Friendship over na ba? Hmmm
"Juancho, Pan!"Natigilan si Juancho at Pan nang marinig ang boses ni Logan."Anong ibig sabihin nito?" aniya, hindi mawari kung anong reaction ang nasa mukha niya.Malamig naman siyang tinignan ni Juancho. In fact, hinawakan niya ang kamay ni Pan na para bang ayaw niyang ipalapit ito kay Logan.Ang mata ni Logan ay nahulog sa kamay nilang magkahawak."B-Bro, w-what's this?" maririnig ang sakit sa boses ni Logan.Hindi sumagot si Juancho. Sa magkahawak nilang kamay ni Pan, tiyak niyang batid na ni Logan kung anong meron sa kanila.Lumapit si Logan kay Pan at hinawakan ang isang kamay nito para hilahin palayo kay Juancho, pero hindi siya hinayaan ni Juancho.Yung kamay niyang nakahawak sa kamay ni Pan kanina ay nasa bewang na para pigilan si Logan na mahila si Pan."Tito? Ano pong ginagawa niyo kay mama?" tanong ni Zahara.Pero yung galit, dismaya, takot at taranta sa puso ni Logan ay naghalo-halo na."Bitawan mo ko Logan," mariing sabi ni Pan at yumakap sa katawan ni Juancho.Si Sara n
"Gidette,"Nagulat si Gidette nang makita niya si Pan."Anong ginagawa mo dito?"Nakita niyang tumingin si Pan sa tiyan niya kaya agad niya yung tinakpan gamit ang jacket niya."Anong ginagawa mo dito?""Pasensya ka na. Nakita kasi kita, kaya nilapitan kita.""Ano bang kailangan mo sakin?" Tumingin ulit si Pan sa tiyan niya. "Yung baby mo, anak ba yan ni Logan?"Hindi sumagot si Gidette, kaya batid na agad ni Pan na oo ang sagot."Huwag mo ng sabihin ito sa kaniya dahil ayoko ng magkagulo.""Okay.. Ayaw mo talaga maniwala na wala na kami." "Tss.. Pwede ba umalis ka na? Nang-iinis ka na naman." Ngumuso si Pan. Kahit kailan talaga, maIdita si Gidette. Pero narealize niya, kung hindi rin dahil sa kaniya, baka hindi pa siya nakakabalik kay Juancho. Dahil sa walang humpay na pang-aakit ni Gidette kay Logan, kaya tuloy, nagkaroon siya ng dahilan para bumalik kay Juancho. "Mama, sino po siya?" tanong ni Zahara na nakatingin kay Gidette."Mama?" naguguluhang sabi ni Gidette."Ah nga pala
PUPUNTAHAN sana ni Julia ang asawa niya sa Gamesoft para makahingi ng tawad.May dala siyang lunch ng sa ganoon e makabawi siya pagka't ginalit niya ito kagabi.Ngunit pagdating niya ng Gamesoft, namataan niya si Sara na sumisilip sa entrance door."Stop the car." Utos niya sa driver.Bumaba siya at agad na pinuntahan si Sara."Hindi ba ikaw ang girlfriend ni Logan? Nasaan ang anak ko?"Nanlalaki ang mata ni Sara nang mamataan siya. "Hello po.. Si Logan po n-nasa b-bahay at... may problema po sa kaniya."Kumunot ang noo ni Julia. "Sa sasakyan tayo mag-usap. Hindi pwedeng makita ka ng asawa ko."Tumango si Sara. Sumama siya kay Julia at sumakay sa sasakyan."Anong sasabihin mo? Anong nangyari sa anak ko?""Hindi po siya kumakain at nag-aalala na po ako dahil tatlong buwan na rin siyang puro alak ang iniinom niya. Ayaw niya pong umuwi at malaki po ang ibinagsak ng k-katawan niya kaya po nandito ako para sabihin sa ama niya bago pa lumala ang kalagayan niya." "Bakit? Anong nangyari at um
