Share

Kabanata 10

Penulis: Blue Silver
Tumango si Faye. “Ganun po kalala.”

“Ganun ba. Gawin mo lang ang kailangan gawin,” Ang kalmadong sinabi ni Wilbur.

Mabilis na tumango si Faye. “Pupunta na po pala ako. Bye, Boss.”

Pagkatapos, mabilis na lumabas si Faye ng pinto.

Tumawa ng mahina si Wilbur at mabilis lang siyang gumawa ng agahan para sa sarili niya bago siya naglakad papunta sa central park.

Nakahanap siya ng isang lugar at nag-unat siya ng konti bago niya ginamit ang isang set ng martial arts moves.

Higit ito sa sampung moves.

Ang bawat move ay ginamit ang katawan ng isang tao sa pisikal na hangganan nito, sa punto na mahirap ito paniwalaan.

Ang mga move ay ginamit upang pagsamahin sa isang kakaibang cultivation method, ang isa na walang hanggan at laging nagbabago.

Makalipas ang kalahating oras, basang basa sa pawis si Wilbur, ngunit magaan at malaya ang pakiramdam niya. Ang katawan niya ay naging presko.

Pawis at kuntento, naghanda siyang bumalik sa bahay para maligo bago siya bumalik sa kanyang meditation.

Sa sandali na lumabas siya ng park, nakasalubong niya ang dalawang tao na may dalang mga regalo.

Nakita nila si Wilbur at lumapit agad sila sa kanya.

“My goodness. Alam ko na umalis ka na ng mga Willow, pero natutulog ka ba talaga sa park ngayon?” Ang tanong ni Yvonne habang puno ng panunuya ang mukha.

Sa tabi niya, mukhang mayabang si Blake habang umiling ito na para bang naaawa kay Wilbur. “Alam ko na hindi maganda ang sitwasyon mo, pero hindi ka pwedeng manlimos dito. Pero matalino ka, pumili ka ng mayamang neighborhood para manlimos. Mukhang hindi ka pa nasisiraan ng ulo.”

Tumawa si Wilbur. “Kakaiba talaga ang imahinasyon niyo.”

“Mali ba kami?” Nangutya si Yvonne. “Ano pa ba ang magagawa ng isang walang kwentang tambay na tulad mo maliban sa manlimos?”

“Wag kang mag alala. Hindi ko sasabihin sa security na palayasin ka. Pero, ang payo ko ay kumuha ka ng trabaho, kung hindi ay mabubuhay ka ng walang kwenta ng ganito,” Ang sabi ni Blake.

Tumingin si Wilbur sa dalawa. “Mukhang marami kayong oras para sa mga tao na malapit nang ikasal.”

“Syempre busy kami!” Tumingin si Yvonne kay Wilbur. “Ang ilan sa mga kaibigan ko na may mataas na social status ay nakatira dito. Nandito kami para magpadala ng wedding invitation sa kanila.”

“Hindi ko na kayo aabalahin. Magpatuloy na kayo.” Umalis si Wilbur pagkatapos nito.

Gayunpaman, sumigaw si Blake sa likod niya. “Tandaan mo na pumunta sa kasal! Dati mong kasama si Yvonne, kaya dapat mo siya makitang masaya doon.”

“Oo.” Umalis si Wilbur ng hindi man lang lumilingon.

Sa sandaling ito, si Susie at ang lolo niya, kasama ang bodyguard nila, ay nasa malapit. Nakita ni Susie ang buong eksena.

Sinabi niya sa bodyguard, “Isama mo si Grandpa para mag exercise. Babalik din ako.”

Tumango ang bodyguard at tinulungan niya si Benjamin papunta sa park. Samantala, si Susie ay humabol kay Blake at Yvonne.

“Excuse me, kilala niyo ba ang lalaking yun?” Ang tanong ni Susie.

Tumingin ang dalawa kay Susie. Alam nila na ang kahit sinong nakatira sa neighborhood na ito ay sobrang yaman kaya hindi nila pwedeng bastusin ang babae.

Mabilis na sumagot si Yvonne, “Oo, kilala namin siya. May problema ba?”

