ELLIE
NAGING MALAPIT kami sa isa't isa ni Uno. Palagi niya akong hinahatid at sinusundo sa opisina. Madalas na nga kaming tinutukso nina Mark at Reese at ibang mga kaibigan nina Uno na nakilala ko na rin.Kahit sa opisina ay madalas na rin akong tuksuhin tuwing may nakakakita sa amin na mga ka-officemate ko na hinahatid ako ni Uno at sinunsundo. Ang tiyaga nga niya sa ginagawa niya. Walang araw na hindi niya ginagawa iyon.Kapag weekend ay umaalis kami at namamasyal or out of town. Iyong malapit lang sa Manila dahil may pasok ng Monday. Minsan naman ay sa apartment kami tumatambay o minsan sa condo unit niya. Basta palagi lang kaming magkasama.Tinatanong na nga ako ni Reese kung kami na ni Uno pero todo tanggi ako kasi wala namang sinasabi sa akin si Uno na manliligaw siya o kung may balak siya. Nakakahiya naman kung ako pa ang magtatanong. Iisipin pa no'n ay assumera ako and worst baka mapahiya pa ako. Hahayaan ko na lang muna, tutal nag-eenjoy naman kaming dalawa na kasama ang isa't isa.Naging malapit din ako sa parents ni Uno. Mabait sina Tito Lorenzo at Tita Criselda. Wala akong maipipintas sa kabutihan nila. Kahit mayaman sila ay hindi sila matapobre. Dalawa lang silang magkapatid ni Brett at nakabukod na sila ng tirahan pareho.Ang pamilya ni Uno ang may-ari ng ilang branches ng sikat na restaurant dito sa Pilipinas.“Uno, sorry talaga. May work pa ako na kailangan kung tapusin ngayon,” sagot ko kay Uno na nasa kabilang linya.Isa akong accounting specialist sa isang pribadong kumpanya dito sa Makati. Isang sikat na kumpanya. Month end kasi ngayon kaya madami talaga akong kailangan tapusin.Nag-uungot kasi sa akin si Uno na sumama sa lakad nilang magkakaibigan, kasama si Reese dahil syempre kasama si Mark.Halos mag-iisang taon na rin kaming magkaibigan ni Uno at kaming dalawa ang naging malapit. Mas madalas ko na siyang nakakasama kaysa kay Reese dahil busy iyon kay Mark."Please?" pangungumbinsi ni Uno sa akin. "Susunduin kita diyan ngayon."Magkaiba kasi kami ng department ni Reese kaya kahit sa iisang kumpanya lang kami nagtatrabaho ay hindi kami magkasabay na uuwi ngayon. Sa Marketing department kasi si Reese."Uno, I'm really sorry. Hindi talaga ako p'wede ngayon. Maybe next time. Mag-enjoy ka na lang kasama sina Brandon."He heaved a deep sigh."Okay. Call me kapag natapos ka na diyan sa trabaho mo. Susunduin kita mamaya." Napangiti ako. Alam kong hindi niya ako matitiis."Huwag na. Kaya ko nang umuwi mag-isa mamaya. Mag-enjoy ka na lang kasama sila. Huwag mo na ako isipin dito.""No. Susunduin kita." He insist. Napakamot ako sa ulo."Pero, Uno..." Ayaw ko naman na makihati sa oras ng mga kaibigan niya. Baka kasi isipin nila ay pinaghihigpitan ko si Uno kahit minsan hindi ko siya pinapayagan na uminom kapag hindi ko kilala ang mga kasama niya."No buts, okay? tawagan mo ako mamaya.""Okay. Huwag kang iinom nang madami. Magdadrive ka pa." Paalala ko sa kaniya. Narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa sa kabilang linya.Kapag magdadrive siya ay hindi ko siya pinapayagan na uminom nang marami kahit sina Mark ang kasama niya."Yes boss," sagot nito." Good! Sige na, magtatrabaho na ako para matapos na ako.""Bye. Kumain ka, okay." Paalala pa nito bago ko binaba ang tawag niya.MAAGA akong natapos sa ginagawa ko. Mga alas diyes y media na. Pinadalhan ako ni Uno ng pagkain na galing sa restaurant nila na pagmamay-ari