"Ah! Oo nga! Gago talaga mga 'to, may gagawin pa pala tayo mamaya. Sige tol, mauuna na kami!" biglang sabi nung lalaki bago nakipagtulakan sa mga kaibigan para maunang umalis."Bakit 'yon?" takang tanong nila Lei at Nova."Magpapa-picture raw," I whispered to them."Sila Vince 'yon, ah?" kunot-noong tanong ni Lei habang sinusundan ng tingin iyong paalis na mga lalaki. "Mga papansin na 'yon."Napatingin ako sa bagong dating na si Kuya Kai na may hawak-hawak na pop corn. Nang makita niya ako ay ngumiti kaagad ito at kumaway bago umupo sa tabi ni Kuya Sean."Bakit nakasimangot ka diyan?" dinig kong tanong niya.Umiling lamang si Kuya Sean sa kaniya bago mabigat ang mga kamay na kumuha ng popcorn at kinain. Palihim akong natawa dahil sa ginawa niya kaya naman nag-iwas na lamang ako ng tingin."Nice one, Tim!" Lei cheered.Pinasa kaagad ni Tim kay Zayd iyong bola ay shinoot niya for three points kaya naman nagka-score na naman ang team namin."Ang galing mo, Tim!"Pansin kong panay ang bal
"Congratulations for winning the silver medal!" sigaw ko nang makalapit kami kila Brix at Zayd.Hinihintay kasi muna naming mawala ang mga tao sa mismong court bago kami bumaba para makalapit sa kanila. Zayd immediately went to Lei kaya naman hindi nalang namin sila pinansin pa."Group picture!" I suggested before taking out my phone. Kuya Sean volunteered on taking a picture of us pero sinali ko pa rin siya."I'll introduce you to Kuya Blade," mahinang sabi niya sa akin. I actually met him na noong birthday niya but we didn't had the chance to interact dahil nag-iinuman sila that time.Nagpaalam muna ako sa mga kaibigan ko bago sumunod kay Kuya Sean. Naabutan namin siyang kausap sila Kuya Kai at Kuya Axel kasama iyong girlfriend ni Kuya Blade."Ayan na pala ang taksil!" sigaw ni Kuya Kai nang makalapit kami sa kanila."Sabi mag-ccr lang daw. Hindi naman ako aware na nasa tabi ni Avril 'yong cr!" dagdag ni Kuya Axel kaya naman tumawa si Kuya Blade."Thanks sa support. Much appreciated
Nilagay ko na lamang ang cellphone ko sa loob ng purse ko bago pinilit na ituon ang buong atensyon ko sa mga candidates pero sa tuwing napapatingin ako sa gawi nila ay naabutan kong bumubulong iyong babae sa kaniya. Mag-iiwas lang ulit ako ng tingin kapag tumitingin din si Kuya Sean sa pwesto ko."But before we completely say goodbye to our reigning Miss Intramurals 2022, let's take a moment to honor her incredible journey and her year of service to RU University."Umayos ako ng tayo sa backstage nang marinig ko ang sinabi ng host. The audience erupts in applause as a video montage of my reign is displayed on the large screen."Janniza Avril has truly been an inspiration to us all, not just for her beauty but for her kindness, dedication, and commitment to making a positive impact on our campus community."The video montage concludes, and the spotlight now focuses on me. I was gracefully standing at the end of the stage, wearing my stunning evening gown."Janniza Avril, it's been an h
"Ano? Hindi ka talaga magso-sorry?" may diing tanong ni Lei."Relax, please," mahinang sabi ni Zayd sa kaniya pero hindi niya ito pinakinggan."Let's just go. You'll put yourself into trouble kapag hindi pa tayo umalis," mahinang sabi ko kay Lei."Hindi tayo aalis dito hangga't hindi sila nag sosorry sa 'yo," pagmamatigas niya kaya naman napatingin na ako kay Nova para manghingi ng tulong."You deserve an apology, Avril. Hayaan mo siya," sabi nito sa akin."Why would I apologize---""Haaaay!" malakas na sabi ni Lei na para bang naririndi na siya."Ano bang mali sa sinabi ko? Totoo namang may girlfriend talaga si Kuya Sean! Baka nga umeeksena lang 'yang kaibigan mo to ruin their relationship tapos para magkaroon na rin ng benefit sa company nila!"Napatingin ako ro'n sa babae nang matapang niyang sabihin ang mga 'yon sa harapan ko. May iilang mga estudyanteng nabulungan nang marinig ang sinabi niya."Kindly take all those words back," malumanay na sabi ko sa kaniya. "I don't mind being