“Ang pangalan ko ay Susie Grayson. Gusto kong malaman ang trabaho ng lalaking yun. Pwede niyo bang sabihin sa akin?” Ang tanong ni Susie.

Huminto ng ilang sandali si Yvonne bago niya sinabi, “Siya ang ex-husband ko. Isa siyang tambay sa pamilya ko ng tatlong taon at wala siyang ginagawa na kahit ano. Kaka-divorce lang namin.”

“Dapat kang mag ingat sa kanya ngayon at nandito siya sa lugar na ito. Siguradong wala siyang binabalak na maganda. Gagawin ng isang taong walang pera ang kahit ano,” Sumingit si Blake.

Mabagal na tumango si Susie. “Salamat. Naiintindihan ko na ngayon.”

Pagkatapos ng pag uusap, tumalikod siya at dumiretso siya sa park.

Tama nga siya. Ang lalaking yun ay sinusubukan maging malapit sa pamilya Grayson. Paano siya naging isang taong may kakayahan?

Ibubunyag niya ang tunay na kulay ni Wilbur kapag umuwi na ang tatay niya upang hindi na mahuli ang lolo niya sa mga scam ng lalaking yun.

Samantala, umuwi si Wilbur at naligo siya bago siya nagsimulang mag meditate.

Pagsapit ng gabi, nag ring ang doorbell.

Sinagot ni Wilbur ang pinto at nakita niya na hawak ni Benjamin ang isang bote ng wine.

“Mr. Grayson! Pasok po kayo,” Ang bati ni Wilbur kay Benjamin, binati niya ito upang pumasok.

Nilagay ni Benjamin ang wine sa mesa, at gumawa ng tsaa si Wilbur para sa kanya.

Malakas na sinabi ni Benjamin, “Isa talaga itong himala. Simula noong nilagay mo ang agos ng energy sa akin at ginamit ko ang cultivation method mo, parang nabigyan ako ng bagong buhay. Parang mabubuhay pa ako ng maraming taon.”

“Haha! Nabuhay na po kayo ng dakila. Dapat po ay mabuhay na kayo ngayon ng masaya.”

Habang nag uusap ang dalawa, umuwi si Faye mula sa trabaho. Nakita niya na may bisita at mabilis niya itong binati.

Mabait na bumati ng pabalik si Benjamin. Pagkatapos ay sinabi ni Wilbur, “Pwede ka bang gumawa ng pagkain? Sa tingin ko ay gusto uminom ni Mr. Grayson.”

Tumango si Faye at pumunta siya sa kusina habang suot ang damit pang-opisina.

Makalipas ang ilang sandali, lumabas siya na may dalang apat na pagkain. Ito ay simpleng mga pagkain, ngunit mabango at masarap talaga ito.

Inihanda ni Faye ang mesa kasama ang ilang baso ng wine at naghain siay ng pagkain para sa kanilang dalawa.

Nag usap sina Benjamin at Wilbur, uminom sila ng masaya.

Sa paraan ng pag toast ni Benjamin ng baso kay Wilbur, halata na matagal na siyang hindi umiinom.

Ganito rin ang ginawa ni Wilbur. Kahit na hindi pa gumagaling ng tuluyan ang katawan ni Benjamin, alam niya na ang cultivation method ni Wilbur, kaya walang epekto sa kanya ang uminom ng konti.

Habang umiinom, nilabas ni Wilbur ang isang pakete ng sigarilyo at tumingin siya kay Benjamin.

Nagisingan si Benjamin, at tumawa ng mahina si Wilbur. “Gusto niyo ba ng isa?”

“Gusto ko ng isa,” Tumawa ng malakas si Benjamin.

Binigay ni Wilbur ang sigarilyo kay Benjamin at sinindihan niya ito. Humithit ng ilang beses si Benjamin, pagkatapos ay bumuga siya ng malaking usok makalipas ang ilang sandali.

“Ganito ang mabuhay ng maganda,” Ang sabi ni Benjamin, masaya talaga siya.

Tumawa ng mahina si Wilbur. “Pero wag dapat kayong manigarilyo ng marami.”

