Home / Romance / Love Me Simply / Chapter 4: Her brother's Girlfriend

Share

Chapter 4: Her brother's Girlfriend

Author: Tikali
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Madaling araw pa lang ay gising na sila. Dala marahil ng stress sa nangyari nang nagdaang gabi ay hindi siya gaanong nakatulog. Idagdag pa ang sakit ng tagiliran na nararamdaman niya. Kahit puyat ay nagawa niyang bumangon at maghanda para sa mahaba-haba ring biyahe. 

"May malapit na fast-food dito, dumaan muna tayo nang malamnan ang mga tiyan natin bago tayo magbiyahe. Mahirap magbiyahe na walang laman ang tiyan," anyaya ni Christine.

Sa loob ng isang linggo nilang pagsasama-sama nila sa isang hotel room ay ito ang laging nangunguna sa pagpaplano. Sumang-ayon naman sila ni Roselyn. Ayaw rin naman niyang magbiyahe na walang laman ang tiyan. Habang kumakain ay masaya silang nagkwentuhan. Siguradong mami-miss niya ang mga ito. Masaya at komportable silang kasama. In-add niya ang mga ito sa social media accounts niya para naman may komunikasyon sila kahit tapos na ang seminar. Sapagkat iisang probinsiya lang naman ang uuwian kaya parehong eroplano at flight na rin ang kinuha nila. 

***

"Inay, narito na si Ate!" Sigaw ni Roxanne at nagmamadaling tumakbo upang salubungin siya. Kinuha nito ang mga dala niya at binitbit papasok ng bahay.

"Estella anak, mabuti at nandito ka na!" Masayang salubong ng ina. Nagmano siya rito at niyakap ito. 

"Kumusta naman kayo rito?" Kausap niya sa ina at kapatid.

"Naku, namiss ka niyang si nanay." Nakatawang turan ni Troy na pumasok galing sa likod bahay. 

"Siyempre, alam niyo naman na kahit sino sa inyong tatlo ay talagang mami-miss ko kung wala sa tabi ko," sagot naman ng ina.

Nangingiti siyang pinakikinggan ang mga ito. "May mga pasalubong ako sa inyo." Kinuha niya ang mga ito at iniabot sa kanila.

"Wow ate ang ganda nito! Natutuwang sabi ni Troy at excited na binuksan ang kahon at isinukat ang sapatos. Napansin niya kasi na masyado ng luma ang sapatos nito kaya kahit hindi nanghihingi ay binilhan na niya. 

"Kasya sa'kin itong blouse. Naku anak maraming salamat," anang nanay niya."Pero sa susunod anak ay huwag mo na akong bilhan tutal ay nandito lang naman ako sa bahay." Dugtong pa nito. Ayaw kasi ng nanay niya na gumastos para rito at mas gusto nitong unahin niya ang sarili at mga kapatid. 

"Nay, okay lang ho iyan. Minsan lang naman po iyan at isa pa ay malapit na ang birthday mo. Isuot mo iyan dahil mamamasyal tayo." Magiliw niyang niyakap ang ina. Nangiti na lang ito at gumanti ng yakap. 

"Uy strawberry jam! Naku ate, kapatid nga talaga kita. Alam mo talagang gusto ko itong strawberry jam dahil naaalala ko si ---" hindi nito itinuloy ang sasabihin, naalala siguro nito na naroon ang ina . Alam niya kung sino ang tinutukoy nito na naaalala sa tuwing makakakita ng strawberry jam. May crush kasi itong taga Maynila na pamangkin ng kanilang kapitbahay. Madalas itong magbakasyon at ayon sa kapatid ay mahilig nga raw ito sa strawberry jam kaya ang luka ay nakihilig na rin.

"Pag-aaral muna ang atupagin mo Roxanne. Huwag mong sayangin ang pagpapagod ng ate mo mapag-aral lamang kayo." Paalala ng ina.

"Opo naman inay, umi-inspirasyon lang ng konti" biro ng kapatid.

