Share

Love And Justice
Love And Justice
Author: miss rishel

Chapter 1

Klent Pov.

"Happy birthday Klent " bati ni Mommy dala dala ang isang cake.

Ngayong araw ipinagdiriwang namin ang sampung  kaarawan ko. Inikot ikot ko ang tingin sa buong paligid ng hindi makita si Daddy.

" Klent surprise" bigla nalang siyang lumabas habang hawak hawak ang paborito kong laruan.

" Daddy I miss you" mabilis akong tumakbo papalapit sa kanya minsan lang siya umuwi ng bahay dahil inasikaso niya ang negosiyo ni Lolo, isang mahigpit na yakap ang sinalubong ko sa kanya.

" Did you miss me?"

" Ofcouse Dad I miss you" tugon ko bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya at kinuha ang laruan

" Ate moonlight nandito karin" masigla kong saad ng makita siya. Siya ang nagsisilbing personal secretary ni Daddy kaya palagi silang magkasama.

" Maligayang kaarawan, Young Master " bati niya saka yumuko

" Klent mayroon akong ibibigay sayo" inibas ni Daddy sa bulsa niya ang isang kulay itim na singsing.

" Dad para saan ito?"  Tanong ko nang matapos niyang mailagay sa aking palad ang singsing.

" This ring is respresents me and you're mother ipangako mong iingatan mo ito" nakangiti niyang sabi may ibibigay sa kanya si Moon na isang kwentas inilagay ni Daddy ang singsing bilang pendant ng kwentas.

" Thank you Dad I love you"

" Mga bata magsisimula na ang palabas" Tawag ng Mamang magician tumalon talon ako sa tuwa bago lumapit sa mga batang nagkukumpulan. 

Ilang sandali pa ay umalingaw ngaw ang putok ng baril malapit sa gate.  Lahat ng mga bisita nagsitakbuhan papasok ng mansyon.  Tumakbo si Ate Moon papalapit sa akin at kinarga ako papasok ng bahay.

" Mom, Dad" sigaw ko lumapit silang dalawa sa amin ni Ate Moon nakita ko silang dalawa na may hawak na baril.

" Klent  sumama ka muna sa Ate Moon mo mamaya na tayong magkita"

" Mahal ka namin" sabay nilang sabi, isang mahigpit na yakap at halik sa noo ang natanggap ko galing sa kanila.  Magkasama silang tumakbo papalayo sa amin ni Ate Moon.

" Mom, Dad please huwag niyo akong iwan"

" Klent  gumising ka" naimulat ko ang aking mga mata inalalayan ako ni Ate Moon na bumangon saka binigyan ng isang basong tubig.

" Uminom ka muna" mabilis ko yung kinuha at ininom

" Ate Moon huwag kang mag alala ayos lang ako" sabi ko alam kong nag aalala siya sa tuwing magkakaroon ako ng masamang panaginip. Sa loob ng maraming taon bumabalik parin sa alalaala ko ang mga nangyari dati hindi ko akalain na yun na ang huling pagkakataon na makikita ko sila.

Sabi ni Ate Moon namatay sila sa pag atake ng mga kalaban. Hindi ko alam kung paano nagkaroon ng kalaban sina Mommy at Daddy gusto kong malaman ang totoo pero sa tuwing magtatanong ako iniiba ni Ate Moon ang usapan. Pakiramdam ko tuloy mayroon siyang tinatago sa akin.

" Ayos ka lang ba?" 

" Oo naman anong oras na ba?" Tanong ko kinuha niya ang orasan na nakalagay sa side table ng kama.

" 5:00 am" tugon niya bago yun binalik

" Ayaw ko ng matulog maliligo na ako para mamaya aalis nalang ako" sabi ko sabay bangon sa kama ngayong ang unang araw ko sa kolehiyo.  Tinapunan niya ako ng isang makahulugang tingin kaya napatigil ako sa paglalakad.

" Spill it already Ate Moon" nakakunot noo kong sabi alam kong mayroong naglalarong bagay sa utak niya.

" I'm just thinking  what if one day you will bring a girl here tapos ipapakilala mo siya bilang girlfriend mo. Iniisip ko na kung ano ang gagawin ko kapag nangyari yun" saad niya na mayroong ngiting mapaglaro sa kanyang labi

" Huwag mong isipin yun hinding  hindi ako magdadala ng isang babae dito" I spoke with assurance dumeretso ako sa banyo at nagshower ng malamig na tubig.

