"Queen, another flower!" sigaw ni Danica mula sa labas. Hindi ako tumugon at nag-abala na tingnan dahil hindi naman ako interesado. Katatapos ko lang maligo at kasalukuyang namimili ng damit na susuotin. May guest appearance ako ngayon sa isang branch ng La Bella. Pagkatapos kong magbihis ay sinunod ko naman ang mag-apply make up at ayusin ang buhok ko. Kapag mga ganitong event ay hindi ko na pinapatawag si Pops ang makeup artist ko para mag-ayos sa akin dahil kaya ko naman. Nang masiyahan sa nakikita sa salamin ay lumabas na ako ng kwarto bitbit ang susuotin kong heels at bag."Okay ba?" tanong ko kay Danica pagdating ko sa sala. "As usual, pretty as always with or without makeup. Wala naman atang damit o ayos ang hindi babagay sa iyo Bakla. Kering-keri mo dalhin," nakangiti na puri ni Danica at kinindatan ko siya. "No doubt kaibigan nga talaga kita," natatawa na sabi ko habang nagsusuot ako ng sapatos. "Kanino galing?" tanong ko kay Danica habang hawak niya ang bouquet ng white
"You mean my father gave that as payment? Payment for what?" naguguluhan na tanong ko. "That time your father didn't tell us the details he just ordered us to process the papers," sagot ni Raymond. Kasalukuyang nag-rereport sa akin ang mga taong tinalaga ko para mag-imbestiga. Matagal ng empleyado ng kumpanya si Raymond at nakaka-sigurado ako na mapagkakatiwalaan ko siya. Habang binabasa ko ang records ng asset at transaction ni Papa for the past five years nakita ko na bumili siya ng dalawang hectares land sa Batangas pero nakalagay 'yon sa pangalan ng ibang tao. Gustuhin ko man tanungin si Papa pero katatapos lang ng operation niya at ayaw ko muna siya istorbohin. "Pero Sir base sa ginagawa naming investigation ang taong 'yan ang nagpalaki kay Ms. Hernandez. At ngayon ang lupang 'yon ay isang bahay ampunan. Nakita rin namin sa record nag-donate ng one million si Mr. Jack kasabay ng titulo ng lupa. Were assuming na 'yon ang ginamit na pampagawa ng bahay," dagdag ni Enrico at napai
"Dan, okay na ba lahat?" tanong ko kay Danica pagkalabas ko ng kwarto."Okay na po ang lahat," tugon niya at napangiti ako.Ngayon ang punta namin sa Batangas at super excited na ako. Tinawagan ko na si Eugene para ipaalam niya kay Lola Sol na pupunta na kami pati na rin ang mga taong in charge sa construction ng school. "Bes, salamat sa lahat." paglal at niyakap ito mula sa likuran. Laki ng pasasalamat ko kay Danica kasi hindi lang sa pumayag siya na magturo sa school pero dahil may makakatulong na si Lola sa pagpapatakbo ng foundation. Hindi kasi ako sigurado kung nandito pa ako by that time na matapos ang school kaya malaking bagay na nandoon si Danica. Wala pa akong pinagsabihan ng plano ko dahil gusto kong ma settle muna ang lahat. Lalayo lang naman ako ng ilang taon at babalik rin. Gusto ko lang maranasan magkaroon ng katahimikan."Hay naku eto na naman po kami. Hindi ba sinabi ko naman sa iyo na suportado ko lahat ng plano mo at saka pabor naman sa akin ang lahat ng ito. Maka