Tahimik lang siya habang patuloy sa pag-uusap ang nanay at kapatid. Paminsan-minsan ay sumisingit sa usapan ang bunsong si Troy na hindi maka-move on sa bagong sapatos nito. Dahil sa usapang nagsimula sa strawberry jam ay may isang imahe na sumusulpot sa kanyang balintataw. Iyon ay ang lalaking nakabanggaan sa Pasalubong Center. Naiinis na siya sa sarili. Bakit ba ayaw nitong mawaglit sa isip niya. Sabagay, paano nga naman niya ito makakalimutan, eh ito ang unang gwapong nakita niya. Ipinikit niya ang mga mata bago pa lumayo ang isip niya. Napansin ng ina ang ginawa niya at ipinagpalagay nito na pagod siya kaya iminungkahi nitong magpahinga na siya. Agad naman siyang sumunod dahil totoo rin namang pagod siya.

***

3 months later...

Nakaupo si Aling Lourdes sa may sala nang dumating siya isang hapon pagkauwi niya galing sa trabaho. Mugto ang mga mata ng nanay niya "Nay, umiyak ho ba kayo?" Nag-aalalang tanong niya rito. Nilapitan niya ang ina at umupo sa tabi nito. Natatandaan niya na ang huling beses na nakitang umiiyak ang ina ay noon pang pagkatapos ilibing ang ama. Kaya labis ang pagtataka at pag-aalala niya ngayon. Humarap siya at hinawakan ang dalawang palad nito at sinabing "Inay ano po bang problema?" Puno nang pag-aalalang tanong niya.

"Anak huwag ka sanang mabibigla," pagsisimula nito. "Ang kapatid mong si Troy...nakabuntis." sabi nito na mababakas sa mga mata ang lungkot. 

"Ano ho!? Bulalas niya sa kabiglaan. "Kanino niyo po nalaman?" Tanong niya pa. Mababakas ang pagkadismaya sa tinig niya. Napakabata pa nito para pumasok sa ganitong sitwasyon. eighteen years old pa lang ito at nasa 1st year college pa lang. Paano nitong nagawa iyon? Palagi nila itong pinaaalalahanan na mag-aral nang mabuti at magtapos muna ng pag-aaral. Kahit sa kabilang bayan pa nag-aaral ang mga kapatid dahil naroon ang kolehiyong pinapasukan ng mga ito ay hindi sila nagkulang ng paalala lalo na ang kanilang ina na laging nakasubaybay sa mga ito sa pamamagitan ng text at tawag. 

"Tumawag kanina si Roxanne. Nandoon na raw sa boarding house nila ang girlfriend ni Troy." Pagkukwento nito. "Anak, nahihiya ako sa'yo,” nagsisimula na namang tumulo ang mga luha nito. 

Napabuntong-hininga na lamang siya. "Huwag na po kayong mag-alala inay. Kahit magalit pa ako ay wala na ho tayong magagawa. Isa pa, hindi naman natin sila pwedeng pabayaan." Iyon na lang ang nasabi niya upang hindi na mabahala pa ang ina. 

.

.

"Ate, sorry," mangiyak-iyak na sabi ni Troy sabay yakap sa kanya. Sabado ngayon kaya umuwi ang mga ito...kasama ang buntis nitong girlfriend.

"Tumahimik ka nga Troy, huwag kang iiyak-iyak diyan. Alam mong galit ako sa'yo pero andiyan na 'yan," seryosong sabi niya sa kapatid. Gusto niyang iparamdam dito na hindi okay sa kanya ang ginawa nito.

Bimitiw sa pagkakayap ang kapatid. Lumapit ito sa girlfriend, hinawakan ang kamay nito at sinabing "Ate, si Elizabeth. Siya ang girlfriend ko. Bunits siya at pananagutan ko siya at kahit anong mangyari ay hindi kami maghihiwalay." Buong tapang na sabi nito.

Hindi niya alam kung hahanga siya sa katapangang ipinakita nito o matatawa. Parang gusto niya tuloy itong batukan.

.

.

