Share

Kabanata 12

Author: Blue Silver
last update Last Updated: 2023-12-05 15:47:53
Sinabi ni Wilbur, “Oras na para bigyan sila ng isang malaking regalo. Alam mo na ang gagawin mo.”

“Masusunod po, Boss. Sigurado pong magbabayad sila,” Ang sagot ni Faye.

Ngumiti si Wilbur. “Magpahinga ka na. Wag ka nang mag alala sa akin bukas. Pupunta ako ng mag isa.”

“Okay po, Boss.”

Tumayo si Wilbur at bumalik siya sa kwarto niya.

Tumitig si Faye habang paalis si Wilbur at nagbuntong hininga siya.

Kung siya ang trinato ng mali at pinahiya ng ganito, siguradong ibabalik niya ito ng sampung beses. Masyadong mabait ang boss niya. Gayunpaman, hindi ganito kabait si Faye. Kahit kailan ay hindi naging mabait si Faye sa mga kaaway niya.

Sa sumunod na araw.

Gumising si Wilbur ng alas diyes ng umaga. Naglakad siya palabas ng bahay at nag drive siya papunta sa Southlake Resort Island.

Oras na para tapusin niya ito.

Kasabay nito, ang isang SUV na may military badge ang huminto sa harap ng house number one.

May isang lalaking middle-aged na matangkad at may malapad na balikat ang lumabas ng kotse.

Regular na damit ang suot niya, ngunit hindi mahirap malaman na mula sa aura niya na isa siyang taong mula sa army.

Ang lalaki ay nagring ng doorbell. Binuksan ni Susie ang pinto at masaya siyang bumati, “Dad! Nakauwi na po kayo!”

“Oo. Nasaan ang grandpa mo?” Ang tanong ng lalaki.

Kumunot ang noo ni Susie. “Nakakulong po siya sa kwarto niya ng buong araw at misteryoso po ang kinikilos niya. Naapektuhan po talaga siya ng scammer na yun.”

“Kamusta ang kalusugan niya?” Nag tanong ulit ang lalaki.

Agad na sinabi ni Susie, “Ininom po ni Grandpa ang gamot na dinala ng Seechertown medical team, at mas mabuti na po ang kalusugan niya ngayon. Nagpacheck-up po siya, at positibo po ang lahat ng resulta.”

“Mabuti naman. Hayaan mo akong turuan ng leksyon ang sinungaling na yun. Walang kahit sino ang pwedeng pagsamantalahan ang pangalan ng pamilya Grayson,” Ang malamig na sinabi ng lalaki.

Tumango ng isang beses si Susie. “Opo, at dapat niyo po siyang turuan ng leksyon, kung hindi po ay iisipin ng iba na pwede po silang maging malapit kay Grandpa sa susunod.”

Pagkatapos, tumalikod ang lalaki at sinabi niya sa driver, “Tumawag ka sa scammer at sabihin mo sa kanya na gusto kong makipag kita sa kanya.”

“Okay po.” Tumawag agad ang driver. Makalipas ang ilang sandali, bumalik siya at sinabi niya ng maingat, “Sinabi niya po na nasa isang kasal po siya sa Southlake Resort Island at na dapat niyo po siyang hanapin kung gusto niyo po siyang makita.”

“Matapang ang lintik na yun.” Naging malamig ang ekspresyon ng lalaki. “Walang hiya siya para magpanggap na mataas sa harap ko! Pupunta tayo sa Southlake Resort Island ngayon na!”

Sumakay si Gordon sa kotse, at mabilis na umalis ang driver.

Huminga ng malalim si Susie. “Lintik na sinungaling ka, makukuha mo ang nararapat sayo. Maghintay ka lang.”

Pagkatapos itong sabihin, bumalik siya sa loob at naglakad siya papunta sa kwarto ng lolo niya. Huminto siya ng saglit bago niya tinawag, “Grandpa, oras na po para sa exercise niyo. Hindi pa po kayo lumalabas ng buong araw ngayon.”

Tahimik ang kwarto, kaya paulit ulit lang na tinawag ni Susie ang lolo niya.

