Share

Kabanata 1

Author: LaAiraMae
last update Last Updated: 2021-07-18 15:41:56

"Class copy this in your notebook." Napahikab ako matapos marinig ang sinabi ng aming guro sa una naming Asignatura.

Umagang-umaga ay inaantok ako. Napabuntong hininga ako at ibinagsak ang ulo sa arm chair ng aking upuan. Isang oras at kalahati ang klase namin sa English ngunit walang alam na ipagawa ang guro namin kundi magpasulat nang magpasulat. Hindi niya ba alam na pudpod na nga ang kamay ko sa pagtatrabaho sa bukid ay mas lalo pang napupudpod dahil sa kakasulat?

"Hoy.. sumulat ka na nga nakatingin na si Maam sa'yo," bulong ni Andra sa aking tabi.

Tamad kong kinuha ang aking notebook dahil nakatingin nga sa akin ang guro. Binuklat ko ang aking kwaderno na iilang piraso ng pahina na lang ang natitira. Dalawang beses na akong bumili ng notebook sa klaseng ito at nagagalit na si nanay sa akin. Ngayon ay pinoproblema ko kung saan ako kukuha ng pambili kapag naubos na ito. Baka magbaon na lang ako ng dahon ng saging at doon magsulat total iyon din naman daw ang ginagamit nila nanay sa pagsusulat noong araw.

"Sinong may extra ballpen?" anunsiyo ko sa klase pagkatapos kong halungkatin ang aking bag at wala akong makitang panulat.

"Sino raw may extra ballpen?" ulit ng bakla kong kaklase sa aking tanong.

"Ball lang walang pen." Nagtawanan ang mga kaklase ko sa pang-eepal ni Arnold. Hawak-hawak pa niya ang kanyang bola. Akala mo naman magaling mag-basketball bakulaw lang naman.

"Sus, tumigil ka ngang bakulaw ka," pambabara ko sa kanya na lalong ikinatawa ng mga kaklase ko.

"Whoah..bakulaw pala ah," sabat niya pa pero hindi ko na lang pinansin.

"O, eto."  Tumayo ako at lumapit kay Edison na ngayon ay nakalahad ang mga braso para iabot sa akin ang ballpen. "Pupunta sa giyera walang bala," malakas niya pang ani nang kinuha ko iyon.

Mukhang masama pa yata ang loob, pero alam kung biro lang iyon. Nakasanayan na kasi naming mag-asaran at magbarahan sa loob ng halos apat na taon naming magkakasama. Puro mga loko-loko kasi 'tong mga lalaki kong kaklase.

"Salamat!" sigaw ko patalikod.

Ballpen lang ang gusto ko pero nag-umpisa iyon ng asaran at ingay sa klase. Inaamin kong wala akong pambili pero mas lalong nakakainis bumili dahil lagi namang nawawala. May mga demonyo kasi akong kaklase na kunwari hihiram lang pero aangkinin na pala. Mga hindi marunong magbalik.

Nag-umpisa na akong magsulat. Nakakapagod, nakakainis! Napatingin ako sa tabi ko. Buti pa si Andra at kahit paano ay nabibigay ng kanyang mga magulang ang mga luho niya. Sa aming klase, siya ang may pera 'yon nga lang wala namang laman ang utak.

"Ba't ka tumatawa?" sita niya sa akin. Umiling lang ako dahil natawa ako sa naisip ko. Sabagay parehas kaming bobo. Ang lamang niya lang sa akin ay may pera siya samantalang ako ay maganda naman, kaya lagi akong muse simula freshmen days.

"Para kang gaga!" Inirapan niya ako.

"Makagaga naman 'to, akala mo siya hindi."

Mas lalo akong natawa na ikinainis niya.

Naiinggit man ay idinadaan ko na lang sa tawa, atleast kahit paano naging fair ang langit sa akin dahil binigyan niya ako ng kagandahan kahit wala akong talino. Lahat ng tinatamasa ni Andra ngayon ay makukuha ko rin balang araw.

"Magdidisco ba kayo sa Sabado?" tanong ni Andra sa amin.

"Oo naman. Sabay-sabay na tayo," sagot ng kupal na si Arnold. Sa sulok ay tahimik lang na nakikinig habang patawa-tawa ang pinsan niyang si Rita, buti na lang hindi nagmana sa kakupalan niya.

"Sige. Sunduin niyo 'ko ah," sabat ko.