na malapit sa building na pinagtatrabahuan ko. Alam kasi niya na 'di ako makakakain habang nagtatrabaho kaya nagpadeliver na lang ng food sa office. Tuwang-tuwa nga ang mga kasama ko kanina na nagover time rin.One thing na nagugustuhan ko kay Uno, sobrang thoughtful niya sa akin. Ayaw na ayaw niyang nalilipasan ako ng gutom.Napangiti ako habang nagliligpit ng gamit sa desk ko. Hindi ko kasi siya tinext or tinawagan para sabihin na tapos na ako. Alam kong nagsabi ako sa kaniya na tatawagan ko siya para sunduin ako. Pero gusto ko kasi siyang surpresahin. Pupuntahan ko siya doon.Kanina pa niya ako tinatawagan pero hindi ko sinasagot. Nagtext lang ako na 'di pa ako tapos.Nag-book ako ng grab papuntang D&M bar sa BGC. Habang nasa biyahe ay tumunog ang phone ko. Tumatawag si Uno. Napangiti lang ako pero hindi ko sinagot. Ang kulit talaga niya.Nagsend siya sa'kin ng message.'Hey... Ano'ng oras ka matatapos diyan?'Hindi ko rin siya nireplyan. Siguro ay nakasimangot na iyon ngayon.Pagdating ko sa D&M bar sa BGC ay agad kong hinanap ang kinaroroonan nina Uno. Napangiti ako nang nakita ko na siya. Sina Reese ay nasa dance floor at nagsasayaw. Si Uno ay nakasimangot at panay ang tingin sa cellphone.Pinulupot ko ang kamay ko sa leeg niya mula sa likuran. "Waiting for my text, hmm?" bulong ko sa punong tainga niya. Hinalikan ko rin siya sa pisngi.Ang nakasimangot niyang mukha kanina ay agad napalitan nang malapad na ngiti. "Hey... bakit 'di mo ako tinawagan para sunduin ka?"Tumayo ako at tumabi sa kaniya sa kinauupuan niya. "Gusto ko lang bumawi sa'yo.""You should have called me.""Kaya ko naman ang sarili ko. Thank you nga pala kanina sa food."Inakbayan niya ako at hinapit sa kaniyang katawan at saka hinalikan sa ulo. "Do you like the food?" Tumango ako. "It's late. Sana talaga tinawagan mo ako. Kanina pa ako naghihintay ng text or tawag mo. Paano kung may nangyaring masama sa'yo?"Tiningala ko siya at inikutan ng mata. Tinanggal ko rin ang kamay niyang nakaakbay saka umayos nang pagkakaupo. "Masiyado kang praning. Kaya ko naman ang sarili ko, Uno.""Ayaw ko lang na bumabiyahe ka ng mag-isa tapos gabing-gabi pa.""Sorry na po..."Mayamaya ay dumating sina Logan, Mark, Reese at Sandra."Oh, mabuti nandito ka na, Ellie. Kanina pa nakasimangot 'yang kaibigan namin," saad ni Mark.Umupo na rin sila. Kumuha ng tissue si Uno at binato kay Mark kaya nagkatawanan. "Nananakit na ngayon porque may kakampi," dagdag ni Mark."Damn you!"Nagkatinginan kaming dalawa ni Sandra. Tipid niya akong nginitian. Ewan ko ba? kahit kailan ay hindi palagay ang loob ko sa kaniya. Kaibigan din siya ni Uno. Magkababata silang dalawa. Maganda si Sandra at sexy. Mabait naman siya, pero talagang hindi lang ako kumportable kapag alam kung magkasama silang dalawa ni Uno.Hindi kami malapit sa isa't isa. Hindi naman siya sumasama sa mga lakad namin ni Uno kahit niyayaya namin siya. Lagi niyang rason ay busy siya sa trabaho niya. Kaya nagulat ako na nandito pala siya."Tingnan mo, ngumiti na rin sa wakas si Uno. Ikaw lang talaga ang happy pill niyan, Ellie." Natatawang saad ni Reese. Sinulyapan ko si Uno na nakangiti nga."Guys, spare us, okay? Let's enjoy this night," saad ni Uno sa kanila. Kumuha siya ng alak at nakipagcheers sa kanila.Naramdaman ko ang kamay niyang pinatong sa hita ko. Kapag magkatabi kaming dalawa ay palagi niyang ginagawa iyon. Para bang binabakuran ako. Lihim