“Ano naman ang maganda na mabuhay ka ng sampung libong taon kung walang kwenta ang buhay mo?” Ang sabi ni Benjamin.

Tumango lang si Wilbur, wala siyang sinabi.

Sa sandaling ito, nag ring ang doorbell. Tumayo si Faye para buksan ang pinto, at pumasok ng galit si Susie.

“Tama ako na nandito kayo, Grandpa. At naninigarilyo at umiinom pa kayo?” Tumitig ng gulat si Susie sa mga sigarilyo at wine sa mesa.

Kumunot ang noo ni Benjamin. “Bakit ka ba sumisigaw? Nasa pamamahay ka ng ibang tao. Nasaan ang respeto mo?”

Sumigaw si Susie, “Niloloko niya lang kayo, Grandpa! Tingnan niyo, hinahayaan niya pa kayo manigarilyo ngayon! Hindi niyo ba alam kung ano na ang kalagayan ng katawan niyo?”

Galit na nagsalita si Benjamin, “Alam ko ito. Mas alam ko kung ano ang nangyayari sa katawan ko maliban sa ibang tao.”

Tinanong ni Susie, “Bakit po pala kayo naninigarilyo at umiinom? Ano po ba ang sinabi ng mga doctor?”

Umiling si Benjamin at tumingin siya kay Wilbur. “Sa tingin ko ay hindi na tayo pwedeng magpatuloy sa pag inom. Naiinis na ako.”

Pagkatapos itong sabihin, tumayo siya at umalis siya ng mag isa, hindi niya pinansin si Susie.

Nagalit si Susie kay Wilbur. “Isa kang sinungaling at isang scammer! Paano mo hinayaan ang isang matandang may sakit na manigarilyo at uminom para lang makuha ang gusto mo? Masama ka talaga!”

Nagsindi ng sigarilyo si Wilbur at hindi niya pinansin si Susie.

Nang makita ang ginawa ni Wilbur, lumingon si Susie kay Faye. “Ano ang relasyon niyong dalawa?”

“Sino ka ba, at kailangan ko ba sabihin sayo?” Ang agad na tinanong ni Faye.

Malamig si Susie, “Wala akong pakialam kung sino ka sa kanya, pero lumayo kayo sa Grandpa ko. Ah, sigurado ako na isang makapangyarihang tao ka din. Isang scammer ang lalaking ito, sana ay wag kang magpahulog sa mga pakana niya at mauwi kang bankrupt.”

Pagkatapos, mabilis na umalis si Susie para habulin ang lolo niya.

Hindi alam ni Faye ang sasabihin niya. Bastos ang babaeng yun!

“Boss, sino po yun? Ano po ang problema niya?” Ang tanong ni Faye.

Kalmading sinabi ni Wilbur, “Ang matandang lalaki ay si Benjamin Grayson. Ang babaeng yun ay ang apo niya, si Susie Grayson.”

Bab terkait

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 11

    Natulala si Faye. Si Benjamin ay isang tao na madalas nagpapakita sa TV noong panahon. Kaya pala mukha siyang pamilyar.“Siya po yun?” Ang tanong ni Faye na hindi makapaniwala.Tumango si Wilbur, at sinabi ni Faye ng nakakunot ang noo, “Iba po talaga ang pagkakakilanlan ni Mr. Grayson. Pero mukhang hindi po kayo gusto ng apo niya.”“Hayaan mo siya,” Ang sabi ni Wilbur.Tumango si Faye bago niya sinabi, “Boss, handa na po ang lahat. Nakatanggap din po ako ngayong araw ng imbitasyon sa kasal nila Blake at Yvonne.”“Ganun ba? Nagtitiwala ako na mabuti ang gagawin mo,” Ang kalmadong sinabi ni Wilbur.Nagpatuloy si Faye, “Plano ko po na bigyan sila ng isang malaking sorpresa sa kasal nila. Ano po sa tingin niyo?”“Mas malaki, mas maganda,” Ang sagot ni Wilbur habang naalala niya kung paano ang pagtrato ni Yvonne sa kanya.Tumanago si Faye. Tumingin siya sa wine na hindi pa ubos at pagkatapos ay tumingin siya kay Wilbur. “Boss, gusto niyo po ba uminom ako masama niyo?”“Umiinom ka b

