Love Amidst the Danger AriaUmuwi ako sa bahay namin na halos hindi na makahinga dahil pa rin sa pag-iyak ko at pagod. Nagulat ako ng sumalubong sa akin ang kambal ko. Hindi ko alam na inuwi pala nila dito ang kambal. Mabuti na rin iyon ng may sandalan ako sa kalungkutan.Agad ko silang niyakap at hindi ko na naman mapigilan ang mapahagulhol ng iyak. Ramdam ko na nagulat ang kambal sa malakas kong pag-iyak pero hindi sila nagkomento. Mahigpit lang nila akong niyakap na parang ramdam rin nila ang bigat ng aking nararamdaman."W-why are you crying Mommy?" mahinang tanong ni Zaria na mukhang nag-aalala sa akin. Hinaplos nito ang mukha ko na puno na ng luha sa pisngi ko.Hindi ako makapagsalita dahil parang may bumara sa lalamunan ko. Hirap kong ibuka ang mga labi ko. Nakatitig lang ako sa kanila at bahagyan na ngumiti habang hilam ng luha ang pisngi ko."Tama na iyak Mommy, nasa-sad na rin po kami eh," nalungkot na rin ang baby Zamia ko."Kids hayaan n'yo na muna si Mommy na magpahinga.
Love Amidst the Danger Aria Inakay ko si Axeros sa labas ng kwarto ko. Para hindi kami marinig ng mga anak ko. "Sino ang nagbigay ng larawan na iyon sa media para ibalita sa madla ang nangyari kay Zaprine? Ni-record mo ba ang balita? Napanood mo ba?" sunod-sunod kong tanong sa kanya. "I have no idea, Ate. Tumawag ako agad kay Kuya Lucas nang napanood ko ang balita. Galit na galit siya sa nalaman dahil wala daw silang consent na kuhanan ng picture si Zaprine at ipublish sa media ang nangyari sa kanya," sagot naman nito agad. "Kahit kailan talaga ang hospital ni Lolo hindi sila sumusunod sa protocol! Lalo na ang mga pinsan mong nagmamagaling at magagaling magpasipsîp kay Lolo!" galit kong sambit. "Mag-imbestiga ako sa hospital, Ate. Marami naman akong kakilala doon. Baka may makasagot sa tanong ko, at makakuha ako ng impormasyon," "Damn them! Hindi ko pa rin makakalimutan na hindi sila nag-effort na gamutin si Zaprine. Kung hindi tayo agad nakarating sa hospital sure akong pin
Hospital Aria Pov Nandito ako sa private hospital namin para kunin ang mga mahahalaga kong gamit. Nagmadali na akong lumabas ng opisina ko. Bukas na ng gabi ang alis ko sa bansa. Kailangan ko pang mag-impake ng mga gamit na dadalhin ko. Kausap ko si mommy sa cellphone habang naglalakad palabas ng hospital. Nagulat pa ako sa pagsigaw ng ex-boyfriend ko na matagal ko ng iniiwasan. Nasa lobby ito nakikipagsagutan sa security guard. Oh goodness! What is he doing here again? Naglakad na ako papalapit sa lobby. Tumigil lang ito nang makita ako. Tinaasan ko lang siya ng kilay at inirapan. "What do you want this time, Anthony?" inis kong tanong. "Finally, lumabas ka rin, my love," ngiti pa nitong sambit. Kinilabutan ako sa sinabi nito kadiri na lalaki. "Stop making trouble here at the hospital. Stop following me! Tigilan mo na ako dahil matagal na tayong tapos. Huwag mong guluhin ang tahimik ko ng buhay," pakiusap ko rito. "No! I'm not done with you yet, Aria." Sabay hila
