Share

Kabanata 13

Author: Blue Silver
Sa Southlake Resort Island.

Ito ay isang privately-owned vacation spot na matatagpuan sa kanluran ng Seechertown at may laki ito na sanlibong ektarya.

Ang lupa nito ay napapalibutan ng isang natural na lawa at may isla sa gitna. May higit sa ten billion dollars na naka-invest sa construction ng mga mga five-star hotel at iba’t ibang entertainment facilities. Meron pang iba’t ibang klase ng mga exotic plants na nakatanim dito, kaya ang isla na ito ay isa sa mga pinakasikat na vacation site ng Seechertown.

Sa araw na yun, nireserve ni Blake ang buong resort island para sa mga taong imbitado.

Ang resort ay ginawang isang malaking event space pagkatapos ng ilang araw ng dekorasyon. Maraming mga mesa at upuan na may sariwang bulaklak pati iba’t ibang mga pagkain at champagne.

Nagpark si Wilbur sa labas ng Southlake at naglakad siya papunta sa isla. Sa harap nito ay ang check-in table ng mga bisita pati na rin ang gift collection counter.

Naglakad si Wilbur patungo sa mesa at nilagay niya ang five hundred dollars na inihanda niya. “Heto ang regalo ko.”

Ang mga tao sa mesa ay mga miyembro ng pamilya Willow. Ang isa sa kanila ay nakita na ito ay si Wilbur at tumingin ito ng nanunuya sa pera sa mesa. “Giyos ko, wala ka na ba talagang pera? Tingnan mo ang iba. Ang mga regalo nila ay higit na may halagang ten thousand dollars! Hindi ka ba nahihiya na magbigay ng maliit na halaga?”

Tumawa ng mahina si Wilbur at sumagot siya, “May five million dollars ako, pero may umagaw nito at ayaw pa rin akong bayaran hanggang ngayong araw. Five hundred na lang ang meron ako ngayon.”

Dumilim ang ekspresyon ng event supervisor nang marinig niya ang mga salitang ito at galit niyang sinabi, “Bro! Sinusubukan mo bang gumawa ng eksena dito?”

Sumagot ng malalim na boses si Wilbur, “Ako? Gagawa ng eksena? Yun naman ang laging ginagawa ng pamilya Willow..”

Ngumisi ng malamig ang supervisor, “Makinig ka, iho. Kung hindi dahil sa instruction ni Mr. Woods at Ms. Yvonne, bubugbugin na kita.”

“Hindi ako naniniwala doon,” Ang kalmadong sagot ni Wilbur.

Ang ilang miyembro ng pamilya Willow sa tabi ng supervisor ay narinig ito at magiging pisikal na sana sila.

Gayunpaman, pinigilan sila ng supervisor at sinabi nito, “Mahalaga ang araw na ito para kay Ms. Yvonne. Hayaan niyo na siya. Lagot siya sa atin kapag tapos na ito.”

“Humanap ka ng sarili mong lugar para upuan. Maraming makakain at maiinom. Dapat mong kunin sulitin ang pera mo,” Ang panlalait niya.

Hindi ito pinansin ni Wilbur at naglakad lang siya ng may kumpiyansa. Samantala, ang supervisor ay tumawag kay Yvonne.

Naglakad si Wilbur papunta sa central region ng isla. Kumuha siya ng isang baso ng champagne bago siya naghanap ng lugar na uupuan.

Alas onse na ng umaga, at pumapasok pa rin ang mga bisita. Ang ilan sa kanila ay mga taong makapangyarihan, at ang check-in table ay nag announce ng pagdating nila bilang respeto pati na rin ang magkaroon ng karangalan.

Sikat din ang Woods Corporate sa Seechertown, isa ito sa pinakamalaking establishment sa lungsod. Ang mga bisita ngayong araw ay mga tao na may mataas na katayuan.

Hindi nagtagal, pagkatapos umupo ni Wilbur, lumapit sa kanya sina Blake at Yvonne.