akong kinikilig tuwing ginagawa niya iyon."Are you, okay?" Nilapit niya ang mukha niya sa akin para tanungin dahil maingay ang paligid. Tumango lang ako."Yes."Hindi ko sinasadya pero napatingin ako kay Sandra. Nakatingin pala siya sa amin ni Uno. Iniwas niya ang tingin nang nagkatinginan kaming dalawa.Past 1AM na. Nakakaramdam na ako ng antok dahil maaga akong gumising kanina. Nageenjoy pa sina Logan at sina Mark. Kami ni Reese ay nagkukuwentuhan lang. Si Uno ay hindi na umalis sa tabi ko simula kanina. Si Sandra ay nakipagsayawan kasama ang ibang mga nakita niyang mga kaibigan.Panay ang hikab ko na dahil antok na ako at pagod na."Uwi na tayo. You're tired." Bulong ni Uno sa'kin. Tumango lang ako dahil gutso ko na rin talaga umuwi."Pare, mauuna na kami ni Ellie. She's tired." Paalam niya kina Logan."Drive safe, pare," wika ni Mark.Tumayo si Uno at nilapitan si Sandra. May binulong ito kaya napatingin sa'kin si Sandra saka tumango. Nagpapaalam siguro si Uno."SA condo ka na matulog ngayon. It's late at saka para makapagpahinga ka na agad." Uno said while driving. Nakatuon ang atensyon niya sa daan."Okay," tipid kong sagot habang nakasandal sa bintana ng kotse at nakatingin sa labas.Madalas naman akong natutulog sa condo ni Uno. May ilang mga gamit na rin ako na naiwan sa condo niya para may magamit ako sa tuwing doon ako matutulog, katulad ngayon. Kapag late na kami nakakauwi ay doon ako natutulog para hindi na mapagod si Uno na ihatid ako sa apartment ko tapos uuwi siya."Kasama pala si Sandra." hindi ko naiwasang sabihin kay Uno. Kanina ko pa iyon gustong sabihin sa kaniya dahil wala naman siyang nabanggit na kasama si Sanda."Hmm... yes. Hindi ko alam na sasama siya dahil alam kong busy iyon.""Alam ba niya na hindi ako kasama kanina?"Napatingin ako kay Uno at gano'n din siya sa'kin. "Yes. Tinawagan kasi siya ni Mark kanina at niyayaya. Nabanggit ni Mark na hindi ka kasama, para may kasama rin si Reese na makakuwentuhan. Mabuti nga at sumunod."Parang nanikip ang dibdib ko. Talagang iniiwasan niya ako."Hmmm... wala bang boyfriend si Sandra?""Wala. Paano naman siya magkakaboyfriend? Nakikita mo naman kung gaano siya ka-busy sa trabaho. Himala nga at nakapunta kanina."Bakit 'di mo niligawan si Sandra? Maganda siya at sexy- pang model." Wala sa sariling naitanong ko saka muling binalik ang tingin sa labas ng sasakyan."What?!" bigla niyang inihinto ang sasakyan kaya napatingin ako sa kaniya ulit. Nakakunot ang noo niya at salubong ang kilay."Wala lang. Naisip ko lang, bakit hindi mo siya niligawan. You look perfect together. Guwapo ka at mayaman. Maganda at mayaman din si Sandra.""Because I don't like her. She's like a sister to me. Bakit mo naman naisip itanong 'yan? Are you jealous of her?"Nanlaki ang mata ko. Si Uno naman ay nangingiti. Inirapan ko siya para pagtakpan ang nararamdaman ko.Nagseselos nga ba ako? Naiinsecure kay Sandra- oo. Sino ba ang hindi? Bagay na bagay silang dalawa ni Uno. Parehas sila ng katayuan sa buhay. Galing sila parehas sa mayamang pamilya. Magkababata pa silang dalawa. Madalas kong naitatanong sa sarili iyon kung bakit hindi man lang sila nagkagustuhan na dalawa."H-indi, ah. Sige na magdrive ka na ulit. Inaantok na ako."Hindi na siya nagsalita pa ulit. Pinaandar niya na lang ang sasakyan. Hindi na rin naman ako umimik pa ulit. Namayani na ang mahabang katahimikan sa pagitan naming dalawa.PAGKARATING