Share

Chapter 30

Author: Ms. Sagittarius
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

"Anong oras ka pala susunduin ni Mark mamaya?" tanong ni Joshua at bigla akong napaubo.

Inabutan ako ni Danica ng baso ng tubig at agad ko ininom. Kasalukuyan kaming nag-aalmusal ng umagang 'yon at maya-maya lang ay pupunta kami sa salon.

"Bakit kailangan naman niya akong sunduin?" nakataas ang isang kilay na tanong ko.

Kumunot ang noo ko ng makita kong nagkatinginan ang dalawa saka tumingin sa akin. Nagtataka ako bakit biglang nabanggit ang pangalan ni Mark.

"Hay naku hindi mo ba naisip Queen natural nandoon si Aiza at Dominic," sagot ni Joshua at lalo ako naguluhan.

Hindi nakaligtas sa paningin ko ang biglaang paglungkot ng mga mata ni Danica ng mabanggit ang pangalan ni Dominic. Ramdam ko ang lungkot sa mukha ng kaibigan niya noong gabing nag-dinner kami kasama si Aiza at Dominic.

"So?" tanong ko pagkatapos kong ubusin ang hotdog.

"Anong so ka diyan. Base sa nakita ko ng gabing 'yon hindi pa totally convince si Aiza na wala talaga kayong relasyon ni Dominic. Dinaig pa niya ang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
wag mo nang sungitan si Mark Queensley
goodnovel comment avatar
Ms. Sagittarius
hehehe the more you hate the more you...
goodnovel comment avatar
emzbranzuela
pumaparaan na si Mark ro get closer kay Queen yey , hwag kna sungit sungitan Queen mahalata kna eh...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Love Language (Queen and CEO)   Chapter 31

    Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon na kasayaw ko si Queensley. Kung tutuusin wala naman akong pakialam kung magkagulo man sila ng fiancee ni Dominic pero ewan ko ba kung bakit ko ginawa ito. As much as possible ay gusto kong protektahan ang dalaga na hindi naman kailangan. Ilang beses ko sinabi sa sarili ko na makakabuti iyon sa mga plano ko pero iba naman ang dinidikta ng puso ko. Tama nga siguro si Melmar nahuhulog na nga siguro ako kay Queensley dahil kahit anong iwas ang gawin ko ay hindi ko magawang pigilan ang sarili ko. Ramdam kong umiiwas sa akin ang dalaga pero imbis na umiwas ako at hayaan siya ay mas nananaig ang kagustuhan ko na mas mapalapit pa. Habang tumatagal ay mas nakilala ko siya at aaminin kong unti-unti na rin nagbabago ang pagkakakilala ko sa kanya. Lahat ng pinaniniwalaan ko noon ay nagbago mula ng makasama ko siya. Hindi ko pinalampas ang pagkakataon na makasama siya kaya pumayag ako ng tawagan ako ni Joshua. Sinabi niya na kailangan kong samahan

  • Love Language (Queen and CEO)   Chapter 32

    "Good news?" tanong ni Danica at napatingin ako sa kanya."Ha?" nagtataka na tanong ko at nagkatinginan ang dalawa."Hanggang tenga kasi dzai ang ngiti mo habang nakatingin sa phone mo kaya we are assuming na good news," sabi ni Joshua.Napatingin ako sa salamin para tingnan ang itsura ko. Umayos ako ng upo saka pinatong sa ibabaw ng lamesa ang phone ko. Kasalukuyang nasa Batangas kami ngayon para sa photoshoot. Sinama ko si Danica dahil nagrereklamo na siya. Bagot na bagot na kasi siya sa bahay at gusto niya na sumama sa akin. Kapag umpisahan na ang construction ng school ay mananatili na siya sa ampunan para mag-supervise. Siya na kasi ang in-charge dahil hindi ko na magagawa pa. After nga ng photoshoot ay diretso kami sa ampunan para bumisita sa mga bata. "Si Mark nangangamusta," pormal na sabi ko ng mapansin kong nakatingin pa rin ang dalawa sa akin."Ahhh nangangamusta lang naman pala," nakangiti na sabi ni Danica at makahulugan na tumingin kay Joshua."Alam ko kung ano ang tuma