Umalis din siya kaagad pagkatapos niya akong ihatid sa bahay dahil may lakad pa raw silang dalawa ni Kuya Logan.When I entered the house, bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Mommy na mukhang kakatapos lang makipag-usap sa phone."Go to your room and change. We'll eat our dinner now," seryosong sabi niya sa akin kaya naman tahimik akong nagtungo sa kwarto ko.Nagmadali akong nagbihis at naghilamos bago bumaba dahil ayaw nila Mommy na pinaghihintay sila ng matagal lalo na kapag kakain."We already got a copy from your prelims and midterms grades."Hindi pa man ako nakakaupo ay sinabi na ni Mommy iyon. I gulped before looking at her, she's obviously not satisfied with my grades.Hindi ko pa nakikita ang grades ko dahil balak ko sanang sa finals nalang din i-check. Hindi naman issue kung ayaw mong i-check ang grades mo."Paupuin mo muna ang bata, Janine," mahinang suway ni Manang bago niya ako sinenyasang umupo na."Sit down," malumanay na sabi ni Daddy kaya naman dahan-dahan akong u
I was immediately stunned when I saw the old house he was talking about. This isn't a house, this is a mansion.Napalunok ako at hindi maitago sa mukha ang pagkamangha. I know their rich pero mas lalo lang napatunayan ang yaman nila dahil sa mansion na ito!Nanatili akong tahimik hanggang sa makarating kami sa garden. I was amused on how they spread like a lush tapestry around the mansion."Avril!"Narinig ko kaagad ang malakas na boses ni Tita Shane. Agad siyang hinanap ng mga mata ko at nakitang nagmamadali na siyang lumapit sa pwesto namin."Happy birthday po, Tita!" masiglang bati ko nang tuluyan siyang makalapit sa amin."Thank you so much! I'm so glad that you're here!" tuwang-tuwang sabi niya bago ilang beses na humalik sa pisngi ko. Nasa tabi niya na ngayon si Tito Leander."Good evening po, Tito," bati ko sa kaniya bago nagmano."Good evening, hija. Mabuti at nakapunta ka. Kanina pa nakasimangot ang Tita mo dahil akala niya ay hindi ka makakapunta," kwento nito. Mahina tuloy
Everything went on smoothly. Our normal school days went on until it was only a few days away for our Paskuhan."Sinong date mo sa paskukan, Brix?" dinig kong tanong ni Zayd sa kaniya. Kakarating ko lang din dahil kumain kami ng lunch sa labas ni Sean."Si Nova nga, sino pa ba?""SI Nova? Eh, paano pala kapag may ibang date si Nova?" pagpapatuloy na tanong ni Zayd."Eh 'di wala? Ikamamatay ko ba kung wala akong ka-date?""Ano ba kasing pakialam mo?" iritadong tanong ni Lei dahil nakaupo siya sa gitna nila Brixton at Zayd. "Ganiyan ka ba ka-curious sa magiging date ni Brix kung hindi available si Nova?""Nagagalit ka na naman, eh. Tinatanong ko lang," malambing na sabi ni Zayd dito."Pakialamero ka kasi. Basta si Nova ang date ko, tapos ang usapan," pagtatapos ni Brix sa usapan nila."Wala ka bang date sa paskuhan?" baling ko kay Nova na tahimik lang habang nakikinig sa kanila.Bumaling siya kaagad sa akin. "Sino namang magiging date ko?"Nagkibit-balikat ako. "Baka bigla kang may ipak
I was patiently waiting for Sean to call me pero umabot na nang alas onse ng gabi ay hindi pa rin siya tumatawag. When the clock hit the 11:50 pm, kinuha ko iyong cellphone ko at nagtungo sa balcony ng kwarto.When the countdown started, I quickly grabbed my phone and composed a happy new year greeting for Sean dahil gusto kong eksaktong alas dose ko siya babatiin.When the time hit twelve o'clock, sinend ko na kaagad iyong text at napatingin sa langit para mapanood iyong mga fireworks displays na makikita mula rito sa kwarto ko.I was admiring the fireworks display when my phone vibrated. I smiled even more when I saw Sean's name on the screen. Mabilis kong sinagot ang tawag niya."Happy new year!" I greeted him.Narinig ko siyang mahinang tumawa mula sa kabilang linya. "Happy new year.""Kakauwi niyo lang? What are you doing?" nakangiting tanong ko. "I'm currently watching fireworks display.""I know," he told me. I heard him laugh a little. "Look down."Mabilis akong tumingin sa ba
