I hope we're all doing good po. Let's not forget to be nice to everyone. Thank you so much! By the way, hello, Ma'amsh Eu Rie! Stay healthy and happy! ♥️
TINAWAGAN ko na si Yevhen upang pababain at sunduin ako nang umabot na ako ng tatlong minuto sa kapapaliwanag sa dalawang babaeng staff sa lobby. Napahiya tuloy sila nang mabilis na dumating ang boss nila na sinalubong pa ako ng halik at yakap. Pero naiirita pa rin ako! Ang lambing-lambing pa rin kasi ng putragis. Parang wala siyang lihim na itinatago. “Are you tired? Hungry? Ano'ng gusto mo?” sunod-sunod niyang tanong matapos naming makapasok sa loob ng kaniyang opisina. Hindi ko naman siya pinansin, sa halip ay naglibot na lang ako ng tingin at naglakad-lakad sa kabuuan ng opisina. Parang walang nag-iba. Kung paano ang ayos noong umalis ako noon ay ganoon pa rin ngayon. “Why didn't you call me, love? Sana nasundo kita sa inyo,” komento niya bago niya ibinaba ang aking maleta sa tabi ng couch. Nang hindi pa rin ako sumagot ay nilapitan niya na ako at saka niya ako niyakap nang patalikod. Nakagat ko tuloy ang aking pang-ibabang labi nang wala sa oras. “Ang bango
HANGGANG sa makauwi kami ni Yevhen sa bahay ay takang-taka pa rin ako sa naging bagong pakikitungo sa akin ni Chairman. Tang ina. Hindi ko maintindihan. Posible kayang magbago ang isang tao? “Love, what’s bothering you?” biglang tanong ni Yevhen na kagagaling lang sa banyo. Hindi ko napansin na nakatulala na pala ako sa kawalan habang nakaupo ako sa ibabaw ng aming kama. Pero kasi naman! Paano’ng hindi ko iisipin ang nangyari kanina? E, parang tuwang-tuwa sa akin si Chairman pati na 'yong ibang board members na kamag-anak din nila! T-tanggap na nga kaya ako sa pamilya? “Maria, are we okay? May kasalanan na naman ba ako na hindi ko alam?” sunod-sunod niya muling pag-uusisa bago siya lumapit at tumabi sa akin sa kama. Umayos tuloy ako ng upo bago ko siya hinarap. “Nakasalubong ko si Chairman kanina noong lumabas ako ng opisina mo,” pagsasabi ko ng totoo, dahilan upang matigilan siya at sandaling mapipilan. “D-did he try to tell you something?” He looked so nervous as he reached
SI Sir Xavier ang dumating. At mukhang seryoso ang kanilang pinag-usapan kaya naman ang gabing akala ko’y gagawa kami ng maliliit na Yevhen at Masien ay hindi nangyari. Simula rin ng makausap niya ang kaniyang pinsan ay naging abala na siya sa opisina. Tang ina. Nilalambing niya naman ako, pero hindi sapat iyon. Siguro kung isa, dalawa, o tatlong beses niya akong bitinin ay okay lang, pero. . . pero isang linggo niya na akong natitiis! “Maria, I’m really sorry. I was drowning in paper works. Hindi ko alam na ala-una na pala ng madaling araw,” kaagad niyang paumanhin nang makauwi siya sa bahay. Kaninang-kanina ko pa siya hinihintay sa salas. Ilang beses na nga yata akong naka-idlip at nagising ngunit ngayong madaling araw lang siya nakauwi. Matipid ko na lang siyang nginitian kahit tang ina, nakakatampo na. Hindi naman kasi ganito ang ine-expect kong mangyayari. Akala ko ay kapag nagsama na kami sa iisang bubong na kaming dalawa lamang ay magagawa na namin ang lahat, pero hind
