Share

Chapter 30

Author: Rome
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

SABAY kaming kumain ng hapunan. Gusto ko sana siyang paunahin sa pagkain dahil hindi ako komportable kaya lang ay maawtoridad niya akong pinaupo sa hapag.

  Hindi talaga ako komportable gayong kumakain siya sa harapan ko habang nakasuot lamang ng itim na bathrobe. Nakatali naman ‘yon nang maayos kaya lang ay lumalantad ang kanyang dibdib. Basa ang kanyang buhok at yumayakap sa aking ilong ang amoy ng mabangong shower gel.

  Isang bagong ligong Eionn Zendejas. . .

  Magana ito kumain. Kahit na chapsuy at fried chicken lamang ang niluto ko ay marami itong nakakain. Samantalang ako ay busog pa...

  “Aren’t you hungry?”

  Lumunok ako. Kuryoso ang mga mata niyang nakatitig sa akin. Yumuko ako at dinampot ang kutsara at tinidor.

  “Are you mad at me?”

  “Hindi ho, sir.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • Love Game With The Billionaire Twins   Chapter 31

    NAGTAMA ang mga mata namin. Namumungay ang kanya na animo’y naiintindihan nito ang pinagdadaanan ko. Hindi ko napigilan ang mapangiti kasabay ang dahan-dahang pagtango. “Lahat naman ng anak ay gano’n ang gagawin. Lalo na kung panganay ng pamilya,” dagdag ko pa. “Maganda ang kita sa bar. Kaya lang ay may nakilala akong mga lalaki na nagpabigat ng trabaho ko ro’n. . ." “Kami ba ‘yon?” Pareho kaming tumawa. Ininuman ko ang beer na hawak ko at pagkatapos ay kumuha naman ng isang piraso ng lemon at sinipsip iyon. “Sino pa nga ba. . ." bulong ko. “I heard you.” “Hindi ko naman itatanggi. . ." “I’m sorry for everything, Elle," seryoso niyang saad sa akin dahilan para mapaawang ang aking labi. "For the insult

  • Love Game With The Billionaire Twins   Chapter 32

    KINABUKASAN. . . “Yes, we are on our way, Dale. Hmm, yes I am not alone, I brought someone. Yeah, we will be there around nine-thirty in the morning. Uh-huh, just call Maria and make sure she won’t be late. Great, thank you. . ." Maaga pa lang ay tadtad na ng maraming phone calls ang cellphone ni Eionn. Hindi rin yata lumipas ang isang minuto na wala siyang text na natatanggap. Umiling na lamang ako at sinandal ang aking ulo sa bintana sa gilid ko at pinagmasdan ang mga kalyeng nadadaanan ng sasakyan. Ni hindi ko na mabilang kung ilang beses akong humikab, bumuntonghininga at kung ilang beses kong tinapik ang aking pisngi para lang hindi pumikit nang tuluyan ang aking mga mata. Ramdam na ramdam ko ang pagkaantok at ang kaunting pagsakit ng aking ulo dahil sa nangyaring inuman namin kagabi. Kung sinabi niya lang agad na isasama niya ako sa Baguio ay sana hindi n

  • Love Game With The Billionaire Twins   Chapter 33

    SA mismong rest house na 'yon ay nagsimulang mag-set up ang mga staff para sa gagawing taping ng pelikula pagkatapos naming kumain ng breakfast. Kunot na kunot ang noo ni Eionn habang paulit-ulit na tinatawagan ang ka-love team ni Dale. Pinapanood ko lamang ang bawat galaw niya at paminsan-minsan ay napapangiti dahil hindi na maipinta ang kanyang mukha. Ganito pala siya magseryoso sa trabaho, huh? Kunot na ang noo at halata na ang pagkairita sa mukha pero hindi ko maitatangging g'wapo pa rin ito. . . “Mukha lang maloko si Eionn pero alam mo ba na sobrang focus niyan kapag oras ng trabaho?” sambit Dale na nagsalita mula sa likuran ko. Nilingon ko ang kaibigan ni Eionn. Kumpara kanina ay may kaunting make up na ang kanyang mukha. Ni hindi ko alam na isa pala siyang artista at sikat na sikat pa sa Pilipinas. Hindi ako palanood ng telebisyon. Mas madalas pa akong makinig ng balita sa r