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 12

    Sinabi ni Wilbur, “Oras na para bigyan sila ng isang malaking regalo. Alam mo na ang gagawin mo.”“Masusunod po, Boss. Sigurado pong magbabayad sila,” Ang sagot ni Faye.Ngumiti si Wilbur. “Magpahinga ka na. Wag ka nang mag alala sa akin bukas. Pupunta ako ng mag isa.”“Okay po, Boss.”Tumayo si Wilbur at bumalik siya sa kwarto niya.Tumitig si Faye habang paalis si Wilbur at nagbuntong hininga siya.Kung siya ang trinato ng mali at pinahiya ng ganito, siguradong ibabalik niya ito ng sampung beses. Masyadong mabait ang boss niya. Gayunpaman, hindi ganito kabait si Faye. Kahit kailan ay hindi naging mabait si Faye sa mga kaaway niya.Sa sumunod na araw.Gumising si Wilbur ng alas diyes ng umaga. Naglakad siya palabas ng bahay at nag drive siya papunta sa Southlake Resort Island.Oras na para tapusin niya ito.Kasabay nito, ang isang SUV na may military badge ang huminto sa harap ng house number one.May isang lalaking middle-aged na matangkad at may malapad na balikat ang lum

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 13

    Sa Southlake Resort Island.Ito ay isang privately-owned vacation spot na matatagpuan sa kanluran ng Seechertown at may laki ito na sanlibong ektarya.Ang lupa nito ay napapalibutan ng isang natural na lawa at may isla sa gitna. May higit sa ten billion dollars na naka-invest sa construction ng mga mga five-star hotel at iba’t ibang entertainment facilities. Meron pang iba’t ibang klase ng mga exotic plants na nakatanim dito, kaya ang isla na ito ay isa sa mga pinakasikat na vacation site ng Seechertown.Sa araw na yun, nireserve ni Blake ang buong resort island para sa mga taong imbitado.Ang resort ay ginawang isang malaking event space pagkatapos ng ilang araw ng dekorasyon. Maraming mga mesa at upuan na may sariwang bulaklak pati iba’t ibang mga pagkain at champagne.Nagpark si Wilbur sa labas ng Southlake at naglakad siya papunta sa isla. Sa harap nito ay ang check-in table ng mga bisita pati na rin ang gift collection counter.Naglakad si Wilbur patungo sa mesa at nilagay n

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 14

    Umiling si Wilbur. “Wala naman.”“Bakit sinusubukan mo maging malapit sa tatay ko?” Ang tanong ni Gordon.Sa sandaling ito, tumunog ang isang boses sa buong banquet hall.“Dumating na si General Gordon Grayson ng Kardon Province army.”Nagkaroon ng malakas na palakpakan dahil dito.Ang isang tao na may ganitong lebel ng kapangyarihan ay nandito sa kasal nila Blake at Yvonne. Ang lahat ng bista ay tumingin kela Gordon at Wilbur ng may mataas na respeto.Kumunot ang noo ni Gordon dahil sa pagkasuklam.Kalmadong sinabi ni Wilbur, “Hindi lahat ng tao ay gustong gamitin ang pangalan ng pamilya niyo. Hindi ko ito magagamit.”Dumilim ang ekspresyon ni Gordon. “Ano pala ang gusto mong makuha sa pagiging malapit sa tatay ko at sinasadya mo siyang lokohin sa kalokohan na cultivation mo? Ano ang layunin mo? Marami na akong nakaharap na taong tulad mo.”Uminom ng champagne si Wilbur at sumagot siya, “Ganun ba? Maniniwala ka ba sa akin kung sinabi ko na tinutulungan ko lang na humaba ang b

