Share

Kabanata 3

Author: Blue Silver
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56
“Anong sinabi mo?” Naging malamig ang ekspresyon ni Wilbur. Walang hiya ang taong ito na maging bastos sa kanya pagkatapos siyang bungguin.

Nangutya ng malamig ang lalaki. “Mula ka sa anong department, ano ang pangalan mo?”

“Ito rin ang tanong ko, mula ka sa anong department, at ano ang pangalan mo?” Ang malamig na sagot ni Wilbur.

Proud na sinabi ng lalaki, “Ako ang vice president ng Cape Consortium, si Stanley Lowes. Nagtatrabaho ka ba dito?”

“Parang ganun na nga,” Ang kalmadong sagot ni Wilbur.

Ngumisi si Stanley. “Sisante ka na. Lumabas ka na ngayon.”

Ngumiti ng naiirita at hindi makapaniwala si Wilbur. “Sisisantehin mo ang isang tao dahil lang dito?”

“Ano ba ang sinasabi mo? Pwede kitang sisantehin kung gusto ko.” Puno ng panunuya ang mukha ni Stanley.

Mabagal na sinabi ni Wilbur, “Ah, isang makapangyarihang lalaki.”

“Pinadala ako ng headquarters, ako ang vice president ng Karon Province branch, para i-supervise ang mga bagay dito. Kahit si Ms. Faye Yves ay nagtatrabaho para sa akin, paano ka pa.” Mababa ang tingin ni Stanley kay Wilbur.

Kumunot ang noo ni Wilbur. Pagkatapos, binuksan ni Faye ang pinto at nakita niya si Stanley. “Anong nangyayari dito?”

“Ms. Yves, ang lalaking ito ay nabunggo ako at hindi man lang siya humingi ng tawad! Sisisantehin ko siya. Bastos siya at hindi professional para magtrabaho dito,” Ang kampante na sinabi ni Stanley.

Lumapit si Faye at sinampal niya si Stanley sa mukha.

Natulala si Stanley sa malakas na sampal.

“Ano ang ginagawa mo, Ms. Yves?” Ang sigaw ni Stanley.

Malamig na sinabi ni Faye, “Sisante ka na. Lumayas ka na.”

“Ano?” Tumingin si Stanley kay Faye ng hindi siya makapaniwala. Pagkatapos ng ilang sandali, bumalik siya sa sarili, sinabi niya, “Wala kang karapatan na sisantehin ako. Pinadala ako mula sa headquarters.”

“Ganun ba?” Nilabas ni Faye ang phone niya at tumawag siya sa headquarters. Makalipas ang ilang sandali, binigay niya ang phone kay Stanley. “Sagutin mo.”

Kinilabutan si Stanley habang sinagot niya ang phone call.

Tumaas ang mga balahibo niya nang hawakan niya ang phone, hindi siya makaimik.

Inagaw ni Faye ang phone mula kay Stanley. “Pwede ka na bang lumayas?”

“Ms. Yves, hayaan mo akong magpaliwanag!” Takot na takot si Stanley. Ang headquarters ay istrikto sa kanya kanina. Hindi lang siya sinisante, inutusan pa siyang bumalik para parusahan.

Alam niya na walang awa ang mga tao na namumuno sa security and disciple, at baka halos mamatay pa siya.

Sinabi lang ni Faye sa kanya, “Bahala ka na magpaliwanag sa headquarters. Ngayon, lumayas ka na.”

Alam ni Stanley na nawalan na siya ng pag asa. Naisip niya kung ano ang posibleng pagdaanan niya, at nanginig ang katawan niya bago siya nahimatay sa takot.

Kumunot ang noo ni Wilbur. “Ano ang ginagawa nila? Saan ba nila nahanap ang lalaking ito?”

“Pasensya na po, Boss.” Yumuko si Faye at humingi ng tawad.

Nagbuntong hininga si Wilbur. “Hindi mo ito kasalanan.” Pagkatapos itong sabihin, umalis na siya.

Habang pinapanood na umalis si Wilbur, nagbuntong hininga si Faye at pinunasan niya ang pawis sa noo niya.

