Ito ay walang iba kundi si Dorson. Hinawakan niya sa leeg si Sherry, natago siya sa likod ng babae.Tila kailangan gumamit ng spirit energy sa pagpasok sa pader, at wala siyang magagawa kundi ang ipakita ang sarili niya.Kasabay nito, may team ng mga pulis mula sa control room ang dumating, pinalibutan nila ang detention cell at tinutok nila ang mga baril nila kay Dorson.“Wag kang kumilos! Bitawan mo si Ms. Divos!” Ang sigaw ng isang pulis.Hindi siya pinansin ni Dorson, naghihintay lang ito ng may pasensya.Handa si Dorson na mamatay habang kinukumpleto ang misyon, ngunit pipiliin niya pa rin na tumakas kung may pagkakataon upang makasama ang pamilya niya. Basta’t makompleto niya ang misyon na inassign sa kanya, hindi siguro gagawa ng masama ang kumpanya sa kanya.Pagkatapos, tumakbo si Elsa papunta sa eksena. Tinutok niya ang baril niya kay Dorson at tinanong niya, “Sino ka, at bakit mo pinatay si Jordan Pavian?”Galit na galit si Elsa ngayon. May taong pumasok sa department
Tumayo agad si Elsa. Nasalo niya si Sherry, at nilagay niya ito sa sahig ng dahan dahan.Maputla si Sherry, buhay pa siya. Binuksan ni Dorson ang makina ng kotse, umapak siya sa pedal ng gas habang umandar ang kotse papunta sa gate.Pinatay ni Dorson si Jordan, at mamamatay na rin si Sherry. Si Telford ang tanging target na natitira.Sinabi ni Kim sa simula pa lang na ang main target ay si Jordan, at mabuti kung ang dalawa ay namatay din, ngunit hindi sila prayoridad. Dahil dito, tenkinkal na nakumpleto ni Dorson ang misyon niya.Basta’t makatakas siya sa Special Forces department, pwede niya i-camouflage ang sarili niya gamit ang spirit energy niya upang walang kahit sino ang makahanap sa kanya.Sa oras na lumabas na siya doon, didiretso siya sa kabundukan. Makakabalik siya sa bayan niya dahil sa lakas niya, kahit na kailangan niya maglakad.Habang iniisip na makakauwi siya at makakasama niya ang pamilya niya, napangiti siya.Pagkatapos tumira sa Dasha ng limang taon, makakauwi
Nabigla ang mga pulis, at pati na rin si Elsa. Alam niya na ang lahat ng mga cultivator ay hindi ordinaryo.Kalmado lang si Wilbur. Simple lang ang sinabi niya at pinitik niya ang mga daliri niya. “Thunder Bulbs.”Sa sumunod na sandali, may dalawang bola ng kidlat na kasing laki ng kamao sa ibabaw ng ulo ni Wilbur. Umilaw ito at agad nitong dinurog ang parehong clone ni Dorson.Kasabay nito, ang tunay na katawan ni Dorson ay may makapangyarihan na spirit pressure bago ito naglaho.Hindi huminto dito si Wilbur. Pinagsama niya ang mga palad niya habang sumigaw siya, “Quad Thunder!”Muling may apat na bola ng kidlat ang lumabas, kumonekta ito ng lightning chain.Nanginig ang space sa harap ni Wilbur, at ang katawan ni Dorson ay nabunyag habang nahuli siya sa gitna ng Quad Thunder spell.Ngumiti si Wilbur. “Kahanga-hanga yun, pero malayo pa ito kumpara sa akin.”Napuno ng gulat at sakit ang mukha ni Dorson.Hindi niya inaasahan na ang special skill niya ay matatalo ng basta basta.
