Hindi mapigilan ni Wilbur na magbuntong hininga.Alam ni Wilbur na may problema na sa oras na sumigaw ang lalaki. Ito ang rason kung bakit hindi agad siya umatake. Sa halip, gusto niya malaman ang nangyari bago pa siya kumilos. Sa huli, tama siya.“Huminahon ka. Sabihin mo sa akin kung ano ang nangyari at tingnan ko kung makakatulong ako sayo. Kapag nagpatuloy ka ng ganito, baka mawala sayo ang lahat at mapunta ka sa kulungan ng habang buhay,” Ang sabi ni Wilbur.Tumulo ang mga luha sa mukha ng lalaki, at umiling siya. “Wala akong magagawa. Wala akong pwedeng gawin.”“Baka nga hindi mo kayang gawan ng solusyon ang problema, pero baka kaya ito ng iba. Sabihin mo sa akin ang nangyari. Baka may solusyon ako.”Baka nga gusto talaga ito ilabas ng lalaki. Nagsimula siyang magsalita pagkatapos siyang kumbinsihin ni Wilbur.“Noong nakaraang taon, nascam ako ni Kenji Lilith. Nawalan ako ng ten million dollars sa casino niya, pagkatapos ay kinumbinsi niya akong umutang sa mga loan shark. M
“Pre, wag kang manginig ng ganyan. May mga sniper sa likod at harap natin. Pwede ka nilang patayin sa anumang oras kung hindi ka sumuko. Mas mabuti kung magtago ka,” Ang mabagal na sinabi ni Wilbur.Nabigla ang lalaki. Pagkatapos ay tinago niya agad ang ulo niya sa likod ng katawan ni Wilbur. “Paano mo nalaman yun?”“Dati akong nasa militar. Marami na akong pinagdaanan na ganitong sitwasyon,” Ang sabi ni Wilbur.Nagtago ang lalaki sa likod ni Wilbur, wala siyang sinasabi habang natataranta.Sa oras na yun, malakas na sinabi ng babae, “Hoy, sabihin sa amin ang gusto mo, at ibibigay namin ito sayo. Pakiusap, wag mong sasaktan ang hostage.”Hindi alam ng lalaki kung ano ang sasabihin niya sa pagkataranta, at sa huli ay tinanong niya si Wilbur, “Ano ang dapat kong sabihin?”Ngumiti si Wilbur. “Sa totoo lang, dapat ka munang huminahon ngayon. Mag isip ka ng maayos at sabihin mo sa kanila kung paano ka napunta sa ganitong sitwasyon.”Tila nagkaroon ng konting kumpiyansa ang lalaki dah
Nakita ito ni Wilbur at sumigaw agad siya, “Wag kang kumilos! Susuko na siya. Tingnan mo ng mabuti!”Hinagis palayo ni Lenny ang hawak niyang kutsilyo at tinaas niya ang mga kamay niya.Tinaas ni Wilbur ang mga kamay niya at naglakad siya patungo sa babae.Ang babae ay lumapit sa kanila at hinila nito palapit si Wilbur, hinawakan niya ulit ang baywang niya.Ngunit sa sandaling yun, binaba ni Wilbur ang mga kamay niya.May pwersa na tila pumigil sa paggalaw ng katawan ng babae, at tumingin siya ng gulat kay Wilbur.Sinabi ni Wilbur ng may mahinang boses, “Hindi mo na ito kailangan gawin. Hindi na siya mapanganib.”Pagkatapos, lumuhod si Lenny habang nakataas ang mga kamay niya.Binitawan ni Wilbur ang kamay ng babae, na siyang kumunot ang noo kay Wilbur at kumaway.Nat grupo ng mga pulis na sumugod at hinila agad si Wilbur, nilagay siya sa kotse ng pulis sa mabilis na pamamaraan.Nang makita na maayos na ang sitwasyon, lumingon ang babae kay Wilbur. “Ano ang pangalan mo?”“Wi
Maraming kaso ng mga suicide case na dahilan ng paghiram ng pera mula sa mga loan shark sa nakalipas na mga taon.Ang ilan sa kanila ay mga estudyante lang.Ngunit dahil sa mga paglutas ng ganitong mga kaso at sa pagpapataas ng law enforcement, nababawasan na ang mga ito.Gayunpaman, marami pa ring mga makapangyarihan na mga tao na ayaw umatras at pinilit nilang mapunta sa industriya.Magiging mahirap harapin si Kenji. Ang trabaho niya ay hindi magiging madali ngayon.Makalipas ang mahabang sandali, umiling si Wilbur.Maghihintay na lang pala siya sa resulta. Hindi magiging huli ang lahat para kumilos siya kapag nabigo si Elsa na humanap ng solusyon.Dati ay hindi siya nakikialam sa mga ganito. Hindi niya ito problema, at wala rin siyang magagawa noon.Gayunpaman, sinunod ni Lenny ang sinabi ni Wilbur sa kanya kanina, at ngayon, nangako si Wilbur na ibalik ang kumpanya ni Lenny. Mukhang kailangan makialam ni Wilbur kapag hindi ito nagawa ni Elsa.Nagbuntong hininga siya, pagka
