Kabanata 33 “Love, she wants me to kiss her dirty feet. She's asking too much. Akala ko ba need ko lang mag-sorry?” Mabilis na niyakap ni Greta sa bewang si Damon. Tumalim ang mga tingin ni Damon kay Arya. “I never thought that you could do this kind of stuff, Arya. You are not heartless.” Bahagyang tumingala si Arya. Nanlamig ang kaniyang mga mata nang muling magtama ang mga mata nila ni Damon. “You made me like this,” bulong niya. Nagulat siya nang bigla na lamang siyang hinawakan ni Greta. “I'm sorry, Arya,” seryosong turan ni Greta. Napaawang ang bibig ni Damon. Hindi niya iyon inaasahang marinig nang gano'n kaagap mula sa bibig ni Greta. Inobserbahan ni Arya ang mukha ni Greta partikular na ang mga mata nito. Mukha naman itong seryoso. “Is it enough? Hindi mo na ba ako kakasuhan?” taas-noong tanong ni Greta. Inilapit ni Arya ang mukha niya kay Greta. Ngumiti siya at pagkatapos ay umiling. “Kailangan mong lumuhod. Kung ayaw mo namang lumuhod, p'wedeng-p’wede mo namang halik
Kabanata 34 Nakatitig si Arya sa chandelier. Ramdam niya ang basang-basa niyang mga pisngi. “Kapag babae ang magiging anak natin, Aryana ang ipapangalan natin sa kaniya.” Nakayakap si Damon kay Arya habang hinahaplos ang tiyan into. “Paano kung lalaki?” nakangiting tanong ni Arya. “Hmmmm.” Napa-isip si Damon. “Dan Aris?” Nagtawanan ang dalawa. “Sabi ni mama, kailangan ko raw ipa-DNA test ang anak natin pagsilang na pagsilang ni baby. Hi–” “Hayaan na lang natin si mama sa gusto niyang mangyari. Wala nam–” Inalis ni Arya ang pagkakayakap ni Damon sa kaniya at pagkatapos ay marahang tumayo. Halata sa mukha niya ang pagkadismaya. Damon clenched his jaw. “Why did you stand up?” “Pati ba naman ikaw?” maluha-luhang tanong ni Arya. “What? Ano na naman ba ‘to, Arya? Nag-iinarte ka na naman! Nakakasira ka ng mood eh,” reklamo ni Damon. “Pati ba naman ikaw? Pinagdududahan mo ako?” basag na ang boses ni Arya. Anumang oras ay papatak na ang luha niya. “Ano bang sinasabi mo? Hindi kita p
Kabanata 35 “Congratulations, anak! You made it!” Halos lingkisin na ni Divina ang kararating lang na si Damon dahil sa sobrang tuwa. “Mama, anong mayro’n? Teka lang, mama. Nahihirapan akong huminga.” Ini-abot ni Damon ang brown envelope kay Greta habang pinipilit niyang humiwalay sa pagkakayakap ng kaniyang mama. Nakangiti si Greta habang naiiling. Nauna na siyang pumasok sa mansyon ni Damon. Dumiretso siya sa dining area para humanap ng maiinom. Ipinatong niya ang brown envelope sa may mesa. Lumakad siya sa direksyon ng refrigerator at kumuha ng isang can ng smirnoff. Agad niya itong nilaklak. “This feels good!” Greta sat on the dining chair while drinking. Her eyes darted on the brown envelope. Ibinaba niya ang hawak niyang smirn-off can at kinuha ang brown envelope. “Arya, that idi0t.” Marahang binuksan ni Greta ang brown envelope at kinuha ang mga papeles na nasa loob noon. Pinasadahan niya ng basa ang lahat ng papel. Kumunot ang kaniyang noo nang mabasa niya ang isang panga
Kabanata 36 “Ang sarap mo pa rin talaga, love,” ani Greta habang pinaglalaruan ang dibdib ni Damon. Katatapos lang nilang mag-s3x. Pareho pa silang naghahabol ng hininga. “Kaso, bitin na bitin pa rin ako,” mapang-akit niyang turan. Ngumiti si Damon. “Wala tayong magagawa. Baka mamaya eh bigla na lang tayong tawagin ni mama. Alam mo namang ayaw na ayaw no’n na pinaghihintay siya, ‘di ba?” Kinagat ni Greta ang kaniyang ibabang labi. “Ituloy na lang natin mamayang gabi.” “Napaka-wild mo talaga. Gusto ko rin sana kaso kailangan ko nang pagplanuhan ang new ventures na papasukin ko with the Armanis.” Binuksan ni Damon ang cabinet at kumuha roon ng isang sigarilyo. “You’re smoking?” gulat na tanong ni Greta. Kinapa ni Damon sa drawer niya ang kaniyang mamahaling lighter. “You’re asking the obvious, love.” Sinindihan niya ang sigarilyo at nagsimulang humithit. “Kailan ka pa natuto?” iritang tanong ni Greta. Umupo siya sa kama at binalot ng kumot ang hub@d niyang katawan. “Bakit parang
