Sina Wallace at Wendy ay tinulungan si Chad papunta sa pinakamalapit na upuan habang takot.Sa sandaling yun, doon niya lang napagtanto na nasa mapanganib na sitwasyon siya, at ang mga tao na tulad nila ay buhay pa rin.Huminga ng malalim si Chad at lumingon siya para tumingin kay Yohan bilang huling pag asa. “Elder Yal, kayo ang pinaka nirerespetong tao sa Taya City, at kayo ang huling pag asa ko. Pakiusap, magsalita kayo. Pumayag na akong isuko ang minahan. Hindi ba’t sobra na ang kunin ang lahat ng minahan?”Alam ni Chad na lasanwat mo Yohan ang Weiss clan.Gayunpaman, ito ang huling pag asa niya, at umaasa siya na ipagtanggol siya ni Yohan upang hindi mawala sa kanya ang lahat.Gayunpaman, nagbuntong hininga si Yohan. “Chad, klaro kung sino ang nakakalamang dito. Mas mabuti na ang pumayag ka kaysa ang mawala ang buhay mo.”Umubo ulit ng dugo si Chad dahil sa sinabi ni Yohan, naubos na ang lahat ng pag asa.Ano pa ba ang magagawa niya? Mamamatay rin ba siya dito?Sa sandalin
Nabunyag ng mga salita ni Wilbur ang tunay na intensyon ni Yohan at namula ang mukha ni Yohan habang tumuro siya ng galit kay Wilbur.Ngunit bago pa makapagsalita si Yohan, sumingit ulit si Wilbur, “Kung ako sayo, tatakbo ako papunta sa isa sa mga poste dito at mamatay sa pagbangga. Isa kang sakim kahit na matanda ka na. Bakit mo kailangan ang pera? Ito ay para isama mo ang kumpanya mo sa bangkay?”“Ikaw!” Sumabog sa galit si Yohan sa mga sinabi ni Wilbur, halos umubo siya ng dugo habang ang kamay niya na nakaturo kay Wilbur ay nanginig.Tumawa si Wilbur, lumingon siya kay Shane. “At Ikaw! Parang isang bantay na aso ka lang, tumatahol dahil lang may makapangyarihan kang amo! Binali ko na sana ang mga binti mo kung nagtrabaho ka para sa akin at itatapon ko ito sa lawa sa halip na hayaan kang lumabas, salita ng salita sa iba ng ganito.”Nilagay ni Wilbur ang mga kamay niya sa likod niya nang matapos na siya, tumingin siya sa paligid ng hall.Napaupo si Chad sa upuan niya at wala siy
Nilagay ni Wilbur ang mga kamay niya sa likod at lumapit siya kay Shane.Si Shane ay pinigilan ng Quad Thunder spell, at ang mga thunder strike ay tumama sa katawan niya habang sumigaw siya sa sakit.“Ano ang pakiramdam, hm?”Hindi na kailangan gumamit ni Wilbur ng mga seal o mga chant upang gumamit ng beginner hanggang mid-tier spell. Masasabi na pwede niya itong gamitin ng biglaan lang, malaki ang tulong nito sa kakayahan niyang makipaglaban.Kasabay nito, takot na takot sina Shane at Yohan.Nag cast si Wilbur ng isang nakakatakot na spell sa isang pitik lang ng mga daliri. Paano nagkaroon ng isang tao na ganito na sobrang nakakatakot?Kasabay nito, ang lahat ay walang masabi. Kahit ang mga bodyguard ni Shane ay nabigla, hindi man lang sila tumulong kay Shane.Pakiramdam ni Shane na para bang ang kaluluwa niya ay umalis ng katawan niya, tumitig siya ng takot kay Wilbur at hindi siya makaimik.Ngumisi si Wilbur, sumigaw siya kay Yohan, “Lumapit ka dito, matanda ka! Naghihintay