“HINDI ko iiwan si Yevhen.” Umiling-iling ako at paulit-ulit kong ipinangako ang mga katagang iyon habang papalabas ako ng MARIA Corporation. Iyon nga lang ay bago pa man ako tuluyang makaalis ay nanghina na ang aking mga tuhod at nanikip na ang aking dibdib. Hindi ko talaga alam ang gagawin. Naiipit si Yevhen nang dahil sa akin. Tang ina. “Are you okay, Masien?” Awtomatiko bumilis ang tibok ng aking puso at mabilis din na napaayos ako ng tindig nang marinig ko ang boses na iyon. “C-Chairman,” bati ko nang makita kong naglalakad sila ng kaniyang secretary patungo sa aking pwesto. Kapapasok lang nila sa building at nagkasalubong na naman kaming dalawa. Lihim tuloy na nangangatal ang aking mga daliri habang pinipilit kong ngumiti at magbigay-galang. “Let’s go to my office. Nakikita kang umiiyak ng mga empleyado,” pahayag ng matanda nang makalapit sila sa akin. Wala sa sarili naman na napahawak ako sa aking mga pisngi. Napamura ako sa aking isip. Tumutulo na pala ang aking mga lu
LITONG-LITO akong lumabas ng aming kwarto habang hawak-hawak ko nang mahigpit ang kaniyang cellphone. Wala na ako sa katinuan. Mabibigat ang aking mga hakbang habang hinahanap ko ang aking asawa. Kumikirot nang matindi ang aking dibdib. Naiinis ako. Bakit wala akong magawa? Tang ina. “Love, I am here!” nakangiting tawag ni Yevhen sa akin na may kasama pang pagkaway, sa labas ng restaurant. Pinilit ko tuloy na ngumiti at lihim ko ring inayos ang aking sarili bago ako nagdesisyon na lumapit sa kaniya at magkunwaring masigla. “You look—D-did you cry?” Matiim niya akong tinitigan at sinuribpagkatapos ay marahan niyang sinapo ang aking mukha. Ngunit, umiwas lang ako ng tingin at saka ako lumayo sa kaniya nang kaunti. “N-nag-text si Sir Darryl.” Nangangatal ang aking mga kamay nang ibinigay ko sa kaniya ang cellphone. Tila may idea na naman siya sa laman niyon kung kaya’t napuno ng pag-aalala ang kaniyang itsura. “M-Maria, h-have you . . . have you read it?” nahihirapan niyang
DUWAG ako. Mahina. Talunan. Bobo. Walang kwenta. Ganiyan ko ilarawan ang aking sarili simula noong araw na hiniwalayan ko si Yevhen. Para akong tanga. Sising-sisi ako sa mga sinabi at ginawa ko, pero noong pumunta naman siya sa bahay upang magmakaawa ay ipinagtabuyan ko lang siya ulit. Maraming beses din siyang nagpabalik-balik, at maraming beses ko rin siyang pinaalis hanggang sa dumating ang isang araw na hindi na siya muling nagpakita. Sumuko na siya. “Putang ina,” natatawa kong pagmumura habang nakahiga sa kama. Hinawakan ko rin ang aking dibdib at dinama ang namamanhid ko nang puso. Araw-araw akong parang sinasakal. Ako ’tong may gustong mawala siya sa buhay ko pero ako rin ’tong parang namatayan sa sobrang pangungulila. Nakakainis. “Ang tanga mo naman, Masien, para ma-miss ’yong taong hiniwalayan mo na,” sermon ko sa aking sarili pagkatapos ay bumuntonghininga ako nang malalim. Tamad na tamad din akong bumangon sa aking kama at saka ko pinagmasdan ang
HINDI ko na kaya. Mas lalo kong na-miss si Yevhen noong hinalikan niya ako, pero kasi . . . Hindi ba siya galit sa akin? Maraming beses ko siyang sinaktan, bakit hinalikan niya pa ako? Ano’ng ibig sabihin niyon? “Balak mo ba talagang patayin ’yang atay mo, pare koy?” tawag-pansin ni Klein sa akin nang bigla na lamang siyang sumulpot sa loob ng aking kwarto. Hindi ko namalayan na pumasok na siya rito, siguro ay dala na ng sobra kong kalasingan pati na rin ng pag-iisip ko tungkol sa aking dating asawa. “Tama na iyan,” saway ng aking kapatid pagkatapos ay tumabi siya sa akin ng upo sa sahig at ginaya niya rin ang aking pwesto. Isinandal niya rin ang kaniyang likod sa aking kama at saka siya tumingala sa kisame. Ngunit sa halip na pansinin at kausapin siya ay itinaas ko lang ang bote ng alak at tinitigan iyon nang mabuti. Ilang bote kaya ang mauubos ko ngayong gabi? Kailangan ko kasi munang malasing dahil iyon na ang nagsisilbing pampatulog ko gabi-gabi. “Nakita kita kanina sa