Kabanata 37 “Mariz, call my little sunshine. Ask her to come over,” Don Fridman ordered as he sipped some tea from his favorite cup. Yumuko si Mariz. “Sige po, patron.” “Sa mga oras na ito, sigurado akong nagdiriwang na ang mga uto-uto.” Inalis ni Don Fridman ang kaniyang itim na sombrero at nagpatuloy sa paghigop ng mainit na tsaa. “Patron, on the way na raw po si senyorita,” balita ni Mariz matapos niyang ibaba ang telepono. “Akala ko ay nagbibiro lang ang batang ‘yon na pupunta siya ng Escueza. Sayang, nakasama sana ako sa kaniya,” ani Don Fridman. “Patron, ipinapatanong nga po pala ni senyorita kung nakausap na raw po ninyo si Mrs. Walton.” Umupo si Mariz sa couch, katapat ng inuupuan ng kaniyang amo. “Oo at naipahatid ko na rin ang nais niyang sabihin sa kaniyang dating biyenan.” Ibinaba ni Don Fridman ang hawak niyang tasa. “Ipinapalinis ko na rin ang aking Rolls Royce. Masyadong nagtagal kahapon si Divina sa loob noon. Kailangang i-disinfect dahil ayokong kumapit sa balat
Kabanata 38 Punong-puno ng pawis ang mukha at katawan ni Damon. Maaga siyang gumising para pumunta sa basement ng kaniyang mansyon na siya lang ang nakakaalam. Doon ay mayroong gym area, working area at isang maliit na kitchen area. Pow! Pow! Pow! Malakas at maliksi ang bawat suntok na pinakawalan ni Damon sa hangin. Nang makaramdam na siya ng pagod ay umupo na siya sa mismong boxing ring. Habol niya ang kaniyang paghinga habang nakatulala sa kawalan. Hindi mawala sa isip niya ang audio file na kaniyang pinakinggan kahapon. Paulit-ulit iyong nag-pe-play sa utak niya. Kahit nanginginig na ang tuhod ni Damon ay pumilit siyang tumayo. Muli siyang nagpakawala ng suntok sa hangin. Pow! Pow! Pow! Nang mawalan ng balanse si Damon ay agad siyang napahiga sa ring. Hingal na hingal siya habang nakatitig sa kisame. “I was right. Something was off with her obstetrician before. Bakit ipinagsawalang bahala ko ang kutob ko noon? Did I just let her kill my son!” Hinampas niya ng buong lakas ang
Kabanata 39 “Ma’am Arya, may bisita po kayo.” “This early? Sino raw?” Busy si Arya sa paglilinis ng kaniyang table. Nakalagay na rin sa mga kahon ang kaniyang mga gamit sa opisina. Magsasalita na sana ang secretary ni Arya nang biglang inuluwa ng pinto si Divina. “Ako.” Abot-tainga ang ngiti ni Divina. Napako ang tingin ni Arya sa dala nitong bulaklak at cake. “Iwan mo muna kami,” walang emosyong sabi niya sa kaniyang secretary. Yumuko ang secretary ni Arya bago lumabas ng opisina. Ikinandado rin niya ang pinto bago siya lumabas. Patuloy sa pagliligpit ng kaniyang gamit si Arya. “Hindi mo man lang ba ako aanyayahang umupo?” Iniikot ni Divina ang kaniyang mga mata sa opisina ni Arya. “Kailangan bang imbitahan muna kitang umupo bago ka umupo? Hindi mo ba nakikitang busy ako?” Ipinagpag nang malakas ni Arya ang hawak niyang mga papel. “Ang aga-aga ang sungit mo na agad. Alam mo bang malas ‘yan sa isang negosyo? Ikaw rin. Baka alisin ka ni Don Fridman sa posisyon mo.” Ipinatong n