Kahit na mas naging mabuti ang kondisyon ng lolo niya, kailangan pa rin nito mag exercise.

Sa wakas, binuksan ni Benjamin ang pinto makalipas ang kalahating oras at tumingin siya ng naiinis kay Susie. “Tapos ka na? Wala ba akong kahit konting kalayaan?”

“Para po ito sa kapakanan niyo, Grandpa. Wag po matigas ang ulo niyo,” Ang sabi ni Susie.

Ngumisi ng malamig si Benjamin. “Alam ko kung ano ang nangyayari sa katawan ko. Tumigil ka na sa pagrereklamo mo. Ginagawa mo ba ang lahat ng ito para mainis ako?”

“Paano niyo po ito nasabi, Grandpa? Kung hindi po dahil sa pangangalaga namin at ng Seechertown medical team, hindi po magiging mabuti ang kondisyon niyo,” Ang sabi ni Susie ng may masamang loob.

Nangutya si Benjamin, “Sa tingin mo ba talaga ay kayo ang gumawa ng lahat ng ito?”

Nagalit si Susie. “Hindi po ba? Alam niyo po dapat na ang katawan niyo ay nasa hangganan na nito, at umaasa po kayo sa gamot upang mabuhay. Kung hindi po sa gamot at sa pag alis ko sa med school upang alagaan kayo, nandito pa rin po ba kayo? Hindi po ba mahalaga ang mga ito sa inyo?”

Dumaloy ang luha ni Susie habang sinasabi ang mga ito.

Pakiramdam niya ay nawawala na talaga sa tamang pag iisip ang lolo niya. Walang utang na loob ang lolo niya sa pangangalaga niya dito ng maraming taon, ngunit ang scammer ay pinasunod ang lolo niya ng ilang salita lamang, at ngayon ay nakakulong ng buong araw ang lolo niya at ginagawa ang kalokohan na cultivation. Napuno lang siya ng lungkot habang iniisip ito, umiyak siya ng mas malakas sa bawat lumipas na segundo.

Nagbuntong hininga si Benjamin nang makita na ganito ang apo niya. Pumasok siya sa kwarto niya, nilabas niya ang gamot mula sa shoe cabinet niya, at pinakita niya ito kay Susie.

Hinagis niya ang gamot sa harap ni Susie, sinabi ni Benjamin, “Tingnan mo ito. Ito ang nagawa ng gamot mo para sa akin.”

Pinunasan ni Susie ang mga luha niya, tumitig siya ng blanko sa lolo niya.

Hindi nagsalita si Benjamin at tumayo lang siya sa lugar. Kinuha ni Susie ng mabagal ang box at binuksan niya ito.

Maayos ang pwesto ng mga gamot, walang nagalaw sa kahit ano dito.

“Grandpa, ano po ang nangyari?” Ang tanong ni Susie ng hindi siya makapaniwala.

Nagbuntong hininga si Benjamin. “Nagsawa na ako sa lahat ng mga gamot. Hindi ko ginalaw ang kahit isa sa mga ito.”

Nabigla si Susie. “P-Pero ang kalusugan niyo po?”

Tumingin si Benjamin kay Susie at kumunot ang noo niya. “Hindi ba halata? Ano ba ang sabi ng report ko?”

Hirap na sinabi ni Susie, “S-sabi po nila na mas n-naging mabuti na po ang k-kondisyon niyo, at gumagaling na rin po pati ang fibrotic lungs niyo.”

“Kung ganun, sa tingin mo pa rin ba ay ang gamot ang gumawa ng lahat ng ito?” Ang tanong ni Benjamin.

Ang gamot na hawak ni Susie ay bumagsak sa sahig. Nakanganga ang bibig ni Susie at hindi siya makapaniwala.

Umiling si Benjamin. “Kayong mga bata talaga ay akala niyo matalino kayo at alam niyo na ang lahat. Sasabihin ko sayo na meron talagang mga himala. Sa katotohanan, ang Dasha ay puno ng mga mahusay na tao na tulad ni Wilbur Penn. Kailan ka ba aatras at titigil sa pagtingin ng mundo ng may paghuhusga?”

