Share

Chapter 4

Klent Pov.

Nandito kami ngayon sa canteen kumakain ng lunch o dapat ko bang sabihin na kaming tatlo lang si Janella ay nakatulala kanina pa. Kinubit ko ang balikat niya sapat lang para makuha ang kanyang attensyon.

" Mukhang malalim ang iniisip mo may problema ba?"  Tanong ko tumigil sa pag- uusap sina Venice at Mike saka tumingin din sa kanya.

" May naalala lang ako" walang gana niyang tugon bakas sa mukha niya ang kalungkutan.

" Hulaan ko broken hearted kaba?"  Isang malalim na buntong hininga ang tugon niya sa tanong ni Cassie.

" Hindi pero parang ganoon na rin" nagtinginan kaming tatlo ngumuso si Venice sa akin umiling iling lang ako at tinuro si Mike. Ayaw ko siyang tanungin baka mas lalo kang siyang malungkot.

" Girl pwede mong sabihin sa amin para mabawasan ang lungkot na naramdaman mo" saad ni Mike sabay akbay sa balikat niya.

" I have someone I love pero hindi na niya ako naaalala" panimula niya.

" Hmm.. nagka amnesia ba siya?"  Tanong ko tumango naman siya bilang tugon.

" Grabe ang saklap" nakangiwing sabi ni Venice

" Tama ka at dito pa siya nag aaral" para siyang iiyak habang sinasabi niya yun.

" Sino?"  Sabay sabay naming tanong uminom muna siya ng juice bago nagsalita. Sumenyas siya na ilapit namin ang aming tainga sa kanya kaya ginawa namin yun.

" Basta huwag kayong sisigaw" paalala niya tumango kaming tatlo at hinintay ang susunod niyang sasabihin.

" Jacob Perez one of S4" bulong niya

" That man tssk akala ko kung sino" sabi ni Mike mukhang na dismaya siya sa kanyang narinig.

" Bakit ganyan ang reaksyon mo?" Tanong ko

" I can't blame you" sabi naman ni Janella kaya mas lalo akong naguluhan.

" Sandali can you guys tell me pakiramdam ko sobrang sama ng lalaking minahal ni Janella" hinawakan ni Venice ang mukha ko saka tinitigan ako gamit ang napaka seryosong mukha.

" He is a mafia actually lahat ng S4 at si Na-------

Hindi niya natuloy ang kanyang sasabihin ng biglang nagtilian ang lahat ng tao sa loob ng canteen.

"Kyahh"

" Ang gwapo nila"

" Papunta sila dito"

Ang ingay parang nakakita sila ng aritista sa tuno ng kanilang pagkatili. Napatakip ako ng tainga mga ilang segundo ang nakalipas biglang tumahimik ang mga tao sa paligid lahat sila napako ang paningin sa pwesto namin. Tinapunan ako ni Venice ng isang makahulugang tingin binigyan ko siya ng bakit ba looked para kasing may gusto siyang sabihin. Hindi niya sinagot ang tanong ko instead ngumuso lang siya sa likuran ko kaya napalingin ako.

Nakita ko ang isang pamilyar na mukha sandali siya ang taong pinagbintangan akong kidnaper.

" Hi Boys and Girls pwede bang makaupo?"  Tanong ng isang lalaki nagtinginan kaming apat pero bago paman kami makasagot nag siupuan na silang apat.

Tumabi sa akin ang mayabang na antipatiko saka pabayang kapatid. Bigla niya nalang akong hinawakan sa braso kaya nagulat ako.

" Ano ba bitawan mo nga ako" singhal ko

" Tssk akala mo kung sinong gwapo" pabulong niyang sabi.

" Kung nandito ka para makipag away pwede ba umalis nalang kayo" inis kong usal ewan ko ba nakakainis makita ang pagmumukha niya.