Kabanata 40 “Peste talaga ang babaeng impaktang ‘yon. Wala na ngang saysay ang naka-print sa mga papel, wala pang laman itong USB. Bwisit!” Itinapon ni Greta ang USB sa basurahan. Inayos niya ang kaniyang buhok at huminga nang malalim. Biglang may kumatok sa pinto ng opisina ni Greta. “Come in,” inis na sambit ni Greta. Mas lalo siyang nainis nang makita niya ang mukha ng head ng sales and marketing department na si Ms. Park. “Bakit ka nandito?” tanong niya habang abala na sa pagtitipa sa kaniyang laptop. “Ma’am may problema po tayo,” bungad ni Ms. Park. Nag-angat ng tingin si Greta. “Is this about our recent project?” Tumango si Ms. Park. “What about it?” Ini-shutdown muna ni Greta ang kaniyang laptop. “Eh kasi ma’am bigla na lang pong nag-pull out ang mga big investors natin nang mabalitaan nilang hindi na itutuloy ng mga Gray ang pag-iinvest sa project. Mismong secretary po ni Mr. Gray po ang tumawag kani—” Napatayo si Greta. Hinampas niya nang malakas ang mesa habang nanli
Kabanata 116 - ANG PAGWAWAKAS“JETTY, ARYA, COME HERE! WE’RE HERE!” palakat ni Jacob habang karga-karga niya ang kaniyang anak na si Jia.“Hakob, nasaan si Yael? Parang hindi ko siya nakikita," tanong ni Jackson, karga naman niya si Sonya.“Mahuhuli lang daw siya ng kaunti. May kailangang gawin sa school niya eh." Ibinaba ni Jacob si Jia at hinayaang maglaro sa may damuhan.Ibinaba rin ni Jackson ang anak niyang si Sonya at inayos ang mga pagkain at red wine. “Hindi ako makapaniwalang mas gusto pang matulog nina Freya at Eya kaysa sumama sa picnic na ito.”Tumawa nang mahina si Jacob. "Hayaan mo na. They needed it. Minsan lang sila maging malaya,” pabiro niyang sabi.Napangiti at napatingin sina Jackson at Jacob kay Jett nang bigla silang inakbayan nito."Kumusta? Ang tagal mong nawala ha! Ano? Nakabuo na ba kayo?” sunod-sunod na tanong ni Jacob. Tumaas pa ng ilang beses ang kaniyang dalawang kilay."How's your honeymoon? Ginawa mo ba naman ang mga turo namin sa'yo?” biro naman ni Jac
Kabanata 115“A-Arya…”“Bitiwan niyo ako. Hindi pa ako tapos sa lalaking ‘yan," nagpupumiglas na sambit ni Jett."Gusto mo bang makulong?” inis na tanong ni Jacob.Umiling si Jett. “Pakakasalan ko pa si Arya. Bubuo pa kami ng pamilya.”“Kung gano’n, kumalma ka. Tingnan mo nga ang hitsura ni Damon. Halos hindi na siya makalakad at halos hindi na makilala ang mukha niya. Alam mo naman siguro na may kaukulang parusa ang ginawa mo, oras na magkaso sa’yo si Damon," ani Jacob."Ang kapal naman ng mukha niya kung magkakaso pa siya eh kulang pa nga ‘yan sa mga ginawa niya kay Ary—”“Jacob." Sumenyas si Jackson na ilayo na muna si Jett kina Arya at Damon. Agad naman siyang naintindihan ng kaniyang kapatid. Nagtakip na lamang siya ng kaniyang tainga nang magsisigaw si Jett habang kinakaladkad ito ni Jacob palayo. “Now, let’s see if Arya is going to hurt her ex-husband or not," nakangiting sambit niya."Arya…”Walang emosyon si Arya habang nakatingin sa bugbog saradong si Damon.“Arya, bakit mo
Kabanata 114Mabilis na kumawala si Divina sa mga bisig ni Denver. Gumapang siya patungo kay Arya.“Arya, I’m sorry. Patawarin mo ako sa kung paano kita itinrato. Wala akong alam. Hindi ko alam na apo ka pala ni Don Fridman. Arya, please, huwag mo kaming ipakulong. Kahit naman papaano ay may pinagsamahan tayo. Tatlong taon ka naming kinupkop, pinakain at binihisan, Ar—”“So, dapat pa pala akong magpasalamat sa’yo? Gano’n ba, Divina?" natatawang sambit ni Arya."Arya, hindi naman sa gano’n. Nais ko lang ipaalala sa’yo na minsan ka ring naging isa sa amin, na minsan ka ring naging isang Walton,” malumanay at nakangiting turan ni Divina.“Oo nga naman. Salamat ha kasi ipinahiram niyo sa akin ang apelyidong Walton ng tatlong taon. Isang karangalan," sarkastikong wika ni Arya."Walang anuman, hija. Paano? Ipapa abswelto mo na ba kami, huh?” Mula sa pagkakaluhod ay biglang tumayo si Divina. Hahawakan na sana niya ang kamay ni Arya nang bigla siyang tinabig nito.“Who told you to stand, Mrs.