Nabigla si Susie. Pagkatapos ng ilang sandali, nagsalita na siya, “Grandpa, hindi ito maaari. Ang cultivation method na tinuro ng lalaking yung ay gumana at gumaling ang kalusugan niyo?”

“Ano sa tingin mo?” Ang sagot ni Benjamin.

Walang masabi si Susie. Hindi siya makapaniwala na totoo ito.

Gayunpaman, totoo na ang lolo niya ay hindi uminom ng gamot ngunit gumaling pa rin ng parang isang himala. Sa katotohanan, walang paraan para patunayan na hindi ito ang nangyari.

Sa sandaling ito, kaharap niya ang pinakamalaking krisis sa buhay niya.

Makalipas ang ilang sandali, lumingon siya at sinabi niya ng mahina, “Grandpa, umuwi na po si Dad.”

“Ano? Ano ang ginagawa niya dito sa halip na binabantayan ang kampo niya?” Ang sabi ni Benjamin, halata na hindi siya natutuwa.

Hindi nagsalita si Susie, ngunit hindi niya rin maitago ang katotohanan. Sinabi niya ng mahina, “Umalis po siya para turuan ng leksyon si Wilbur Penn.”

Agad na sumigaw ng galit si Benjamin, “Ano?! Sino ang nagsabi sayo na gawin yun?”

Agad na nataranta si Susie. “Grandpa, hayaan niyo po akong magpaliwanag. Akala ko po ay isang scammer si Wilbur na sinubukang gamitin ang pangalan ng pamilya natin para sa personal na kapakanan. Ito ang rason kung bakit sinabi ko kay Dad na umuwi siya.”

Galit na galit si Benjamin, “Mga tanga! Tawagin mo ang tatay mo dito! Hihingi kayong dalawa ng tawad kay Wilbur, at wag kayong bumalik hangga’t hindi niya kayo pinagbigyan! Ang bahay ng mga Grayson ay walang lugar para sa mga taong tulad niyong dalawa!”

Habang nagsasalita siya, sa sobrang sama ng loob niya ay umuubo na siya.

Takot na takot si Susie at lumapit siya para himasin ang likod ni Benjamin. “Pupunta na po ako, Grandpa. Pakiusap, wag na po kayong magalit.”

“Pumunta ka na!” Ang sigaw ni Benjamin.

Hindi na nagsalita pa si Susie. Tinawag niya ang mga katulong upang bantayan ang tatay niya bago siya nagdrive papunta mismo sa Southlake Resort Island.

Tumawag agad siya sa tatay niya habang nasa loob ng kotse, ngunit walang sumasagot.

Related chapters

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 13

    Sa Southlake Resort Island.Ito ay isang privately-owned vacation spot na matatagpuan sa kanluran ng Seechertown at may laki ito na sanlibong ektarya.Ang lupa nito ay napapalibutan ng isang natural na lawa at may isla sa gitna. May higit sa ten billion dollars na naka-invest sa construction ng mga mga five-star hotel at iba’t ibang entertainment facilities. Meron pang iba’t ibang klase ng mga exotic plants na nakatanim dito, kaya ang isla na ito ay isa sa mga pinakasikat na vacation site ng Seechertown.Sa araw na yun, nireserve ni Blake ang buong resort island para sa mga taong imbitado.Ang resort ay ginawang isang malaking event space pagkatapos ng ilang araw ng dekorasyon. Maraming mga mesa at upuan na may sariwang bulaklak pati iba’t ibang mga pagkain at champagne.Nagpark si Wilbur sa labas ng Southlake at naglakad siya papunta sa isla. Sa harap nito ay ang check-in table ng mga bisita pati na rin ang gift collection counter.Naglakad si Wilbur patungo sa mesa at nilagay n