"Nasaan ka na? Napakatagal naman nito. Galing ka bang ibang bansa? Mag-iisang oras na 'yang on the way mo!" sunod-sunod na talak ni Mikko pagkatapos kong sagutin ang tawag niya."Traffic nga. Anong gusto mo, lumipad ako?" tanong ko sa kaniya habang nasa daan pa rin ang tingin.He asked me to come to their house to help him in practicing new songs. Wala naman akong ginagawa kaya pumayag na lang din ako."Tawagan mo ako kapag malapit ka na."Pinatay na niya ang tawag kaya muling tumahimik sa kotse ko. When I arrived at their house, mabilis kong kinuha ang cellphone ko para tawagan siya. I can just enter their house but when I went to the front door, wala sa sarili akong napasilip sa glass window nila at nakitang nandoon si Brix kasama ang mga kaibigan niya.I stopped dialing Mikko's number and unconsciously looked at the girl with the blue hair clip. She was busy telling something while her friends were in full ears. I can't help but to smile while looking at her. She really looks hands
"I'm doing fine," I told her a few minutes after being silent. "Sean is always taking care of me.""I'm really glad to hear that," tumatangong sabi niya. "To be honest, I--- I really have something to tell you.""What is it?" tanong ko kaagad."I'm opening a small restaurant tomorrow. I know this is too much to ask but I still wanted to invite you for the mini opening."I bit the inside of my cheeks when I heard. She's opening a restaurant? Bata palang ako alam kong magaling talaga si Mommy when it comes to business and knowing the family she came, alam kong hindi naman siya mahihirapang magsimula ulit."May I know the other details?" I asked her, remaining a poker face."Eight in the morning," she said. "Don't worry. My family isn't coming. I only invited you and some of the staff and people I know personally.""Titingnan ko po," tipid na sagot ko kahit na alam ko sa sarili kong pupunta ako. Of course, I would still love to come. I wanted to show her support."You can invite Sean if
My life went on normally. Wala namang nagbago bukod sa palaging nakadikit sa akin si Sean. Sa tuwing wala akong flight ay gumagawa talaga siya ng paraan so he can stick beside me. Hindi ko alam pero napansin kong habang tumatagal ay mas nagiging clingy siya lalo sa akin and I'm not complaining."Hug?" tanong sa akin ni Sean, pumipikit-pikit pa ang mga mata niya dahil kakagising niya lang din. Nakatulog kasi siya kagabi habang nanonood kami ng movie kaya hindi ko na lang din siya ginising pa.I extended my arms on him to give him a hug. Mabilis naman siyang lumapit sa akin at sa sobrang aggressive ng pagkakayakap niya sa akin ay napasandal ang likod ko sa backrest ng sofa."Clingy mo, ah?" natatawang tanong ko sa kaniya habang bahagyang sinusuklyan ang buhok niya gamit ang daliri ko."Love..." he called me, his eyes still closed. "Can I ask you a question?"Bahagya akong tumawa. "You're already asking me na," I said.Nagmulat siya ng mga mata bago maingat na inabot ang kamay ko. Maraha
"Nagkabalikan na nga kayo?"Napapikit ako nang muling itanong ni Lei sa akin iyon. Alas sais palang ng umaga nang dumating siya dito at hanggang ngayon ay tinatanong niya pa rin iyon kahit na ilang beses ko na rin siyang sinagot."Balak mo bang itanong sa akin 'yan hanggang matapos ang araw na 'to?" nauubusan na ng pasensya na tanong ko sa kaniya."Hindi naman." Umiling siya. "Wala. Hindi na kita magagawang maid of honor niyan kasi kailangan partner kayo ni Kuya Sean," she pouted."Pwede mo pa rin naman akong gawing maid of honor. Ano naman kung hindi kami partner?" tanong ko."Mas maganda kung partner kayo!" she suddenly shouted kaya naman bahagya akong nagulat. Tumayo siya para lumapit at umupo sa harapan ko. Tahimik niyang inabot ang dalawang kamay ko bago hinawakan iyon."Are you happy?" seryosong tanong bigla sa akin.Matagal ko siyang tinitigan sa mukha bago unti-unting tumango bilang sagot. "Of course, Lei. I am beyond happy.""Is this really what you want? Are you sure you can
"What the hell was that?! Why did he kiss you on your forehead?!"As soon as Sean left, Lei immediately dragged me inside the house. Nanlalaki ang mga mata niya na parang naguguluhan sa nasaksihan kanina."Oh my God! Nagkabalikan na ba kayo?! Ano? Kayo na ulit?! Kailan pa? Bakit hindi mo sinabi sa akin?! I should be the first one to know!"Napasapo ako sa noo ko. This is the reason why I prefer to tell them in a nice way. Kung biglaan kasi, talagang ganito rin ang magiging reaksyon ni Lei."Kanina lang, okay? Nag-usap kami kanina," sagot ko."Kanina?! During our engagement party?! So, naging tulay pa pala itong party namin sa inyo?"Nagkibit-balikat ako. "Siguro. Parang ganun na nga.""Bruha ka!"Kung hindi lang siguro pagod at nakainom si Lei ay talagang aabot kami ng umaga para makwento ko sa kaniya ang lahat ng nangyari simula noong alumni party.The next day, tinanghali na ako ng gising. Sobrang sakit ng ulo ko dahil sa hang over kaya naman naligo na ako bago tuluyang bumaba para