" Akala mo bang gusto kong tumabi sayo" tugon niya naman

" Sandali pwede bang huwag kayong mag away" saway ng isang kasama niya nakasimangot lang ako bago sumubo ng pagkain. Inikot ikot ko ang tingin sa buong paligid ayaw ko talaga kung paano nila ako titigan. Kung nakakamatay lang ang tingin ng mga tao dito kanina pa ako nalagutan ng hininga.

" Kunin mo to" sabi ng antipatiko may kinuha siyang maliit na box sa bulsa niya.

" Para saan yan?"  Tanong ko na nakaturo sa box

" A gift" tugon niya

" Para saan nga?"  Taas kilay kung tanong nagkasalubong ang dalawa niyang kilay habang nakatingin sa akin.

" Binigay yan ng kapatid ko bilang pasasalamat sa pagtulong mo sa kanya" paliwanag niya lihim akong napangiti bigla ko kasing naalala si Jessie. Matagal ko ng gustong magkaroon ng kapatid pero maagang namatay ang parents ko kaya hindi ako nagkaroon ng batang kapatid.

" Tatanggapin mo ba o hindi?"  Pasigaw niyang tanong inirapan ko siya bago yun kinuha. Ano ba naman kasi ang ugali ng antipatikong to sobrang sweet at bait ng kapatid niya pero siya parang demonyo ang ugali.

" Sabihin mo sa kanya na maraming salamat at sana huwag ka ng magpapakita sa akin nakakasira ka ng araw" tumayo siya sa kinauupuan niya bago ako tinapunan ng nakakamatay na tingin.  Bigla akong napalunok ng laway sobrang intense kasi ng mga titig niya.

" Let's go" maikli niyang sabi bago naglakad paalis sumunod naman ang mga kaibigan niya sa kanya.

" Grabe nakakatakot yun" nasa isip ko habang nakahawak sa dibdib ko.

"  klent nasabi ko ba sayo na si Nathan ay isa sa Mafia Boss ng Darkworld "  nanlaki ang mga mata ko ng marinig ang sinabi ni Venice.

" WHAT A MAFIA BOSS"  sigaw ko bago napatayo sa upuan ko.

" Sandali hindi naman siguro siya mamatay tao hindi ba?"  Nag aalala kong tanong, huhuhu kawawa naman ako kapag namatay ako sa murang edad.

" Calm down maupo ka muna" sabi ni Mike parang nawala yata ang lakas sa buo kong katawan.

" Bakit mo ba sinabi yun?" Tanong ni  Janella kay Venice na nakaupo sa tabi niya.

" Girl I'm sorry nadala lang kasi ako" tugon niya na nakapecae sign.

"Klent dont worry hindi siya pumapatay ng tao" saad ni Janella with assurance nakahinga ako ng maluwag matapos marinig yun.

" Grabe nagawa niyang sagutin si Nathan ng ganoon" sabi ng isang babae sa katabi naming upuan.

" Kaya nga ang tapang niya" pag sang- ayon ng kasama niya nakaalis na ang S4 pero hindi parin nawawala ang mga tingin sa akin.

" Don't mind them kumain nalang tayo" saad ni Venice kahit na nakakailang sinubukan kong hindi pansinin ang mga matang nakatitig sa akin.

Pagkatapos ng klasse umuwi agad ako ng condo binagsak ko ang katawan ko sa malambot na sofa.

" Ate Moon nandiyan kaba?"  Tawag ko di niya kasi ako sinalubong tumayo ako sa sofa at pumunta ng kusina para uminom ng tubig.

Bumukas ang pinto ng condo nakita ko si Ate Moon na pumasok habang dala dala ang mga shopping bags.

" Ate Moon saan ka galing?"  Tanong ko bago siya niyakap ng sobrang higpit.

" Hows your day?"  Niyakap niya ako pabalik saka ginulo gulo ang buhok ko.

" Ayos lang naman" mahina kong tugon bago ulit humiga sa sofa.