    Last Updated : 2023-12-05
  • Living With My Lady Boss   Kabanata 14

    Umiling si Wilbur. “Wala naman.”“Bakit sinusubukan mo maging malapit sa tatay ko?” Ang tanong ni Gordon.Sa sandaling ito, tumunog ang isang boses sa buong banquet hall.“Dumating na si General Gordon Grayson ng Kardon Province army.”Nagkaroon ng malakas na palakpakan dahil dito.Ang isang tao na may ganitong lebel ng kapangyarihan ay nandito sa kasal nila Blake at Yvonne. Ang lahat ng bista ay tumingin kela Gordon at Wilbur ng may mataas na respeto.Kumunot ang noo ni Gordon dahil sa pagkasuklam.Kalmadong sinabi ni Wilbur, “Hindi lahat ng tao ay gustong gamitin ang pangalan ng pamilya niyo. Hindi ko ito magagamit.”Dumilim ang ekspresyon ni Gordon. “Ano pala ang gusto mong makuha sa pagiging malapit sa tatay ko at sinasadya mo siyang lokohin sa kalokohan na cultivation mo? Ano ang layunin mo? Marami na akong nakaharap na taong tulad mo.”Uminom ng champagne si Wilbur at sumagot siya, “Ganun ba? Maniniwala ka ba sa akin kung sinabi ko na tinutulungan ko lang na humaba ang b

    Last Updated : 2023-12-05
  • Living With My Lady Boss   Kabanata 15

    Natulala sina Yvonne at Blake. Ang Wilbur Penn ba na binanggit ni Faye ay ang taong nasa isip nila?Pagkatapos, nagbuntong hininga ng mahina si Wilbur. Wala siyang plano na ibunyag ang pagkakakilanlan niya, ngunit naiintindihan niya ang pinanggagalingan ni Faye. Gusto lang ni Faye na ipaghiganti si Wilbur.Ngayon at umabot na ang lahat sa puntong ito, ang tanging pwede niyang gawin ngayon ay ang umakyat sa entablado.Tumingin si Wilbur kay Gordon at sinabi niya, “Sandali lang muna. Babalik ako.”Tumitig si Gordon kay Wilbur at hindi siya makapaniwala. Si Wilbur ba talaga ang may ari ng Cape Consortium? Kung ganun, isang pambihirang tao talaga siya.Mabagal na naglakad si Wilbur papunta sa entablado. Nang makumpirma na ni Blake at Yvonne na ito talaga ay si Wilbur, parehong silang may hindi mawari na ekspresyon sa kanilang mga mukha.Tahimik na tumabi si Faye habang kinuha ni Wilbur ang mic. Lumingon siya upang tumnigin kela Blake at Yvonne. Ang magkasintahan ay bayolenteng nang

    Last Updated : 2023-12-05
  • Living With My Lady Boss   Kabanata 16

    “Nilabag niya ang batas, kaya nawala ang lahat ng karapatan niya para maging director ng Woods Corporate.”Kumaway si Faye, at ang secretary niya ay nagpasa ng file kay Yvonne. Pagkatapos, inannounce niya ng may mababang boses, “Sa tingin mo ba talaga ay mahal ka ni Blake? Nagkakamali ka. May ginawa siyang divorce statement bago pa man kayo magpakasal, at plano niyang agawin ang Willow Corp pagkatapos nito. Buksan mo ang mga mata mo at tingnan mo ito!”Binuksan ni Yvonne ang file at hindi siya makapaniwala.Kasal, shareholding, kukuha ng pera, at divorce. Alam ng kahit sino kung ano ang ibig sabihin ng mga dokumentong ito.Nanginig ang mga kamay ni Yvonne habang umiling siya sa takot. “Hindi maaari! Hindi pwedeng totoo ito!”“Kung hindi ka naniniwala sa akin, magpatuloy ka na sumama sa kanya. Tingnan mo kung ano ang mapapala mo.” Walang nararamdaman si Faye kundi ang tuwa habang nakatingin siya sa gulat sa mukha ni Yvonne.“Blake, sabihin mo sa akin na hindi ito totoo.” Lumingon