  • Love Game With The Billionaire Twins   Chapter 34

    “ARTISTA ka na rin ba, Ate Elle? Bakit ka nasa taping? At sino’ng mga artista ang nariyan? Picture ka naman, please! Gusto kong makita!” sunod-sunod ang pagsasalita ni Lyka sa kabilang linya nang mapatawag ito sa akin kinahapunan. Saglit muna akong lumayo sa taping dahil ayaw ko namang makaistorbo sa trabaho nina Eionn pati ang mga kasama niya. Naglakad ako sa malapit na bridge sa gitna ng isang malawak na lawa. May mga water lilies na nakalutang do’n at iba pang mga bulaklak na nagbigay ng buhay sa animo’y ruined bridge. Huminto ako sa gitna ng bridge at pinagmasdan ang malinaw na tubig mula sa ibaba. “Ano bang sinasabi mo na artista ako? Sinama lang ako ng amo ko rito sa Baguio para may katulong siya ‘no,” tugon ko at saka humawak sa railings. Humagikgik si Lyka sa

  • Love Game With The Billionaire Twins   Chapter 35

    KAGAYA nga nang sinabi ni Eionn kanina pagkatapos ng naging halikan namin, nang matapos ang kanyang trabaho ay namasyal kami. Pinuntahan namin ang mga makasaysayan at sikat na tourist spot sa Baguio. No’ng una ay naiilang pa ako dahil sa naging pag-uusap namin kanina ngunit nang puntahan namin ang lugar kung saan ginaganap ang Panagbenga festival ay natuon na ro’n ang aking buong atensyon. Tuwang-tuwa ako habang pinapanood ang mga taong naka-costume ng naglalakihang bulaklak na gawa sa matitibay na papel. Punung-puno ng kulay ang paligid at tanging pagkagalak at hiyawan ng mga taong nanonood ang naririnig ko. Sa bawat pag-usad ng pagmamartsa ng mga nagpe-perform ay siyang pagsunod ko habang nasa gilid ng kalsada. Nakasunod naman sa akin si Eionn na halos hindi ko na napansin. Nilabas ko ang aking cellphone at sinimulang i-video ang mga napapanood ko. Panigurado ay

  • Love Game With The Billionaire Twins   Chapter 36

    PAGKATAPOS kumain ay bumalik na kami sa kanyang kotse. Nagkukulay kahel na ang kalangitan, hudyat ng muling paglubog ng araw. Ramdam ko ang pagod at lamig na bumabalot sa aking katawan. Niyakap ko ang aking sarili at sinandal ang ulo sa bintanang nasa gilid ko. Hindi ko alam kung saan na kami pupunta ngayon pero sana naman ay sa isang lugar kung saan ako p'wede matulog. Humikab ako at saglit na pinikit ang aking mga mata. Pagkamulat ko ng aking mga mata ay namalayan ko si Eionn habang tinatanggal nito anf pagkakakabit ng seat belt ko. Napakurap ako at tiningnan ang paligid. Sa harap ng kotse ay nakita ko ang isang malaking na glass house. Napakaganda nito. Kitang-kita ang pagkamoderno sa pagkakadisenyo. Umawang ang labi ko, hindi maiwasan ang pag-iisip. Dito ba kami magpapalipas ng gabi? “That’s my house,” wika nito na animo’y nakita ang katanungan

