapalibutan ito ng bakod na kawayan. Sa loob at kaliwang bahagi ng bakuran ay may dalawang puno ng mangga na may nakabitin na duyan. Maraming or
Two weeks later...Bumalik na si Elizabeth sa Maynila kasama ng kuya nito. Si Troy naman ay bumalik na rin sa eskwela. Nangako si George na ibabalik ang kapatid kapag naayos na ang lahat. Ayaw nitong biglain ang ama kaya humingi ng panahon para masabi rito ang tungkol sa kapatid. Nalaman niya na tanging ang daddy na lang ng mga ito ang nabubuhay.Katulad ng dati, laging minomonitor ng ina ang dalawang kapatid. Sa katunayan ay mas naging mahigpit pa ito, lalo na kay Roxanne. Hindi na nito nais na maulit sa huli ang nangyari kay Troy. Mas lalo itong n
Araw ng Linggo...Maaga silang bumangon. Nakaugalian na nilang magsimba bawat Linggo kasama ang buong pamilya. Ngayon, nadagdagan na ang miyembro ng pamilya nila. Sa mga susunod na buwan ay isisilang na rin ni Elizabeth ang unang pamangkin niya. Natutuwa siya sa isiping ito. Masiyado pang maaga para maexcite dahil tatlong buwan pa lang naman ang tiyan nito ngunit hindi niya na mahintay ang pagdating nito."Handa na ba kayo? Tanong niya sa mga kapatid pagkalabas ng silid. Sabay-sabay sila lagi sa pagpunta sa simbahan."Oo ate, kanina ka pa nga namin hinihintay eh," sagot ni Roxanne."O siya tayo na." Wika niya sabay pulot sa sling bag. "Ang inay?" Hinanap ng kanyang paningin ang ina."Nasa labas na, kausap si Aling Teresa." Sagot nito. Ang magkasintahang Troy at Elizabeth naman ay nagpatiuna nang lumabas matapos magpaalam sa kanya."Ganoon ba? O siya, sige tayo na." Lumingon siya sa kusina at may hinahanap ang mga mata niya.Tumikhim s
Mabilis na lumipas ang mga araw. Nasa ika-walong buwan na ng pagbubuntis ni Elizabeth ngayon. Ipinagpatuloy nito ang pag-aaral sa Maynila at si Troy naman ay ganoon din dito sa probinsiya. Hindi nawalan ng komunikasyon ang mga ito at dalawang beses din sa isang buwan kung lumuwas ang kapatid roon. Hindi naging problema iyon sapagkat hindi nagkulang sa suporta ang pamilya ni Elizabeth. Bagay na ipinagpapasalamat nila. Dahil Christmas break ay naisipan ng mga ito na doon na muna sa Maynila mamalagi hanggang sa makapanganak ito. Ito ang unang pasko na hindi sila magkakasama. Malungkot si Aling Lourdes dahil wala ang bunso nito ngunit nauunawaan naman nito na may obligasyon na ang anak. At isa pa ay excited na rin itong makita ang unang apo. Siya naman ay patuloy sa mga school reports. Ganito kasi ang maging isang guro. Kahit bakasyon ay may mga reports na kailangang isumiti, kahit dis oras na ng gabi ay nakakatanggap siya ng request mula sa school head na madalas ay to
Estella's POV: Pagkatapos nitong patayin ang tawag ay saglit na nablangko ang isip niya. Tinawag siya nitong 'My Estella'?Hindi niya maintindihan ang nararamdaman ngayon. Parang gusto niyang kiligin na parang gustong kabahan. Liban sa insidente sa elevator at Pasalubong Center ay limang buwan pa lang simulang makilala niya ito, iyon 'yung araw na pumanta ito sa kanila para kunin si Elizabeth. Pangalawang beses naman niyang nakita ito noong inihatid nito ang mga gamit ng huli. At sa pagkakataong iyon ay nagtagal ito ng tatlong araw sa kanila kung saan nakakasabay niya ito sa almusal, tanghalian at hapunan ngunit hindi sila kailan man nag-uusap dahil lagi niya itong iniiwasan.
