Thank you so much po sa inyong lahat na umaantabay pa rin sa Love Magnet. Super busy lang po sa school kaya hindi ko matupad-tupad ang schedule of updates. Kapag umayos na ang sched, makakapagsulat na po ulit ako nang tuloy-tuloy. Salamat po ulit. Love lots. Ingat po kayo, always!!! 🥰
HINDI ko tinanggap ang alok niyang trabaho, hindi dahil sa ayaw ko kundi dahil sa tuwing nakikita ko siya ay kinakain ako ng konsensiya ko. Tang ina naman kasi, e. Bakit ba gusto niya pa akong makatrabaho ulit sa kabila ng lahat ng hindi magagandang ginawa ko sa kaniya? M-mahal niya pa ba ako? “Imposible,” umiiling-iling kong bulong bago ko ginulo ang aking maiksing buhok. Hindi na ako mahal niyon. Tanga na lang ang taong may mararamdaman pa rin sa taong nananakit at nang-iwan sa kaniya. “Bes, kasama ka ba namin? Kanina mo pa kinakausap ang sarili mo,” pagpansin sa akin ni Elle na sinamahan niya pa ng pagkalbit kaya bigla akong matauhan. Sa buong araw naming magkakasama na magkakaibigan ay mabibilang lamang sa daliri kung ilang beses akong nakipagkwentuhan sa kanila. Ewan ko ba. Nawawalan talaga ako ng gana sa tuwing naiisip ko si Yevhen. Putragis. “Kaninang umaga niya pa kasi pinoproblema ’yong pagtanggi niya kay ex-husband. Madilim na at lahat ang paligid, hin
“H-HINDI pwede. Hindi pa kami nagkakaayos.” Lalo kong binilisan ang aking pagtakbo habang dala-dala ang mabigat na damdamin. Nagdarasal akong hindi sana totoo ang sinabi ni Ryu, ngunit nang makarating ako sa dalampasigan ay unti-unti nang gumuho ang aking mundo. Halos masiraan ako ng bait nang makita ko si Yevhen na nakahiga sa buhangin habang pinagkakaguluhan siya ng kaniyang mga kasama. Na-estatwa ako. Ni hindi ko magawang humakbang at lumapit sa kaniya dahil samu't saring emosyon na bumalot sa aking pagkatao. “Ayun sila,” may pagmamadaling pahayag ni Ryu nang maabutan nila akong nakatitig lamang sa dati kong asawa na wala ng malay. “Masien, Masien, makinig ka sa akin.” Naramdaman ko ang pagtapik-tapik ni Cyllene sa aking pisngi kasunod ng isa-isa nilang pagyakap sa akin habang umiiyak. Hindi ito totoo! Tang ina. Buhay pa siya. Magkausap lang kami kanina. “B-buhay pa siya, 'di ba? Hindi pa kami nagkakabalikan.” Ngumiti ako, ngunit hindi ko na napigil ang aking damdamin. “I’
Maria Sienna Rosales De Dios“MARIA Sienna De Dios!” malakas na sambit ng isang babaeng company staff sa aking pangalan.Ako ang kaunahang tinawag nang magsimula ang interview kahit na hindi ako nakigulo sa pakikipag-unahan sa pila at pagkuha ng number kanina. Nagtataka tuloy ang mga kapwa kong aplikante ngunit wala naman akong pakialam.Inaasahan ko nang ako ang unang tatawagin dahil may backer ako sa branch ng MARIA Corp dito sa probinsiya ng Laquiero.“Maria Sienna De Dios!” ulit na tawag ng babae kaya ako napilitang tumaas na ng kamay at sumigaw na nandito ako.Tamad na tamad akong naglakad papunta sa kaniya. Parang ako lang yata ang nalulumbay samantalang ang iba ay kanina pa mataas ang enerhiya at nagpa-practice ng kanikanilang mga linya.Kung wala lang talagang masamang balak sa buhay ko ang aking ama at kung hindi lang naisip ng aking mga kaibigan na ito ang solusyon upang makatakas ako sa aking napipintong kapalaran ay hindi ako maghahanap ng trabaho.Putragis! Ang sarap kaya
NAPAHIYA ako! Mali. Mali.Ipinahiya ako ni Yevhen sa lahat ng mga taong nasa loob ng interview room matapos niya akong pagtawanan.“Bes, kumalma ka.” Inis kong nasabunutan ang aking sarili dahil sa narinig kong payo ni Zemira sa kabilang linya. “Kalma?! Putragis, pare!” maangas kong sigaw saka ako mariing pumikit at huminga ng malalim. Sumandal din ako sa likod ng silya na aking inuupuan saka ko sandaling inilayo ang cellphone ko sa aking tainga.Itinapat ko naman iyon muli sa aking pandinig matapos king huminga nang malalim.Nandito pa rin ako sa labas ng interview room. Inaabangan ko si Yevhen. Sisiguraduhin kong ngayon ay sadya ko na siyang sasapakin.“Nasaaan ka ngayon? Pupuntahan kita.” Her voice sounded in a rush as I heard her daughter cry. Lumambot tuloy ang aking ekpresyon at bigla akong nakonsensiya.Abala na nga siya sa pag-aalaga ng kaniyang anak tapos dumadagdag pa ako sa alalahanin niya.“Nakakapikon naman kasi talaga 'yang pinsan mo. Hindi pa ako mapatawad-tawad sa nag