  • Love Game With The Billionaire Twins   Chapter 37

    THIRD PERSON'S POINT OF VIEW HINDI malaman ni Elle kung paano sila nakarating sa kama ng mga oras na 'yon. Masyado na siyang nababaliw at nawawala sa kanyang wisyo dahil sa samu't saring emosyong pinaparamdam sa kanya ni Eionn, na kahit ano pang gawing pagsigaw ng isip niyang tutulan ang bawat halik at hawak nito ay hindi niya magawa. Imbis ay kabaligtaran pa ang nangyayari. Heto at hindi niya kayang pigilan ang sarili sa pagpapaubaya, sa pagtugon at pagnamnam ng bawat sandali nilang dalawa. Bumaluktot na nga siguro ang paninindigang pilit na pinoprotektahan niya dahil hindi na niya kontrolado pa ang isip at damdamin niya sa mga oras na iyon. Dayuhan para sa kanya ang mga emosyong kumakain sa dibdib niya. Ni hindi niya kayang pangalanan ang mga 'yon. Ang tanging alam lang niya ay binabaliw siya ng lalaking 'to sa paraang hindi niya kayang takasan o hindian. Mapusok ang naging halikan nilang dalawa. N

  • Love Game With The Billionaire Twins   Chapter 38

    RAMDAM ko ang lamig na yumayakap sa aking katawan nang magising ako kinabukasan. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata pagkatapos ay kumurap pa ng ilang beses para makuha ko ang tamang linaw ng aking paningin. Una kong nakita ang mataas na sikat na araw mula sa bintana, ang mga Pine trees at ang marahang paggalaw ng mga puting kurtina dahil sa pagpasok ng malamig na hangin sa kwarto. Nakatayo ro’n si Eionn habang nakatalikod sa akin. Wala itong suot na pang-itaas at may kausap sa kanyang cellphone. “Yes, Dale. After lunch na ang taping,” wika niya at pagkatapos ay bumuntonghininga. “Tell him to fuck off. No, I won’t talk to Lance. He is insane." Hanggang sa lingunin niya ako. Bigla na lamang kumalabog ang puso ko nang ngitian niya ako. Napalunok ako at napahawak sa kumot na tanging nagtatago ng hubad kong katawan. Nag-iwas ako ng tingin at saka kinagat ang aking ib

Pinakabagong kabanata

  • Love Game With The Billionaire Twins   Chapter 69

    HINDI pa man umaabot ng limang minuto nang umalis si Ehryl ay nakarinig ako ng mga pagkatok sa pinto. Bumuntonghininga ako at hinawi at pinasadahan ng mga daliri ang aking buhok. Bumalik siya? Naulit muli ang pagkatok kaya naman kahit mabigat sa loob ko ay naglakad na ako palapit sa pintuan. “Ehryl, hindi ba’t--” Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang tumambad sa akin ang walang emosyon na mukha ni Arlana. Malamig ang pagkakatitig nito sa akin. Halos gumapang ang kaba sa buong sistema ko nang makita kung paano’ng nagbago ang itsura niya . . . animo’y ibang Arlana itong nasa harapan ko. Kita ang mga itim sa ilalim ng kanyang mga mata, halatang wala siyang maayos na tulog. Maputla ang mukha at ang tanging nagdadala lamang ay ang mapulang lipstick ng kanyang labi . . . na halos kasing pula

  • Love Game With The Billionaire Twins   Chapter 68

    “OPO, Nay.” Tumango ako habang pinapakinggan ang mga payo ni Nanay. Tinawagan ko siya ngayong umaga para ipaalam ang pag-uwi namin ni Auntie Levi ngayong linggo. Lubos naman siyang natuwa sa binalita kong ‘yon. Nang tanungin niya ako kung bakit kami uuwi ay hindi ko na sinabi ang mabigat na dahilan. Mas maganda sigurong si Auntie na lang ang magsabi kay Nanay. “Hindi naman po ako nagpapakapagod. Huwag na po kayong mag-aalala, Nay. Ayos lang po ako.” “Masaya ako na uuwi ka na, anak. Miss na miss ka na namin dito, lalo na ng kapatid mo. Umaayos na rin ang lagay ng palayan natin kaya hindi mo na kailangang manatili riyan sa Maynila para magtrabaho. Mas kampante kami kapag nandito ka kasama namin,” ani Nanay sa nagsusumamong boses. Gumuhit ang malungkot na ngiti sa labi ko. Huminga ako nang malalim habang nakaupo sa kama at nakatingin sa mga damit do’n