Kumain ng saglit si Wilbur at tumawag siya ng taxi pauwi.

Tanghali na noong nakabalik siya. Magkayakap ng malapit sina Yvonne at Blake sa sala, naglalandian at nagtatawanan.

Tumingin sa paligid si Wilbur at napansin niya na wala ang mga biyenan niya. Intensyonal siguro nilang iniwasan ang sitwasyon.

Dumiretso si Wilbur sa kwarto niya habang hindi pinapansin ang dalawa.

“Sandali lang,” Ang sigaw ni Yvonne sa kanya.

Huminto sa paglalakad si Wilbur at tumingin siya kay Yvonne.

Tumayo si Yvonne, lumapit siya kay Wilbur, pagkatapos ay nilait niya ito, “Isang walang kwentang lalaki ka talaga. Wala ka ba talagang gagawin kahit na makita mo ang sarili mong asawa sa yakap ng iba?”

“May mga paraan ako para ipakita ko na isa akong lalaki, pero nagdadalawang isip ako kung tao ka ba talaga.” Ang kalmadong sinabi ni Wilbur.

“Walang hiya ka para laitin ako!” Nagbuga ng apoy si Yvonne at tinaas niya ang kamay niya para sampalin si Wilbur sa mukha.

Gayunpaman, mabilis na sinalo ni Wilbur ang kamay ni Yvonne, at napasigaw si Yvonne sa sakit.

Lumapit agad si Blake, sinabi niya ng malakas, “Bitawan mo si Yvonne.”

Ngumiti ng maliit si Wilbur, ngunit hindi lumuwag ang kapit niya.

Galit na galit si Blake, tinaas niya ang kamay niya at dinala niya ang suntok sa mukha ni Wilbur.

Sumipa si Wilbur sa bilis ng kidlat, at sa sumunod na sandali, nakahiga na si Blake sa sahig at umuungol sa sakit.

Sa sandaling ito, doon lang binitawan ni Wilbur si Yvonne. Napa atras si Yvonne, hinawakan niya ang braso niya sa sakit.

Malamig na sinuri ni Wilbur ang dalawa. “Wag niyo subukan maging bayolente sa akin. Kayo ang magdurusa sa huli.”

Hirap na tumayo si Blake. Sisigawan niya na sana si Wilbur nang magring ang phone niya.

Nilabas niya ito para tingnan at sinagot niya ito agad.

Makalipas ang ilang sandali, natapos ang phone call habang may masayang ekspresyon sa mukha niya na para bang wala na siyang nararamdaman na sakit. Sinabi niya sa babae, “Yvonne, maghihiganti tayo sa kanya sa susunod! Pipirma sa agreement ang Cape Consortium! Pupunta ako sa opisina para ayusin ang trabaho. Dapat ka ring sumama.”

Tumango si Yvonne. Tumingin siya ng galit kay Wilbur bago siya lumingon kay Blake. “Sige, maganda ito. Ayusin muna natin ang trabaho.”

Tumingin si Blake kay Wilbur at sinabi niya ng may malupit na tono, “Maghintay ka lang. Hindi pa tayo tapos.”

“Edi maghihintay ako,” Ngumiti si Wilbur.

Ngumisi ng malamig si Blake at pagkatapos ay umalis siya ng nagmamadali kasama si Yvonne.

Ang five billion dollars ay isang malaking bagay para sa kanya, at kailangan niya itong makuha.

Hindi mapigilan ni Wilbur na tumawa ng mahina habang umalis ang dalawa.

“Magaling na palabas! Tingnan natin kung ano ang magiging itsura niya kapag tumaas na ang mga kurtina,” Ang bulong ni Wilbur sa sarili niya, pagkatapos ay bumalik siya sa kwarto niya.

Samantala, si Blake ay dumiretso sa Cape Consortium at pumasok siya sa opisina ni Faye.

Nakaupo si Faye sa harap ng desk niya habang pumasok si Blake ng nakangiti at walang tigil na pagbati.

“Maupo ka,” Ang sabi ni Faye ng mabait na tono habang nakangiti.

