Share

Chapter 5

Nathan Pov.

Napatigil ako sa paglalakad ng makita si Klent  na nakaupo sa bench ng school. Nakayuko lang siya at mukhang may malalalim na iniisip kaya lumapit ako ng dahan dahan bago siya hinawakan sa balikat.

"  Ahhhh" sigaw niya dahil sa gulat

" Pwede bang tumigil ka" saway ko napahawak siya sa kanyang dibdib bago binaling ang tingin sa akin.

" Antik bakit ka ba nanggugulat?"  Nakasimangot niyang tanong.

" Sandali anong tinawag mo sa akin antik sa gwapo kung to mukha ba akong makaluma"  sabi ko habang nakaturo ang darili sa mukha ko.

Hinawakan niya bigla ang mukha ko at tinitigan yun ng maigi pagkalipas ng ilang segundo inalis niya ang kanyang kamay sa mukha ko sabay irap.

" Tssk gwapo hindi ko makita kung sang banda isa pa mas gwapo ako kaysa sayo" bulong niya pero rinig na rinig ko ang kayang sinabi.

" Tssk akala mo kung sinong gwapo" tugon ko naman tumayo siya sa kinauupuan niya saka naglakad paalis.

" Sandali saan ka pupunta?"  Hinawakan ko ang braso niya kaya napatigil siya sa paglalakad.

" Uuwi bakit ba?" Singhal niya bago tinanggal ang kamay ko sa braso niya. Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak sa kanya kaya hindi siya nakapalag.

" Aray saan mo ako dadalhin" pagpupumiglas niya

" Huwag ng maraming tanong" saad ko habang hila parin siya.

Napalingon ako bigla ng tumigil siya sa pagpupumiglas. Nakapoker face lang siya at halatang pagod na pagod. Lumapit ako sa kanya at binuhat siya ng bridal style. Nakatulala lang siya habang nakatitig sa gwapo kong mukha ko.

" Walang sisihan kapag nahulog ka sa akin" sabi ko na may halong pang aasar.

" Antik bitawan mo ako" sigaw niya

" Tumigil ka huwag mo akong sisihin kapag nabitawan kita"

"Saan mo ba ako dadalhin?"  Inis niyang tanong

" Malalaman mo rin mamaya" tugon ko tumigil siya sa pakikipagtalo sa akin ng dumating kami sa headquarters.

" Wow ang ganda" mangha niyang saad napangiti ako ng makita ang reaksiyon sa mukha niya.

" Bakit ka nakangiti" Usal niya bago ako tiningnan gamit ang blankong expression.

" Gusto mo bang pumasok sa loob?"  Tanong ko bigla naman siyang napaisip.

" Oo pero ibaba mo muna ako" tugon niya kaya binaba ko siya ng dahan dahan.

" Bitawan mo ang kamay ko" nakangiwi niyang sabi

" No baka tumakas ka" nagsimula kaming maglakad papasok sa loob habang hawak hawak ko parin ang kamay niya.

Habang naglalakad hindi ko maiwasang mapatingin sa mala anghel niyang mukha. Kumikinang na parang bituin ang kanyang mga mata habang nakatingin sa paligid.

" I'm glad nawala na ang lungkot sa mga mata mo" sabi ko sa kanya napatingin siya sa akin at bigla niya nalang ako binatukan sa ulo saka tinapunan ng nakakamatay na tingin.

" Hindi tayo bati ipapaalala ko lang sayo na magkaaway parin tayo" ismid niya sa akin tumawa naman ako ng malakas ewan ko ba nakakaaliw siyang asarin.

Pagpasok namin sa Headquarters binitawan ko ang kamay niya bago pumunta sa kitchen. Sumunod naman siya sa akin kumuha ako ng pagkain sa reef kanina pa kasi ako nagugutom.

" Hoy Antik..."  Hindi niya natuloy ang kanyang sasabihin dahil sinubuan ko siya ng isang pirasong manok.

" Tssk ang dami mong tanong" sabi ko sa tuwing magsasalita siya sinusubuan ko ang kanyang bibig para tumahimik siya.