  • Love Game With The Billionaire Twins   Chapter 67

    ILANG araw din ang nakalipas matapos ang nangyari sa agency kung saan ako nag-apply. Hindi ko maintindihan kung talagang may kinalaman si Arlana sa nangyaring pangre-reject sa akin sa trabaho pero kung mayroon man ay alam ko na kung bakit niya ginawa iyon. Galit siya sa akin, bagay na klaro sa akin. Aminado akong galit din ako sa ginawa niya. Kaya lang ay sa tuwing naiisip ko na may pinagdadaanan siya, na may sakit siya ay nauunahan ng awa ang puso ko. Iyon din ang dahilan kung bakit hindi ko masabi kay Eionn ang nangyari. Hinayaan ko na lang na isipin niyang hindi lang talaga ako nakapasa dahil kulang ang pinag-aralan ko. "Why don't you try college, love?" kuryoso niyang tanong sa akin isang gabi nang dalawin niya ako sa apartment pagkagaling sa kanyang trabaho. "Hindi ko pa kayang pagsabayin. Inuuna ko muna ang kapatid ko," saad ko.&

  • Love Game With The Billionaire Twins   Chapter 66

    “MAG-IINGAT ka sa byahe,” wika ko kay Eionn nang makarating kami sa parking lot ng apartment building. Magkahawak ang aming mga kamay. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang mga 'yon. Tila ba wala ni isa sa amin ang gustong bitiwan ang kamay ng isa’t isa. Umangat lamang ang tingin ko nang tumikhim siya. “Are you sure you want to stay here? Ayaw mong bumalik sa mansyon?” Nakita ko kung paano gumalaw ang kanyang Adam’s apple dahil sa kanyang malalim na paglunok. “Sasha misses you.” “Nami-miss ko na rin naman si Sasha kaya lang ay hindi naman magandang tingnan na naroon ako. Matagal na akong resigned bilang kasambahay mo,” sagot ko at maingat siyang tiningnan. “Dadalawin ko na lang siguro si Sasha kapag wala akong masyadong gagawin sa apartment.”&

  • Love Game With The Billionaire Twins   Chapter 65

    KATATAPOS ko lang maligo. Hindi ko maalis ang kaba sa aking dibdib, para bang hindi pa rin ito nakakabawi dahil sa presensya ni Eionn. Ilang beses akong huminga nang malalim habang nagbibihis sa banyo. Dahil gabi na rin naman ay minabuti kong magsuot na ng pantulog. Isang t-shirt na maluwag at pajama iyon. Nagsuklay ako ng buhok at ilang beses tiningnan ang repleksyon ko sa salamin. Maayos naman ang itsura ko ngunit ewan ko ba, para akong batang hindi mapakali sa pag-iisip na naghihintay sa akin si Eionn habang nakaupo sa aking kama. Lumunok ako at pilit na kinalma ang naghuhuramentado kong puso. Hindi pa rin ako nakakabawi sa naging halikan namin at sa bawat segundong pag-iisip no’n ay nararamdaman ko ang pag-iinit ng mukha ko. Umiling ako at hinagilap ang aking ulirat. Hindi naman pwedeng maging marupok ka agad, Elle! Marami kaming dapat pag