Kinagabihan, matapos takpan ni Pan ang mga pasa sa mukha niya, saka niya tinawagan si Juancho."Ang tagal mong sinagot ang tawag," nakangusong sabi nito.Huminga ng malalim si Pan para takpan ang mga sakit na nararamdaman niya. Mahapdi pa rin ang pisngi niya at masakit pa ang anit sa buhok niya. "Sorry.. Pinatulog ko pa kasi si Zahara.""Oh.. Is she okay? Kamusta naman kayo diyan?""Ayos lang kami dito Juancho. Kayo ni Dom?"Pagbanggit niya ng Dom, sumilip si Dom sa likuran ni Juancho. "Hello Madam Baby.""What did you say?" kunot noong tanong ni Juancho.Agad naman tumakbo si Dom palayo, habang tumatawa pa."That punk!" Juancho murmured.Ngumiti si Pan. Kahit na parang aso't pusa si Juancho at Dom, batid niyang sobrang pinapahalagahan ng dalawa ang pagkakaibigan nila."By the way, si mama, tumawag siya. She said, she wanted to talk to me kapag nakabalik na ako ng Pinas. I think handa na siyang tanggapin ako." Ngumiti si Pan. "Really?""Yeah. Nagulat nga ako kanina. I thought it's im
May isang lalaking bumaba mula sa itaas ng hagdan. Nang tignan yun ni Pan, isang matikas ngunit gwapong ginoo ang nakita niya."Leila?" ani ng lalaking asawa ni Vanessa na si Jones Lowis."Hindi ba? Akala ko siya si Leila." Nakangiting saad ni Vanessa."Hindi po Leila ang pangalan ko. Ako po si Pan. Panasree Soliel D. Salvi po ang pangalan ko." Nahihiyang sabi ni Pan. Gaya ni Vanessa, nagulat rin rin si Jones."Oh. You're not Leila." Saad ni Jones. "Opo. S-Sino po pala si Leila?" "Ah... She's a friend. Anyway, Panasree, ako si Vanessa Lowis at ito ang aking husband na si Jones Lowis. Pasensya ka na sa amin kung panay Leila kami kasi kamukha mo talaga ang kakilala namin na si Leila."Ngumiti si Pan. "Ayos lang po. Saka Pan na po ang itawag niyo sa akin.""Okay Pan. Halika, simulan na natin ang photoshoot."Tumango si Pan at sumunod sa kanila.Alam ni Pan na nagbubulungan ang mag-asawa tungkol sa kaniya. Nagtataka tuloy siya kung sino itong Leila na kamukha niya.Pagdating nila sa gar
"We're here ma'am," ang sabi ni Felicity kay Leila no'ng makalanding sila sa airport."Natawagan mo na ba ang driver?""Opo. They are waiting for us.""Okay. Good. Let's go." Sabi ni Leila at bumaba na sila ng eroplano.Agad silang sinalubong ng sangkatutak na bodyguards na pinadala ng asawa niya sa kaniya."Sa bahay po ba tayo ngayon ma'am or pupuntahan pa natin si ma'am Vanessa?""Sa bahay na tayo. And just contact Vanessa. Tell her nasa Pinas na ako. Magkita nalang kami bukas para masabihan niya agad si Jasmine." "Noted ma'am."Naka-furr jacket si Leila at naka shades habang naglalakad pa exit ng airport. Yung itsura niya ay nakakakuha ng attention ng ibang mga taong nadadaanan niya.Maraming humahanga, maraming nagtataka kung sino siya.She's like a celebrity. Sumakay siya sa sasakyan na nakaabang na sa kaniya sa labas ng airport. It's been years ng huli siyang nakauwi ng Pinas. Maraming taon na rin ang nakalipas nang makita niya ang anak niya sa dati niyang asawa. Pagdating
“Anong ginagawa mo dito?” walang kahit anong bakas ng tuwa ang makikita sa mukha ni Pan nang makita niya ang ina niya.“Kamusta ka na?” tanong ni Leila.Lumapit si Bobby sa kanila at natigilan nang makita si Leila. Hindi na niya kailangang itanong kung sino ito dahil halata na sa mukha ang pagkakahawig nito kay Pan.“Pwede ba kitang makausap anak?”Kumuyom ang kamao ni Pan. May mga client sa loob kaya hindi siya pwedeng magwala. Kinuha niya ang kamay ni Leila at dinala ito sa labas ng studio.Mahina niyang itinulak si Leila kaya muntik itong matumba. “Anong ginagawa mo dito?”“Pan, galit ka pa rin ba sa akin?”Tinignan niya ng masama ang ina niya. “At ano sa tingin mo ang gagawin ko? Matutuwa sayo?”“Pan, anak, sinubukan kong hanapin ka para madala ko sa ibang bansa pero itinago ka ng lola at papa mo sa akin.”“Ay talaga ba? Hindi ba sabi mo wala kang anak? Iniwan mo kami ni papa dahil sumama ka sa isang mayamang lalaki na nakilala mo.”“Pan naman, alam mo kung ano ang ama mo.” “OO!”
