Ang tao ay may hawak na suitcase sa kanang kamay at ang kaliwang kamay ay puno ng bandage, nakatayo ng diretso.Tumingin si Wilbur sa lalaki at nabigla siya, tinanong niya, “Ryder?”Mabilis siyang dumaan sa tulay at lumapit siya kay Ryrder. Tumingin siya sa braso ni Ryder at tinanong niya, “Paano ka nakarating dito ng mabilis?”“Ryder Litwing, elite combat personnel ng Department of Paranormal Research and Defense, reporting in,” Ang sabi ni Ryder habang sumaludo siya ng may standard military gesture.Tumingin si Wilbur sa sasakyan sa likod ni Ryder, pagkatapos ay kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Ano ang ibig sabihin nito?”“Ang equipment na ito ay mula sa branch namin, at may ilang staff member din,” Ang paliwanag ni Ryder.“Paano mo nalaman na dito ako tumutuloy?” Ang tanong ni Wilbur.“Inutos ng Commander-in-Chief sa mga department sa Kardon Province. Ito ang rason kung paano ko nalaman,” Ang sagot ni Ryder.Walang masabi si Wilbur.‘Kagagawan siguro ito ni Orin!’ An
Ang apat na staff member ay nagsimula sa pag install ng equipment.Ang bilog na radar ay installed sa bubong at ang maraming mga machine na sinetup sa loob ng kwarto.“Ano ang mga bagay na ito?” Ang tanong ni Wilbur.Sumagot si Ryder, “Isang satellite signal receiver, ang Skynet Integration System, at ang specialized supercomputer ng Department of Paranormal Research and Defense.”“Ah,” Ang sagot ni Wilbur na para bang naiintindihan niya.Ang satellite signal receiver ay ginagamit para kumonekta sa mga satellite signal, at mas stable ito kaysa sa ibang mga linya.Alam ni Wilbur ang tungkol sa Skynet. Isa itong national defense program na konektado sa mga security camera sa buong bansa. Pwede nila bantayan ang kahit anong security footage sa buong bansa sa kahit anong oras.Kahit na hindi siya sigurado kung ano ang specialized supercomputer, alam niya na isa itong epektibo na supercomputer.Ang set ng equipment ay mas makapangyarihan kaysa sa equipment na gamit ng provincial dep
“Lintik na,” Ang mura ni Wilbur. Iniisip niya kung may masamang nangyari.“Pumasok ka.”Pumasok sa kwarto si Ryder.Kumunot ang noo ni Wilbur at tumingin siya kay Ryder. Pagkatapos ng mahabang sandali, tinanong niya, “Walang kailangan puntahan, hindi ba?”“Base sa protocol, pumasok kayo sa opisina at mag setup ng password,” Ang sagot ni Ryder.Agad na nakahinga ng maluwag si Wilbur at sinabi niya, “Akala ko ay may masamang nangyari. Tinakot mo ako.”Agad niyang sinabi kela Faye na maghintay, pagkatapos ay pumasok siya sa operation room kasama si Ryder ng silang dalawa lang.Ang staff ay tapos na mag install ng equipment at umalis na. Silang dalawa na lang ang nandito.Ipinaliwanag ni Ryder ang nagagawa ng equipment, pagkatapos ay sinabi niya na mag setup ng iba’t ibang password.May password para sa satellite connection, may password para mag activate ng supercomputer, may pangalawang password para sa personal operation, at may password din para sa self-destruct.Nag setup si