“Si Chloe, hindi ba?” Ang tanong ni Wilbur.Umiling si Elsa. “Ayos lang siya, pero mas malala ang kondisyon ni Sherry.”Naglakad si Wilbur patungo kay Sherry. Dahil protektao niya ang laman ni Sherry gamit ang spirit energy niya, ang kondisyon ni Sherry ay hindi nakakamatay kahit na malubha ang sugat nito.Napaluha si Sherry nang makita niya si Wilbur, hindi niya alam ang sasabihin niya.Naiintindihan niya na ngayon na nakakatakot talaga ang sitwasyon na pinasok niya, halos nawalan siya ng buhay dahil dito.Ang mundo ay hindi tulad ng nasa pananaw niya, at ang mga walang awang tao na tulad nito ay tunay.Nakakatakot talaga sila.Nakita ni Wilbur na takot na takot talaga si Sherry.Nagbuntong hininga si Wilbur. “Nakikita mo na ba ang panganib nito? Pakiusap, wag ka nang gumawa ulit ng ganitong bagay.”Tumango ng mahina si Sherry. Pagkatapos ng nangyari, hindi na ulit siya gagawa ng ganito.Sa oras na yun, dumating na ang ambulansya at sinigurado niya na dalhin si Sherry sa hos
Sa oras na yun, sinabi ni Faron, “Baka walang ebidensya ang Joy Corp na hindi kayang makuha ng Cape o ng mga awtoridad, pero hindi maitatanggi na sinetup ni Jordan ang Cape at pinatay siya ni Dorson dahil dito. Base lang dito, kailangan magbigay ng bagay sa atin ang Joy Corp kung ayaw nila na abalahin sila ng Cape sa nangyari. Hindi sila pwede gumawa ng mas malaking gulo tungkol dito dahil maaaring maapektuhan ang kumpanya nila at mapunta sila sa isang seryosong krisis. Tama si Wilbur.”Naintindihan agad ito ni Elsa at tumango siya. “Ito ay magiging mabuti pala para sa Cape.”“Salamat ito kay Wilbur. Kapag nakatakas si Dorson pagkatapos ng assassination niya, ang parehong panig ay magkakaroon ng tie at mawawalan ng rason ang Joy Corp para umatras. Baka maging mayabang pa sila tungkol dito,” Ang sabi ni Faron.Nagkibit balikat si Elsa, umiling siya. “Hindi ako business-minded na tulad niyo.”Agad na dumilim ang ekspresyon ni Faron. “Ano ang problema sa pagiging business-minded? Mas
Tumango si Wilbur. “Ito ang tamang desisyon. Ang pakikipaglaban ay ang huling plano natin. Tama ang ideya mo.”“Hahayaan natin sila sa ngayon. Oo nga pala, hindi ba’t dapat tayo magdiwang sa malaking panalong ito?” Ang tanong ni Faron.Ngumiti si Faye. “Sire! Ang Cape ang bahala, magsaya tayo.”“Woohoo!” Si Faron at Elsa ay sabay na nagdiwang.Ngumiti si Wilbur. Halos imposible para sa kahit sino para yayain ang dalawang ito sa ibang araw.Gayunpaman, masigasig sila sa pagtulong, alam niya na mapagkakatiwalaan na sila ngayon.Sa oras na ito, nagpakita si Jose mula sa kawalan. Pinapasok siya ni Wilbur.“Sir, may sasabihin po ako sa inyo,” Tumingin si Jose sa mga tao sa paligid at nagdalawang isip siya.“Tayos lang naman ito. Sige na,” Ang sabi ni Wilbur.Sinabi ni Jose. “Okay po pala. Nagpadala po si Marcus nag one hundred million dollars at sinabi niya po na ipasa ko ito sa inyo sa pagligtas sa kanya.”Yumuko sina Faron at Elsa sa kanilang mga tasa ng mug. Ang buhay ni Wilbur
Umiling si Wilbur. Klaro na ang lalaking ito ay maraming nainom at hindi nag iisip ng diretso. Isang manyak.Kumunot din ang noo ni Faron sa inis.Sumigaw si Elsa, “Umuwi ka na kung marami kang nainom! Wag mong dalhin sa gulo ang sarili mo para sa wala.”Nilagay ni Faye ang ulo niya sa balikat ni Wilbur, tumawa siya ng mahina.Nagalit ang lalaki sa malupit na pagtanggi sa kanya. Bago pa siya makapagsalita, may dalawang lalaki mula sa likod niya at sinabi ng mga ito, “Walang hiya ka! Kilala mo ba kung sino siya?”“Wala akong pakialam kung sino siya. Lumayas kayo,” Ang malamig na sinabi ni Elsa.Agad na nagalit ang isa sa mga lalaki. “Ito si Mr. Leon mula sa Bureau of Commerce and Trade! Walang hiya ka para kausapin siya ng ganito?”“Ganun ba? Okay.” Halatang naiirita si Elsa ngayon.Ang mga lalaki, na halatang lasing, ay mas lalong nagalit.Tutal, pinahiya sila sa publiko at nakuha nila ang atensyon ng marami.Ang lalaking si Mr. Leon ay nagsalita ng malamig. “Makinig kayo. Wa