May suot na deep black suit si Blake at nakaayos patalikod ang makinang na buhok niya. Samantala, si Yvonne ay may suot na skintight white dress, masaya siyang nakakapit sa braso ni Blake.

Ang pares ay lumapit kay Wilbur, at sinabi ni Blake ng nakangiti, “Hindi ko inaasahan na may lakas ng loob ka para magpakita.”

“Inimbitahan ako. Natural, nandito ako para i-congratulate kayong dalawa. Tutal, kasal kami ni Yvonne noon,” Ang kalmadong sinabi ni Wilbur.

Sumingit agad si Yvonne, “Tumigil ka na sa pagsabi ng mga nakakadiri na bagay. Inimbitahan kita para makita mo ang kinatatayuan mo. Oras na para makita mo ang katotohanan at tumigil ka sa pagpapantasya na tungkol sa maaaring naging tayo.”

“Kahit kailan ay hindi ko yun naisip simula noong umalis ako sa mga Willow,” Ang sabi ni Wilbur.

Nangutya si Yvonne. “Mabuti. Umupo ka lang dyan at panoorin mo kung ano ang ibig sabihin ng magkaroon ng koneksyon, kapangyarihan, at presensya. Walang kwentang lintik ka.”

“Siguradong manonood ako. Sana ay hindi ako madismaya,” Ang sagot ni Wilbur ng nakangiti.

Tumawa si Blake at sinabi niya, “Siguradong hindi ka namin bibiguin. Ang lahat ng nandito ay mga tao na pangarap mo lang maging. Enjoy sa panonood habang meron pa ito.”

Pagkatapos nito, nagpalitan ng ngiti ang pares at naglakad sila palayo ng magkakapit ang mga braso.

Umiling si Wilbur. Uminom siya ng champagne, wala siyang ibang nalasahan kundi ang pait.

“Ang CEO ng Cape Consortium headquarters sa Kardon Province, si Faye Yves, ay dumating na.”

Nag palakpakan ang mga tao sa announcement na ito.

Ang kapangyarihan ng Cape Consortium ay world-class, sa puno na kahit ang CEO ng isang partikular na branch ay mahalaga. Tutal, representative siya ng Cape Consortium.

Nakatayo sina Blake at Yvonne sa check-in table, hinihintay ang pagdating ng mga mahahalagang tao.

Nang dumating si Faye, ang pares ay hinatid siya papunta sa main table ng banquet hall.

Nilampasan ni Faye ang mga mesa, tumingin siya sa mga mata ni Wilbur at nagpalitan sila ng ngiti sa isa’t isa.

Pagkatapos dalhin si Faye sa upuan nito, sina Blake at Yvonne ay bumalik ulit sa check-in table upang maghintay sa ibang mga bisita.

Sa sandaling ito, may isang matangkad at maskuladong lalaki na pumunta sa check-in table kasama ang isang attendant.

Ang lalaki ay tumingin kela Blake at Yvonne at lumapit siya sa mga ito ng may malaking hakbang.

Ang hula ng supervisor ay hindi kilala nila Blake at Yvonne ang lalaking ito, kaya mabilis siyang lumapit sa lalaki. “Sir, may hinahanap po ba kayo?”

“Hinahanap ko si Wilbur Penn,” Ang malamig na sinabi ng lalaki.

Natulala ang supervisor. Tumingin siya kay Blake at Yvonne bago niya sinabi, “May problema po ba?”

Sa sandaling ito, sumigaw ang attendant ng lalaki, “Siya ang taong namumuno sa militar ng Kardon Province, si Gordon Grayson. Kailangan ko pa ba ireport sayo kung ano ang gusto niyang gawin?”

Nabigla ang supervisor. Ang lalaki ay siguradong makapangyarihan, ngunit wala siya sa guest list.

Nataranta din sina Blake at Yvonne at mabilis silang lumapit. “General Grayson! May kailangan po ba kayo mula kay Wilbur?”

Ngumisi sa loob ang magkasintahan. Sa opinyon nila, siguradong ang relasyon ni Wilbur sa isang makapangyarihang tao ay hindi maganda.