Mabilis na sinubukan ni Wilbur na ipaliwanag ang sarili niya. “Wag kang mataranta! Pumunta ako dahil sa ore. May kasunduan pa kami ng anak mo. Sang ayon kami sa isang presyo.”Nakahinga ng maluwag si Chad. Kung si Wilbur ay tulad nila Shane at Yohan, ang mga minahan ay wala na ngayon.“Ibibigay ko ang lahat ng ore sa inyo, Master. Ang tanging problema ay kinuha ng Weiss clan ang lahat ng ito,” Ang sabi ni Chad, sumulyad siya kay Shane.Tumawa si Wilbur. “Yun lang ba? Kung ganun, kailangan natin itong bawiin! Hindi ba?”Tumingin si Wilbur kay Shane, na siyang pinapahirapan pa rin. Ang Quad Thunder spell ay hindi lang isang spiritual forcefield, ito rin ay naglalabas ng mga lightning strike na halos pumapatay na sa isang Aura level cultivator na tulad ni Shane.Narinig niya ang mga salita ni Wilbur at nagmakaawa agad siya, “Ibabalik namin ang mga ito! Ibabalik agad namin ito! Pakiusap, bitawan niyo ako, Master.”Pinitik ni Wilbur ang mga daliri niya, at naglaho agad ang Quad Thunde
Kung sa totoo lang, si Chad mismo ay alam na mas marami pang darating pagkatapos nito.Kahit na makapangyarihan si Wilbur at natalo niya ng madali si Shane, nakumbinsi na pumayag si Shane na ibalik ang Ore, at napilitan pa na sumuko si Yohan, ang Weiss clan ay kikilos sa oras na wala na si Wilbur. Ano ang gagawin ni Chad sa oras na yun?Sinabi lang ni Chad ang mga salitang yun para alamin kung papayag si Wilbur na tumulong sa kanya. Si Chad mismo ay hindi alam kung ano ang hangganan ng kapangyarihan ni Wilbur, dahil kakakilala niya lang sa lalaking ito.Sinabi ni Chad, “Ano pala ang gagawin natin, Master?”“Wag kang mag alala. Sinabi ko na sayo na aayusin ko ito para sa inyo, at mananatili ako hanggang sa huli. Sigurado ako na parating na ang Weiss clan. Hihintayin na lang natin sila.”Alam ni Wilbur ang pinag aalala ni Chad at pinagaan niya ang loob nito. Gusto niya talaga makuha ang Goldmoon.Nakahinga ng malalim si Chad sa sinabi ni Wilbur. “Master, kung tutulong talaga kayo s
“Yes, sir,” Ang agad na sabi ni Shane.Tumayo si Shawn at bumalik siya sa bedroom niya. Nagsuot siya ng green robes at isang belt na may isang jade pendant na mukhang ancient bago siya lumabas.Si Shawn ay mukhang isang lalaki na mukha sa dating panahon.Halos hindi mapigilan ni Shane ang papuri nang makita niya ang pananamit ni Shawn.Malamig lang na inutos ni Shawn, “Tara na.”“Sir, tayong dalawa lang po ba? Hindi po ba tayo magdadala ng iba?” Ang sabi ni Shane.Tumingin si Shawn kay Shane. “Anong problema? Sa tingin mo ba ay hindi sapat ang lakas ko?”“Hindi po! Naisip ko lang po na dapat po tayong magdala ng mga tao para suportahan kayo, sir,” Ang mabilis na sinabi ni Shane.Ngumisi ng malamig si Shawn. “Walang kwenta ang mga gimmick sa presensya ng tunay na kapangyarihan. Naiintindihan mo ba?”“Yes, sir.” Walang tigil sa pagtango si Shane.Ang dalawang lalaki ay umalis ng bahay pagkatapos nito, at pumunta sila papunta sa bahay ni Chad habang nakasakay sa kotse.Sa sanda
Tumawa ng malakas si Wilbur at sinabi niya ng mabagal, “Ang lakas ng loob mo. Sa tingin mo ba ay kaya mo itong gawin?”Sumagot si Shane, “Walang hiya ka para maging bastos sa harap ni Shawn Weiss?”“Anong problema? Nakalimutan mo na ba ang leksyon mo?” Tumingin si Wilbur kay Shane, nanginig sa takot si Shane dahil sa mga sinabi ni Wilbur. Mukhang naalala niya ang pananakit sa kanya kanina.Tumawa si Wilbur. Galit na sinabi ni Shawn, “Wala pa akong nakilala na isang taong kasing yabang mo.”“Kung ganun, nakakilala ka na ngayon,” Ang biro ni Wilbur.Ngumisi si Shawn at tumayo siya at sinabi niya, “Mukhang wala akong magagawa kundi ang ipakita ko kung ano ang kaya ko.”“Plano ko rin na gawin yun. Paano kung nagbago tayo ng venue? Ito ay hindi isang magandang lokasyon para doon,” Ang sabi ni Wilbur.Tumango si Shawn at sinabi niya, “Ayos lang. Tara sa bandang labas ng lungsod. Pwede kang ilibing ni Chad doon. Upang hindi na maging abala.”“Hindi ka nakakasiguro, pero tara,” Ang bir