Kung ang lalaking ito ay may kinalaman talaga sa mga Campbell, tapos na talaga si Leon.Mabilis siyang lumapit kay Faron at sa iba, lumhod siya sa sahig. “Pakiusap, patawad. Kasalanan ko po ito. Kilala ko po dapat kung sino ang kinausap ko. Patawad. Sana po ay pagbigyan niyo ako.”“Umalis kayo sa daan ko. Wag kayo maging abala. Nandito ako para sa dinner ko,” Ang malamig na sinabi ni Faron.Agad na nalaman ni Leon na wala nang punto ang magmakaawa siya. Kapag nagpatuloy siya sa ginagawa niya, baka magdusa siya ng mas malala pa kaysa sa mawalan siya ng trabaho.Tumayo siya at yumuko siya ng malalim kay Faron at sa iba, humingi siya ng tawad ng huling beses bago siya tumakas kasama ang mga tao niya ng natataranta.Nabigla ang lahat ng nasa restaurant sa kanilang nakita.Ang babaeng ito ay isang pambihirang manlalaban, at ang lalaki ay inutusan ang mga lalaki na humingi ng tawad at lumuhod ng ganun lang? Sino ba ang mga taong ito?Sa oras na yun, tumingin si Elsa sa waiter at tinan
Nagulat si Joel at ang iba.Hindi mapigilan ang pwersa ng mga estatwa ng apat na diyos, at ang kapangyarihan nila ay ginagamit para patayin ang isang tao. Iniisip nila kung may kahit sinong mortal na makakaligtas sa ganitong sitwasyon.‘Nakontra nga ni Wilbur ang Quicksand of Death kanina, pero hindi niya kakayanin ang The Rage of the Four. Ang kapangyarihan ng dalawang spell ay napakalaki ang agwat.’Naisip ng lahat na hindi makakatakas si Wilbur sa atake na ito.Parang baliw na si Chance sa pagsasalita niya.“Wilbur Penn, makapangyarihan ka talaga. Higit sa inaasahan ko ang kapangyarihan mo. Matatawag kita na pinakamahusay na cultivator sa ibaba ng Saint level, pero hindi ka pa rin isang Saint level cultivator!”Tumawa si Wilbur sa mga insulto ni Chance.Sumagot siya ng simple lang, “Sa tingin mo ba ay mabubuhay ka pa rin kung hindi ako interesado na makita kung ano ang espesyal sa Domain mo?”“Ano? Ano ang sinabi mo?” Nagalit si Chance. Ang iba ay mukhang para bang hindi sil
Biglang naging malambot ang lupa sa ilalim ni Wilbur sa isang iglap. Ito ay para bang nakatayo siya sa quicksand.Lumubog agad siya. Natural, hindi tumama ang atake niya kay Chance.Ang apat na earth dragon ang lumabas sa lupa ng sabay-sabay. Sumugod ang mga ito kay Wilbur.Si Wilbur ay kalahating nasa lupa, kaya hindi siya makakilos. Agad siyang pinalibutan ng mga earth dragon. Ang mga earth dragon ay lumubog sa lupa at naglaho kasama ni Wilbur.Tumawa ng malakas si Chance, tuwang tuwa sa sarili niya. Si Joel at ang iba ay may malaking respeto sa kanya, at naghiyawan sila.“Ang galing, Mr. Taft. Kayo po ay isang Saint level cultivator na walang makakatalo.”Tila tuwang tuwa si Chance na marinig na pinupuri siya. Abala siya sa paghanga sa sarili.Samantala, nararamdaman ni Wilbur ang pressure ng pagiging nasa ilalim ng lupa kasama ang mga earth dragon.Ang katawan ng mga dragon ay magkakadikit. Pinalibutan nila si Wilbur ng mahigpit, at humihigpit lang ang mga ito. Patuloy ang