sa condo ay dumiretso na ako sa room na ginagamit ko tuwing dito ako umuuwi. Tinawag pa niya ako pero 'di ko na siya pinansin."What's wrong?" tanong ni Uno sa akin na nakasunod pala hanggang sa loob ng room ko.Hindi ko siya nilingon. Umupo ako sa kama at nagtanggal ng heels. Nanatiling nakatayo lang si Uno malapit sa pinto."Hey... " Lumapit na si Uno. "If it's about Sandra, I told you I don't like her. She is just a friend." Patuloy lang ako sa ginagawa kong pagtanggal ng sapatos ko. Hindi ko pa rin siya nililingon. Ewan ko ba at nag-iinarte ako bigla."I just want to sleep, Uno. Bukas na lang tayo mag-usap. Goodnight." Malamig kong saad sa kanya. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang inis ko. Tumayo ako't pupunta na sana ng banyo para makapagpalit na ng damit.Lumapit siya sa akin at pinigilan niya ako sa kamay."Tell me what's wrong, hmm?" He gently asked. Niyakap niya rin ako mula sa likuran pagkalapit niya sa akin. Sinubsob niya rin ang mukha niya sa buhok ko.
HINDI NA namin pinag-usapan ni Uno ang namagitan sa amin na dalawa. Hinayaan ko na lang din. Wala akong lakas ng loob para ako ang magsimula ng topic na iyon pero hindi na ulit nangyari iyon. Naisip ko na baka dahil lasing siya at nakainom ako kaya nangyari iyon. Wala namang nagbago sa pakikitungo niya sa'kin. Mas naging sweet pa nga siya at mas naging maaalaga sa akin.Habang gumagawa ako ng report ko ay tumabi sa desk ko ang katrabaho ko at kaibigan na rin na si Veron. Mugto ang mata nito at halatang galing sa pag-iyak."Ano'ng nangyari sa iyo? Umiyak ka ba?" tanong ko sa kaniya. Late rin ito pumasok ngayon. Halos kakarating lang niya."Si Steve kasi..." panimula niya at tila naiiyak na naman siya. Mabuti na lang at may meeting mga head namin kaya hindi kami makikitang nagkukuwentuhan lang ngayon. Tuloy pa rin naman ako sa ginagawa kong report habang nakikinig sa kaniya."Ano'ng nangyari sa inyo ni Steve?" "Ang hirap nang ganito, Ellie. Iyong hindi ko alam kung ano ang papel ko sa
SINAMA ako ni Uno sa Tagaytay dahil magkakaroon siya roon ng bagong bubuksan na branch ng restaurant nila. May bahay naman siya sa Tagaytay at doon kami titira. Pinagleave niya ako sa trabaho ng isang linggo dahil madami siyang aasikasuhin doon. Hindi niya raw ako masusundo at maihahatid dahil kailangan niyang magstay dito sa Tagaytay."Saan ang room ko?" tanong ko sa kaniya pagkaakyat namin sa second floor ng bahay niya. Malaki ang bahay niya. "You stay in my room," saad niya habang may katext sa telepono. Bitbit niya ang duffel bag namin. Ang isang maleta ko ay inakyat na ng kasambahay niya.Pagpasok sa master's bedroom ay namangha ako sa view. Kitang-kita ang Taal. "Magkasama tayo rito sa iisang kuwarto?" tanong ko sa kaniya. "Yes. Bakit, ayaw mo ba akong makasama rito?" Hinagis niya ang hawak niyang cellphone sa kama at lumapit sa akin. Hinapit niya ako sa baywang. Naghuhurumintado na naman ang puso ko sa pagkakadikit ng katawan namin. Namimiss ko na si Uno. Syempre gusto ko s