"Where are you confused, Ril? For what specific reason are you confused?"Napayuko ako at marahang minasahe ang sintido ko. Masakit na ang ulo ko kakaisip sa mga kung anumang pwedeng mangyari."I don't know," tanging nasabi ko na lamang."Is it about your ex?"Unti-unting akong nag-angat ng tingin sa kaniya. Kahit kailan ay hindi niya sinubukang magtanong tungkol sa ex ko o tungkol kay Mommy dahil alam niyang sensitive ang topic na iyon sa akin.He licked his lower lip when he saw my reaction. "Does he... hurt you? Does he make you cry? What did he do to you?"'Mabilis akong umiling sa kaniya bilang sagot. "We just talked. I gave him the closure that he had been wanting. Sinabi ko na sa kaniya lahat...""Does he... want to reconcile?""Hindi ko alam," mahinang sagot ko. "I've been wanting to contact him. Pero hindi ko magawa... hindi ko kaya.""Do you..." Napakagat siya sa ibabang labi niya bago pinasadahan ng mga daliri ang kaniyang buhok. "... still love him?"Nakita ko kung paano s
"Water party?" tanong kaagad ni Tyler. Madaling araw na kaya naman nagulat ako nang makitang nandito pa siya sa living room at gising pa. "I told you to call me so I can pick you up. What happened to you?" takang tanong niya bago kumuha ng towel para ipatong sa akin."Ty..." tawag ko sa kaniya. He immediately opened his arms for me, signalling me for a hug. Mabilis akong lumapit sa kaniya para yumakap. "I'm tired," bulong ko bago hinayaan ang sariling umiyak sa kaniya."What happened?" Mas lalong nagpakita ang pag-aalala sa mukha niya. "Who made you cry? Did something happened during the party?" seryosong tanong niya. "Tell me, Ril. Who made you cry? Who hurt you?""No one," umiiling na sagot ko sa kaniya. "I'm sorry.""What are you sorry for?" mahinang tanong niya. He held my face and wiped my tears away using his thumb. "Hmmm?"Hindi ko magawang ikwento sa kaniya ang nangyari bagkus ay umiyak lamang ako ng umiyak sa kaniya. Nakatulog ako habang nakayakap sa kaniya. Paggising ko, nas
Naghiyawan ang mga tao, nangunguna si Lei. Pakiramdam ko ay namumula na ang mukha ko dahil sa tanong. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. He's talking about me and Sean, right? Wala naman akong ibang naging boyfriend bukod sa kaniya."Not anymore," mahinang sagot ko.Disappointment flashed on their faces after I answered. May mga nagbulungan at nagtanong kung bakit, kung kailan, at kung paano."Kalma!" tumawa si Chris, iyong host namin ngayong gabi. "Ito na lang ang tanong. Are you single, taken, engaged, or married?""Uh," awkward akong tumawa. "I'm single.""May pag-asa pa! Uso comeback!" malakas na sigaw ng isang lalaking hindi ko kilala. Umani iyon ng malakas na tawanan."Sorry kay Sean pero huwag na! Give chance to others!""Gago!" Malakas na sigaw ni Kuya Kai mula sa gilid ng stage."Hoy, tangina mo, Arturo! Swerte mo wala si Sean dito!" tumatawa ring sigaw ni Kuya Axel."Gago, nasa likod si Kuya Sean!"Sabay-sabay kaming napatingin sa likuran. Nakapamulsang naglalakad si Se
"Talk?" tanong ko. "Ano namang... pag-uusapan natin?""It's been four months since you came back yet we still haven't talk about what happened three years---""That was three years ago already, Sean. Do we really have to talk about it?" putol ko sa kaniya."Of course," he whispered, mukhang hindi niya inaasahan na itatanong ko iyon sa kaniya. "Don't you want to talk about it?""Hindi naman sa ayaw." Umiling ako. "Nakainom ka kasi. Let's just talk when you're---""Sober?" mabilis na putol niya sa akin. "That's what you told me the last time I tried to talk to you..."I looked away, feeling guilty. I know he deserves to know everything for him to start moving forward. But why does it feels illegal to me na ibigay sa kaniya ang closure na gusto niya dahil ayoko siyang umabante? I want to be stuck in our past relationship with him. Gusto ko... pareho kaming hindi makausad."Ano pa bang gusto mong malaman?""About what exactly happened.""Hanggang ngayon nakakulong ka pa rin sa nangyari?"