Malamig na sinabi ni Gordon, “May personal na bagay akong kailangan asikasuhin kasama siya. Wag kayong mag alala. Hindi ako magiging abala sa kasal niyo.”

Hindi mapigilan ng pares ang gulat at tuwa nila nang marinig ang mga salitang ito.

Hindi lang sa hindi kilala ni Gordon si Wilbur, halata na may masamang relasyon sa pagitan ng dalawa.

May lakas ng loob pala si Wilbur upang galitin ang isang national general na tulad ni Gordon Grayson! Ang lalaking yun ay gusto talagang mamatay.

Ang pares ay mabilis na lumapit at dinala si Gordon sa loob habang nagpaliwanag sila, “Wala pong kinalaman si Wilbur Peen sa amin.”

“Tama. Siya po ang ex-husband ko. Tambay po siya sa pamilya namin ng tatlong taon, kaya nag divorce po kami. Pinilit niya pong pumunta dito ngayong araw, hindi po siya tumatanggap ng hindi, kaya wala po kaming puso para palayasin siya. Ugh…” Gumawa ng istorya si Yvonne habang nagsasalita siya, takot na baka madamay siya.

Kumaway si Gordon. “Hindi ko kailangan malaman ang istorya mo. Nandito lang ako para ayusin ang mga bagay sa pagitan namin.”

Ngumiti si Blake. “Okay po, okay po. Pwede niyo pong gawin ang kahit ano sa kanya. Baka nga po nararapat sa kanya na matuto ng isang leksyon mula sa inyo.”

Habang sinasabi niya ito, ang grupo ay nakarating kay Wilbur.

“Siya yun. May kailangan po ba kayong ipagawa sa akin?” Ang tanong ni Blake.

Kumaway si Gordon. “Hindi na kailangan. Gusto ko siyang kausapin ng personal. Magpatuloy lang kayo sa ginagawa niyo.”

“Okay po,” Ang magkasintahan ay pumayag agad bago nila sinabi kay Wilbur, “May lakas ng loob ka talaga para galitin ang isang tao na tulad ni General Grayson. Lagot ka ngayon.”

Pagkatapos itong sabihin, yumuko silang dalawa kay Gordon at umalis na sila.

Pagkatapos, sinabi niya sa driver niya na maghintay sa labas at sinabi niya, “Wag mo akong abalahin maliban kung ito ay isang tawag mula sa headquarters.” Pagkatapos ibigay ang utos, umupo siya sa harap mismo ni Wilbur.

“May gusto ka bang sabihin?” Ang malamig na tanong ni Gordon kay Wilbur.

Related chapters

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 14

    Umiling si Wilbur. “Wala naman.”“Bakit sinusubukan mo maging malapit sa tatay ko?” Ang tanong ni Gordon.Sa sandaling ito, tumunog ang isang boses sa buong banquet hall.“Dumating na si General Gordon Grayson ng Kardon Province army.”Nagkaroon ng malakas na palakpakan dahil dito.Ang isang tao na may ganitong lebel ng kapangyarihan ay nandito sa kasal nila Blake at Yvonne. Ang lahat ng bista ay tumingin kela Gordon at Wilbur ng may mataas na respeto.Kumunot ang noo ni Gordon dahil sa pagkasuklam.Kalmadong sinabi ni Wilbur, “Hindi lahat ng tao ay gustong gamitin ang pangalan ng pamilya niyo. Hindi ko ito magagamit.”Dumilim ang ekspresyon ni Gordon. “Ano pala ang gusto mong makuha sa pagiging malapit sa tatay ko at sinasadya mo siyang lokohin sa kalokohan na cultivation mo? Ano ang layunin mo? Marami na akong nakaharap na taong tulad mo.”Uminom ng champagne si Wilbur at sumagot siya, “Ganun ba? Maniniwala ka ba sa akin kung sinabi ko na tinutulungan ko lang na humaba ang b