3RD POV"ELLIE?" Uno called Ellie. Hindi siya natulog sa silid nila ni Uno kagabi. Naiinis pa rin siya sa ginawa nito kay Judah. He didn't even say sorry kaya mas lalo siyang nainis.Dahil may susi si Uno ng silid ni Ellie, ginamit niya iyon para makapasok sa loob. When he entered the room, Ellie rolled onto the other side of the bed. She wrapped her body in the comforter. It's her way of telling Uno that she doesn't like to talk to him."Ellie, alam ko na gising ka. Please talk to me." Nilapat ni Uno ang kaniyang mukha sa bandang leeg ni Ellie na natatakpan pa rin ng comforter. "Tulog ako."Imbes na mainis si Uno ay tumawa ito nang malakas. Bakit naman kasi nasabi iyon ni Ellie?Inis na tinanggal ni Ellie ang comforter sa katawan at sinimangutan si Uno na nakatawa pa rin. Bumangon siya at padabog na tumayo. Hinila siya ni Uno kaya napaupo siya sa kandunga nito. Niyakap siya nito. Nilagay ni Uno ang baba niya sa balikat ni Ellie. "Bati na tayo, please?"She heaved a sigh. Magagawa b
MALAPIT nang bumalik sa Maynila sina Uno at Ellie pero naging abala na si Uno sa restaurant. Hindi na nito natupad ang pangako kay Ellie na mamamasyal sila sa Tagaytay at pupunta ng Batangas para magswimming bago sana sila umuwi ng Maynila.Naiintindihan naman ni Ellie. Sa loob ng bahay lamang siya dahil hindi naman niya kabisado ang Tagaytay. Isa pa, si Uno ang gusto niyang makasama sa pamamasyal.Habang si Uno naman ay naging abala sa restaurant lalo na at pinuntahan pa siya ni Sandra sa Tagaytay. Talagang sinabay pa ni Sandra ang mga kailangan din sa branch na bubuksan nila sa Baguio kaya mas lalo siyang nawalan ng oras kay Ellie."Sandra, hindi ba puwedeng next week na lang ito? Busy pa ako dito sa Tagaytay. I'm sure this can wait. May lakad kami ni Ellie bukas bago kami babalik ng Maynila. My manager can assist you regarding this," ani Uno kay Sandra na pinapakita ang plano niya sa restaurant.Biglang nag-iba ang timpla ng mood ni Sandra. Kung kanina ay mahinahon ito, ngayon ay
A WIDE smile emerged from Ellie's lips as she was still thinking that she and Uno would get married.They are headed back to Manila. Hindi na sila natuloy sa Batangas dahil kailangan nilang ayusin ang kanilang kasal. Iyon ay request ni Uno na madaliin nila ang pag-aasikaso at walang makakaalam muna. Nagtataka man ay hindi na siya nag-usisa pa."Kanina ka pa nakangiti." Puna ni Uno kay Ellie na malapad pa rin ang pagkakangiti ng dalaga."Masaya lang ako Uno. Hindi mo lang alam kung gaano mo ako napasaya."Tinigil ni Uno ang kotse. Sapo niya ang pisngi ni Ellie at banayad niya iyon hinaplos. "I love you, my Ellie. You had no idea how much you made me happy every day, either. I can't wait to start a new life with you." Hinalikan niya sa labi si Ellie, punong-puno ng pagmamahal. Lahat ay gagawin niya para sa dalaga."Mas mahal kita, Uno. Akala ko hindi na magkakalabel ang relasyon natin."Bahagyang natawa si Uno sa sinabi ni Ellie. He caressed her face gently. He traced her nose and lips
"WHERE ARE YOU?" tanong ni Sandra kay Uno sa kabilang linya. Sinulyapan muna niya si Ellie na mahimbing pang natutulog saka naglakad papuntang terrace para kausapin si Sandra."What do you need?!" iritado ang boses niyang tanong at hindi sinagot ang tanong ni Sandra sa kaniya. Narinig niya ang pagpapakawala nito ng isang mahabang buntong hininga."Uno, malapit na natin simulan ang construction ng restaurant natin sa Baguio. Ayaw ko nang palpak. Be serious about this matters. I need your full cooperation.""Are you telling me that I am not doing my job?""I'm just reminding you. Kahit kailan ay hindi ka naman nagseseryoso, lalo na no'ng dumating si Ellie. Kaya puwede ba, Uno? Kilalang-kilala na kita.""I am serious with our business, at labas na si Ellie tungkol dito.""Hindi ka na nakakapagfocus dahil sa kaniya. Imbes na ang focus mo ay ang i-oopen natin na branch, mas inuuna mo pa si Ellie.""What?! What is wrong with you, Sandra to think of me that way. I am serious with my business