Wala pang isang oras na magkasama sila ng apo niya ng sabihin ni Pan na aalis na sila.“Pero mama, it’s too early.” Reklamo ni Zahara.“Anak, hindi na tayo pwedeng magtagal. Hindi ba sabi ni papa dapat kunin na natin ang shirt na pinagawa niya?”“Okay po mama.”Tumingin si Zahara kay Leila. “Bye po lola! See you again!”Ngumiti si Leila at kumaway. Alam niyang gustong ilayo ni Pan si Zahara sa kaniya.Sumakay na ang dalawa sa sasakyan at umalis.“Hindi na po ba natin susundan ma’am?” ang tanong ni Felicity sa tabi niya.Umiling si Leila. Nakatingin lang siya sa sasakyan na ginamit ni Pan paalis.“Hindi na. Kay Jasmine tayo ngayon,” aniya.Tumango si Felicity at agad na sinenyasan ang driver ng sasakyan na maghanda na.Agad siyang sumakay sa sasakyan niya at nagtungo sa bahay ni Jasmine Debrah.Marami siyang gustong malaman tungkol sa buhay ng anak niya.Pinapanalangin niya na sana ay ibang Juancho ang tinutukoy ng anak niya kanina.“Leila!” Gulat na sabi ni Jas nang makita si Leila dah
“Doc, hinahanap po kayo ng anak ninyo.” Ang sabi ng nurse kay Symon. Kumunot naman ang noo niya lalo’t hindi niya alam kung anong dahilan at biglang napabisita si Juancho sa kaniya.“Papasukin mo sa office ko.”“Side po doc.”Umalis ang nurse at agad na tinawag si Juancho. Nang pumasok ito, nagulat si Symon nang makita ang mukha nito.Yung mukha niya ay parang namatayan na hindi niya matukoy. Na tila yata pasan niya ang problema ng buong mundo.“Anong nangyari? Bakit ganiyan ang itsura mo?”May nilapag na pictures si Juancho sa table ni Symon at agad na nanlaki ang mata niya nang makita niya yun lahat. Yung ang pictures ni Pan na kasama si Aaron sa hospital.“Sino ang lalaking yan? Pasyente niyo ba yan dito?”“No. Who gave this to you?” patukoy ni Symon sa mga larawan.“Lorciano.”Kumuyom ang kamao niya.“What? Kailan kayo ng nag-usap?” namilog ang mata ni Symon. “Do you believe him? Mukhang ginagawa niya lang ito para bilugin ang ulo mo. Don’t trust him! Matindi ang galit niya kay Pa
Ramdam ni Pan ang paninitig ni Juancho sa kaniya sa hapagkainan. Kapag tinitignan niya ito, bigla na lang siya nitong ngingitian kaya tuloy e nagtataka siya kung bakit."How's the food?" he asked."Ayos lang naman." Sagot niya at kumain muli."Hindi mo ba gusto ang food, papa?" tanong naman ni Zahara."Papa likes the food." Sabi niya at napilitang kumain.Tumingin si Pan sa kinakain niya at sumubo na lang ulit. Pumasok sa isipan niya ang pinag-usapan nila ni Aaron kanina. 'Hangga't walang inaamin si Aaron, walang makukuha si Lorciano laban sa akin.' Sabi niya sa kaniyang isipan at pinilit na pinakalma ang sarili."Is there something wrong baby?" mahinahong tanong ni Juancho."Huh?""Namutla ka na lang bigla. May problema ka ba?""W-Wala.. Wala akong problema, Juancho." Saad niya at kumain uli."Are you sure?" kumunot ang noo nito. Tumango siya at ngumiti. Tumango na lang si Juancho kahit na gusto niyang itanong kung sino yung lalaking kasama ni Pan sa larawan. Pagkatapos nilang kuma