  • Love Language (Queen and CEO)   Chapter 33

    "You did it on purpose," sabi ko habang pinagmamasdan ko si Queensley.Katatapos lang ng meeting ko ng sabihin ni Felix na tumawag si Dominic. Nagtataka ako kung bakit siya tumawag pero mas nagtaka ako ng sabihin ni Felix ang dahilan. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o mainis sa ginawa niya. Buong akala ko kaya siya tumawag ay para mangamusta pero hindi pala. Hinahanap niya si Queensley at tinanong ang schedule niya kay Felix. Nakakapagtaka dahil pwede naman niya tawagan si Queensley mismo o kaya ang mga kaibigan niya pero mas pinili talaga niya na tawagan si Felix. Alam niya na malalaman ko at siguradong alam din niya ang magiging reaksyon ko. Hindi ko alam kung ano ba ang gusto niya mangyari o dahilan niya."Did what?" maang-maangan na tugon niya.Tiningnan ko siya para makita ang reaksyon niya. Naka-fix ang mga mata niya kay Queensley habang nakangiti at hindi ko mapigilan ang mainis. Noong huling pag-uusap namin ay nilinaw ko sa kanya na pursigido ako na makuha ang tiwala ni Que

  • Love Language (Queen and CEO)   Chapter 34

    Sinundan ko lang ng tingin si Mark palabas ng tent. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Wala sa loob napahawak ako sa labi ko dahil hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin nakalapat ang labi niya. Hindi naman ito ang unang beses na nahalikan ako sa labi pero iba ang epekto ng halik niya. Mariin ako umiling para tanggalin sa utak ko ang image niya. Hinawakan ko ang dibdib ko dahil kahit na wala na ang binata ay mabilis pa rin ang tibok ng puso ko. Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko dahil pakiramdam ko may dumaloy na kuryente sa buong katawan ko. "Tumigil ka Queensley hindi ka pwedeng mahulog sa kanya. Hindi siya kasama sa mga plano mo kaya pigilan mo ang sarili mo. Hindi totoo ang mga sinabi niya. Gulo lang ang mangyayari kapag naniwala ka sa kanya." paulit-ulit na sabi ko sa sarili.Narinig ko ang boses ni Joshua sa labas ng tent kaya umayos ako ng tayo. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin saka ko kinuha ko ang phone ko saka umupo at kunwari ay abala ak

  • Love Language (Queen and CEO)   Chapter 35

    "What's her problem? Is she playing hard to get? Is she retaliating against me because I treated her badly before?" inis na tanong ko pagkatapos ko malaman hindi niya tinanggap ang mga pinadala ko na pagkain.Ilang araw na niya ako iniiwasan at binabalewala niya lahat ng ibinibigay ko. Sinunod ko lang naman ang mga advice ni Melmar pero mukhang palpak lahat. Hindi ko maintindihan kung bakit dahil sa pagkakatanda ko tumugon siya sa halik ko kaya ibig sabihin may nararamdaman din siya sa akin. Hindi naman niya ako hahayaan na halikan siya kung hindi niya ako gusto. Chance lang ang hinihingi ko sa kanya para makita niya na seryoso ako. Wala pa man pero tinutulak na niya ako palayo. Ngayon lang ako nag-effort ng ganito sa isang babae kaya hindi ko mapigilan na ma-frustrate."What do you want me to do? Why are you doing this to me?" frustrated na tanong ko saka sumandal sa bangko.Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Kinaibigan ko siya para maging malapit kami sa isa't isa. Nagpakatot

  • Love Language (Queen and CEO)   Chapter 36

    "Maraming salamat," halos pabulong na sabi ko kay Mark habang pinagmamasdan namin ang mga bata naglalaro. Nagulat na lang ako ng bigla siya sumulpot sa ampunan kaninang umaga. Nagpaalam siya kay Lola Sol na dadalhin niya ang mga bata sa isang amusement park. Tututol sana ako pero nakita ko ang excitement sa mukha ng mga bata. Naisip ko rin na pagkakataon na iyon para maging masaya ang mga bata. Ngayon habang tinitingnan ko ang mga bata na masayang naglalaro ay hindi ko mapigilan ang mapangiti. Bakas sa mga mukha nila ang sobrang kaligayahan. Maririnig sa tawanan nila at makikita sa mga ngiti. Kasama namin si Eugene, Myla at tatlong volunteers para mag-asikaso sa mga bata. Hindi pumayag si Mark na umambag ako sa gastusin at sinabi niya na treat niya iyon sa mga bata."No problem," walang lingon na tugon niya habang nakatingin din sa mga bata. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na pagmasdan si Mark at nakita kong napapangiti siya. Wala sa itsura niya ang mahilig sa bata dahil napakasery