"ANO ANG pumasok diyan sa kokote mo, Uno at hinayaan mong magkaroon kayo ng relasyon ni Ellie?!" galit na galit na tanong kay Uno ng kaniyang ama.Binalita ni Sandra na official na sina Uno at Ellie. Kaya naman inis na inis si Uno kay Sandra dahil pinangunahan na siya nito. "Noong una, sinabi niyong magkaibigan lang kayo. Ilang beses kitang pinaalalahanan sa bagay na iyan. You are bound to marry Sandra. Kilala mo si Dad. Kapag sinabi niya, wala nang makakapagpigil sa bagay na iyon. Pauwi na sina Dad at Mommy next month. Ayusin mo 'to!" dagdag na saad ng daddy ni Uno sa kaniya.Napapikit siya nang mariin sa narinig mula sa ama. Talagang pinahirapan siya ngayon ni Sandra. Maayos naman noong una ang usapan nila ni Sandra, pero ngayon siya pa mismo ang nagpapagulo sa sitwasyon nila."Hayaan mo na kasi ang anak natin kung sino ang pipiliin niya, Lorenzo. Hindi basta-basta ang pagpapakasal. Mas gusto ko si Ellie para kay Uno. Our son loves her," ani Criselda, ang ina ni Uno.Tumayo ito sa
HABANG nakakatitig si Ellie sa natutulog na asawa ay hindi niya maipaliwanag ang labis na kasiyahan na nararamdaman. She's beyond grateful for everything that God has given to her. Ang makasama si Uno habang buhay at mabiyayaan ng mga anak ang kaniyang labis na pinagpapasalamat. Nabuo ang pinapangarap niyang masayang pamilya na hindi niya naranasan noon. Marahan niyang hinaplos ang buhok ni Uno habang nakatitig siya rito. Ang ngiti niya sa labi ay hindi maalis-alis. Sa tuwing naaalala niya ang pinagdaanan nilang dalawa noon ay hindi niya akalain na si Uno pa rin ang makakasama niya habang buhay. Madaming masasakit na alaala pero higit na madami ang masasaya. Bahagyang gumalaw si Uno at niyakap siya nito kaya napangiti siya lalo. Si Uno ang higit na maalaga sa kanila. Lahat ay binibigay nito at sinisiguro na maayos ang lahat para sa kanila. Hindi rin ito nagkulang na iparamdam sa kaniya ang pagmamahal nito. Palagi pa rin silang nagdedate na dalawa at palagi pa rin siyang sinusurpres
"REYNE, dito ka. Huwag mong harangan ang panunuod ng kapatid mo," saad ni Ellie sa pangalawang anak. Nasa home theater silang lima habang hinihintay ang pagdating ni Uno. Apat na taon na si Reyne, ang sumunod ay si Ysabel na tatlong taong gulang at ang bunso ay si Jacob na isang taong gulang.Nakatayo kasi si Reyne sa gitna at ginagaya ang pinapanuod sa movie. Si Ysabel at Mikhay ay hindi na nakakapanuod nang maayos dahil sa kaniya."I want to sing and dance, mommy." Protesta ni Reyne sa sinabi ni Ellie. Kahit ilang beses na nga ba nilang pinanuod ang paborito nitong movie ay hindi pa rin nagsasawa si Reyne."Your siblings are watching, too.""They've watched it already." Hindi pa rin talaga ito natinag at doon pa rin pumuwesto sa gitna si Reyne. "And you've watched it several times already." Nakangusong sagot ni Mikhay. "Ikaw na lang lagi ang nasusunod sa pinapanuod na movie.""Because I love this movie." Tumigil sa paggaya ng sayaw si Reyne at nilingon ang kaniyang ate. "Girls, s