Nasa gitna ng umiikot na buhangin ang mga madla.Ang mga earthen spear, higanteng bato, earth giant, at mga bomba na bato ay may dalang malakas na kapangyarihan, at ang lahat ng mga ito ay patungo kay Wilbur.Si Chance ay para namg isang diyos na kinokontrol ang lahat habang lumulutang siya. Siya ay may hawak ng nakakatakot na kapangyarihan, kaya takot at nirerespeto siya ng mga tao dahil dito.Si Maniac, Joel at ang iba na nasa Domain ay napaluhod dahil masyadong makapangyarihan si Chance. Kailangan nilang ipakita ang respeto nila.Masaya si Chance habang sumigaw siya kay Wilbur, “Nararamdaman mo ba? Ito ang kapangyarihan ng isang Saint level cultivator. Isa akong dakilang nilalang. Lahat kayo ay mga mabababang nilalang!”Sorbang mayabang na talaga si Chance sa sandaling ito. Tumitig siya ng mababa kay Wilbur na para bang nakatingin siya sa isang insekto.Suminghal si Wilbur, at sa isang kilos lang ng braso, ang thunder cleaver niya ay agad na nagliyab na may spiritual flames. P
Nagbago bigla ang venue. Napunta silang lahat sa gitna ng isang walang hanggan na lugar.Nakatayo sila sa walang hanggang lupa habang puno ng buhangin sa ere.May apat na estatwa na may sandaang metro ang tangkad sa apat na cardinal direction. May layo sila na sandaang metro mula sa isa’t isa.Ito ay apat na mga beige statue na may armor at axe, may engrande na presensya ang mga ito.Pakiramdam ng lahat na parang nasa lumang digmaan sila. Ang nakakasakal na pressure ay nakakatakot para sa lahat.‘I-Ito ba ay isang Domain?”Natakot ang mga tao.Alam nila na ang kapangyarihan ng isang Saint level cultivator ay lubos-lubos. Ngunit, hindi sila makapaniwala na ang Domain ng isang Saint level cultivator ay nakakatakot talaga. Agad silang napunta sa ibang mundo.May makapangyarihan na spiritual pressure. Pakiramdam nila na maliit at mahina sila dahil dito.Pakiramdam nila na hindi nila kakayanin kapag nanatili sila ng matagal. Kahit na hindi sila atakihin ni Chance, baka mawala sila
Nabigla agad ang lahat.Seryoso din ang tingin ni Zachary. Mabilis siyang nag cast ng spell gamit ang mga kamay niya at sinigaw niya, “Earth Shield!”Ang matigas na lupa sa harap niya ay umangat. May spiritual radiance sa shield, at marami itong mga rune.Isang intermediate spell ang Earth Shield. Nagamit na ito noon ni Wilbur.Ngunit, sinira ni Wilbur ang shield gamit ang isang suntok habang sumigaw siya. Pagkatapos, tumuloy ang suntok at tumama ito kay Zachary.Walang magawa si Zachary upang pigilan ito. Pinanood niya lang habang tumama ang suntok sa dibdib niya.Sa isang malakas na tunog, tumalsik paatras si Zachary habang tumulo ang dugo sa bibig niya.Huminto si Wilbur at tumayo siya habang nasa likod ang kanyang mga kamay, tumigil siya sa pag atake kay Zachary.Nalilito si Zachary sa sandaling yun, pagkatapos ay mabagal niyang pinunasan ang dugo sa bibig niya. Yumuko siya kay Wilbur at sinabi niya, “Salamat sa hindi pagpatay sa akin.”Tumango ng konti si Wilbur, ngunit a
Ngunit, may isang earth giant na dalawang metro ang tangkad na lumitaw mula sa lupa nang sumigaw si Zachary. Sumugod ito kay Wilbur.Ang earth giant ay tila makapangyarihan. Ang mga kamao nito ay kasing laki ng mga basketball, at meron itong yellow na spiritual radiance, para banng hindi ito mapipigilan.Ang mga tao ay nabigla nang makita ito.Si Zachary ay nagcast ng sunod-sunod na mga spell at kahanga-hanga ito. Hindi pa sila nakakita ng ganitong klaseng ng spell noon.Lalo na sa earth giant na lumitaw. Imposible na kaya itong talunin ni Maniac, hindi ba?Napatingin ang lahat kay Maniac, na siyang naiinis at naging tahimik lang.Nang makita ito ng lahat, tumawa sila.Tama, ang isang mahusay na mentor ay gumagawa ng malakas na mga estudyante. Ang estudyante ng isang Saint level cultivator ay makapangyarihan talaga. Ibig sabihin ay si Chance Taft ay lubos talaga na makapangyarihan. Hindi alam ni Wilbur Penn ang lugar niya.Tumawa lang si Wilbur at sumugod siya sa earth giant ga