    Last Updated : 2023-12-05
  • Living With My Lady Boss   Kabanata 17

    Tumingin si Gordon sa anak niya. “Ano ang nangyayari dito?”“Hindi po iniinom ni Grandpa ang gamot,” Ang sabi ni Susie.Tumayo si Gordon ng may malungkot na ekspresyon. “Paano naman ang mga resulta niya?”Yumuko si Susie. “Totoo po ang test result. Sinabi po ni Grandpa na si Wilbur ang gumamot sa kanya, at ang katawan niya ay naging mas mabuti ang kondisyon dahil sa cultivation method na tinuro ni Wilbur sa kanya.”Umupo ng mabagal si Gordon. Hindi siya makapaniwala na tototo ito.Hindi nagsisinungaling sa kanya si Susie. Hindi ininom ni Benjamin ang gamot, ngunit ang katawan niya ay guamling ng may milagro… Ibig sabihin ay si Wilbur ang nasa likod ng lahat ng ito.Nang makita ang ekspresyon sa mukha ng tatay niya, sinabi ni Susie ng may mahinang boses, “Sinabi po ni Grandpa sa akin na humingi po ako ng tawad mismo kay Wilbur at humingi ng kapatawaran niya, kung hindi po ay hindi tayo papayagan ni Grandpa na umuwi.”Tahimik si Gordon. Mabilis na nagbago ang ekspresyon niya. Hala

    Last Updated : 2023-12-05
  • Living With My Lady Boss   Kabanata 18

    “Mr. Blake Woods, mula kami sa Department of Fiscal Crimes. Natuklasan na ang kumpanya mo ay gumagawa ng mga pekeng transaction at may abnormal na cash flow. Pakiusap, sumama kayo sa amin para sa imbestigasyon,” Ang sabi ng isa pang lalaking nakasuot ng uniporme.Pagkatapos, bumigay ang buong katawan ni Blake habang kinarga siya palayo.Nagulat din ang lahat sa itsura ng dalawang grupo.Hindi ba’t kakaiba para nagkataon lang ang mga ito?Tumitig ang lahat kay Faye, na siyang eleganteng nakaupo at umiinom ng champagne.Agad nilang naintindihan na ang lahat ay pinaghandaan ng babaeng ito. Paano pa ba nagpakita sa tamang oras ang mga awtoridad dito?”Ngumiti si Wilbur at lumapit siya kay Faye, sinabi niya, “Mukhang tapos na ang kasal. Aalis na ako.”Tumayo si Faye. Nakuha niya na ang gusto niya at halata na ayaw niya nang manatili pa ng mas matagal.Ngunit sa sandaling yun, biglang lumapit si Yvonne. Kumapit ng mahigpit si Yvonne sa braso ni Wilbur at umiyak siya, “Wilbur, nagkama

    Last Updated : 2023-12-05
  • Living With My Lady Boss   Kabanata 19

    Si Yvonne ang nasa pinto. Nanghihingi siya ng tawad kay Wilbur. “Wilbur, pakiusap, patawarin mo ako. Alam ko na nagkamali ako.”Si Wilbur ang may ari ng Cape Consortium International. Ang isang tao na may ganitong kapangyarihan ay may nakakatakot na impluwensya sa industriya.Maaaring wala nang ibang kumpanya na makikipag trabaho kasama ang mga Willow pagkatapos ng pangyayaring ito. Kung balak ni Wilbur na atakihin sila, mawawala ang lahat sa pamilya Willow sa isang iglap lang.Ang pamilya Willow ay hindi hahayaan na atakihin sila ng Cape Consortium, base sa kapangyarihan nito. Ang Cape Consortium ay parang isang malaking bundon, habang ang pamilya Willow ay parang isang bukol ng lupa lang sa paanan nito.Wala siyang maisip na paraan para ipagtanggol ang sarili niya sa atake mula sa Cape Consortium. Ang tanging magagawa niya ay ang humingi ng kapatawaran upang ang pamilya Willow ay maaaring mabuhay.Napagtanto ni Wilbur ang pinagaalala ni Yvonne at sinabi niya ng kalmado, “Hayaan

