Hello po, mga Ma'amsh. Thank you so much for always waiting. Naging busy lang po sa one-week na seminar kaya hindi po ako nakapag-update. Regular updates will start this week po ulit. Maraming salamat po ulit. ♥️
HINDI ko na kaya. Mas lalo kong na-miss si Yevhen noong hinalikan niya ako, pero kasi . . . Hindi ba siya galit sa akin? Maraming beses ko siyang sinaktan, bakit hinalikan niya pa ako? Ano’ng ibig sabihin niyon? “Balak mo ba talagang patayin ’yang atay mo, pare koy?” tawag-pansin ni Klein sa akin nang bigla na lamang siyang sumulpot sa loob ng aking kwarto. Hindi ko namalayan na pumasok na siya rito, siguro ay dala na ng sobra kong kalasingan pati na rin ng pag-iisip ko tungkol sa aking dating asawa. “Tama na iyan,” saway ng aking kapatid pagkatapos ay tumabi siya sa akin ng upo sa sahig at ginaya niya rin ang aking pwesto. Isinandal niya rin ang kaniyang likod sa aking kama at saka siya tumingala sa kisame. Ngunit sa halip na pansinin at kausapin siya ay itinaas ko lang ang bote ng alak at tinitigan iyon nang mabuti. Ilang bote kaya ang mauubos ko ngayong gabi? Kailangan ko kasi munang malasing dahil iyon na ang nagsisilbing pampatulog ko gabi-gabi. “Nakita kita kanina sa
BUONG oras ng kasal ng kaibigan ko ay nakatulala lamang ako habang natutuliro sa nangyayari.N-na-miss niya ako?Hindi ba talaga siya galit sa akin?Paano si Irene? At ’yong narinig kong pinag-usapan nila noong nagpunta ako sa bahay niya, paano iyon?Tang ina naman.Hiwalay na kami. Ako nga ang lumayo, hindi ba? Bakit inuusisa ko pa?!“You may now kiss the bride,” masiglang sambit ng pari kaya nagising ang aking diwa. Nagpalakpakan din at naghiyawan ang mga bisita.Wala sa sarili naman akong napalingon sa kabilang side ng simbahan kung saan nakaupo ang mga kalalakihan dahil ewan ko ba, siguro ay dahil gusto kong makita ang kaniyang reaksyon.Ang problema ay halos mabali na ang aking leeg sa kalilingon, ngunit hindi ko siya makita sa kaniyang pwesto.“Si Yevhen? Nakita mo si Yevhen, Cyl? Elle? Zem?” tanong ko sa aking mga kaibigan na nasa aking tabi. Kinalbit-kalbit ko pa sila dahil tutok na tutok sila sa panonood kina Adi at Kiel na mukhang patay na patay talaga sa isa’t isa.“Nasaan
TILA nangyari ulit ang pangyayari noon sa pagitan naming dalawa. Ganitong-ganito iyon, e. Nag-apply ako ng trabaho dati pagkatapos ay hindi niya rin ako tinanggap. Tang ina. Napakamisteryo talaga ng tadhana. “Nasaan na ba si Klein?” kamot-ulo kong tanong sa aking sarili habang nakatayo ako sa labas ng Xaviers building. Kanina ko pa siya hinihintay rito. Ang dinahilan niya sa akin ay nagutom daw siya kaya dumaan sa drive-tru upang bumili ng pagkain naming dalawa. Ngalay na ngalay na tuloy ang aking mga paa dahil sa suot kong mataas na sapatos. “You’re not hired,” panggagaya ko sa tinuran ni Yevhen kanina. “Akala ko ba for formality na lang ’to? Saka bakit parang magkasundong-magkasundo na sila ng ulupong niyang pinsan?” Litong-lito akong bumuga nang malakas na hangin at ginulo-gulo ko rin ang aking maikling kulay asul na buhok nang dahil sa pagka-badtrip. Nagtatampo siya? Bakit? Sinaktan ko siya. Niloko ko siya. Iniwan ko siya. Dapat galit siya sa akin! Malut
HINDI ko tinanggap ang alok niyang trabaho, hindi dahil sa ayaw ko kundi dahil sa tuwing nakikita ko siya ay kinakain ako ng konsensiya ko. Tang ina naman kasi, e. Bakit ba gusto niya pa akong makatrabaho ulit sa kabila ng lahat ng hindi magagandang ginawa ko sa kaniya? M-mahal niya pa ba ako? “Imposible,” umiiling-iling kong bulong bago ko ginulo ang aking maiksing buhok. Hindi na ako mahal niyon. Tanga na lang ang taong may mararamdaman pa rin sa taong nananakit at nang-iwan sa kaniya. “Bes, kasama ka ba namin? Kanina mo pa kinakausap ang sarili mo,” pagpansin sa akin ni Elle na sinamahan niya pa ng pagkalbit kaya bigla akong matauhan. Sa buong araw naming magkakasama na magkakaibigan ay mabibilang lamang sa daliri kung ilang beses akong nakipagkwentuhan sa kanila. Ewan ko ba. Nawawalan talaga ako ng gana sa tuwing naiisip ko si Yevhen. Putragis. “Kaninang umaga niya pa kasi pinoproblema ’yong pagtanggi niya kay ex-husband. Madilim na at lahat ang paligid, hin