Elizabeth's POV:

Nanatili siyang tahimik at nakayuko. Nahihiya siyang magsalita sapagkat batid niya ang pagkakamali na nagawa nila ng nobyo. Subalit sa kanyang puso ay wala siyang pinagsisisihan. Ngayong nagbunga ang kanilang pagmamahalan ay handa niyang harapin ang lahat. Hindi niya masasabi kung kaya niyang harapin ang galit ng kanyang Daddy at kuya, ngunit sisiguraduhin niyang hinding-hindi sila magkakahiwalay ni Troy. Nakilala niya ang binata sa debut party ng pinsan ng bestfriend niyang si Marie. Kaklase nito ang debutant kaya naroon din ito. Ipinakilala ito sa kanila ng pinsan ni Marie at unang beses pa lang na nagtama ang kanilang paningin ay alam na niyang ito ang lalaking gusto niyang mahalin. Simula noon ay lagi na silang nagtetext o di kaya ay nagchachat sa messenger at kalaunan nga ay naging magkasintahan. Bagama't nasa probinsiya ito at siya ay nasa Maynila ay nagagawa nilang magkita ng dalawang beses sa isang buwan. Siya ang pumupunta sa probinsiya dahil sa kanilang dalawa ay siya naman ang may malaking baon. Medyo nakakahiyang tingnan na siya itong babae at siya pa talaga ang gumawa ng paraan para magkita sila. Subalit iyon ang gusto ng kanyang puso, at wala siyang pagsisisi na ginawa niya ito lalo na at alam niya na iisa ang itinitibok ng kanilang puso. Nahinto siya sa pag-iisip ng magsalita si Ate Estella.

"Alam na ba ito ng mga magulang mo?" Kausap nito sa kanya.

"Hindi ko pa ho nasabi sa kanila," pag-amin niya. Hindi pa niya nasasabi sa mga ito na ulila na siya sa ina.

Bumuntong-hininga ito. Kita niya ang pagkabahala sa mukha nito. "Iiwan ko muna kayo. Pag-usapan niyo kung ano ang plano ninyong dalawa. Narito kami nila nanay para suportahan kayo." tukoy nito sa kanila ni Troy. "At ikaw Elizabeth, alagaan mo ang sarili mo at ang pamangkin ko." Ngumiti ito bago pumasok sa silid nito. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya. Mabuti na lang at mababait ang pamilya ni Troy.

Related chapters

  • Love Me Simply   Chapter 5: Where Is Elizabeth Del Castillo?

    George's POV:"Nacontact niyo na ba?" Tanong ng ama sa kanya."Not yet Dad." Medyo nabubwisit na siya sa kapatid. Magtatatlong araw na itong wala and none of her friends could tell where she is. Wala rin ang bestfriend nitong si Marie. Ayon sa parents nito ay nasa probinsiya raw. "If she's there with her, then why not bother to answer the phone!" Maktol niya."Try to call her again son. I'm so worried for your sister." Utos ng ama. "If you won't find her today, I'll get a private detective to go search for her."Mahal na mahal nito ang kapatid niya. Namatay kasi ang mommy nila sa panganganak dito kaya mula noon ay siniguro ng daddy nila na kahit wala ang mommy ay hindi mararamdaman ng kapatid na kulang sila. Ibinuhos nito ang pagmamahal sa bunso. Siya ng mga panahong iyon ay fifteen years old na kaya nauunawaan na niya ang lahat. Katulad ng ama ay labis rin ang lungkot niya sa pagkawala ng ina. Mahirap lumaki na walang inang gumagabay. Sabihin mang

  • Love Me Simply   Chapter 6: Him and Her: Into Each Other

    Estella's POV: Bago pa man makalabas ng pintuan ay natanaw niya ang pagbaba ng isang lalaki mula sa driver's seat ng sasakyan. He's a beautiful man in his middle thirty wearing a blue denim jeans, white t-shirt and a pair of cool white sneakers. He looks so fresh in his faded undercut hair style. His aura seems so powerful. Naramdaman niya ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Nakita na niya ang lalaking ito. Tama! Siya 'yung nabangga niya sa may elevator at sa Pasalubong Center three months ago. Pero ano ang ginagawa niya rito? Kinakabahan man ay naglakas loob siyang lumabas upang masagot ang mga tanong niya. George's POV: Sinuyod ng kanyang paningin ang bahay na kinaroroonan umano ng kapatid. Isa itong bungalow type of house. Shade ng blue ang pintura ng wall nito at at mas dark na blue naman ang bubong. Napapalibutan ito ng bakod na kawayan. Sa loob at kaliwang bahagi ng bakuran ay may dalawang puno ng mangga na may nakabitin na duyan. Maraming or