    Last Updated : 2023-12-05
  • Living With My Lady Boss   Kabanata 20

    Si naman Wilbur ang tumahimik ngayon. Matagal bago niya sinabi, “So, mukhang alam mo na ang nangyari.”“Oo.”“Sana ay wag mo akong sisihin,” Ang sabi ni Wilbur na parang humihingi ng tawad.Mahinang sinabi ni Chelsea, “Hindi kita sinisisi. Nararapat ito sa kanya. Tumawag si Yvonne sa akin kanina para lapitan kita.”Nabigla ng ilang sandali si Wilbur makalipas ang ilang sandali at agad niyang naintindihan ang ibig sabihin ni Chelsea. “Pumunta ka na pala dito. May gusto akong pag usapan rin natin.”“Alam ko na gusto lang nila akong gamitin, at alam mo rin ito,” Ang sabi ni Chelsea.Tumango si Wilbur. “Alam ko, pero alam mo dapat na nakikita kita at ang pamilya Willow bilang magkaibang bagay. Gusto kong magtrabaho ka para kay Faye Yves. Pwede ka matuto ng mga bagong bagay. Wala itong kinalaman sa mga Willow.”“Pwede ko ba muna itong pag isipan? Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon.” Naiintindihan niya ang pagkabalisa ni Chelsea mula sa phone.Kumunot ang noo ni Wilbur. Tutal, si Ch

    Last Updated : 2023-12-05

Latest chapter

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 439

    Nagulat si Joel at ang iba.Hindi mapigilan ang pwersa ng mga estatwa ng apat na diyos, at ang kapangyarihan nila ay ginagamit para patayin ang isang tao. Iniisip nila kung may kahit sinong mortal na makakaligtas sa ganitong sitwasyon.‘Nakontra nga ni Wilbur ang Quicksand of Death kanina, pero hindi niya kakayanin ang The Rage of the Four. Ang kapangyarihan ng dalawang spell ay napakalaki ang agwat.’Naisip ng lahat na hindi makakatakas si Wilbur sa atake na ito.Parang baliw na si Chance sa pagsasalita niya.“Wilbur Penn, makapangyarihan ka talaga. Higit sa inaasahan ko ang kapangyarihan mo. Matatawag kita na pinakamahusay na cultivator sa ibaba ng Saint level, pero hindi ka pa rin isang Saint level cultivator!”Tumawa si Wilbur sa mga insulto ni Chance.Sumagot siya ng simple lang, “Sa tingin mo ba ay mabubuhay ka pa rin kung hindi ako interesado na makita kung ano ang espesyal sa Domain mo?”“Ano? Ano ang sinabi mo?” Nagalit si Chance. Ang iba ay mukhang para bang hindi sil

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 438

    Biglang naging malambot ang lupa sa ilalim ni Wilbur sa isang iglap. Ito ay para bang nakatayo siya sa quicksand.Lumubog agad siya. Natural, hindi tumama ang atake niya kay Chance.Ang apat na earth dragon ang lumabas sa lupa ng sabay-sabay. Sumugod ang mga ito kay Wilbur.Si Wilbur ay kalahating nasa lupa, kaya hindi siya makakilos. Agad siyang pinalibutan ng mga earth dragon. Ang mga earth dragon ay lumubog sa lupa at naglaho kasama ni Wilbur.Tumawa ng malakas si Chance, tuwang tuwa sa sarili niya. Si Joel at ang iba ay may malaking respeto sa kanya, at naghiyawan sila.“Ang galing, Mr. Taft. Kayo po ay isang Saint level cultivator na walang makakatalo.”Tila tuwang tuwa si Chance na marinig na pinupuri siya. Abala siya sa paghanga sa sarili.Samantala, nararamdaman ni Wilbur ang pressure ng pagiging nasa ilalim ng lupa kasama ang mga earth dragon.Ang katawan ng mga dragon ay magkakadikit. Pinalibutan nila si Wilbur ng mahigpit, at humihigpit lang ang mga ito. Patuloy ang