BUONG oras ng kasal ng kaibigan ko ay nakatulala lamang ako habang natutuliro sa nangyayari.N-na-miss niya ako?Hindi ba talaga siya galit sa akin?Paano si Irene? At ’yong narinig kong pinag-usapan nila noong nagpunta ako sa bahay niya, paano iyon?Tang ina naman.Hiwalay na kami. Ako nga ang lumayo, hindi ba? Bakit inuusisa ko pa?!“You may now kiss the bride,” masiglang sambit ng pari kaya nagising ang aking diwa. Nagpalakpakan din at naghiyawan ang mga bisita.Wala sa sarili naman akong napalingon sa kabilang side ng simbahan kung saan nakaupo ang mga kalalakihan dahil ewan ko ba, siguro ay dahil gusto kong makita ang kaniyang reaksyon.Ang problema ay halos mabali na ang aking leeg sa kalilingon, ngunit hindi ko siya makita sa kaniyang pwesto.“Si Yevhen? Nakita mo si Yevhen, Cyl? Elle? Zem?” tanong ko sa aking mga kaibigan na nasa aking tabi. Kinalbit-kalbit ko pa sila dahil tutok na tutok sila sa panonood kina Adi at Kiel na mukhang patay na patay talaga sa isa’t isa.“Nasaan
SHE and our baby became my inspiration to work harder and to create jewelry designs better.Simula noong nakuha namin ang kontrata sa Miss Universe Organization, nagsunod-sunod na kaming kinuha ng iba pang beauty pageant organization.That was just a dream before, but damn, it came true.May bonus pa akong magandang asawa at mga magiging anak pa namin.“YEVHEN, uwi ka na, please. Nandito si Chairman sa bahay,” she said over the phone, making me rush to go home.She’s in her sixth month.Nagkaayos na naman sila bago kami ikinasal pero inamin niya sa akin na hindi pa rin siya sanay kaya hindi ko mapigilang mag-alala.Sumobra kasi ang bait ni Lolo lalo na simula noong nagbitiw na siya sa posisyon niya sa MARIA Corporation. Kahit nga kay Daddy na hindi niya matanggap-tanggap noon ay gustong-gusto niya nang kasama ngayon.I hurriedly went out of the office to get in to my car. Mabuti na lang ay hindi pa traffic hours kaya nakauwi agad ako sa bahay.“Lolo, what brings you here? Akala ko na
*Love Magnet* Yevhen Thyne Mercado Villamayor I’M always ready since the day I fixed the company, so when I got the chance to ask her, I immediately proposed right away. We married each other again on our birthday. Hindi na sa papel lang, sa totoong simbahan na. “Yevhen!” My body tensed and I jolted in the kitchen right away when I heard her shout. Baka kasi kung ano na ang nangyayari. “Yes, love? What happened?” may pag-aalala kong tanong sinuri ang kaniyang kabuuan. Gumaan lang ang pakiramdam ko nang makita kong walang masamang nangyari sa kaniya. “Ang sabi ko sa’yo, bilhin mo lang 'yong mga kailangan natin sa bahay. Saan natin ilalagay ’tong mga labis na chicken, pork, and beef? Hindi na kasya sa ref,” sermon niya kaya nakagat ko ang aking pang-ibabang labi. Ayaw ko lang naman na lalabas pa siya ng bahay namin kapag wala nang stocks. Ayaw niya rin naman kasing maghanap kami ng kasambahay dahil kaya niya naman daw. “I’ll just order a new freezer,” panlalambing ko ka