PIKIT-MATA kong tinanggap ang kondisyon ni Yevhen para lamang matakasan ko ang aking napipintong kapalaran, pero. . . Putragis! Kahit may trabaho na ako ay hindi pa rin matanggap ni Ama na hindi matutuloy ang kasal namin ni Mark.“Devin! Hindi pa ba tayo aalis?!” pagmamaktol ko habang nakatingin sa aking relong pambisig. Alas-sais na nang umaga. Kung hindi traffic ay aabutin kami ng mahigit-kumulang tatlong oras bago makarating sa lungsod ng Liazarde, pero paano kung traffic?!Paniguradong late na ako sa unang araw ng pasok ko sa trabaho!“Parang mas mami-miss mo pa 'yang motor mo kaysa sa amin, Maria,” komento ni Ama na hindi ko namalayang nasa likuran ko.Himas-himas niya ang kaniyang panabong na tandang bago siya tumabi sa akin at sa motor kong ayaw ko sanang iwanan. “Anak, hindi pa huli ang lahat. Dito ka na lang,” pangungumbinsi ni Ama na ilang daang beses ko nang narinig magmula noong ianunsyo ko ang tungkol sa aking trabaho.“Saka kung magpapakababae ka lang din naman, bak
PUPUNGAS-PUNGAS ako sa harap ng monitor ng computer kasabay ng aking pagpapadyak sa sahig. Sumandal ako sa likod ng aking upuan at nag-inat pagkatapos ay tumingala ako sa ilaw na nasa ceiling upang magmuni-muni.Ilang gabi na akong walang matinong tulog at araw-araw na rin akong umuuwing lantang bulaklak sa rami ng pinagagawa at utos ni Yevhen.Putragis! Simula noong unang pasok ko rito noong nakaraang linggo ay parang inalipin niya na ako.Tulad na lang ngayon!Wala ng katao-tao sa buong building. Pati 'yong mga empleyado na nag-overtime ay kanina pa nakauwi.Lampas na nga rin 'yong eight hours na pagtatrabaho ko pero ayaw niya pa rin akong pauwiin dahil may kailangan pa raw kaming tapusin. Nag-iinit tuloy ang ulo ko at nauubusan na talaga ako ng pasensiya.“Hindi na 'to makatarungan,” umiiling kong monologo. “Kung isumbong ko na kaya siya sa DOLE?!” Mabilis akong tumayo at hinubad ang aking ID bago ko iyon hinampas nang malakas sa aking mesa. Sa aking ginawa ay para bang handa na
INIHATID ako ni Yevhen na parang walang nangyari dahil hindi niya alam ang nakita ko.I was also bombarded with so many questions. Hindi ko alam ang gagawin at hindi ko na rin alam kung paano aakto sa kaniyang harapan.Putragis! Nalimutan ko na tuloy ang plano kong mambabae, sa halip ay magdamag na nagpabalik-balik sa isip ko ang pigura nilang dalawa ng kaniyang lalaki habang magkayakapan.“Miss Masien, ang haggard mo ngayong umaga. May tinda akong facial mask, baka gusto mo. Murang-mura lang,” puna ni Eva, isang excecutive staff na kilalang nagbebenta ng kung ano-anong produkto dito sa kompanya kahit na bawal.Nginitian ko lang naman siya at nagtuloy-tuloy lang ako sa pagpasok sa loob ng pantry room para magtimpla ng gatas ko.My head is aching because of Yevhen. Binigyan niya kasi ako ng malinamnam na tsismis na hindi ko naman pwedeng ipagkalat.Naninikip tuloy ang dibdib ko!“Uy, Miss Masien, ha. Plano ka na yatang ibahay ni Sir Yevhen dito sa opisina,” salaysay ng isa sa dalawang
“STOP following me, Maria,” seryoso ngunit naiinis na niyang saway nang magpang-abot kaming dalawa sa labas ng opisina ng Chief Financial Officer.Buong umaga at hapon na kasi akong bumubuntot sa kaniya at alam niya na rin siguro na hindi ko talaga siya titigilan kaya sinabihan niya na ako kanina na umuwi ng maaga.Pero hindi iyon mangyayari. Buhay ko ang nakataya rito kaya hindi pwedeng basta ko na lang siyang hayaan.“Umuwi ka na,” pagtataboy niyang muli bago niya ako iniwan. Napairap naman ako saka ako muling sumunod sa kaniya.“Hindi ako titigil hangga't hindi ka bumibigay,” walang sawa kong pangungulit pero hindi niya ako pinansin, sa halip ay huminga lang siya nang malalim at nagtuloy-tuloy sa paglalakad.Putragis! Pakipot talaga ang bakla!“Sir, sagutin mo na kasi ako!” pikon kong sigaw kaya siya napatigil. Nang harapin niya ako ay magkasalubong na ang kaniyang mga kilay.Nginitian ko naman siya at humingi agad ng paumanhin sa aking inakto. Ang problema nga lang ay huli na nang