Alistair Point of view "Isa na lang ang nakikita kong solusyon para matapos na ang lahat ng problemang ito, Alistair." ani ni Mama na siyang bumasag sa katahimikan naming lahat. Seven thirty na ng umaga at kasalukuyan kaming kumakain ng agahan.Nahinto ang akmang paghigop ko sa aking mainit na kape at muling ibinaba ang hawak kong mug bago bumaling kay Mama."What is it, Mama? ani ko habang matamang naghihintay sa susunod na sasabihin nito, maging si Papa ay lumingon sa kanya na tila interesado sa tinuran nito."kailangang maikasal kayo ni Ashley sa lalong madaling panahon, nakausap ko na si Samuel at hindi ka maaaring tumutol dahil nakalagay sa kasunduan ng mga Hernandez at ng Welsh family na sa oras na hindi tayo tumupad ay mapupunta sa kanila ang ating kumpanya. Silyado ang kasunduang iyon Iho, at ang kumpanyang pinag-aagawan ninyo ay kasalukuyang naka time deposit sa bangko ang mga dokumento nito. Sa pagkakatanda ko ay isang buwan na lang ang nalalabing panahon at sa oras na hind
"P-pakiusap, ayoko na, hayaan mo na akong makaalis…" ani ng babaeng pilit na magmakaawa kay Alistair ngunit walang pakialam ang binata at nanatili lang itong nakapatong sa babae habang nakatukod ang kanyang mga tuhod sa kama pati ang mga kamay nito. Nanginginig ng husto ang kanyang katawan at tagaktak na ang pawis sa mukha nito ngunit patuloy pa rin siya sa pag-indayog, sinisikap na maibsan ang init ng kanyang katawan. Halos ito na ang kadalasan niyang ginagawa, ang gawing parausan ang mga babae upang patunayan na hindi siya inutil. Nahihirapan na ang babae sa kanyang ilalim habang nakadapa ito at patuloy na nakikiusap na tigilan na siya nito. Ramdam ng babae ang bigat ng binata at pakiramdam niya anumang oras ay madudurog na ang kanyang mga buto. Pagkatapos ng ilang minuto ay pabagsak na humiga ang binata sa gilid ng babae, inabot ang wet tissue saka tinanggal ang condom mula sa kanyang alaga."Get out." Matigas niyang utos sa babae na parang akala mo ay isang basura lang sa kanyang
Ashley Point of view"Kanina pa ako palakad-lakad dito sa loob ng aking kwarto at hindi na ako mapakali dahil ilang oras na lang ay batid ko na darating na ang susundo sa akin. Nanginginig ang aking mga kamay dahil sa pinaghalong takot at kabâ, kailangan kong gumawa ng paraan upang matakasan ang nalalapit na kasal ko sa nag-iisang anak ng mga Welsh.Mabilis na hinagilap ang aking telepono at idinayal ang numero ng bahay nang aking kapatid na si Thalia. Batid ko na mali itong gagawin ko ngunit sa mga oras na ito ay hindi na ako makapag-isip ng tama. Ang kapatid ko na lang ang tanging naiisip ko na siyang makakatulong sa problemang kinakaharap ko. Matapos ang dalawang ring ay narinig ko ang malambing na tinig ni Thalia mula sa kabilang linya."Hello?" Anya ng isang malumanay na boses, nang marinig ko ang tinig nito ay nakadama ako ng pag-asa mula sa aking puso. Kilala ko ito alam ko na hindi niya ako matitiis at gagawa ito ng paraan upang matulungan ako.”"T-Thalia! pakiusap, kailangan k