Coffee moment Aria Zaprine and Aria set together at "The Cozy Cafe," sipping their lattes. Nagulat pa ako nang hawakan ni Zaprine ang isa kong kamay. Napatingala ako sa kanya sumikdo ang puso ko ng pakiramdam ko nagtama ang aming mga mata. Sana tanggalin niya ang sunglasses na suot niya. "Aria?" mahinang tawag sa akin ni Zaprine. Ang puso ko dumagundong na naman sa lakas ng tibok. Hindi ko naramdaman ito sa unang naging boyfriend ko. Kay Zaprine lang ako nakaramdam ng ganito, boses pa lang niya napapatalon na ang puso ko. "Yes?" "Pwedeng magtanong?" Tumango naman ako. Boses pa lang nito sumisikdo na ang puso ko. Parang ng aakit naman kasi ang boses nito. Nakakapanindig balahibo. "Anong mayroon kayo ng lalaking iyon at mukhang galit na galit? I'm just curious, ayos lang kung ayaw mo sagutin. I understand," ngiti pa nito sa akin na mukhang apologetic pa. Napatulala na naman ako at natameme. Ngiti pa lang niya kinikilig na ang puso ko. Ang easy to get naman yata
America 5 months na siya dito sa america at everytime na may bakante siyang oras sumasagi palagi sa isipan niya si Zaprine. Nandito ako ngayon sa kwarto ng isang pasyente at hanggang ngayon wala pa rin dumadalaw mula kahapon. Gabi ang duty ko at pati ito kasama sa pasyente na i-monitor ko dito. Nakakabingi ang katahimikan sa paligid. Ang tunog lang ng aparato sa loob ang naririnig ko. Busy ako na inaayos ang gamit ko dahil tapos na ang duty ko. Naramdaman ko na may nakatitig bago ko pa siya makita. Napalingon ako sa pintuan gano'n na lang ang pagsikdo ng puso ko. Parang kilala ito ng puso ko pero hindi ko naman namumukhaan. "Aria?" mahinang sambit ng lalaki. Napako ako sa aking kinakatayuan dahil sa titig niyang tumatangos. Nawalan na ako ng pukos dahil sa pagsambit nito sa pangalan ko. Kilala niya ako? "Do...do you know me?" nautal ako sa pagsasalita. "Don't you remember me?" patanong din na tanong nito sa akin. Umiling lang ako. Pero nang titigan ko siya ay parang m
Danger Sa pangalawa nga naming pagkikita sa ospital ay naging mas comfortable na ako kesa sa una naming pagkikita ulit dito sa Amerika. Tinutuo nga nito ang sinabi niya na palagi ko na itong makikita at makakasama araw-araw. I mean gabi-gabi dahil gabi naman ang duty ko sa ospital. He always bring foods, gifts and flowers for me. Minsan sabay kaming kakain bago ako pumasok sa trabaho ko. I know na madali kaming na-attached sa isa't isa. I admit, na nahuhulog na ako sa kanya dahil sa mga pinapakita nitong kabutihan at pag-aalaga sa akin. Ngayon gabi lang na ito hindi kami nagsabay na kumain dahil may importante daw itong lakad. Pero sinabihan niya akong ihahatid niya ako mamaya pag-uwi sa apartment ko. Naging bodyguard at driver ko na tuloy ito dito. Ang hirap niya tanggihan dahil makulit din ito at ipinipilit ang gusto nitong gawin. "Where's your possessive suitor? Kausapin lang kita akala naman niya aagawin kita sa kanya. He's head over heels in love with you. Hindi makausap ng
Zaprine Mansion "Saan mo ako dinala?" tanong ko agad. Gabi na kaya hindi ko masyado makita ang kapaligiran dahil dim lang din ang mga ilaw sa paligid. "In my house, my dear. I have to punish you for disobeying me," mababa at malalim nitong sambit. Kinilabutan naman ako sa boses nito. Anong punishment ang gagawin sa akin? Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit excited ang nararamdaman ko. "What do you mean by punishing me just because I disobeyed you?" hindi ko mapigilan na tanong sa kanya. "You will know later and get ready," seryoso pa nitong sabi. "I don't understand," clueless ko na sambit sabay tingin sa paligid. Pero wala itong tugon sa sinabi ko kaya liningon ko ito. Napaigtad pa ako ng lumingon din ito sa akin. Kahit kailan talaga hindi pa rin ako nasasanay sa presensya nito sa akin. Kakaiba na naman kasi ngayon ang ipinapakita nitong ugali. Nainis ko nga siguro talaga ito. Ilang month na rin kaming dalawa na magkasama. Pero hindi pa rin ako nasasanay sa pai