  • Love Me Simply   Chapter 7: Secret Admirer

    Two weeks later...Bumalik na si Elizabeth sa Maynila kasama ng kuya nito. Si Troy naman ay bumalik na rin sa eskwela. Nangako si George na ibabalik ang kapatid kapag naayos na ang lahat. Ayaw nitong biglain ang ama kaya humingi ng panahon para masabi rito ang tungkol sa kapatid. Nalaman niya na tanging ang daddy na lang ng mga ito ang nabubuhay.Katulad ng dati, laging minomonitor ng ina ang dalawang kapatid. Sa katunayan ay mas naging mahigpit pa ito, lalo na kay Roxanne. Hindi na nito nais na maulit sa huli ang nangyari kay Troy. Mas lalo itong n

  • Love Me Simply   Chapter 8: The Arrogant Visitor

    Araw ng Linggo...Maaga silang bumangon. Nakaugalian na nilang magsimba bawat Linggo kasama ang buong pamilya. Ngayon, nadagdagan na ang miyembro ng pamilya nila. Sa mga susunod na buwan ay isisilang na rin ni Elizabeth ang unang pamangkin niya. Natutuwa siya sa isiping ito. Masiyado pang maaga para maexcite dahil tatlong buwan pa lang naman ang tiyan nito ngunit hindi niya na mahintay ang pagdating nito."Handa na ba kayo? Tanong niya sa mga kapatid pagkalabas ng silid. Sabay-sabay sila lagi sa pagpunta sa simbahan."Oo ate, kanina ka pa nga namin hinihintay eh," sagot ni Roxanne."O siya tayo na." Wika niya sabay pulot sa sling bag. "Ang inay?" Hinanap ng kanyang paningin ang ina."Nasa labas na, kausap si Aling Teresa." Sagot nito. Ang magkasintahang Troy at Elizabeth naman ay nagpatiuna nang lumabas matapos magpaalam sa kanya."Ganoon ba? O siya, sige tayo na." Lumingon siya sa kusina at may hinahanap ang mga mata niya.Tumikhim s

  • Love Me Simply   Chapter 9: Unexpected Call

    Mabilis na lumipas ang mga araw. Nasa ika-walong buwan na ng pagbubuntis ni Elizabeth ngayon. Ipinagpatuloy nito ang pag-aaral sa Maynila at si Troy naman ay ganoon din dito sa probinsiya. Hindi nawalan ng komunikasyon ang mga ito at dalawang beses din sa isang buwan kung lumuwas ang kapatid roon. Hindi naging problema iyon sapagkat hindi nagkulang sa suporta ang pamilya ni Elizabeth. Bagay na ipinagpapasalamat nila. Dahil Christmas break ay naisipan ng mga ito na doon na muna sa Maynila mamalagi hanggang sa makapanganak ito. Ito ang unang pasko na hindi sila magkakasama. Malungkot si Aling Lourdes dahil wala ang bunso nito ngunit nauunawaan naman nito na may obligasyon na ang anak. At isa pa ay excited na rin itong makita ang unang apo. Siya naman ay patuloy sa mga school reports. Ganito kasi ang maging isang guro. Kahit bakasyon ay may mga reports na kailangang isumiti, kahit dis oras na ng gabi ay nakakatanggap siya ng request mula sa school head na madalas ay to

  • Love Me Simply   Chapter 10: Confused Hearts

    Estella's POV: Pagkatapos nitong patayin ang tawag ay saglit na nablangko ang isip niya. Tinawag siya nitong 'My Estella'?Hindi niya maintindihan ang nararamdaman ngayon. Parang gusto niyang kiligin na parang gustong kabahan. Liban sa insidente sa elevator at Pasalubong Center ay limang buwan pa lang simulang makilala niya ito, iyon 'yung araw na pumanta ito sa kanila para kunin si Elizabeth. Pangalawang beses naman niyang nakita ito noong inihatid nito ang mga gamit ng huli. At sa pagkakataong iyon ay nagtagal ito ng tatlong araw sa kanila kung saan nakakasabay niya ito sa almusal, tanghalian at hapunan ngunit hindi sila kailan man nag-uusap dahil lagi niya itong iniiwasan.