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 15

    Natulala sina Yvonne at Blake. Ang Wilbur Penn ba na binanggit ni Faye ay ang taong nasa isip nila?Pagkatapos, nagbuntong hininga ng mahina si Wilbur. Wala siyang plano na ibunyag ang pagkakakilanlan niya, ngunit naiintindihan niya ang pinanggagalingan ni Faye. Gusto lang ni Faye na ipaghiganti si Wilbur.Ngayon at umabot na ang lahat sa puntong ito, ang tanging pwede niyang gawin ngayon ay ang umakyat sa entablado.Tumingin si Wilbur kay Gordon at sinabi niya, “Sandali lang muna. Babalik ako.”Tumitig si Gordon kay Wilbur at hindi siya makapaniwala. Si Wilbur ba talaga ang may ari ng Cape Consortium? Kung ganun, isang pambihirang tao talaga siya.Mabagal na naglakad si Wilbur papunta sa entablado. Nang makumpirma na ni Blake at Yvonne na ito talaga ay si Wilbur, parehong silang may hindi mawari na ekspresyon sa kanilang mga mukha.Tahimik na tumabi si Faye habang kinuha ni Wilbur ang mic. Lumingon siya upang tumnigin kela Blake at Yvonne. Ang magkasintahan ay bayolenteng nang

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 16

    “Nilabag niya ang batas, kaya nawala ang lahat ng karapatan niya para maging director ng Woods Corporate.”Kumaway si Faye, at ang secretary niya ay nagpasa ng file kay Yvonne. Pagkatapos, inannounce niya ng may mababang boses, “Sa tingin mo ba talaga ay mahal ka ni Blake? Nagkakamali ka. May ginawa siyang divorce statement bago pa man kayo magpakasal, at plano niyang agawin ang Willow Corp pagkatapos nito. Buksan mo ang mga mata mo at tingnan mo ito!”Binuksan ni Yvonne ang file at hindi siya makapaniwala.Kasal, shareholding, kukuha ng pera, at divorce. Alam ng kahit sino kung ano ang ibig sabihin ng mga dokumentong ito.Nanginig ang mga kamay ni Yvonne habang umiling siya sa takot. “Hindi maaari! Hindi pwedeng totoo ito!”“Kung hindi ka naniniwala sa akin, magpatuloy ka na sumama sa kanya. Tingnan mo kung ano ang mapapala mo.” Walang nararamdaman si Faye kundi ang tuwa habang nakatingin siya sa gulat sa mukha ni Yvonne.“Blake, sabihin mo sa akin na hindi ito totoo.” Lumingon

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 17

    Tumingin si Gordon sa anak niya. “Ano ang nangyayari dito?”“Hindi po iniinom ni Grandpa ang gamot,” Ang sabi ni Susie.Tumayo si Gordon ng may malungkot na ekspresyon. “Paano naman ang mga resulta niya?”Yumuko si Susie. “Totoo po ang test result. Sinabi po ni Grandpa na si Wilbur ang gumamot sa kanya, at ang katawan niya ay naging mas mabuti ang kondisyon dahil sa cultivation method na tinuro ni Wilbur sa kanya.”Umupo ng mabagal si Gordon. Hindi siya makapaniwala na tototo ito.Hindi nagsisinungaling sa kanya si Susie. Hindi ininom ni Benjamin ang gamot, ngunit ang katawan niya ay guamling ng may milagro… Ibig sabihin ay si Wilbur ang nasa likod ng lahat ng ito.Nang makita ang ekspresyon sa mukha ng tatay niya, sinabi ni Susie ng may mahinang boses, “Sinabi po ni Grandpa sa akin na humingi po ako ng tawad mismo kay Wilbur at humingi ng kapatawaran niya, kung hindi po ay hindi tayo papayagan ni Grandpa na umuwi.”Tahimik si Gordon. Mabilis na nagbago ang ekspresyon niya. Hala