Sweet night "Ito ba ang sinasabi mo na punishment sa akin?" mahina kong tanong. "Yes, and I want you tonight, my dear," anas nito sa punong tainga ko.Nag-init agad ang pakiramdam ko sa panghahalik nito sa punong tainga ko. Kinilabutan ako at nakiliti. "Hindi naman malala ang kasalanan ko sa'yo," nguso ko pero kinintalan lang niya ako ng halik sa labi ko. "Ay!" gulat ko na sambit. Mahina naman itong natawa at marahan niya akong niyakap.Ramdam ko ang init na nagmumula sa hubad nitong katawan. Ang sarap sa pakiramdam kaya hindi ko mapigilan na isandig ang ulo ko sa matipuno nitong dibdib."You don't know how much I worried about you when I saw your things on the floor. Sobrang nag-alala ako na baka natangay ka na ng kong sino na gustong kumuha sa'yo. Next time please my dear makinig ka kahit isang beses lang," ramdam ko ang boses nito na nag-aalala talaga sa akin."Pakiramdam ko kapag kasama kita laging may panganib sa buhay ko. Baka ikaw ang salarin?" biro ko. Kinutusan niya agad
Love Amidst the Danger Aria Inakay ko si Axeros sa labas ng kwarto ko. Para hindi kami marinig ng mga anak ko. "Sino ang nagbigay ng larawan na iyon sa media para ibalita sa madla ang nangyari kay Zaprine? Ni-record mo ba ang balita? Napanood mo ba?" sunod-sunod kong tanong sa kanya. "I have no idea, Ate. Tumawag ako agad kay Kuya Lucas nang napanood ko ang balita. Galit na galit siya sa nalaman dahil wala daw silang consent na kuhanan ng picture si Zaprine at ipublish sa media ang nangyari sa kanya," sagot naman nito agad. "Kahit kailan talaga ang hospital ni Lolo hindi sila sumusunod sa protocol! Lalo na ang mga pinsan mong nagmamagaling at magagaling magpasipsîp kay Lolo!" galit kong sambit. "Mag-imbestiga ako sa hospital, Ate. Marami naman akong kakilala doon. Baka may makasagot sa tanong ko, at makakuha ako ng impormasyon," "Damn them! Hindi ko pa rin makakalimutan na hindi sila nag-effort na gamutin si Zaprine. Kung hindi tayo agad nakarating sa hospital sure akong pin
Love Amidst the Danger AriaUmuwi ako sa bahay namin na halos hindi na makahinga dahil pa rin sa pag-iyak ko at pagod. Nagulat ako ng sumalubong sa akin ang kambal ko. Hindi ko alam na inuwi pala nila dito ang kambal. Mabuti na rin iyon ng may sandalan ako sa kalungkutan.Agad ko silang niyakap at hindi ko na naman mapigilan ang mapahagulhol ng iyak. Ramdam ko na nagulat ang kambal sa malakas kong pag-iyak pero hindi sila nagkomento. Mahigpit lang nila akong niyakap na parang ramdam rin nila ang bigat ng aking nararamdaman."W-why are you crying Mommy?" mahinang tanong ni Zaria na mukhang nag-aalala sa akin. Hinaplos nito ang mukha ko na puno na ng luha sa pisngi ko.Hindi ako makapagsalita dahil parang may bumara sa lalamunan ko. Hirap kong ibuka ang mga labi ko. Nakatitig lang ako sa kanila at bahagyan na ngumiti habang hilam ng luha ang pisngi ko."Tama na iyak Mommy, nasa-sad na rin po kami eh," nalungkot na rin ang baby Zamia ko."Kids hayaan n'yo na muna si Mommy na magpahinga.