Ang lalaking yun ay isang earth-type intermediate spell, Earth Shield.Ang Fire Wrath spell ay napahinto ng Earth Shield, at ito ay naglabas ng malakas na kulog. Ang mga apoy ay unti-unting naglaho kasama ang Earth Shield.Tila nabigla si Shawn. Pinanood niya si Wilbur habang nagsabi siya, “May alam ka rin na mga earth-type spells? Isa kang henyo.”Hindi madali sa isang cultivator na maging dalubhasa sa isang type ng spell, ngunit kaya ni Wilbur na gumamit ng mga spell ng dalawang magkaibang element. Nararapat na tawagin siyang isang henyo.“Hindi naman,” Ang simpleng sagot ni Wilbur.Si Chad at ang iba ay nasabik. Nag cast si Shawn ng isang spell na may malakas na kapangyarihan, ngunit napigilan ito ni Wilbur sa madaling paraan. Mukhang hindi mas mahina si Wilbur kumpara kay Shawn, at gumaan ang loob niya.Suminghal si Shawn sa sagot. Sinabi niya, “Pero wala ka pa sa lebel ko.”Nag cast ng spell si Shawn gamit ang mga kamay niya habang nagsasalita. Ang spiritual energy niya ay
Nagulat si Joel at ang iba.Hindi mapigilan ang pwersa ng mga estatwa ng apat na diyos, at ang kapangyarihan nila ay ginagamit para patayin ang isang tao. Iniisip nila kung may kahit sinong mortal na makakaligtas sa ganitong sitwasyon.‘Nakontra nga ni Wilbur ang Quicksand of Death kanina, pero hindi niya kakayanin ang The Rage of the Four. Ang kapangyarihan ng dalawang spell ay napakalaki ang agwat.’Naisip ng lahat na hindi makakatakas si Wilbur sa atake na ito.Parang baliw na si Chance sa pagsasalita niya.“Wilbur Penn, makapangyarihan ka talaga. Higit sa inaasahan ko ang kapangyarihan mo. Matatawag kita na pinakamahusay na cultivator sa ibaba ng Saint level, pero hindi ka pa rin isang Saint level cultivator!”Tumawa si Wilbur sa mga insulto ni Chance.Sumagot siya ng simple lang, “Sa tingin mo ba ay mabubuhay ka pa rin kung hindi ako interesado na makita kung ano ang espesyal sa Domain mo?”“Ano? Ano ang sinabi mo?” Nagalit si Chance. Ang iba ay mukhang para bang hindi sil
Biglang naging malambot ang lupa sa ilalim ni Wilbur sa isang iglap. Ito ay para bang nakatayo siya sa quicksand.Lumubog agad siya. Natural, hindi tumama ang atake niya kay Chance.Ang apat na earth dragon ang lumabas sa lupa ng sabay-sabay. Sumugod ang mga ito kay Wilbur.Si Wilbur ay kalahating nasa lupa, kaya hindi siya makakilos. Agad siyang pinalibutan ng mga earth dragon. Ang mga earth dragon ay lumubog sa lupa at naglaho kasama ni Wilbur.Tumawa ng malakas si Chance, tuwang tuwa sa sarili niya. Si Joel at ang iba ay may malaking respeto sa kanya, at naghiyawan sila.“Ang galing, Mr. Taft. Kayo po ay isang Saint level cultivator na walang makakatalo.”Tila tuwang tuwa si Chance na marinig na pinupuri siya. Abala siya sa paghanga sa sarili.Samantala, nararamdaman ni Wilbur ang pressure ng pagiging nasa ilalim ng lupa kasama ang mga earth dragon.Ang katawan ng mga dragon ay magkakadikit. Pinalibutan nila si Wilbur ng mahigpit, at humihigpit lang ang mga ito. Patuloy ang