Sina Andra at Arnold lang yata ang interesadong pumunta roon.

Nakikinig lang ako sa pag-uusap ng mga katabi ko. Nag-uusap sila tungkol sa sayawang bayan dahil piyesta na sa Sabado.

"Ikaw Cha, sama ka ba?" tanong ni Andra sa akin. Hindi ko alam. Pero susubukan ko.

Alam kong 'di ako papayagan ni nanay at tatay pero sana pumayag.

"Sige. Basta ipaalam niyo ako ah," sagot ko.

Tuwang-tuwa silang nagkasundo na parang hindi nag-aalala kung papayagan ba sila o hindi. Sa buong recess ay iyon lang ang naging takbo ng usapan nila. Ako naman ay nasa sulok lang at nagbabasa ng pocketbook. Kinahiligan ko na itong gawin para hindi ako parang tanga na lumuluwa ang mga mata habang nakatingin sa mga baon ng kaklase ko.

"Get 1/2 sheet of paper," 

Pagpasok pa lang namin sa last subject namin sa umaga ay iyon agad ang ibinungad ng teacher namin. Hindi pa nga halos nakaupo ang lahat. Alam ko namang nag-announce siya na may long quiz kami pero pwede bang bigyan muna kami ng kahit 30 minutes para mag-review? Nagbasa naman na ako pero bobo talaga 'tong utak ko hindi nakikisama.

"Sino may 1/2?"

"Hati tayo."

Kaliwa't kanan ay maririnig ang mga paboritong dayalogo ng mga kaklase kong walang papel kagaya ko. Mas lalong nagkagulo ang mga kaklase ko dahil sa paghahanap ng papel. Problema talaga sa klase na 'to ang papel. Sana kung mayaman lang ako ay bumili na ako ng sandamakmak na papel at binigyan sila, kaya lang hindi ako pinaboran ng tadhana at ipinanganak akong mahirap.

"Are you ready?" tanong ng aming guro.

"Maam 1/2?" Pinandilatan ni maam ng mata si Arnold. Kahit kelan talaga, bobo na nga epal pa.

"1 whole sayo Arnold." Nagtawanan lang ang mga kaklase ko sa pambabara ni maam sa kanya.

"Sabi ko nga 1/2," kunwaring bulong niya pero rinig din ng lahat.

"Hati tayo." Bumaling ako kay Andra na naghihiwa ng 1/2 gamit ang ballpen. Kailangan talaga hating-hati?

"Mahirap ka talaga, kahit ballpen at papel walang-wala ka," paninita niya sa akin. Inagaw ko na ang papel sa kanya dahil ang bagal niya kumilos. Walang pasubaling dinilaan ko ang papel at binasa ng laway.

"Okay number 1," umpisa ni maam. Nagkagulo ang buong klase dahil doon.

"Maam wala pa nga eh," reklamo ng iilan naming kaklase.

"Maam nilalawayan pa nga ni Charlotte ang papel niya." Nagtawanan ang mga kaklase ko dahil sa anunsiyo ni Arnold. Trip talaga ako ng bakulaw na 'to. 'Kala mo naman hindi nila ginagawa.

Umikot lang ang oras namin sa quiz. Kinakabahan ako at baka makakuha ako ng itlog. Mabuti na lamang at may alam akong tatlo at ang iba kong sagot ay nakuha ko kay Rita na nakaupo sa aking harapan. Siya ang pinakamatalino sa klase at ipinagpasalamat ko iyon.

Hindi matapos ang aking tawa nang bumalik ang papel sa amin dahil mas mababa si Andra sa akin ng limang puntos. Magkaibigan kami pero hindi ko alam kung bakit tuwang-tuwa ako kapag nalalamangan ko siya. Nakakuha ako ng 17/30 samantalang siya ay 12 lang. Si Rita ay nakakuha ng 28, sayang at hindi ko nakuha lahat ng kanyang sagot.

"Nangopya ka lang naman eh," iritadong pambabara niya sa akin.

"Bakit, ikaw ba hindi?" sagot ko sa kanya, hindi matapos ang aking tawa.

Pinakopya lang ni maam sa amin ang susunod naming lesson para bukas at saka niya kami pinalabas.

"Goodbye Class. See you tomorrow!"

Tuwang-tuwa akong lumabas dahil kanina pa sumasakit ang puwet ko sa kakaupo. Kung bakit ang tagal ng oras ngayon ay hindi ko alam.