Umupo si Blake, at nilabas ni Faye ang isang stack ng mga file bago niya ito nilagay sa harap ni Blake. “Tiningnan na namin ang finances mo at inaprubahan na ito, Mister Woods. Kapag pinirmahan mo ito, magpapadala kami ng five billion dollars sa company account mo.”

Tuwang tuwa si Blake, binuklat niya ang mga files at tiningnan niya ang mga ito.

Makalipas ang ilang sandali, nagbago ang ekspresyon niya ng gulat at sinabi niya, “Ms. Yves, meron bang pagkakamali? Bakit niyo pinapasok ang maraming tao sa board of directors namin?”

Ngumiti si Faye at sumagot siya, “Para i-supervise ang paggamit ng funds. Tinutukoy natin ang five billion dollars. Paano kung may nangyari at walang magbabantay nito? Paano niyo kami babayaran pabalik?”

“Oo, pero… masyadong maraming tao ito, hindi ba?” Tumitig si Blake sa dokumento, nag aatubili ang puso niya. Maliban sa porsyento ng mga shareholder, ang ratio ng board of directors ay babaliktad, ang Cape Consortium ang magkakaroon ng mas maraming miyembro kaysa sa Woods Corporate. Parang pinatalsik na rin ng Cape Consortium si Blake palabas ng board of directors kung ginusto nila ito.

Sumandal paharap si Faye ng may nakakatakot na presensya.

“Mr. Woods, dapat ay alam mo na ito na tulad ko. May isang maliwanag na kinabukasan ang kumpanya mo, pero masyadong mabilis ang pag akyat mo, at sira na ang chain of capital mo. Ang Cape Consortium lang ang may kakayahan na financial at kapangyarihan na sapat para tumulong sa Woods Corporate upang mapunta ito sa tamang landas. Bukod pa dito, kami ang Cape Consortium. Bakit kami mag aabala sa isang maliit na kumpanya na tulad ng sa inyo? Masyado kang maraming iniisio.”

Naging isang krisis ito para kay Blake. Totoo na nasira ang chain of capital ng Woods Corporate, at nasa masamang sitwasyon sila.

Ito ang rason kung bakit humingi ng tulong ang Cape Consortium at kaya lumapit siya kay Yvonne. Kailangan niya ng backup plan.

Kapag tumanggi ang Cape Consortium sa pagtulong, pakakasalan niya si Yvonne at gagamitin niya ang finances upang malampasan ang hamon na ito bago niya agawin ang mga Willow.

Gayunpaman, ang assets ng mga Willow ay magtatagal lang sa kanya ng saglit. Ang limang milyong dolyar ay bubuhayin ang kumpanya niya ng tuluyan.

Related chapters

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 4

    Nakita ni Faye ang pagdadalawang isip sa mukha ni Blake, at nawala ang ngiti niya. “Pag isipan mo ito ng mabuti, Mr. Woods. Istrikto kami sa financial supervision ng Cape, at hindi ito isang eksepsyon. May sariling problema ka, kami din. Kung ayaw mo ito, pwede nating tapusin agad ang collaboration natin.Nahirapan ng ilang sandali si Blake, ngunit sa huli ay pumayag siya na pinirmahan ito.Ang five billion dollars ay masyadong mahalaga. Bukod pa dito, ang isang establishment na tulad ng Cape Consortium ay hindi mag aabala sa isang maliit na kumpanya na tulad ng Woods Corporate, hindi ba?“Pipirmahan ko ito.” Masunurin na pinirmahan ito ni Blake sa huli.Sumandal si Faye sa upuan niya, nagkaroon ng maliit na ngiti sa mukha niya.Nang mapirmahan ito, tumayo si Faye at inabot niya ang kamay niya kay Blake. “Inaasahan ko ang makipagtrabaho sayo. Matatanggap agad ng Woodws Corporate ang pondo. Paki tingnan ang transaction mo mamaya.”Mabilis na kinamayan ni Blake si Faye ng nagpapasa