“H-HINDI pwede. Hindi pa kami nagkakaayos.” Lalo kong binilisan ang aking pagtakbo habang dala-dala ang mabigat na damdamin. Nagdarasal akong hindi sana totoo ang sinabi ni Ryu, ngunit nang makarating ako sa dalampasigan ay unti-unti nang gumuho ang aking mundo. Halos masiraan ako ng bait nang makita ko si Yevhen na nakahiga sa buhangin habang pinagkakaguluhan siya ng kaniyang mga kasama. Na-estatwa ako. Ni hindi ko magawang humakbang at lumapit sa kaniya dahil samu't saring emosyon na bumalot sa aking pagkatao. “Ayun sila,” may pagmamadaling pahayag ni Ryu nang maabutan nila akong nakatitig lamang sa dati kong asawa na wala ng malay. “Masien, Masien, makinig ka sa akin.” Naramdaman ko ang pagtapik-tapik ni Cyllene sa aking pisngi kasunod ng isa-isa nilang pagyakap sa akin habang umiiyak. Hindi ito totoo! Tang ina. Buhay pa siya. Magkausap lang kami kanina. “B-buhay pa siya, 'di ba? Hindi pa kami nagkakabalikan.” Ngumiti ako, ngunit hindi ko na napigil ang aking damdamin. “I’
Maria Sienna Rosales De Dios“MARIA Sienna De Dios!” malakas na sambit ng isang babaeng company staff sa aking pangalan.Ako ang kaunahang tinawag nang magsimula ang interview kahit na hindi ako nakigulo sa pakikipag-unahan sa pila at pagkuha ng number kanina. Nagtataka tuloy ang mga kapwa kong aplikante ngunit wala naman akong pakialam.Inaasahan ko nang ako ang unang tatawagin dahil may backer ako sa branch ng MARIA Corp dito sa probinsiya ng Laquiero.“Maria Sienna De Dios!” ulit na tawag ng babae kaya ako napilitang tumaas na ng kamay at sumigaw na nandito ako.Tamad na tamad akong naglakad papunta sa kaniya. Parang ako lang yata ang nalulumbay samantalang ang iba ay kanina pa mataas ang enerhiya at nagpa-practice ng kanikanilang mga linya.Kung wala lang talagang masamang balak sa buhay ko ang aking ama at kung hindi lang naisip ng aking mga kaibigan na ito ang solusyon upang makatakas ako sa aking napipintong kapalaran ay hindi ako maghahanap ng trabaho.Putragis! Ang sarap kaya
NAPAHIYA ako! Mali. Mali.Ipinahiya ako ni Yevhen sa lahat ng mga taong nasa loob ng interview room matapos niya akong pagtawanan.“Bes, kumalma ka.” Inis kong nasabunutan ang aking sarili dahil sa narinig kong payo ni Zemira sa kabilang linya. “Kalma?! Putragis, pare!” maangas kong sigaw saka ako mariing pumikit at huminga ng malalim. Sumandal din ako sa likod ng silya na aking inuupuan saka ko sandaling inilayo ang cellphone ko sa aking tainga.Itinapat ko naman iyon muli sa aking pandinig matapos king huminga nang malalim.Nandito pa rin ako sa labas ng interview room. Inaabangan ko si Yevhen. Sisiguraduhin kong ngayon ay sadya ko na siyang sasapakin.“Nasaaan ka ngayon? Pupuntahan kita.” Her voice sounded in a rush as I heard her daughter cry. Lumambot tuloy ang aking ekpresyon at bigla akong nakonsensiya.Abala na nga siya sa pag-aalaga ng kaniyang anak tapos dumadagdag pa ako sa alalahanin niya.“Nakakapikon naman kasi talaga 'yang pinsan mo. Hindi pa ako mapatawad-tawad sa nag
PIKIT-MATA kong tinanggap ang kondisyon ni Yevhen para lamang matakasan ko ang aking napipintong kapalaran, pero. . . Putragis! Kahit may trabaho na ako ay hindi pa rin matanggap ni Ama na hindi matutuloy ang kasal namin ni Mark.“Devin! Hindi pa ba tayo aalis?!” pagmamaktol ko habang nakatingin sa aking relong pambisig. Alas-sais na nang umaga. Kung hindi traffic ay aabutin kami ng mahigit-kumulang tatlong oras bago makarating sa lungsod ng Liazarde, pero paano kung traffic?!Paniguradong late na ako sa unang araw ng pasok ko sa trabaho!“Parang mas mami-miss mo pa 'yang motor mo kaysa sa amin, Maria,” komento ni Ama na hindi ko namalayang nasa likuran ko.Himas-himas niya ang kaniyang panabong na tandang bago siya tumabi sa akin at sa motor kong ayaw ko sanang iwanan. “Anak, hindi pa huli ang lahat. Dito ka na lang,” pangungumbinsi ni Ama na ilang daang beses ko nang narinig magmula noong ianunsyo ko ang tungkol sa aking trabaho.“Saka kung magpapakababae ka lang din naman, bak