Naiwan akong tulala pagkaalis ni Queensley. Hindi ko maipaliwanag kung bakit hindi ko makontrol ang sarili ko kapag napapalapit ako sa dalaga. Usually I'm always in control and don't let my emotions get in my way but not when I'm with her. I'm not sure anymore kung na challenge lang ba ako sa kanya. I don't know either kung part ba ito ng scheme niya para mas lalong mahumaling at maghabol ang isang tulad ko sa kanya. Naguguluhan ako sa tuwing kaharap ko siya."Bakit ko nga ba ito ginagawa? Ano nga bang kailangan ko sa kanya?" tanong ko sa sarili. Ilang minuto lang ay nag-decide na ako na bumalik na ulit sa loob. Desidido akong makausap ang taong in charge dahil marami akong gustong malaman mula sa kanya. Marami akong katanungan na gusto kong makuha ang sagot. Pabalik na ako ng makita ko ang isang may edad na babae na may kausap na lalaki. Familiar ang mukha ng kausap niya na lalaki at hindi nga ako pwedeng magkamali."Anong ginagawa niya rito?" nagtataka na tanong ko habang nakatingi
"Ano ba Queen nahihilo na ako!" galit na sigaw ni Joshua. Napatigil ako sa paglalakad at tiningnan ko siya ng masama. Nagtaka ako kung bakit magkasama sila ni Mark at nabanggit nga niya na nagkausap sila kanina "Bakit ganyan ka makatingin? Siguro naman may karapatan siya na makarating dito dahil kung hindi dahil sa pudra niya ay waley itong lugar na ito," katwiran niya at nilakihan rin niya ako ng mga mata. Naiinis talaga ako hindi dahil ayaw kong makarating dito si Mark pero dahil pareho kaming nandito. Sa tuwing mag-cross ang landas naming dalawa kung ano-ano na lang ang nangyayari at nararamdaman ko. "Ano ba kasi ang inaalala mo? Bakit ba balisang balisa ka? At ska bakit ba ganyan ang reaction mo?" tanong ni Danica at bigla akong napatingin sa kanya saka natigilan. "Bakit nga ba ako nagkakaganito? Eh ano naman kung nandito siya? Bakit ba ako nag-paapekto sa kanya?" tanong ko sarili at tumungo. "Ayaw ko lang nakikita ang pagmumukha niya," sagot ko at nakita kong nagkatinginan
Habang nililibot namin ni Lola Soledad ang kabahayan ay marami akong nalaman. Hindi lang tungkol sa dalaga pati na rin sa mga tao sa ampunan. Natutuwa rin akong makita ang mga bata dahil lahat sila ay mababait, masigla at magalang. Bukod sa mabait ang mga tao ay talaga naman maganda ang lugar. Nakita kong umalis na ang mga bisita pati na rin ang mga kaibigan ni Queensley. Nakatayo siya sa labas at tanaw na tanaw ko siya mula sa bintana. "Excuse lang po," paalam ko sa kanya. "Sige lang Hijo. Sisilipin ko lang ang mga bata bago ako pumasok sa kwarto para magpahinga," sagot niya. "Maraming salamat po," sabi ko at nakangiti na tumango lang siya. Kanina ko pa siya gusto lapitan pero hindi ako makuha ng tyempo lalo ng makita kong nakaakbay ito kay Dominic. Na curious tuloy ako kung totoo ba ang balita tungkol sa kanila. Napansin ko rin na umiiwas siya kapag nakasalubong niya ako. Hindi rin ito sumabay sa amin ng tanghalian at alam ko na kung bakit. "Hi!" bati ko pagpasok niya sa loob
"Queen tumawag nga pala si Dan magkikita tayo mamaya para pag-usapan ang update sa construction ng school," sabi ni Joshua. Nasa dressing room kami at naghahanda para sa pictorial. Next month na ang launching ng bagong collection kaya magiging super busy na ako. Ito na rin siguro ang magiging huling project ko sa La Bella. "Okay," simpleng sagot ko pagkatapos ng make up ko. "Pwede mo ba kaming iwan muna," nakangiti na pakiusap ni Joshua sa makeup artist ko.Tumango naman siya at inayos ang mga gamit sa lamesa saka lumabas ng kwarto. Nagtataka naman akong napatingin kay Joshua. Pinagana ko agad ang isip ko kung anong pwedeng maging dahilan para kausapin niya ako. Kung pagbabasehan ang ekspresyon ng mukha niya mukhang seryoso ang pag-uusapan namin."Care to explain this?" nakataas ang isang kilay na tanong niya.Lumapit siya sa bulaklak na nakapatong sa lamesa. Tiningnan ko lang ang tinutukoy niya saka binalik sa salamin ang atensyon ko. Ilang linggo na ang lumipas mula noong gabing