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 15

    Natulala sina Yvonne at Blake. Ang Wilbur Penn ba na binanggit ni Faye ay ang taong nasa isip nila?Pagkatapos, nagbuntong hininga ng mahina si Wilbur. Wala siyang plano na ibunyag ang pagkakakilanlan niya, ngunit naiintindihan niya ang pinanggagalingan ni Faye. Gusto lang ni Faye na ipaghiganti si Wilbur.Ngayon at umabot na ang lahat sa puntong ito, ang tanging pwede niyang gawin ngayon ay ang umakyat sa entablado.Tumingin si Wilbur kay Gordon at sinabi niya, “Sandali lang muna. Babalik ako.”Tumitig si Gordon kay Wilbur at hindi siya makapaniwala. Si Wilbur ba talaga ang may ari ng Cape Consortium? Kung ganun, isang pambihirang tao talaga siya.Mabagal na naglakad si Wilbur papunta sa entablado. Nang makumpirma na ni Blake at Yvonne na ito talaga ay si Wilbur, parehong silang may hindi mawari na ekspresyon sa kanilang mga mukha.Tahimik na tumabi si Faye habang kinuha ni Wilbur ang mic. Lumingon siya upang tumnigin kela Blake at Yvonne. Ang magkasintahan ay bayolenteng nang

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 16

    “Nilabag niya ang batas, kaya nawala ang lahat ng karapatan niya para maging director ng Woods Corporate.”Kumaway si Faye, at ang secretary niya ay nagpasa ng file kay Yvonne. Pagkatapos, inannounce niya ng may mababang boses, “Sa tingin mo ba talaga ay mahal ka ni Blake? Nagkakamali ka. May ginawa siyang divorce statement bago pa man kayo magpakasal, at plano niyang agawin ang Willow Corp pagkatapos nito. Buksan mo ang mga mata mo at tingnan mo ito!”Binuksan ni Yvonne ang file at hindi siya makapaniwala.Kasal, shareholding, kukuha ng pera, at divorce. Alam ng kahit sino kung ano ang ibig sabihin ng mga dokumentong ito.Nanginig ang mga kamay ni Yvonne habang umiling siya sa takot. “Hindi maaari! Hindi pwedeng totoo ito!”“Kung hindi ka naniniwala sa akin, magpatuloy ka na sumama sa kanya. Tingnan mo kung ano ang mapapala mo.” Walang nararamdaman si Faye kundi ang tuwa habang nakatingin siya sa gulat sa mukha ni Yvonne.“Blake, sabihin mo sa akin na hindi ito totoo.” Lumingon

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 17

    Tumingin si Gordon sa anak niya. “Ano ang nangyayari dito?”“Hindi po iniinom ni Grandpa ang gamot,” Ang sabi ni Susie.Tumayo si Gordon ng may malungkot na ekspresyon. “Paano naman ang mga resulta niya?”Yumuko si Susie. “Totoo po ang test result. Sinabi po ni Grandpa na si Wilbur ang gumamot sa kanya, at ang katawan niya ay naging mas mabuti ang kondisyon dahil sa cultivation method na tinuro ni Wilbur sa kanya.”Umupo ng mabagal si Gordon. Hindi siya makapaniwala na tototo ito.Hindi nagsisinungaling sa kanya si Susie. Hindi ininom ni Benjamin ang gamot, ngunit ang katawan niya ay guamling ng may milagro… Ibig sabihin ay si Wilbur ang nasa likod ng lahat ng ito.Nang makita ang ekspresyon sa mukha ng tatay niya, sinabi ni Susie ng may mahinang boses, “Sinabi po ni Grandpa sa akin na humingi po ako ng tawad mismo kay Wilbur at humingi ng kapatawaran niya, kung hindi po ay hindi tayo papayagan ni Grandpa na umuwi.”Tahimik si Gordon. Mabilis na nagbago ang ekspresyon niya. Hala