Pagkagising ni Pan, wala na sa tabi niya si Juancho at Zahara. Napipilitan siyang tumayo at lumabas para tignan ang sala.Nang mapadungaw siya sa ibaba, nakita niya ang dalawa na nakasalampak sa sahig habang nagbubukas ng luggage si Juancho. Si Zahara sa tabi ay nakikigulo sa papa niya. Naghikab siya at pumasok uli sa loob ng kwarto para makaligo. Inaantok pa siya pero dahil gising na ang dalawa, wala siyang choice kun'di ang maligo na lang. Napatingin siya sa orasan nakita niyang alas singko pa lang ng umaga. Pumasok siya ng banyo pagkatapos niyang maghubad ng damit. Tinignan niya ang buong katawan niya at huminga ng malalim ng makitang nag-iwan si Juancho nang maraming red marks."Mukhang nanggigil nga siya kagabi." Mahinang usal niya. Tapos napatingin siya sa tiyan niya. "Kailangan ko na sigurong ipaalam na buntis ako. Baka mamaya e mapasobra siya at mapano pa si baby. Pero, dapat e magpunta muna ako ng hospital." Pagkatapos niyang magmuni-muni ay agad siyang pumailalim sa show
Kinagabihan, halos hindi na makalapit si Felicity kay Pan dahil laging pinipigilan ni Juancho. Kahit ang pagtabi sa hapag ay bawal na rin.“Juancho, kay Felicity na ako tatabi.” Sabi ni Pan dahil si Felicity lang mag-isa sa kanang bahagi ng mesa. “Bakit sa kaniya pa? I just came home. Sa tabi lang kita dapat.”Kumunot ang noo ni Felicity. “Pan wanted to sit next to me.”“No. I said, she’ll sit next to me. Kung ayaw mo, umalis ka.”“JUANCHO!” Sabi ni Pan dahil hindi niya aakalaing gaganunin ni Juancho si Felicity.“She’s my friend.” Giit ni Felicity. “She’s my baby.” Sagot naman ni Juancho. Napanganga si Felicity sa kaniyang narinig. Sobrang possessive ni Juancho at ngayon lang niya nasaksihan ito. Kaya pala no’ng mga pagpaparamdam niya noong una sa Manhattan ay walang epekto dahil hindi man lang kailanman tinamaan si Juancho sa alindog niya.“Nag-aaway ba kayo papa, tita?” inosenteng tanong ni Zahara habang palipat-lipat ang tingin sa dalawa.Natahimik ang dalawa kaya si Pan ay aga
“Just go home dahil wala kang makukuha sa akin.” Mariing sabi ni Aaron kay Lorciano.Kumuyom ang kamao ni Lorciano. Alam niyang hindi sila maayos ni Aaron, pero inakala niyang tutulungan siya nito oras banggitin niya si Logan.“Kung sabagay, wala ka namang pakialam sa pamangkin mo. Hindi na dapat ako magtaka kung mas kakampihan mo ang babaeng yun. I wonder kung anong binigay niya sayo para pagtakpan mo ang meron sa inyo.”Agad na tumalim ang mga mata ni Aaron. “Hindi ako kagaya mo na mas masahol pa sa hayop. Kung hindi ko man magawang lapitan si Logan yun ay dahil kontrolado mo ang utak ng pamangkin ko. Sa tingin mo ba, hindi namin sinubukan na mapalapit sa kaniya?”Ngumisi si Lorciano. “Kontrolado? Kung kontrolado ko lang sana talaga ang utak niya ay hindi na sana ako mahihirapan pa gaya ngayon. Nilason ni Pan ang isipan niya kaya hindi na ako sinusunod ni Logan. I am hoping na that you would help me to avenge your nephew pero wala ka pa lang kwenta.”Mahinang natawa si Aaron. “Then
“FINALLY!” Sigaw ni Dom nang matapos na ang 6 months contract nila ni Juancho sa Manhattan. “Pwede na rin tayong umuwi.”Tumingin siya sa gawi ni Juancho at nakita niya itong nagliligpit na ng gamit. “Saan ka? Uuwi ka na?”“Yes.” Walang kurap na sabi niya.“Bukas na tayo sa makalawa uuwi.”“I’ll go home now. Kung gusto mo pa magpabukas, it’s up to you.”Tumaas ang sulok ng labi ni Dom habang nakatitig sa kaibigan. Kita niya sa mata nito na excited na itong umuwi. Ilang buwan lang siyang nawalay kay Pan at Zahara, pero kung makaasta ay para bang ilang taon itong nawala.“Grabe ka talaga. Anong klase kang kaibigan at bigla mo na lang akong iniiwan dito?” Pagdadrama niya pero tinaasan lang siya ni Juancho ng daliri.Sumimangot siya pero hindi na siya nito pinansin pa.Matapos niyang maligpit ni Juancho ang gamit niya, agad na niyang tinawagan ang dad niya na uuwi na siya.“Papasundo kita.”“No need. I just called para malaman kung nasaan si Pan at Zahara ngayon.”“Kasama nila si Felicity