After ng meeting ko nag-message ako kay Queensley para yayain siya na mag-dinner pero sinabi niya na may lakad siya. Nadismaya ako ng malaman kong si Dominic ang kasama niya. Pinigilan ko ang sarili ko na alamin kung nasaan siya. Nagkataon na tinawagan ako ng kaibigan ko at nag-aya na mag-dinner kasama ang mga college friends namin. Nagulat ako ng makita ko si Queensley at si Joshua na pumasok ng restaurant kung saan kasama ko ang mga college friends ko. "What a coincident," natatawa kong sabi sa sarili ng makita ko sila.Saglit ako natigilan ng makita ko tumayo si Dominic at batiin si Queensley. Tinuon ko na lang ang attention ko sa mga kasama ko nagkukwentuhan. Ilang sandali lang ay may napansin akong babae na lumapit sa kanila. Kahit medyo malayo ang pwesto namin sa kanila ay nabasa ko sa kilos ng dalawang babae ang nagbabadyang cat fight. Obvious din sa mukha ni Dominic na hindi siya komportable. I know it's not my business pero I can't help it kasi nakikita ko sa mukha ni Queens
“Nakalima na tayo siguro naman sure na iyan,” sabi ni Joshua habang naglalakad ako pabalik-balik sa kwarto at banyo.“Pwede ba Queen tumigil ka sa paglalakad mo nahihilo na ako sa pinaggagawa mo,” sabi naman ni Danica at tumigil ako saka huminga ng malalim.Ilang araw na kasi na kakaiba ang nararamdaman ko at ng sabihin ko sa kanila ay agad sila bumili ng pregnancy test. Natawa pa nga ako sa naging reaksyon nila. Sinabi ko na imposibleng mangyari dahil gumagamit kami ng proteksyon pero bigla ko naalala ang isang gabi na nakalimutan namin. Kauuwi lang niya galing Hong Kong at dahil halos isang linggo siya roon ay sobrang na miss namin ang isa't isa. Hindi na kami nakapag-kontrol at nakalimutan naming gumamit ng proteksyon. Binalewala ko lang iyon dahil minsan lang naman iyon nangyari. Irregular naman ako kaya hindi ko rin pwedeng gawin na basehan ang menstruation ko. Napansin ko kasi na madalas masama ang pakiramdam ko at lagi akong pagod kahit wala naman ako masyadong ginagawa. Naging
“Babe, what time nga ba ang dating nila?” tanong ko habang nasa banyo ako.“After lunch pa Babe ang dating nila,” narinig ko na sagot niya.Dito sa Boracay namin napili na mag-honeymoon pero next month ay plano namin pumunta ng Singapore para magbakasyon kasama si Queennie. Doon namin i-celebrate ng birthday niya at tuwang-tuwa siya ng sabihin namin sa kanya. Gusto namin samantalahin ang panahon dahil ilang buwan na lang ay papasok na si Queennie. Tinotoo talaga ni Mark ang sinabi niya na babawi siya sa akin dahil pang dalawang araw na namin dito pero halos nasa loob lang kami ng room. Napag-usapan na susunod sina Danica, Dominic, Joshua, Jack, Nanay Salud at Queennie para naman magkakasama kami na magbakasyon. Maaga kami gumising para may oras pa kami na asikasuhin ang lahat bago sila dumating. Pagkatapos ko magbihis ay lumabas na ako ng banyo at nakita ko si Mark na inaayos ang breakfast namin. Nilapitan ko siya at yinakap ko siya ng mahigpit mula sa likuran. “Sige ka Babe baka mas