  • Love Me Simply   Chapter 11: First Kiss

    Christmas day...Ipinagdiriwang ng lahat ang kapaskuhan. Maraming bata ang masayang nagbabahay-bahay upang manghingi ng pamasko. May mga kabahayan rin na nag-vivideoke. Sa bahay naman nila ay may iilang mga inaanak, maging ang mga pamangkin sa pinsan ang naroon. Si Nanay Lourdes ay abala sa pakikipag-usap kay Troy sa cellphone. Si Roxanne naman ay nakikipagkwentuhan sa mga pinsang kasing-edad nito. Matapos niyang ipamigay sa mga inaanak ang mga inihandang regalo ay agad namang nagpasalamat ang mga ito sa kanya."Maraming salamat po ninang!" Ang sabi

  • Love Me Simply   Chapter 12: Welcoming The New Family Member

    Since the day that they have kissed ay madalas na tumawag si George. Enero na ngayon at kabuwanan na ni Elizabeth kaya lumuwas ng Maynila ang nanay niya para maasikaso ang manugang."O Estella mag-iingat ka dito ha? Huwag mong kakalimutang i-lock ang mga pinto bago matulog." Bilin nito sa kanya."Ang inay naman ginawa akong bata." Nakatawang sabi niya."Aba natural, nag-iisa ka lang dito. Sabado at Linggo ka lang masasamahan dito nitong si Roxanne." May pag-aalalang sagot nito."Nay, big girl na 'yang si Ate. May jowa na nga eh," biro naman ng kapatid niya."Anong jowa ang pinagsasabi mo diyan Roxanne?" Saway niya rito."Asus nagmaang-maangan pa 'tong future Mrs. Del Castillo na ito." Nang-iinis na turan nito sabay kiliti pa sa tagiliran niya.Agad siyang pinamulahan ng mukha at hinampas ito ng magazine na agad niyang napulot sa mesa. "Tumigil ka riyan ha!" Singhal niya rito."Sus ang pikon naman nitong---" mang-aasar pa sana i

Latest chapter

  • Love Me Simply   Chapter 56: Russell Rosales

    Napabalikwas ako ng bangon pagkatapos ng isang masamang panaginip. Umaga na pala. May mumunting liwanag na pumapasok mula sa mga siwang ng bahay. Hindi ko alam kung paanong nakatulog kami nang mahinbing ni Sam. Halos sabay rin lang kaming nagising."Good morning, George," humihikab na bati ni Sam sa akin."Morning must be very good if we're not in this situation," pagmamaktol ko sabay bangon.Ilang sandali pa ay may narinig kaming paparating lulan ng kabayo. "Ha!""May tao," wika ni Sam."Baka si Russell," sagot ko sabay labas ng bahay. Tama ang hinuha ko. It was Russell at mayroon siyang dalawang kasama na nakasakay rin sa kabayo."I hope you had a good sleep," wika ng lalaki habang pababa sa kanyang kabayo. "I planned of getting back last night para sunduin kayo lamang ay wala ang isa kong tauhan para magdala ng isa pang kabayo. Minabuti kong ngayong umaga nalang kayo puntahan," anito."It's alrig

  • Love Me Simply   Chapter 55: Ang Misteryosong Lalaki

    George's POVMadilim na ang paligid. Nagpatuloy kami ni Samantha sa aming paglalakad sa masukal na kagubatan. Medyo malayo na rin ang aming nalakad at totoong masakit na rin sa paa. May natanawan kami na maliit na dampa sa di kalayuan. May liwanag na nanggagaling dito na sa tingin ko ay galing sa ilaw ng lampara."George may bahay," wika ni Samantha na kinalabit pa ako."May nakatira sa ganito kaliblib na lugar?" May pagdududa kong tanong."Bakit, hindi naman impossible iyon di ba?" Ani Sam na nagpatiuna nang lumakad palapit sa bahay.Wala akong nagawa kundi ang sumunod na lamang."Tao po! Tao po!" Tawag nito.Batid kong may tao sa loob dahil sa may mumunting kaluskos akong naririnig. Pagkaraan ng ilang sandali ay bumukas ang kahoy na pintuan."Sino iyan!?" Pasigaw na tanong ng isang matandang lalaki na may bitbit na sa hula ko ay itak."Magandang gabi ho, Manong. Makikisilong ho sana kami,"