Pagkatapos naming kumain dinala ko siya sa pool area sobrang bilis lumipas ng oras dumidilim na ang paligid.

" Wow ang ganda ng mga bituin dito" nakangiti niyang sabi habang nakaturo sa taas. Mula rito makikita mo ang mga magagandang bituing nagrereglect sa tubig ng pool. Nakakaaliw silang tingnan dahil walang ulap na humaharang sa liwanag nila.

Kinurot niya ang pisingi ko ng dalawang beses.

" Bakit ka nangungurot ng pisngi"  sigaw ko

" Paano ba naman kanina pa kita tinatanong hindi ka naman sumasagot" sigaw niya pabalik.

" Alam mo ang dami mong tanong pwede bang kahit ilang minuto lang tumigil ka sa pagtatanong"

Alam niyo hindi naman talaga ako palaaway sa katunayan tahimik akong tao pero dahil sa babaeng ito hindi ko maiwasang napasigaw.

"  Alam mo ikaw ang humatak sa akin dito tapos ikaw pa ang may ganang magalit "  nakacross arms niyang sabi

" Tssk kung ayaw mo dito e di umalis kana"

" Mabuti pa nga" tugon niya bago tumayo at naglakad paalis

Napaiwas ako nang tingin ng bigla siyang lumingon sa pwesto ko.

" Hoy Antik ihatid mo ako" pasigaw niyang sabi

" Ay bakit kita ihahatid?" Nakapoker face kung tanong bago tumayo sa kinauupuan ko.

" Ikaw ang humatak sa akin dito kaya kailangan mo akong ihatid" nakacross arms niyang saad.

" Paano kung ayaw ko" sabi ko na may halong pang- aasar hindi siya sumagot sa halip tinapunan niya lang ko ng nakakamatay na tingin.

I have enough fun for today kaya siguro hindi na masama kung pumayag ako.

" Alright ihahatid kita pero sa isang condition"

" Ano naman yun?" Taas kilay niyang tanong

" Tumahimik ka"

Nang makarating kami sa bahay niya pinapasok niya ako sa loob. Bigla nalang bumuhos ang malakas na ulan sa labas na may kasamang pagkulot ay kidlat.

" Pambihira paano ako makakauwi nito" bulong ko, I didn't bring my car big bike lang ang gamit ko kaya siguradong mababasa ako.

" Mamaya kana umuwi dito ka nalang kumain ng dinner" alok niya.

" Marunong ka bang magluto?" 

"Ang dami mong tanong diyan ka lang sa sofa magluluto muna ako" dumeretso siya sa kitchen at nagsimulang maghanda ng dinner.

Huminga ako sa sofa ng biglang nakaramdam ng antok pinikit ko ang mga mata ko at ilang sandali pa ay tuluyan na akong nakatulog.

Kinabuksan

Nagising ako dahil sa bango ng pagkain na galing sa kitchen area ngayon ko lang naalala na nakatulog pala ako dito sa sofa ng bahay niya. Bumangon ako at dumeretso sa kusina nakita ko siyang abala sa pagliligo ng agahan. I admit nakakagutom tingnan ang mga niluluto niya mukhang masarap din yun. Pagkatapos niyang magluto nilagay niya sa plato ang pagkain at binibitbit bago humarap sa akin.  Nagtinginan kaming dalawa napaiwas ako naman ako ng tingin habang nagpipigil ng tawa mukha kasi siyang bata sa suot niyang apron.

" Buti naman nagising kana gutom kana ba?"  Tanong niya habang naglalagay ng kanin sa plato.

" Halika kana dito" umupo ako sa upuan na nakaharap sa kanya napatitig lang ako habang nilalagyan niya ng kanin at  ulam sa plato ko.

" May dumi ba ako sa mukha?" Umiling iling lang ako napatitig yata ako ng matagal sa kanya.

" Bakit ganyan ka makatingin?" Tanong niya sabay subo ng pagkain.