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 5

    Agad siyang umapak ng malakas sa lupa. Ang konkreto sa ilalim ng mga paa niya ay nabitak sa lakas habang niligtas niya ang bata na parang isang kidlat. Tumapik ang dulo ng paa niya sa harap ng kotse habang lumutang siya ng ilang metro paatras at lumapag siya ng dahan dahan sa sahig.Ang lahat ay nangyari lang sa loob ng dalawang segundo.Sa sandaling na ibaba ni Wilbur ang bata, hindi makapaniwala ang mga tao sa paligid sa kanilang nasaksihan.Ang isang babae, pagkatapos sumigaw ng balisa, ay lumapit, niyakap ang bata at sinuri kung may mga sugat nito.Ang driver ay lumabas na rin ng kotse. Sinigurado niya na ang bata ay ayos lang bago siya lumapit kay Wilbur.“Ikaw pala?” Sabay nilang sinabi.Nagkibit balikat si Wilbur. “Nagkataon nga naman!”“Pasensya na po, Boss. Kasalanan ko po na nagkulang ako sa atensyon. Ayos lang po ba kayo?” Tumayo ng kabado si Faye.“Ayos lang.” Umiling si Wilbur.Lumapit siya sa bata at sinuri niya ito kung may mga sugat ito bago siya tumingin sa na

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 6

    Nataranta si Faye, at tumigas ang katawan niya. Nanatili siya sa nakayuko na posisyon, hindi siya kumibo.‘Masyadong mabilis ang mga nangyayari. Ano ang gagawin ko ngayon?’‘Tanggihan siya ng magalang? Bibigay ba ako, pero medyo nagdadalawang isip? O makatarungan ko siyang tanggihan?’Napuno ng iba’t ibang posibilidad ang isipan ni Faye.Ang kamay ni Wilbur ay dumapo na sa dibdib ni Faye, kinuh ang isang bagay sa bandang leeg ng nightgown. Sinabi niya ng nakangiti, “Isang hibla ng buhok. Wag nating hayaan na bumagsak ito sa plato.”Huminga ng malalim si Faye sa loob, nakapag relax na rin siya sa wakas.Hirap niyang sinabi, “Pasensya na po, Boss. M-Malala ang paglalagas ng buhok ko nitong nakaraan.”“Walang problema,” Ang sagot ni Wilbur at nagpatuloy siya sa pagkain ng pasta.Nakatayo ng diretso si Faye habang mabilis ang tibok ng puso niya. Hindi niya alam kung ano ang susunod niyang sasabihin o gagawin.Pagkatapos kumain ng dalawang subo, biglang lumingon si Wilbur at sinabi

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 7

    Tumawa si Wilbur. “Sinabi ko na sa inyo na wag maging bayolente sa akin, kung hindi ay pagsisisihan niyo ito.”“Wag mo na siyang pansinin, Blake. Mababawasan lang ang halaga mo kapag nakipaglaban ka sa isang taong tulad niya. Tara na” Tumingin ng nanunuya si Yvonne kay Wilbur habang hinila niya palayo si Blake.Bago umalis, sinabi ni Blake, “Maghintay ka lang, g*go ka. Hindi pa ako tapos sayo. Patay ka kapag may oras ako.”“Ayos lang sa akin,” Ang sagot ni Wilbur ng nakangiti.Umalis ang pares kasama ang mga bodyguard nila habang nakatingala, mayabang silang naglakad paalis.Umiling si Wilbur at binulong niya sa sarili niya, “Inaasahan ko rin ang kasal niyo.”Pagkatapos, nag drive siya pabalik sa bahay sa Castebury. Pagkatapos mag park sa entrance, tumingin siya sa paligid at nagdesisyon siya na dapat siyang tumingin sa paligid upang maging pamilyar sa lugar.Ang neighborhood ay malaki at may isang central garden. Ang hardin na ito ay may tatlumpung ektarya, halos kasing laki ng