Umupo si Mariah sa office ng station director. Hindi siya makapaniwala sa nangyayari sa kanya.Hinawakan niya ang malaking office desk, at mabagal na namuo ang ngiti sa kanyang mukha.Bumawi na ang pagsisikap niya.Gayunpaman, huminahon agad siya at nagsimula siyang mag analyza ng buong pangyayari.Ang pokus ng kanyang analysis ay ang censored na lalaki sa video na pinost ni Sherry.Ang pagkakakilanlan ng taong yun ay pambihira siguro. Kahit na nagtatrabaho siya sa Cape, nasa parte ng elite siguro siya.Gayunpaman, may kinalaman din si Faron Campbell sa pangyayaring ito. Ang taong ito ay hindi isang ordinaryong tao kung may koneksyon siya kay Faron.Naisip niya ang tungkol dito at agad siya nag isip ng plano. Maghahanda siya ng isang exclusive interview kasama ang cape at hahayaan niya na si Chloe ang magiging interviewer.Natuwa si Mariah sa sarili niya pagkatapos niya tapusin ang proposal.Sina Mariah at Chloe ay nakinabang sa pangyayaring ito, kaya sumabay na lang siya sa a
“Hindi. Walang ganun.” Mabilis na kumaway si Nancy para tumanggi.Naisip ni Wilbur na nangyayari ito dahil si Nancy ang general manager ng building, at suportado si Nancy ni Chelsea. Sino ang hindi itatrato ng tama kay Nancy?“Ano pala ang meron?” Ang nalilito na tanong ni Wilbur.Tumingin si Nancy kay Wilbur at dinala niya ito sa isang tagong sulok.Sinabi niya ng hindi komportable, “Maraming tsismis simula noong naging general manager ako. Ang ilan sa mga ito ay hindi maganda, kaya nahiya ako na makita ka.”Pinag isipan ito ni Wilbur, at naiintinidhan niya na ang ibig sabihin ni Nancy.Sa ibang salita, ang mga tsismis na kumakalat ay tungkol sa kanila dahil tumulong si Wilbur kay Nancy na maging general manager. Ang tsismis ay may relasyon si Nancy sa isang big shot. Hindi ito bihira sa trabaho.Ngumiti ng maliit si Wilbur at sinabi niya, “Hayaan mo sila. Hindi natin kontrolado ang sinasabi ng ibang tao.”Tahimik na tumango si Nancy.“Kamusta ka na? Ayos ka lang ba sa trabah
Ayaw ituloy ni Wilbur ang topic.Hiwalay na sila, kaya malaya siyang gawin ang kahit anong gusto niya.Pinagaan niya ang loob ni Chelsea at nagtanong tungkol sa progress ng ng Willow Corp bago siya umalis.Bumalik siya sa Sealake Island at nanatili sa loob ng kanyang kwarto, nag meditate siya nang isang buong araw hanggang sa tawagan siya ni Nancy noong kinaumagahan."Umm... Wilbur, sabi mo sasama ka sa akin pauwi sa hometown natin. Sasama ka pa ba?" mahinang tanong ni Nancy mula sa phone.Nagmamadaling sagot ni Wilbur, "Oo naman. Nasaan ka ba? Hintayin mo ako. Pupunta ako diyan."Pagkatapos, binigyan niya si Wilbur ng isang address at agad itong nagdrive papunta sa lokasyon.Naghihintay si Nancy sa tabi ng kalsada nang dumating si Wilbur.Nakasuot siya ng puting blouse at masikip na maong noong araw na iyon, mukha siyang mahusay sa opisina.Nakangiting na sinabi ni Wilbur na sumakay si Nancy sa sasakyan. Pagkatapos, nagmaneho sila patungo sa Daneville, ang kanilang bayan.Na
Tinapik ng tiyahin ni Nancy, si Roanne Drew, ang kanyang balikat at sinabi sa hindi nasisiyahang tono, "Bakit ka sumisigaw? Ilang taon ka na ngayon? Wala kang karelasyon sa ngayon, kaya isang batang businessman mula sa bayan natin ang ipapakilala ko sa iyo. Siya ay nagmamay-ari ng isang food factory, at ang kanyang pamilya ay may mga ari-arian na nagkakahalaga ng hanggang ten million dollars. Hindi mo ba naisip na tama siya para sa iyo?"Ang nanay ni Nancy, si May Brand, ay sumang-ayon at sinabing, "Tama siya, Nancy. Siya ay may magandang pamilya at may magandang hitsura din. Sinuri namin siya para sa iyo."Ang kanyang ama, si Joshua Brand, ay tila masigasig, na nananatiling tahimik sa panahong ito.Imposible na tatanggapin ito ni Nancy. Mabilis niyang sinabi, "Ayoko pang makipag-date sa kahit kanino. Wilbur, ihinto mo na ang sasakyan. Hindi ako sasama."Wala siyang ideya na ang tanghalian ay isang blind date.Ayaw niyang gawin iyon, at naroon din si Wilbur. Nakaramdam siya ng hiy