" Tssk ang dami mong tanong" iling iling kong sabi tahimik lang kami hangang sa matapos kaming kumain.

Tumayo siya at niligpit ang mga plato mabilis ko naman yung inagaw sa kanya.

" Ako na ang maghugugas ng pinggan" sabi ko umiling iling lang siya saka kinuha ang mga plato na hawak ko.

" Bisita kita kaya ako na ang bahala dito"

Dahil mapilit siya hinayaan ko nalang siyang gawin ang gusto niya. Nilibot ko ang tingin sa buong paligid at isang bagay ang napansin ko wala picture na nakadisplay sa sala o sa wall ng bahay niya.

" Ikaw lang ba mag- isa dito?"  Tanong ko tumigil siya sa ginagawa niya at lumingon sa akin.

"  Oo" maiki pero matapang niyang tugon

"Na saan ang mga magulang mo?" Ewan ko ba pero gusto kong mas makilala pa siya.

" Pareho na silang wala" malungkot niyang tugon

" I'm sorry" mahina kong sabi

" Huwag mong isipin yun" saad niya naman nagpatuloy siya  sa paghuhugas ng plato habang ako nakaupo parin sa sofa.

Saturday ngayon at walang pasok kaya nandito parin ako sa bahay niya kasalukuyan kaming nanonood ng horror movies. Abala ako sa pagsubo ng pop corn siya naman nagtatakip ng unan sa kanyang mukha. Kung takot siya bakit horror movie ang napili niyang panoorin namin.

Biglang tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko yun sa bulsa at tiningnan kung sino ang tumawag.

Jason is calling..... Lumabas ako para sagutin ang tawag

" Red pumunta ka ngayon sa abandonadong building sa labas ng Darkworld arena" sabi niya sa kabilang linya.

" Bakit anong mayroon?"  Tanong ko

" Race"

Binaba ko ang cellphone at saka bumalik sa loob ng bahay. Kinuha ko ang jacket ko na nakalagay sa sofa bago siya hinila palabas ng bahay.

" Saan mo ako dadalhin?"  Tanong niya habang pilit na tinatangal ang kamay ko sa braso niya.

Binitawan ko naman ang kamay niya bago tumigil sa paglalakad. Napaisip ako bigla bakit ko nga ba siya isasama sa pupuntahan ko, hayyst nababaliw na yata ako.

" Sasama kana o hindi?" Inis kong tanong

" Saan ba tayo pupunta?"  Ito na naman ang tanong niya na walang katapusan.

" Alam mo ang dami mong tanong sakay" inabutan ko siya helmet medyo nag aalangan pa siyang sumama pero dahil sa pangungulit ko sa kanya napapayag ko siya.

" Sasama ka naman pala ang dami mo pang tanong" bulong ko bago pinaandar ang big bike".

" May sinasabi ka?" 

" Wala sabi ko kumapit ka ng mahigpit" saad ko bago kinuha ang dalawa niyang kamay at nilagay sa baywang ko.

Mabilis kong pinaharurot ang motor habang pabilis ang takbo ng sinasakyan namin mas lalong humihigpit ang kapit niya sa baywang ko kaya lihim akong napangiti habang nagmamaneho.

" Sandali lang bakit dito mo ako dinala?" Nakita ko na bigla siyang natakot ng makita ang abandonadong building.

" Bakit nakakatakot kaba?" 

" Hindi bakit naman ako matatakot"  pagsisinungaling niya habang yakap yakap ang kanyang sarili.

" Alam mo mayroong kumakalat na kwento tungkol sa lugar nato ang sabi nila mayroon daw mga multo na gumagala kapag gabi mayroong kang...."  hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng bigla siyang lumapit sa akin at niyakap ako sa sobrang higpit.

" Huwag mo nang ituloy ang sasabihin mo" takot na takot niyang sabi. Gusto ko sanang tumawa pero ayaw kong sirain ang sinimulan kong kwento.

" Halika kana" hinila ko ang kamay niya papasok sa loob

" Sandali sigurado ka bang papasok tayo diyan?" nag aalangan niyang tanong. Tumango naman ako at nagpatuloy sa paglalakad papasok ko sa loob.