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 8

    Kumunot ang noo ni Wilbur. “Ano ba? Hindi ako isang masamang tao.”“Isa kang masamang tao! Alam ko kung ano ang binabalak mo!” Ang galit na sabi ng babae.Nagbuntong hininga si Wilbur. Sinabi ni Benjamin sa sandaling yun, “Iwanan niyo kami.”Nainis ang babae, ngunit galit siyang naglakad palabas habang luhaan ang mga mata niya.Lumingon si Benjamin para tumingin kay Wilbur. “Yun ang apo ko, si Susie. Bata pa siya. Pakiusap, wag mo siyang pansinin.”“Ayos lang po. Bakit po malaki ang tiwala niyo sa akin, Mr. Grayson?” Ang tanong ni Wilbur.Ngumiti si Benjamin. “Ako ay nasa seventies ko na, at marami na akong nakita. Marami pang mga bagay na hindi nalalaman sa mundo, at masyado na akong matanda para alamin ang mga ito. Pero, naniniwala ako na may mga bagay na hindi ko alam. Higit sa lahat, ang kahit sinong malapit nang mamatay ay gusto ng chansa na mabuhay. Hindi ako eksepsyon dito.”“Tapat po talaga kayo. Magsimula na po pala tayo,” Ang sabi ni Wilbur ng nakangiti.Ngumiti si Be

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 9

    Tumawa ng mahina si Wilbur. “Sige. Susubukan kong kontroli ang sarili ko.”“Nagdesisyon kami ni Blake na ganapin ang kasal namin sa Southlake Resort Island sa ika-16th ng buwan naito, at iniimbitahan ka namin,” Ang sabi ni Yvonne.Nanatiling tahimik si Wilbur bago niya sinabi, “Bakit niyo ako iniimbitahan?”“Para makita mo na perpekto kami ni Blake para sa isa’t isa, syempre. Iniimbitahan namin ang lahat ng lahat ng mga elite sa Seechertown. Syempre hindi mo kayang magpakita?” Ang proud na sabi ni Yvonne.Sinabi ng mahina ni Wilbur, “So gusto mo lang akong ipahiya.”“Wag mo itong tawagin na ganun! Gusto ko lang malaman mo na hindi ka nararapat sa isang mabuting babae na tulad ko. Isa kang duwag kung hindi ka pumunta. G*go ka.”Naiintindihan ni Wilbur kung ano ang sinasabi ni Yvonne. Nilalabas lang ni Yvonne ang galit niya kay Wilbur.Alam niya na ang five million dollars ay naging malaking tulong sa mga Willow, ngunit ayaw niya itong aminin.Ito ang rason kung bakit gusto niyan

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 10

    Tumango si Faye. “Ganun po kalala.”“Ganun ba. Gawin mo lang ang kailangan gawin,” Ang kalmadong sinabi ni Wilbur.Mabilis na tumango si Faye. “Pupunta na po pala ako. Bye, Boss.”Pagkatapos, mabilis na lumabas si Faye ng pinto.Tumawa ng mahina si Wilbur at mabilis lang siyang gumawa ng agahan para sa sarili niya bago siya naglakad papunta sa central park.Nakahanap siya ng isang lugar at nag-unat siya ng konti bago niya ginamit ang isang set ng martial arts moves.Higit ito sa sampung moves.Ang bawat move ay ginamit ang katawan ng isang tao sa pisikal na hangganan nito, sa punto na mahirap ito paniwalaan.Ang mga move ay ginamit upang pagsamahin sa isang kakaibang cultivation method, ang isa na walang hanggan at laging nagbabago.Makalipas ang kalahating oras, basang basa sa pawis si Wilbur, ngunit magaan at malaya ang pakiramdam niya. Ang katawan niya ay naging presko.Pawis at kuntento, naghanda siyang bumalik sa bahay para maligo bago siya bumalik sa kanyang meditation.