*Banana Needs Help!* Yevhen Thyne Mercado Villamayor AFTER all those months that we were apart, she was still scared to take me back. Fuck. Has she forgotten me already? Oh, God. I would not allow that. Kung nakalimutan niya na ako, paiibigin ko ulit siya. ’Yong mas malalim para wala na talaga siyang kawala pa. “You can’t escape me, Maria. Hindi kita hihiwalayan kahit kailan.” I sighed out loud before I looked at the evening sky. Nandoon siya sa pool area kasama ng mga kaibigan niya, samantalang nandito naman ako sa dalampasigan, nag-iisa. Maliwanag pa rin ang paligid dahil maraming poste ng mga ilaw sa tabong-dagat, pero parang ang lungkot-lungkot pa rin. Maybe because my heart was breaking. Damn it. “Humanda ka sa akin, love. Hindi ka talaga makakalakad kapag nagkaayos na tayo,” salaysay ko sa hangin kasunod ng pagsipa ko sa mga inosenteng bato sa buhanginan. Kaunting tiis pa. Naayos ko na naman ang lahat sa kompanya kaya libre ko na siyang masusundan kahit na saan. “
*Lonely Kimchi and Sad Banana* Yevhen Thyne Mercado Villamayor I thanked Ama a million times after his daughter and I got married. Hindi man kami kinasal sa simbahan, pero at least may papel na akong panlaban kay Maria. I already imagined a happy ever after with her, but our marriage was immediately tested when I discovered her past relationship with her brother. Naging sila pala noong iniwan ko siya. “Y-Yevhen, please magpapaliwanag ako.” She hugged me as she panicked while I was trying really hard to digest her brother’s revelation. I couldn’t feel anything as I couldn’t believe it. H-how could he fucking do that?! Kahit ampon lang siya, hindi niya dapat ginawa iyon kay Maria. Siya ang mas nakatatanda kaya siya dapat ang may alam ng tama at mali. “Sorry na. Gulong-gulo ako noong oras na iyon. Pinipilit akong magpakasal ni Mark tapos iniwan mo ako tapos. . .” Bigla akong natigilan at hindi makahinga ng maayos. Right. That was my fault. Kung hindi ko siya iniwa
*By hook or by crook* Yevhen Thyne Mercado Villamayor The following days were the fucking happiest days of my life. Damn it. I would always sleep and wake up with a smile. Wala nga yatang kayang magpasimangot sa akin simula noong naging kami. Yeah. Yeah. I know. Malala na ako, pero ano’ng magagawa ko? Binabaliw ako ni Maria araw-araw. “Sir, excuse po.” My heart automatically hammered when I heard her voice. Nang sulyapan ko siya habang nasa meeting kami with the board of directors ay hindi ko na napigilang mapangiti. Fuck. “Sir, ito po 'yong mga scheduled events ng kompanya. Nag-email na po ako sa mga secretary nila, pero mas maganda na sabihin niyo pa rin para hindi kayo mahirapan sa huli,” pormal na pormal niyang salaysay kaya napatikhim na lang ako para pigilan ang pagtawa. Damn it. Hindi ko alam na nakakabading pala ma-inlove kay Maria. I cleared my throat again. “May email ang secretary ko sa mga secretary niyo. Kindly check it, and the meeting is adjourned,” I anno
*Falling Slowly In Love with You* Yevhen Thyne Mercado Villamayor “SIR, Sir, Sir.” Napapikit ako sa inis nang marinig ko ang boses na iyon na kapapasok lang sa loob ng office ko. She’s here. Wala na akong nagawa noong si mommy mismo ang nagsabi na si Maria ang magiging bago kong sekretarya. That time, I agreed because my plan is to just use her. Kung siya ang makakasama ko ay hindi na kami pagdududahan ulit ni Clementine ng board of directors. Pero sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay umaayaw na ako at parang gusto ko na siyang sisantehin. “Sir, nakikinig ka po ba? Putragis! Dangal mo ang iniingatan natin dito kaya makinig kang mabuti,” maangas niyang pahayag bago siya pumadyak-padyak na tila nagdadabog. Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa aking mesa. Hinilot ko na lang tuloy ang aking sentido. I really fucking hate this woman—lesbian, everyday. “Not now, please. Sumasakit ang ulo ko, Maria,” pagsisinungaling ko para matakasan ko lang ang tsimis na ibibida niya. “