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 18

    “Mr. Blake Woods, mula kami sa Department of Fiscal Crimes. Natuklasan na ang kumpanya mo ay gumagawa ng mga pekeng transaction at may abnormal na cash flow. Pakiusap, sumama kayo sa amin para sa imbestigasyon,” Ang sabi ng isa pang lalaking nakasuot ng uniporme.Pagkatapos, bumigay ang buong katawan ni Blake habang kinarga siya palayo.Nagulat din ang lahat sa itsura ng dalawang grupo.Hindi ba’t kakaiba para nagkataon lang ang mga ito?Tumitig ang lahat kay Faye, na siyang eleganteng nakaupo at umiinom ng champagne.Agad nilang naintindihan na ang lahat ay pinaghandaan ng babaeng ito. Paano pa ba nagpakita sa tamang oras ang mga awtoridad dito?”Ngumiti si Wilbur at lumapit siya kay Faye, sinabi niya, “Mukhang tapos na ang kasal. Aalis na ako.”Tumayo si Faye. Nakuha niya na ang gusto niya at halata na ayaw niya nang manatili pa ng mas matagal.Ngunit sa sandaling yun, biglang lumapit si Yvonne. Kumapit ng mahigpit si Yvonne sa braso ni Wilbur at umiyak siya, “Wilbur, nagkama

Bab terbaru

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 439

    Nagulat si Joel at ang iba.Hindi mapigilan ang pwersa ng mga estatwa ng apat na diyos, at ang kapangyarihan nila ay ginagamit para patayin ang isang tao. Iniisip nila kung may kahit sinong mortal na makakaligtas sa ganitong sitwasyon.‘Nakontra nga ni Wilbur ang Quicksand of Death kanina, pero hindi niya kakayanin ang The Rage of the Four. Ang kapangyarihan ng dalawang spell ay napakalaki ang agwat.’Naisip ng lahat na hindi makakatakas si Wilbur sa atake na ito.Parang baliw na si Chance sa pagsasalita niya.“Wilbur Penn, makapangyarihan ka talaga. Higit sa inaasahan ko ang kapangyarihan mo. Matatawag kita na pinakamahusay na cultivator sa ibaba ng Saint level, pero hindi ka pa rin isang Saint level cultivator!”Tumawa si Wilbur sa mga insulto ni Chance.Sumagot siya ng simple lang, “Sa tingin mo ba ay mabubuhay ka pa rin kung hindi ako interesado na makita kung ano ang espesyal sa Domain mo?”“Ano? Ano ang sinabi mo?” Nagalit si Chance. Ang iba ay mukhang para bang hindi sil

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 438

    Biglang naging malambot ang lupa sa ilalim ni Wilbur sa isang iglap. Ito ay para bang nakatayo siya sa quicksand.Lumubog agad siya. Natural, hindi tumama ang atake niya kay Chance.Ang apat na earth dragon ang lumabas sa lupa ng sabay-sabay. Sumugod ang mga ito kay Wilbur.Si Wilbur ay kalahating nasa lupa, kaya hindi siya makakilos. Agad siyang pinalibutan ng mga earth dragon. Ang mga earth dragon ay lumubog sa lupa at naglaho kasama ni Wilbur.Tumawa ng malakas si Chance, tuwang tuwa sa sarili niya. Si Joel at ang iba ay may malaking respeto sa kanya, at naghiyawan sila.“Ang galing, Mr. Taft. Kayo po ay isang Saint level cultivator na walang makakatalo.”Tila tuwang tuwa si Chance na marinig na pinupuri siya. Abala siya sa paghanga sa sarili.Samantala, nararamdaman ni Wilbur ang pressure ng pagiging nasa ilalim ng lupa kasama ang mga earth dragon.Ang katawan ng mga dragon ay magkakadikit. Pinalibutan nila si Wilbur ng mahigpit, at humihigpit lang ang mga ito. Patuloy ang