  • Love Me Simply   Chapter 54: Sa Gubat

    Mabilis ang ginawa kong pagtakbo. Hindi ko na pinapansin ang mga matutulis na mga bagay na naaapakan ko."George!" Patakbong sumalubong si Samantha sa akin."Takbo, Samantha!"Mabilis kong hinawakan ang kanyang kamay at agad na hinila siya palayo habang patuloy naman sa pagpapaputok at paghabol ang mga armadong kalalakihan."Keep going, we can't afford to be caught again. Baka patayin na nila tayo." Paalala ko kay Samantha sa kabila ng aming pagtakbo."I know," Kaagad naman nitong tugon sa kabila ng paghahabol ng hininga.Hinahawi namin ang mga dahon at sanga ng mga halaman na nakaharang sa aming daraanan. Nagpasikot-sikot kami sa ilalim ng naglalakihang mga punongkahoy at mga malalagong palumpong."Huwag niyong hayaang mawala sa paningin niyo kundi lagot tayo kay boss!" Sigaw ng isa sa mga lalaki."Naku, hindi makakalayo iyang mga iyan. Walang alam sa gubat ang mga iyan." Ngisi ng isa.Patuloy la

  • Love Me Simply   Chapter 53: Pagtakas

    "May problema ba Roxanne?" Tanong ko sa aking kapatid pagkaalis ni Simon."Hindi ka ba nagtataka ate?" Anito."Ano naman ang dapat kong ipagtaka?" Kunot-noong tanong ko sa kanya."Coincidence lang ba na kung kailan nawala si Kuya George ay tsaka naman dumating ang asungot na Simon na iyan?" Ani Roxanne na bakas ang paghihinala sa boses.Saglit akong natigilan. Maaari nga kaya? Pero bakit naman nito gagawin iyon? Kausap ko sa sarili."Roxanne, mahirap magbintang ng tao. Baka naman talaga nagkataon lang," Saway ni Pauline sa pinsan."Oo nga naman,"Sang-ayon ko."E di mabuti kung ganoon." Lumabi ito at nagyaya nang bumalik sa loob."Pinsan, mabuti pa pumanhik ka na. Kagabi ka pa walang pahinga." Nag-aalalang wika ni Pauline."Oo nga naman ate, si Don Manolo at Kuya Harold na muna ang bahala sa paghahanap kay Kuya." Segunda ni Roxanne.Wala akong nagawa kundi ang sumunod. Nararamdaman ko na rin

  • Love Me Simply   Chapter 52: Pagbisita Ni Simon

    Estella's POVKagabi pa ako walang tigil sa pag-iyak. Labis na pag-aalala ang nararamdaman ko ngayon para sa aking asawa. Ano kaya ang kalagayan niya ngayon? Kagabi matapos ang insidente ay hiningan ako ng statement ng mga pulis. Tinanong nila kung sino ang posibleng gumawa nito sa amin. Wala akong ideya maliban kay Samantha na alam kong matindi pa rin ang pagkakagusto kay George. Ngunit wala raw ito sa condo unit nito nang puntahan ng mga alagad ng batas. Mas lalong tumindi ang aming hinala na ito nga ang nagpakidnap kay George. Subalit, nitong umaga lang ay tumawag ang pulis na humahawak sa kaso. Ipinaaalam nito na nakita raw sa CCTV footage na tinangay ng mga armadong kalalakihan si Samantha ilang minuto lang ang nakalipas matapos ang nangyaring pananambang sa amin. Dumulog na rin daw sa kanilang himpilan ang pamilya nito upang ipaalam ang pagkawala nito. Kasalukuyan nilang pinagtutuunan ang dalawang magkaparehong kaso na tingin raw nila ay may koneksiyon sa isa't-isa.