Pagkatapos kung tanggalin lahat ng suot kong damit binuksan ko ang shower at hinayaang bumagsak ang malamig na tubig sa aking katawan. Kinuha ko ang sabon sa lalagyan bago simulan ang pagsasabon sa katawan ko. Napahinto ako bigla ng makita ang isang tattoo sa dibdib ko. Hindi ko alam kung saan ko ito nakuha ang sabi ni Daddy isa itong pagkalanlan na isa akong Montefalcon

Pagkatapos ng kalahating oras lumabas ako ng banyo. I didn't wear anything sanay na kasi ako na walang sampot kapag lumalabas ng banyo.  Ilang sandali pa ay lumipad ang damit patungo sa direksyon ko dahil sa gulat hindi ako nakailag kaya tumama yun sa mukha ko.

" Ate Moon kailangan mo ba talagang gawin yun" reklamo mo bago pinulot ang damit sa sahig.

" Ilang beses ko ng sinabi sayo na magdamit ka kapag lumabas ng banyo" paalaala niya ulit.

" Hindi ko na uulitin" I uttered saka kinuha ang inabot niyang damit napatingin siya bigla sa aking tattoo kasabay noon ang paglitaw ng malungkot na ngiti sa kanyang labi.

" Huwag mong hahayaan na makita yan ng iba" tumango ako araw araw nalang paulit ulit niya yung sinasabi.

" Ipaghahanda lang kita ng pagkain" sambit niya lumabas siya ng kwarto para maghanda ng almusal.  Tinanggal ko ang kwentas na aking suot at nilagay sa drawer nagtataka ba kayo kung bakit ko tinanggal, yan ang isa sa pinakabilin ni Ate Moon dapat daw walang makakakita sa kwentas ko lalong lalo na sa tattoo ko sa katawan.

Matapos kong masuot ang aking damit sumunod ako sa kanya sa labas. Nagluluto siya ng pagkain sa kusina ako naman dumeretso sa sala binuksan ko ang television para manood ng balita.

Napako ang mga mata ko sa isang larawan na pinalabas sa television. Venice Chua a young model galing sa America mayroon siyang interview sa isang morning talk show.

" Handa na ang pagkain" tumayo ako sa sofa ng marinig ang tawag ni Ate Moon

" Wow ang sarap niyan" natatakam kong sabi bago umupo mabilis kong nilantakan ang mga pagkain na niluto niya.

" Dahan dahan kailan kaba matututo ng tamang etiquette sa pagkain" pangaral niya hindi ko siya pinansin basta pagkain ang kaharap ko wala na akong pakialam sa ibang bagay.

" Sobrang sarap ng niluto mo the best" puri ko na abala sa pagsubo bigla niya nalang ako pinitik sa noo kaya napatigil ako.

" I'm sorry hindi na mauulit" I uttered tumayo siya sa harap ko at kumuha ng kape  pinagpatuloy ko lang ang pagkain hangang sa maubos ko lahat ng niluto niya.

" Im full" napahawak ako sa tiyan sabay dighay sobrang busog ako matapos ubusin ang dalawang platong kanin. 

" Uminom ka ng gatas" tinitigan ko ang gatas bago napatakip sa bibig  hindi ko na kayang uminom pa ng kahit ano.

" Alis na ako" mabilis akong kumilos pabalik ng kwarto binaling ko ang tingin sa orasan sa side table ng kama.

6:30 am na pala ng umaga kinuha ko ang uniform na nakatago sa kabinet para makapagbihis. Napapakanta pa ako habang nag aayos, lumapit ako sa salamin at tinitigan ang sarili isang kindat ang pinakawalan ko bago lumabas ng kwarto.

" Ate Moon aalis na ako"

" Mag iingat ka at tandaan mo ang mga sinabi ko sayo" paala ulit niya niyakap ko siya ng sobrang higpit nakasanayan ko na kasing gawin yun.

" Umalis kana baka mahuli ka" tumakbo ako palabas ng condo binuksan ko ang driver ng sasakyan saka mabilis na pinaharurot papunta ng University.