“You look stunning!” sabi Joshua habang nakatingin habang nakatingin ako sa repleksyon ko sa salamin.Sobrang bilis ng mga pangyayari dahil sa loob lang ng anim na buwan mula ng mag-propose si Mark sa akin ay ang dami ng nangyari. Inasikaso muna namin ang pagbili ng mga gamit sa bahay na lilipatan namin. Gustong-gusto na kasi ni Queennie na makalipat na kami ng bahay kayo iyon muna ang inuna namin. Tinanong ako ni Mark kung gusto ko ba mag-hire ng interior designer para hindi na ako mahirapan sa pag aasikaso pero mas gusto ko na kaming tatlo ang mag-decide kung anong gamit ang bibilhin namin. Nahirapan lang naman ako sa pagpili dahil lahat ng suggestions ko ay oo lang ang sagot ni Mark. Pinaubaya niya sa akin ang lahat mula sa mga design at mga kagamitan. Sa loob ng isang buwan ay makumpleto namin lahat ng kailangan sa bahay pati na rin ang konting renovation. Apat ang kwarto plus dalawa ang guest room sa bahay, may malaking receiving area at malaking kusina. Pagkatapos namin ipa-bles
“Congratulations sa inyong dalawa sobrang saya namin dahil sa wakas ay magiging masaya na kayo,” sabi ni Danica at niyakap ko siya ng mahigpit.Sobrang saya ng araw na ito at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari. Buong akala ko ay mag-dinner lang kaming tatlo pero may iba pala siyang plano. Napansin ko na ang kakaibang kinikilos ni Nanay Salud pati na rin ang mga kaibigan ko pero hinayaan ko lang sila. Nagulat ako ng makita ko ang singsing at susi sa box na inabot niya. Saglit ako natigilan dahil iba't ibang emosyon ang nararamdaman ko habang nakatingin sa kanya pero mas nangibabaw ang kasiyahan. Nakaramdam din ako ng alinlangan kasi inisip ko na ginagawa lang niya ito dahil sa bata. Kalaunan ay tinanggap ko dahil iyon ang sinasabi ng puso ko at kahit ano pa ang dahilan niya ay gusto ko mabuo ang pamilya ko. Hindi ko na maitatanggi na mahal na mahal ko pa rin siya at ayoko ng itago pa ang nararamdaman ko. Ayokong pakawalan ang pagkakataon na ito na makasama
“Pa, what do you think?” tanong ko at nakangiti na tumango siya.“Sobrang saya ko dahil nakikita kon na masaya ka na ulit. Nag-aalala talaga ako dahil buong akala ko Hindi na kita makikita na ganyan kasaya. Ano man ang maging desisyon mo nandito lang ako para suportahan ka. You are a great person Mark don't make the same mistake I did before,” sabi niya at yinakap ko siya ng mahigpit. Pagkalipas ng halos anim na buwan ay natapos ba rin ang pinagawa kong bahay. Matagal ko na siyang plano ipagawa pero naiisip ko na useless kung ako lang mag-isa ang titira pero nagbago iyon ng makilala ko si Queennie. Kakaibang saya ang naramdaman ko ng malaman ko na anak ko siya. Nakaramdam din ako ng galit, sakit at lungkot ng malaman ko mula sa private investigator ang tungkol sa kanya. Pero higit sa lahat ay nangibabaw sa akin ang saya at mas may dahilan na ako para makasama ulit si Queensley. Kilala ko siya the more na pipilitin ko siya the more na lalayo siya sa akin kaya pumayag ako sa lahat ng k
“Mommy pwede po ba kami maglaro ni Daddy sa playground?” paalam ni Queennie pagpasok niya sa kusina at napatingin ako sa kanya.Kasalukuyan akong naghihiwa ng mga gulay na gagamitin sa lulutuin na ulam mamayang tanghali. Katatapos lang namin mag-almusal at abala na ang lahat sa mga nakatoka na gagawin. Lahat ng bata sa bahay ampunan ay tinuruan ng gawaing bahay kaya hindi na sila kailangan utusan dahil alam na nila ang mga gagawin. Nakakatuwa dahil namumunga na ang mga tinanim na gulay ni Eugene sa mini garden niya kaya kahit paano ay nakakatipid sa gastusin. “Okay Baby kapag dumating siya,” nakangiti na sagot ko.Parang on cue ay biglang pumasok si Mark at nagkatingin kaming dalawa. Ewan ko ba pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko kaya umiwas agad ako ng tingin. Mahigit isang buwan na ang lumipas mula noong nalaman niya ang tungkol kay Queennie at almost every other day ay nandito siya. Minsan nga ay binibiro pa siya ni Nanay Salud dahil kulang na lang ay dito na siya tumira. Hi