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 437

    Nasa gitna ng umiikot na buhangin ang mga madla.Ang mga earthen spear, higanteng bato, earth giant, at mga bomba na bato ay may dalang malakas na kapangyarihan, at ang lahat ng mga ito ay patungo kay Wilbur.Si Chance ay para namg isang diyos na kinokontrol ang lahat habang lumulutang siya. Siya ay may hawak ng nakakatakot na kapangyarihan, kaya takot at nirerespeto siya ng mga tao dahil dito.Si Maniac, Joel at ang iba na nasa Domain ay napaluhod dahil masyadong makapangyarihan si Chance. Kailangan nilang ipakita ang respeto nila.Masaya si Chance habang sumigaw siya kay Wilbur, “Nararamdaman mo ba? Ito ang kapangyarihan ng isang Saint level cultivator. Isa akong dakilang nilalang. Lahat kayo ay mga mabababang nilalang!”Sorbang mayabang na talaga si Chance sa sandaling ito. Tumitig siya ng mababa kay Wilbur na para bang nakatingin siya sa isang insekto.Suminghal si Wilbur, at sa isang kilos lang ng braso, ang thunder cleaver niya ay agad na nagliyab na may spiritual flames. P

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 436

    Nagbago bigla ang venue. Napunta silang lahat sa gitna ng isang walang hanggan na lugar.Nakatayo sila sa walang hanggang lupa habang puno ng buhangin sa ere.May apat na estatwa na may sandaang metro ang tangkad sa apat na cardinal direction. May layo sila na sandaang metro mula sa isa’t isa.Ito ay apat na mga beige statue na may armor at axe, may engrande na presensya ang mga ito.Pakiramdam ng lahat na parang nasa lumang digmaan sila. Ang nakakasakal na pressure ay nakakatakot para sa lahat.‘I-Ito ba ay isang Domain?”Natakot ang mga tao.Alam nila na ang kapangyarihan ng isang Saint level cultivator ay lubos-lubos. Ngunit, hindi sila makapaniwala na ang Domain ng isang Saint level cultivator ay nakakatakot talaga. Agad silang napunta sa ibang mundo.May makapangyarihan na spiritual pressure. Pakiramdam nila na maliit at mahina sila dahil dito.Pakiramdam nila na hindi nila kakayanin kapag nanatili sila ng matagal. Kahit na hindi sila atakihin ni Chance, baka mawala sila

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 435

    Nabigla agad ang lahat.Seryoso din ang tingin ni Zachary. Mabilis siyang nag cast ng spell gamit ang mga kamay niya at sinigaw niya, “Earth Shield!”Ang matigas na lupa sa harap niya ay umangat. May spiritual radiance sa shield, at marami itong mga rune.Isang intermediate spell ang Earth Shield. Nagamit na ito noon ni Wilbur.Ngunit, sinira ni Wilbur ang shield gamit ang isang suntok habang sumigaw siya. Pagkatapos, tumuloy ang suntok at tumama ito kay Zachary.Walang magawa si Zachary upang pigilan ito. Pinanood niya lang habang tumama ang suntok sa dibdib niya.Sa isang malakas na tunog, tumalsik paatras si Zachary habang tumulo ang dugo sa bibig niya.Huminto si Wilbur at tumayo siya habang nasa likod ang kanyang mga kamay, tumigil siya sa pag atake kay Zachary.Nalilito si Zachary sa sandaling yun, pagkatapos ay mabagal niyang pinunasan ang dugo sa bibig niya. Yumuko siya kay Wilbur at sinabi niya, “Salamat sa hindi pagpatay sa akin.”Tumango ng konti si Wilbur, ngunit a

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 434

    Ngunit, may isang earth giant na dalawang metro ang tangkad na lumitaw mula sa lupa nang sumigaw si Zachary. Sumugod ito kay Wilbur.Ang earth giant ay tila makapangyarihan. Ang mga kamao nito ay kasing laki ng mga basketball, at meron itong yellow na spiritual radiance, para banng hindi ito mapipigilan.Ang mga tao ay nabigla nang makita ito.Si Zachary ay nagcast ng sunod-sunod na mga spell at kahanga-hanga ito. Hindi pa sila nakakita ng ganitong klaseng ng spell noon.Lalo na sa earth giant na lumitaw. Imposible na kaya itong talunin ni Maniac, hindi ba?Napatingin ang lahat kay Maniac, na siyang naiinis at naging tahimik lang.Nang makita ito ng lahat, tumawa sila.Tama, ang isang mahusay na mentor ay gumagawa ng malakas na mga estudyante. Ang estudyante ng isang Saint level cultivator ay makapangyarihan talaga. Ibig sabihin ay si Chance Taft ay lubos talaga na makapangyarihan. Hindi alam ni Wilbur Penn ang lugar niya.Tumawa lang si Wilbur at sumugod siya sa earth giant ga