Hinila din ni Joshua si Wilbur kaya walang magagawa si Wilbur kundi ang sundan sila.Ilang saglit pa ay nasa isang kwarto na sila na halatang nakareserve.Umupo na sila, at sinadyang umupo si Nancy sa tabi ni Wilbur. Umikot ang mga mata ni Roanne sa inis at tumingin siya ng masmaa kay Wilbur.Naging awkward si Wilbur. Umupo siya sa tabi ni Nancy na parang nasa panganib, at hindi siya nagsasalita.Ano pa ang magagawa niya?Hindi siya pinayagan ni Nancy na umalis, ngunit kung mananatili siya, titig ng masama sa kanya si Roanne. Iyon lang ang pagpipilian niya.Biglang nag-serve sa kanila ng mga inumin ang waiter. Dali-dali siyang tumayo at nagbuhos ng tubig para sa lahat para maibsan ang awkward tensyon. Tanong niya, "Bakit wala pa ang businessman?"Sa kaso ng mga blind date, ang lalaki ay kadalasang darating nang mas maaga at dapat ay handa ito para dito.Bakit sa halip ay ang pamilya ng babae ang nag-aayos para hintayin ang lalaki sa blind date na ito?Napamulat agad ng mata si
Nagulat si Joel at ang iba.Hindi mapigilan ang pwersa ng mga estatwa ng apat na diyos, at ang kapangyarihan nila ay ginagamit para patayin ang isang tao. Iniisip nila kung may kahit sinong mortal na makakaligtas sa ganitong sitwasyon.‘Nakontra nga ni Wilbur ang Quicksand of Death kanina, pero hindi niya kakayanin ang The Rage of the Four. Ang kapangyarihan ng dalawang spell ay napakalaki ang agwat.’Naisip ng lahat na hindi makakatakas si Wilbur sa atake na ito.Parang baliw na si Chance sa pagsasalita niya.“Wilbur Penn, makapangyarihan ka talaga. Higit sa inaasahan ko ang kapangyarihan mo. Matatawag kita na pinakamahusay na cultivator sa ibaba ng Saint level, pero hindi ka pa rin isang Saint level cultivator!”Tumawa si Wilbur sa mga insulto ni Chance.Sumagot siya ng simple lang, “Sa tingin mo ba ay mabubuhay ka pa rin kung hindi ako interesado na makita kung ano ang espesyal sa Domain mo?”“Ano? Ano ang sinabi mo?” Nagalit si Chance. Ang iba ay mukhang para bang hindi sil
Biglang naging malambot ang lupa sa ilalim ni Wilbur sa isang iglap. Ito ay para bang nakatayo siya sa quicksand.Lumubog agad siya. Natural, hindi tumama ang atake niya kay Chance.Ang apat na earth dragon ang lumabas sa lupa ng sabay-sabay. Sumugod ang mga ito kay Wilbur.Si Wilbur ay kalahating nasa lupa, kaya hindi siya makakilos. Agad siyang pinalibutan ng mga earth dragon. Ang mga earth dragon ay lumubog sa lupa at naglaho kasama ni Wilbur.Tumawa ng malakas si Chance, tuwang tuwa sa sarili niya. Si Joel at ang iba ay may malaking respeto sa kanya, at naghiyawan sila.“Ang galing, Mr. Taft. Kayo po ay isang Saint level cultivator na walang makakatalo.”Tila tuwang tuwa si Chance na marinig na pinupuri siya. Abala siya sa paghanga sa sarili.Samantala, nararamdaman ni Wilbur ang pressure ng pagiging nasa ilalim ng lupa kasama ang mga earth dragon.Ang katawan ng mga dragon ay magkakadikit. Pinalibutan nila si Wilbur ng mahigpit, at humihigpit lang ang mga ito. Patuloy ang
