Kabanata 8.9“Pao, please, stop this nonsense now. Alam kong hindi mo ito kayang gawin ng mag-isa at mas lalong alam kong hindi ka masamang tao. Stop taking responsibilities o–”“Arya, nasabi ko na ang mga dapat kong sabihin. I did this alone. I did this for my daughter and I am not a coward to run from the consequences of my actions.” Bumagsak nang sunod-sunod ang mga luha ni Paola, ang first best friend ni Arya, ang pumasok sa mansyon ng nga Walton para magnakaw at ang nag deposito ng eksaktong perang ninakaw niya sa mismong bank account ni Arya. Pinahid niya ang mga luha niya at ngumiti. “I'm so relieved.” Ngumiti siya. “You haven't changed at all. Ikaw pa rin ang Arya na minahal at nakilala ko noon. Down to earth, gentle but also a fighter, smart and kind-hearted. Masaya akong naging successful ka, hindi dahil sa family background mo kung hindi dahil sa skills at talents mo. Masaya rin akong makita kang malaya. Tatlong taon din ang tiniis mo sa puder ng mga Walton.”“Paano mo nala
Kabanata 9.1Kasalukuyang nagmamaneho si Greta patungo sa presinto kung saan naroroon sina Arya at Damon. Mas mabilis ang kaniyang pagpapatakbo ngayon kumpara sa normal speed niya kapag nag-da-drive.“Hija, p'wede bang bagalan mo ng kaunti? Baka maaksidente tayo,” takot na wika ni Divina habang yakap-yakap ang kaniyang mamahaling bag.“Tita, you have put your seatbelt on. Wala kang dapat ipangamba. Isa pa, don't you trust me?” Napasabay sa musika si Greta nang biglang nagpalit ang tugtog. Naka-airpods siya ngayon at konektado iyon sa kaniyang cell phone. Ayaw kasi ni Divina na magpatugtog siya habang nasa byahe. Naliliyo raw ito at sumasakit ang ulo.“Of course, I trust you, hija.” Ngumiti ng peke si Divina. Mukhang sa sasakyan pa ni Greta siya aabutin ng atake sa puso. Hindi kasi siya sanay sumakay sa napakabilis na sasakyan. Napalunok siya ng sunod-sunod.“Tita, do you really like me for your only son?” Greta asked out the blue.“Tinatanong pa ba dapat ‘yan, hija? Isn't it obvious?”
Good day! Pasensya na po kayo kung nahinto ang update nito. Bukod po sa nagpapagamot ako ay isa rin po akong full time mom at business woman.Pakisama po ako sa prayers niyo. Kapag naging maayos na po ang health ko, asahan niyong babawi ako sa lahat ng pagkukulang ko bilang manunulat.Basta kapag kaya ko po at kaya ng time, maglalapag po ako ng update rito.Please read my other stories. Completed - One Night Love (Tagalog - Gray Series 1), Suddenly Married to a Billionaire, The Heiress Revenge (Tagalog).On-Going - One Night Darker (Tagalog- Gray Series 2), Hidden Mafia Don at Longing for my Ex-Wife's ReturnMARAMING MARAMING SALAMAT PO.GOOD HEALTH FOR EVERYONE.GOD BLESS.Nagmamahal,Docky
Kabanata 9.2“Senyorita.”Ngumiti si Arya kay Mariz bago tuluyang pumasok sa opisina nito. Marahan siyang naglakad patungo sa direksyon ng couch habang pinagmamasdan ang bagong ayos na opisina.“Senyorita,” muling sabi ni Mariz.“I'm here to give you applause.” Arya winked at Mariz.Nagtatakbo si Mariz patungo sa may pintuan. Tumingin muna siya sa may corridor bago niya mabilis na ikinandado ang pinto. Humakbang siya nang malalaki palapit kay Arya.“Senyorita, hindi po ba kayo hinahanap ni patron?” pabulong na tanong ni Mariz.“Nagpaalam ako kay daddylo. Don't worry.” Sumandal sa couch si Arya. Huminga siya nang malalim.“Kumusta po ang interrogation? Na-confirm niyo po ba kung talagang walang alam si Paola kung sino ang nag-utos sa kaniya?” Nilaro ni Mariz ang kaniyang mga daliri sa kamay.Ngumiti si Arya. “You don't have to worry. Walang alam si Pao. I did my best to make her confessed pero wala siyang pangalang mabitiwan. It's obvious na may nag-utos talaga sa kaniya pero she could