NAGISING AKO na may luha sa mata at sa boses ng anak ko. Inikot ko ang paningin sa kabuuan ng silid. Puting silid. May dextrose ang isang kamay ko. Nanghihina ang pakiramdam ko at nanunuyo ang lalamunan ko.Nasaan ako?"Mommy?" Nasa gilid siya ng higaan ko at katabi si Reese."Mark, tumawag ka ng Doctor," utos ni Reese sa asawa niya at sinunod naman agad ni Mark. "Kumusta ang pakiramdam mo, Ellie?" Pinilit kong bumangon pero pinigilan ako ni Reese. "Huwag ka munang bumangon. Magpahinga ka muna. Hintayin lang natin ang Doctor."Masakit ang ulo ko. Pinilit ko pa rin talagang bumangon at inabot si Mikhay. "H-i, baby." Pilit na ngumiti ako kay Mikhay."Mommy, okay na po kayo?" I nodded with my daughter's question.Bigla kong naalala si Uno at Judah. "Sina Uno? Kumusta na sila?" Kinakabahan kong tanong dahil ang huling tanda ko sa sinabi ng Doctor ay hindi maganda.Hindi na ako nasagot ni Reese dahil pumasok ang Nurse at Doctor. Chineck agad nila ako. May mga ilan na binilin sila sa akin p
"ELLIE..." Tawag sa akin ni Lolo Ronaldo. Nakaupo ako sa bench habang hinihintay ang paglabas ng Doctor at sabihin ang magandang balita na ligtas na sina Uno at Judah.Parehas na nasa loob ng operating room ang dalawa at parehas na nag-aagaw buhay.I loathed Judah, but I never wished for him to die. Hindi ko rin pala kaya na makita siya na walang ng buhay. Naging parte ng siya ng buhay ko, sa masaya at kasama ko noong mga panahon na akala ko ay tuluyan na akong iniwan ni Uno. Kanina ko pa nararamdaman na gusto akong kausapin ni Lolo Ronalo ngunit tingin ko ay humahanap lang ng tiyempo. Si Logan ay kausap ng mga pulis sa labas. Si Mikhay ay nakaconfine at natutulog na ngayon. Nilagnat si Mikhay dahil naulanan din kami. Dumating sina Logan kasama si Ronaldo para tulungan kami. Mabuti na lang at nakasunod agad sila kaya naitakbo agad ang dalawa sa hospital. Sina Tita Criselda at Tito Lorenzo ay papunta na. Naospital pala si Tita Criselda nang nabalitaan mula kay Sandra na nakasunod di
HUMINA NA ANG ulan habang binabaybay namin ang kagubatan. Nanginginig na ang katawan ko sa lamig. Hawak-hawak ako ni Uno sa isang kamay habang karga niya si Mikhay. Pagod na pagod na rin ang pakiramdam ko sa paglalakad. Lakad-takbo para makalayo nang tuluyan lugar na ito."Uno, tigil muna tayo sandali," hingal na hingal kong pakiusap sa kaniya. Para na akong babagsak. Para nang babagsak ang dalawa kong tuhod sa pagod. Kinakapos na rin ako ng hininga."Babe —"We heard gunshots. Umaalingawngaw ang putok ng baril. Napahinto kami at pinakiramdaman ang paligid. Malapit lang sa kinaroroonan namin. Niyakap agad ako ni Uno. Mukhang nasundan kami kung saan kami tutungo. Nakarinig na kami ng mga boses ng mga tao at mukhang marami sila. Hindi iyon mga tauhan ni Logan.Dinala niya kami sa malaking batuhan na natatakpan ng mga puno. "Daddy..." Yumakap nang mahigpit lalo si Mikhay kay Uno nang makarinig ulit kami ng putok ng baril. Sinasadya yata talaga nilang magpaputok para matakot kami. "I'm s
PINAGLUTO ko si Uno ng paborito niyang pagkain. Gusto kong bumawi sa kaniya. Kahit naging biktima rin ako ng kasamaan nina Judah ay gusto ko pa rin bumawi kay Uno. Nasaktan ako noon pero mabigat ang pinagdaanan ni Uno noon.Gusto ko rin siyang ipakilala nang pormal kay Mikhay. Ilang araw pa lang kami nandito at hindi pa rin sila talaga nagbobonding na mag-ama. Palagi kasing naririnig ni Uno na hinahanap ni Mikhay si Judah bilang daddy niya. She's too young to be involved with our issues with Judah. At natutuwa ako kay Uno dahil hindi niya binigla si Mikhay na kilalanin siya bilang daddy nito. "Magaling pala kayong magluto, Ma'am Ellie. Siguradong madaming makakain si sir Uno. Favorite niya itong lahat na pinaghanda niyo," puring-puri ni Aling Sonya sa mga niluto ko. Sila na ang naghanda pagkatapos kong magluto.I smiled. "Salamat. Siguradong namiss kasi iyan ni Uno kaya pinagluto ko siya." Tinulungan ko na rin sila maghanda. Aakyatin ko rin ang mag-ama ko pagkatapos ng ginagawa ko ri