" Bakit ganyan ang mukha mo may nakaaway kana naman ba?"  Hindi talaga ako makatago ng sekreto sa kanya alam na alam niya kasi ang ugali ko.

" Oo nakipag away ako sa antipatikong yun" inis kong sabi mayroon siyang inabot na shopping bag sa akin. Mabilis ko yung inagaw at tiningnan kung ano ang laman nito.

" Wow ang ganda" sabi ko ng makita ang isang mamahalaling relo.

" Masaya akong nagustuhan mo" agad kong nilagay  yun sa kamay ko habang kumakanta.

" Anong plano mo sa nalalapit na death annivesary ng mga magulang mo gusto mo bang pumunta ng ibang bansa?" Tanong niya abala siya sa paghahanda ng makakain namin.

" Huwag na gusto ko lang sila dalawin sa cemetery" tugon ko.

" Kung yan ang gusto pwede bang sa susunod umiwas ka sa gulo huwag kang makipag- away sa kahit sino" paalala niya.

" Tssk pasensiya na napaka antipatiko kasi ng lalaking yun" tugon ko na may halong inis.

" Alam mo diyan nagsimula sina Mommy at Daddy mo naging magkaaway sila bago nagkaibigan" pabiro niyang sabi kinilabutan naman ako matapos marinig yun.

" Pakiusap huwag mong sabihin yan Ate Moon baka mamatay ako ng maaga kapag siya ang naging boyfriend ko at isa pa lalaki siya" nakita ko ulit ang mapaglarong ngiti sa kanyang labi.

" Ate Moon" nakangiwi kong saad

" Okay titigil na ako mabuti pang magbihis kana. Lalabhan ko ang sinuot mong damit kanina" nakangiti niyang sabi.

" Alrigh I'll be back" pumasok ako sa kwarto at nagbihis

Bumalik ako sa sala para manood ng tv mga ilang minuto pa ang nakalipas may napansin akong pagbabago sa ikinikilos ni Ate Moon.

" Klent naalala mo ba ang dati nating bahay?" Tanong niya habang nakasilip sa labas.

" Bakit Ate Moon may problema ba?"  Lumapit siya sa akin at saka hinawakan ako sa mukha.

" Do what I say umalis ka ngayon sa likod ka dumaan" saad niya may kinuha siyang baril sa mga nakahilerang book shelf. Sa tuwing makakakita ako ng baril kusang nanginginig ang katawan ko sa takot.

" Ate Moon" umiiyak kong usal bago napaupo sa sahig yakap yakap ko ang sarili habang nangingibabaw ang takot na nararamdaman ko.

" Klent umalis kana" sabi niya ulit pero umiling iling lang ako ayaw ko siyang iwan mag isa baka pati siya kunin sa akin.

" Don't worry susunod ako sayo I promise" she said with assurance.

"But...."

" I said go" sigaw niya pumasok muna ako sa kwarto para kunin ang kwentas ko bago tuluyang umalis.

Habang tumatakbo hindi ko maiwasang mag aalala kay Ate Moon pero kailangan kong sundin ang mga sinabi niya pagdating sa labas dahan dahan akong naglakad papunta sa kotse.

" Sigurado ka ba na nandito si Moonlight?"

Bigla akong napahinto ng may mga narinig na boses sa di kalayuan.

" Oo tama ang impormasiyon na nakuha ko ang utos sa atin ay dalhin siya kay Queen Fiona buhay man o patay" sabi ng isang lalaki napatakip ako ng bibig habang nagpipigil sa paghikbi.

" Tara na para matapos na to" pumasok silang dalawa sa condo mga ilang sandali pa may narinig na akong putok ng mga baril.

" Ate Moon" sambit ko habang umiiyak kahit na labag sa kalooban ko umalis ako sa condo namin para pumunta sa dati naming bahay.

Nasa kalagitnaan ako ng pagmamaneho nang naisipan kong tumawag ng pulis dahil sa takot nakalimutan kong gawin ang pinakamahalagang bagay.  Binigay ko kanila ang address ng condo namin nagbabakasali ako na sana matulungan nila si Ate Moon.