Love Amidst the Danger Aria Pawisan na ang noo ko sa ginagawa ko. Natanggal ko na ang lahat ng bala na bumaon sa katawan ni Zaprine. Ang isa ay malapit sa dibdib, sa may bandang tiyan, sa balikat, at hita nito. "May extra blood pa bang nakaimbak dito? We blood asap! Kailangan siyang masalinan ng dugo sa lalong madaling panahon," malakas kong sigaw. Kinalma ko ang sarili ko. 'Pokus Aria, pokus!' pagpapatatag ko sa sarili ko. Pinigilan kong maiyak dahil hindi ako makapukos kapag mas pinairal ko ang emosyon ko. "Blood type Doc?" tanong ng kasama ko dito. "Blood type B-positive. Ask his family, kung sino sa kanila ang may blood B-positive. I need blood as soon as possible!" taranta kong sabi. "Copy!" Tapos ko na siyang operahan pero kailangan niyang masalinan ng dugo dahil maraming dugo ang nawala sa kanya. Lalo na sa ulo niya na nagkaroon rin ng sugat. Kailangan pa namin siyang gawan ng iba't ibang test, para makasiguro ang kaligtasan niya. Dalawa ang doctor na kasa
Love Amidst the Danger AriaSa taas ng building sa hospital nila Lolo kami bumaba. Nagmadali na kaming bumaba sa helicopter at nagtungo agad sa hagdan pababa. Tinungo namin agad ang elevator. "Kelan dinala dito sa hospital si Zaprine? Bakit critical siya ngayon? Anong nangyari sa kanya?" sunod-sunod na tanong ko kay Axeros. Kinakabahan na ako na hindi mawari, natatakot na baka may masamang mangyari sa kanya. Kasasabi ko lang na mag-iingat siya eh.Lakad takbo kaming nagtungo sa emergency room. Habang papalapit nang papalapit kami sa emergency room ay pabilis naman ng pabilis ang kabog ng dibdib ko. Mabigat ang kalooban ko sa balitang ito sa kanya.Malapit na sila doon ng makita niya ang pamilya ni Zaprine sa labas ng hospital mga kamag-anak siguro nila ang iba. Wala si Lolo Francisco dito. Nandito rin ang ibang kaibigan ni Zaprine, si Neptune ang unang nakapansin sa kanya. Wala itong sugat pero si Gardo may mga gasgas at sugat ito sa mukha. "Aria!" sambit agad ni Neptune. Napalin
Love Amidst the Danger AriaMahigit isang linggo nang walang tawag sa amin si Zaprine. Alam ko naman na busy ito. Pero sana kahit tawag o di kaya ay message na lang. Dahil kinukulit ako ng kambal kung bakit hindi tumawag ang Daddy nila. Nakasimangot na naman silang nagising. Bad mood na naman sila. Dahil walang Daddy na naglalambing sa kanila kada paggising nila sa umaga. Walang magbubuhat para samahan na magtungo sa banyo para maghilamos at mumog. Walang magluluto ng favorite nilang pagkain sa umaga. Walang kakulitan at walang nagbabasa ng books for them sa gabi."Mommy!" iyak na naman ni Zamia pagkagising niya. Parang balik ulit kami sa dati na tatlo lang kami. Pero iba na ngayon dahil alam na nilang may Daddy sila at nakakasama na nila. Naninibago na naman sila dahil sanay na silang kasama ang ama nila."I want Daddy," ungot rin na saad ni Zaria. Malalim akong napabuntong-hininga sabay yakap ko na sa dalawa. Hindi ko pinansin ang pag-iyak nila. Inakay ko na sila sa banyo para m
Love Amidst the Danger Zaprine Rinig namin ang sigawan nila sure akong natamaan at napuruhan rin sila. Sumilip kami sa pintuan ang ibang kalaban ay nagsitakbuhan kasama ang pinuno nila. Iniwan ang mga kasamahan nilang napuruhan sa pagsabog. Now kwits! "Sundan natin sila hindi pwedeng makatakas sila," sabi ni agent Clent. Nag-abiso ako sa kanila na palabas ng lumang building ang leader ng sendikato. "Huwag hayaan makatakas ang mahalimaw na taong iyan!" sigaw ko. Paubos na ang bala ng baril ko kaya kinuha ko ang dalawang baril na hawak ng mga patay ng kalaban. Mas maganda 'yung may reserba. "Agent look out!" sigaw ko sabay tulak sa kasama ko. Natumba kaming dalawa sa sahig. Mabilis ang galaw ko kasunod ang pagbaril ko sa mga kalaban. "Sa kaliwa!" sigaw ni agent Clent. Mabilis ang ginawa kong paggulong sa sahig at nagtago sa gilid. Sumilip ako at mabilis kong kinalabit ang gatilyo ng sunod-sunod. Alerto ang bawat galaw ko na halos hindi ko na maramdaman ang mga sugat