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 18

    “Mr. Blake Woods, mula kami sa Department of Fiscal Crimes. Natuklasan na ang kumpanya mo ay gumagawa ng mga pekeng transaction at may abnormal na cash flow. Pakiusap, sumama kayo sa amin para sa imbestigasyon,” Ang sabi ng isa pang lalaking nakasuot ng uniporme.Pagkatapos, bumigay ang buong katawan ni Blake habang kinarga siya palayo.Nagulat din ang lahat sa itsura ng dalawang grupo.Hindi ba’t kakaiba para nagkataon lang ang mga ito?Tumitig ang lahat kay Faye, na siyang eleganteng nakaupo at umiinom ng champagne.Agad nilang naintindihan na ang lahat ay pinaghandaan ng babaeng ito. Paano pa ba nagpakita sa tamang oras ang mga awtoridad dito?”Ngumiti si Wilbur at lumapit siya kay Faye, sinabi niya, “Mukhang tapos na ang kasal. Aalis na ako.”Tumayo si Faye. Nakuha niya na ang gusto niya at halata na ayaw niya nang manatili pa ng mas matagal.Ngunit sa sandaling yun, biglang lumapit si Yvonne. Kumapit ng mahigpit si Yvonne sa braso ni Wilbur at umiyak siya, “Wilbur, nagkama

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 19

    Si Yvonne ang nasa pinto. Nanghihingi siya ng tawad kay Wilbur. “Wilbur, pakiusap, patawarin mo ako. Alam ko na nagkamali ako.”Si Wilbur ang may ari ng Cape Consortium International. Ang isang tao na may ganitong kapangyarihan ay may nakakatakot na impluwensya sa industriya.Maaaring wala nang ibang kumpanya na makikipag trabaho kasama ang mga Willow pagkatapos ng pangyayaring ito. Kung balak ni Wilbur na atakihin sila, mawawala ang lahat sa pamilya Willow sa isang iglap lang.Ang pamilya Willow ay hindi hahayaan na atakihin sila ng Cape Consortium, base sa kapangyarihan nito. Ang Cape Consortium ay parang isang malaking bundon, habang ang pamilya Willow ay parang isang bukol ng lupa lang sa paanan nito.Wala siyang maisip na paraan para ipagtanggol ang sarili niya sa atake mula sa Cape Consortium. Ang tanging magagawa niya ay ang humingi ng kapatawaran upang ang pamilya Willow ay maaaring mabuhay.Napagtanto ni Wilbur ang pinagaalala ni Yvonne at sinabi niya ng kalmado, “Hayaan

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 20

    Si naman Wilbur ang tumahimik ngayon. Matagal bago niya sinabi, “So, mukhang alam mo na ang nangyari.”“Oo.”“Sana ay wag mo akong sisihin,” Ang sabi ni Wilbur na parang humihingi ng tawad.Mahinang sinabi ni Chelsea, “Hindi kita sinisisi. Nararapat ito sa kanya. Tumawag si Yvonne sa akin kanina para lapitan kita.”Nabigla ng ilang sandali si Wilbur makalipas ang ilang sandali at agad niyang naintindihan ang ibig sabihin ni Chelsea. “Pumunta ka na pala dito. May gusto akong pag usapan rin natin.”“Alam ko na gusto lang nila akong gamitin, at alam mo rin ito,” Ang sabi ni Chelsea.Tumango si Wilbur. “Alam ko, pero alam mo dapat na nakikita kita at ang pamilya Willow bilang magkaibang bagay. Gusto kong magtrabaho ka para kay Faye Yves. Pwede ka matuto ng mga bagong bagay. Wala itong kinalaman sa mga Willow.”“Pwede ko ba muna itong pag isipan? Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon.” Naiintindihan niya ang pagkabalisa ni Chelsea mula sa phone.Kumunot ang noo ni Wilbur. Tutal, si Ch