  • Love Me Simply   Chapter 51: Sign The Annulment Paper

    Masakit ang buong katawan niya dahil sa pambubogbog na natamo buhat sa mga kidnappers niya ngunit mas masakit ang isiping malayo sa asawa. Akala niya sa pelikula lang nangyayari ang mga katulad nito. But here he is, tied in a metal chair in the middle of a dark room. He doesn't have enemies. He had not wronged anyone in the business world because he is fair and just. He's sure that this thing has nothing to do with business. Isa lang ang alam niyang nagawan niya ng mali. Si Samantha. That simple girl he has loved and adored years ago. He can still remember her simplicity that charmed him, ngunit lahat iyon ay nagbago. Samantha came to a change, from a simple to a sophisticated yet jealous woman. It wasn't a problem though. He liked her transmission especially her being clingy to him, but not until that incident in Palawan. That mistake he did. But why would Samantha sort to this kind of game? Why should she have him kidnapped? Napakababaw na rason naman iyong may nangyari sa kanila

  • Love Me Simply   Chapter 50: The Abduction

    "Pagod ka na ba?" Tanong sa kanya ng asawa."Medyo, at inaantok na rin ako." sagot ni Estella."We'll go home," anito at tumayo na upang magpaalam sa ama at sa iba pang guests.Nagsimula na ring magsiuwian ang iba. It's already eleven forty-five in the evening. Nauna nang umuwi sina Roxanne at mga kasambahay.Tahimik ang kalsada na binabaybay ng kanilang sasakyan. Bagama't may mga kasabayang sasakyan pakiwari niya ay kay tahimik ng paligid. Kakaiba rin ang hatid na lamig ng air-conditioning ng sasakyan. She can't understand the intense nervousness that she feels. If not for his warm palms against hers, she think she could pass out."Are you okay?" Tanong ng asawa sa kanya.Tumingin siya sa mga mata nito at nakita niya ang pag-aalala nito."I'm okay," aniya. "Thanks George for making this night extraordinary."Hanggang ngayon ay parang nananaginip pa rin siya. She never thought that her husban

  • Love Me Simply   Chapter 49: Fireworks and Serenade

    He let go of her lips and looked straight into her eyes. His eyes are burning with so much affection.Hindi pa man humuhupa ang hiyawan ng mga naroon ay tsaka naman nila narinig ang malakas na paputok. Nasundan iyon ng ilan pang putok. All eyes were turned to that side where the sound came. As though in a romantic scene in a movie, the wide curtains of the banquet hall flew open giving a perfect view of the Manila Bay and the jaw dropping sight of the fireworks as they exploded in the night sky and filled it with majestic lights. It was quite dazzling as the fireworks shot straight up before exploding while others quickly shattered into thousands of sparks."Wow!" Hindi mapigilang paghanga ng mga naroon.Suddenly, there was a sizzling sound as the rocket shot upwards and burst into flames of vivid red, orange, and gold colors. They created pattern in the air and forming letters. Just like magic, 'Happy birthday!' was written in the lovely night

  • Love Me Simply   Chapter 48: Surprise Party

    Nginitian niya ang asawa at tumikhim, "How do you find me in this gown?""You look astonishingly beautiful, my Estella. I knew you would really look great tonight," Malapad ang ngiti nito habang humahakbang papalapit sa kanya."Teka, ano bang meron?" Kunot-noong tanong niya.Nang makalapit ay agad siya nitong hinapit sa baywang at inangkin ang mga labi. His kiss was deep and passionate. She pushed him lightly when she heard giggles from the people around. Doon lang niya napansin na naroon na pala lahat ng kasambahay sa sala. Nasa may gitna na rin ng hagdanan si Don Manolo na ngiting-ngiti habang nakamasid sa kanila. Ang ipinagtataka niya ay tulad nila ng asawa, nakabihis rin ang mga ito. Ngayon lang din niya napansin na pati si Adelfa na sumundo sa kanya sa kanilang silid ay bihis na bihis rin. Nagtatanong ang mga mata niya nang ibaling ang tingin sa asawa."You'll see what is up to, later." Nakangising wika nito."So, are w

DMCA.com Protection Status