Pinarada ko ang sasakyan sa parking lot ng school. Nanlaki ang aking mga mata ng makita kung gaano kalaki ang napiling university ni Ate Moon para sa akin. Napatingin ako bigla sa paligid ng maramdaman ang mga tingin na nakatutok sa akin. Lahat yata ng students dito pinagmamasdan ako hindi ko tuloy maiwasang mailang.

" Anong ba ang problema nila?" Bulong ko sa sarili bago naglakad papasok ng school.

Habang naglalakad may nabangga akong isang babae sa hallway nalaglag ang hawak niyang libro mabilis akong kumilos para kunin yun at ibigay sa kanya.

" Miss pasensiya na" ngumiti lang siya sa akin saka kinuha ang libro na inabot ko.

" Okay lang yun first year ka rin ba?"  Tanong niya tumango ako bilang tugon.

" Talaga ako rin first year, ako nga pala si Janella" inilahad niya ang kanyang kamay.

" Klent" pakilala ko bago kinuha ang kamay niya

Nagpatuloy kami sa paglalakad ng biglang may narinig kaming mga tilian sa di kalayuan. May nagkukumpulang mga mga tao na dadaanan namin karamihan sa kanila mga babae.

" Anong mayroon?"  taka kong tanong hinila ni Janella ang kamay ko palayo sa mga nagkukumpulang tao.

" Hindi mo nabalitaan?" Nagkibit balikat lang ako wala man akong alam tungkol sa school na ito.

" Pinagkakaguluhan nila ang S4" paliwanag niya naman

" S4 ano yun parang boyband or celebrity?" 

" Supreme 4 ang tawag sa kanila isang grupo na binubuo ng apat na sikat na male students dito sa University"

" Yun lang pala akala ko kung ano na tara na nga baka mahuli pa tayo"

Hinila ko siya paalis sa hallway hinanap namin ang aming magiging classroom laking tuwa ko ng malaman na mag kaklasse kaming dalawa.   Pagpasok sa loob nakita namin ang isang babae at lalaki na nakaupo sa pinakahuling upuan sa likod.

" Sandali Venice Chua" gulat kong sabi habang nakaturo sa kanya siya ang napanood ko kanina sa morning talk show.

" Kilala mo siya?" bulong ni Janella sa tainga ko tumayo si Venice at naglakad palapit sa amin. Sumunod din ang kasama niyang lalaki infairness bagay silang dalawa.

" Isa ka rin ba sa mga fan ko?" Tanong ni Venice

" Hindi pero sobrang ganda mo napanood kita kanina sa isang morning talk show" tugon ko naman

" Ahem" napatingin ako sa kasama niyang lalaki.

" By the way this is Mike"  pakilala ni Venice habang nakatingin sa kasama niya.

" Hello Venice and Mike  I am Klent,  this is Janella kaibigan ko"

Kumaway si Janella ganoon din si Venice

"Sandali mag boyfriend ba kayo?" Curious kong tanong

" Bakit pupurmahan mo ba si Venice?" Nakangising tanong ni Mike.

" Hindi lalong lalo na kung may boyfriend siya" tugon ko tumawa ng malakas si Mike na ikinataka ko.

" I am sorry pero hindi kami talo I like boys" walang pag alinlangan niyang sabi.

" Don't worry hindi mahalaga kung ano ang gusto mo ang mahalaga mabuti kang tao" sabi ni Janella tumango naman ako bilang pagsang ayon.

" Doon nalang kayo umupo sa amin mayroong pang dalawang vacant seat" alok ni Venice pumayag namin kami ni Janella, inakupa namin ang dalawang vacant seat sa likod, nag usap kaming apat habang hinihintay ang pagdating ng professor.

" Siya nga pala bakit business management ang napiling niyong course?" tanong ni Mike nagtinginan kaming tatlo kung sino ang unang sasagot bago sabay na tumawa.

" Tingin ko interesting ang ganitong course" maikling tugon ni Janella.

" Ako naman mukhang madali siya kaysa sa ibang course dito sa University" tugon naman ni Venice.

Tumingin silang lahat sa akin at hinintay ang sagot ko.

" Ito kasi ang napiling course ni Ate Moon para sa akin"

" You mean hindi mo ito pinili dahil gusto mo?" Tanong ni Venice tumango ako bilang tugon.