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 433

    Malakas na tumawa si Wilbur bago niya sinabi ,”Alam mo talaga kung paano pagsamantalahan ang sitwasyon, pero isang malaking pagkakamali ang desisyon mo kung sa tingin mo ay kaya ni Chance Taft na protektahan kayong lahat.”“Pambihira. Masyado siyang mayabang.”“Lintik ka! Walang hiya ka para maging mayabang sa harap ni Mr. Taft! Gusto mo talagang mamatay!”“Talunin niyo po siya, Mr. Taft. Para sa pangalan ng mga makapangyarihang Saint level cultivator.”Ang mga madla ay nainis sa pag uugali ni Wilbur, at nagsalita sila upang parusahan ni Chance si Wilbur.Hindi magkasundo sina Maniac at Joel, ngunit may iisang kalaban sila sa oras na yun. Pareho silang tumingin ng masama kay Wilbur.Tumawa si Chance at umiling siya. Sinabi niya, “Hindi alam ng mga bata ang lugar nila sa panahong ito. Nabalitaan ko na mula ka sa Seechertown, kaya sisimulan ko na gawin kang halimbawa, pero hindi kita papatayin. Hahayaan kitang mabuhay, upang bumalik ka at sabihin sa mga tao Seechertown na yumuko at

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 432

    Tumayo si Maniac, sumagot siya ng mabagal, “Totoo ito, Mr. Taft.”“Bakit?” Malamig na nagtanong si Chance.Lumapit si Maniac kay Chance, pagkatapos ay yumuko siya. Sinabi niya, “Wala itong kunsento ko, Mr. Taft. May taong pinilit akong gawin ito.”Nabigla ang mga tao na hindi alam ang katotohanan. ‘Ganun ba?’Napabuntong hininga si Wilbur.“Siya po.” Tumuro si Maniac kay Wilbur at sinabi niya ng malakas, “Noong nakaraang araw, itong lalaki na may pangalan na Wilbur Penn ay hinanap ako. Muntik niya na akong patayin dahil isa siyang Ambience level cultivator. Tinakot niya ako para atakihin namin si Joel. Wala akong magawa kundi ang sumunod. Mabuti na lang, bumalik kayo, Mr. Taft. Pakiusap, bigyan niyo po ako ng hustisya, at papayag din po ako na maging inaanak niyo.”Pagkatapos, lumuhod siya sa sahig ng hindi nagpapakita ng intensyon na tatayo siya.Nabigla ang lahat. Hindi nila inaasahan na ito ang gagawin ni Maniac.‘Totoo kaya ito?’ Ang naisip nila.Tumingin ang lahat kay Wi

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 431

    ‘Wala nang lugar para sa kanya sa Anya City ngayon at may kinalaman na si Mr. Taft, hindi ba?’ Iniisip ni Joel.Naisip ni Joel na lamang siya. Baka kaya niya pang patayin si Maniac.Hindi pinansin ng lahat ang lalaking nasa likod ni Maniac, at akala nila ay sidekick niya lang ito.Agad na naging malamig ang tingin ni Joel nang makita si Maniac.Patay na ng maraming beses si Maniac kung kayang pumatay ng tingin.Ngunit, matapang si Maniac. Pumasok siya at tumingin sa paligid bago siya umupo kasama ang sidekick niya. Hindi sila makapaniwala na hindi natatakot si Maniac.Ngumisi ang lahat at naisip nila, ‘Pinipilit ni Maniac na magmukhang mahinahon.’Si Maniac ang nasa tuktok ng Anya City, at may laban sila ni Joel, kaya hindi papayagan ni Mr. Taft na magpatuloy siya sa ginagawa niya sa Anya City. Iniisip nila na matapang si Maniac para magpakita.Tumayo si Zachary sa oras na yun. Tumingin siya sa lahat at sinabi niya, “Mukhang nandito na ang lahat, kaya i-welcome natin si Mr. Taf

DMCA.com Protection Status