  • Love Language (Queen and CEO)   Chapter 37

    "Anong ginagawa mo rito?" nanghihina ang boses na tanong ni Queensley pagbukas niya ng pinto.Ilang minuto ko muna siya pinagmasdan at hindi ko maintindihan kung bakit ako nakaramdam ng galit. Ang putla kasi ng mukha niya at kita sa mga mata niya ang panghihina. Hindi ko sinagot ang tanong niya at diretsong pumasok ako sa loob ng bahay niya. Narinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko pero hindi ako lumingon. Narinig ko na lang ang pagsara ng pinto at napangiti ako. Dumiretso ako sa kusina at pinatong sa counter ang mga pinamili ko. Ramdam kong nakasunod ang tingin niya sa akin. Una kong nilabas ang mga prutas para hugasan."Mark, ano ba ang ginagawa mo rito?" narinig ko na tanong niya habang isa-isa binubuksan ang mga kabinet.Nakahanap ako ng lalagyan kung saan ko pwede ilagay ang mga prutas. Nilapitan ko siya at pinatong ko ang likod ng palad ko sa noo niya para malaman kung mainit pa rin ba siya. Sinubukan niya umiiwas pero tiningnan ko siya. Huminga muna siya ng malalim saka mari

  • Love Language (Queen and CEO)   Chapter 38

    "Queen may plano ka bang magtayo ng fruit stand?" natatawa na tanong ni Danica at napalingon ako.Isang linggo na ang lumipas mula noong magkasakit ako. Araw-araw ay nakatanggap ako ng fruit basket galing kay Mark kahit pa nga sinabi kong okay na ako. Naipon na ang mga prutas na pinadala niya at para hindi masayang pinadala ko na lang sa bahay ni Lola Sol. Mas kailangan ng mga bata ang mga iyon kaysa sa akin. Lagi na rin siya nagpapadala ng pagkain sa location kung nasaan ako. Para maiwasan na pag-uusapan kami pinalabad niya na ako ang nagpa-deliver. Hindi pa siya nakontento dahil pinabawasan din niya kay Joshua ang schedule ko. Nainis ako sa ginawa niya at gusto ko siya awayin pero naisip ko na useless din. Ngayon ko napagtanto na kung matigas ang ulo ko mas matigas ang ulo niya kaya useless lang na kausapin pa siya tungkol doon. "Kumuha na kayo saka mo ipamigay sa mga staff," sabi ko.Nasa photoshoot kami para sa isang woman's magazine at naghihintay. Technically alam niya lahat ng

Pinakabagong kabanata

  • Love Language (Queen and CEO)   Chapter 90

    “Nakalima na tayo siguro naman sure na iyan,” sabi ni Joshua habang naglalakad ako pabalik-balik sa kwarto at banyo.“Pwede ba Queen tumigil ka sa paglalakad mo nahihilo na ako sa pinaggagawa mo,” sabi naman ni Danica at tumigil ako saka huminga ng malalim.Ilang araw na kasi na kakaiba ang nararamdaman ko at ng sabihin ko sa kanila ay agad sila bumili ng pregnancy test. Natawa pa nga ako sa naging reaksyon nila. Sinabi ko na imposibleng mangyari dahil gumagamit kami ng proteksyon pero bigla ko naalala ang isang gabi na nakalimutan namin. Kauuwi lang niya galing Hong Kong at dahil halos isang linggo siya roon ay sobrang na miss namin ang isa't isa. Hindi na kami nakapag-kontrol at nakalimutan naming gumamit ng proteksyon. Binalewala ko lang iyon dahil minsan lang naman iyon nangyari. Irregular naman ako kaya hindi ko rin pwedeng gawin na basehan ang menstruation ko. Napansin ko kasi na madalas masama ang pakiramdam ko at lagi akong pagod kahit wala naman ako masyadong ginagawa. Naging

  • Love Language (Queen and CEO)   Chapter 89

    “Babe, what time nga ba ang dating nila?” tanong ko habang nasa banyo ako.“After lunch pa Babe ang dating nila,” narinig ko na sagot niya.Dito sa Boracay namin napili na mag-honeymoon pero next month ay plano namin pumunta ng Singapore para magbakasyon kasama si Queennie. Doon namin i-celebrate ng birthday niya at tuwang-tuwa siya ng sabihin namin sa kanya. Gusto namin samantalahin ang panahon dahil ilang buwan na lang ay papasok na si Queennie. Tinotoo talaga ni Mark ang sinabi niya na babawi siya sa akin dahil pang dalawang araw na namin dito pero halos nasa loob lang kami ng room. Napag-usapan na susunod sina Danica, Dominic, Joshua, Jack, Nanay Salud at Queennie para naman magkakasama kami na magbakasyon. Maaga kami gumising para may oras pa kami na asikasuhin ang lahat bago sila dumating. Pagkatapos ko magbihis ay lumabas na ako ng banyo at nakita ko si Mark na inaayos ang breakfast namin. Nilapitan ko siya at yinakap ko siya ng mahigpit mula sa likuran. “Sige ka Babe baka mas