*Enemies at first sight* Yevhen Thyne Mercado Villamayor “I’m already here, Kuya Blade. Ano’ng room number ni Ate?” I asked over the phone while I was walking inside the hospital. Nang mabalitaan ni mommy kanina na kapapanganak lang ng pinsan ko ay pinagmadali niya na agad akong pumunta rito. Mas excited pa kasi siyang makita ang baby kaysa kay Ate Zemira. “Fourth floor, Yevhen. Room 407. Lumabas lang ako sandali, nandoon si Hera Leigh sa tabi ng ate mo,” sagot niya bago kami nagpaalam sa isa’t isa. At dahil alam ko na kung saan matatagpuan si Ate ay dumiretso na agad ako papunta sa elevator at hindi na nagtanong sa nurse’s station. I just need to take pictures of the baby then I’m done. Nautusan lang talaga ako ni mommy. “Room 407,” I murmured after the elevator opened on the fourth floor. Nang lumabas ako ay nagpatingin-tingin ako sa bawat nakasaradong pinto hanggang sa matunton ko ang aking hinahanap. “Ate,” I called her as I knocked on the door, twice. Pinihit ko na rin an
“H-HINDI pwede. Hindi pa kami nagkakaayos.” Lalo kong binilisan ang aking pagtakbo habang dala-dala ang mabigat na damdamin. Nagdarasal akong hindi sana totoo ang sinabi ni Ryu, ngunit nang makarating ako sa dalampasigan ay unti-unti nang gumuho ang aking mundo. Halos masiraan ako ng bait nang makita ko si Yevhen na nakahiga sa buhangin habang pinagkakaguluhan siya ng kaniyang mga kasama. Na-estatwa ako. Ni hindi ko magawang humakbang at lumapit sa kaniya dahil samu't saring emosyon na bumalot sa aking pagkatao. “Ayun sila,” may pagmamadaling pahayag ni Ryu nang maabutan nila akong nakatitig lamang sa dati kong asawa na wala ng malay. “Masien, Masien, makinig ka sa akin.” Naramdaman ko ang pagtapik-tapik ni Cyllene sa aking pisngi kasunod ng isa-isa nilang pagyakap sa akin habang umiiyak. Hindi ito totoo! Tang ina. Buhay pa siya. Magkausap lang kami kanina. “B-buhay pa siya, 'di ba? Hindi pa kami nagkakabalikan.” Ngumiti ako, ngunit hindi ko na napigil ang aking damdamin. “I’
HINDI ko tinanggap ang alok niyang trabaho, hindi dahil sa ayaw ko kundi dahil sa tuwing nakikita ko siya ay kinakain ako ng konsensiya ko. Tang ina naman kasi, e. Bakit ba gusto niya pa akong makatrabaho ulit sa kabila ng lahat ng hindi magagandang ginawa ko sa kaniya? M-mahal niya pa ba ako? “Imposible,” umiiling-iling kong bulong bago ko ginulo ang aking maiksing buhok. Hindi na ako mahal niyon. Tanga na lang ang taong may mararamdaman pa rin sa taong nananakit at nang-iwan sa kaniya. “Bes, kasama ka ba namin? Kanina mo pa kinakausap ang sarili mo,” pagpansin sa akin ni Elle na sinamahan niya pa ng pagkalbit kaya bigla akong matauhan. Sa buong araw naming magkakasama na magkakaibigan ay mabibilang lamang sa daliri kung ilang beses akong nakipagkwentuhan sa kanila. Ewan ko ba. Nawawalan talaga ako ng gana sa tuwing naiisip ko si Yevhen. Putragis. “Kaninang umaga niya pa kasi pinoproblema ’yong pagtanggi niya kay ex-husband. Madilim na at lahat ang paligid, hin