Napabalikwas ako ng bangon pagkatapos ng isang masamang panaginip. Umaga na pala. May mumunting liwanag na pumapasok mula sa mga siwang ng bahay. Hindi ko alam kung paanong nakatulog kami nang mahinbing ni Sam. Halos sabay rin lang kaming nagising."Good morning, George," humihikab na bati ni Sam sa akin."Morning must be very good if we're not in this situation," pagmamaktol ko sabay bangon.Ilang sandali pa ay may narinig kaming paparating lulan ng kabayo. "Ha!""May tao," wika ni Sam."Baka si Russell," sagot ko sabay labas ng bahay. Tama ang hinuha ko. It was Russell at mayroon siyang dalawang kasama na nakasakay rin sa kabayo."I hope you had a good sleep," wika ng lalaki habang pababa sa kanyang kabayo. "I planned of getting back last night para sunduin kayo lamang ay wala ang isa kong tauhan para magdala ng isa pang kabayo. Minabuti kong ngayong umaga nalang kayo puntahan," anito."It's alrig
George's POVMadilim na ang paligid. Nagpatuloy kami ni Samantha sa aming paglalakad sa masukal na kagubatan. Medyo malayo na rin ang aming nalakad at totoong masakit na rin sa paa. May natanawan kami na maliit na dampa sa di kalayuan. May liwanag na nanggagaling dito na sa tingin ko ay galing sa ilaw ng lampara."George may bahay," wika ni Samantha na kinalabit pa ako."May nakatira sa ganito kaliblib na lugar?" May pagdududa kong tanong."Bakit, hindi naman impossible iyon di ba?" Ani Sam na nagpatiuna nang lumakad palapit sa bahay.Wala akong nagawa kundi ang sumunod na lamang."Tao po! Tao po!" Tawag nito.Batid kong may tao sa loob dahil sa may mumunting kaluskos akong naririnig. Pagkaraan ng ilang sandali ay bumukas ang kahoy na pintuan."Sino iyan!?" Pasigaw na tanong ng isang matandang lalaki na may bitbit na sa hula ko ay itak."Magandang gabi ho, Manong. Makikisilong ho sana kami,"
Mabilis ang ginawa kong pagtakbo. Hindi ko na pinapansin ang mga matutulis na mga bagay na naaapakan ko."George!" Patakbong sumalubong si Samantha sa akin."Takbo, Samantha!"Mabilis kong hinawakan ang kanyang kamay at agad na hinila siya palayo habang patuloy naman sa pagpapaputok at paghabol ang mga armadong kalalakihan."Keep going, we can't afford to be caught again. Baka patayin na nila tayo." Paalala ko kay Samantha sa kabila ng aming pagtakbo."I know," Kaagad naman nitong tugon sa kabila ng paghahabol ng hininga.Hinahawi namin ang mga dahon at sanga ng mga halaman na nakaharang sa aming daraanan. Nagpasikot-sikot kami sa ilalim ng naglalakihang mga punongkahoy at mga malalagong palumpong."Huwag niyong hayaang mawala sa paningin niyo kundi lagot tayo kay boss!" Sigaw ng isa sa mga lalaki."Naku, hindi makakalayo iyang mga iyan. Walang alam sa gubat ang mga iyan." Ngisi ng isa.Patuloy la
"May problema ba Roxanne?" Tanong ko sa aking kapatid pagkaalis ni Simon."Hindi ka ba nagtataka ate?" Anito."Ano naman ang dapat kong ipagtaka?" Kunot-noong tanong ko sa kanya."Coincidence lang ba na kung kailan nawala si Kuya George ay tsaka naman dumating ang asungot na Simon na iyan?" Ani Roxanne na bakas ang paghihinala sa boses.Saglit akong natigilan. Maaari nga kaya? Pero bakit naman nito gagawin iyon? Kausap ko sa sarili."Roxanne, mahirap magbintang ng tao. Baka naman talaga nagkataon lang," Saway ni Pauline sa pinsan."Oo nga naman,"Sang-ayon ko."E di mabuti kung ganoon." Lumabi ito at nagyaya nang bumalik sa loob."Pinsan, mabuti pa pumanhik ka na. Kagabi ka pa walang pahinga." Nag-aalalang wika ni Pauline."Oo nga naman ate, si Don Manolo at Kuya Harold na muna ang bahala sa paghahanap kay Kuya." Segunda ni Roxanne.Wala akong nagawa kundi ang sumunod. Nararamdaman ko na rin
Estella's POVKagabi pa ako walang tigil sa pag-iyak. Labis na pag-aalala ang nararamdaman ko ngayon para sa aking asawa. Ano kaya ang kalagayan niya ngayon? Kagabi matapos ang insidente ay hiningan ako ng statement ng mga pulis. Tinanong nila kung sino ang posibleng gumawa nito sa amin. Wala akong ideya maliban kay Samantha na alam kong matindi pa rin ang pagkakagusto kay George. Ngunit wala raw ito sa condo unit nito nang puntahan ng mga alagad ng batas. Mas lalong tumindi ang aming hinala na ito nga ang nagpakidnap kay George. Subalit, nitong umaga lang ay tumawag ang pulis na humahawak sa kaso. Ipinaaalam nito na nakita raw sa CCTV footage na tinangay ng mga armadong kalalakihan si Samantha ilang minuto lang ang nakalipas matapos ang nangyaring pananambang sa amin. Dumulog na rin daw sa kanilang himpilan ang pamilya nito upang ipaalam ang pagkawala nito. Kasalukuyan nilang pinagtutuunan ang dalawang magkaparehong kaso na tingin raw nila ay may koneksiyon sa isa't-isa.