Nasa gitna ng umiikot na buhangin ang mga madla.Ang mga earthen spear, higanteng bato, earth giant, at mga bomba na bato ay may dalang malakas na kapangyarihan, at ang lahat ng mga ito ay patungo kay Wilbur.Si Chance ay para namg isang diyos na kinokontrol ang lahat habang lumulutang siya. Siya ay may hawak ng nakakatakot na kapangyarihan, kaya takot at nirerespeto siya ng mga tao dahil dito.Si Maniac, Joel at ang iba na nasa Domain ay napaluhod dahil masyadong makapangyarihan si Chance. Kailangan nilang ipakita ang respeto nila.Masaya si Chance habang sumigaw siya kay Wilbur, “Nararamdaman mo ba? Ito ang kapangyarihan ng isang Saint level cultivator. Isa akong dakilang nilalang. Lahat kayo ay mga mabababang nilalang!”Sorbang mayabang na talaga si Chance sa sandaling ito. Tumitig siya ng mababa kay Wilbur na para bang nakatingin siya sa isang insekto.Suminghal si Wilbur, at sa isang kilos lang ng braso, ang thunder cleaver niya ay agad na nagliyab na may spiritual flames. P
Nagbago bigla ang venue. Napunta silang lahat sa gitna ng isang walang hanggan na lugar.Nakatayo sila sa walang hanggang lupa habang puno ng buhangin sa ere.May apat na estatwa na may sandaang metro ang tangkad sa apat na cardinal direction. May layo sila na sandaang metro mula sa isa’t isa.Ito ay apat na mga beige statue na may armor at axe, may engrande na presensya ang mga ito.Pakiramdam ng lahat na parang nasa lumang digmaan sila. Ang nakakasakal na pressure ay nakakatakot para sa lahat.‘I-Ito ba ay isang Domain?”Natakot ang mga tao.Alam nila na ang kapangyarihan ng isang Saint level cultivator ay lubos-lubos. Ngunit, hindi sila makapaniwala na ang Domain ng isang Saint level cultivator ay nakakatakot talaga. Agad silang napunta sa ibang mundo.May makapangyarihan na spiritual pressure. Pakiramdam nila na maliit at mahina sila dahil dito.Pakiramdam nila na hindi nila kakayanin kapag nanatili sila ng matagal. Kahit na hindi sila atakihin ni Chance, baka mawala sila
Nabigla agad ang lahat.Seryoso din ang tingin ni Zachary. Mabilis siyang nag cast ng spell gamit ang mga kamay niya at sinigaw niya, “Earth Shield!”Ang matigas na lupa sa harap niya ay umangat. May spiritual radiance sa shield, at marami itong mga rune.Isang intermediate spell ang Earth Shield. Nagamit na ito noon ni Wilbur.Ngunit, sinira ni Wilbur ang shield gamit ang isang suntok habang sumigaw siya. Pagkatapos, tumuloy ang suntok at tumama ito kay Zachary.Walang magawa si Zachary upang pigilan ito. Pinanood niya lang habang tumama ang suntok sa dibdib niya.Sa isang malakas na tunog, tumalsik paatras si Zachary habang tumulo ang dugo sa bibig niya.Huminto si Wilbur at tumayo siya habang nasa likod ang kanyang mga kamay, tumigil siya sa pag atake kay Zachary.Nalilito si Zachary sa sandaling yun, pagkatapos ay mabagal niyang pinunasan ang dugo sa bibig niya. Yumuko siya kay Wilbur at sinabi niya, “Salamat sa hindi pagpatay sa akin.”Tumango ng konti si Wilbur, ngunit a
Ngunit, may isang earth giant na dalawang metro ang tangkad na lumitaw mula sa lupa nang sumigaw si Zachary. Sumugod ito kay Wilbur.Ang earth giant ay tila makapangyarihan. Ang mga kamao nito ay kasing laki ng mga basketball, at meron itong yellow na spiritual radiance, para banng hindi ito mapipigilan.Ang mga tao ay nabigla nang makita ito.Si Zachary ay nagcast ng sunod-sunod na mga spell at kahanga-hanga ito. Hindi pa sila nakakita ng ganitong klaseng ng spell noon.Lalo na sa earth giant na lumitaw. Imposible na kaya itong talunin ni Maniac, hindi ba?Napatingin ang lahat kay Maniac, na siyang naiinis at naging tahimik lang.Nang makita ito ng lahat, tumawa sila.Tama, ang isang mahusay na mentor ay gumagawa ng malakas na mga estudyante. Ang estudyante ng isang Saint level cultivator ay makapangyarihan talaga. Ibig sabihin ay si Chance Taft ay lubos talaga na makapangyarihan. Hindi alam ni Wilbur Penn ang lugar niya.Tumawa lang si Wilbur at sumugod siya sa earth giant ga