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 437

    Nasa gitna ng umiikot na buhangin ang mga madla.Ang mga earthen spear, higanteng bato, earth giant, at mga bomba na bato ay may dalang malakas na kapangyarihan, at ang lahat ng mga ito ay patungo kay Wilbur.Si Chance ay para namg isang diyos na kinokontrol ang lahat habang lumulutang siya. Siya ay may hawak ng nakakatakot na kapangyarihan, kaya takot at nirerespeto siya ng mga tao dahil dito.Si Maniac, Joel at ang iba na nasa Domain ay napaluhod dahil masyadong makapangyarihan si Chance. Kailangan nilang ipakita ang respeto nila.Masaya si Chance habang sumigaw siya kay Wilbur, “Nararamdaman mo ba? Ito ang kapangyarihan ng isang Saint level cultivator. Isa akong dakilang nilalang. Lahat kayo ay mga mabababang nilalang!”Sorbang mayabang na talaga si Chance sa sandaling ito. Tumitig siya ng mababa kay Wilbur na para bang nakatingin siya sa isang insekto.Suminghal si Wilbur, at sa isang kilos lang ng braso, ang thunder cleaver niya ay agad na nagliyab na may spiritual flames. P

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 436

    Nagbago bigla ang venue. Napunta silang lahat sa gitna ng isang walang hanggan na lugar.Nakatayo sila sa walang hanggang lupa habang puno ng buhangin sa ere.May apat na estatwa na may sandaang metro ang tangkad sa apat na cardinal direction. May layo sila na sandaang metro mula sa isa’t isa.Ito ay apat na mga beige statue na may armor at axe, may engrande na presensya ang mga ito.Pakiramdam ng lahat na parang nasa lumang digmaan sila. Ang nakakasakal na pressure ay nakakatakot para sa lahat.‘I-Ito ba ay isang Domain?”Natakot ang mga tao.Alam nila na ang kapangyarihan ng isang Saint level cultivator ay lubos-lubos. Ngunit, hindi sila makapaniwala na ang Domain ng isang Saint level cultivator ay nakakatakot talaga. Agad silang napunta sa ibang mundo.May makapangyarihan na spiritual pressure. Pakiramdam nila na maliit at mahina sila dahil dito.Pakiramdam nila na hindi nila kakayanin kapag nanatili sila ng matagal. Kahit na hindi sila atakihin ni Chance, baka mawala sila

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 435

    Nabigla agad ang lahat.Seryoso din ang tingin ni Zachary. Mabilis siyang nag cast ng spell gamit ang mga kamay niya at sinigaw niya, “Earth Shield!”Ang matigas na lupa sa harap niya ay umangat. May spiritual radiance sa shield, at marami itong mga rune.Isang intermediate spell ang Earth Shield. Nagamit na ito noon ni Wilbur.Ngunit, sinira ni Wilbur ang shield gamit ang isang suntok habang sumigaw siya. Pagkatapos, tumuloy ang suntok at tumama ito kay Zachary.Walang magawa si Zachary upang pigilan ito. Pinanood niya lang habang tumama ang suntok sa dibdib niya.Sa isang malakas na tunog, tumalsik paatras si Zachary habang tumulo ang dugo sa bibig niya.Huminto si Wilbur at tumayo siya habang nasa likod ang kanyang mga kamay, tumigil siya sa pag atake kay Zachary.Nalilito si Zachary sa sandaling yun, pagkatapos ay mabagal niyang pinunasan ang dugo sa bibig niya. Yumuko siya kay Wilbur at sinabi niya, “Salamat sa hindi pagpatay sa akin.”Tumango ng konti si Wilbur, ngunit a

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 434

    Ngunit, may isang earth giant na dalawang metro ang tangkad na lumitaw mula sa lupa nang sumigaw si Zachary. Sumugod ito kay Wilbur.Ang earth giant ay tila makapangyarihan. Ang mga kamao nito ay kasing laki ng mga basketball, at meron itong yellow na spiritual radiance, para banng hindi ito mapipigilan.Ang mga tao ay nabigla nang makita ito.Si Zachary ay nagcast ng sunod-sunod na mga spell at kahanga-hanga ito. Hindi pa sila nakakita ng ganitong klaseng ng spell noon.Lalo na sa earth giant na lumitaw. Imposible na kaya itong talunin ni Maniac, hindi ba?Napatingin ang lahat kay Maniac, na siyang naiinis at naging tahimik lang.Nang makita ito ng lahat, tumawa sila.Tama, ang isang mahusay na mentor ay gumagawa ng malakas na mga estudyante. Ang estudyante ng isang Saint level cultivator ay makapangyarihan talaga. Ibig sabihin ay si Chance Taft ay lubos talaga na makapangyarihan. Hindi alam ni Wilbur Penn ang lugar niya.Tumawa lang si Wilbur at sumugod siya sa earth giant ga