"Ehem.. ehem." Nang-aasar na tumingin si Arnold sa akin dahil nakaabang sa labas si Sander.

"Sanaol may juwa," parinig ni Rita sa matigas na tono.

Sanaol matalino. Sa isip ko hindi nila kailangang mainggit sa akin, dahil lahat ng bagay na gusto ko ay nasa kanila. Mayaman si Rita at pinakamatalino pa sa klase. Ang lamang ko lang ay mas maganda ako at may jowa.

"Bumili na ako ng ulam." Itinaas niya ang hawak na ginataang langka at paglapit ko sa kanya ay agad niya akong inakbayan.

Dumiretso kami sa kubo na lagi naming tinatambayan. Ito ang napili namin dahil hindi mainit dito dahil sa malaking puno at bukod pa sa masarap ang hangin ay tanaw ang dagat na nakapalibot sa buong isla.

Kasama namin sina Andra, Arnold at Rita. Magkakaibigan na kami simula pa noong Elementary nina Andra at Rita, nadagdag lang sa grupo si Arnold dahil kay Sander.

"Ano, nakapagpaalam na kayo na magdidisco sa Sabado?" tanong ni Sander habang kumakain kami.

"Hindi pa," matamlay kong sagot. Hindi pa alam ni nanay at tatay na may boyfriend ako at ayoko ring sabihin sa kanila dahil bawal. Alam ni Sander 'yon at mukhang okay lang din sa kanya.

"Basta sunduin kita," wika niya sabay kindat na ikinangiti ko.

Napangiti ako kahit alam kong hindi pa seryoso 'tong relasyon namin dahil bata pa nga kami at pinagbabawalan pa ako. Pero totoo nga talaga ang sinasabi nilang masarap kapag bawal, siguro para sa ilan ay hindi sila sasang-ayon pero napatunayan ko na ito sa sarili ko.

Related chapters

  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 2

    Kabanata 2"Magtanim kayo ng kamoteng kahoy at kamote para hindi kayo magutom," sermon ni tatay sa amin nina Leila at Tintin.Panganay ako sa aming limang magkakapatid at lahat kami ay puro babae.Pawis na pawis na kami habang nagbubunot ng kamoteng kahoy dahil wala kaming bigas at ito lang ang almusal namin. Kanina pa kami sinesermunan ni tatay tungkol sa pagtatanim. Sa isip ko ay hindi ko hahayaang maging ganito ang buhay namin.Tuwing fiesta sa amin ay abala ang lahat sa pagluluto para sa mga darating na bisita samantalang sa amin ay parang walang piyestang nagaganap.Nagkukumahog na hinawakan ng dalawa kong maliit na kapatid ang bagong hain na kamoteng kahoy. Kahit mainit ay pilit na hinahawakan maibsan lang ang gutom na nararamdaman. Maswerte na lang sa isang linggo kung hindi kami makakapag-almusal ng camote o kamoteng kahoy o kaya naman ay saging. Himala na lang din siguro kapag mamantikaan ang aming bibig isang beses sa isang buwan. Hindi nak

    Last Updated : 2021-07-18
  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 3

    Nakakabinging ingay ang sumalubong sa amin pagpasok namin sa plaza ng aming baranggay. Bawat beat ng tugtog ay parang tinatambol din ang aking dibdib. "Whoah..sige pa." Agad akong hinila ni Andra sa gitna at agad na ginalaw ang katawan. Hindi ko maintindihan ang kanta dahil remix iyon at puro beat lang. Kita ko rin ang pagsayaw ni Arnold at ng aking kapatid. Si Sander ay nasa harap ko rin at parang nahihiya pang bahagyang gumalaw. Naaliw ako sa kanya kaya't bahagyang napasayaw na rin ako. Dahil hindi ako sanay ay galaw galaw lang ng paa at kamay ang alam ko at bahagyang kembot. Kahit mainit at siksikan ay walang pakialam ang bawat isa at basta na lang sumusunod sa beat ng tugtog.