Nasa gitna ng umiikot na buhangin ang mga madla.Ang mga earthen spear, higanteng bato, earth giant, at mga bomba na bato ay may dalang malakas na kapangyarihan, at ang lahat ng mga ito ay patungo kay Wilbur.Si Chance ay para namg isang diyos na kinokontrol ang lahat habang lumulutang siya. Siya ay may hawak ng nakakatakot na kapangyarihan, kaya takot at nirerespeto siya ng mga tao dahil dito.Si Maniac, Joel at ang iba na nasa Domain ay napaluhod dahil masyadong makapangyarihan si Chance. Kailangan nilang ipakita ang respeto nila.Masaya si Chance habang sumigaw siya kay Wilbur, “Nararamdaman mo ba? Ito ang kapangyarihan ng isang Saint level cultivator. Isa akong dakilang nilalang. Lahat kayo ay mga mabababang nilalang!”Sorbang mayabang na talaga si Chance sa sandaling ito. Tumitig siya ng mababa kay Wilbur na para bang nakatingin siya sa isang insekto.Suminghal si Wilbur, at sa isang kilos lang ng braso, ang thunder cleaver niya ay agad na nagliyab na may spiritual flames. P
Nagbago bigla ang venue. Napunta silang lahat sa gitna ng isang walang hanggan na lugar.Nakatayo sila sa walang hanggang lupa habang puno ng buhangin sa ere.May apat na estatwa na may sandaang metro ang tangkad sa apat na cardinal direction. May layo sila na sandaang metro mula sa isa’t isa.Ito ay apat na mga beige statue na may armor at axe, may engrande na presensya ang mga ito.Pakiramdam ng lahat na parang nasa lumang digmaan sila. Ang nakakasakal na pressure ay nakakatakot para sa lahat.‘I-Ito ba ay isang Domain?”Natakot ang mga tao.Alam nila na ang kapangyarihan ng isang Saint level cultivator ay lubos-lubos. Ngunit, hindi sila makapaniwala na ang Domain ng isang Saint level cultivator ay nakakatakot talaga. Agad silang napunta sa ibang mundo.May makapangyarihan na spiritual pressure. Pakiramdam nila na maliit at mahina sila dahil dito.Pakiramdam nila na hindi nila kakayanin kapag nanatili sila ng matagal. Kahit na hindi sila atakihin ni Chance, baka mawala sila
Nabigla agad ang lahat.Seryoso din ang tingin ni Zachary. Mabilis siyang nag cast ng spell gamit ang mga kamay niya at sinigaw niya, “Earth Shield!”Ang matigas na lupa sa harap niya ay umangat. May spiritual radiance sa shield, at marami itong mga rune.Isang intermediate spell ang Earth Shield. Nagamit na ito noon ni Wilbur.Ngunit, sinira ni Wilbur ang shield gamit ang isang suntok habang sumigaw siya. Pagkatapos, tumuloy ang suntok at tumama ito kay Zachary.Walang magawa si Zachary upang pigilan ito. Pinanood niya lang habang tumama ang suntok sa dibdib niya.Sa isang malakas na tunog, tumalsik paatras si Zachary habang tumulo ang dugo sa bibig niya.Huminto si Wilbur at tumayo siya habang nasa likod ang kanyang mga kamay, tumigil siya sa pag atake kay Zachary.Nalilito si Zachary sa sandaling yun, pagkatapos ay mabagal niyang pinunasan ang dugo sa bibig niya. Yumuko siya kay Wilbur at sinabi niya, “Salamat sa hindi pagpatay sa akin.”Tumango ng konti si Wilbur, ngunit a
Ngunit, may isang earth giant na dalawang metro ang tangkad na lumitaw mula sa lupa nang sumigaw si Zachary. Sumugod ito kay Wilbur.Ang earth giant ay tila makapangyarihan. Ang mga kamao nito ay kasing laki ng mga basketball, at meron itong yellow na spiritual radiance, para banng hindi ito mapipigilan.Ang mga tao ay nabigla nang makita ito.Si Zachary ay nagcast ng sunod-sunod na mga spell at kahanga-hanga ito. Hindi pa sila nakakita ng ganitong klaseng ng spell noon.Lalo na sa earth giant na lumitaw. Imposible na kaya itong talunin ni Maniac, hindi ba?Napatingin ang lahat kay Maniac, na siyang naiinis at naging tahimik lang.Nang makita ito ng lahat, tumawa sila.Tama, ang isang mahusay na mentor ay gumagawa ng malakas na mga estudyante. Ang estudyante ng isang Saint level cultivator ay makapangyarihan talaga. Ibig sabihin ay si Chance Taft ay lubos talaga na makapangyarihan. Hindi alam ni Wilbur Penn ang lugar niya.Tumawa lang si Wilbur at sumugod siya sa earth giant ga