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 433

    Malakas na tumawa si Wilbur bago niya sinabi ,”Alam mo talaga kung paano pagsamantalahan ang sitwasyon, pero isang malaking pagkakamali ang desisyon mo kung sa tingin mo ay kaya ni Chance Taft na protektahan kayong lahat.”“Pambihira. Masyado siyang mayabang.”“Lintik ka! Walang hiya ka para maging mayabang sa harap ni Mr. Taft! Gusto mo talagang mamatay!”“Talunin niyo po siya, Mr. Taft. Para sa pangalan ng mga makapangyarihang Saint level cultivator.”Ang mga madla ay nainis sa pag uugali ni Wilbur, at nagsalita sila upang parusahan ni Chance si Wilbur.Hindi magkasundo sina Maniac at Joel, ngunit may iisang kalaban sila sa oras na yun. Pareho silang tumingin ng masama kay Wilbur.Tumawa si Chance at umiling siya. Sinabi niya, “Hindi alam ng mga bata ang lugar nila sa panahong ito. Nabalitaan ko na mula ka sa Seechertown, kaya sisimulan ko na gawin kang halimbawa, pero hindi kita papatayin. Hahayaan kitang mabuhay, upang bumalik ka at sabihin sa mga tao Seechertown na yumuko at

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 432

    Tumayo si Maniac, sumagot siya ng mabagal, “Totoo ito, Mr. Taft.”“Bakit?” Malamig na nagtanong si Chance.Lumapit si Maniac kay Chance, pagkatapos ay yumuko siya. Sinabi niya, “Wala itong kunsento ko, Mr. Taft. May taong pinilit akong gawin ito.”Nabigla ang mga tao na hindi alam ang katotohanan. ‘Ganun ba?’Napabuntong hininga si Wilbur.“Siya po.” Tumuro si Maniac kay Wilbur at sinabi niya ng malakas, “Noong nakaraang araw, itong lalaki na may pangalan na Wilbur Penn ay hinanap ako. Muntik niya na akong patayin dahil isa siyang Ambience level cultivator. Tinakot niya ako para atakihin namin si Joel. Wala akong magawa kundi ang sumunod. Mabuti na lang, bumalik kayo, Mr. Taft. Pakiusap, bigyan niyo po ako ng hustisya, at papayag din po ako na maging inaanak niyo.”Pagkatapos, lumuhod siya sa sahig ng hindi nagpapakita ng intensyon na tatayo siya.Nabigla ang lahat. Hindi nila inaasahan na ito ang gagawin ni Maniac.‘Totoo kaya ito?’ Ang naisip nila.Tumingin ang lahat kay Wi

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 431

    ‘Wala nang lugar para sa kanya sa Anya City ngayon at may kinalaman na si Mr. Taft, hindi ba?’ Iniisip ni Joel.Naisip ni Joel na lamang siya. Baka kaya niya pang patayin si Maniac.Hindi pinansin ng lahat ang lalaking nasa likod ni Maniac, at akala nila ay sidekick niya lang ito.Agad na naging malamig ang tingin ni Joel nang makita si Maniac.Patay na ng maraming beses si Maniac kung kayang pumatay ng tingin.Ngunit, matapang si Maniac. Pumasok siya at tumingin sa paligid bago siya umupo kasama ang sidekick niya. Hindi sila makapaniwala na hindi natatakot si Maniac.Ngumisi ang lahat at naisip nila, ‘Pinipilit ni Maniac na magmukhang mahinahon.’Si Maniac ang nasa tuktok ng Anya City, at may laban sila ni Joel, kaya hindi papayagan ni Mr. Taft na magpatuloy siya sa ginagawa niya sa Anya City. Iniisip nila na matapang si Maniac para magpakita.Tumayo si Zachary sa oras na yun. Tumingin siya sa lahat at sinabi niya, “Mukhang nandito na ang lahat, kaya i-welcome natin si Mr. Taf

Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status