Pinilit ni Wilbur na ngumiti. “Ano ang iniisip mo?”“Sige, hindi niyo na po kailangan sabihin sa akin. Kayo rin naman ang boss. Wala akong karapatan para alamin ang kahit ano.” Yumuko si Faye at bumalik siya sa pagkain.Inayos ni Wilbur ang upo niya. Sa huli, sinabi niya, “Isa siyang dating classmate ko. May naging kasintahan siya at sa huli ay naging scammer ang lalaki. Nag aalala ako na baka madamay ang Cape, kaya pina-suspend ko siya sa trabaho niya.”Tumango si Faye ng nakangiti. “Ganun po ba. Masasabi ko, maganda po talaga si Cindy. Plano niyo po ba na sisanthin lang siya ng basta basta?”“Ano pa ba ang dapat kong gawin?” Nagpanggap si Wilbur na sumimangot, bigla siyang naging seryoso.Tumawa si Faye, pagkatapos ay kumain siya.Hindi nagtagal ay natapos nang kumain ang pares. Iniwan ni Wilbur ang plato niya sa mesa at dumiretso siya sa kwarto niya.Nagbuntong hininga si Faye, pagkatapos ay tahimik niyang niligpit ang mesa, dinala niya ang mga plato sa kusina.Naghanda si W
Sa ibang salita, ang isang customer na sasama sa jade bet ay pipili ng mga bato na hindi pa nabubuksan at magbebet sila dito. Kikita sila kapag ang piraso ng jade sa loob ng bato ay maganda, kung hindi ay malaki ang mawawala sa kanila kapag wala itong laman.Nagkataon na napunta si Wilbur sa ganitong event, naisip niya na subukan niya ito.Ang may ari ng shop ay tinanggap siya ng mabait sa store, dinala si Wilbur sa likod ng shop.Ang backyard ay may three o four hundred square meters ang laki. Ito ay puno ng mga bato na iba’t ibang mga hugis at laki.Ang mga batong ito ay may iba’t ibang presyo. Ang pinakamababa na presyo ay nagsisimula sa 100 thousand dollars at umabot ito hanggang sa five million dollars.May malaking halaga ng mga tao sa backyard na tumitingin sa paligid nang dumating siya. Tila lahat sila ay maraming alam, bumubulong sila sa isa’t isa kung alin sa mga bato ang mas magandang piliin.Si Wilbur, isang baguhan dito, ay hindi nakikita ang pagkakaiba ng mga bato m
Nabigla si Wilbur na marinig ang pangalan. Nagkataon nga naman!Sa oras na yun, ang may ari ng shop at ang maraming mga bisita ay nabigla din. Sikat ang pangalan ni Kenji.Lumapit ang may ari ng shop, yumuko siya kay Kenji. “Mr. Lilith! Isang karangalan na pumunta kayo sa shop ko.”“Syempre naman,” Ang mayabang na sabi ni Kenji.Sinabi ng may ari ng shop, “Pero, ang pag bid sa mga bagay ay ang pamamaraan dito sa Octocharm Town.”“Sinabi ko na gawin na ito sa paraan niyo, hindi ba?” Ang malamig na sinabi ni Kenji.Tumango ang may ari ng shop habang nakangiti, lumapit siya sa harap ni Wilbur. “Sir, may pagtutol ba kayo dito?”“Wala.”Susundan na lang ni Wilbur ang patakaran dahil wala naman siyang pakialam masyado.Sa oras na yun, sinabi ng may ari ng shop, “Sige pala. Ang lahat ng tao dito ay magiging saksi. Magsimula na ang bid.”Nasabik ang lahat, masigasig silang lumapit. Tutal, minsan lang ito nangyayari sa kahit sino.Umupo ang mga madla, uminom sila ng tsaa habang hinih
Nabigla ang mga madla, at kumulo ang dugo ni Kenji sa galit habang hinampas niya ang armrest ng upuan niya. “Eight hundred thousand!”Nabigla ang mga madla.Alam ng lahat na nagagalit na si Kenji. Hindi na ito tungkol sa bato lang.Pagkatapos ay tumingin sila kay Wilbur, gusto nila malaman kung ano ang susunod na gagawin nito.Tumahimik ng ilang sandali si Wilbur, bago siya ngumiti. “Mabait ka talaga, Mr. Lilith. Sayo na ang bato.”Nakahinga na ng maluwag ang madla sa huli, kahit na hindi sila kuntento sa kinalabasan ng sitwasyon.Pakiramdam nila ay nakatikim sila ng masarap na pagkain, ngunit masyado itong maliit. Hindi nila mapigilan na maramdaman na hindi pa sila kuntento.Ngunit, ang ilan sa mga tao ay kilala si Kenji, nag aalala sila para kay Wilbur.Kilala si Kenji para sa kanyang pagiging mainitin ang ulo, at siguradong mapupunta sa gulo si Wilbur pagkatapos galitin si Kenji ng ganito.Pagkatapos, ngumisi si Kenji at uminom siya ng tsaa.Ang may ari ng shop ay mabilis