Malakas na tumawa si Wilbur bago niya sinabi ,”Alam mo talaga kung paano pagsamantalahan ang sitwasyon, pero isang malaking pagkakamali ang desisyon mo kung sa tingin mo ay kaya ni Chance Taft na protektahan kayong lahat.”“Pambihira. Masyado siyang mayabang.”“Lintik ka! Walang hiya ka para maging mayabang sa harap ni Mr. Taft! Gusto mo talagang mamatay!”“Talunin niyo po siya, Mr. Taft. Para sa pangalan ng mga makapangyarihang Saint level cultivator.”Ang mga madla ay nainis sa pag uugali ni Wilbur, at nagsalita sila upang parusahan ni Chance si Wilbur.Hindi magkasundo sina Maniac at Joel, ngunit may iisang kalaban sila sa oras na yun. Pareho silang tumingin ng masama kay Wilbur.Tumawa si Chance at umiling siya. Sinabi niya, “Hindi alam ng mga bata ang lugar nila sa panahong ito. Nabalitaan ko na mula ka sa Seechertown, kaya sisimulan ko na gawin kang halimbawa, pero hindi kita papatayin. Hahayaan kitang mabuhay, upang bumalik ka at sabihin sa mga tao Seechertown na yumuko at
Tumayo si Maniac, sumagot siya ng mabagal, “Totoo ito, Mr. Taft.”“Bakit?” Malamig na nagtanong si Chance.Lumapit si Maniac kay Chance, pagkatapos ay yumuko siya. Sinabi niya, “Wala itong kunsento ko, Mr. Taft. May taong pinilit akong gawin ito.”Nabigla ang mga tao na hindi alam ang katotohanan. ‘Ganun ba?’Napabuntong hininga si Wilbur.“Siya po.” Tumuro si Maniac kay Wilbur at sinabi niya ng malakas, “Noong nakaraang araw, itong lalaki na may pangalan na Wilbur Penn ay hinanap ako. Muntik niya na akong patayin dahil isa siyang Ambience level cultivator. Tinakot niya ako para atakihin namin si Joel. Wala akong magawa kundi ang sumunod. Mabuti na lang, bumalik kayo, Mr. Taft. Pakiusap, bigyan niyo po ako ng hustisya, at papayag din po ako na maging inaanak niyo.”Pagkatapos, lumuhod siya sa sahig ng hindi nagpapakita ng intensyon na tatayo siya.Nabigla ang lahat. Hindi nila inaasahan na ito ang gagawin ni Maniac.‘Totoo kaya ito?’ Ang naisip nila.Tumingin ang lahat kay Wi
‘Wala nang lugar para sa kanya sa Anya City ngayon at may kinalaman na si Mr. Taft, hindi ba?’ Iniisip ni Joel.Naisip ni Joel na lamang siya. Baka kaya niya pang patayin si Maniac.Hindi pinansin ng lahat ang lalaking nasa likod ni Maniac, at akala nila ay sidekick niya lang ito.Agad na naging malamig ang tingin ni Joel nang makita si Maniac.Patay na ng maraming beses si Maniac kung kayang pumatay ng tingin.Ngunit, matapang si Maniac. Pumasok siya at tumingin sa paligid bago siya umupo kasama ang sidekick niya. Hindi sila makapaniwala na hindi natatakot si Maniac.Ngumisi ang lahat at naisip nila, ‘Pinipilit ni Maniac na magmukhang mahinahon.’Si Maniac ang nasa tuktok ng Anya City, at may laban sila ni Joel, kaya hindi papayagan ni Mr. Taft na magpatuloy siya sa ginagawa niya sa Anya City. Iniisip nila na matapang si Maniac para magpakita.Tumayo si Zachary sa oras na yun. Tumingin siya sa lahat at sinabi niya, “Mukhang nandito na ang lahat, kaya i-welcome natin si Mr. Taf