Kabanata 113“Kulang pa ang paghalik mo sa sahig bilang kaparusahan sa mga ginawa mo sa akin, sa kumpanya at kay lolo, Mariz!" ani Arya habang inginungodngod niya sa sahig ang mukha ni Mariz.“Ano pa bang gusto mo, Arya? Nasa iyo na ang lahat! Bakit ginaganito mo pa a—”“SHUT UP!" mangiyak-ngiyak na sigaw ni Arya. “Did you already forget that you killed an innocent child, huh, Mariz? Did you forget that you killed my daughter?!” Bilog na bilog ang mga mata niya.“Fetus pa lang naman ang anak mo n—-”Mabilis na binitiwan ni Arya ang buhok ni Mariz at saka tumayo para tapakan ang mukha nito habang lapat pa ang mukha nito sa sahig. Mataas ang takong ng suot niyang sandals kaya talaga namang panay na panay ang paghikbi ni Mariz habang nagmamakaawa sa kaniya!“She already had a heartbeat that time. MAY BUHAY NA ANG BATANG NASA SINAPUPUNAN KO! KE FETUS MAN SIYA O SANGGOL NA, BUHAY NA SIYA! MAY ANAK KA RIN, MARIZ, SIGURO NAMAN ALAM MO KUNG GAANO KASAKIT SA ISANG INA KAPAG NASASAKTAN ANG KANI
Kabanata 112Kumikinang ang kwintas at hikaw ni Arya sa tuwing tatamaan ito ng mga ilaw. Bilyon ang halaga ng mga ito dahil gawa ang kwintas at hikaw sa mataas na karat na purong diyamante at gems, walang sinabi ang suot ni Mariz na twenty four carat gold necklace at dangling earrings. Maging ang mga palamuti sa kaniyang buhok ay kumikinang din, gawa rin sa purong diyamante ang lahat ng bato, hindi tulad sa hair accessories ni Mariz na gawa sa mataas na klase lang ng Russian stones. Bukod sa mga alahas at ibang accessories ay talaga namang agaw pansin din ang suot na gown ni Arya. She's wearing “The Nightingale of Kuala Lumpur" gown that was designed by Faisal Abdullah. This gown is priced at thirty million US dollars! The red long gown is made of crimson silk and taffeta and adorned with over seven hundred fifty diamonds, with a stunning 70-carat pear-cut Belgian diamond!Habang naglalakad si Arya palapit sa kaniyang lolo at sa kaniyang magiging asawa ay hindi niya mapigilang maiyak
Kabanata 111Bago pa man muling magsalita si Don Fridman ay pinalibutan na ng mga pulis ang pamilyang Walton at ang mag-inang Mariz at Marissa.Napayakap si Divina sa kaniyang asawang si Denver. “Ayokong makulong. Nakakadiri sa kulungan. Masikip, mabaho at may mga kasama ka pang mga kriminal at asal-hayop." “Don't worry, darling. Hindi tayo pababayaan ni Senyorita Armani. As long as she's taking our side, then, we have nothing to worry about," kampanteng wika ni Denver. Hinalikan niya sa ulo ang kaniyang asawa.“Tama si papa. We have Mariz at sigurado akong hindi papayag si Don Fridman na lalaking walang ama at ina ang apo niya sa tuhod. Wealthy people cannot afford to have an "ex-convict" word after their names. Napakadali rin para sa kanilang mag manipula ng batas. So sit down and relax. Tingnan niyo, ngiting-ngiti sa atin si Don Fridman. We should smile back at him,” wika ni Damon sabay ngiti kay Don Fridman. Hinawakan niya ang kamay ni Mariz at itinaas niya ito, para mapansin ng