    Last Updated : 2021-07-18
  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 4

    Inaamin kong hindi ko nagugustuhan kung gaano siya ka prangka ngunit hindi ko rin maiwasang maapektuhan sa kanyang mga salita. Iginala ko ang aking paningin sa paligid. Mas mabuti nang salubungin ang mga mapanghusgang mata sa paligid matakasan ko lang ang kanyang nakakatunaw na tingin. "Pwede ko bang makuha ang number mo?" Sikreto akong napapikit nang muli siyang magsalita. "Anong number?" Painosente kong tanong. Mas lalo akong nawala sa aking sarili dahil sa ngiti niya. Parang natutuwa pa siya sa pagpapanggap kong slow. "Cellphone number." "Wala," maikling tugon ko at umiwas muli ng tingin. "Grabe naman, ang damot. Ayaw mo lang ibigay eh." Bulong niya na hindi nakatakas sa aking pandinig. "Wala nga! Wala akong cellphone at kung meron man ay hindi ko pa rin ibibigay sayo." Tumaas na ang boses ko at hindi na naitago ang inis pero ang demonyo hindi man lang naapektuhan at nakangiti pa rin na parang natutuwa habang pinapan

    Last Updated : 2021-09-23
  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 5

    Nang sumunod na araw ay umuwi si tatay, hindi pa rin nakakalabas si Tintin dahil nagtamo ito ng 3rd degree burn sa mukha at katawan."tay," tawag ko sa kanya, pero hindi niya ako pinansin.Akala ko ay masakit ang mga sampal at sabunot sa akin ni nanay at ng mga tiyahin at tiyuhin ko. Akala ko ay masakit na ang kanilang mga salita ngunit mas masakit pala ang hindi ka pansinin.Sa kanilang lahat si tatay lang ang hindi nanakit at nagsalita nang masakit sa akin. Akala ko ay okay lang pero mas masakit pala ang tratuhin kang ganito, parang hangin lang ako na hindi nararamdaman. Nakakadurog ng puso na halos hindi ako tinitingnan ni tatay.Nakatanaw lang ako sa kanya habang nilalagay niya ang uling sa sako. Gusto ko siyang tulungan pero hindi ko alam kung paano ko siya lalapitan, hindi

    Last Updated : 2022-04-11
  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 6

    Sa pagkagat ng dilim ay baon ko ang lahat ng hinanakit at sama ng loob. Tulala akong nakaupo sa aking katre habang yakap-yakap ko ang aking mga tuhod. Nawalan ng halaga ang aking buhay simula ng mangyari ang aksidente. Galit silang lahat sa akin, tanggap ko iyon. Pero hindi ko matanggap na pinutulan na rin nila ako ng karapatan para sa sarili ko. Binuksan ko ang bintana sa tabi ng aking katre. Agad na bumungad sa akin ang malamyos na hangin na para bang may binubulong. Ang buhay ko ay para na ring kadiliman, kagaya nito ay wala akong makitang kinabukasan para sa akin. Hanggang kailan ako magiging ganito? Hanggang kailan ko pagsisisihan ang nangyari? Lord, hiniling kong parusahan mo ako para mapatawad nila ako pero bakit hindi nila matanggap ang pagkakamali ko? Hindi ko naman ginusto ang nangyari. Wala ako sa sarili nang dahan-dahan akong umapak sa sahig na semento. Ramdam ko ang gaspang nito sa aking yapak. Binuksan ko ang pintuan at agad akong sinalubong at niyakap ng lamig. Lalo

    Last Updated : 2022-04-12
  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 7

    "Cha," tulala akong nakasandal sa bintana nang tinawag ako ni Rita. Tumabi silang dalawa ni Andra sa akin sa pag-upo. Pagbaling ko sa kanya ay iniabot niya ang mga notes niya sa akin. Nakausap ko si Maam Flores at ang iba ko pang subject teacher at bibigyan nila ako ng time para makapag review sa special test bukas. Sa hina ng utak ko ay sigurado akong hindi ko rin maipapasa iyon. Buti at nandito si Rita at binigyan ako ng pointers para daw di ako mahirapan. Kanina pagpasok ko pa lang sa gate ng school namin ay agad na nakatingin ang mga estudyante sa akin na para bang di kapani-paniwala na bumalik ulit ako sa pag-aaral. Mabuti na nga lang at nakuha ko ang loob ni nanay at pumayag pa siya sa akin. "Cha.. galinga mo ahh, para ma perfect mo ang exam,” pasaring ni Arnold sa akin. Gusto ko mang mag-pokus pero kung ganito ka-epal ang mga kaklase ko ay wala na talagang pag-asa. "Wag niyong isrtorbohin si Cha, seryoso pa naman yan,” dagdag pa ni Edison. Napapailing na lang ako. Walang m