Love Amidst the Danger Zaprine Wala nga silang pakialam sa mga kliyente nila, dahil nagpaulan pa rin sila ng putok ng baril sa gawi ko. Hindi ko alam kong ilang bala ang natama sa katawan ng dayuhan na ginawa kong panangga. Natamaan man ako ay hindi ko hinayaan na mapuruhan ako. Mas lalong nagkaroon ng tension ang paligid ng dumating ang mga back up naming iba dito sa basement. Nagkagulo na ang lahat sa paligid nagpalitan na ng putok ng baril sa magkabilang panig. I'm glad dahil on time dumating ang kasamahan namin baka napuruhan na ako kung sakali. Parang naging larangan na ng digmaan ang abandonadong gusali sa sunod-sunod na barilan sa bawat grupo. Naging maliksi ang lahat at walang gustong magpatalo. Dahil ang gusto namin ay mapataob ang grupo ng sendikato na ito. "Malalakas sila, ngunit hindi sila mananalo. Isa isahin natin silang uubusin. Expose natin ang mga lihim nila, mga masasamang gawain, para mabigyan ng hustisya ang mga nabiktima nila," sabi ng kasama niyang agent
Love Amidst the Danger Zaprine I was instructed to go in the other room. Hindi lang pala basta-basta abandona na ugali ang lugar na ito. Maraming pasikot sikot at maraming mga kwarto. Kinailangan pa naming pasukin ng mga kasama ko ang mga kwarto.Ang ilan sa mga kwarto ay walang pinto ang iba ay meron. Kaya double ingat ang ginagawa naming paglusob sa loob. Kada kwarto ay pinapasok namin. Napatigil kami ng may marinig kaming yapak na malapit sa gawi namin. Nagdahan-dahan kaming pumasok sa walang pinto na kwarto. Sa tabing kwarto sila tumigil sumilip ako at gano'n na lang ang gulat ko ng may akay silang dalawang babae na hubo't hubad na basta na lang itinapon sa loob ng kwarto. Napatiimbagang ako sa nakikita ko. Paglabas nila ay may dala na ulit silang dalawang babae na umiiyak at nagmamakaawa. Pero ang mga gago sinaktan lang ang dalawang kawawang babae. Hindi na ako nakatiis at binaril ko na sila sa ulo. Ayon at tumba agad sila. Naka-silencer naman ang baril ko kaya walang tunog
Love Amidst the Danger Zaprine Magtungo kami ngayon sa Cavite para sa operation namin doon. Pero dumaan na muna ako dito sa Tagaytay, para makita na muna ang mag-iina ko. Bago magtungo sa lugar kung saan kami lulusob. May nakapagsabi na doon raw ang hideout ng mga sendikato na kinabibilangan ng ex-boyfriend ng fiancée ko.Simula nang lumusob sila sa hospital ay nag-iba na rin sila ng hideout. Hindi na sa Antipolo mas malayo na ngayon ang taguan nila. "Mag-iingat kayo dito, sweetheart. Huwag lalabas ng lugar na ito. Kapag maayos na ang lahat ay saka tayo uuwi sa bahay ng parents mo. Pwede rin sa sarili ko ng bahay. Gusto ko lang muna ayusin ang lahat para tahimik na ang pamumuhay natin," mamimiss ko ang mga ito kahit saglit lang naman na magkakalayo kami."Naiintindihan ko. Basta mag-ingat ka sa lahat ng pupuntuhan mo. Pag-uwi mo kailangan wala kang mga galos sa katawan. Gusto ko ingatan mo ang sarili mo para sa amin ng mga anak natin. Lagi kang tatawag kahit diyan lang naman sa kab