Thalia's Point of viewNaalimpungatan ako ng maramdaman ko ang maligamgam na tubig sa aking katawan. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at tumambad sa aking paningin ang loob ng banyo habang ang aking katawan ay nakalubog sa bathtub na puno ng tubig. Napabalikwas ako ng bangon mula sa bathtub ng huminto ang aking paningin sa dalawang babae na nakatayo sa bandang paanan ko kaya halos magtalsikan ang tubig sa sahig."S-sino kayo? nasaan ako?" Magkasunod kong tanong bago mabilis na tinakpan ng aking mga kamay ang pribadong bahagi ng aking katawan na nakahantad sa kanilang paningin.Kumilos ang dalawang babae at lumapit sila sa akin, ang isa ay maingat na tumalungko sa aking tabi upang sabunin ang aking katawan habang ang isa naman ay pumwesto sa aking ulunan na mukhang may balak itong paliguan ako dahil nakita ko ng damputin nito ang shower at inilapit sa aking ulo."S-Sandali! hindi na kailangan pa na ako'y inyong paliguan, a-ako na… maaari na kayong lumabas." May pag-aatubili
Alistair's Point of view"Hindi ko inaasahan ang biglang pagkikita namin ni Thalia, gusto kong tumayo at sugurin ito ng yakap ngunit nakalimutan ko na hindi ko nga pala maigalaw ang aking mga paa. Muli na naman akong sinampal ng katotohanan na hindi na ako nababagay sa dalaga. Ang matinding pananabik sa puso ko ay napalitan ng galit at matinding panliliit sa aking sarili. Mahigpit kong naikuyom ang aking mga kamay at halos manginig ang katawan ko dahil sa matinding galit ngunit sinikap ko pa ring maging mahinahon sa paningin ng lahat."Nasaan ang kapatid ko?" matigas niyang tanong sa akin pagkatapos ako nitong sampalin. Lihim akong napangiti dahil malaki na ang kanyang pinagbago at higit siyang gumanda sa aking paningin. Ang dating itim nitong mga mata ngayon ay light brown na, na kadalasang nakikita sa mga banyaga. Hindi pa rin nawawala ang pagiging mahinhin nito ngunit naging matapang na ito na parang sa isang tigre. Naaaliw na pinagmasdan ko ang expression ng kanyang mukha at hindi
Thalia's Point of view"Pagkatapos ng isang oras na biyahe ay huminto ang aming sinasakyan sa tapat ng isang malaking bahay, o mas tamang sabihin na Villa. Bumukas ang pintuan ng kotse sa aking tapat kaya bumaba na ako ng sasakyan at mula sa kabilang side ay pinagtulungang ibaba ng kanyang mga tauhan si Mr. Welsh. Pinaandar niya ang wheelchair papasok sa loob ng bahay habang ako ay nakasunod lang sa likuran nito. Iniisip ko kung anong damit ang gagamitin ko dahil wala akong dalang gamit kahit isa, at labis akong nag-aalala na baka ng mga oras na ito ay umiiyak na ang anak ko. kailangan kong makausap si Mr. Welsh upang magpaalam na uuwi muna ako para kumuha ng mga ilang gamit hindi ko maaaring sabihin sa kanya ang tungkol sa aking anak. Kahit na asawa ko na ito ay hindi ko pa rin siya kilala at hindi ko rin alam kung magkakasundo ba kami nito kaya mas mabuting maging pribado ang buhay ko sa kanya. Mas mainam na kilalanin muna namin ang isa't-isa bago ako bumuo ng isang desisyon para s
Thalia's Point of view"Parang may kung anong bagay ang humahalukay sa aking sikmura at matinding kilabot ang kumalat sa buong katawan ko ng lumapat ang kanyang mga labi sa aking bibig. Pamilyar sa akin ang pakiramdam na ito at hindi maikakaila na kay tagal kong pinananabikan na muling maramdaman ito. Tuluyan na akong natangay sa mapusok niyang mga labi at labis kong ikinagulat ang pagpatong niya sa ibabaw ng aking katawan. Ramdam ko ang labis na panggigigil nito at kulang na lang ay kagatin niya ang labi ko, batid ko na kinokontrol niya ang kanyang sarili na huwag akong masaktan dahil ramdam ko ang ibayong pag-iingat sa mga haplos nito.Natigilan ako ng gumapang ang kamay niya patungo sa pagitan ng aking mga hita, sinikap kong hulihin ang kamay nito ngunit huli na ang lahat dahil kasalukuyan ng sapo mainit niyang palad ang aking pagkababae. Biglang huminto sa paggalaw ang mga labi nito at saglit na inilayo ang mukha sa akin saka diretsong tumitig sa aking mga mata.Pakiramdam ko ay