" Ate Moon is that you're older sister?"This time si Janella naman ang nagtanong sa akin.

" Hindi paano ko ba sasabihin ito hmm.. she is my older sister, my guardian, my mother "  nakita kong kumunot ang mga noo nila dahil sa sinabi ko

" Siya ang taong nag alaga sa akin simula ng namatay ang mga magulang ko" paliwanag ko para mas lalo nilang maunawaan

" Ahh" sabay sabay nilang sabi tumigil na kami sa pag- uusap ng unti unting dumadami ang tao sa classroom.

Maraming nakipagkilala sa isat isa habang kami parang may ibang mundo sa likuran. Hindi naman ako sanay makipag usap sa karamihan kaya nanatili lang ako sa aking upuan. Biglang tumahimik ang buong classroom ng pumasok ang Professor namin.

" Goodmorning class I am  Mr. Ash you're math professor"pakilala niya sa amin bago nagsimula ang discussion nagpakilala kami isa isa sa gitna.

" Hi classmate I am Janella sana maging friends tayong lahat" nagsitaasan ang mga kamay ng mga classmate naming lalaki.

" Miss Janella are you single?"Tanong ng isang lalaki nakita ko kung paano kumunot ang noo niya sa mukha.

" Hindi ako nag aral para lumandi" walang pag alinlangan niyang sabi nagtinginan kami nina Venice at Cassie habang nagpipigil ng tawa.

" Ohhhh" reaksiyon ng mga classmate namin nakita ko naman kung paano napahiya ang lalaking nagtanong sa kanya.

" Bakit mo sinabi yun?"  Natatawa kong tanong ng makabalik siya sa kanyang upuan.

" That was perfect girl"  bulong bulong ni Mike na nagustuhan ang mga sinabi niya

" Next" sabi ni Prof kaya tumayo na ako at naglakad paunahan.

" Hi I'm Klent "

Maikli kong sabi nagsitaasan ulit sila ng kamay napatingin ako kay Prof Ash na biglang napakamot sa batok niya marami na kasing nasayang na oras dahil sa pinag gagawa ng mga classmate namin.  Hindi ko pala ginagamit ang totoo kong pangalan at apelyo para daw sa  proteksyon ko sabi ni Ate Moon.

" Klent may girlfriend  kana ba?"  Tumawa ako ng malakas kaya nagsitawanan din silang lahat.

" Hindi ako naniniwala sa forever" pabiro kong sagot kaya mas lalong umingay ang buong classroom.

" Minimize your voice" saway ni Prof Ash pero patuloy parin sila sa pagtawa umalis na ako sa gitna at bumalik sa upuan ko.

" Mas gusto ko yun " naka thumbs up na saad ni Mike

" Mas malala yung sinabi ko" bulong ni Janella sabay iling iling.

" Hintayin niyo ang sasabihin ko" sabi naman ni Venice saka tumayo natahimik ang lahat habang pinapanood siyang naglalakad papunta sa unahan.

" I am Venice " pakilala niya naghiyawan ang mga classmate namin lahat yata sila nabighani sa angkin niyang ganda.

" Miss Venice mayroon na bang nagmamay ari ng puso mo?" Naghawak kamay kaming tatlo habang hinihintay ang sagot niya.

"  I don't like boys I like girls" katahimikan ang namayani pagkatapos niyang sabihin yun  nang makabalik siya sa kanyang upuan isang kindat ang pinakawalan niya.

" Nice one" nakangising sabi ni Mike

" Mas nakakagulat yun" singgit ko naman

" Totoo ba yun?" tanong ni Janella na dahilan kung bakit tumawa silang dalawa.

" Next" tumayo si Mike  para pumunta sa unahan

" I am Mike ayaw ko sa mga babae mas gusto ko ang mga lalaki" 

" Ohh sayang" reaksyon ng mga classmate naming babae napatapik ng bibig si Venice habang nagpipigil ng pagtawa.

" Grabe ito na ang pinakamasayang please introduce yourself na nangyari sa buhay ko" sabi naman ni Janella nang makabalik si Mike nag high five silang dalawa ni Venice.

Pagkatapos ng ganoon eksena nagsimulang ng discussion si Proffesor Ash. Hindi ko akalain na maging ganito kasaya ang unang araw ko sa school.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status