    Last Updated : 2022-06-11
  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 8

    Dire-diretso kong tinahak ang mapunong daan papunta sa amin. Malapit nang dumilim kaya mas binilisan ko ang lakad ko. Hindi dilim ang kinakatakutan ko kundi ang galit ni nanay at tatay sa akin. Bantay-sarado na nila ako dahil sa nangyari. Natigil ako sa aking paglalakad at napahiyaw nang may humablot sa akin papasok sa mapunong bahagi. Bigla akong binundol nang kaba ngunit agad ding napawi sa aking nakita. Nanlalaki ang mata ko nang harapin ako ni Sander. Ang akala ko ay masamang tao na ang humablot sa akin. Agad akong pumiglas sa kanyang hawak. Ramdam ko ang tusok ng mga mga maliliit na sanga at talahib sa aking balat. "Ano ba! Ba’t bigla-bigla ka na lang nanghihila? Nakakagulat ka naman akala ko kung sino na,” nandidilat ang mga mata kong nakatingin sa kanya habang nakahawak sa aking dibdib. Inis na inis ako dahil sa paghila niya sa akin. "Cha naman eh, huwag mo na kasi akong iwan.” Hindi na ako nagpumiglas nang hinawakan niya ako. Inaamin kong gusto ko ang pakiramdam ng kanyan

    Last Updated : 2022-06-16
  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 9

    Minsang may mga bagay talagang kahit gusto mong ikwento ay kailangan mong sarilinin. Ang dahilan marahil ay hindi mo pa kaya o hindi pa ang tamang oras. Narinig ko ang pagtawag ni Andra. "Grabe naman kasi 'yang nanay mo, hindi naman kasi masama ang ginagawa mo," komento nito nang makahabol sa akin. Siguro nga para sa amin ay wala kaming ginagawang masama. Pero sa isang magulang na naghahangad lamang ng kabutihan para sa kanyang mga anak ay maling mali lalo na at ipinagbabawal pa nila ang pagboboyfriend naming magkakapatid. "Yang nanay mo kung makapaghigpit akala mo hindi nakaranas maglandi noong panahon niya." Nabigla ako sa tinuran ni Rita kaya't taka akong napatingin sa kanya. Naninibago akong makarinig ng ganitong komento galing sa kanya, nasanay akong lagi niyang naiintindihan ang opinyon ng iba at hindi siya nagkokomento ng hindi maganda. "Anong gusto niyo? Libre ko na kayo," tanong sa amin ni Andra pagkarating namin sa maliit na canteen ng school. Hindi ako sumagot kay An

    Last Updated : 2022-06-18

Latest chapter

  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 29

    Pinanuod ko kung paano pinaghalo nina Roberto at Edward ang inumin. Nangibabaw pa rin ang ingay ng kanilang mga baso at hiyawan sa kabila ng malakas na tugtog. Umangat ang aking paningin nang lumapit si Roberto at inabutan ako ng alak sa baso. Tatanggapin ko na sana iyon nang mapansin ko si Knee Yoz na nakatingin sa akin. “Sige na, birthday naman ni boss.” Nararamdaman ko pa rin ang kanyang tingin pero inabot ko na ang baso. “Cheers!” Itinaas ni Roberto at Edward ang kanilang mga baso sa gitna. Sumunod ang ibang lalaki pati si Denise kaya’t gumaya na rin ako. Natahimik ang lahat at napatingin kay Knee Yoz, nakatingin lang siya sa akin kaya’t napakurap ako ng ilang beses. Kung hindi ko pa siya kinunutan ng noo at senyasan ay hindi pa niya itinaas ang kanyang baso. Muli ay nabuhay ang kanilang hiyawan. Hanggang sa aking paglunok ay nakatitig yata siya sa akin pero pilit akong umiiwas para hindi ko mahuli ang kanyang mga tingin. Nagpatuloy lang sila sa k