Thalia’s Point of viewHalos hindi ko maigalaw ang aking katawan pakiramdam ko ay para akong binugbog ng sampung demonyo. Hindi ko sukat akalain na ganito katindi ang lalaking ito pagdating sa kama, dahil tinalo pa niya ang isang taong walang kapansanan. Napakislot ako ng may maramdaman akong isang bagay sa aking tagiliran. Kahit tulog ang magaling na lalaki ang kanyang alaga naman ay gising.Sinubukan kong bumangon ngunit naramdaman yata niya ang tangkâ kong pagbangon kaya mas lalong humigpit ang pagkakayakap ng braso niya sa aking baywang.Tirîk na ang sikat ng araw mula sa labas kaya batid ko na tanghali na.“Mr. Welsh, maaari bang tanggalin mo ang iyong braso sa aking katawan sapagkat tanghali na.” Naiinis kong saad bago pilit na inalis ito sa aking katawan ngunit natigilan ako ng maramdaman ko na may tumutusok mula sa aking likuran. Ilang sandali pa ay pilit na ipinasok ang kanyang sandata sa aking loob kaya nakaramdam ako ng hapdi. Pinilit kong lumayo sa kanya ngunit kay higpit
One year later…“Ahhhh! Pagkatapos ng isang malakas na sigaw ay kasabay nito ang paghawi ni Marco sa mga gamit na nasa ibabaw ng kanyang lamesa. Malakas na nag taas-baba ng kanyang dibdib sanhi ng matinding galit. Maya-maya ay nanlulumo na naupo siya sa kanyang swivel chair. Mula sa kanyang balintataw ay biglang lumitaw ang imahe ng kanyang asawa. Iniisip niya ngayon kung ano na ang kalagayan nito marahil ay malaki na ang kanilang anak. Sa isang iglap ay napuno ng kalungkutan ang puso nito at nakadama ng pananabik na masilayan ang kanyang mag-ina kaya isang desisyon ang nabuo mula sa kanyang isipan. Mabilis na tumayo at inayos ang lahat ng kanyang gamit. Bitbit ang isang makapal na envelope na lumabas ng kanyang opisina.Isang taon ang mabilis na lumipas ng maluklok siya bilang isang CEO ng WELSH company. Habang si Alistair ay tuluyang tinalikuran ang kanyang mana. Nagsikap siya na maitaguyod ang sariling kumpanya na kanyang pinaghirapan. Dahil sa malaki ang tiwala sa kanya ng mga i
Mula sa labas ng resthouse ay nahinto sa pagwawalis si Alice dahil sa isang mamahaling sasakyan na pumarada sa mismong tapat ng bahay. Maging si Nelia na nagdidilig ng halaman ay sandaling tumigil sa kanyang ginagawa at kapwa nakatingin sa isang makintab at itim na sasakyan.Ilang sandali pa ay bumaba ang sakay nito at ganun na lang ang labis na pagkagulat ng dalawa ng makita nila si Ali. Kalaunan ang gulat sa kanilang mga mukha ay napalitan ng galit.“Ano ang ginagawa mo dito?” Galit na tanong ni Nelia sabay harang sa dinaraanan ni Alistair ngunit nanatiling seryoso ang mukha nito na hindi apektado sa galit ng mga taong kaharap.“Kukunin ko ang asawa ko.” Matigas na sagot ni Alistair bago nilampasan nito ang dalawa. Nanlaki ang mga mata ng magkapatid at hindi makapaniwala sa kanilang mga narinig. Diretsong pumasok si Alistair sa loob ng bahay ng walang paalam dahil iniisip niya na pag-aari din niya ang lahat ng ito. Sapagkat ang lahat ng pag-aari ng kanyang asawa ay pag-aari din niya