Kabanata 110Lalapit na sana ang mga kabaro ni Tamahome sa table kung saan naroroon ang mga Walton at ang mag-inang Mariz nang pigilan sila ni Jett.“Hindi pa oras para hulihin sila. Let them enjoy the show first," Jett instructed.Marahas na napalupagi sina Divina at Denver sa sahig nang mapagtanto nila ang kanilang kalagayan. Dawit na sila sa kasalanan nina Mariz, Damon at Marissa dahil sa pagsisinungaling nila kanina.“Anong kamalasan pa ba ang dadating sa buhay natin? Simula nang dumating ang babaeng ‘yon, nagkanda leche-leche na ang buhay natin! Siya talaga ang nagdala ng malas sa pamilya natin! Bakit ba kasi hindi agad nakilala ng anak natin si Senyorita Mariz?!” ngalngal ni Divina."Nasa maayos ka pa bang pag-iisip? Makukulong ang anak natin, pati na rin tayo ngayon dahil sa krimeng ginawa nina Senyorita Mariz. Sa tingin mo, bakit niya binihag ang mga Gray? Kinakabahan ako. Pakiramdam ko ay hindi siya totoong Armani.” Pumatak ang butil-butil na pawis ni Denver mula sa kaniyang
Kabanata 109 “Binibini, panoorin mong mabuti ang aking inihandang munting palabas para sa iyo. Malay mo, ikaw pala ang star of the show," nakangising turan ni Don Vandolf sabay akyat muli sa stage. “Anak, ano bang sinasabi ng matandang ‘yon? Naguguluhan ako," kinakabahang sabi ni Marissa. “Hindi ko rin alam, mama. Tingnan na lang natin." Pinagpapawisan na ng malalamig si Mariz. Mas lalong nadagdagan ang kaba niya nang mahagip ng kaniyang mga mata ang mga dumating na pulis. ‘ShiT! Ano bang nangyayari?’ “Senyorita, kinakabahan ako. May hindi tama rito," bulong ni Damon. “Manahimik ka nga! Hindi ka nakakatulong!" Pinagtinginan ng mga tao si Mariz dahil napalakas ang boses niya. “Oh! Anong tinitingin-tingin niyo riyan?!" Mabilis na nag-iwas ng tingin ang mga tao kina Mariz at nag focus na lamang sa ipalalabas sa harapan. Maya-maya pa ay nagsimula na ang video clip. Agad na napatayo sa upuan si Mariz nang makita niya ang kaniyang sarili sa screen. Nanlaki ang kaniyang mga mata at ag
Kabanata 108“Sobrang baliw ng babaeng ‘yon. Pagpasensyahan mo na ang ex-wife ni Damon, Senyorita Mariz. Lumuwag ang turnilyo no’n sa utak dahil nakipaghiwalay ang anak ko sa kaniya. Ngayon, akala niya ay may kakayahan na siyang makipagsabayan sa ating mga mayayaman,” natatawang sabi ni Divina.‘Talaga nga palang boba ang isang ‘to. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam na ang inaasam-asam niyang yaman at malahian ay nasa puder na niya ng tatlong taon. T0nta! Pasalamat ka at nanay ka ng lalaking matagal ko nang pinapantasya!’ sigaw ng isip ni Mariz habang pekeng nakangiti kay Divina Walton.“Oo nga, senyorita. Sobrang trying hard ni Arya. Isa siyang social climber at gold digger. Mabuti na lang talaga at nauntog ang anak namin bago pa maubos ng babaeng ‘yon ang yaman naming mga Walton,” salaysay naman ni Denver.‘Isa ka pa! Pare-pareho lang kayong mga inutiL at walang alam! Mabuti na lang at isa rin akong Armani. I saved all of you from disgrace and humiliation!’ Napalingon si Mar