Masakit ang buong katawan niya dahil sa pambubogbog na natamo buhat sa mga kidnappers niya ngunit mas masakit ang isiping malayo sa asawa. Akala niya sa pelikula lang nangyayari ang mga katulad nito. But here he is, tied in a metal chair in the middle of a dark room. He doesn't have enemies. He had not wronged anyone in the business world because he is fair and just. He's sure that this thing has nothing to do with business. Isa lang ang alam niyang nagawan niya ng mali. Si Samantha. That simple girl he has loved and adored years ago. He can still remember her simplicity that charmed him, ngunit lahat iyon ay nagbago. Samantha came to a change, from a simple to a sophisticated yet jealous woman. It wasn't a problem though. He liked her transmission especially her being clingy to him, but not until that incident in Palawan. That mistake he did. But why would Samantha sort to this kind of game? Why should she have him kidnapped? Napakababaw na rason naman iyong may nangyari sa kanila
"Pagod ka na ba?" Tanong sa kanya ng asawa."Medyo, at inaantok na rin ako." sagot ni Estella."We'll go home," anito at tumayo na upang magpaalam sa ama at sa iba pang guests.Nagsimula na ring magsiuwian ang iba. It's already eleven forty-five in the evening. Nauna nang umuwi sina Roxanne at mga kasambahay.Tahimik ang kalsada na binabaybay ng kanilang sasakyan. Bagama't may mga kasabayang sasakyan pakiwari niya ay kay tahimik ng paligid. Kakaiba rin ang hatid na lamig ng air-conditioning ng sasakyan. She can't understand the intense nervousness that she feels. If not for his warm palms against hers, she think she could pass out."Are you okay?" Tanong ng asawa sa kanya.Tumingin siya sa mga mata nito at nakita niya ang pag-aalala nito."I'm okay," aniya. "Thanks George for making this night extraordinary."Hanggang ngayon ay parang nananaginip pa rin siya. She never thought that her husban
He let go of her lips and looked straight into her eyes. His eyes are burning with so much affection.Hindi pa man humuhupa ang hiyawan ng mga naroon ay tsaka naman nila narinig ang malakas na paputok. Nasundan iyon ng ilan pang putok. All eyes were turned to that side where the sound came. As though in a romantic scene in a movie, the wide curtains of the banquet hall flew open giving a perfect view of the Manila Bay and the jaw dropping sight of the fireworks as they exploded in the night sky and filled it with majestic lights. It was quite dazzling as the fireworks shot straight up before exploding while others quickly shattered into thousands of sparks."Wow!" Hindi mapigilang paghanga ng mga naroon.Suddenly, there was a sizzling sound as the rocket shot upwards and burst into flames of vivid red, orange, and gold colors. They created pattern in the air and forming letters. Just like magic, 'Happy birthday!' was written in the lovely night
Nginitian niya ang asawa at tumikhim, "How do you find me in this gown?""You look astonishingly beautiful, my Estella. I knew you would really look great tonight," Malapad ang ngiti nito habang humahakbang papalapit sa kanya."Teka, ano bang meron?" Kunot-noong tanong niya.Nang makalapit ay agad siya nitong hinapit sa baywang at inangkin ang mga labi. His kiss was deep and passionate. She pushed him lightly when she heard giggles from the people around. Doon lang niya napansin na naroon na pala lahat ng kasambahay sa sala. Nasa may gitna na rin ng hagdanan si Don Manolo na ngiting-ngiti habang nakamasid sa kanila. Ang ipinagtataka niya ay tulad nila ng asawa, nakabihis rin ang mga ito. Ngayon lang din niya napansin na pati si Adelfa na sumundo sa kanya sa kanilang silid ay bihis na bihis rin. Nagtatanong ang mga mata niya nang ibaling ang tingin sa asawa."You'll see what is up to, later." Nakangising wika nito."So, are w