Alistair Point of view“Kanina pa ako hindi mapakali sa aking kinahi-higaan, hindi ako makatulog dahil sa malakas na kabog ng dibdib ko. Wala sa loob na bumangon at lumipat sa aking wheelchair. Sa totoo lang ay dalawang araw na akong walang maayos na tulog dahil nasanay na ako na nasa tabi ko si Thalia. Parang hindi ko yata kayang panindigan ang aking galit dahil ngayon ay hinahatak ako ng aking katawan patungo sa naka-saradong silid ng aking asawa. Pinihit ko ang seradura ng pintuan at tuluyan itong binuksan ngunit sumalubong sa akin ang bakanteng silid.Inisip ko na baka nasa loob lang siya ng banyo, tuluyan na akong pumasok at isinarado ang pintuan. Nakakabinging katahimikan ang nangingibabaw sa loob ng silid kaya batid ko na walang tao sa loob ng banyo. Pinaandar ko ang wheelchair patungo sa closet at ng buksan ko ito ay wala na ang ilang pirasong damit ni Thalia maging ang ilang importanteng gamit nito. Nilamon ng matinding takot ang puso ko dahil sa isipin na tuluyan na akong
Thalia’s Point of viewIsang araw na ang lumipas at parang dinudurog ang puso ko dahil sa malamig na pakikitungo sa akin ng aking asawa. Mula ng magalit siya sa akin ay sa ibang kwarto na ito natutulog ni hindi niya ako magawang hawakan. Wari moy isa akong taong may sakit na ketong kung kanyang pandirihan. Ganun pa man ay hindi ako nagtanim ng galit sa kanya bagkus ay higit ko pang nilawakan ang aking pang-unawa. Sapagkat ako ay umaasa na maayos din ang sigalot na ito sa pagitan naming mag-asawa. Alang-alang sa aming anak ay magtitiis ako at gagawin ko ang lahat para lang mabigyan ko ito ng isang buo at masayang pamilya.Lumabas ako ng kwarto at tumungo sa kusina ngunit isang bakanteng lamesa ang sumalubong sa akin. Batid ko na hindi na naman kumain si Alistair at labis akong nababahala para sa kanyang kalusugan. “Manang, hinatiran na ba ng pagkain ang aking asawa?” Malumanay kong tanong sa aming Mayordoma. “Naku, Iha, simula kahapon ay walang maayos na pagkain si Señorito dahil la
“Ahhhh!” “Crash!” Nilamon ng malakas na sigaw ni Marco ang buong kabahayan. Sumabog na siya sa matinding galit dahil isang katotohanan ang kanyang natuklasan. Kahit anong gawin niya ay kailanman hindi niya matatalo ang pinsan na si Allistair dahil bago pa man ito nadisgrasya ay nabuntis na niya si Thalia.Malinaw pa sa sikat ng araw na isa siyang talunan at ang lahat ay tuluyan ng mawawala sa kanya. Biglang pumasok mula sa kanyang isipan ang imahe ng asawa kaya lalong nagpupuyos ang kanyang kalooban.“Hindi ako papayag na magtagumpay ka na makuha ang lahat sa akin, Alistair…” nanggagalaiti niyang bulong sa hangin. Mabilis na dinampot ang susi at kaagad na tinungo ang kinaroroonan ng kanyang pinsan. Determinado siya na sirain ang buhay nito.Alistair Point of View“Sir, Mr. Marco was here, he wants to talk to you.” Magalang na pagbibigay alam ng aking secretary, kumunot ang noo ko dahil labis akong maguguluhan kung ano ang kailangan sa akin ni Marco. Ngayon lang na nangyari ito na sina
Thalia’s Point of view“Bakit ang lalim yata ng iniisip mo?” Nag-aalala na tanong sa akin ng aking asawa. Kasalukuyan kaming nandito ngayon sa loob ng kwarto. Alas nuebe na ng gabi at naghihintay na lang kami kung kailan dalawin ng antok. Itiniklop ni Ali ang laptop na nakapatong sa mga hita nito at inilagay ito sa ibabaw ng maliit na side table kung saan nakalagay ang lampshade. Isinandal niya ang likod sa headboard bago matamang tinititigan ang aking mukha.Bumangon ako mula sa pagkakahiga at lumipat sa kanyang kandungan, umupo ako paharap sa kanya bago isinandig ang aking ulo sa dibdib nito. Dinig ko ang bawat pintig ng kanyang puso na para bang musika sa aking pandinig na sinamahan pa ito ng init na nagmumula sa kanyang katawan kaya pakiramdam ko tuloy ay para akong idinuduyan.“Nag-aalala kasi ako kay ate Ashley, baka mamaya ay sinasaktan siya ni Marco.” Ani ko sa malungkot na tinig bago ko niyakap ang may kalakihan niyang katawan. Narinig ko na nagpakawala siya ng isang mabigat