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 11

    Natulala si Faye. Si Benjamin ay isang tao na madalas nagpapakita sa TV noong panahon. Kaya pala mukha siyang pamilyar.“Siya po yun?” Ang tanong ni Faye na hindi makapaniwala.Tumango si Wilbur, at sinabi ni Faye ng nakakunot ang noo, “Iba po talaga ang pagkakakilanlan ni Mr. Grayson. Pero mukhang hindi po kayo gusto ng apo niya.”“Hayaan mo siya,” Ang sabi ni Wilbur.Tumango si Faye bago niya sinabi, “Boss, handa na po ang lahat. Nakatanggap din po ako ngayong araw ng imbitasyon sa kasal nila Blake at Yvonne.”“Ganun ba? Nagtitiwala ako na mabuti ang gagawin mo,” Ang kalmadong sinabi ni Wilbur.Nagpatuloy si Faye, “Plano ko po na bigyan sila ng isang malaking sorpresa sa kasal nila. Ano po sa tingin niyo?”“Mas malaki, mas maganda,” Ang sagot ni Wilbur habang naalala niya kung paano ang pagtrato ni Yvonne sa kanya.Tumanago si Faye. Tumingin siya sa wine na hindi pa ubos at pagkatapos ay tumingin siya kay Wilbur. “Boss, gusto niyo po ba uminom ako masama niyo?”“Umiinom ka b

Latest chapter

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 439

    Nagulat si Joel at ang iba.Hindi mapigilan ang pwersa ng mga estatwa ng apat na diyos, at ang kapangyarihan nila ay ginagamit para patayin ang isang tao. Iniisip nila kung may kahit sinong mortal na makakaligtas sa ganitong sitwasyon.‘Nakontra nga ni Wilbur ang Quicksand of Death kanina, pero hindi niya kakayanin ang The Rage of the Four. Ang kapangyarihan ng dalawang spell ay napakalaki ang agwat.’Naisip ng lahat na hindi makakatakas si Wilbur sa atake na ito.Parang baliw na si Chance sa pagsasalita niya.“Wilbur Penn, makapangyarihan ka talaga. Higit sa inaasahan ko ang kapangyarihan mo. Matatawag kita na pinakamahusay na cultivator sa ibaba ng Saint level, pero hindi ka pa rin isang Saint level cultivator!”Tumawa si Wilbur sa mga insulto ni Chance.Sumagot siya ng simple lang, “Sa tingin mo ba ay mabubuhay ka pa rin kung hindi ako interesado na makita kung ano ang espesyal sa Domain mo?”“Ano? Ano ang sinabi mo?” Nagalit si Chance. Ang iba ay mukhang para bang hindi sil

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 438

    Biglang naging malambot ang lupa sa ilalim ni Wilbur sa isang iglap. Ito ay para bang nakatayo siya sa quicksand.Lumubog agad siya. Natural, hindi tumama ang atake niya kay Chance.Ang apat na earth dragon ang lumabas sa lupa ng sabay-sabay. Sumugod ang mga ito kay Wilbur.Si Wilbur ay kalahating nasa lupa, kaya hindi siya makakilos. Agad siyang pinalibutan ng mga earth dragon. Ang mga earth dragon ay lumubog sa lupa at naglaho kasama ni Wilbur.Tumawa ng malakas si Chance, tuwang tuwa sa sarili niya. Si Joel at ang iba ay may malaking respeto sa kanya, at naghiyawan sila.“Ang galing, Mr. Taft. Kayo po ay isang Saint level cultivator na walang makakatalo.”Tila tuwang tuwa si Chance na marinig na pinupuri siya. Abala siya sa paghanga sa sarili.Samantala, nararamdaman ni Wilbur ang pressure ng pagiging nasa ilalim ng lupa kasama ang mga earth dragon.Ang katawan ng mga dragon ay magkakadikit. Pinalibutan nila si Wilbur ng mahigpit, at humihigpit lang ang mga ito. Patuloy ang

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 437

    Nasa gitna ng umiikot na buhangin ang mga madla.Ang mga earthen spear, higanteng bato, earth giant, at mga bomba na bato ay may dalang malakas na kapangyarihan, at ang lahat ng mga ito ay patungo kay Wilbur.Si Chance ay para namg isang diyos na kinokontrol ang lahat habang lumulutang siya. Siya ay may hawak ng nakakatakot na kapangyarihan, kaya takot at nirerespeto siya ng mga tao dahil dito.Si Maniac, Joel at ang iba na nasa Domain ay napaluhod dahil masyadong makapangyarihan si Chance. Kailangan nilang ipakita ang respeto nila.Masaya si Chance habang sumigaw siya kay Wilbur, “Nararamdaman mo ba? Ito ang kapangyarihan ng isang Saint level cultivator. Isa akong dakilang nilalang. Lahat kayo ay mga mabababang nilalang!”Sorbang mayabang na talaga si Chance sa sandaling ito. Tumitig siya ng mababa kay Wilbur na para bang nakatingin siya sa isang insekto.Suminghal si Wilbur, at sa isang kilos lang ng braso, ang thunder cleaver niya ay agad na nagliyab na may spiritual flames. P