" Klent  ayos ka lang ba?"  Tanong ni Venice habang naglalakad kami papasok ng school. Ngumiti lang ako saka tumango nag aalala parin ako dahil wala pa akong balita sa mga nangyari kay Ate Moon. Hindi siya tumawag sa akin at hindi rin siya sumunod sa dati naming bahay.

" Huwag mong isipin yun siguro akong maging maayos din ang lahat" saad ni Venice nagulat ako dahil sa sinabi niya.

" Anong ibig mong sabihin may alam kaba?" Tumango naman siya.

" Paano?"

" Ano kaba diba magkasama tayo kahapon syempre alam ko ang nangyari" tugon niya naman.

" Ahh! Ang ibig sabihin ang nangyaring sagutan sa pagitan namin Nathan?"  Tanong ko

" Oo bakit may iba pa bang nangyari" tugon niya bago tumigil sa paglalakad .

" Wala" maikli kong tugon pagdating sa classroom nadatnan namin sina Mike at Janella na masayang nag uusap. Tumakbo si Venice papunta sa kanila at nakisali sa kanilang usapan.

" Hi Klent " bati ni Mike ng makita akong nakatayo sa pintuan ng classroom.

Naglakad ako papalapit sa kanila at saka umupo sa tabi ni Janella.

" Ayos ka lang ba?" Tanong niya

" Oo wala lang akong sapat na tulog " tugon ko saka ipinatong ang ulo ko sa desk hindi ako nakatulog kagabi dahil sa mga nangyari kaya ngayon naramdaman ko ang matinding antok.

" Ate Moon" bulong ko bago pinikit ang mga mata ko

" Klent gising"

"What is it? " Mahina kong tanong

" Lunch break na ayaw mo bang kumain ng lunch?" Tanong niya umiling iling lang ulit ako bago pinikit ang aking mga mata gusto ko lang matulog buong araw.

Fast forward

" Ano ba kasi ang ginawa mo kagabi wala ka ng ibang ginawa kung di ang matulog buong araw?" Tanong ni Venice naglalakad na kami palabas ng school sakto sa paggising ko uwian na.

"Pasensiya na nanood kasi ako ng movie kagabi" pagsisinungaling ko hindi ko pwedeng sabihin sa kanila ang tunay na nangyari.

Binatukan ako ni Janella sa ulo kaya napangiwi nalang ako

"Alam mo ba hindi kami nakakain ng maayos dahil sa pag- aalala sayo"  pangaral niya.

" I'm sorry "  paghingi ko ng tawad sa kanila

" Oo nga iba kasi ang aura mo kaninang umaga mukhang may pinagdadaanan ka" singgit ni Mike napangiti ako dahil naramdaman kong mahalaga ako sa kanila.

Tumunog ang cellphone ko na nakalagay sa bag kinuha ko yun para sagutin. Nang makita ko ang pangalan ni Ate Moon bigla akong nabunutan ng tinik sa dibdib.

" Hello Klent pasensiya na kung ngayon lang ako nakatawag" sabi niya sa kabilang linya.

"Mauna na kayo" kumaway silang tatlo at naglakad paalis.

" Ate Moon ayos ka lang ba?"  Tanong ko na puno ng pag aalala.

" Oo ayos lang ako pero hindi muna ako makakabalik diyan sinusundan parin ako ng mga lalaking humahabol sa atin"

" Ate Moon dapat nagsumbong na tayo sa pulis" mungkahi ko para mawala ang mga taong nanggugulo sa buhay namin.

" Klent  hindi ganoon ka simply ang mga bagay bagay kahit na mga pulis hindi makakatulong sa atin" tugon niya naman.

" Okay basta mag ingat ka ipangako mo sa akin yun"

" Pangako mahal kita"

" Mahal din kita Ate Moon" sabi ko bago binaba ang cellphone na hawak ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status