“Thalia, may bisita ka.” Natigil ako sa aking ginagawa ng marinig ko ang sinabi ng aming Mayordoma. Nagtataka ako kung sino ang bisita na sinasabi nito gayong wala naman akong ibang maisip na pwedeng dumalaw sa akin dito. Wala ngayon ang aking asawa dahil may dinaluhan ito na isang mahalagang meeting.Pagdating ko sa bungad ng hagdan ay sumalubong sa akin ang malungkot na mukha ng aking kapatid na si Ashley. Nakaupo siya sa mahabang sofa habang panay ang pisil ng kanyang kanang kamay sa kaliwang kamay nito kaya hindi maikakaila ang pagiging balisâ ng aking kapatid. Nang maramdaman niya ang presensya ko ay may pagmamadali itong tumayo bago ngumiti sa akin. Matinding kasiyahan ang naramdaman ko dahil hindi ko inaasahan na dadalawin ako nito sa mismong tahanan namin.“Ate Ashley!” Masaya kong tawag sa kanyang pangalan bago ito sinugod ng yakap. Mahigpit naming niyakap ang isa’t-isa, naramdaman ko na yumugyog ang kanyang mga balikat tanda na umiiyak ito habang nanatiling mahigpit ang pag
“Ahhhh…” walang ibang maririnig sa buong kwarto kundi pawang mga ungol na nagmumula sa bibig ni Marco. Patuloy niyang hinahalikan ang mga labi ni Ashley habang walang habas na naglalabas masok ito sa lagusan nito. Mariing nakapikit si Ashley habang nilalasap ang ligayang dulot ng pag-iisa ng kanilang mga katawan. Ilang sandali pa ay umangat ang kanyang likod mula sa higaan ng isagad ng asawa ang sandata nito sa kanyang sinapupunan. Bahagya pang napangiwi ang kanyang mukha ng kagatin siya ni Marco sa balikat. Hindi niya ininda ang sakit dahil nasasapawan ito ng sarap mula sa magkahugpong nilang katawan. “Ouch! Ano ba? nasasaktan na ako!” Naiinis kong sabi habang pilit siyang itinutulak palayo sa akin. Balewala ang lakas ko dahil nagpatuloy lang ito sa kanyang ginagawa na para bang walang pakialam sa akin. Hindi ko alam kung ilang oras na ang lumipas simula ng may mamagitan sa aming dalawa. Madalas na ganito ang ginagawa niya sa akin, aangkinin kung kailan niya gusto at kung sakalin
Kasalukuyan akong naglilinis sa loob ng kwarto namin ni Alistair dahil wala akong magawa ay naisipan kong ayusin ang aming mga gamit. Halos natapos ko ng linisin ang lahat at isang cabinet na lang ang natitira. Lumapit ako dito habang bitbit ang isang basahan. Binuksan ko ito upang simulan na sanang linisan ngunit natigilan ako sa mga bagay na tumambad sa aking paningin. Para akong natuklaw ng ahas dahil pamilyar sa akin ang mga gamit na nasa aking harapan at kahit pa yata nakapikit ako ay makikilala ko pa rin ang mga gamit na ito.Kunot noo na kinuha ko ang lumang makinilya maging ang mga ilang pirasong papel. Ilang sandali pa ay kusang pumikit ang aking mga mata at bigla ang pagdaloy ng mga alaala mula sa aking isipan. Ang bawat parte ng mga alaala sa amin ni Ali maging ng lalaking pinakasalan ko ay ngayon ko lang napagtugma-tugma.Habang nakapikit ay narinig ko na bumukas ang pintuan ng kwarto. Nagsimulang bumangon ang matinding kilabot sa buong pagkatao ko dulot ng matinding ten