Binigyan ni Felicity si Pan ng tubig upang ito’y kumalma. Hindi na rin ito umiiyak ngayon. Ngumiti siya pagkatapos nitong maubos ang isang baso ng tubig.“S-Sasabihin mo ba ito kay Juancho?” naroon ang kaba sa boses ni Pan.“Hindi, kaya huwag kang mag-alala.” Sagot ni Felicity sa kaniya. “Pero pwede ko bang malaman bakit ka nagsinungaling sa kaniya?”Humawak si Pan ng mahigpit sa baso niya. Ramdam pa rin niya ang kaba niya pero hindi na gaya kanina.“Kailangan ko si tito Symon para sa anak ko.”Doon na napaayos ng upo si Felicity.“Mahina ang puso ni Zahara, kaya natatakot akong pa-operahan siya sa sakit niya maliban na lang kung magaling ang doctor na hahawak sa kaniya."“Kaya mo ba nilapitan si Juancho para mapalapit kay sir Symon?”Tumango si Pan. “Aksidente ang una naming pagkikita noong nakauwi siya ng Sicily. Alam mo naman siguro ang nakaraan namin ni Logan.. No’ng nahuli ko si Logan na may ginagawang kalokohan, doon ko nakita si Juancho muli pagkatapos ng walong taon. Iyon ang
Lumilipas ang oras habang hinihintay ni Felicity si Aaron na makarating sa isang café na napagkasunduan nila. Tatawagan na sana niya ito nang makita niyang pumasok ito sa entrance door. Agad na nagtiim bagang siya habang hinihintay niyang makalapit ito sa kaniya.“Anong ginawa mo?” diretsang tanong niya.“What do you mean?” kunot noong tanong ni Aaron. Bigla na lang siyang tinawagan ni Felicity kahapon na gusto nitong makipagkita sa kaniya.“Did you harass Pan?”“No.” Walang kurap na sagot ni Aaron. “Kung ano mang nangyayari sa kaniya ngayon, baka dahil sa hindi siya pinatulog ng sinabi ko.” Ngumisi si Aaron bagay na ikinataka ni Felicity.“Ano bang sinabi mo?”“That her child is actually mine.”Pagkasabi niya no’n, agad na nanlaki ang mata ni Felicity. “Ano? Nahihibang ka na ba?” Napatayo na siya at halos murahin na niya si Aaron sa pagmumukha.“I am serious. Have you seen her cousin?”Hindi siya nakasagot dahil hindi. Hindi naman niya kilala ang pamilya ni Pan maliban sa ina nitong
“Baby, are you okay?” tanong ni Juancho nang magkatawagan sila ni Pan. Pansin niya kasi na tila yatang puyat ito. Nagtataka tuloy siya kung may problema ba.“Huh? Ah oo, ayos lang ako.”“May problema ba kay Zahara? You seemed tired.”“Wala naman.” Sabi ni Pan. “Yeah, wala naman.” Ngumiti pa siya para lang ipakita kay Juancho na ayos lang talaga siya at wala itong dapat na ipag-alala.“Anong ginagawa ni Felicity diyan? Hindi ka ba niya tinutulungan? She’s really useless.”Napataas ang kilay ni Felicity sa kaniyang narinig. Hindi siya nakailag sa paratang ni Juancho sa kaniya. ‘Aba’t!’ Hindi masundan ni Felicity ang sasabihin ng biglang lumingon si Pan sa kaniya.Napilitan tuloy siyang ngumiti. ‘That punk! Siya ang useless!’ Pinagmumura nalang niya si Juancho sa isipan niya.“Uy Juancho, wag ka ngang ganyan sa kaibigan mo.” Nahihiyang sabi ni Pan. Hindi na nga siya makatingin sa mata ni Felicity.“Kung hindi naman niya nagagawa ang trabaho niya then she’s really useless. Look at yoursel