Malakas na tumawa si Wilbur bago niya sinabi ,”Alam mo talaga kung paano pagsamantalahan ang sitwasyon, pero isang malaking pagkakamali ang desisyon mo kung sa tingin mo ay kaya ni Chance Taft na protektahan kayong lahat.”“Pambihira. Masyado siyang mayabang.”“Lintik ka! Walang hiya ka para maging mayabang sa harap ni Mr. Taft! Gusto mo talagang mamatay!”“Talunin niyo po siya, Mr. Taft. Para sa pangalan ng mga makapangyarihang Saint level cultivator.”Ang mga madla ay nainis sa pag uugali ni Wilbur, at nagsalita sila upang parusahan ni Chance si Wilbur.Hindi magkasundo sina Maniac at Joel, ngunit may iisang kalaban sila sa oras na yun. Pareho silang tumingin ng masama kay Wilbur.Tumawa si Chance at umiling siya. Sinabi niya, “Hindi alam ng mga bata ang lugar nila sa panahong ito. Nabalitaan ko na mula ka sa Seechertown, kaya sisimulan ko na gawin kang halimbawa, pero hindi kita papatayin. Hahayaan kitang mabuhay, upang bumalik ka at sabihin sa mga tao Seechertown na yumuko at
Tumayo si Maniac, sumagot siya ng mabagal, “Totoo ito, Mr. Taft.”“Bakit?” Malamig na nagtanong si Chance.Lumapit si Maniac kay Chance, pagkatapos ay yumuko siya. Sinabi niya, “Wala itong kunsento ko, Mr. Taft. May taong pinilit akong gawin ito.”Nabigla ang mga tao na hindi alam ang katotohanan. ‘Ganun ba?’Napabuntong hininga si Wilbur.“Siya po.” Tumuro si Maniac kay Wilbur at sinabi niya ng malakas, “Noong nakaraang araw, itong lalaki na may pangalan na Wilbur Penn ay hinanap ako. Muntik niya na akong patayin dahil isa siyang Ambience level cultivator. Tinakot niya ako para atakihin namin si Joel. Wala akong magawa kundi ang sumunod. Mabuti na lang, bumalik kayo, Mr. Taft. Pakiusap, bigyan niyo po ako ng hustisya, at papayag din po ako na maging inaanak niyo.”Pagkatapos, lumuhod siya sa sahig ng hindi nagpapakita ng intensyon na tatayo siya.Nabigla ang lahat. Hindi nila inaasahan na ito ang gagawin ni Maniac.‘Totoo kaya ito?’ Ang naisip nila.Tumingin ang lahat kay Wi
‘Wala nang lugar para sa kanya sa Anya City ngayon at may kinalaman na si Mr. Taft, hindi ba?’ Iniisip ni Joel.Naisip ni Joel na lamang siya. Baka kaya niya pang patayin si Maniac.Hindi pinansin ng lahat ang lalaking nasa likod ni Maniac, at akala nila ay sidekick niya lang ito.Agad na naging malamig ang tingin ni Joel nang makita si Maniac.Patay na ng maraming beses si Maniac kung kayang pumatay ng tingin.Ngunit, matapang si Maniac. Pumasok siya at tumingin sa paligid bago siya umupo kasama ang sidekick niya. Hindi sila makapaniwala na hindi natatakot si Maniac.Ngumisi ang lahat at naisip nila, ‘Pinipilit ni Maniac na magmukhang mahinahon.’Si Maniac ang nasa tuktok ng Anya City, at may laban sila ni Joel, kaya hindi papayagan ni Mr. Taft na magpatuloy siya sa ginagawa niya sa Anya City. Iniisip nila na matapang si Maniac para magpakita.Tumayo si Zachary sa oras na yun. Tumingin siya sa lahat at sinabi niya, “Mukhang nandito na ang lahat, kaya i-welcome natin si Mr. Taf