  • Love Language (Queen and CEO)   Chapter 88

    “You look stunning!” sabi Joshua habang nakatingin habang nakatingin ako sa repleksyon ko sa salamin.Sobrang bilis ng mga pangyayari dahil sa loob lang ng anim na buwan mula ng mag-propose si Mark sa akin ay ang dami ng nangyari. Inasikaso muna namin ang pagbili ng mga gamit sa bahay na lilipatan namin. Gustong-gusto na kasi ni Queennie na makalipat na kami ng bahay kayo iyon muna ang inuna namin. Tinanong ako ni Mark kung gusto ko ba mag-hire ng interior designer para hindi na ako mahirapan sa pag aasikaso pero mas gusto ko na kaming tatlo ang mag-decide kung anong gamit ang bibilhin namin. Nahirapan lang naman ako sa pagpili dahil lahat ng suggestions ko ay oo lang ang sagot ni Mark. Pinaubaya niya sa akin ang lahat mula sa mga design at mga kagamitan. Sa loob ng isang buwan ay makumpleto namin lahat ng kailangan sa bahay pati na rin ang konting renovation. Apat ang kwarto plus dalawa ang guest room sa bahay, may malaking receiving area at malaking kusina. Pagkatapos namin ipa-bles

  • Love Language (Queen and CEO)   Chapter 87

    “Congratulations sa inyong dalawa sobrang saya namin dahil sa wakas ay magiging masaya na kayo,” sabi ni Danica at niyakap ko siya ng mahigpit.Sobrang saya ng araw na ito at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari. Buong akala ko ay mag-dinner lang kaming tatlo pero may iba pala siyang plano. Napansin ko na ang kakaibang kinikilos ni Nanay Salud pati na rin ang mga kaibigan ko pero hinayaan ko lang sila. Nagulat ako ng makita ko ang singsing at susi sa box na inabot niya. Saglit ako natigilan dahil iba't ibang emosyon ang nararamdaman ko habang nakatingin sa kanya pero mas nangibabaw ang kasiyahan. Nakaramdam din ako ng alinlangan kasi inisip ko na ginagawa lang niya ito dahil sa bata. Kalaunan ay tinanggap ko dahil iyon ang sinasabi ng puso ko at kahit ano pa ang dahilan niya ay gusto ko mabuo ang pamilya ko. Hindi ko na maitatanggi na mahal na mahal ko pa rin siya at ayoko ng itago pa ang nararamdaman ko. Ayokong pakawalan ang pagkakataon na ito na makasama

  • Love Language (Queen and CEO)   Chapter 86

    “Pa, what do you think?” tanong ko at nakangiti na tumango siya.“Sobrang saya ko dahil nakikita kon na masaya ka na ulit. Nag-aalala talaga ako dahil buong akala ko Hindi na kita makikita na ganyan kasaya. Ano man ang maging desisyon mo nandito lang ako para suportahan ka. You are a great person Mark don't make the same mistake I did before,” sabi niya at yinakap ko siya ng mahigpit. Pagkalipas ng halos anim na buwan ay natapos ba rin ang pinagawa kong bahay. Matagal ko na siyang plano ipagawa pero naiisip ko na useless kung ako lang mag-isa ang titira pero nagbago iyon ng makilala ko si Queennie. Kakaibang saya ang naramdaman ko ng malaman ko na anak ko siya. Nakaramdam din ako ng galit, sakit at lungkot ng malaman ko mula sa private investigator ang tungkol sa kanya. Pero higit sa lahat ay nangibabaw sa akin ang saya at mas may dahilan na ako para makasama ulit si Queensley. Kilala ko siya the more na pipilitin ko siya the more na lalayo siya sa akin kaya pumayag ako sa lahat ng k