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 21

    Nang marinig ang mga salitang yun, halos mahimatay ulit si Yvonne dahil sa galit.Pagkatapos ng ilang sandali, sumagot siya, “Tulungan mo ako na magschedule ng meeting kasama ang taong namumuno. Gusto ko siyang kausapin.” Pagkatapos ay ibinaba niya ang phone.Alam niya na ang negatibong epekto sa nangyari sa kasal ay lumalabas na. Hindi klaro kung ano ang meron para sa kanila. Ang alam niya lang ay dapat niya itong harapin.Malungkot din ang mga magulang ni Yvonne. Galit pa rin sila kay Wilbur, naniniwala sila na si Wilbur ang nagtulak sa pamilya nila sa isang sulok.Sumapit ang gabi.Masaya na nag drive si Faye ng mag isa, iniisip niya kung anong nightgown ang susuotin niya sa bahay.Baka dapat siyang bumili ng ilan pa. Tutal, sinuot niya na ang lahat ng meron siya.Dapat ba ay mas maging sexy ang mga nightgown niya?Biglang may itim na MPV na nag overtake sa kanya at ginasgas nito ang kotse niya.Sinumpa ni Faye ang kamalasan niya at lumabas siya ng kotse para tumingin.Pag

Latest chapter

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 439

    Nagulat si Joel at ang iba.Hindi mapigilan ang pwersa ng mga estatwa ng apat na diyos, at ang kapangyarihan nila ay ginagamit para patayin ang isang tao. Iniisip nila kung may kahit sinong mortal na makakaligtas sa ganitong sitwasyon.‘Nakontra nga ni Wilbur ang Quicksand of Death kanina, pero hindi niya kakayanin ang The Rage of the Four. Ang kapangyarihan ng dalawang spell ay napakalaki ang agwat.’Naisip ng lahat na hindi makakatakas si Wilbur sa atake na ito.Parang baliw na si Chance sa pagsasalita niya.“Wilbur Penn, makapangyarihan ka talaga. Higit sa inaasahan ko ang kapangyarihan mo. Matatawag kita na pinakamahusay na cultivator sa ibaba ng Saint level, pero hindi ka pa rin isang Saint level cultivator!”Tumawa si Wilbur sa mga insulto ni Chance.Sumagot siya ng simple lang, “Sa tingin mo ba ay mabubuhay ka pa rin kung hindi ako interesado na makita kung ano ang espesyal sa Domain mo?”“Ano? Ano ang sinabi mo?” Nagalit si Chance. Ang iba ay mukhang para bang hindi sil

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 438

    Biglang naging malambot ang lupa sa ilalim ni Wilbur sa isang iglap. Ito ay para bang nakatayo siya sa quicksand.Lumubog agad siya. Natural, hindi tumama ang atake niya kay Chance.Ang apat na earth dragon ang lumabas sa lupa ng sabay-sabay. Sumugod ang mga ito kay Wilbur.Si Wilbur ay kalahating nasa lupa, kaya hindi siya makakilos. Agad siyang pinalibutan ng mga earth dragon. Ang mga earth dragon ay lumubog sa lupa at naglaho kasama ni Wilbur.Tumawa ng malakas si Chance, tuwang tuwa sa sarili niya. Si Joel at ang iba ay may malaking respeto sa kanya, at naghiyawan sila.“Ang galing, Mr. Taft. Kayo po ay isang Saint level cultivator na walang makakatalo.”Tila tuwang tuwa si Chance na marinig na pinupuri siya. Abala siya sa paghanga sa sarili.Samantala, nararamdaman ni Wilbur ang pressure ng pagiging nasa ilalim ng lupa kasama ang mga earth dragon.Ang katawan ng mga dragon ay magkakadikit. Pinalibutan nila si Wilbur ng mahigpit, at humihigpit lang ang mga ito. Patuloy ang

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 437

    Nasa gitna ng umiikot na buhangin ang mga madla.Ang mga earthen spear, higanteng bato, earth giant, at mga bomba na bato ay may dalang malakas na kapangyarihan, at ang lahat ng mga ito ay patungo kay Wilbur.Si Chance ay para namg isang diyos na kinokontrol ang lahat habang lumulutang siya. Siya ay may hawak ng nakakatakot na kapangyarihan, kaya takot at nirerespeto siya ng mga tao dahil dito.Si Maniac, Joel at ang iba na nasa Domain ay napaluhod dahil masyadong makapangyarihan si Chance. Kailangan nilang ipakita ang respeto nila.Masaya si Chance habang sumigaw siya kay Wilbur, “Nararamdaman mo ba? Ito ang kapangyarihan ng isang Saint level cultivator. Isa akong dakilang nilalang. Lahat kayo ay mga mabababang nilalang!”Sorbang mayabang na talaga si Chance sa sandaling ito. Tumitig siya ng mababa kay Wilbur na para bang nakatingin siya sa isang insekto.Suminghal si Wilbur, at sa isang kilos lang ng braso, ang thunder cleaver niya ay agad na nagliyab na may spiritual flames. P