  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 28

    Kabanata 28Ang sabi nila kapag nasalo mo ang bulaklak na inihagis ng bride ay ikaw ang susunod na ikakasal. Noong una ay hindi ako naniwala ngunit pinaniwala ako ni Knee Yoz. Sariwa pa sa aking isipan ang nakaraan na para bang kahapon lamang iyon nangyari.Dahil sa pagkasunog ng dati kong tinitirhan ay hinayaan niya akong tumira sa kanyang bahay. Sa kabila ng mga kamalasan ko sa buhay ay naisip kong itinadhana yata siyang maging life savior ko.Abala ako nang araw na iyon sa paglilinis ng buong bahay nang dumating si Denise. Dalawang linggong hindi ko siya nakita pagkatapos ng kanyang kasal at naintindihan ko namang kailangan niya ng time kasama ang asawa.“Ehh..I miss you!” kahit pawis na pawis ay tumitiling niyakap niya ako.“I miss you too! Ang blooming mo.” Natatawang puna ko sa kanya at inakay siya paupo.“Eh, ganun talaga siguro kapag bagong kasal. Alam mo na – totoo pala talaga ang kasabihang

  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 27

    Simpleng kasal lang ang idinaos nina Denise at Knee Yoz dahil wala naman silang kamag-anak. Dalawa lang ang ninang at apat lang ang kanyang at groomsmen at bridesmaid kasama na kami ni Knee Yoz. Habang naglalakad ako sa gitna papunta sa dulo pakiramdam ko ay ako ang ikakasal kahit na hindi naman. Kung naging mabuti kaya ang tadhana sa akin may pagkakataon kayang makasama ko si Sander at ikasal kami ng ganito kahit simple lang? Kahit walang mga magulang at kaibigan?Naramdaman kong hinawakan ni Knee Yoz ang aking kamay na nakakapit sa kanyang braso kaya't nilingon ko siya.“Next time ikaw naman ang ikakasal.” Marahan pa siyang tumawa kaya't itinuon ko ang atensiyon sa harapan hanggang sa makarating kami sa dulo at naghiwalay na rin.Sunulyap ulit ako sa kanya nang makaupo ako at muli ring umiwas nang makitang nakangisi pa rin siya sa akin. Hindi ko itatangging si Sander pa rin talaga ang iniisip ko hanggang ngayon pero hindi ko rin maitatanggi naapekt

  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 26

    Tanghali na nang magising ako. Nararamdaman ko na ang singaw ng init sa aking katawan. Bigla akong nanibago nang mapagtantong wala na pala ako sa maliit na silid na aking inuupahan.Nagmadali kong sinuklay ang buhok gamit ang daliri at nagtanggal ng muta. Bahagya ko ring kinagat ang aking tuyot na labi. Sa halip na si Knee Yoz ang aking makita ay si Denise ang aking namataan sa kusina pagbukas ko ng pinto kaya't natigilan ako roon. Napalingon siya sa akin.“Oh, gising ka na?” puna niya habang abala sa kanyang ginagawa. “Nagpaluto si Knee Yoz. Dito na lang daw kami kakain ni Edward para sabay-sabay na tayong apat,” nakangiting saad pa niya.Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at pinagdiskitahan ang gulay na kanyang niluluto. “Bakit hindi mo ako ginising?”“Hayaan daw kitang matulog sabi ni Knee Yoz.” Natigil ako sa ginagawa at napatingin sa kanya. “Pagod ka dahil sa nangyari kagabi kaya okay lang.”

  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 25

    Madaling araw nang magising ako dahil sa pagsikip ng aking hininga. Agad akong bumangon para sana uminom ng tubig ngunit agad akong napaubo dahil sa usok na bumungad sa akin.“Sunog!!!” Dali-dali akong tumayo nang marinig ang sigaw sa labas at binuksan ang bintana.“Tulong..may sunog!!” Nagkakagulo sa baba at nagsisigawan ang mga tao. Nakita ko ang iilan na nagtatakbuhan habang may kanya-kanyang buhat.Nanlaki ang mga mata ko nang makitang umaapoy na ang bahay na kaharap ng aking tinutuluyan at unti-unti nang tumatawid papunta dito sa palapag na inuupahan ko.Tumulo ang aking luha habang hinahabol ang hininga dahil sa makapal na usok na bumabalot sa paligid. Ito na 'yon di ba? Ito na 'yong kamatayang matagal ko nang inaasam-asam. Mapait akong ngumiti. Kaya siguro hindi natuloy-tuloy ang pagpapakamatay ko noon dahil ito pala ang kamatayang nakatadhana para sa akin.Napatingin ako nang marinig ang kalampag sa aking pintuan na