Malakas na tumawa si Wilbur bago niya sinabi ,”Alam mo talaga kung paano pagsamantalahan ang sitwasyon, pero isang malaking pagkakamali ang desisyon mo kung sa tingin mo ay kaya ni Chance Taft na protektahan kayong lahat.”“Pambihira. Masyado siyang mayabang.”“Lintik ka! Walang hiya ka para maging mayabang sa harap ni Mr. Taft! Gusto mo talagang mamatay!”“Talunin niyo po siya, Mr. Taft. Para sa pangalan ng mga makapangyarihang Saint level cultivator.”Ang mga madla ay nainis sa pag uugali ni Wilbur, at nagsalita sila upang parusahan ni Chance si Wilbur.Hindi magkasundo sina Maniac at Joel, ngunit may iisang kalaban sila sa oras na yun. Pareho silang tumingin ng masama kay Wilbur.Tumawa si Chance at umiling siya. Sinabi niya, “Hindi alam ng mga bata ang lugar nila sa panahong ito. Nabalitaan ko na mula ka sa Seechertown, kaya sisimulan ko na gawin kang halimbawa, pero hindi kita papatayin. Hahayaan kitang mabuhay, upang bumalik ka at sabihin sa mga tao Seechertown na yumuko at
Tumayo si Maniac, sumagot siya ng mabagal, “Totoo ito, Mr. Taft.”“Bakit?” Malamig na nagtanong si Chance.Lumapit si Maniac kay Chance, pagkatapos ay yumuko siya. Sinabi niya, “Wala itong kunsento ko, Mr. Taft. May taong pinilit akong gawin ito.”Nabigla ang mga tao na hindi alam ang katotohanan. ‘Ganun ba?’Napabuntong hininga si Wilbur.“Siya po.” Tumuro si Maniac kay Wilbur at sinabi niya ng malakas, “Noong nakaraang araw, itong lalaki na may pangalan na Wilbur Penn ay hinanap ako. Muntik niya na akong patayin dahil isa siyang Ambience level cultivator. Tinakot niya ako para atakihin namin si Joel. Wala akong magawa kundi ang sumunod. Mabuti na lang, bumalik kayo, Mr. Taft. Pakiusap, bigyan niyo po ako ng hustisya, at papayag din po ako na maging inaanak niyo.”Pagkatapos, lumuhod siya sa sahig ng hindi nagpapakita ng intensyon na tatayo siya.Nabigla ang lahat. Hindi nila inaasahan na ito ang gagawin ni Maniac.‘Totoo kaya ito?’ Ang naisip nila.Tumingin ang lahat kay Wi
‘Wala nang lugar para sa kanya sa Anya City ngayon at may kinalaman na si Mr. Taft, hindi ba?’ Iniisip ni Joel.Naisip ni Joel na lamang siya. Baka kaya niya pang patayin si Maniac.Hindi pinansin ng lahat ang lalaking nasa likod ni Maniac, at akala nila ay sidekick niya lang ito.Agad na naging malamig ang tingin ni Joel nang makita si Maniac.Patay na ng maraming beses si Maniac kung kayang pumatay ng tingin.Ngunit, matapang si Maniac. Pumasok siya at tumingin sa paligid bago siya umupo kasama ang sidekick niya. Hindi sila makapaniwala na hindi natatakot si Maniac.Ngumisi ang lahat at naisip nila, ‘Pinipilit ni Maniac na magmukhang mahinahon.’Si Maniac ang nasa tuktok ng Anya City, at may laban sila ni Joel, kaya hindi papayagan ni Mr. Taft na magpatuloy siya sa ginagawa niya sa Anya City. Iniisip nila na matapang si Maniac para magpakita.Tumayo si Zachary sa oras na yun. Tumingin siya sa lahat at sinabi niya, “Mukhang nandito na ang lahat, kaya i-welcome natin si Mr. Taf