" Sandali baka may magpapakita na multo diyan"

" Insane" sabi ko sabay pitik sa noo niya gumawa lang ako ng kwento pero naniwala siya agad.

" Ano ba bakit ka namimitik?"  Pasigaw niyang tanong habang hawak hawak ang kanyang noo.

"Maglalakad kaba o iiwan kita dito?" inis kong tanong bigla siyang napalunok ng laway bago tumingin sa akin.

" Oo maglalakad na ako" naiiyak niyang tugon

Nang makapasok kami sa loob ng abandonadong building naramdaman ko ang panginginig ng katawan niya. I pulled him closer to me kaya napatingin siya sa bigla sa akin.

" Kung natatakot ka tingnan mo lang ang sobrang gwapo kong mukha" saad ko sabay smirk.

" Che, maraming salamat na lang" inis niyang tugon ang pinakamainam na gawin sa pagkakataong ito ay inisin siya dahil bigla nalang siyang tumatapang.

" Ayos kana?" 

" I'm fine I can handle myself hindi ko na kailangang hawakan ang kamay ko" mukhang gumana ang ginawa ko nawala bigla ang takot niya.

" That's good shall we?"  Tanong ko habang nakaturo sa dadaanan namin nauna siyang maglakad nakasunod naman ako sa kanya hangang sa makarating kami sa lumang elevator kung saan nakatago ang secret door.

" Huwag mong sabihin na papasok tayo diyan?" Nag aalangan niyang tanong habang nakaturo sa lumang elevator.

" Hmm....tama ka" nakangiti kong tugon

" Are you out of you're mind" sigaw niya mukhang di niya inaasahan ang naging sagot ko.

" Ano pa ang hinihintay mo pasok na" ngumuso ako sa loob pagkatapos kung sabihin yun.

" Safe bang gamitin yan?" 

" Tssk ang dami niya talagang tanong" nasa isip ko saka siya hinila papasok sa loob. Nang kusang sumara ang elevator tumingala ako sa taas para ma access ang code.

" 1454" sabi ko ng dahan dahan humarap ako sa kanang bahagi at ilang segundo ang nakalipas lumitaw ang secret door napapasukan namin.

"  Wow ang galing" pumalakpak siya ng tatlong beses habang sinasabi niya yun. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan siya.

Kasabay nang pagbukas ng secret door umalingaw ngaw ang putok ng baril hudyat na nagsisimula na ang race. Nahuli kami dahil sa kanya lumingon ako at nakita siyang nakaupo habang nakatakip ang dalawang kamay sa kanyang tainga.

" Anong nangyayari sayo?" Mabilis ko siyang nilapitan at niyakap siya ng sobrang higpit.

" Shit" napamura nalang ako bigla he is crying kaya hinipo hipo ko ang kanyang likuran para pakalmahin siya.

" Mom, Dad don't leave me" saad niya habang umiiyak

" Dont worry I won't leave you" sabi ko gamit ang banayad na boses. Tingin ko mayroon siyang trauma sa baril kaya siya nagkakaganito.

" Don't worry I will protect you" itinaas niya ang kanyang ulo na kasalukuyang nakasubsob sa dibdib ko.

" I'm sorry" mahina niyang sabi inalalayan ko siyang tumayo at inayos ang buhok na nakatabon sa kanyang mukha.

" Ano ba ang mayroon bakit may putok ng baril?"  Tanong niya bago pinunasan ang mga luha sa mata niya.

" Racing" tugon ko bago siya hinila palabas

" Sandali saan tayo pupunta?" Napahinto ako sa paglalakad ng bigla siyang sumigaw.

" Umuwi na tayo diba takot ka sa baril baka kung ano pa ang mangyari sayo dito"

" Oo nga pero gusto kung manood ng race" pambihira sobrang bilis kumambyo ng espression sa mukha niya. Parang hindi siya natakot kanina dahil sa tuwa na makikita sa kanyang mukha.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status