  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 24

    Walang nagawa si Denise nang hinila ako ni Knee Yoz palabas. Agad itong pumara ng taxi at nauna akong pinapasok.“Knee Yoz ano ba? Hindi mo ba nakikitang nag-eenjoy kami?” reklamo ni Denise sa kanya.“Enjoy? Magpakalasing? Ganun ba?”Sumilip ako mula rito sa loob at pinagmasdan ang reaksiyon ni Knee Yoz. Mahinahon siya ngunit alam kong galit siya. Pero hindi ko alam kung anong dahilan.Bago pa sumagot si Denise sa kanya ay hinila niya na rin ito papasok. Bahagya akong umusog para makaupo si Denise sa aking tabi.Pumasok na rin si Knee Yoz sa harapan. Bumaling ito sa likuran at tumingin kay Denise.“Hindi mo ba alam na talamak ngayon ang pagkawala ng mga babae? Hindi mo ba naisip na may nag-aalala sayo?”“Tss,” usal ni Denise. Ilang segundo pa itong nakatingin sa aking kaibigan bago bumaling sa akin. Nagulat pa ako sa kanyang ginawa ngunit hindi ako nagpahalata. Umayos na rin siya ng upo

  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 23

    Maliwanag na ang paligid pero himalang naroon pa rin silang dalawa sa aking pwesto. Tawang tawa ako kay Edward na nambobola ng mga namimili. Matalim ang tingin ni Denise sa kanya at hindi pa rin namamansin.“Ate ano sa inyo? Dito na kayo bumili murang mura lang. Bibigyan ko pa kayo ng discount.” Pangungumbinsi niya sa babaeng dumaan. Hindi siya pinansin nito at lumipat sa ibang pwesto kaya't napailing na lang siya “Ayaw niyo edi ‘wag. Hmp, chossy pa kayo ang gwapo ko na nga,” Nagpigil ako ng ngiti nang tumigil siya dahil sa matalim na tingin ni Denise.“Hoy ate ano ba naman yang paninda niyo bulok.” Nagulat ako sa babaeng nasa harapan namin at dala-dala ang kalahating kilo ng talong na kanyang binili. “Tingnan niyo oh, ano pang papakinabangan namin diyan puro uod?” Bahagya akong napaiwas nang padabog niyang nilapag sa aming harapan ang mga talong na pinaghihiwa. Nagkalat pa sa sahig ang ibang kamatis at sibuyas dahi

  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 22

    Isang araw at kalahati ang naging biyahe namin. Bumungad sa akin ang naglalakihang mga gusali. Kaliwa't kanan ang mga tao at ang lahat ay abala. Malayo ito sa nakagisnan kong tahimik na pamumuhay sa bukid at pagtatanim lamang ang aming pinagkakaabalahan. Tahimik lang akong sumunod sa dalawang lalaking kasama ko. Pumasok kami sa isang carinderia na maraming tao. Umupo kami sa may bandang sulok. Tumingin tingin ako sa paligid at nakiramdam. Tumayo ang kasama ni Knee Yoz para umorder ng pagkain kaya’t naiwan kaming dalawa sa lamesa. Bigla ay nakaramdam ako ng pagkailang ngayon lang pumasok sa isip ko ang nangyari. Nang sinabi ko sa kanyang sasama ako ay hindi ako nag-alinlangan at hindi na rin siya nagtanong pa. Napabuntong-hininga ako, hindi na ako maaring umatras pa. Napakurap ako nang tumingin siya sa akin. "Anong balak mo?" ngayon ay kinabahan ako sa kanyang tanong. Hindi talaga ako nag-isip bago ako nagdesisyon. Saan ako pupunta? Magiging pulubi ba ako kaga

  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 21

    Isang araw at kalahati ang naging biyahe namin. Bumungad sa akin ang naglalakihang mga gusali. Kaliwa't kanan ang mga tao at ang lahat ay abala. Malayo ito sa nakagisnan kong tahimik na pamumuhay sa bukid na pagtatanim lamang ang aming pinagkakaabalahan.Tahimik lang akong sumunod sa dalawang lalaking kasama ko. Pumasok kami sa isang carinderia na maraming tao.Umupo kami sa may bandang sulok at naiwan kaming dalawa sa lamesa nang umalis ang kanyang kasama para mag-order ng pagkain. Nang sinabi ko sa kanyang sasama ako ay hindi ako nag-alinlangan at hindi na rin siya nagtanong pa."Anong balak mo?" Ngayon ay kinabahan ako sa kanyang tanong.Saan ako pupunta? Magigin

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status