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 436

    Nagbago bigla ang venue. Napunta silang lahat sa gitna ng isang walang hanggan na lugar.Nakatayo sila sa walang hanggang lupa habang puno ng buhangin sa ere.May apat na estatwa na may sandaang metro ang tangkad sa apat na cardinal direction. May layo sila na sandaang metro mula sa isa’t isa.Ito ay apat na mga beige statue na may armor at axe, may engrande na presensya ang mga ito.Pakiramdam ng lahat na parang nasa lumang digmaan sila. Ang nakakasakal na pressure ay nakakatakot para sa lahat.‘I-Ito ba ay isang Domain?”Natakot ang mga tao.Alam nila na ang kapangyarihan ng isang Saint level cultivator ay lubos-lubos. Ngunit, hindi sila makapaniwala na ang Domain ng isang Saint level cultivator ay nakakatakot talaga. Agad silang napunta sa ibang mundo.May makapangyarihan na spiritual pressure. Pakiramdam nila na maliit at mahina sila dahil dito.Pakiramdam nila na hindi nila kakayanin kapag nanatili sila ng matagal. Kahit na hindi sila atakihin ni Chance, baka mawala sila

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 435

    Nabigla agad ang lahat.Seryoso din ang tingin ni Zachary. Mabilis siyang nag cast ng spell gamit ang mga kamay niya at sinigaw niya, “Earth Shield!”Ang matigas na lupa sa harap niya ay umangat. May spiritual radiance sa shield, at marami itong mga rune.Isang intermediate spell ang Earth Shield. Nagamit na ito noon ni Wilbur.Ngunit, sinira ni Wilbur ang shield gamit ang isang suntok habang sumigaw siya. Pagkatapos, tumuloy ang suntok at tumama ito kay Zachary.Walang magawa si Zachary upang pigilan ito. Pinanood niya lang habang tumama ang suntok sa dibdib niya.Sa isang malakas na tunog, tumalsik paatras si Zachary habang tumulo ang dugo sa bibig niya.Huminto si Wilbur at tumayo siya habang nasa likod ang kanyang mga kamay, tumigil siya sa pag atake kay Zachary.Nalilito si Zachary sa sandaling yun, pagkatapos ay mabagal niyang pinunasan ang dugo sa bibig niya. Yumuko siya kay Wilbur at sinabi niya, “Salamat sa hindi pagpatay sa akin.”Tumango ng konti si Wilbur, ngunit a

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 434

    Ngunit, may isang earth giant na dalawang metro ang tangkad na lumitaw mula sa lupa nang sumigaw si Zachary. Sumugod ito kay Wilbur.Ang earth giant ay tila makapangyarihan. Ang mga kamao nito ay kasing laki ng mga basketball, at meron itong yellow na spiritual radiance, para banng hindi ito mapipigilan.Ang mga tao ay nabigla nang makita ito.Si Zachary ay nagcast ng sunod-sunod na mga spell at kahanga-hanga ito. Hindi pa sila nakakita ng ganitong klaseng ng spell noon.Lalo na sa earth giant na lumitaw. Imposible na kaya itong talunin ni Maniac, hindi ba?Napatingin ang lahat kay Maniac, na siyang naiinis at naging tahimik lang.Nang makita ito ng lahat, tumawa sila.Tama, ang isang mahusay na mentor ay gumagawa ng malakas na mga estudyante. Ang estudyante ng isang Saint level cultivator ay makapangyarihan talaga. Ibig sabihin ay si Chance Taft ay lubos talaga na makapangyarihan. Hindi alam ni Wilbur Penn ang lugar niya.Tumawa lang si Wilbur at sumugod siya sa earth giant ga