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 436

    Nagbago bigla ang venue. Napunta silang lahat sa gitna ng isang walang hanggan na lugar.Nakatayo sila sa walang hanggang lupa habang puno ng buhangin sa ere.May apat na estatwa na may sandaang metro ang tangkad sa apat na cardinal direction. May layo sila na sandaang metro mula sa isa’t isa.Ito ay apat na mga beige statue na may armor at axe, may engrande na presensya ang mga ito.Pakiramdam ng lahat na parang nasa lumang digmaan sila. Ang nakakasakal na pressure ay nakakatakot para sa lahat.‘I-Ito ba ay isang Domain?”Natakot ang mga tao.Alam nila na ang kapangyarihan ng isang Saint level cultivator ay lubos-lubos. Ngunit, hindi sila makapaniwala na ang Domain ng isang Saint level cultivator ay nakakatakot talaga. Agad silang napunta sa ibang mundo.May makapangyarihan na spiritual pressure. Pakiramdam nila na maliit at mahina sila dahil dito.Pakiramdam nila na hindi nila kakayanin kapag nanatili sila ng matagal. Kahit na hindi sila atakihin ni Chance, baka mawala sila

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 435

    Nabigla agad ang lahat.Seryoso din ang tingin ni Zachary. Mabilis siyang nag cast ng spell gamit ang mga kamay niya at sinigaw niya, “Earth Shield!”Ang matigas na lupa sa harap niya ay umangat. May spiritual radiance sa shield, at marami itong mga rune.Isang intermediate spell ang Earth Shield. Nagamit na ito noon ni Wilbur.Ngunit, sinira ni Wilbur ang shield gamit ang isang suntok habang sumigaw siya. Pagkatapos, tumuloy ang suntok at tumama ito kay Zachary.Walang magawa si Zachary upang pigilan ito. Pinanood niya lang habang tumama ang suntok sa dibdib niya.Sa isang malakas na tunog, tumalsik paatras si Zachary habang tumulo ang dugo sa bibig niya.Huminto si Wilbur at tumayo siya habang nasa likod ang kanyang mga kamay, tumigil siya sa pag atake kay Zachary.Nalilito si Zachary sa sandaling yun, pagkatapos ay mabagal niyang pinunasan ang dugo sa bibig niya. Yumuko siya kay Wilbur at sinabi niya, “Salamat sa hindi pagpatay sa akin.”Tumango ng konti si Wilbur, ngunit a

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 434

    Ngunit, may isang earth giant na dalawang metro ang tangkad na lumitaw mula sa lupa nang sumigaw si Zachary. Sumugod ito kay Wilbur.Ang earth giant ay tila makapangyarihan. Ang mga kamao nito ay kasing laki ng mga basketball, at meron itong yellow na spiritual radiance, para banng hindi ito mapipigilan.Ang mga tao ay nabigla nang makita ito.Si Zachary ay nagcast ng sunod-sunod na mga spell at kahanga-hanga ito. Hindi pa sila nakakita ng ganitong klaseng ng spell noon.Lalo na sa earth giant na lumitaw. Imposible na kaya itong talunin ni Maniac, hindi ba?Napatingin ang lahat kay Maniac, na siyang naiinis at naging tahimik lang.Nang makita ito ng lahat, tumawa sila.Tama, ang isang mahusay na mentor ay gumagawa ng malakas na mga estudyante. Ang estudyante ng isang Saint level cultivator ay makapangyarihan talaga. Ibig sabihin ay si Chance Taft ay lubos talaga na makapangyarihan. Hindi alam ni Wilbur Penn ang lugar niya.Tumawa lang si Wilbur at sumugod siya sa earth giant ga