  • Love Game With The Billionaire Twins   Chapter 64

    PIGIL ang paghikbi ko nang maramdaman ang mahigpit na yakap sa akin ni Eionn. Maraming mga tanong ang gumugulo sa isipan ko na gustuhin ko mang isatinig ngunit napang-iibabawan ng sakit na nararamdaman ng puso ko. “Hush now, love. . . I’m sorry. I didn’t know Arlana would go that far. . .” marahan at nakaliliyo ang boses ni Eionn nang sabihin ang mga salitang ‘yon. Kinagat ko ang ibabang labi ko. Tila ba mas lalo pang umapaw ang mga luha ko ngayong narito siya sa harapan ko. “I’m sorry. . . This is my entire fault. I am sorry, Elle. . .” Lumunok ako. Masakit man sa damdamin, hinang-hina man ang katawan at tuliro man ang isipan ay hinagilap ko pa rin ang kaunting lakas mula sa kalooban ko para kumalas sa pagkakayakap niya. “Elle. . .” gulat na tawag sa akin ni Eionn. “Oo, kasalanan mo ‘to, Eionn. . .” Tuloy-tuloy ang paglandas ng mga luha ko sa aking m

  • Love Game With The Billionaire Twins   Chapter 63

    PAGKARATING sa mall, dumiretso kami ni Ehryl sa isang store na nagbebenta ng mga mamahalin at iba’t ibang uri ng gitara. Nakamasid lamang ako sa kanya habang seryoso niyang kinikilatis ang mga gitarang natatapatan, hinahaplos ang mga string ng mga ‘yon at tinitingnan ang kaledad. Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinapanood siya. Siguro nga ay nagloloko siya sa halos lahat ng bagay pero pagdating sa musika ay nagiging seryosong tao siya. Nakikita ko sa mga mata niya ang dedikasyon at pagmamahal sa karekang tinatahak niya. Lumapit ako sa kanya para usisain siya sa ginagawa. Titig na titig siya sa isang light brown na gitarang may kalakihan kumpara sa mga katabi nitong mga gitara. Makakapal ang string niyon at halatang gawa sa mataas na kalidad na kahoy at kung ano pang materyales.

  • Love Game With The Billionaire Twins   Chapter 62

    HALOS isang buwan na rin ang nakalipas magmula nang lisanin ko ang huli kong trabaho. Aminado akong hindi nababawasan ang sakit na nararamdaman ko sa puso ko, na para bang kahit dumaan na ang mga araw ay parang kahapon lang nangyari ang lahat. Hindi ko maitatanggi na nahihirapan pa rin ako dahil sa pagkabigo sa unang pag-ibig. Ganito nga siguro ang pakiramdam ng masaktan ng taong mahal mo. Iyong tipong kahit gaano mo pa subukang pawiin ang sakit para magpatuloy, hindi mo naman kayang diktahan ang puso mo. Siguro nga ay kailangan ng mahabang panahon. Hinayaan ko ang puso ko na ramdamin ang sakit at lungkot. Hinayaan ko ang sarili kong umiyak gabi-gabi, kwestyunin ang naging pagtrato sa akin ng tadhana at sisihin ang sarili dahil sa mga mali kong desisyon sa buhay. Marahil ay normal nga na ganito ang maramdaman ko pagkatapos ng mga nangyari. Hinayaan ko na lamang ang sarili ko. . . ang nararamdaman ko, umaasa

  • Love Game With The Billionaire Twins   Chapter 61

    PAGPASOK pa lamang sa pamilyar na mansyon ay sinalubong na agad ako ni Sasha. Dinamba niya ako at paulit-ulit na dinilaan ang aking pisngi dahilan para marahan akong matawa. Ramdam ko ang pagka-miss sa akin ni Sasha. Kahit ako ay na-miss din ang presensya ng asong ito. Hinaplos-haplos ko ang kanyang ulo hanggang sa kumalma siya at umalis sa pagkakadamba sa akin. Lumuhod ako at niyakap siya. “Na-miss kita, Sasha. Kumakain ka ba nang maayos?” Tumahol ito, labas ang dila at halatang nakangiti ang mga mata. Animo’y gumagaan ang mga bagay kapag may alagang hayop. Sa simpleng paglalambing nila ay parang umaayos na ang lahat. “Pasensya ka na at hindi na kita maaalagaan,” sabi ko habang patuloy na hinahaplos ang kanyang balahibo. “Mami-miss kita palagi.” “You have nothing to worry about, Calys. Eionn will take care of Sasha. M

DMCA.com Protection Status