LUMAPIT AGAD ako sa paghihintuan ng sasakyan ni Sandra pagkakita ko ng sasakyan niya. Inabangan ko na siya para makausap bago niya puntahan si Uno. Hindi ko kasi alam kung tinutulungan ba niya si Uno o gusto niya lang kunin ang loob."Sandra, puwede ba tayong mag-usap?" tanong ko agad pagkababa niya ng sasakyan. Halos mag-init na naman ang ulo ko sa suot ni Sandra. Hapit na hapit na naman ang suot nitong pulang dress sa kaniyang katawan. Para siyang modelo sa kaniyang ayos. Nag-alinlangan siyang tumango at tipid na ngumiti sa tanong ko."Sure..." Halata ang pagkalito sa kaniyang mga mata pero nagawa pa rin niyang ngumiti kahit papaano.Niyaya ko siya sa lanai. Nagdadalawang isip na sumunod naman siya sa akin. "Bakit nakulong si Uno noon?" agad kong tanong. Ayaw ko na magpaligoy-ligoy pa dahil ayaw ko siyang makausap nang matagal. I just want to know the truth.Nag-iwas agad siya ng tingin sa akin dahil hindi niya inaaasahan na itatanong ko iyon sa kaniya. Alam ko kasing iniiwasan niy
"BABE?" Nasa terrace kami kasalukuyan ni Uno habang si Mikhay ay pinapanuod namin mula sa puwesto na masayang naglalaro sa garden kasama ang isang kasambahay. Nakatayo ako at nakahawak sa railings ng terrace at nakatuon ang tingin sa baba. May malaking puno ng mangga na nagtatakip kaya hindi kami gaanong kita mula sa labas at sa gate pero nakikita namin si Mikhay sa baba at alam niya rin kung nasaan kami ni Uno."You've been quiet since this morning. Is there something wrong?" Niyakap niya ako mula sa likuran ko at sumiksik sa leeg ko. "You can tell me." He planted small kisses on my shoulders and neck.Kahapon ko pa iniisip ang mga napag-usapan namin nina Celestine at Sandra. I'm scared. I am scared of what will happen next. But I trust Uno. Logan is also helping us. Pinilig ko ang ulo ko para kalimutan ang mga nalaman. Ngayon na magkasama na kami ni Uno, wala nang makakapaghiwalay sa amin. Even death can't separate us.I smiled.Naalala ko si Celestine at ang mga sinabi nito na inuu
NIYAKAP AKO ni Uno mula sa likuran. Simula kaninang umaga ay hindi ako bumaba para kumain. Nagdahilan akong masama ang pakiramdam ko. Pinakiusapan ko lang si Aling Sonya na siya muna ang bahala kay Mikhay. Hindi naman nagpumilit si Uno at siya ang nag-alaga kay Mikhay. Naiinis ako dahil nandito palagi si Sandra kahit na sinabi ni Uno sa akin na magkaibigan na lang silang dalawa ni Sandra. Gusto raw bumawi ni Sandra kay Uno kaya tinutulungan siya nito ngayon.Hinalik-halikan niya ang balikat kong lantad dahil sa suot kong sleeveless na dress na hindi aabot sa tuhod. Agad akong pumiksi sa ginawa niya at naglakad papunta sa couch na naroon sa loob ng silid namin at doon umupo. Sumunod siya sa akin at lumuhod sa harap ko, sa pagitan ng hita ko. "Ano ba?!" Nag-iinit pa rin ang ulo ko sa kaniya. Tinabig ko ang kamay niyang nagsimulang humahaplos sa binti ko. "Lumabas ka na nga. Baka hinahap ka na ni Sandra." Hindi ko napigilan ang sarili na sabihin. Iniwas ko ang tingin nang marealize ang