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 433

    Malakas na tumawa si Wilbur bago niya sinabi ,”Alam mo talaga kung paano pagsamantalahan ang sitwasyon, pero isang malaking pagkakamali ang desisyon mo kung sa tingin mo ay kaya ni Chance Taft na protektahan kayong lahat.”“Pambihira. Masyado siyang mayabang.”“Lintik ka! Walang hiya ka para maging mayabang sa harap ni Mr. Taft! Gusto mo talagang mamatay!”“Talunin niyo po siya, Mr. Taft. Para sa pangalan ng mga makapangyarihang Saint level cultivator.”Ang mga madla ay nainis sa pag uugali ni Wilbur, at nagsalita sila upang parusahan ni Chance si Wilbur.Hindi magkasundo sina Maniac at Joel, ngunit may iisang kalaban sila sa oras na yun. Pareho silang tumingin ng masama kay Wilbur.Tumawa si Chance at umiling siya. Sinabi niya, “Hindi alam ng mga bata ang lugar nila sa panahong ito. Nabalitaan ko na mula ka sa Seechertown, kaya sisimulan ko na gawin kang halimbawa, pero hindi kita papatayin. Hahayaan kitang mabuhay, upang bumalik ka at sabihin sa mga tao Seechertown na yumuko at

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 432

    Tumayo si Maniac, sumagot siya ng mabagal, “Totoo ito, Mr. Taft.”“Bakit?” Malamig na nagtanong si Chance.Lumapit si Maniac kay Chance, pagkatapos ay yumuko siya. Sinabi niya, “Wala itong kunsento ko, Mr. Taft. May taong pinilit akong gawin ito.”Nabigla ang mga tao na hindi alam ang katotohanan. ‘Ganun ba?’Napabuntong hininga si Wilbur.“Siya po.” Tumuro si Maniac kay Wilbur at sinabi niya ng malakas, “Noong nakaraang araw, itong lalaki na may pangalan na Wilbur Penn ay hinanap ako. Muntik niya na akong patayin dahil isa siyang Ambience level cultivator. Tinakot niya ako para atakihin namin si Joel. Wala akong magawa kundi ang sumunod. Mabuti na lang, bumalik kayo, Mr. Taft. Pakiusap, bigyan niyo po ako ng hustisya, at papayag din po ako na maging inaanak niyo.”Pagkatapos, lumuhod siya sa sahig ng hindi nagpapakita ng intensyon na tatayo siya.Nabigla ang lahat. Hindi nila inaasahan na ito ang gagawin ni Maniac.‘Totoo kaya ito?’ Ang naisip nila.Tumingin ang lahat kay Wi

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 431

    ‘Wala nang lugar para sa kanya sa Anya City ngayon at may kinalaman na si Mr. Taft, hindi ba?’ Iniisip ni Joel.Naisip ni Joel na lamang siya. Baka kaya niya pang patayin si Maniac.Hindi pinansin ng lahat ang lalaking nasa likod ni Maniac, at akala nila ay sidekick niya lang ito.Agad na naging malamig ang tingin ni Joel nang makita si Maniac.Patay na ng maraming beses si Maniac kung kayang pumatay ng tingin.Ngunit, matapang si Maniac. Pumasok siya at tumingin sa paligid bago siya umupo kasama ang sidekick niya. Hindi sila makapaniwala na hindi natatakot si Maniac.Ngumisi ang lahat at naisip nila, ‘Pinipilit ni Maniac na magmukhang mahinahon.’Si Maniac ang nasa tuktok ng Anya City, at may laban sila ni Joel, kaya hindi papayagan ni Mr. Taft na magpatuloy siya sa ginagawa niya sa Anya City. Iniisip nila na matapang si Maniac para magpakita.Tumayo si Zachary sa oras na yun. Tumingin siya sa lahat at sinabi niya, “Mukhang nandito na ang lahat, kaya i-welcome natin si Mr. Taf

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status