  • Love Language (Queen and CEO)   Chapter 85

    “Mommy pwede po ba kami maglaro ni Daddy sa playground?” paalam ni Queennie pagpasok niya sa kusina at napatingin ako sa kanya.Kasalukuyan akong naghihiwa ng mga gulay na gagamitin sa lulutuin na ulam mamayang tanghali. Katatapos lang namin mag-almusal at abala na ang lahat sa mga nakatoka na gagawin. Lahat ng bata sa bahay ampunan ay tinuruan ng gawaing bahay kaya hindi na sila kailangan utusan dahil alam na nila ang mga gagawin. Nakakatuwa dahil namumunga na ang mga tinanim na gulay ni Eugene sa mini garden niya kaya kahit paano ay nakakatipid sa gastusin. “Okay Baby kapag dumating siya,” nakangiti na sagot ko.Parang on cue ay biglang pumasok si Mark at nagkatingin kaming dalawa. Ewan ko ba pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko kaya umiwas agad ako ng tingin. Mahigit isang buwan na ang lumipas mula noong nalaman niya ang tungkol kay Queennie at almost every other day ay nandito siya. Minsan nga ay binibiro pa siya ni Nanay Salud dahil kulang na lang ay dito na siya tumira. Hi

  • Love Language (Queen and CEO)   Chapter 84

    “Sorry Queen wala akong nagawa para pigilan siya. Sobrang bilis ng mga pangyayari at hindi na namin nagawa na iwasan siya,” sabi ni Eugene pagpasok ko ng gate at nginitian ko siya. “Okay lang iyon wala ka naman kasalanan at saka wala naman tayong magagawa kasi nangyari na siya,” sabi ko at tinapik ko siya sa balikat. Naglakad na kami papasok ng bahay at napansin kong marami na ang nagbago mula sa labas hanggang sa loob. Hindi ko mapigilan ang mapangiti dahil bawat sulok na makita ko ay may memories akong naaalala. Halos kalahati ng buhay ko ay dito ako tumira kaya naman iba ang nararamdaman ko ngayon. Masaya ako na makita ulit si Jack pero at the same time ay may nararamdaman akong hiya dahil hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang lahat. Hindi ko kinakahiya si Queennie dahil nagbago ang buhay ko dahil sa kanya pero ang part na hinayaan ko mahulog ako kay Mark. Kung sana lang ay mas nalaman ko ng maaga ang intensyon niya ay hindi na sana kami umabot sa ganito. “Nasaa

  • Love Language (Queen and CEO)   Chapter 83

    “Nasaan na kaya sila?” tanong ko at napatingin ako nakasabit na wall clock.Nagpaalam sina Nanay Salud na may asikasuhin lang siya sa bayan pero ilang oras na ang lumipas wala pa sila. Nag-message na ako kay Eugene pero hindi pa naman siya nag-reply. Inabala ko na lang muna ang sarili ko sa pagluluto ng ulam para sa mga bata. May in-charge naman sa kusina pero mula noong dumating ako Isa na ito sa naging libangan ko kasi hindi na ako sanay ng walang ginagawa. “Ibang-iba ka na talaga ngayon Queen dati hindi ka mahilig magluto pero ngayon para ka ng ekspert at ang sarap pa ng luto mo,” sabi ni Danica pagkatapos niya tikman ang niluto ko na menudo.“Pinag-aralan ko talaga lahat ng gawaing bahay mula sa paglalaba hanggang sa pagluluto. Mas na appreciate ko lahat ng ginagawa ninyo na pagaasikaso sa akin noon dahil hindi siya madali lalo na at napakapasaway ko. Salamat sa walang sawang pag-aasikaso ninyo sa akin at hindi ninyo ako iniwan. Nagpapasalamat talaga ako kay Aling Chato kasi mati

  • Love Language (Queen and CEO)   Chapter 82

    “Pwede naman kami mag-taxi na lang ni Marose papuntang ospital. Alam kong sobrang busy mo ngayon. Okay lang ba talaga na Ikaw ang mag-drive?” tanong ni Papa pag-upo ko sa hapag kainan. Ngayon kasi ang follow up check-up ni Papa at nagkataon naman na nagkaroon ng emergency ang driver namin. May mga kailangan ako asikasuhin sa office ngayon pero tinawagan ko na si Justin kagabi pa para ayusin ang schedule ko. Nang maaksidente si Papa doon ko na realize na maikli lang ang buhay at kailangan ko pahalagahan ang bawat oras na kasama ko siya. Noon galit na galit ko sa kanya dahil wala siyang oras sa amin ngayon lubos ko na siya naiintindihan. Hinding-hindi ko hahayaan na mangyari ulit ang nangyari noon kaya babawi ako sa kanya ngayon. Mula rin ng makita ko ulit si Queensley ay mas nanaig sa akin ang kagustuhan ko na makasama siya dahil sa kanya lang ako magiging masaya. Mamaya ay makakausap ko na ang private investigator at mula doon ay saka ako mag-isip ng way para mapalapit ulit sa kanya.

DMCA.com Protection Status