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 433

    Malakas na tumawa si Wilbur bago niya sinabi ,”Alam mo talaga kung paano pagsamantalahan ang sitwasyon, pero isang malaking pagkakamali ang desisyon mo kung sa tingin mo ay kaya ni Chance Taft na protektahan kayong lahat.”“Pambihira. Masyado siyang mayabang.”“Lintik ka! Walang hiya ka para maging mayabang sa harap ni Mr. Taft! Gusto mo talagang mamatay!”“Talunin niyo po siya, Mr. Taft. Para sa pangalan ng mga makapangyarihang Saint level cultivator.”Ang mga madla ay nainis sa pag uugali ni Wilbur, at nagsalita sila upang parusahan ni Chance si Wilbur.Hindi magkasundo sina Maniac at Joel, ngunit may iisang kalaban sila sa oras na yun. Pareho silang tumingin ng masama kay Wilbur.Tumawa si Chance at umiling siya. Sinabi niya, “Hindi alam ng mga bata ang lugar nila sa panahong ito. Nabalitaan ko na mula ka sa Seechertown, kaya sisimulan ko na gawin kang halimbawa, pero hindi kita papatayin. Hahayaan kitang mabuhay, upang bumalik ka at sabihin sa mga tao Seechertown na yumuko at

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 432

    Tumayo si Maniac, sumagot siya ng mabagal, “Totoo ito, Mr. Taft.”“Bakit?” Malamig na nagtanong si Chance.Lumapit si Maniac kay Chance, pagkatapos ay yumuko siya. Sinabi niya, “Wala itong kunsento ko, Mr. Taft. May taong pinilit akong gawin ito.”Nabigla ang mga tao na hindi alam ang katotohanan. ‘Ganun ba?’Napabuntong hininga si Wilbur.“Siya po.” Tumuro si Maniac kay Wilbur at sinabi niya ng malakas, “Noong nakaraang araw, itong lalaki na may pangalan na Wilbur Penn ay hinanap ako. Muntik niya na akong patayin dahil isa siyang Ambience level cultivator. Tinakot niya ako para atakihin namin si Joel. Wala akong magawa kundi ang sumunod. Mabuti na lang, bumalik kayo, Mr. Taft. Pakiusap, bigyan niyo po ako ng hustisya, at papayag din po ako na maging inaanak niyo.”Pagkatapos, lumuhod siya sa sahig ng hindi nagpapakita ng intensyon na tatayo siya.Nabigla ang lahat. Hindi nila inaasahan na ito ang gagawin ni Maniac.‘Totoo kaya ito?’ Ang naisip nila.Tumingin ang lahat kay Wi

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 431

    ‘Wala nang lugar para sa kanya sa Anya City ngayon at may kinalaman na si Mr. Taft, hindi ba?’ Iniisip ni Joel.Naisip ni Joel na lamang siya. Baka kaya niya pang patayin si Maniac.Hindi pinansin ng lahat ang lalaking nasa likod ni Maniac, at akala nila ay sidekick niya lang ito.Agad na naging malamig ang tingin ni Joel nang makita si Maniac.Patay na ng maraming beses si Maniac kung kayang pumatay ng tingin.Ngunit, matapang si Maniac. Pumasok siya at tumingin sa paligid bago siya umupo kasama ang sidekick niya. Hindi sila makapaniwala na hindi natatakot si Maniac.Ngumisi ang lahat at naisip nila, ‘Pinipilit ni Maniac na magmukhang mahinahon.’Si Maniac ang nasa tuktok ng Anya City, at may laban sila ni Joel, kaya hindi papayagan ni Mr. Taft na magpatuloy siya sa ginagawa niya sa Anya City. Iniisip nila na matapang si Maniac para magpakita.Tumayo si Zachary sa oras na yun. Tumingin siya sa lahat at sinabi niya, “Mukhang nandito na ang lahat, kaya i-welcome natin si Mr. Taf

DMCA.com Protection Status