Kabanata 9.3“Love, bitiwan mo ako. Nasasaktan ako!” Tiningnan ni Greta ang kaniyang braso. Mahigpit na hinahawakan ito ngayon ng kaniyang kasintahan.“Did I hear it right? Gusto mong palabasin na si Arya ang mastermind ng lahat ng ito?” Hinila ni Damon si Greta palapit sa kaniya. Hindi niya namalayan na mas lalong humihigpit ang pagkakakahawak niya sa braso nito.“Hinaan mo nga ang boses mo. Baka may makarinig sa mga sinasabi mo. Nasa police station tayo.” Halos mamilipit na sa sakit si Greta. Muli niyang tiningnan ang kaniyang braso. “Nasasaktan na ako. Hindi mo ba ako naririnig?” Lumakas nang bahagya ang boses niya.“May problema po ba, ma’am?” tanong ng pulis. Lumapit siya dahil narinig niya ang sinabi ni Greta. Tumingin siya sa braso nito pagkatapos ay tumingin siya kay Damon. “Sir, mukhang nasasaktan niyo na po si ma’am. Mag-asawa po ba kayo?”“It's none of your business. You're being nosy.” Damon pulled Greta over his car.“I'm sorry, sir. Okay lang po ako. May misunderstanding
Kabanata 9.4“Holy shít! Love, please be care…ful.” Nanlaki ang mga mata ni Greta nang makita niya ang sasakyang sinasakyan ni Arya kanina sa harapan nila. “How the hell did she…”Bumusina nang ubod ng lakas si Damon. Nang walang bumababang driver mula sa sasakyang nakaharang sa daan, ay sumilip na siya sa bintana ng kaniyang sasakyan. “I'm giving you two minutes to move out of my way!” he shouted.“Love, hayaan na lang natin. Let's find other route. Nag-aaksaya lang tayo ng panahon. Maybe, the driver is drunk and tip–”Nilingon ni Damon si Greta. “Muntik na tayong maaksidente. Anong hayaan? Hindi p'wede. Paano kung may nangyari sa'yo? Paano kung a–”“Love, wala namang nangyari, ‘di ba? Calm yourself. Umupo ka na ng ayos at bumalik sa pag-da-drive. Hindi ba't sabi mo, babawi ka sa akin? Then, listen to me.” Ayaw ni Greta na magkaharap-harap na naman silang tatlo nina Arya. Pakiramdam niya, mayroong hindi magandang mangyayari kaya gano'n na lamang ang pagpilit niya kay Damon na balewal
Kabanata 9.5“Anong ibig sabihin nito, Greta? You're bribing a man in uniform just to get what you want? Gan'yan ka na ba ka-desperadang pabagsakin si Arya? Gan'yan ka ba ka-insecure sa kaniya?” sunod-sunod na tanong ni Damon habang ipinapakita ang hawak niyang mga papel kay Greta. Naka-park ang kaniyang sasakyan sa may gilid ng kalsada.“Pinaniniwalaan mo ang mga papel na ‘yan kaysa sa akin?” natatawang tanong ni Greta.Inihagis ni Damon kay Greta ang mga papel. “Hindi ako p’wedeng magkamali. That's your number. Officer Lauron had been calling you since they caught the suspect.”“Of course, he would! He's a family friend. What do you expect? I just want to help you and tita. As badly as you want to solve this case, so am I!” Greta exclaimed while rolling her eyes.“I'm giving you a chance to admit your mistake, love. You're not a liar, right?” Damon asked calmly.“You want me to admit that I'm a criminal? Bribing people isn't my thing, Damon. Bakit ba nagpapaniwala ka sa mga kapiraso
Kabanata 9.6“Get your hands off of me.” Nakataas ang isang kilay ni Arya habang nakatingin kay Divina.“Magkano ang ibinayad mo para saluhin ng dati mong best friend ang kasalanan mo?” matapang na tanong ni Divina habang hawak-hawak ang braso ni Arya.“You really think na ako ang nagnakaw sa mansyon mo? Tatlong taon akong nanirahan sa inyo. May nawala ba sa inyo noong mga panahong namamalagi ako sa pamamahay niyo? Wala, ‘di ba?” Marahas na inalis ni Arya ang kamay ni Divina sa kaniyang braso.“Baluktot ang katwiran mo, babae. People change. Alam kong alam mo na hindi naging maganda ang pagtrato namin sa iyo inside your marriage with my son. Imposibleng hindi ka nagtanim ng sama ng loob sa pamilya ko.” Tiningnan ni Divina si Arya mula ulo hanggang paa. “Look at yourself. Napakalaki na ng ipinagbago mo mula sa pananamit hanggang sa kaibuturan ng kaluluwa mo. No wonder, you can do such crimes now.”Ngumiti si Arya. “Baka nakakalimutan niyo kung nasaan tayo. P'wede ko kayong kasuhan ng p