“Sorry Queen wala akong nagawa para pigilan siya. Sobrang bilis ng mga pangyayari at hindi na namin nagawa na iwasan siya,” sabi ni Eugene pagpasok ko ng gate at nginitian ko siya. “Okay lang iyon wala ka naman kasalanan at saka wala naman tayong magagawa kasi nangyari na siya,” sabi ko at tinapik ko siya sa balikat. Naglakad na kami papasok ng bahay at napansin kong marami na ang nagbago mula sa labas hanggang sa loob. Hindi ko mapigilan ang mapangiti dahil bawat sulok na makita ko ay may memories akong naaalala. Halos kalahati ng buhay ko ay dito ako tumira kaya naman iba ang nararamdaman ko ngayon. Masaya ako na makita ulit si Jack pero at the same time ay may nararamdaman akong hiya dahil hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang lahat. Hindi ko kinakahiya si Queennie dahil nagbago ang buhay ko dahil sa kanya pero ang part na hinayaan ko mahulog ako kay Mark. Kung sana lang ay mas nalaman ko ng maaga ang intensyon niya ay hindi na sana kami umabot sa ganito. “Nasaa
“Nasaan na kaya sila?” tanong ko at napatingin ako nakasabit na wall clock.Nagpaalam sina Nanay Salud na may asikasuhin lang siya sa bayan pero ilang oras na ang lumipas wala pa sila. Nag-message na ako kay Eugene pero hindi pa naman siya nag-reply. Inabala ko na lang muna ang sarili ko sa pagluluto ng ulam para sa mga bata. May in-charge naman sa kusina pero mula noong dumating ako Isa na ito sa naging libangan ko kasi hindi na ako sanay ng walang ginagawa. “Ibang-iba ka na talaga ngayon Queen dati hindi ka mahilig magluto pero ngayon para ka ng ekspert at ang sarap pa ng luto mo,” sabi ni Danica pagkatapos niya tikman ang niluto ko na menudo.“Pinag-aralan ko talaga lahat ng gawaing bahay mula sa paglalaba hanggang sa pagluluto. Mas na appreciate ko lahat ng ginagawa ninyo na pagaasikaso sa akin noon dahil hindi siya madali lalo na at napakapasaway ko. Salamat sa walang sawang pag-aasikaso ninyo sa akin at hindi ninyo ako iniwan. Nagpapasalamat talaga ako kay Aling Chato kasi mati
“Pwede naman kami mag-taxi na lang ni Marose papuntang ospital. Alam kong sobrang busy mo ngayon. Okay lang ba talaga na Ikaw ang mag-drive?” tanong ni Papa pag-upo ko sa hapag kainan. Ngayon kasi ang follow up check-up ni Papa at nagkataon naman na nagkaroon ng emergency ang driver namin. May mga kailangan ako asikasuhin sa office ngayon pero tinawagan ko na si Justin kagabi pa para ayusin ang schedule ko. Nang maaksidente si Papa doon ko na realize na maikli lang ang buhay at kailangan ko pahalagahan ang bawat oras na kasama ko siya. Noon galit na galit ko sa kanya dahil wala siyang oras sa amin ngayon lubos ko na siya naiintindihan. Hinding-hindi ko hahayaan na mangyari ulit ang nangyari noon kaya babawi ako sa kanya ngayon. Mula rin ng makita ko ulit si Queensley ay mas nanaig sa akin ang kagustuhan ko na makasama siya dahil sa kanya lang ako magiging masaya. Mamaya ay makakausap ko na ang private investigator at mula doon ay saka ako mag-isip ng way para mapalapit ulit sa kanya.